The Gentlemen Series 4: Jack...

Da Winter_Solstice02

2.7M 66.3K 3.1K

Gabriel is the love of my life. He is the kind of man any other women would dream of having. He is my knight... Altro

Jack, The Disc Jockey
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY

NINE

57.1K 1.5K 61
Da Winter_Solstice02

Good Night

Hindi ako mapakali sa loob ng washroom. Panay ang tingin ko sa aking sarili sa harap ng salamin. Ilang beses ko na bang nicheck kung matino ba ang make-up ko? I contoured my face. Parang makapal ata ang eye shadow ko. Masyado rin atang pink ang pisngi ko?

Napapikit ako sa inis. "Why am I doing this? Kakain lang naman sa labas di ba? This doesn't mean anything! It's not a dinner date, Julianne! Compose yourself, damn it! Hindi ka na teenager para umasta ng ganito!"

Inis na kumuha ako ng make-up remover at cotton mula sa aking kit. Tinanggal ko ang kolorete sa aking mukha. This is my fault. Tinext ko kasi ang lalake kaninang tanghali na pumapayag na akong paunlakan ang kanyang paanyaya. Kung sana'y tumanggi ako eh di sana hindi ako ganito kaaligaga.

I grabbed my red lipstick instead at nagpahid sa aking labi.

"There. That's better, Julianne. Simplicity is beauty, ika nga. Sino ba ang pinaluluguran mo? Si Jack lang yun! And Jack is your boyfriend's brother! For crying out loud!"

Napaigtad ako sa katok sa labas ng aking washroom.

"Yes?"

"Ma'am Julianne. Nasa telepono po si Sir Jack." Boses ni Wella.

"Oh, okay. Just a moment." Mabalis kong nilagay lahat ng gamit ko sa aking shoulder bag.

Bakit kaya tumatawag ito?

Nagtatakang mukha ni Wella ang bumungad sa akin sa labas ng pinto. "Okay lang kayo Ma'am? Mukhang kanina pa kayo sa washroom eh. May kausap ba kayo sa loob?"

"I'm—I'm fine. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko." I bit my lip. I hope she didn't notice that I lied.

"Okay po. Magliligpit na po ako ng gamit ko Ma'am. Nakauwi na po ang ilan."

I nodded. "Okay. Thanks. Ingat sa pag-uwi, Wella."

"Sige po Ma'am. See you tomorrow. Tatawag nalang daw po si Sir Jack after 10 minutes. Yung cell phone nyo po nasa mesa pa Ma'am."

"Yeah. Hindi pa naman ako aalis." Tumikhim ako.

She raised an eyebrow at ngumisi. "Pansin ko nga po Ma'am. May date kayo? Halatang hindi kayo mapakali."

Inirapan ko ito at pabirong minuwestra ang pinto. "Maabutan ka ng traffic."

Humalakhak lamang ito at tumalikod na sa akin. Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang tumunog ang telephone.

I sighed deeply. "Breathe in, breathe out, Julianne. Exhale, inhale." Para akong sirang bumubulong dito. Isa pang singhap ang ginawa ko before I reached the cradle.

"Hello?"

He made a fake cough. "Hi, Julianne."

"Napatawag ka? Uhm. I mean, bakit kailangan mo pang tumawag eh magkikita naman tayo mayamaya lang? Saan nga ulit tayo kakain para ako na lang ang pupunta? You don't have to fetch me." Shit, I sounded like I had already presumed that he really is going to fetch me. "I mean, uhm, ang ibig kong sabihin.... uhm...kung binabalak mong sunduin ako, huwag na. Kaya kong pumunta sa restaurant na kakainan natin." I swallowed hard. Pinagpawisan ako ng malagkit dun ha.

"Uhm. That is actually the reason why I called you, Julianne. I hate to say this but I'm afraid I can't make it tonight. Something came up which I couldn't refuse. Babawi ako next time, okay? Importante lang talaga ito." He explained.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko namalayang nagpipigil pala ako ng hininga habang nagsasalita ito. At sa paraan pa lang ng pagkakasabi niya ay alam ko na agad na hindi mangyayari ang dinner. Pero gayunpaman, hindi ko maiwasang hindi manibugho. Kung kailan naman naghahanda na ako.

