Forbidden Flower (Jillian Fue...

By letmebed1

3.2M 48.8K 4.4K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Meet Jillian the famous Varsity Player lahat halos ng stu... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 21

99.3K 1.4K 212
By letmebed1




Jillian Fuentes



Hindi ko mapigil ang ngiti ko habang naglalakad ako papuntang school dahil kami na ng babe ko. Hindi ko akalaing sasabihin din niya ang salitang I love you sa akin at hanggang ngayon kinikilig ako.

Kailangan ko nang bilisan maglakad baka malate ako. May one hour practice kami this morning dahil malapit na ang semi-finals.

Hindi nawawala ang ngiti ko, inspired talaga ako.

"Jean, Jo!" tawag ko sa dalawa nang makita ko silang naglalakad papuntang gymnasium. Huminto sila at lumingon sa akin. Tumakbo na ako palapit sa kanila.

"Ang aga niyo, ah." sabi ko saka ako humalik sa mga pisngi nila.

"Walangya ka, hindi ka man lang tumawag. Nag-aalala kami kay Anne." saad ni Jean.

"Musta si Anne?" tanong naman ni Jo na halatang nag-aalala rin.

"Sinong Anne? Yong babe ko o yong girlfriend ko?"

Literal na napanganga sila.

"Kayo na?!" hindi makapaniwalang tanong ni Jean, sabay hampas sa akin ng bag niya.

Natatawa tuloy ako. Halatang hindi sila makapaghintay sa sagot ko.

"Uhm...." nakangiti akong tumango. Halatang natutuwa rin sila. Kulang na lang masubsob kaming tatlo dahil niyakap nila ako sabay angkas ni Jo sa likod ko.

Ang kukulit naming tatlo, eh.

"Uy tama na! Mamaya after ng practice i-kwento ko kung paano kami nagkaaminan. Malilate na tayo. Tara!"

Tumakbo na kami papunta sa gymnasium at nagsimulang magpractice.

Lumipas ang isang oras, natapos na ang practice namin at nagpalit na rin kami ng mga suot na damit dahil basa ng pawis. Umupo muna kami rito sa bench na malapit sa classroom. Habang nagpapahinga ay nakwento ko sa kanila kung paano naging kami ni Anne. Nalaman ko rin sa kanila na halos magwala si Tiffany dahil iniwan ko siya at pinili kong habulin si Anne, buti na lang daw naawat siya nila Arvie.

After ng kwemtuhan ay tumayo na kami at nagpunta na sa classroom. Makikita ko na girlfriend ko.

"Parang baliw na naman tong isa ngiti nang ngiti!" si Jo habang iiling-iling.

"Jo, ganyan talaga kapag in love. Palibhasa hindi ka pa nai-in love." pagtatanggol sa akin ni Jean. Akala mo naman na-in love na siya ng totoo, eh isa siyang babaero.

Sumilip kami rito sa classroom pero wala pa yong Prof namin pumasok na yong dalawa at umupo na, ako naman dahan-dahan akong naglakad hinihintay ko siyang tumingin sa akin. Nakayuko lang siya habang nagsusulat.

Sino?

Syempre yong girlfriend ko.

Humakbang pa ako ng isa at ayon tumingin siya sa akin. Napangiti ako at nakangiti rin siya sa akin. Grabe ngiti palang niya tunaw na tunaw na ako. Umupo na ako rito sa tabi niya.

"Hi, babe." bulong ko sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya habang nakadikit yong dulo ng ballpen sa gilid ng lips niya. Ang cute!

"Nagextend kasi kami ng 30 minutes sa practice."

Tumango siya.

"I love you." sabi ko pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Hindi siya sumagot basta ngumiti lang siya. Ang sweet ng ngiti niya kita ko na naman yong mga dimples niya.

Dumating na rin yong Prof. namin at nagsimula na ang nakakaantok na discussions. After ng morning class diretso na kami ng babe ko sa canteen.

"Babe, anong gusto mong lunch?"

Hinila ko yong upuan para sa kanya. Ang gentleman ko 'no?

