Finding Miss Unknown [Complet...

By AlizahAnn

54.5K 580 106

Si Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may m... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20.1
CHAPTER 20.2
CHAPTER 21.1
CHAPTER 21.2
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
Read if reader ka ng Finding Miss Unknown :)
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39.1
CHAPTER 39.2
CHAPTER 40
EPILOGUE

CHAPTER 22

805 5 0
By AlizahAnn

Dedicated to i_love_kyle. I love her stories Living Under The Same Roof Books 1 & 2. And yung My Hot Alien Boyfriend.

CHAPTER 22

------ 


Two weeks na mula nung first monthsary namin pero di pa rin ako makaget over sa mga ginawa nya para sakin. Kyaaaaah hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko yun. >///<

Saturday na naman at walang pasok. Nakahiga lang ako sa malambot kong kama kayakap ang aking mga panda.

"Lee, I love you. I’ll never demand anything from you. I’ll never ask you to love me back the way I do. All I want is to see you happy. If ever you’ll fall out of love, I’m willing to give up and set you free. Remember that huh?"

Habang sinasabi nya ang mga salitang yan bago kami umalis sa lugar na yun pakiramdam ko ako na ata ang pinakamaswerteng babae sa mundo.

"aww aww awww"

"Hello noodle. Gutom na ba ang baby ko?" Hinawakan ko yung ulo nya. He’s so cute. Bigay sya ni Dree last week. Si Noodle daw muna ang magiging baby namin hangga’t hindi pa kami kasal. Isa syang 4-month old japanese spitz, katulad nung aso na nakita ko sa mall the day before nyang bilin si Noodle. Well, sobrang na-cute-an ako dun sa aso na nasa mall and unconsciously nasabi kong gusto ko rin ng ganoon. At mukhang sineryoso ata nya yung sinabi ko kaya binili nya ko kinabukasan. Si Dree talaga. 

Ano kaya kung sabihin ko rin na gusto ko ng parrot, bibili nya kaya ako ? Ang astig kasi ng mga nagsasalitang ibon.Wahahaha joke lang, baka sabihan pa ko ng iba na abusadong girlfriend. 

"Come baby Noodle." Lumabas na kami sa kwarto habang nakakarga sya sakin.

"Dessa, nasaan na yung dog food ni Noodle? Ako na magpapakain sa kanya."

"Miss Lorraine naubos na pala kaninang umaga. Mamaya sana ko bibili pagkatapos kong magresearch.Sorry Miss," nahihiya nyang sagot sakin. Aalis na sana sya sa tapat ng computer.

"No, it’s alright Dessa. Ako na bibili. Tapusin mo na yang research mo. May klase ka pa mamaya di ba?"

"Pero Miss---"

"Dessa, I said it’s okay. Wala rin naman akong gagawin ngayon."

"Kayo po bahala. Kaso day-off ngayon ni kuya Dan."

"Magcocommute na lang ako. May malapit naman na pet supply shop dito."

"Naku! Miss, hindi pala pwede. Baka pagalitan ako ng mommy mo kapag nalaman na namasahe ka mag-isa."

"Ako bahala Dessa. Hindi nya yun malalaman kung walang magsasabi. At saka nakabihis na ko." Ngitian ko sya at dali-daling lumabas ng unit ko.

First time kong magcommute ng mag-isa. Goodluck sakin. Pwede akong magtaxi o jeep. Hindi pa ko nakakasakay ng jeep kaya ang sasakyan ko ay jeep. Pumara na ko at umupo sa may likuran ni manong .driver.

"Bayad po." Iniaabot nung babae yung pera nya sakin. Ano gagawin ko dito?

"Miss, makiabot yung bayad kay kuya."

"Sorry."

Kailangan ko na rin pala magbayad. "Manong driver, bayad ko po."

"Ah ine wala ka bang barya? Wala akong panukli sa 1,000 pesos mo."

"Sorry po. Magkano po ba hanggang Dragon Mall?"

"P11.00. Eto na pala babaan ng Dragon Mall"

"Eto po bayad ko. Keep the change po." Nagbigay ako ng 50 pesos. Ang mura pala kapag jeep. Malay ko bang hindi sya aabot ng 50. Maaya nga sila Jessy magjeep. Siguradong hindi pa rin yun nakakasakay ng jeep. There’s always a first time.

Pumasok na ko sa Dragon Mall at nagtungo sa pet supply shop.

