Forbidden Flower (Jillian Fue...

De letmebed1

3.2M 48.9K 4.4K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Meet Jillian the famous Varsity Player lahat halos ng stu... Mai multe

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 23

98.8K 1.3K 140
De letmebed1



Jillian Fuentes




Dumiretso na kami rito sa school pagkagaling ng resort. Napahikab at napapapikit ako habang naglalakad papuntang classroom. Kahit si Anne ay mukhang inaantok din.

Si Jean nasa sasakyan pa. Sina Jo at si Ms. Jack naman nauna na sa amin. Mukha tuloy kaming zombies sa itsura namin.

"Babe?"

Kinalabit ko ang balikat niya.

"Hmm?"

"Pwede mo ba akong buhatin papuntang room? Inaantok talaga ako, eh"

"Hmp! Gumapang ka na lang."

Sungit pa rin! Pero yong mata niya halatang napapapikit. Binilisan kong maglakad, naiwan tuloy siya.

"Jillian, wait mo ko!"

Napangiti ako dahil binilisan din niyang maglakad. Akalain mo hahabulin din niya ako.

".....gusto ko pa talaga matulog." sabi niya nong maabutan niya ako saka siya humawak sa damit ko.

"Tara babe absent na lang tayo?"

"Baliw may quiz tayo ngayon."

Ay Oo nga pala! Patay hindi ako nakareview. Paano kapag na-zero ako? Di bale madalas ko naman natsatsambahan yong mga tamang sagot.

Pumasok na kami ng classroom saka umupo. Nagstart na rin ang klase namin. Si Ms. Jack ang teacher namin dito sa first subject. Yay! Di halatang pagod, siguro dahil todo ang make-up niya.

Nilingon ko yong dalawa.

Si Jean bangenge, si Jo naman nakatingin lang sa pinakamamahal niyang teacher. Napapailing ako kapag naalala ko yong ginawa nila sa kwarto kahit andon din kami ni Anne. Mukhang iiyak talaga ang babe ko nong hindi siya makaihi sa banyo dahil doon gumagawa ng milagro si teacher at si Jo.

Hindi kaya maging pervert na tong kaibigan ko? tsk tsk!

Ako kaya, kelan kaya ako pagbibigyan ng babe ko? Kamot na lang ako sa gilid ng kilay ko. Parang ayaw naman niya akong pagbiyan. Asar!

Saglit! May Naalala ko.

Napatingin ako sa babe ko. Tumingin din siya sa akin saka siya nagtaas ng kilay.

Napalunok ako.

Sabi niya hindi raw niya pinagbigyan yong mga naging BF niya noon. Napangiti ako at nakagat ang lower lip ko.

Ibig sabihin, ayieee! Virgin pa siya!

Well hindi naman yon mahalaga sa akin. Virgin man o hindi basta mahal ko siya. Pero iba sa pakiramdam nang malaman ko na wala pang nakaka-una sa kanya.

Para tuloy akong naka-jackpot nito.

Natapos ang mga quizzes at klase namin buong maghapon kaya sa wakas uuwi na kami at matutulog na. Yehey!

"Jillian, uwi na tayo."

"Hmm?" bakit ngiting-ngiti ang babe ko? Naglakad na kami papuntang kotse habang nagte-text siya.

"Nasa apartment si Nanay." sabi niya saka binulsa yong phone niya.

"Oh? Sige bilisan natin!" kaya pala ngiting ngiti siya.

Sumakay kami ng kotse, at dito sa tabi ng kalsada na katapat ng apartment niya ay iniwan ko itong sasakyan.

"Nay!" halos tumalon sa tuwa ang babe ko saka siya nagmano.

"Aba Jillian?" bati ng Nanay namin nong makita ako.

"Magandang hapon po, Nay" bati ko sa kanya saka ako nagmano.

Tumingin ako sa babe ko at nakataas yong kilay niya. Bakit ba! Nanay ko na rin siya. Isa pa hindi naman umangal si Nanay, eh.

Pumasok na kami ng apartment niya. Kami ni Nanay umupo na rito sa sofa. Si Anne pumasok ng banyo.

Paglabas niya nakabihis na siya ng pambahay at nakapusod ang buhok niya.

"Ay Anne kasama ko pala si Rhen kanina may pinuntahan lang siya saglit at babalik daw. Siya sumundo sa akin sa terminal kanina." sabi ni Nanay.

Tahimik lang ako. Pupunta dito si Rhen?Asar!

"Kumusta naman ang pagaaral niyong dalawa, Jillian?" tanong sakin ni Nanay habang binubuksan niya yong bag niya.

"Okay naman po, Nay. Si Anne po laging nagta-top sa klase."

"Natutuwa ako dahil nakahanap siya ng kaibigan na gaya mo na mabait."