"Hmm ano ba ang gusto mong lunch, Jillian?"

Binalik lang niya yong tanong ko.

Umupo na siya.

"Gusto ko kasi kumain ng marami babe, eh."

"Sige kakain tayo ng marami."

Tumaas tuloy yong kilay ko. Dati kapag kakain ako ng marami lagi siyang kontra at sasabihan pa niya ako na para daw akong kabayo kung kumain.

Nagpunta na ako ng counter at nag-order ng foods and drinks. Dala ko na ang mga order ko pagbalik ko sa table namin. Umupo ako rito sa tapat niya at ibinigay sa kanya yong foods niya.

"Jillian, kailan mo pa ako mahal?"

Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa mga pagkain na nakahain dito sa table.

"Honestly, unang kita ko pa lang sayo sa gymnasium crush na kita, kaya ako natamaan ng bola noon dahil nakatitig ako sayo." pag-amin ko sa kanya.

Napangiti siya sa sinabi ko saka siya tumitig sa akin.

"Ikaw pala yong natamaan ng bola nong unang beses akong pumasok ng gym?"

"Uhm, Oo."

Pareho kaming natatawa nong maalala namin yong araw na yon.

"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?"

"Ang alin?"

"Na gusto mo ako?"

"Huh? Uhm, sa sungit mong yan ang hirap kaya makalapit sayo. Isa pa, hinihintay kitang manligaw sa akin."

"Ang kapal ng mukha mo, hindi kita liligawan 'no. Ano na lang kaya itsura ko kapag nanligaw ako sayo."

Natatawa naman ako.

"Natatakot ako baka i-reject mo ako. Pero mahal na mahal kita."

Grabe na naman yong kabog ng puso ko.

"Jill, Anne!" napatingin kami pareho sa tumawag sa amin, yong dalawang bugok.

"Guys kapag nakapasok tayo sa semis tara sa Batangas, ha? Pahinga tayo sa bagong resort namin." si Jo.

"Maganda yang idea mo." sabi ko habang hawak ko ang kamay ng babe ko sa ilalim ng mesa.

"Anne, dapat kasama ka."

Tumingin siya sa akin, mukhang hindi niya alam ang isasagot kay Jo.

"Sige sasama kami ng babe ko." ako na ang sumagot para sa kanya. Halatang nagbu-blush siya. Hindi pa siya sanay na matawag na babe sa harap ng mga kaibigan ko.

"Good! Kita-kits na lang mamaya baka pati ako langgamin dito."panunukso sa amin ni Jean, nauna na silang lumabas ni Jo.

Pagkatapos ng mga klase namin ay hinatid ko na siya sa apartment niya at umalis din ako agad dahil nagpatawag ng meeting si Coach.

"Jill, sama ka sa akin saglit mamaya may surprise ako sayo." bulong ni Jo habang nagsasalita si Coach. Napakunot noo tuloy ako.

"Paano si Jean?"

"Susunod din siya mauna na tayo mamaya."

Tumango ako.

Gabi na kami natapos sa meeting. Inaantok tuloy ako. Tinext ko muna ang babe ko. Miss ko na ulit siya kaso my surprise raw si Jo sa amin.

["Babe anong ginagawa mo? Kasama ko pala si Jo samahan ko lang siya saglit."]

["Nakahiga at nanunood ng TV, saan ang punta niyo?"]

Saan nga ba?

"Jo san ba tayo pupunta?" tanong ko bago magreply sa babe ko.

"Sa bar."

Aish!

Sasabihin ko ba na sa bar kami pupunta baka naman magalit. Bahala na!

["Babe sa bar daw kami pupunta, samahan ko lang si Jo tapos uwi rin agad."]

Message sent.

Ayon, hindi na siya nagreply. Asar!

Pagkatapos ng mahigit 30 minutes na byahe nakarating na kami rito sa bar. Umupo na ako at nagorder ng iced tea. Nagaalala ako dahil hindi na nagreply ang babe ko. Sinubukan kong tawagan kaso unattented na.

"Jill, wait lang ha sunduin ko lang si Jack saglit."

"Okay."