My heart sank into my stomach down to my shoes. I hate this feeling. I can't deny the fact that I was disappointed. At gusto kong maiyak because from the depths of my heart, I was hoping we could talk and see again.

"Julianne? Are you still there, love?"

Lumabi ako. Love mo mukha mo!

"Yes, yes of course. Sorry busy din ako. Walang problema Jack. It's fine with me. Marami pa din naman akong dapat asikasuhin."

Habang nagsasalita ako ay inaayos ko ang mga naka pile na folders. Ngunit dahil sa nanginginig ang kamay ko'y natabig ko ang mga iyon at tuluyang nalaglag sa sahig.

"Shit." I muttered.

"Julianne? What happened? What was that?"

"Nalaglag lang yung mga papel, Jack. Sabi ko nga sa'yo busy ako. Ibababa ko na ang telephone ha. Para matapos na ako dito."

"Pero sabi ni Wella tapos ka na—"

"Damn it, Jack! Can we just end this conversation? I said it's fine with me, didn't I? You are disturbing me in case you haven't realize it yet."

God! Nag-iinit ang ulo ko na hindi ko maintindihan!

He sighed. "Okay, calm down. Sorry about this again. Goodnight Julianne." He hung up.

Pinulot ko ang isang ballpen sa mesa at basta na lamang binato sa kung saan. Naiinis ako na nabubuwisit na nagagalit! At hindi ko alam bakit ko nararamdaman ito!

"Great! Buti na lang at hindi ako nag kontodo make-up at kinareer ang pag-aayos. Tss." I hissed in the air.

There were times that Gab failed to fulfil his words. May mga lakad kami na nabubulilyaso. Mga lakad na ilang araw na pinagpalanuhan, but at the end of it, hindi natuloy dahil sa maraming rason.

And I never acted the way I'm acting like now. I was cool and my temper was in control. Pero ngayon, hindi ko maipaliwanag bakit naiinis ako na gusto kong sampalin si Jack pag nagkita kami sa mata. Para akong bata na hindi nasama sa lakad ng magulang.

Yes, I'm being childish. I'm such an immature. And I should stop feeling this way. Tumayo ulit ako at hinanda ang sarili. Hinablot ko ang bag ko at naglakad na palabas ng opisina.

"Stop whining around, Julianne! You ain't twelve years old!" bulong ko sa sarili ko habang tinatahak ang daan palabas ng agency.

Narinig kong nagpapaalam ang iba kong staff sa akin at kahit si Manong ay nagpapaaalam din ngunit hindi ko sila kayang pansinin.

I'm such a loser because I'm acting like one! Damn!

Now, I'm all alone in this unit again. At habang tumatagal ay nabibingi na ako sa katahimikan dito.

Sumandal ako sa sofa at pumikit. I've been living alone since then. And I thought being alone is something I can always live up to. But as the days go by, I wanted to be with someone always. Yung nakikita mo siya pagkagising mo pa lang sa umaga. Tapos pag-uwi mo, naghihintay lamang siya dito. O di kaya ay busy sa kusina sa paghahanda ng makakain. I suck in cooking, you know. Pero siyempre, yung sasalubungin niya ako ng halik sa labi. Paniguradong tanggal lahat ng pagod ko nun. Gab and I had an incredible, lively relationship. But we didn't get to see each other more often. Twice or thrice a week lang ata. Swerte na pag straight na isang linggo kaming magkasama pag wala itong conference sa ibang lugar. Pero bihirang bihira itong mangyari. Before, akala ko sapat na ang ganun. I was contented with that kind of relationship. Kontento na ako sa rason na may minamahal at nagmamahal sa akin. Hindi pala pang matagalan ang ganoong klaseng contentment.

Kasi ngayon, iba ang pakiramdam ko. When Jack came into my life, I started to question everything. Kahit ang sarili kong pananaw, disposisyon, paniniwala at damdamin ay kinukwestyon ko na. At ang nakakaloka sa lahat ay ang katotohanang sandaling panahon ko pa lamang ito nakilala. Puro bangayan pa ang nangyayari sa aming dalawa.

