The Jerk's Wife

By BlondQueen

5.6M 114K 2.7K

THE JERK'S WIFE The Billionaire's Love Series 3 AEGUES RAMA SCHWARTZ Aegues met Maria six years ago due to an... More

READERS
SYNOPSIS
The Jerk's Wife: 1
The Jerk's Wife: 2
The Jerk's Wife: 3
The Jerk's Wife: 4
The Jerk's Wife: 5
The Jerk's Wife: 6
The Jerk's Wife: 7
The Jerk's Wife: 8
The Jerk's Wife: 9
The Jerk's Wife: 10
The Jerk's Wife: 11
The Jerk's Wife: 12
The Jerk's Wife: 13
The Jerk's Wife: 14
The Jerk's Wife: 15
The Jerk's Wife: 17
The Jerk's Wife: 18
BONUS CHAPTER
The Jerk's Wife: 19
The Jerk's Wife: 20
The Jerk's Wife: 21
The Jerk's Wife: 22
The Jerk's Wife: 23
The Jerk's Wife: 24
The Jerk's Wife: 25
The Jerk's Wife: 26
The Jerk's Wife: 27
The Jerk's Wife: 28
The Jerk's Wife: 29
The Jerk's Wife: 30
The Jerk's Wife: 31
The Jerk's Wife: 32
The Jerk's Wife: 33
The Jerk's Wife: 34
The Jerk's Wife: 35
The Jerk's Wife: 36
Paalala:
Epilogue
Excerpt: The Billionaire's Forbidden Love

The Jerk's Wife: 16

130K 2.7K 54
By BlondQueen


"Life's like movie, write your own ending. Keep believing, keep pretending."

----Jim Henson

****************************************

CHAPTER 16: JEALOUS WIFE

Napuyat siya sa kakahintay kay Geus kagabi. Passed midnight na siyang nakatulog. Ang sabi ni Brandon, umalis daw ito at tinanong pa kung nasaan siya. Habang nagluluto, nagtimpla siya ng kape. Tinungo niya ang kwarto ng asawa at kinatok ito habang bitbit ang kape. Asawa parin naman siya kaya natural lang na pagsilbihan niya ito. Mas nanaig parin sa kanya ang ganoong prinsipyo. Ganoon ang kinagisnan niyang pamilya. Her parents are very traditional. Pinagsisilbihan ang ama niya ng kanyang ina. Her mother is such a caring wife to her father. At proud siya sa bagay na iyon.

"Geus, Geus..." Paulit-ulit niyang tawag sa pangalan nito. Pero wala pading sagot. Sinubukan niyang buksan ito at hindi nga naka-lock. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nang masilip sa loob, kitang kita niyang nakadapa ito sa kama, half naked and sleeping in a deep slumber. Napalunok siya nang makita ang kakisigan ng likod nito. Nakasout parin ito ng pantalon, sadyang magulo ang buhok at nakaharap sa gawi niya ang suplado at gwapo nitong mukha. Gusto niyang haplusin ito at halikan. But.. No. She sighed in defeat.

Kawawa naman ang asawa ko...

Pumasok siya sa loob at nilagay ang kape sa gilid ng mesa. Dahan-dahan siyang yumuko para nakawan ito ng halik sa labi. It was just a smack para hindi niya magising ang masarap nitong tulog. Nangangamoy alak pa si Geus. Napangiti siya sa kanyang kapilyahang ginawa.

'Ang gwapo talaga ng asawa ko.'

Napailing-iling siya sa isipang hang-over ito. Kaya pala ginabi ng uwi dahil nakipaglaklakan pa. Napansin niyang kalat na kalat ang mga gamit nito. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit sa sahig at mga magazines na wala sa ayos. Natigilan siya nang makita ang picture frame na nasa gilid ng kama nakalagay. Nasa tabi ito ng lampshade at parang six years ago pa ang larawang ito. Natutulog siya at nakatakip pa ang kumot sa kanyang hubad na katawan.

She is wondering why she had that kind of picture. Hindi siya makapaniwala na si Geus ay magso-store ng picture niya sa ganung ayos, sa ganung pagkakataon. Napangiti siya at nagpatuloy sa pagliligpit. Maya-maya narinig niya ang pag-ungol nito. Nilingon niya ito at dahan-dahan itong gumalaw sa kama. Ibinaling niya ang atensyon sa kurtina. Hinawi niya ito para pumasok ang sinag ng araw sa loob. Nadidiliman kasi siya sa kwarto ng asawa.

"What are you doing here?" Tanong nito, na medyo paos pa ang boses, halatang bagong gising.

"You need coffee. Ipinagtimpla na kita, nandyan sa mesa mo." Kalmado niyang sagot na hindi man lang lumingon sa gawi nito.

Pagkatapos niyang ayusin ang mga kurtina, iniligpit niya ang mga unan na nagkalat sa sahig.

"Alam mo ang kalat ng kwarto mo. Saka madilim, parang kweba. Kailangan mo ng sinag ng araw lalo na sa umaga." Pagsasalita niya habang inaayos pa ang mga kagamitan nito.

"Mas mabuting maligo ka na, prepared na ang breakfast sa mesa." She added. Isinara niya ang mga bukas na drawer saka inayos ang bedsheet.

Nasulyapan niya si Geus na tahimik lamang umiinom ng kape sa gilid ng sofa. He was looking at her with very much odd. He was amused at the same time. Ni hindi man lang ito kumikibo. Nakatitilig sa kanya. Bigla naman siyang na-conscious sa klase ng titig nito.

"What time did you get home? I was still awake till midnight sa kakahintay sayo. I was worried." Bigla siyang natigilan pagkatapos sabihin ang bagay na 'yon pero agad din siyang tumalikod para itago ang pagkapahiya. Napapikit siya sabay kagat labi.

Naku Claire! Nadulas ka na naman!

Nagpanggap siya na parang wala lang upang huwag mahalata ang reaksyon niya. Napakamot siya sa leeg ng wala sa oras.

"What did you say? You waited for me to come home last night kaya ka napuyat?" Geus asked with amusement.

She closed her eyes tightly and bit her lower lip again. She cleared her throat at mahinang nagbuga ng hangin bago lumingon sa kinaroroonan nito. Geus was waiting for an answer.

"Ahmmm.. hindi kasi ako makatulog eh. Inatake ako ng insomnia." Pagdadahilan niya. Hiniling niya sa sarili na sana'y kagatin nito ang rason niya.

But Geus smile like it was just nothing but a simple question. But she had the feeling that he didn't believe of her alibis. Naging malikot ang mga mata niya dahil pakiramdam niya nangungusap ang mga mata nito para magsabi siya ng totoo.

"Ah ganun ba? Hmm..." Tumango tango si Geus sabay higop ng kape, halata namang sinasabayan lang siya nito, not really convinced. Pero hindi maikakailang may naramdaman itong tuwa sa mga oras na ito. At hindi niya alam kung bakit. She was blushing at the same time.

"Sige, maghahanda muna ako. Ayokong mahuli sa trabaho."

Nagmamadali siyang lumabas at agad na bumalik sa kwarto. Pinagalitan niya ang sarili dahil sa mga sinabi kanina. She was feeding his ego. Kaya ayon, may pangiti ngiti na naman itong nalalaman. Feeling niya nasa mood ang asawa ngayon. Ang hirap talaga kapag nagkaroon ka ng asawang sumpungin. Akala niya sa babae lamang applicable ang ganoong mood swings. Pwede din pala sa lalaki. Ang hirap hulihin ang kiliti. Tapos pabugso bugso pa ng nararamdaman.

*************************

Naiinis siya habang inaayos ang folder na hawak-hawak. Panay kasi ang pagpacute ni Rolen Dimples Cruz sa kanyang asawa. Ang babaeng anak ng isa sa mga board members. Inilagay ito sa kumpanya, bilang head sa marketing department. Ang nakakainis lang ay ang madalas nitong pagpapasimpleng papansin sa kanyang asawa. Naiinis siya sa pagiging feeling close nito. Akala mo ay matagal na silang magkaibigan. Kanina pa siya nagngingitngit habang kausap nito si Geus. May pasimpleng pahimas-himas pa ito sa balikat sa asawa niya. Hindi ba ito updated na mag-asawa talaga sila?

Sabagay, she was only introduced to those board directors of the company but not to the whole employees. But she was using Schwartz surname. Bobo lang siguro ang hindi nakaka-gets sa sitwasyon nila. She wasn't formally introduced to all the people here. Hindi rin naman sila intimate publicly. So, she guesses ang tingin ng karamihan ay family related sila. Bukod doon, wala din namang nagtatanong sa kanila.

Pumasok siya sa opisina ng asawa at ipinagpatuloy ang ginagawang report. Biglang bumukas ang pinto sa launch area at tiningnan niya ang pumasok doon. Si Geus. His mood was getting so light, because of that woman! Nanatili siyang nakayuko at hindi pinansin ito.

"Maria, I have a lunch meeting with the staff in the finance department. Just prepare, it will start in less than an hour. You're going with me." Sabi nito sabay sulyap sa orasang pambisig.