Iyon siguro ang dyowa o manliligaw niya. Jack? Name iyon ng lalaki, so talagang naguguluhan lang ang kaibigan ko sa identity niya. Pero bakit siya pa ang susundo? Malayo pa lang natatanaw ko na siya at palapit na ulit sa akin, may kasama siyang sexy na babae.

Tumaas ang isang kilay ko.

Akala ko lalaki kasi Jack. Wait! Parang pamilyar sa akin yong babae? Habang palapit na sila doon ko namukhaan.

Anong ginagawa ng teacher namin dito?!

"Jill, si Jack."

Anak ng kamatis!

Jack?

Jackelyn Santos?

"Girlfriend ko."

Halos maibuga ko tong iniinom kong iced tea. Hindi ako makapaniwala!

"Hi po, hi Mam uhm----."

Natatawa tuloy si Jo.

"Jack na lang, Jill." sabi ni Mam sexy saka sila sabay umupo sa tapat ko.

Jack and Jill?

Puro na kami ''J". Ano ba yan!

"Okay po."

Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko. Ang awkward, kainuman namin ngayon si teacher. Student and teacher? Alam naman ng kaibigan ko na bawal ang ganitong relasyon. Sabagay hindi na masiyadong halata dahil parehas silang babae.

Sasabog na ang utak ko kakaisip. Bakit pa niya ako inimbitahan kung sila lang halos din ang naguusap. Isa pa tong si teacher kung saan-saan dinadala yong kamay ng kaibigan ko. Ayon, nakasuksok sa maiksi niyang skirt. Grabe, samantalang ako hindi maka-iskor sa babe ko.

"Waiter!" tawag ko. Napatingin naman sa akin itong dalawa.

"Yes, Mam?"

"Pa-order pa ng isang iced tea."

"Regular po?"

"Bottom-less, please." sagot ko.

Magpapakalango ako sa iced tea! Putik asan na ba si Jean?! Patuloy pa rin itong dalawa sa lambingan nila. Nakakainggit yong kamay ni Jo, kung saan-saan na nakarating. Buti na lang andito kami sa bandang dulo at medyo madilim. Naghahalikan na sila ngayon.

Hello andito po ako! Asar! Surprise nga talaga. Kapag hinalikan ko si Anne sa ganitong lugar malamang nagdudugo na 'tong mukha ko, baka nasampal na ako.

"Aray!" biglang may dumagok sa ulo ko! Pagtingin ko si Jean! "Gago ka naman, eh." reklamo ko.

Natatawa siya.

"Musta?"sabi niya pero bigla siyang natigilan. Hindi ata niya napansin agad itong dalawa sa harapan namin.

"Hi Jean!" sabi ni Mam sexy.

"Hi po, Mam."sagot nito saka siya tumingin sa akin. Umiwas agad ako ng tingin dahil ayokong mag-explain.

"Guys, C.R. lang kami ni Jack."paalam ni Jo.

"Jill, anong ibig sabihin nito?"

"Bulag ka ba o tanga ka lang?"

"Gago! ano nga?" pilit niya.

Bumuntong hininga ako.

"Girlfriend niya si Mam."

"What?! Hindi nga?" halatang nasurprise din siya.

Surprise, surprise!

"Oo nga! Kanina pa sila naghahalikan dito nong wala ka."

"Akala ko ba straight si Jo?"

"Akala ko rin."

Napanganga siya.

"Nakita na niya ang keps ko! Baka pati sa akin may pagnanasa na rin siya?"

Tawa ako ng tawa sa sinabi niya.

Pagbalik ng dalawa, nagkwentuhan at inuman kami. Nakailang baso ako ng iced tea dahil ayoko ng beer o hard drinks. Pagkaraan ng ilang saglit ay nagpaalam na ako sa kanila, sumabay na rin sa akin si Jean. Hindi talaga siya makapaniwala. Well, kahit naman ako hindi, eh.

Naisip kong dumaan muna sa apartment ng babe ko. Gabi na pero miss ko na siya ng sobra. Kumatok ako rito sa pintuan ng apartment niya pagkarating ko pero walang sumasagot. Nakailang katok ako pero hindi man lang niya ako pinagbuksan. Tulog na kaya siya?