How the hell did he do that? Yung isang sulyap lang mula sa kanya, nagririgodon na ang puso ko. Tinatambol sa kaba at excitement. Never did I felt that way when I first met Gabriel. It took him six months before I decided to give in. At hindi rin naman ako nabigo dahil ramdam ko naman talaga na iniibig ako ni Gab.

I shook my head. "This is crazy. I have to fight this feeling before it's too late." At kahit gaano pa katotoo ang mga sinabi ni Jack sa akin kaninang umaga ay hindi ako maniniwala. Hindi ako bibigay. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na iparamdam sa akin ang kanyang damdamin. Dahil tingin ko'y imposible na magustushan niya ako sa ganoong kaiksing panahon. But who am I kidding? I'm starting to like the guy as well. But I will put limitation to this from now on. I will not let myself fall in love with him because it's the stupidest thing to do in this world. Falling in love with Jack defines me as a fool. And I am not a fool. I'm in love with Gab. And he's all I need in this life. Not Jack. Not anyone else.

Loving Jack will put my relationship with Gab in jeopardy. I don't want to risk it. Gab is all I have. Gab is my salvation. Siya lang ay sapat na sa buhay ko. Magiging masaya ako sa piling niya. Kaya kung ano man itong nagpapalito sa damdamin ko ukol kay Jack, this is just nothing. Madali lang itong kalimutan at balewalain.

How can I be in love with him when I'm already in love with someone else! Crazy, isn't it?

Sa tingin ko'y namimiss ko lang talaga si Gab. Nakikita ko lang siya sa katauhan ni Jack. Well, they have almost the same features. Yeah, I think ganun na nga. Kaya ganito ang kilos ko kay Jack dahil namimiss ko lang si Gab.

Yeah, keep telling that to yourself, Julz.

I jumped out of my seat when the doorbell rings.

Tinignan ko sa monitor kung sino ang nasa labas at napahugot ako ng hininga nang makitang si Brenda pala iyon. Kumakaway pa ang bruha sa camera.

Binuksan ko ang pinto at nagyakapan kami.

"Sorry ngayon lang ulit tayong nagkita couz. Super busy with the business." Bungad nito.

Umirap ako at sinundan siya sa living room. "Anong klaseng business? Monkey business?"

Binato niya ako ng throw pillow at buti na lamang ay nakailag ako.

"Gaga. Alam mo naman kung anong business namin ni Matt. Naghahanap kami ng bagong lot na pwedeng tayuan ng two storey building."

"Yeah, alam ko. Swerte mo na rin at napunta ka sa matinong architect. At least, maliwanag na future n'yo. So, itutuloy mo na ba ang pag-resign sa firm n'yo?" Brenda is a good architect herself.

"Nope. We bought a stock instead. Isa na kami sa shareholders ng MGM Firm. Amazing, right? Nagbubunga na rin ang pagod namin." She smiled proudly.

"Wow. Congratulations, couz. Siguro naman kasal na ang next nyong aatupagin. Ay aba, yan na lang ata ang kulang sa inyo."

"Sus! Nagsalita naman ito! Bakit hindi kayo muna ni Gab? Di hamak namang mas maliwanag ang buhay mo sa kanya. And of course, you are in love with each other. Although bet ko yung guy na nakabangga mo last Sunday. Nag-uumapaw ang chemistry nyong dalawa."

Ngumuso ako. "Chemistry ka diyan. Wala na nga kaming ginawa kundi mag-away. Kung kailanman naman handa na akong kausapin siya ng masinsinan, saka pa naudlot."

She frowned. "Ano yun? I think I'm lost. Sinong pinag-uusapan natin nga ulit?"

Natampal ko ang aking noo. Hindi ko pa pala siya nasabihan.

Tumikhim ako and squared my shoulders. "Yung guy na nakita mo last Sunday. Yung nagpapasok sa akin sa restaurant. I know him." Her jaw dropped. "You know him? Nagkita ulit kayo? You're friends? Nagdate ba kayo? Gosh! I'm so outdated!" Niyugyog nito ang aking mga balikat.

"Teka nga Brenda. Umayos ka nga muna." Tinampal ko ang kanyang kamay. Naalog ata utak ko sa pagyugyog niyang iyon sa akin.

"Tell me couz. Who's this guy?"

"His name is Jack." Sagot ko.

