I Swear This Time I Mean It

By justbetch

34.6K 638 35

Eunice is an innocent teenage girl who has an ultimate crush on her cousin's bestfriend named Kim, who do not... More

PROLOGUE
CHAPTER TWO:
CHAPTER THREE:
CHAPTER FOUR:
CHAPTER FIVE:
CHAPTER SIX:
CHAPTER SEVEN:
CHAPTER EIGHT:
CHAPTER NINE:
CHAPTER TEN:
CHAPTER ELEVEN:
CHAPTER TWELVE:
CHAPTER THIRTEEN:
CHAPTER FOURTEEN:
CHAPTER FIFTEEN:
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN:
CHAPTER EIGHTEEN:
CHAPTER NINETEEN:
CHAPTER TWENTY:
EPILOGUE:
Author's Note:

CHAPTER ONE:

2.3K 46 1
By justbetch

Problema ng love life ni Kim naging problema ko na din tuloy walang hiya naman kasi oh, bakit ba ako sumakay sa trip nila Jude eh, tsk. ako tuloy namomroblema ngayon sa paggawa ng pesteng Love letter na yan!!!

Sulat...

Bura...

Sulat...

Bura...

Sulat...

Bura...

Sulat...

Bura...

tsk. napuno na ang isang buong yellow paper....

Crumple...

Tapon...

Kuha ng bago...

Sulat ulit...

Bura...

Sulat...

Bura...

Sula----

"Hi, Elle" napa-straight nalang ako ng upo ng marinig ang boses ni Eunice

"Ano yan?" nakangiti niya pang tanong

"H-Ha? Ah...assignment ko sa accounting" sabay tago ko ng pinagsusulatan kong papel

"Mahirap mag accountancy?" sabay upo niya sa tapat ko saka tinignan yung napakakapal kong libro sa accounting subject namin

"Oo, lalo na pagkatulad kong hindi nag-aaral" natatawang sabi ko nalang kaya napangiti siya

"Kaya mo yan, ikaw pa"

"Kanina ka pa dumating?"

"Ngayon ngayon lang, nasaan nga pala sila? Ikaw lang ang nandito?"

"Pumunta sila Keith sa talipapa para bumili ng pang gulay, sila Jude naman nagbasketball...teka alam ba ni Fra na darating ka ngayon?"

Tumango lang siya saka ngumiti

"Pero ang alam niya after lunch pa"

"Ah ganun?"

"Um, gusto mo ng cupcakes?" sabay lapag niya ng isang paper bag sa lamesa saka nilabas ang isang container na puro cupcakes ang laman

hahaha, sakto nagugutom pa naman ako

"Penge akong isa"

"Kain ka kahit ilan, ako ang nagbake niyan at saka si yaya"

"Oh? Hindi ba ako matatae pag kinain ko to?" pang aasar ko pa saka kumuhang isang cupcake, alam ko namang masarap siyang magbake eh, hahahaha

Bigla siyang nagpout

"Ang bad mo"

kaya natawa ako lalo

"Joke lang" sabay subo ko ng isang buong cupcake at ang reaction ni Eunice...

O__O

"Ba-et?" tanong ko nalang habang nginunguya ang isang buong cupcake

"Oh my gosh, ang laki nito ah, kasya sa bibig mo?" hindi makapaniwala niyang tanong

"Kaya nga berdugo ang tawag namin diyan kay Elle eh, para kasing hindi babae" napatingin nalang kami ni Eunice kayla Jude na dumating na pala...

"Sige ako nanaman!!"