"Sino yan?"

Ayon gising pa!

"Babe, ako 'to."

Hindi siya umimik. Bakit hindi pa niya ako pagbuksan? Biglang nagvibrate yong phone sa pocket ko. Tumatawag ang babe ko. Sinagot ko naman.

"Hello babe papasukin mo ako, please?"

["Umuwi ka na."]

"Ayaw! Galit ka ba?"

["Basta umuwi ka na."]

"Ayaw hindi ako uuwi! Kapag hindi mo 'to binuksan gigisingin ko yong may-ari ng bahay mo!"

Hindi siya umimik saka niya pinatay yong tawag. Narinig kong pinihit niya itong doorknob.

"Kulet!"sabi niya pagbukas ng pinto.

"Sunget!"

Away na naman kami nito.

Tumalikod agad siya.

"Sorry na babe kung ano man ang kasalanan ko."

Hindi ko siya matiis. Galit ata siya dahil sa pagpunta ko sa bar. Humarap siya saka niya ako inirapan.

"Umuwi ka na."ulit niya.

Tinitigan ko siya sabay takbo sa bed niya saka ako dumapa.

"Jillian!"Hinihila niya ang mga paa ko. Hindi naman niya ako mahila. "Yang sapatos mo tanggalin mo nga!"

Hindi ako gumalaw at hindi rin umiimik. Naramdaman ko na lang na tinatanggal niya ang sapatos ko. Ang sweet ng babe ko. Tumihaya ako pagkaalis niya ng shoes ko. Gumapang naman siya paakyat ng bed pero umupo lang siya.

"Araaaaay!"

Pinisil na naman niya tong ilong ko tapos ayaw niyang bitawan.

"Nang babae ka 'no?!"

Napaupo tuloy ako habang nakatakip ang kamay ko sa ilong ko.

"Ang sakit! Hindi ako nangbabae. Hindi nga ako uminom, eh."

Inirapan na naman niya ako. Hindi ko siya maintindihan. Minsan ang sweet niya pero madalas masungit. Ang sakit ng ilong ko. Humiga na siya, nakatagilid habang nakatalikod sa akin.

"Babe, huwag ka na magalit, oh."

Nilalambing ko siya. Hinalikan ko yong braso niya dahil naka nighties lang siya, ang Sexy!

"Pinagluto pa naman kita."

"Talaga, babe?"

Tumayo ako saka hinanap yong pagkain.

"Asan na yong pagkain ko?"

Ang sweet pinagluto niya ako.

"Pinakain ko na sa aso."

"Ano? bakit mo pinakain sa aso? Akin yon, eh."

"Malay ko bang babalik ka pa rito gabi na."

Hindi ako makapaniwalang ipapakain lang niya sa aso yong para sa akin. Nakasimangot na ako.

"Bukas ipagluto na lang kita."

Hindi ako umiimik.

"Jillian, humiga ka na kasi antok na ako." Hinila niya ang damit ko pero hindi ako kumikilos. "Bakit ayaw mong humiga?"

Hindi ulit ako umimik pero sumubsob ako sa leeg niya.

"Babe?"

"Hmm?"

"I love you."

Niyakap ko siya saka ko dinampian ng halik ang leeg niya.

"I love you too, Jillian.''

"Babe, miss ko na ang halik mo."

Tinitigan ko siya. Hindi siya umimik basta naramdaman ko na lang yong mga labi niya sa mga labi ko. Hmm sabik na sabik ako sa kanya. Ang sarap at ang lambot. Habang naghahalikan kami sinasabunutan niya ako. Grabe sumasakit tong puson ko sa halikan namin. Sinubukan kong itaas yong nighties niya saka ko hinawakan yong tiyan niya. Hinaplos ko yong pusod niya gamit thumb ko.

"Ahhh.." hindi na niya napigil ang moan niya.

Hmm dahan-dahan kong binaba ang kamay ko. Nakahawak na ko sa puson niya ngayon. Hindi ko tuloy alam kung saan ako magko-concentrate sa mga labi niya o sa ibaba ng puson niya.