"Jack ano? Baka kilala ko ang apilyedo."

"Jack Aragon."

"Aragon? Oh okay. I know some businesses here na Aragon ang namamahala. Like the Mining company somewhere in Compostela Valley, The Aragon Tower, and most of the commercial buildings here are owned by Aragon. Pero siyempre maraming Aragon sa Pinas." She glanced at her perfectly manicured fingernails.

"He's Gabriel's big brother." Dugtong ko.

"Ahh...big brother ni Gab." She answered nonchalantly. Then bigla na lamang itong tumili. "What! Are you kidding me?"

Umiling ako at pinahinga ang aking ulo sa sandalan. "Do I sound like one?"

"Such coincidence eh? Pero ang hot nung kuya ha. Grabe! So, you're okay? I mean, both of you are in good terms? Ang alam ko'y hindi ka type nung Jack for his brother. Naikwento mo sa akin noon." Ngumiwi ito

Napalunok ako. "Yeah. I think we're fine. Not that close but we're okay. We're civil with each other."

"Why do I feel like you're not telling me the truth? Are you hiding something from me? It seems like you're sulking here the whole time before I arrived." Pinaningkitan ako nito ng mata.

"Tss. Hindi noh!" Tumayo ako. "Kain tayo sa labas. Nagugutom ako. Magbibihis lang ako ha." Tinalikuran ko siya at hindi na binigyan ng pagkakataong usisain pa ako.

Nagshower ako saglit at napili kong suotin ay ang bago kong bili na chocolate-coloured jumpsuit sa H&M. Nag-apply ako ng bahagyang make-up at pony-tail naman ang aking buhok.

"Classy." Brenda commented when I appeared in the living room.

"I know right." I smirked.

"I think I need to buy a car." Sabi ko pagkaupo ko sa passenger seat ng kotse nito.

Brenda snorted at me. "Eh ikaw nga itong mahina ang loob. Na-expired na lang ata yang driver's license mo pero hindi ka pa rin nakakapagmaneho ng sarili mong kotse."

"Gab won't let me." Sumulyap ako sa labas ng bintana.

"Gab isn't here, is he?"

"Nah. I'd rather wait for him to come back then maybe we can talk about it."

"Gab, Gab, Gab. Si Gabriel ba ang nagpapatakbo ng buhay mo? Lahat na lang ata ay si Gabriel ang magdedesisyon. You are so dependent on him cousin dear."

I rolled my eyes. "If it weren't for him, I wouldn't even be here today, Brenda."

"Oh! Please tell Gab thank you for sending you here." She answered sarcastically.

"Makakarating." Pang-aasar ko.

Sa Korean Restaurant kami nagpunta malapit sa baywalk ng Davao. Ah, I love this city. So peaceful and clean.

"Siguro naman kung may dress code dito e pasado ako?" Salita ko habang bumababa sa kotse.

"Naman! Ke ganda mong dilag tatanggihan ka nila?"

Ngumisi ako. "Pinsan nga kita, lakas mong mang-uto eh. Oh siya, libre ko na." Inakbayan ko ito.

"Yes!" Napatili pa ito na natatawa. Humalakhak na rin ako sa kanyang inasta.

Pagpasok namin sa restaurant ay halos nag-angat ng tingin ang ibang kumakain sa amin. Siniko ako ng bahagya ni Brenda.

"See? Eye-candy ka nga." She winked.

"Duh!" Sumunod kami sa waiter na nag-aassist sa amin kung saang table ang available. Thank God at sa balcony kami nakapwesto. Tanaw kasi mula rito ang buong gulpo ng Davao. Nakakamangha pagmasdan ang tanawin at malamig ang simoy ng hangin.

Si Brenda na ang nag order ng food namin since she's more familiar with the delicacies than I do. Agad na nilantakan namin ang pagkain pagkalapag ng pagkain sa aming table. I'm really famished.

"Hindi halatang gutom ka ha." She remarked.

"Paki mo ba eh ako naman ang magbabayad." Sagot ko habang ngumunguya. She laughed.

Nagkukuwento si Brenda ng kung ano-ano nang may dalawang tao ang papasok pa lang sa entrance ang nakaagaw agad sa atensyon ko.