"Swerte ko rin po nakilala ko si Anne. Hindi lang po siya mabait super sungit din po." sabi ko na natatawa.

Napatingin ako kay Anne, nakataas agad ang kilay niya saka niya ako binato ng kamatis. Natatawa tuloy ako.

Mukhang magluluto na ang babe ko.

"Naku masungit talaga yan kaya pagpasensyahan mo na kung sinusungitan ka niya." tumango-tango lang ako habang nakatingin kay Nanay.

"Buti po napadalaw kayo kay Anne?"

"Kasi pumunta ako sa Tita niya na nandito rin sa Manila kaya naisip ko na dumaan dito, hindi ko kabisado kaya nagpasundo ako sa kaibigan niyang si Rhen."

"Eto lang ang pasalubong ko hija pagpasensyahan mo na."

Wow ang bait ni Nanay may pasalubong siya sa akin.

"Thank you po Nay." sabi ko pero wala akong idea kung ano ba tong inabot sa akin na nakaplastik.

"Yan yong special na espasol galing sa probinsya."

Nilagay ko agad sa bag ko.

Natapos na magluto ang babe ko. Kami naman ni Nanay ang tagal nagkwentuhan. Dami niyang kwenento sa akin.

"Nay, Jillian, kain muna tayo." tawag ng babe ko saka siya lumapit sa amin. Tumayo na si Nanay at lumapit sa table.

"Nanay, huh?" Pabulong na saad niya sabay sundot sa tagiliran ko.

"Babe, ang sarap tawaging Nanay si Nanay mo" mahinang saad ko.

"Halika na nga."

Hinila niya ang kamay ko papuntang table. Nagstart na kaming kumain nong may kumatok. Mukhang si Rhen na 'to. Binuksan ni Anne yong pinto.

"Rhen, pasok ka."

"Tamang tama dating mo halika kain na." si Nanay.

"Opo, uy Jillian." Ngumiti siya kaya pilit din akong ngumiti.

Kumuha pa ng isa pang plato si Anne. Kain lang ako ng kain. Naguusap naman silang tatlo. Si Rhen ang maghahatid kay Nanay sa terminal bukas ng madaling araw kaya siya nandito.

"Dito ka na matulog Rhen para hindi ka na mahirapan pa." sabi ni Nanay. Parang nawalan ako ng ganang kumain. Dito matutulog si Rhen? Kainis!

After namin kumain umupo kaming lahat dito sa sofa saka nanuod ng movie.

"Kahit dito na lang ako sa sofa matulog best." si Rhen.

"Ahm sige saglit ayusin ko lang din yong kama para makatulog na si Nanay.-----Jillian, wait lang." bulong niya sa akin saka siya tumayo.

Pakiramdam ko ako na lang hinihintay nilang umalis para makatulog na sila. Hay!

After ayusin ni Anne yong kama bumalik na siya rito at umupo sa tabi ko.

"Sige po paalam na po ako sa inyo. Ingat po sa biyahe niyo bukas." 

Tumayo na ako at tumingin kay Nanay. Hinihintay kong pigilan ako ni Anne pero tumayo lang din siya.

"Jillian, ingat ka sa biyahe mo pauwi, ha?" Tumango ako saka naglakad palabas ng pinto. Hindi man lang niya ako pinigilan.

"Thanks sa dinner."

Nakatayo ako rito sa labas ng pinto saka ako lumapit para humalik sa kanya pero umiwas siya.

Nakatangin pala si Rhen sa amin.

Kaya naman pala.

"Sorry."

Umalis na ako.

Pumasok na ko sa kotse. Para akong napahiya sa pagiwas niya kanina. Nakaupo lang ako rito habang nakatanaw sa apartment niya. Nagseselos ako. Doon matutulog si Rhen tapos ako hinayaan niyang umuwi.

Pinaharurot ko na pauwi tong sasakyan ko. Saglit lang nakarating agad ako rito sa bahay.

Naglalakad na ako papuntang kwarto ko.

"Jillian."

Natigilan ako sa paglalakad at napangiti.

Pagharap ko sa taong tumawag sa pangalan ko ay labis akong natuwa.

"Dad!"

Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"How's my little girl?"

Ginulo niya ang buhok ko.

"Dad hindi na ko little girl, isa pa bakit ka umuwi nang walang pasabi?"

Hindi ko akalaing uuwi siya ngayon. Natutuwa ako dahil andito siya.

Pero sa kabilang banda hindi ko makalimutan si Anne. Ano na kaya nangyayari doon? Tulog na kaya sila o naguusap pa sila ni Rhen?

"Sweetheart tahimik ka na diyan hindi ka ba masaya na andito ako?"

