The Meaning of Wife (KimXi Fa...

By MiaBacolodDelaFuente

457K 5.1K 1.1K

Isang storyang naglalahad ng damdamin ng isang babaeng minsang nagmahal, minsang nasaktan ngunit patuloy na l... More

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)
Prologue
Chapter I - Math of Investment
Chapter II - Time Issues
Chapter III - One Step Closer
Chapter IV - Who is Who?
Chapter V - Thank God, It's Friday!
Chapter VI - Trouble is a Friend
Chapter VII - Mélancolie
Chapter VIII - His Property
Chapter IX - Settling Down
Chapter X - Confrontations
Chapter XI - Giving Chances
Chapter XII - Pregnant or Not?
Chapter XIII - Bad to Good
Chapter XIV - His Sweet Side
Chapter XV - Ticket To One's Heart
Chapter XVI - Guilt Reigns
Chapter XVII - Paradise
Chapter XVIII - Hugs and Kisses
Chapter XIX - Hospital
Chapter XX - Secrets
Chapter XXII - Her Sentiments
Chapter XXIII - It Might Be You
Chapter XXIV - The Blessing
Chapter XXV - On Being A Father
Chapter XXVI - One Sweet Day
Chapter XXVII - Tokyo Love
Chapter XXX - Land of the Rising Sun
Chapter XXXI - Picture Perfect
Chapter XXXII - More Than Words
Chapter XXXIII - He Chose Her
Chapter XXXIV - Time Management
Chapter XXXV - Hatred Starts
Chapter XXXVI - Decisions
Chapter XXXVII - A Little Too Late
Chapter XXXVIII - Separate Lives
Chapter XXXIX - Lady In Red
Chapter XL - Business As Usual
Chapter XLI - Motherly Side
Chapter XLII - Real Deal
Chapter XLIII - Ohana
Chapter XLIV - Significance of a Woman to a Man
Chapter XLV - The Meaning of Wife

Chapter XXI - Martyrdom

8.6K 108 32
By MiaBacolodDelaFuente

Sorry for keeping you guys waiting. :D

Overview of this chapter: Masyado pong ma-drama ang chapter na ito. Pagpasensyahan niyo na po. Ganito ho talaga ang flow ng story. The title itself gives you a brief idea on what will be the content of the story. ‘Wag niyo naman po sana akong awayin kung hindi niyo nagustuhan. Kung ayaw niyo pong makabasa ng kadramahan, pwede niyo pong pindutin ang exit button.

Alam kong masyado kong kinakawawa ang mga babae sa story na ito pero we have to face the reality. Nangyayari ang ganitong eksena sa totoong buhay. Alam ko pong may iilan sa inyong nakaka-relate. At sa kanila ko po idini-dedicate ang storyang ito dahil saludo ako sa katatagan nila kahit nagpapaka-martyr sila.

READ AT YOUR OWN RISK. Binalaan ko kayo. Kung ayaw niyo sa story ko, okay then. Everyone is entitled with his/her own opinion.

-Mia

KIM’S POV

Nasa gitna ako ng pag-iisip. Nasa kamay ko pa rin ang mga gamot. Gulat na gulat ako sa mga ito. Hindi ko maintindihan. Para saan ang mga ito?!

Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni nang biglang…

“WHAT ARE YOU DOING KIM!?” Galit na galit si Xian. Hindi ko napansing nasa pintuan na pala siya ng kotse niya. Para akong na-estatwa sa kinauupuan ko. Inagaw niya sa akin ang supot ng gamot.

“X-Xi…”

“How dare you to mess up with my things!? You know in the first place na ayaw kong may nangengealam sa mga gamit ko! Pero ano ang ginawa mo!? Ha?!”

Biglang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Frightened was I sa pinakita niyang kilos. Punung-puno siya ng galit. His eyes were on fire. I started to tear myself down. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang mag-react that way. Isa lang ang alam ko, gusto kong tumakbo palayo… Palayo sa lalakeng nasa harap ko ngayon na tila ‘di ko kilala.