"Hi Jude, Hi Christian, Hi Stephen, Hi Ace, Hi Mark, Hi Patrick, Hi Gabriel, Hi Jd and Hi Harrold" ^_^ nakangiting bati sa kanila ni Eunice

"Hi Eunice..." in chorus naman nilang bati

May-maya dumating na din si Francis at Kim

"Hi Kim" -Eunice

Tumango lang sa kanya si Kim na poker face pa

"Mauna na kong magshower" sabay akyat ni Kim sa kwarto nila nila Francis

"Ako, wala ba akong 'Hi' 'nice?" sabay akmang yayakapin si Eunice na agad namang umiwas sa kanya

"Ay Francis, amoy pawis ka" sabay pout ni Eunice

"tsk. ang arte naman ni baby Eunice"

"Mahiya ka naman kasi diyan sa pinsan mo Boss, amg baho baho mo tapos yayakapin mo siya" -Jude

"Nagsalita ang mabango ah!" sabay bato ni Francis ng face towel kay Jude, saka muling binaling ang attention kay Eunice "Akala ko before lunch ka pa darating 'nice?"

"Wala kasi akong magawa sa bahay eh, ayoko namang kulitin si yaya"

*****

Pagdating nila Keith nagluto na agad sila ni Eunice ng tanghalian, habang nagluluto sila kanya kanyang pwesto naman sila Jason, Francis,Jude, Ace, Mark, Gabriel, Harrold at Patrick sa sala, naghaharutan habang naglalaro ng playstation, naghihiyawan pa sila pagnananalo ang bet nilang naglalaro

"F*ck sh*t!!" sigaw bigla ni Gab ng makatikim ng combo ang player niyang si Law sa player ni Mark na si Hwoarang.

"Hahaha! iyak na Gab!!" pang aasar pa sakanya ni Mark

"F*ck y*u!!"

"Ang tanga mo Gab, umatras ka muna kasi! tsk. wag kang sugod ng sugod, Bobo!!!" -Francis

Panay ang murahan nila habang naglalaro saka nagtatawanan, siguro may pustahan tong mga mokong na to.

"Ang Bobo mo! Ako nga!!" sabay batok kay Gab saka hinablot ang controller na hawak nito at siya na ang naglaro

"umm, tae ka Mark ah!!!" -Francis

"I-combo mo Fra!! Sipain mo pababa saka mo icombo!!" bigla ko nalang nasabi habang pinapanuod ang laro nila kaya napatingin sakin sila Jude saka nagtawanan

"What?" umiling lang sila

Natapos ang laban ni Francis Mark, at syempre K.O. ang player ni Mark dahil sinunod ni Fra ang payo ko, mwahahaha

"Wooooooh! yeah boy!!" sabay fist pumping pa nila Francis

"Okay 2-1, hahaha!!" sabi pa ni Jason

"tsk. mananalo na kami sa susunod na game!" - Mark

"Tae mo!" -Ace

"Sali ako!" sabat ko ulit habang nakangiti with matching puppy eyes pa kaya tumingin ulit sila sakin, wala naman kasi akong magawa eh, kung dun naman ako kayla Keith baka makagulo lang ako sa niluluto nila eh kapagdito ako kayla Jason atleast marunong akong magplaystation

"Oo nga sali natin si Berdugz, kampi namin!" nangingiting sabi ni Mark

"tsk. Heh! tae wag na imbis na sure win na kami mag 50-50 pa pagkakampi niyo si Elle!!" natatawang sabi nalang ni Francis

"Ang sama mo Fra!!"

"Oo nga wag na isali yang si Elle!!" -Jason

"Sige ganyan, ang damot niyo!!"

"Haha, dun ka nalang kayla Bunch!" -Jason

"tss. sige ganyan kayo, tsk. ang damot niyo sana matalo kayo!!"

"Tulungan mo nalang sila Kat, Berdugz, para matuto kang magluto" -Jude

"tsk. Whatever!!!" sabay punta ko sa kusina kung nasaan sila Keith at Eunice

"Oy bakit nakabusangot ka diyan Babe?" puna agad ni Keith pagkaupo ko sa dinning chair

"Ayaw nila akong isali eh"

"Babe you're a girl, hindi ka dapat sumasali lagi sa hangouts nila" tsk. eto nanaman si Keith, kaya imbis na makinig ako sa sermons miya tinignan ko nalang si Eunice na nakatingin sa sala kung nasaan yung mga mokong, napangiti nalang ako ng mapansin kung sino ang hinhanap niya.