"Dad, masaya ako syempre. Where's Mom?"

"Sa next na uwi pa siya makakasama. May mga kailangan pa siyang ayusin kaya hindi siya nakasama. Isa pa biglaan lang talaga ang uwi ko."

Pumunta muna kami ng veranda at nagkwentuhan. Paminsan minsan ko lang sila makita pero masaya ako kasi kapag dumadating sila lahat naman ng atensiyon nilang dalawa binibigay nila sa akin.

Nagpatimpla siya ng kape para sa kanya.

"Dad?"

"Yes, anak?"

"Hindi mo ba siya hahanapin?"

"Sino?" nagtataka siya.

Huminga ako ng malalim.

"Yong kapatid ko."

Seryoso akong nakatitig sa kanya.

"Jillian, paano mo nalaman na----."

"Dad hindi na importante 'yon. Wala ka bang balak na hanapin siya?"

"Ang totoo nakita ko na siya."

"Nasaan siya Dad bakit hindi mo ipinakilala sa akin?"

Tahimik ulit siya. Matagal bago siya sumagot.

"Ayaw niyang sumama sa akin dahil kinamumuhian niya ako."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Sinong aayaw sa isang gaya niya? Mayaman at mabait kahit sino siguro ay gu-gustohing maging Dad siya. Yon nga lang siya yong taong walang oras para sa mga anak niya.

"Gusto ko siyang makita. Ipakilala mo ako sa kanya, Dad."

Hindi siya umimik ipinagpatuloy lang niya ang pag inom ng kape.

"Magpahinga ka na, anak."

Mukhang ayaw niya. Tumalikod na ako.

"Jillian?"

"Yes, Dad?" humarap ulit ako sa kanya.

"Hindi ka galit sa akin?"

"Dad sino ba naman ako para magalit sayo? Isa pa gusto ko talaga magkaroon ng kapatid. Si Mom alam ba niya?"

Tumango siya.

"Siya ang unang nakaalam. Nong una hindi niya matanggap pero unti-unti namang nagbago at natanggap din niya."

"Dad?"

"Yes?"

"May gusto rin sana akong sabihin sayo." medyo kinakabahan ako.

"Ano yon, anak?"

"Dad I have a girlfriend." sabi ko. Pansin kong tumaas yong dalawang kilay niya. Tahimik na naman siya. Ugali talaga niya yong hindi sumasagot agad.

"Maganda ba like your Mom?"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Dad, she's beautiful and smart. Hindi ka ba galit na ganito ako?"

"You know how much I love you. Basta masaya ka, masaya rin ako para sayo."

Yumakap ako sa kanya saka niya hinalikan ang noo ko. Naiiyak tuloy ako.

"Thanks, Dad, I love you so much."

Hindi ko alam kung ano yong mangingibabaw sa akin, kung tuwa ba dahil andito si Dad at tanggap niyang may girlfriend ako o maiinis ako dahil nasa iisang bubong si Rhen at ang babe ko.

After namin magusap ni Dad ay pumasok na ko rito sa kwarto ko. Nagshower at nagsuot na ko ng pajama. Inabot ako ng madaling araw pero hidi pa rin ako makatulog.

Lumabas ulit ako ng room ko saka nagpunta ng 4th floor ng bahay.

Nakatayo ako rito sa harap ng sand-bag saka ko sinipa-sipa. Hindi ko tinigilan hanggat hindi ako pinagpapawisan. Pero wala ring epekto, kahit pagod na ako hindi ako dalawin ng antok.

"Good morning, gising na may pasok ka pa." Napakurap-kurap ako.

"Dad?"

Pagtingin ko ng paligid ko hala! Dito na ako nakatulog sa tabi ng sand-bag. Tumayo na ako at humalik sa pisngi ng Dad ko sabay takbo papunta sa room ko.

Binilisan kong kumilos.

"See you later, Dad!"

Kumaway ako sa kanya. Sumakay na ako rito sa kotse ko saka nagdrive papuntang school.

Late na ako kaya hindi ko na masusundo ang babe ko baka nasa school na yon. Isa pa nagtatampo ako.

Malapit na ako sa school.

"Oh sh*t!" bigla kong tinapakan yong preno nong may nag-over take at tumigil sa harapan ko na sasakyan.

Muntik na akong mauntog sa manibela. Asar!

Bumaba agad ako ng kotse. Lumabas din ng kotse yong driver na nasa unahan.

"Hindi ka marunong magdahan-----" natigilan ako hindi ko agad nakilala yong sinisigawan ko.

"What, Jill?"

Tiffany!

"Anong problema mo!"

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga text and calls ko?!"

"Para ano pa? Pwede ba tantanan mo na ako!"