His hand holding the elbow of the blonde girl, making sure she's secure. His face serious at hindi man lang ngumingiti.

Isang waiter ang lumapit sa kanila at agad na dinala sila sa bakanteng table, malapit sa amin.

Agad na nanikip ang dibdib ko at wala sa sariling inabot ang baso ng tubig at uminom doon.

I feel like something hard hit against my chest. Ito ba ang dahilan niya kung bakit hindi natuloy ang dinner namin? Dahil may iba pala siyang kasama? Yung babae ba ang tinutukoy niyang 'Something'?

Si Jack ang umorder ng pagkain nila. Pagkaalis ng waiter ay yumuko si Jack pagkatapos suklayin ng daliri ang kanyang buhok.

Nag-aalalang tingin ang binigay ng babae dito. Inabot nito ang palad ni Jack at pinaloob sa kanyang dalawang palad. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

Jack looked bothered. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. I wish I knew. Maybe I can console him too.

I sighed inwardly. They're lovers. It's very obvious.

"Anyare sa'yo? Daldal ako ng daldal dito e, hindi ka pala nakikinig?" Naagaw ang atensyon ko sa pagsasalita ni Brenda.

"Ha? Uhm. Ulitin mo na lang."

"Tss. Sino ba ang tinitingnan mo." Luminga-linga ito sa paligid.

"Wala. Sige magkwento ka na." Yumuko ako at kunwari kumakain pero ang totoo ay hindi ko na magawang ngumuya. Tila nanigas ang aking panga. I lost my damn appetite. Ang hirap namang kumain pag ganitong mabigat ang nararamdaman mo sa dibdib.

"Okay ka lang? Para kang maiiyak." Ginagap ni Brenda ang kamay ko at pinisil.

Dahil sa sinabi niya ay tuluyang nag-init ang sulok ng aking mata. Bakit nga ba ako naiiyak?

"I'm okay. Tapusin mo na lang ang pagkain mo then uuwi na ako. Nawalan ako ng ganang kumain."

She frowned. "Do you really think I'll buy that shit, Julz? I'm not your cousin for nothing. Tell me, what's going on?"

Bago pa ako nakasagot ay may nagsalita na sa gilid ko.

"Julianne? I've never thought I'll find you here." Si Jack na nakalapit na pala.

Shit.

Sa gilid niya ay ang nakangiting babae na nakahawak sa braso ni Jack. She's tall, slim and very pretty. Agad na nakaramdam ako ng insekyuridad.

"Hi. Nandito ka rin pala." Goodness! I never thought I could be a good actress, huh.

"Yeah. By the way, I want you to meet, Wendy. Wendy she's Julianne, Gabriel's girlfriend." Tikhim nito sa dulo.

"Hi, I'm glad to meet you." The woman's voice was so gentle.

Tumayo ako at hindi nakaligtas sa akin ang pagsuri ni Jack sa kabuuan ko. "Same here." Tipid akong ngumiti sa babae at nakibeso.

Tumikhim si Brenda na panay ang titig sa aming dalawa ni Jack. "She's Brenda, my cousin."

Inabot ni Jack ang palad nito at nakipagkamay. "I'm Jack." He smiled.

"So I heard. Sa wakas nakilala rin kita. Uhm, girlfriend mo?" Turo nito kay Wendy.

I glared at my cousin. Kailangan pa ba talaga niyang itanong yun?

Tumawa lang ang babae at sinandal ang ulo sa balikat ni Jack. Ang peke kong ngiti ay tuluyang naglaho. Actions speak louder than words.

"Why don't we find a table for the four of us?" Wendy spoke.

No way!

"Naku, ang totoo niyan ay patapos na kaming kumain." Inangat ko ang kamay ko para tawagin ang waiter. Sumenyas ako para sa bill namin. Makahulugang sumulyap ako sa gawi ni Brenda at pasikretong inirapan ako nito. Sorry to spoil your dinner, cousin. The place is now suffocating me.

Nang lumapit ang waiter ay agad na hinarang ito ni Jack. "Put this on my tab."

"No, Jack. Kaya kong magbayad. I really appreciate it but no thanks."

He shook his head at sinenyasan ang waiter na umalis na. Hindi pa ako nakakapagbayad!

Tatalak na sana ako but Brenda grabbed my wrist. "Mauna na kami sa inyo ha. Enjoy your dinner."

"Thanks. Kayo rin." Sagot ni Wendy na nakangiti. Si Jack ay tahimik lamang na nakatitig sa akin. He knows I'm pissed!

Wala na akong nagawa nang kaladkarin ako ni Brenda palabas ng restaurant. Sa kotse ay panay ang pagdadaldal nito ngunit hindi ko siya kinausap. I'm so angry.

Dahil sa inis ko ay hindi ko na siya pinaakyat sa condo dahil gusto ko rin namang mapag-isa. Alam kong uusisain lang niya ako tungkol kay Jack.

Dalawang oras na akong pabaling-baling sa higaan ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Naglalaro palagi sa isipan ko ang magkapares kanina. They looked perfect together.

Napabalikwas ako ng bangon nang may kumatok sa pinto ko. Agad na napalunok ako.

"Julianne, are you still awake, love?" Mahina niyang tawag. "Can you open your door, please?"

Mabagal na tumayo ako. Hinigpitan ko muna ang tali ng aking roba at sinuklay ng bahagya ang aking buhok gamit ang aking daliri.

My heart started to pump erratically. Pounding so hard and fast against my ribs that it would come out from my chest. Why does he affect me this much?

Pinihit ko ang seradura at binuksan ang pinto. Nasumpungan ko siyang nakapamulsa. Agad na bumuntong-hininga ito pagkakita sa akin.

"May sasabihin ka pa ba?" My voice husky. Muntik pa akong pumiyok.

He bit his lower lip. "Can I embrace you?" He breathed.

I swallowed the lump behind my throat. "Why are you asking me that?"

He smiled sadly. "Iniisip ko kasi na baka pag yakap kita, mababawasan ang bigat na nararamdaman ko."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Are you not feeling well, Jack?" Aad kong sinalat ang kanyang noo, pisngi at leeg. His body temperature is normal.

Hinawakan niya ang kamay ko. "I badly needed your embrace, love. Can I?"

Bakit pakiramdam ko'y may dinaramdam ito? Nakikita ko ang paghihirap sa kanyang mga mata. At bakas sa boses nito ang lungkot.

Tumango ako.

Agad niya akong pinaloob sa kanyang mga bisig at ang mukha ko ay nakabaon sa kanyang dibdib. Humigpit ang kanyang yakap na sa wari ko ay mababalian ako ng buto. He pulled me so close that I needed to be on tiptoe.

"I feel so better now, love. Lord, it feels so good to feel you like this. Thank you."

He unwrapped me from his arms. Umangat ang kanyang daliri para haplusin ang aking labi. Napapikit ako.

"Your lips are so tempting. I wish to kiss you, but I know it's too much to ask."

My lips trembled. "What's wrong, Jack? Are you really okay?"

Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mata. Alam kong may bumabagabag sa kanya. "Now I'm okay, Julianne. Being close to you has never been okay." He kissed the back of my hands. "Sleep now, my love. Everything will be alright. I promise you."

Naguluhan ako sa kanyang sinasabi. May kahulugan ang mga ito.

"Can I sleep beside you?"

My eyes widened. "What?"

He chuckled. "Matulog ka na. I'm just kidding. But if you say yes, it'll be an honour." He brushed out the hair strand at the back of my ear.

Gumaan ang pakiramdam ko sa tawa niya.

"Sira ka talaga!" Tinulak ko siya para makalabas na ito ng tuluyan sa room ko. Agad kong ni-lock ang pinto at sumandal doon.

"Good night love. Okay lang kahit walang good night kiss." He uttered outside my door.

"Tsee! Asa ka!"

Humalakhak lamang ito hanggang sa naging tahimik na ang paligid.

Alam ko may mali. Alam kong may tinatago si Jack. Aalamin ko iyon sa lalong madaling panahon.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

1.5M 42.8K 43
Chris Villaforte. Maagang naulila sa magulang. Namulat sa hirap ng buhay at nagsumikap na maabot ang pangarap. Aside from being a corporate lawyer, h...
Chimed Da jazlykdat

Storie d'amore

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
253K 14.8K 31
Fortress Island Series 1: BOOK 2
201K 3.8K 21
Dice and Madisson