“I-I’m s-so-*sob*sorry, Xian.” Patuloy ang pagtulo ng luha ko. “Hindi ko naman *sob* kasi alam na…”

Hindi niya pinatapos ang paghingi ko ng tawad. He didn’t even give me a chance to explain my side. “Alam na ano, Kim!? Ha? Are your reasons enough for you to invade my personal things?! This is bullshit, Kim!” Pinigilan kong umiyak pero hindi pa rin tumigil ang pagtulo ng luha ko. Nanahimik na lang ako. “Ayoko ng maulit pa ‘to, Kim. Understand?”

I wiped my tears away. Tumango lang ako. Fear overpowered me. I felt helpless than ever.

Buong biyahe, tahimik lang kami. He drove like he’s ready to bump with other vehicles. But I managed to ignore it. Mas nadagdagan ang takot ko. Silently, I prayed that I would be able to overcome the hardships that I’m experiencing. Alam kong simula pa lang ito. Simula pa lang ito ng paghihirap ko.

Patay-mali lang ako sa kung anuman ang nakita kong mga gamot. Pero it seems na hindi ako pinapatahimik ng utak ko. A part of me wants to know the truth. Kung kay Xian man ‘yun, bakit hindi niya sinasabi sa akin? Bakit niya tinatago? May sakit nga ba siya? Gustung-gusto ko siyang i-confront pero wala akong mahagilap na lakas ng loob sa sarili ko. Gusto kong tanungin siya para sa ganu’n eh matulungan ko siya sa kung anuman ang pinagdaraanan niya.

Nang makauwi kami, tahimik pa rin siya. Agad siyang pumasok sa kwarto niya. Gusto ko siyang marinig. Gusto kong mapaamin siya. But then I realized na kahit anong gawin ko, alam kong hindi ko siya mapipilit. Kasi kung may balak siyang sabihin sa akin ang totoo, dapat matagal na. I didn’t dare to cling on him. Siguro mas mabuti nang hayaan ko muna siya. Alam kong hindi magtatagal, malalaman ko rin ang totoo.

Dumating ang bago naming kasambahay. Nasa late 50’s na ito, at gaya nga ng pagkakaalam ko, kapatid siya ni Nanay Agnes. Siya na ang mag-aasikaso sa gawaing bahay dahil aaminin kong wala akong panahon sa chores ngayon lalo pa’t finals at isabay mo na rin ang naiwan kong trabaho.

Gaya ni Xian, mas pinili kong pumasok na lang sa kwarto ko. Napasampa ako sa kama ko. I decided to open my Mac. Para saan pa’t may internet kung hindi ko naman matutuklasan ang tungkol sa mga gamot na iyon?! Google. It would definitely answer my questions. Mga gamot ito ng psychiatric disorder, particularly ng Schizophrenia. Nanikip ang dibdib ko ng malaman ko ang fact na ‘to. Is Xian ill? Pero how? Eto ba ang dahilan kung bakit pabago-bago siya ng mood? Eto ba ang rason kung bakit marami siyang inililihim sa akin?

Ilang araw matapos kong i-search ang mga gamot na ito. Instead mabawasan ang pag-aalala ko, mas lumala pa ito. Bumalik sa dating approach si Xian. Hindi niya na naman ako pinapansin at madalas, galit siya sa akin. Wala naman akong ginagawang mali. I always make sure na hindi ako pumapalya but it seems na hindi niya makita ang mga kabutihang ginagawa ko. Eto na nga ba ‘yung kinakatakutan kong mangyari eh. ‘Yun bang ipaparamdam niya sa akin na hindi niya ako mahal. In the very frist place, I was well-oriented that he has no feelings for me and tinanggap ko ‘yun ng buo dahil nga mahal ko siya. I’m trying my best to chase my hurt feelings away. Ayokong maapektuhan ang buong pagkatao ko sa mga pinapakita niya.

The past few days, naging abala ako. Natapos na ang pictorial with the publishing company wherein ifi-feature ang bahay namin. Good thing, napapayag ko si Xian. Naging abala rin ako sa school. Next week, Intramurals na. I decided not to join on any event. Masyado akong abala.

“Hija! Kanina pa kita tinatawag.” Nanumbalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Manang Cecile. Siya ‘yung bago naming kasambahay. Mabait naman siya, gaya ni Nanay Agnes.

“Ha? Eh bakit ho? May problema ba?”

“Ang sabi ko, kumain ka na. Lumalamig ‘yung pagkain. Pansin ko, kanina ka pa nakatulala. May sakit ka ba hija?” Kinapa niya ang noo at leeg ko. “Eh hindi ka naman mainit. Hala, sige. Kumain ka na at nang makapunta ka na sa school niyo.”

“Manang, si Xian po? Nasaan siya? Nakakain na ba ‘yun?”

“Ai naku! Hindi ka ba niya sinabihan? Kanina pang alas singko ng umaga umalis. Hindi na nga ‘yun nakakain eh. Ang sabi niya, sa labas na lang daw siya mag-aagahan. At ang akala ko nga, sinabihan ka niya. Bakit hija, wala ba siyang sinabi sa’yo?”

“Wala ho eh.”

“Kanina, pansin kong nagmamadali ‘yun. Hindi na nga ako halos nakapagtanong dahil para bang may mahalaga siyang pupuntahan.”

Umalis siya ng alas singko ng umaga? At saan naman siya pupunta ng ganu’n kaaga? Mas dumarami ang mga inililihim niya sa akin. Pwede naman niyang sabihin sa akin kung saan siya pupunta eh. Hindi naman ako magagalit. Ayaw ko lang namang mag-alala kung nasaan siya.

Pumunta ako ng school. Pero walang ni isang bakas ni Xian ang nandu’n. Pagkatapos ng klase ko, nagpatuloy ako sa paghahanap sa kanya. Hanggang sa sumuko ako at nag-decide na puntahan si Steph. Pagdating ko sa hospital, tawanan ang narinig ko. Oo nga pala, magaling na si Steph. Hindi na gaanong sumasakit ang ulo niya but she still needs to stay in the hospital para ma-monitor ang kalagayan niya.

Nagulat ako ng hindi si Aaron ang nakita ko kung hindi si Troy. Oo, si Troy. He’s the ex-boyfriend of Steph. Nakakapagtaka. Paanong napunta rito si Troy? Eh sa pagkakaalam ko, they have their issues from the past.

Eavesdropping – perfect word to describe kung ano ang ginagawa ko ngayon.

“Hahaha! Ikaw talaga! Ewan ko sa’yo, ang corny mo!” May pahampas-hampas pa si Steph kay Troy ha.

“Corny raw pero tawang-tawa ka naman!”

“Ehem. Ehem!” ‘Di ko napigilang ‘di makiepal.

“Hey bitch! You’re here!” Nakangiting sabi ni Steph.

“Is that how you welcome your ever beautiful friend, Steph Dy?” Kunwari nagtatampo ako.

“Whatever! Come to sit here.”

“Wait, anong ibigsabihin nito Steph? Why is Troy here?”

“Wala lang. Masama bang dalawin niya ako?” Mataray na sagot ni Steph.

“Aba! Talaga lang ha!” Inirapan ko siya. Eto kasing babaeng ‘to, pagdating kay Troy, ewan ko na lang. Ayaw pa kasing aminin sa sarili eh na mas type niya si Troy kesa kay Aaron.

“Siya nga pala Kim.” Napatingin ako sa nagsasalitang si Troy. “Nakita ko si Xian kanina. May mga dala pa nga itong fruit baskets. Tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon. Magkasama ba kayo?”

Si Xian? Nandito sa hospital? Akala ko, guni-guni ko lang ‘yung nakita ko noon. Pero hindi eh. This time, pati si Troy, nakita niya na rin. I really need an explanation with this. “Ha? Naku, imposibleng mangyari ‘yan Troy. Sino naman ang dadalawin niya rito sa hospital aside from Steph? At isa pa, kanina pa ‘yung madalaing araw umalis ng bahay. Busy ‘yun kaya malabong mapadpad dito ang asawa ko.” Pinagtakpan ko si Xian. Ewan ko ba. Feeling ko, hindi sila Troy ang niloloko ko kung hindi ang sarili ko. Pero mahirap isipin na maraming tinatago si Xian sa akin. As of now, ayoko munang i-handle.

Umuwi akong balisa at tila pansanin ang mundo. May dapat nga ba akong ipag-alala? Nakakabahala ang mga galaw niya ngayon. Nawala ang lungkot sa mga mata ko nang makita kong nakaparada sa garahe namin ang sasakyan ni Xian. Umuwi siya! Nandito na siya! Walang mapagsidlan ang saya ko. Makukuntento na lang muna siguro ako sa ganito ngayon. Sapat ng sa akin siya umuuwi kahit pa sabihin nating hindi naman niya ginagampanan ang duties niya bilang asawa ko. Nakakalungkot isipin na kahit katiting, wala aong karapatang mag-demand ng kahiit konteng pagmamahal mula sa kanya.

“Manang, si Xian po?” Masayang bungad ko kay Manang Cecile.

“Oh, nariyan ka na pala, Neng. Halika’t nang makapagpahinga ka rito sa loob. Si Xian ba kamo? Nasa kwarto niya. Nagpapahinga ata.”

“Ganu’n ho ba? Oh sige, tatawagin ko lang po.”

“Mabuti pa nga at nang sabay na kayong maghapunan. Ipinagluto ko kayo ng Bistek Tagalog. Pagkakaalam ko, gusto iyon ni Xian, hindi ba?” Tumango lang ako sabay ngiti. “Oh siya sige. Akyatin mo na ang asawa mo sa kwarto. Masamang pinag-aantay ang pagkain.”

Agad akong nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay namin. I took my deep breath before I decided to knock on his door.

*knock knock knock*

“Xi… Nandyan ka ba? *knock knock knock* Xian? Halika na. Nagluto si Manang Cecile ng paborito mo. Sabay na tayong kumain. Xian? Naririnig mo ba ako?” Hindi siya sumagot. Ikinadismaya ko ito.

Pero biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Xian. Diri-diretso siyang bumaba ng hagdan. Hindi man lang ako pinansin. Sa aura nito, halatang wala na naman ito sa mood. Patience Kim, a little more patience. Sumunod ako sa kanya. Nang marating ko ang kusina, nakaupo na ito sa kabisera ng hapagkainan. Walang ni isa sa amin ang gustong magsalita. Pero dahil ayokong ‘di kami nagpapansinan, I decided to break the wall between us.

“Ah, Xi… Gusto mo bang lagyan kita ng ulam sa pinggan?”

“Hindi ako baldado, kaya kong gawin ‘yun ng mag-isa.” Walang kaemo-emosyon niyang sabi. Bakit ba ang sungit niya? I was just trying to be a good wife to him. Gusto ko lang naman siyang pagsilbihan gaya ng karaniwang ginagawa ng isang maybahay sa kanyang asawa.

Nang matapos kaming kumain, nilakasan ko ang loob kong kausapin siya. Bahala na kung ano ang magiging kahihinatnan nito. Wala naman sigurong masama kung tanungin ko siya ‘di ba? Technically, I’m his wife and I have the right to know kung saan siya nanggaling, anong ginawa niya at bakit siya maagang umalis kanina.

“Now, speak. What do you want to know?” He’s on his cold side again. Nandito kami sa garden ngayon. Nakapameywang siya at nakaharap sa may pool. Hindi man lang niya ako hinarap.

“Ah… A-ano kasi. Saan ka nanggaling k-kanina?” Nauutal kong sabi. Hindi siya sumagot. At tila wala rin siyang balak sagutin. “Uhmm. ‘W-wag mo na l-lang sa-sagutin X-Xi. Pasensya na.”

“May pinuntahan akong importante.” Bigla siyang nagsalita.

“G-ganu’n ba? ‘Wag mo sanang, alam mo na… Mamasamain. Xian…” This time, napatingin na siya sa akin. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. “May problema ba tayo?”

He laughed sarcastically. “You’re asking me if we’re okay, Kim? Ha! Wow. Let me ask you this…” Naglakad siya papunta sa akin. Hinila niya ang magkabilang balikat ko. “Kelan ba tayo naging okay?! Ha?!”

“Xi-Xian. Nasasaktan ako…” Nakakatakot siya. Gusto kong humingi ng tulong dahil hindi ko na naman kilala ang lalakeng nasa harapan ko ngayon. He released me. Nanghina ang mga tuhod ko which caused me to fall on the ground.

“Ang problema ko? Marami. Maraming-marami. Bakit, kung iisa-isahin ko ba sa’yo, may maitutulong ka? Bakit, kung sasabihin ko ba sa’yo, may magbabago pa?! Mababalik ba sa dati ang lahat Kim?! Magiging maayos ba ulit ‘tong ‘tang-inang buhay kong ‘to?! Ha? ‘Pag sasabihin ko ba sa’yo, mawawala ba ang sakit na nararamdaman ko? Ha?”

“Xian…” Nag-umpisa na namang magsituluan ang mga luha ko. Ganito na lang ba lagi? Lagi na lang ba akong masasaktan? “Hayaan mo akong tulungan ka.” Nilapitan ko siya. Kasalukuyan siyang nakatalikod. Niyakap ko siya mula sa kanyang likod.

“Hindi mo ako naiintindihan, Kim!” Pinipilit niyang tanggalin ang mga bisig ko sa katawan niya pero mas lalo ko itong hinigpitan. Ayokong makawala siya.

“Paano ko maiintindihan kung ayaw mong ipaintindi sa akin? Xian! Asawa mo ako. We made our promises sa harap ng Panginoon na magkasangga tayo whatever happens.” This time, mas dumami ang luhang binubuhos ng mga mata ko. “Hayaan mo ako Xian… Hayaan mo akong samahan ka at damayan ka kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayon. Hayaan mo akong ipadama sa’yo na nandito ako para alalayan ka. Ayokong nakikita kang nahihirapan. Ayokong nakikita kang pasanin ang mundo at wala lang man akong magawa para tulungan ka. Kasi sa tuwing nasasaktan ka, mas nasasaktan ako. Hayaan mo akong itulak ka pataas sa mga panahong gusto mo ng sumuko. Hayaan mo akong maging kaibigan mo. Hayaan mo akong maging parte ng buhay mo. Hayaan mo akong mahalin ka sa paraang alam ko.”

“Hindi ganu’n kadali ‘yun Kim…” Tinanggal niya ang braso kong nakapulupot sa kanya. Napabitiw ako sa pagkakahawak sa kanya. Tuluyan siyang umalis. Gusto ko siyang habulin ngunit parang ang bigat ng mga paa ko at hindi ko maigalaw papunta kay Xian. There’s nothing left to do but to cry the pain away…

----Kamusta ang chapter? Told yah… Madrama. Haha! Let me hear your thoughts.

Follow on Twitter: @Kimxi_Gensan

Follow me on Twitter and on IG: @MiadelaFuente

-Mia

Continue Reading

You'll Also Like

169K 2K 33
He was in Grade 1. I was in Grade 5. Our story years after
5.7K 3.9K 52
Francine Mei Zaldua is known as one of the top students at university of Asturias in Cebu province. She is a talented and a smart woman who dreamt to...
366K 3.7K 11
Paano mo nga ba ie-explain ang salitang ironic? For the past 25 years ng kanyang buhay, nagawa ni Aya na takasan ang kanyang kapalaran bilang nag-iis...
1.1K 63 51
Eileysha Victoria Sandoval is an eighteen years old lady who has no clue about love so because her curiosity she dived into the world of love witho...