"Jill, kaya lang ako bumalik ng bansa para sayo. Hindi ko magawang magmahal ng iba katulad ng pagmamahal ko sayo."

Ano raw?

Napapailing ako.

"I'm sorry Tiff may mahal na akong iba."

"Really? Okay!"

Halata sa mukha niya ang galit. Pumasok siya sa kotse niya pero lumabas din agad ito at may pinulot siya sa gilid ng kalsada.

Nanlaki ang mga mata ko. Sh*t!

"Tiff, no!"

Napasigaw ako pero huli na ang lahat naihagis na niya yong malaking bato at tumama ito sa kotse ko. Pagsakay niya ay humarurot na ito paalis.

Pagtingin ko sa kotse ko napailing talaga ako. Sira yong side mirror at gasgas yong pintuan. Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis.

Sumakay ako at nagmaneho papuntang parking lot. Humabol ako sa klase pero patapos na ang first subject namin pagpasok ko. Pagtingin ko sa tabi ni Anne ay may nakaupo sa tabi niya kaya umupo na ako rito sa bandang likuran.

Napabuntong hininga ako.

Pagdating ng lunch ay hindi ako sumabay sa kanya. Nagdahilan lang ako.

Nang matapos ang lahat ng klase namin ay hindi ko alam kung ihahatid ko ba siya o hindi.

Tumayo na ako saka ko binuhat itong bag ko.

"Ihatid na kita." saad ko nong maabutan ko siyang palabas ng gate. Tumingin siya sa akin pero hidi ako ngumingiti. Wala kaming imikan habang naglalakad. Pagkahatid ko sa kanya ng apartment niya ay nagpaalam din ako na aalis na.

"Pahinga ka mabuti uuwi na ako."

"Jillian, dito ka na maghapunan magluluto ako."

Napalunok ako.

Gusto ko pa naman yong mga luto niya.

Tumango ako saka pumasok dito sa loob. Nanuod na lang ako ng movie. Siya naman nagbihis na saka nagluto.

Kapag naiisip ko na dito natulog si Rhen kagabi ay nasasaktan ako. Nagseselos ako dahil hinayaan niya akong umuwi kagabi at pinatulog ang bestfriend niya dito.

"Nakaluto na ako. Kumain na tayo."

Tumayo ako at nagpuntang dining table.

Tahimik ako habang sumusubo. Masarap talaga siyang magluto pero kapag naaalala ko yong nangyari kabagi nasasaktan talaga ako. Hindi din siya umiimik. Alam siguro niya na hindi ako okay.

After kumain ay nagpunta ako ng banyo para magsipilyo then saka ako umupo rito sa sofa para ipagpatuloy ang panonood ng movie, siya naman ay naghugas pa ng mga plato. Hinihintay ko lang siyang matapos saka ako magpapaalam na uuwi na.

Pagkatapos niyang maghugas ay nagpunta siya ng banyo. Mukhang naligo na, after ilang minutes ay lumabas na siya ng banyo at lumapit siya sa akin.

"Uhm, kailangan kong umuwi." Paalam ko pero hindi siya umimik. Hahalik sana ako sa kanya bago umalis pero baka umilag na naman siya. Hindi ko na siya hinintay na magsalita, palabas na ako ng pintuan.

"Jillian." tawag niya sa akin kaya humarap ulit ako sa kanya.

"Matulog ka ng maaga."

Binuksan ko ang pinto kaso hindi ako makalabas dahil nakahawak siya nang mahigpit sa damit ko. Humarap ulit ako sa kanya.

"Sige na magpahinga ka na uuwi na ako."

Hindi siya umiimik. Ano bang gusto niya?

Kiss?

Bakit hindi siya ang humalik sa akin?

Ayokong ako ang hahalik sa kanya baka umiwas na naman siya. Kahit miss ko na siya ay titiisin ko muna.

"Thanks sa dinner." 

Hinawakan ko yong kamay niya at pilit na inalis mula sa pagkakahawak niya sa damit ko.

Tatalikod na sana ako kaso----. Sh*t! Bakit parang nagpapahid siya ng luha? Umiiyak ba siya?

"Hey." hinawakan ko yong chin niya pagtingin ko umiiyak na ang babe ko.

"Bakit ka umiiyak?"

Niyakap ko siya saka ko hinahagod ang likod niya.

"Tama na please huwag ka nang umiyak?" hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.

"Jillian, galit ka sa akin." tuloy-tuloy pa rin yong luha niya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka ko pinahid ang mga luha niya gamit ang thumb ko.

"Hindi ako galit, huwag ka nang umiyak, please?"

Ayokong nakikitang umiiyak ang babe ko.
Nag-aalangan akong halikan siya pero hindi ko na napigilan pa, siniil ko siya ng halik. Habang magkadikit ang nga labi namin ay nilock ko ulit itong pinto at hinapit ko ang baywang niya.