She sighed. Yes boss! Pero hindi siya sumagot. Inihanda na lamang niya ang dapat ihandang dadalhin. Sana wala doon ang Rolen na 'yon. Pero alam naman niyang malabong mangyari ang hinihiling niya dahil doon ang babae naka-assigned na departamento.

Maya-maya lamang nag-umpisa na ang nasabing meeting. Lihim siyang napaismid nang makitang nakangiting papalapit si Miss Rolen a.k.a Malanding labas ang galagid, ayon sa pagbibigay pangalan niya para dito. Maganda, matangkad, maputi pero malaki naman ang bunganga. She doesn't fun of body shaming or physical appearance pero dahil sa inis niya sa pagiging close nito kay Geus ay tila gusto niyang sabunutan ito. But she knew she couldn't do it kaya sa isipan na lamang niya ito nilalait.

"Okay ka lang?" Bulong sa kanya ni Dorites, ang head of staff ng HR. Ito kasi ang babaeng una niyang naging close. Thirty-year-old virgin kung tawagin siya ng karamihan dito.

"Yeah, I'm fine." She released a tight smile at lihim na sinulyapan ang katabi. Geus was sitting between her and Rolen. And she was out of place dahil sa masayang nag-uusap ang dalawa.

"Geus, when I was in college, pambato ako sa ballet dance ng university namin." Pagmamayabang nito.

"Then dahil magaling naman ako sa interior designing..." Another patronizing of herself.

"And you know what Geus, may nag-offer pa sa akin na modelling agency para maging ramp model. You see, hindi sa pagmamayabang nasa figure ko ang pagiging modelo."

Another proclamation of herself. Inikot niya ang mga mata at lihim na umismid.

"Buti na lang naisip ni Dad na ipasok ako dito. You know we really have some common." Dugtong nito kay Geus.

Another assumera. 'Echusera din pala ang babaeng ito. Andaming sinasabi' Bulong ng kanyang utak.

Paano kaya natitiis ni Geus makipag-usap sa babaeng puno ng hangin ang utak? Puro pagpupuri sa sarili ang laman ng sinasabi nito. Binuhat na nga ang sariling bangko, pati ba naman mesa? Si Geus naman parang tanga nakikinig sa walang humpay na pagmamayabang nito. Ano kaya ang magiging reaksyon nito sa oras na malaman nitong mag-asawa sila?

"May mga times pa na ang mga producers and directors na nag-ooffer na pwede akong mag-artista."
She lifts herself once again.

"Meeting is about to start. Please everyone lend me your ears." Ngumiti ang nagfacilitate ng meeting.

She was thankful dahil tumigil na sa pagsasalita si Miss Rolen. The meeting was addressed to Geus dahil nagkaroon ng conflict sa management. Maraming complains dahil sa pagkakaroon ng unnecessary budget projects where in fact mas marami pang dapat pagtuunan ng pansin.

She was bored with the meeting. Wala sa huwisyo ang utak niya para makinig. Ang atensyon niya ay nasa babaeng panay tsansing sa kanyang asawa. Geus was just seriously listening with the meeting.

Suggestion's forum.

Nag-excuse siya sandali para magpawala ng antok sa comfort room. Sumunod naman agad si Dorites sa kanya.

"Alam mo hindi ko talaga feel ang Rolen na yan. Wala na siyang ibang ginawa kundi landiin ang asawa mo. I mean si sir Schwartz." Sabi nito na ikinabigla niya.

Alam niya?

She frowned looking at her. Dorites rolled her eyeballs.

"Alam ko. Ang totoo alam ng buong department. Usap-usapan yan sa buong office." Sagot agad nito nang maintindiham ang klase ng tinging pinupukol niya.

Usap-usapan? Really?

"Paano niyo naman nalaman?" Maang niyang tanong saka itinuon ang atensyon sa harap ng salamin. Inayos niya ang kanyang sarili.

"Si Madam Suarez ang nagsabi, yong isa sa mga board members. Alam mo chismosa kasi si Ma'am saka Schwartz ka kaya hint na namin yan simula noong pumasok ka dito. Si Brandon na din ang nagsabi na you are living with him. Kaya alam namin. Isa pa, nakikita din namin how sir Schwartz look at you. May something. Kumbaga, may sparks!" Sabi nito with actions pa nq kinikilig.

May sparks? Tingin niya ay parang wala naman.

"Saka noong umpisa hindi talaga namin aakalaing may asawa na si sir. Malihim kasisi sir Geus." She added.

"Ah ganun ba." Nakangiti niyang tugon. Sa subrang daldal kasi nito, wala na siyang masabi."