Pababa pa ang kamay ko.

"Jillian!" naputol ang halikan namin saka niya hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. Parehas kaming naghahabol ng hininga. Sayang hindi ko nahawakan, konti na lang mararating ko na dapat yong tinatago niya. Pero halatang hindi pa siya handa kaya hindi ko na pinagpilitan pa. Ayoko din siyang biglain, kinuha niya ang kamay ko at nilagay niya sa tapat ng dibdib niya.

"Jillian."

"Hmm babe sige tulog na tayo."sabi ko saka ako umayos ng higa. Nakaunan siya sa braso ko, hinayaan ko na siyang maunang matulog.

...

Weekend.

Andito ako sa park kasama si Jean at Jo. Medyo madilim pa dahil madaling araw kami nagpunta rito.

Nagjo-jogging kami.

Kung dati kami lang ni Jean ang napapalingon sa mga kagaya namin na magaganda habang nagjo-jogging ngayon pati si Jo na. Tsk!

"Whaaaa!!!!" sigaw ni Jean saka kami nag-unahan sa pagsilong sa puno. Umupo muna kami.

Pawis na pawis kaming tatlo. Nagtanggal na kami ng mga Tshirt kaya naka-sports bra na lang kami.

Habang nagkwe-kwentuhan kami napansin ko yong hawak na towel ni Jean. Ang cute ng kulay parang yellow-orange at nakaprint pa yong name niya sa bandang ibaba ng towel. Nagpunas din ako ng noo gamit ang towel ko.

"Jean, ang cute ng towel mo saan ka nagpagawa?" tanong ko sa kanya

"Hmm cute, di ba? Pinalabhan ko nga agad nong matanggap ko ito nong birthday ko." .

"Yan yong birthday gift ni Anne sa kanya." saad ni Jo sabay inom ng tubig, saka ito umismid halatang inaasar ako.

"Hindi nga?" tiningnan ko ng masama si Jean.

"Ito nga yong birthday gift ni Anne sa akin, bakit may problema ba?"

"Aish!!!" tumayo ako at binitbit ko na tong bag ko saka ako naglakad paalis.

"Hoy Jill!" tawag nila sa akin pero hindi ako lumingon.

Kainis! Buti pa si Jean binigyan ni Anne ng regalo bakit ako wala?!

Habang naglalakad ako papuntang kotse halos sipain ko lahat ng madaanan ko.
Pagkasakay ko nagdrive agad ako papuntang apartment ni Anne.

Kumatok ako pagkarating ko rito.

Nandito na ako sa harap ng pinto, wait ko lang na pagbuksan ako ni Anne kaso ten minutes na kong nakatayo rito pero hindi pa rin niya ako pinagbubukasan kaya sumandal muna ako rito sa pader.

Narinig ko yong pagpihit ng doorknob kaya umayos agad ako ng tayo.

"Jillian, bakit nakasimangot ka na naman?"

Halatang katatapos lang niyang maligo dahil basa pa ang buhok niya.

"Babe bakit ang cute ng gift mo kay Jean?"

Ngumiti siya saka niya ako hinila dito sa loob ng sala.

"Mumurahin nga lang yong gift ko sa kanya, eh."

"Kahit na tapos nakaprint pa yong name niya."

Halatang natatawa siya sa akin, nakasimangot naman ako.

"Hmm huwag ka nang magtampo eto na yong gift ko sayo."lumapit siya sa akin saka niya hinawakan ang mga pisngi ko sabay halik sa mga labi ko.

______________________________________

ANNE DEL RIO

Monday morning.

Naglalakad ako papasok ng school wala si kulet kaya mag-isa ko lang. Napangiti tuloy ako hindi ko akalain na mangyayari 'to sa buhay ko, ang magmahal sa isang kagaya ni Jillian.

Nagtatampo siya dahil binigyan ko ng towel si Jean. Para siyang bata kung magtampo.

Huminga ako ng malalim saka humalukipkip, ang lamig ng panahon ngayon at napakasarap nito sa pakiramdaman.

"Kailangan mo ng yakap?"

Napangiti ako.

Hindi pa man ako lumilingon kilala ko na kung kaninong boses iyon. Si kulet! Nakasunod siya na sa akin. Tumigil ako sa paglalakad saka humarap sa kanya.

"Akala ko ba may meeting kayo?"

"Hmm cancelled, kaya andito ako para sunduin ang pinakamamahal kong girlfriend na mukhang kailangan ang hug ko." sabi niya saka niya pinalobo yong mga pisngi niya.

Aaminin ko na, napaka-cute niya!

Sabay kaming naglakad papuntang campus. Papasok na kami ng gate nong mapansin kong madami na naman ang mga nakaabang na estudyante sa kanya. Lalo na ngayong nakapasok sila sa semi-finals, mas dumami ang fans niya. Ngumiti ito sa kanila at kumaway.

......

Lunch time.

"Babe after ng class pwede ba tayong manood ng volley ball?" tanong niya habang kumakain kami. Wala rin naman akong gagawin mamaya.

"Pupunta rin si Jean at Jo para manood, mamaya kasi malalaman kung sino pa yong dalawang team na makakapasok sa semi-finals."

"Hmmm"

"Babe sige na, oh?"

Natatawa ako mukha na siyang nagmamakaawa.

"Oo na." sagot ko.

"Yes!"

Abot tenga ang ngiti niya. After ng klase tayuan na kaming lahat dahil manunood kami ng game.

"Jill, tara na!" si Jean at si Jo. Nauuna na silang maglakad, kasama nila si teacher Jackelyn.

Pagdating namin dito sa Sports Arena ay napakaraming tao. Dito kami sa bandang likod nakaupo ni Jillian. Yong dalawa ay nasa 2nd row kasama nila si teacher.

"Jillian?"

"Hmm bakit, babe?"

"Close pala yong tatlong 'yon?"saad ko saka ko nginuso kung saan nakaupo sina Jo.

"Ah Oo, babe."

Ilang saglit lang ay nagsimula na ang laro pero parang hindi naman nanunuod itong si Jillian.

"Babe, gusto kong hawakan yang kamay mo."

"Manuod ka ng laro."utos ko sa kanya.

"Hmp, ang damot!"

Hindi rin naman niya mahahawakan tong kamay ko dahil ang daming nakatingin sa aming studyante. Panay pa lapit sa kanya kanina para magpa-autograph at magpapicture. Parang ako tuloy napapagod sa dami nang lumalapit sa kanya.

Biglang hiyawan ang mga studyante at palakpakan sila.

Parang alam ko na kung bakit, kaya tumingin ako sa screen sa taas. Nakaclose-up siya at hindi lang yon kundi kasama ako. Ano ba yan nakakahiya! Kumaway siya saka ngumiti sa camera.

Natatawa tuloy ako ang cute kasi niya.

"Babe tingin ka sa camera dali!"sabi niya habang kinakalabit niya 'tong braso ko.

"Ayoko nga."

"Wala na tuloy, umalis na."

"Baliw ka talaga ikaw lang naman pinapalakpan ng mga tao."

"Kahit na." ngumiti siya sabay subo ng popcorn.

Natapos din yong dalawang game at nakapasok yong team na nakainitan ni Jillian ang isang player. Akala ko masusuntok na siya noon buti nasalo niya agad yong kamao nong player na susuntok dapat sa kanya.

Umuwi na kami pagkatapos naming manuod. Pero bago kami dumiretso ng apartment pumunta muna kami ng park.

"Jillian, ano gusto mong kainin?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Ikaw"

"Ano?!"

"Ikaw! Ikaw na bahala, babe."

Ngumiti siya saka niya pinalobo ang mga pisngi niya. Lokong 'to! Akala niya hindi ko na gets yong sinabi niya.

"Jillian, gusto mo ikaw ang kainin ko?"

Nanlaki tuloy yong mata niya. Natawa naman ako sa reaksiyon siya. Akala niya, ha!

Bumili kami ng chicken balls at naghanap ng mauupuan.

"Babe, ikaw talaga ang gusto kong kainin." bulong niya habang kumakain kami. Sa totoo lang hindi na naman normal yong paghinga ko dahil sa word na kainin, pigil hininga ako kapag binabanggit niya sa akin yon. Gusto talaga niya akong kainin?

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Babe, gusto ko pa."

"Jillian, ang takaw mo kinain mo na nga yong pagkain ko, eh."

"Kulang babe, gutom pa ako." reklamo niya.

"Eto ang pera bumili ka doon."

Tinitigan lang niya 'tong pera na inaabot ko sa kanya.

"Babe, samahan mo ako. Gusto ko ng goto."

Grabe anong bituka meron tong si Jillian? Para siyang eating machine.

"Sige tara, hanap tayo."

Nakahawak ako sa braso niya habang naglalakad kami. Kumain ulit kami dahil request niya. Halos hindi na ako makahinga dahil sa kabusugan after namin kumain ng goto.

Umuwi na rin kami after naming maglakad-lakad at magpababa ng kinain. Hinatid niya ako rito sa apartment ko.

"Babe, I love You."

"I love you too, Jillian."

"Uuwi na ako may pinapagawa kasi si Coach."

"Sige, mag-iingat ka."

Pununoorin daw nila yong mga videos kung paano maglaro ang mga makakalaban nila sa semi-finals.

At dahil nakapasok sila sa semis may outing ulit silang magbabarkada at isasama niya ako. Nakakatuwa rin silang kasama dahil kung saan-saan kami nakakarating.

•••

Gaya ng inaasahan ko, dumating ang araw na iyon at may kumakatok sa pintuan ko. Binuksan ko agad ang pinto.

"Hi Anne" si Jean at si Jo sabay pa silang humalik sa mga pisngi ko.

"Let's go?" si Jo. Tumango ako at nilocked ko na itong apartment.

Pagbukas ng pintuan ng van bumungad sa akin ang iba nilang mga kaibigan.

"Hi babygirl!"

"Hello." bati ko sa kanila. Ibang sasakyan na naman 'tong dala nila parang bus-type ang loob nito, umupo na ako. Nandito rin pala si Mam Jackelyn, magkatabi sila ni Jo. Mukhang close talaga silang dalawa. Si Jillian dadaanan na lang daw namin sa may coffee shop.

Nasa biyahe na kami ngayon.

"Anne, nagtext si Jill hindi raw siya makakasama." saad ni Jean.

Parang gusto kong umiyak sa narinig ko. Gusto ko nang bumaba dahil wala naman pala siya. Bakit hindi ako ang sinabihan niya na hindi siya makakasama? Eh di, sana hindi na rin ako tumuloy.

"Hindi nga, wala ba talaga si Jill?" tanong ni Ellaine.

"Anne, huwag ka nang malungkot diyan. Ayon na si lovergirl, oh!"turo ni Yana.

Napatingin ako rito sa may bintana, si Jillian nga!

"Ayon oh, yuhuu!!!" sigawan sila.

"Hello guys!" si Jillian, saka siya pumasok at umupo rito sa tabi ko.

"Hi babe." sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

"Akala ko hindi ka na makakasama Jill may umiiyak na rito, eh!" pang asar nila sa akin.

"Hindi pwedeng hindi ako sumama 'no!"saad niya saka niya ako tinitigan. Namiss ko tuloy siya kaya humawak ako ng mahigpit sa braso niya.

"Babe, andito na ako. Huwag ka masiyadong nagpapaniwala sa mga bugok na 'to." sabi niya saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko sabay halik sa mga labi ko.

"Yun oh! Nakita ko 'yon!" si Frances.

Medyo nahihiya tuloy ako. Halatang alam na nila na magkarelasyon kami ni Jillian.

Natulog ako sa byahe habang nakasandal ako sa kanya.

"Babe, gising na I love you." nagising ako sa I love you niya.

"Andito na tayo?"

"Yes, babe."

Tiningnan ko ang relo ko parang mahigit two hours lang kami nagbiyahe from Manila to Batangas. Pumasok na kami rito sa gate ng resort. May isang swimming pool na malaki at may apat na magkakadikit na room. Maliit lang 'tong resort pero napaka-ganda. Matatanaw mo pa ang bundok malapit dito sa resort.

"Jo, ano yon?" napatingin din ako sa tinuturo ni Jillian.

Isang maliit na pool parang kasing laki lang ng tatlong bathtub na pinagtabi-tabi.

"Hot spring."sagot niya.

"Oh, cute!" sabi ni Jillian.

Pumasok na kami rito sa kwarto at may dalawang bed. Kasama namin dito sa room si Jo at si teacher Jackelyn.

"Babe, halika na pahinga muna tayo." tawag niya sa akin saka siya humiga. Gumapang naman ako sa tabi niya at yumakap sa kanya. Hinahaplos niya ang pisngi ko habang nakatitig siya sa akin. Dahil siguro sa byahe at malamig ang kwarto ay hindi ko na napigil ang antok ko at nakatulog ako dito sa tabi niya.

Naalimpungatan ako at nagising nang marinig ko na may maingay.

Napatingin ako kay Jillian at mahimbing pa rin ang tulog niya.  Hinaplos ko ang pisngi niya saka ako humalik sa gilid ng mga labi niya. Ang ganda talaga ni Kulet.

Saglit, parang may maingay talaga kaya umupo muna ako.

Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Si Jo at si Mam Jackelyn!

Nakahubad silang dalawa habang nasa ibabaw si Mam at gumigiling siya sa ibabaw ni Jo!  Pero bago pa nila ako mapansin ay humiga na ulit ako saka ako yumakap kay Jillian.

Ang ingay nilang dalawa! Puro ohhh ahhh ang naririnig ko. Ano ba yan!

"Jillian..." kinalabit ko yong braso niya kaso ayaw niyang gumising.

"Jillian."tinawag ko ulit siya.

"Hmm babe bakit?" sa wakas nagising din siya saka siya humalik sa mga labi ko. Hindi pa rin tumitigil yong dalawa kaya tinakpan ko ang tenga niya. Napakunot noo tuloy siya. Kinuha ko yong kumot saka ko itinakip sa katawan namin, nakatalukbong na kami.

"Babe, ano yon?" narinig din niya yong maingay.

"Jillian, huwag mong aalisin ang talukbong natin kung ayaw mong magalit ako sayo."

Halos bulungan lang kami. Nakakunot noo pa rin siya.

"Babe, kanina ka pa ba gising?" ang lakas ng boses niya kaya tinakpan ko ng daliri ko yong bibig niya.

"Shhh, huwag kang maingay."

"Bakit?" tanong niya. Kiliting-kiliti yong daliri ko nong magsalita siya. Nagmo-moan yong dalawa. Natatakot ako baka biglang bumangon itong katabi ko.

"Ay!" nagulat ako at bigla kong tinakpan ang bibig ko dahil nakuryente ako nong dinilaan niya itong daliri ko.

"Jillian, masasapak kita."mahinahon pa rin ang boses ko.

"Sorry, babe."

Kinabig niya ako kaya napayakap ulit ako sa kanya. Nakatalukbong pa rin kami dahil hindi pa tumitigil yong dalawa. Napapailing tuloy itong si Jillian.

Sa kabilang banda, natutuwa ako dahil kahit gaano kakulit 'to hindi niya ako nagawang pilitin pag-dating sa----basta 'yon na 'yon.

Sana matapos na 'yong dalawa sa ginagawa nila.

.....

Continue Reading

You'll Also Like

116K 2.1K 198
Paano ba kung mafall ka sa kapwa mo babae? Paano nalang kung sa hindi inaasahan sa straight na babae ka nahulog? Paano kung ayaw nang mga magulang mo...
393K 7.8K 34
Johansen meets Samantha, his dad's new secretary, and initially assumes she is his dad's mistress. However, Samantha ends up living in their house, a...
48.1K 896 21
Awards, medals, certificates, recognitions, and many more are the only thing Liezel Rayos wants in her life. Second place is not enough for her becau...
2M 79.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.