Parang ang tagal kong hindi nahalikan ang babe ko. Yumakap naman siya sa batok ko saka niya pinanggigilan ang lower lip ko.

"Jillian, huwag mo akong iiwan." sabi niya sa pagitan ng mga halikan namin. Hinila ko siya sa bed niya saka ko siya pinahiga. Gumapang ako sa ibabaw niya saka ko siya hinalikan ulit.

Magkadikit na ulit kami.

Ayokong nakikita siyang umiiyak. Mas nahihirapan kasi ako. Kahit super sungit niya iyakin din pala ang babe ko. Humiga na ako sa tabi niya at parehas kaming naghahabol ng hininga.

"Namiss kita." bulong ko sa kanya.

"Jillian, samahan mo akong matulog namimiss na rin kita."

Yumakap siya ng mahigpit sa akin. Naisip ko si Dad pero ayoko siyang iwan agad.

"Sige babe, sasamahan kita."

Hinintay ko siyang makatulog saka ako dahan-dahang bumangon. Nag-iwan na lang ako ng maliit na note sa bedside table saka ako umuwi na.

Pagdatingin ko ng bahay gising pa si Dad. Humalik agad ako sa pisngi niya saka yumakap.bNagusap ulit kami saka ko siya kinulit na ibigay sa akin yong adress ng half-sister ko. Ayon at ibinigay naman niya.

Naisip kong puntahan siya isa sa mga araw na ito.

__________________________________

ANNE DEL RIO

Katatapos ko lang maligo. Nagtapis ako ng towel saka lumabas ng banyo. Habang naliligo ako kanina napapatingin ako sa dibdib ko andito pa rin yong nilagay ni Jillian na kiss mark pero medyo pawala na.

May kumakatok.

Si Jillian kaya 'to? Bakit parang ang aga naman.

"Sino yan?"

"Babe."

Si Jillian nga, okay lang kahit nakatapis lang ako.

Binuksan ko ang pinto saka siya pumasok, hahalik sana siya sa pisngi ko pero bigla kong pinitik yong ilong niya.

"Araaay!"

"Iniwan mo ko kagabi."

Inirapan ko siya.

"Sorry na babe."

Sa totoo lang namiss ko siya. Kahapon hindi niya ako pinapansin nahihirapan tuloy ako. Siya lang kasi ang nagiisang nagpapangiti sa akin.

"Magbibihis muna ako. Umupo ka muna sa sofa."

"Babe?"

Niyakap niya ako from behind.

"Jillian, bakit?" para tuloy akong mababaliw nang halikan niya ang batok ko.

"Huwag mo akong ipagpapalit kay Rhen, ha?"

Lalo niyang diniinan yong mga halik niya kaya kiliting kiliti ako.

"Hindi ko gagawin yon." 

Napapapikit ako sa ginagawa niya.

"Sige na babe magbihis ka na bago pa kita ma-halay." bulong niya sa akin pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Mas lalo pa niyang hinigpitan yong yakap niya sa akin.

"Paano ako magbibihis kung hindi mo ako bibitawan?"

"Hmm sige na nga magbihis ka na."

Bago niya ako binitawan ay kinagat niya ang leeg ko. Grabe nakakakilit! Binilisan ko nang magbihis baka ano pa ang gawin niya sa akin.

Pagkatapos ko magbihis lumabas na agad kami ng apartment.

Habang naglalakad kami may napansin akong kotse na maganda na nakapark sa gilid ng kalsada. Ang ganda ha! Luxury car na kulay blue. Two seats. Kanino kaya yon?

"Babe tara." 

"Ah Jillian...." pagtataka ko paglapit namin dito sa kotse.

"Bakit, babe? Sakay na"

"Sayo 'to?" tanong ko na hindi makapaniwala.

Tumango siya.

"Nasan yong kotse mo na isa?" nagtataka talaga ako bakit bago na naman ang kotse niya.

"Sira ang side mirror babe tsaka may gasgas kaya nagpalit ako ng kotse."

"Ha? Bakit naaksidente ka ba?" nagaalala tuloy ako.

Napangiti siya.

"Hindi babe may loko-loko kasing naghagis ng bato sa kotse ko kahapon. Pansin mo late ako?"

Oo nga pala late siya kahapon. Iniisip ko galit siya sa akin dahil hindi niya ako sinundo.

"Babe, tara sakay na kay Georgina."

"Georgina?"

"Oo yon yong binigay kong name niya."

"Bakit name ng girl?" Baka naman kasi name ng crush niya?

"Sabi kasi nila masarap sakyan ang girl kaya name ng girl pinangalan ko sa kanya."

"Hmp! Maglalakad na lang ako." sumimangot ako.