Three-kilogram pack of dog food, 3 packs of milk, and dog shampoo & conditioner. Makabili na lang ulit next time. Yan lang kaya ng braso ko.

Ang creepy ng feeling. Kanina ko pa nararamdaman na parang may nakatingin sakin.

7:15 pm na sa wrist watch ko. Oh my! 7:15 na pala! 4pm ako dumating ng Dragon mall. Oo na, yung totoo hindi kagad ako bumili ng supply ni Noodle. Nag-crave kasi ko sa kimbab at o-deng kaya kumain muna ko sa korean fast food sa loob ng mall. Kanina pa siguro ko hinahanap ni Dessa. Kung mamalasin nga naman, lowbat na cellphone ko kaya di ko masasabing male-late ako ng uwi. 

Ang dilim na. Kailangan ko pang umakyat ng over pass para makasakay ng jeep pauwi.

Walang tao. Ang dilim pa. Isang maliit lang na poste ng ilaw meron. Enough lang para magkakitaan yung mga naglalakad. Katakot.

Ayan may tao na ata sa may likuran ko. May makakasama na ko pababa.

"Miss, hold-up ’to." Sana di na pala.

"Miss beautiful. Ibigay mo samin ang lahat ng pera at cellphone mo kung ayaw mong butasin ko tagiliran mo!"

"Ku-kuya maawa po kayo sakin." Nakatutok sa tagiliran ko ang isang kutsilyo. Dree, tulungan mo ko. Teka parang pamilyar sila sakin.

"Ang dami mo pang satsat. Halatang mayaman ka sa laki ng pera na binabayad mo kanina sa jeep. Ayos!"

Tama sila nga. Naalala ko na, sila yung mga nakasabay ko sa jeep kanina. Kanina pa siguro nila ko sinusundan. Kaya pala parang may nakatingin sakin kanina. Waaaah mukha silang mga adik.

Ibinigay ko sa kanila yung wallet at iphone ko. Akala ko pakakawalan at hahayaan na nila kong umuwi pero nagkakamali ako.

"Jackpot tayo pare. P20,000 ang laman ng wallet ni Miss beautiful," sabi nung isang hold-upper na may hikaw sa tenga. Eeew sabi na eh, kay Dree lang bagay yung hikaw sa lalaki. Sila mukhang adik.

"Aleena Lorraine Cervantes, pangalan palang mukhang mayaman na," basa nung bungi yung ngipin sa student driver’s license ko. One seat apart yung ngipin nya ha. Parang final exmination lang. At take note may bad breath pa sya. Eeeew, Raine you’re so mean.

"Ku-kuya, nakuha nyo na yung pera at phone ko. Please, pakawalan nyo na ko."

"Sino nagsabing pakakawalan ka namin ng basta-basta," nakangising sabi nung may hikaw. Masama kutob ko dito ha.

"Oo nga naman. Sumama ka muna samin. Ayos, ang kinis pare. Pwede, mapapaligaya nito tayo ngayong gabi." Ano daw? Mapapaligaya ngayong gabi? Dree I need you here!

"Maawa po kayo." Wala pa nga akong first kiss eh. Para lang yun sa magiging asawa ko. Ano gagawin ko? 

"O, Miss beautiful bakit nanginginig ka? Wag kang matakot. Paliligayahin ka namin ngayon" sabi ni manyak na one seat apart. Hinawakan nya yung kaliwang braso ko.

"Wag po. Pakawalan nyo na po ako," pagmakaawa ko sa kanila.

"AHHHHHHH," sigaw nung nakahawak sakin. Napabitiw sya sa pagkakahawak sa braso ko at namimilipit sya sa sakit na nakaupo sa sahig.

"Sino kang pakialamero ka?!" sigaw naman nung bad breath guy na may hawak ng kutsilyo. Isang lalaki ang nakaharap sa kanya. Nakaapak yung kanan nyang paa dun sa braso ni one seat apart guy.

Hindi ko maaninag yung mukha nung lalaki dahil nakapatalikod sya sa pwesto ko. Hindi sya kumibo at bigla na lang sumugod si bad breath guy. Waaah may kutsilyo syang hawak at wala naman itong balak maging hero. Hindi ko kaya makita ang mangyayari. Iligtas nyo po sya please. 

Blaggh. "AHHHHHH" May bumagsak na sa kanila.

May humawak sa balikat ko. Baka si bad breath guy ’to. I’m dead. 

"May masakit ba sa’yo Lorraine?" Ang boses na yun.