"By the way, ilang taon na kayong kasal?" Pangungusisa nito. Chismosa talaga.

"Ahmm.. more than six years na." Sagot niya. Nanlaki ang mga mata nito. Well, hindi niya talaga ugaling magsinungaling.

"Six years? Ganun na katagal? Bakit kaya hindi nabalita ang pag-aasawa ni sir. Alam mo mabait ang mga in-laws mo. Gusto ko ang pamamahal ni Senior CEO." Opinyon nito.

Napangiti siya sa sinabi nito. Ang totoo, wala siyang ideya kung makikilala ba niya ang mga magulang ni Geus o darating ba ang panahon na ipapakilala siya nito bilang asawa. Marami kasing posibilidad na mangyayari.

"Well, it's a long story dear. Nagkahiwalay kasi kami, alam mo na teenager pa ako noon. Dala ng kapusukan then ngayon lang kami ulit nagkita." She paused, hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang totoo dito. Baka ipagkalat pa nito sa iba pero tingin niya kay Dorites ay mapagkatiwalaan naman. But still, hindi siya ganun ka-vocal na tao. Mananatiling pribado ang bagay na yon.

"Yon na, unexpectedly nagkabalikan kami."

Liar!

Napatingin ito sa kanya wari, nahihiwagaan at namamangha pa. Sa itsura nito, alam niyang nabitin pa ito at gusto pang mangungusisa. She's preparing herself for sugar coated statement kung sakali mang magtatanong pa ito.

"Pero may anak ba kayo o wala?"

She was caught off guard with her sudden question. Napaawang ang bibig niya at direktang tiningnan ito. Nagtatalo ang isipan niya kung sasagutin ba niya ang katanungan nito o hindi. She still keeping that secret for a long time from her husband and yet, hindi naman niya magugustuhang una pa malalaman ng mga empleyado ang bagay na yon kaysa sa asawa niya. She was about to answer her question when someone barged in the wash room. Unexpectedly, speaking of the devil, the higad woman named Rolen furrowed her long thin line eyebrows seeing them looking at her.

"What's the fuss? Do you guys find me so beautiful to look at me like that?" She asked with her be-like-posh accent, trying to impress them in a sarcastic way

Obviously, she was trying to be relevant with her action na privilege itong mag-inarte sa harapan nila. Ni hindi man lang ito kumatok o nagdahan-dahan sa pagbukas ng pinto. Aber, sinong hindi matitigilan at mapapatingin sa ginawa nito? Mayaman nga wala namang manners. Mali, edukada nga pero magaslaw naman ang kilos nito. Mayabang. At maarte na wala sa lugar.

"Duh. You surprise us kasi, madame. Bigla ka na lang pong pumasok." Medyo naiinis na wika ni Dorites at lihim na inismiran ito.

Siniko niya ito sa tagiliran nang umikot ang eyeballs ni Dorites, baka mahalata nito ang asim ng pakikitungo nito sa dalaga. Ang mga ganitong klaseng babae ay hindi dapat pinapatulan. Tinaasan ni Rolen si Dorites ng kilay at namewang.

"What did you say?" Mataray nitong tanong at naliliit pa ang mga mata nitong nakatingin sa kanilang dalawa. Claire heaved a sigh then shake her head off. Wala siyang panahon para patulan ang pagiging assumera nito o pagtataray ng babaeng ito.

"Wala. Ang sabi ko, may asawa na si Sir Geus. Tara na nga MRS. SCHWARTZ." Sagot ni Dorites sabay hila sa kanya palabas ng comfort room.

Agad din siyang nagpatianod at bago pa man siya makalabas ay nahuli niya ang pagkabigla at pagtatanong ng mga mata nitong nakatitig sa kanya. Ngumiti siya na may pagmamayabang at saka lamang tinalikuran ito. Di naman masama na kahit minsan ay gantihan din ito dahil matagal na siyang nabubuwesit sa inaasal nito na pagiging close sa asawa niya.

Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Ipingadidiinan talaga ni Dorites ang apelyido niya para matauhan ito sa pinagsasasabi.

Again, this time hindi siya magpapatalo. Siya parin ang asawa at pagsisisihan talaga nitong lumandi ito kay Geus.

Humanda ka sa aking Rolen ka!









Continue Reading

You'll Also Like

36.4K 342 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
2.5M 89.5K 60
Collab with Makiwander Meet Davide Castillejo, a ruthless businessman who will do anything to be the CEO of the family corporation, including marryin...
266K 8.8K 49
She is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got m...
200K 12.9K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"