"Babe naman. Ayaw mo ba ng name? Papalitan ko."

Pinigilan niya ako, hawak niya ang braso ko. Talagang maglalakad na lang ako!

"Sino si Georgina?"

"Wala, pinangalan ko lang. Sexy kasi yong name kaya yon yong ibinigay kong pangalan."

"Sexy ha! Magsama kayo ng Georgina mo!"

Naglakad na ako at iniwan siya.

"Babe wait lang!" hindi tuloy niya alam kung sino ang una niyang pupuntahan ako o yong kotse niya.

Bahala nga siya!

"Babe, binabawi ko na yong name niya huwag ka lang magalit sa akin." sigaw niya saka siya humarang sa dadaanan ko. Para tuloy siyang kawawang bata.

"Babe, please?" pagmamakaawa niya saka niya hinawakan ang kamay ko.

"Sige basta wala ng Georgina?"

"Wala na babe."

Hinila niya ako pabalik sa kotse niya, nagdrive na siya.

Pagpasok ng campus ay nakaabang sa amin sina Jean at si Jo.

"Tsk! Ang astig ng kotse mo. Ano ang name niya, Jill?" tanong ni Jean.

Ganon ba talaga? Kailangan may name ang mga kotse?

"Hmm wala siyang name basta kulay blue siya."

"Hindi kami color blind Jill, obvious naman na kulay blue yan." si Jo.

"Tara baka malate na tayo."saad ni Jillian saka niya hinawakan ang bewang ko. Sabay na kaming apat na naglakad papuntang classroom. Gaya ng dati tinginan lahat ng studyante sa amin. Ikaw ba naman kasama mo ang mga sikat na Volley ball players at hindi lang pala sikat, kundi rich and beautiful pa.

Kapag silang tatlo ang tinitingnan nakasmile lahat ng mga studyante kapag ako ang tiningnan nakataas ang mga kilay nila sabay tingin mula ulo hanggang paa ko. Hay sanay na ako. Kaya minsan kapag gusto kong mang asar hahawak ako ng mahigpit sa braso ni Jillian para mamatay sila sa inggit!

Syempre hindi alam ni Jillian yon. Minsan maldita rin talaga ako.

"Babe, bukas sunduin kita sa apartment mo ipapakilala kita sa Dad ko."

Tumango ako.

Kinakabahan ako makikilala ko na ang father niya. Ano kaya ang sasabihin ko? Sana mabait din kagaya niya.

Saglit lang, hindi naman siya mabait kundi makulit lang!

...

Kinabukasan.

Nasa biyahe na kami papuntang bahay nila. Kinakabahan talaga ako.

"Babe, relax ka lang."

Pansin ata niya na tahimik ako. Kinakabahan kasi ako. Madalas kasi kapag mayayaman ayaw nilang nakikihalubilo ang mga anak nila sa mga mahihirap. Hindi ako sure pero madalas yon ang napapanuod ko sa TV.

"Jillian, yong Mother mo asan?"

"Nasa States, hindi siya nakauwi. Sa susunod na uwi daw ni Dad kasama na niya si Mom."

"I see."

Grabe lalo akong kinabahan nong papasok na kami sa malaking gate nila.

Huminga ako ng malalim.

Bumukas na ang pinto ng kotse niya kaya bumaba na kami. Napansin ko agad yong isang matangkad na lalaki na nasa garden nila may dalang malaking gunting.

Ang guapo naman ng hardenero nila.

"Babe, tara ipapakilala kita kay Dad."

Hinawakan niya ang kamay ko patungong garden.

"Saan?" nagtataka ako bakit sa garden kami papunta.

"Ayon." nginuso niya yong lalaki kanina.

"Hi Dad!"

Nanlaki ang mga mata ko. Siya yong Dad niya? Hindi mo aakalain na eto yong Dad niya. Paano butas butas yong damit niya at parang luma na yong suot niyang shorts. Pero mistiso at guapo talaga lalo na kapag malapitan.

Napaka sweet ni Jillian, niyakap niya ang dad niya sabay halik sa pisngi.

"Siya ba yong sinasabi mo, anak?"

"Yes dad, this is Anne, girlfriend ko po. Anne, father ko."

"Hello, hija"

Niyakap ako ng dad niya.

"Nice to meet you, Sir." saad ko. Natawa ang Dad niya.

"Call me dad, Anne."

"Po?" Dad din ang itatawag ko?

"Dad, ang ganda ng girlfriend ko 'no?"

Hinapit niya ang bewang ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.

"Magaling kang pumili gaya ko, anak."

Ngayon ko lang napansin na parehas kapag ngumiti si Jillian at ang father niya. Kaya pala maganda siya dahil ang guapo ng Dad niya.