Inaalis ko yung pagkakatakip ng kamay ko sa mata. Pag-angat ko ng mukha, sya nga.

"Ch-chad?" Bakas sa mga mata nya ang pag-aalala sakin.

"Are you alright?"

Hinawakan nya yung braso ko at ininspeksyon yun.

 "Ch-chad."

"Tell me. May masakit ba sa’yo?" Nakatitig sya sa mga mata ko.

Hindi ako makasagot. Kinabig nya yung ulo ko sa dibdib nya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.

"I’m here. Ligtas ka na Lorraine," sabi nya habang hinahagod yung likod ko. Pakiramdam ko safe ako kapag nandyan sya.

Matapos kong umiyak sa dibdib nya kumawala na ko sa pagkakayakap sa kanya. Medyo awkward din yung feeling. Aside kay daddy, kuya Law and Dree, sya pa lang nakakayakap kong lalaki.

"Feeling better now?"

Tumango lang ako biglang sagot. Yung dalawang hold-uppers naman walang malay na nakahiga sa sahig. Ang galing ni Chad.

"Oo dito sa may over pass sa tapat ng Dragon Mal,l" sabi ni Chad sa kausap nya sa phone.

"Let’s go?" Kinuha nya yung mga pinamili ko na nakalagay sa gilid.

"Huh?" Tinignan ko saglit sina one seat apart at bad breath. Paano kaya nya nakayang patumbhahin yung dalawa , eh nag-iisa lang sya. Take note may kutsilyo pa yung isa. Hindi kaya, isa syang gangster? Hmmmm. Hindi siguro. Hindi naman mga gangster mga kaibigan nya.

"Tinawagan ko na yung mga pulis. Sila na bahala sa dalawang yan. Ihahatid na kita" Nagsimula na syang maglakad pababa ng over pass.

"P-pero Chad---"

"I won’t accept no for an answer."

Eh kasi naman. Nakakahiya na kaya. Niligtas na nga nya ko tapos ihahatid pa nya ko.

"At wala ka namang dalang sasakyan di ba?" 

"Paano mo nalaman?"

"May sariling parking lot ang Dragon Mall. Hindi mo na kailangan umakyat ng over pass" Oo nga naman. Common sense nga naman Raine.

"Tara, baka may ibang hold-uppers pa dyan sige ka."

Sige na nga. Wala munang hiya-hiya ngayon. Sumunod na rin ako kay Chad. Nasa likod nya lang ako, ang bilis naman kasi nya maglakad. Ang hahaba kasi ng legs nya. Ang isang hakbang nya, dalawa ko ata. Nang makarating kami sa parking lot, pinagbuksan nya pa ko ng pinto ng kotse.

Inihatid nya ko hanggang sa tapat ng elevator.

"Are you sure walang masakit sa’yo?" tanong nya pagkaabot nya sakin ng mga pinamili ko at yung wallet at phone ko.

"Wala nga." Kanina pa nya ko tinatanong mula pa nung nasa kotse kami kung ayos lang daw ba ko o kung may masakit daw ba sakin.

He smiled at me. "Mabuti naman. Sa susunod wag ka na aalis ng walang kasama. Baka mapahamak ka na naman."

"Awww!" Pinitik ba naman yung noo ko.

Pinagtawanan nya lang ako "Umakyat ka na. Goodnight Lorraine." Nagsimula na syang maglakad.

"Chad, thank you sa pagligtas sakin!"

Itinaas lang nya yung kanang kamay nya at nagwave sakin habang nakatalikod papunta dun sa entrance door ng building. Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng chance para magkausap since nung sa Boracay. Madalas ko silang makita pero pakiramdam ko ayaw nya ko kausapin. Everytime na kakamustahin ko sya, sasagot lang sya ng okay lang tapos lalayo na sya. Pero ngayon, sobra yung pag-aalala nya sakin kanina. Siguro dahil kaibigan nya si Dree. Tama yun nga lang siguro yun. 

------

Author's Note:

Thank you for reading my story!

VOTE-COMMENT-BE A FAN

--Alizah Ann

Continue Reading

You'll Also Like

385K 25.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
8.7K 95 6
NOTE : Edited Copyright 2018 -Miss_JAM **
Deadly Love (Book 1) By nek

Mystery / Thriller

804 181 18
[BOOK 1] Ang kwento na ito ay tungkol sa isang lalaking may pangalang Noah, na nangangarap maging abogado upang mabigyan ng hustisya ang krimen na ka...
51.6K 804 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: