Finding Miss Unknown [Complet...

By AlizahAnn

54.5K 580 106

Si Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may m... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20.1
CHAPTER 20.2
CHAPTER 21.1
CHAPTER 21.2
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
Read if reader ka ng Finding Miss Unknown :)
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39.1
CHAPTER 39.2
CHAPTER 40
EPILOGUE

CHAPTER 16

965 9 1
By AlizahAnn

CHAPTER 16

 First week of June.

-----

"Nasaan si Chad?" tanong ni Luke pagkabukas ng pinto ng arcade room ni Rick.

Ilang araw ang lumipas matapos ang bakasyon sa Boracay, inaya nila si Chad na mag-xbox o mas tamang sabihin na kinaladkad nila ito. Masyado silang mapilit kahit sinabi nitong ayaw nya.

"Ano ba proble---hahaha, ano yang nasa mukha nyo?"

"Pang-asar ka ha!" Rick

"Ang gwapo kong mukha, may date pa naman ako bukas. Sinabi ko na kasing hayaan nyo na si Chad eh" hawak-hawak ni Nathan ang kaliwang mata habang nakaharap sa salamin.

"Eh bakit si Tristan wala manlang gasgas?" Luke.

"Nakakalimutan mo ata na dati rin akong member ng----"

"Oo na oo na, di mo na kailangang sabihin. Kinikilabutan ako sa'yo" Luke.

"HAHAHA" Lakas makatawa nitong si Tristan.

"Pupunta ba si Drix?" Nathan.

"Oo susunod daw sya" sagot naman ni Rick.

"O, Chad san ka pupunta?"

Tumayo ito at lumabas ng arcade room. At sinarado ng malakas ang pinto.

"Hayaan nyo na sya. May pupuntahan pa yan" sabi ni Tristan bago pa ito tuluyang makalayo.

Papasok na sana si Chad sa kotse nang huminto sa labas ng gate ang kotse ni Drix. Umikot sya sa kabilang side para pagbuksan kung sino man ang nakasakay dun. Hindi nga sya nagkamali sa iniisip, si Lorraine.

Tinanguan lang nya si Drix at mabilis na pinasibat ang sasakyan. Mula sa side mirror kita nya na nakatingin si Lorraine. Hangga't maaga, napagpasyahan nyang iwasan na ang dalaga.

--------

"Galit ba si Chad?"

Nagkibit-balikat lamang ang binata at saka hinawakan ang kamay ni Lorraine.

"Hi, Raine," sabi ni Nathan habang kumakaway pa kay Lorraine.

"Hi."

"Ang sweet naman haha." Rick.

Napabitiw tuloy sa pagkakahawak si Lorraine. Pero muli itong kinuha ni Drix.

"Baka langgamin kayo nyan hahaha" Rick.

"San pupunta si Chad?" tanong ni Lorraine. Di kasi sya matahimik sa inasal ng binata kanina. Ni hindi manlang sya tinignan nito.

"Kay Nadine!" Nathan.

"Huh?"

"Yung girlfr---"

"NATHAN!!" sigaw ni Tristan in warning-tone.

"Ang daldal" Rick.

"Nevermind Lee, may aasikasuhin lang yung si Chad. Tara turuan kitang magbasketball"

"O-okay"

Nang makapa ang lighter na nakatago sa likod ng pantalon ay sinindihan nito ang kandila sa gitna ng cake na binili kanina.

"Happy birthday Nads!!" Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.

"May dala ko, yung favorite mong bulaklak. Saka kinakamusta ka nga pala nila Manang Choleng" Inilapag nito ang isang bouquet na white roses at mocha cake na parehong paborito ni Nadine sa damuhan.

Hinawi ni Chad ang mga tuyong dahon na nakaharang sa puting lapida.

+ Your Memory Will Never Die +

               Nadine Miura

Naupo sya sa tabi nito, ipinatong ang mga braso sa tuhod at saka yumuko.

*FLASHBACK*

"When I examined her x-ray report, may nakita akong maliit na ugat na mas malaki sa normal nitong laki"

"What do you mean?"

"May may---" May pag-aalinlangan sa tinig ng doktor.

"Please tell me!"

"I'm sorry, may cancer ang pasyente. Brain Cancer"

"YOU'RE LYING!" sigaw nya sa doktor. Kinuwelyuhan ito at inakmaan ng suntok.

"Dr. Jimenez may problema po ba?" Humahangos ang isang nurse papasok sa office ng doktor.

"Mister huminahon po kayo!"

"NOW WHAT? HINDI SYA PWEDENG MAGKA-CANCER! BAWIIN MO ANG SINABI MO!"

"I'm sorry hijo" mahinahong sagot ni Dr. Jimenez.

Nanlulumong binitiwan ni Chad ang doktor at saka sinuntok ang pader. Isang katotohanang hindi nya kayang tanggapin.

Binuksan nyang ang pinto ng room 204 kung saan naroroon si Nadine. Gising na ang dalaga at ngumiti ito nang makita sya.

"Chad"

"Nads, I'm sorry" hinawakan nya ang kamay ni Nadine at masuyo itong dinampian ng halik. Nakayuko lamang sya pilit pinipigilan ang mga hikbi na maaaring lumabas ano mang oras.