"Mas magaling ako sayo, Dad."

Siniko ko siya!

"Tara muna at magmerienda tayo."sabi ng Dad niya saka kami naglakad papuntang dulo ng garden nila. Natanaw ko agad yong malaking puno at sa tabi nito ay may kubo. Pagpasok namin ay umupo na kami.

Napaka-presko.

Habang nagmemeryenda kami panay ang kwento ng Dad niya. Natutuwa ako dahil hindi siya gaya ng iniisip ko.

Napaka-simple at mabait. Guapo pa!

After 2 hours na kwentuhan nauna nang lumabas ng kubo ang Dad niya dahil maglalaro daw sila ng golf nong mga kumpare niya. Kami namang dalawa ang naiwan dito.

"Jillian, ang guapo ng Dad mo."

Tumingin siya sa akin habang umiinom ng iced tea.

"Kaya nga hindi na ako magtataka babe na may kapatid ako sa labas."

Oo nga pala nakwento niya na may half-sister siya.

"Natanong mo ba sa kanya kung nasaan yong kapatid mo?"

"Yup at ibinigay niya sa akin yong address at full name."

Tumango ako.

"Jillian, kanina ka pa umiinom ng icetea mamaya pumutok na yang tiyan mo."

Natatawa siya.

"May pumuputok bang tiyan?"

Grabe saan kaya niya nilalagay yong kinakain at iniinom niya?

"Babe marunong kang magluto ng pancake? o hotcake?" katatapos lang namin magmeryenda pagkain na naman nasa utak niya.

"Oo marunong ako."

"Ipagluto mo naman ako mamaya babe?"

Tinitigan ko siya. Tinitigan din niya ako.

"Ayoko nga."

"Dali na babe!"

"Hmm sige kapag nabuhat mo ako papuntang bahay niyo." siguradong hindi naman niya ako kayang buhatin.

"Yun lang pala." tumayo siya saka niya hinawakan ang kamay ko.

Bubuhatin talaga niya ako?

"Ay!" bago pa niya ako buhatin ay tumakbo na ako palabas ng kubo.

"Bakit ka tumakbo?"

"Oo na ipagluluto na kita!" hindi ako makapaniwala sa bakulaw na 'to! Hindi ko man lang siya mapahirapan.

"Tara muna sa room ko."

Nagpunta kami rito sa balcony ng kwarto niya. May havock bed pala siya rito.

Gusto ko rito humiga.

"Babe, okay ka lang ba?" tanong niya habang nagbubuklat ng diyaryo. Tinitingnan siguro niya yong mga standing ng mga Universities.

"Jillian, pwede ba humiga rito sa havock bed?"

"Oo naman."

Tinulungan niya ako na sumampa. Humiga din siya rito sa tabi ko habang nagbabasa ng diyaryo. Akalain mo nagbabasa rin pala siya?

"Jillian, anong balita?" 

Nakayap ako sa tiyan niya.

"Hmm eto sabi inaabangan daw yong volley ball game next week ng mga tao."

Nilipat ulit niya sa ibang page.

"Ay eto pa babe may nahuling buwaya sa parteng Mindanao mahaba at balingkinitan ang katawan."

Ayoko sanang tumawa pero humahagikgik na ako. Sira ulo talaga!

"Jillian, wala ka talagang masabing matino. Kelan naman ngkaroon ng buwaya na may balingkinitan ang katawan!" 

Kinurot ko siya sa tiyan.

Pati siya natatawa. Sira ulo talaga kahit kelan 'tong bakulaw na 'to.

"Ikaw lang naman ang alam kong buwaya na may balingkinitan ang katawan kasi malakas kang kumain."

"Kung hindi kabayo buwaya ang tawag mo sa akin."

Totoo naman kasi.

Natulog na lang muna kami rito sa havock bed. Nakakarelax dahil mahangin dito kaya madali kaming nakatulog.

Paggising namin alas dos na. Hindi na kami naglunch. Bumaba na lang kami ng kitchen para magluto ng hot cake.

Kinuha ko na yong mga ingredients.

"Babe?"

Nagbubuhos na ako ng flour sa bowl.

"Yes?"

Lumapit siya saka niya pinahiran ng flour ang mukha ko. Natatawa siya.

"Baliw ka talaga, Jillian." 

Binato ko siya ng itlog. Sapol yong ulo niya!

Tiningnan niya ako ng masama. Mabilis akong tumakbo pero hinabol niya ako dala dala yong flour.

Ang bilis niyang tumakbo!

"Jillian!"

"Hmm kala mo makakatakbo ka!"

Iiling iling siya habang dumadakot ng flour.

"Ikaw naman ang nauna, ah!" naiiyak ako na natatawa.

Dahan dahan siyang naglakad papunta sa akin. Hindi na ako gumalaw. Napasandal na ako dito sa table. Paglapit niya akala ko bubuhusan niya ako ng flour pero hinayaan niyang mahulog iyon sa sahig.

Aatras pa sana ako pero wala na akong maatrasan, isa pa nakalapit na siya sa akin at nakahawak na siya sa bewang ko. Napapikit na lang ako nang halikan niya ako sa labi. Amoy ko yong itlog na hinagis ko sa kanya. Gusto ko siyang itulak pero parang ayaw ng katawan ko. Basta alam ko gumanti na ako sa halik niya.

"Jillian." bigla niya akong binuhat saka pinaupo dito sa ibabaw ng table. Nakatingala na siya sa akin. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi saka ko siya dinampihan ng halik sa labi niya. Nakawak naman siya sa tagiliran ko.

Naramdaman ko yong kamay niya sa tiyan ko pataas na sa dibdib ko. Hinayaan ko na siyang gawin kung ano man ang gusto niya. Napapasinghap ako nong minamassage na niya ang dibdib ko. Grabe kiliting kiliti talaga ako. Isa pa, nagiinit ang buong katawan ko sa ginagawa niya.

Bigla kaming natigilan pareho nong marinig namin na bumukas yong pintuan. Tinulungan niya akong makababa agad saka ako nagtago sa likod niya para ayusin yong damit ko. Natanggal din pala yong hook ng bra ko. Binilisan ko agad na ikabit bago pa nila kami makita. Ayon naikabit ko na!

"Mam Jill, okay lang po ba kayo?" nagaalalang tanong ng kasambahay nilang may edad na.

"Ay opo Manang."

"Sige na kami na bahala rito magbihis na kayo." napansin siguro niya na madungis kaming pareho at yong sahig nagkalat ang basag na itlog at flour.

"Sige po Manang."

Hinila niya ako palabas ng kitchen. Hindi na tuloy kami nakapagluto at nakakain.

Sabay na kaming naligo at nagbabad dito sa bathtub. Pero nauna akong nagshower saka lumabas ng banyo. Nagbihis na ako saka umupo muna rito sa sofa habang hinihintay siya. Nagugutom na tuloy ako ang tagal niyang lumabas. Naghanap ako ng pwedeng mapanood. Nailipat ko na sa lahat ng channel pero walang maganda. Bakit parang ang tagal niya.

Tumayo ulit ako saka ako kumatok dito sa banyo kaso hindi siya umiimik. Pinihit ko na itong doorknob saka binuksan ang pintuan.

"Jillian----."

Napalunok ako.

Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nong makita ko siyang nakatapat sa shower.

Hubo't hubad siya at naka hawak yong dalawang kamay niya sa buhok niya. Nakatingala habang pumapatak yong tubig sa katawan niya. Grabe ngayon ko lang siya nakitang naka-hubot hubad, as in walang underwear!

Dahan dahan kong isinara itong pinto. Nanginginig ako buti na lang nakapikit siya. Halos tumakbo ako pabalik sa sofa. Parang nawala tuloy yong gutom ko sa nakita ko. Ang sexy niya! Kitang kita ko yong curve ng katawan niya dahil nakatagilid siya. Hinahabol ko yong hininga ko. Bakit parang natuturn-on ako?

After ten minutes narinig ko nang bumukas yong pinto ng banyo at lumabas na siya.

"Babe, hindi ka pa ba gutom?"

Napatingin ako sa kanya. Hindi ako makahinga dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko, kahit nakatapis siya naiimagine ko yong nakita ko kanina.

Umupo siya dito sa tabi ko na nakatapis lang.

"Jillian, magbihis ka nga muna."

Hindi ko akalain na matuturn-on ako sa katawan ng isang babae. Akala ko normal lang na mahalin ko siya pero yong maturn-on ako sa katawan niya parang iba na yon.

Hindi ko maintindihan. Ganito ba talaga?

"Babe, tara kain tayo sa labas" sabi niya pagkatapos niyang magbihis. Nagpunta kami rito sa restaurant na malapit lang sa bahay nila.

Hanggang sa matapos kaming kumain yong katawan pa rin niya ang naiisip ko. Ano ba nangyayari sa akin? Maloloka na ata ako.

.....

Continuă lectura

O să-ți placă și

651K 30.2K 52
Minsan na nga lang mahulog, sa maling tao pa. Sobrang sakit na. Kailan ba ako magiging masaya?
1M 32K 37
1 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're no...
2M 24.8K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
159K 4.1K 41
RATED R18! NOT SUITABLE FOR MINORS! READ AT YOUR OWN RISK! ****** "Seeing the pain in your eyes caused by them makes me want to kill them...and so I...