"Wala siya diyan, nasa kwarto siya kasama sila Jd, Christian at Stephen" natatawang sabi ko nalang kaya napatingin siya sakin saka namula ang pisngi niya, hahaha, nagbu-blush siya, nakakatuwa.

"Ang pink ng pisngi mo 'nice, nagblush on ka ba?" dagdag ko pa kaya lalo siyang namula

"Babe?!" suway sakin bigla ni Keith kaya natawa ako

"Joke lang, haha, gusto mo talaga siya no?" Hindi siya nakasagot at napatingin lang sa kamay niya

"One day he's going to like you the way you do and he's going to realize your worth" sabi ko pa saka napatingin si Keith at si Eunice.

"Whoa! yan si Berdugz ang magaling magadvice sa aming magbabarkada!" narinig ko nalqng na sabi ni Jude na nasa likod ko na pala kasama sila Jason, tapos na silang malaro

"Ikaw na talaga Berdugz!" -Gabriel

"Waaaaameeee yooouuu" sabay action ko pa na parang sumasayaw ng soulja boi saka kami nagtawanan lahat

"Abnormal nga lang talaga!!" -Harrold

"Tae mo!!!" -Ako

Maya-maya nang naluto na ang ulam inayos na agad nila Jude ang lamesa para makakain na kami

"Boss kain na!!" sigaw ni Francis kayla Jd na nasa kwarto pa din

Bumaba din agad yung apat mula sa kwarto na nagtatawanan pa.

"Sabi sayo Boss eh, maganda yung Andrea, pormahan mo na" biglang sabi ni Stephen kay Kim na napangiti nalang

Nang mapatingin ako kay Eunice, nakita kong nakatingin siya sa dalawa at nakikinig.

"Wala ng plato?" tanong agad ni Kim ng wala ng natirang plato para sa kanya sa lamesa

"Eto Kim oh plate" sabay abot ni Eunice kay Kim ng plato na dapat sa kanya

"Thanks, but no thanks, I'm going to get my own" sabay iwas ni Kim kay Eunice na napayuko nalang. tsk. gago talaga tong si Kim eh. Buti nalang nasa sala si Francis at pinatay ang TV at hindi narinig yun kung hindi makakasaksi kami ng sapakan ngayon.

"Hala 'nice may ipis!!" sabi ko bigla habang kumakain kami kaya napatayo siya sa gulat kahit na wala naman talaga.

"Saan?" sabay tingin niya sa paligid ng plato niya

"Joke lang, wala!" sabay tawa ko saka nagtawanan silang lahat

"Ang bad mo Elle!" sabay pout niya at napaupo na ulit

"Gago talaga to si Berdugz ang lakad mangtrip!!" -Mark

"If you saw your reaction 'nice, it was priceless" sabay tawa ulit ni Francis

"Ang sama mo Fra!" ni-ruffle lang ni Fra ang buhok niya saka tinuloy na ang pagkain. Atleast nadistract ko siya sa iniisip niya, at nabura kahit papaano ang lungkot sa labi niya.

One day, marerealize talaga ni Kim ang halagang mga efforts ni Eunice at matatauhan siya sa pangbabalewala niya dito

-------------------------------------------

A/N: So? Do you like it? Please Comment and Vote^_^

Continue Reading

You'll Also Like

Gapang By vhfc_13

Short Story

25.6K 50 30
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
177K 10K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
9.1K 143 52
#2 Lee Series "Alam mo gusto kitang pakasalan yun ngalang ang sungit mo kasi" sabi ng batang babae sa batang lalaki. Pano nga ba mainlove ang isang...
5.6K 273 25
WARNING: Mature Scene! Read at your own risk! Dahil sa matinding problema ay napilitan si Althea Gail na tanggapin ang alok na kasal ni Eliab Gavin B...