"Please don't say sorry. It's an accident. Kita mo kapiraso lang 'to kaya" nakangiting sabi nito habang itinuturo ang sugat sa may sentido.

Ilang sandali lang ay naroon na rin ang parents ni Nadine. Hindi naman nila sinisi ang binata sa pagkakaaksidente ng anak.

"Chad, kami muna magbabantay dito kay Nadine. Kahapon ka pa walang tulog" Darren.

"NO! Ako lang mag-aalaga sa kanya" Tinabig niya ang kamay ng kaibigan

at saka pumasok sa kwarto ng dalaga.

Nakaupo lamang ito at nakatitig sa kanya.

"Nads, inumin mo muna 'to. You need it para makalabas ka na rito" Iniabot nya ang dalawang kapsula na kulay asul at isang basong tubig.

"Para saan yan?"

"Anti-biotic. Para sa sugat mo" diretsong sagot nya.

"LIAR!" sigaw ni Nadine.

"Nads"

"I know the truth Chad! Narinig ko kayo kanina nila mommy! I-I-I have cancer, right? I have brain cancer!" umiiyak na sabi ni Nadine.

Niyakap ni Chad ng mahigpit ang dalaga. Gusto nyang ipadama rito kung gaano nya ito kamahal. Hinayaan lamang nya itong umiyak hanggang sa huminahon ito.

"Chad, natatakot ako"

"Nandito lang ako. Gagaling ka Nads gagaling ka"

Sumailalim si Nadine sa madaming medical examinations. Pero iisa lang nakukuha nilang sagot sa bawat doktor na tumingin sa kanya.

Napagdesisyunan ng pamilya ni Nadine na dalhin sya Amerika upang doon ipagamot. Hindi naman sya iniwan ni Chad. Nasa tabi lamang nya ito at pinapalakas ang loob.

Ngunit kinumpirma ng isang kilalang neurologist sa New York na may brain cancer nga ang dalaga. Stage 3 brain cancer. Wala itong lunas.

"Operation? Please" ang ama ni Nadine.

Umiling lamang ang doktor. "I'm very sorry. Operation is no longer an option. Yes, we can operate her. But there's only a 10% success rate.  Cardiac arrest is the worst thing that may occur during the operation. I can only give her painkillers"

Tuluyan nang umiyak ang mga magulang ng dalaga. Si Nadine naman ay napayakap na lang kay Chad. Nanginginig itong umiyak sa dibdib ng lalaking mahal.

"How long?" garalgal ang boses ni Nadine na humarap sa doktor.

"One year or less" sagot naman nito.

Hindi na rin napigilan ni Chad ang mga luhang kanina pa nya pilit pinipigil. Ang babaeng minamahal ay tinaningan na lamang ng isang taon.

Hiniling ni Chad sa mga magulang ni Nadine na nais nyang alagaan ang dalaga. Dahil iyon din ang kagustuhan ng kanilang anak, na makapiling sa nalalabi nyang araw ang binata, ay ipinagkatiwala nila ito kay Chad. Napalapit na rin sa pamilya Dizon ang dalaga kaya hinayaan lamang nila ang anak sa gusto nitong mangyari. Huminto sya ng pag-aaral at sinamahan si Nadine sa Hacienda ng pamilya Dizon sa Batangas. Minsan sa isang linggo ay dinadalaw ng kanyang mga magulang at ng kapatid na si Shin si Nadine.

Tuwing umaga ay pinapasyal ni Chad ang dalaga sa malawak na taniman ng rosas sa garden ng mansyon. Ang paboritong bulaklak ni Nadine. Kung minsan naman ay sa ilalim ng malaking puno sila nagpapalipas ng oras. Nakatayo iyon di kalayuan sa mansyon ng Hacienda.

Naglalatag lamang sila ng blanket sa may paanan ng puno. May dala-dala na rin silang basket na puno ng pagkain. Dahil mejo mahina na ang katawan ni Nadine ay isinasakay sya ng binata sa owner type jeep na binili ng kanyang ama para magamit nila sa paglilibot sa Hacienda.

Palagi rin nyang dala-dala ang gamot nito. Mga matatapang na painkillers para sa biglaang atake ng sakit sa ulo ng dalaga.

Awang-awa si Chad sa tuwing nakikitang naghihirap ang babaeng minamahal. Kung pwede nga lang nya saluhin lahat ng sakit ay matagal na nyang ginawa.

Ikalimang buwan na nila sa Hacienda. Nakaupo sila sa paanan ng malaking puno. Nakasandal lamang si Nadine sa balikat ng binata na kasalukuyan namang nakapikit lamang.

"Chad?"

"Hmmm?" dumilat ito.

"I'm sorry"

Humarap si Chad kay Nadine na may pagtataka sa mukha. "Para saan?"

"Para sa--para sa pag-aalaga ng katulad ko. Alam ko nahihirapan ka na. Tignan mo, lagi kang walang tulog dahil sakin" nakayuko nyang sabi.

"Nads, mahal kita. Gusto kitang alagaan."

"Pero gusto kong sumaya ka. Marami dyang ibang babae Chad. Yung walang sakit. Yung-- yung" at tuluyan nang pumatak ang mga luha ng dalaga.

"Nads, you are my happiness. Yung alagaan ka ang nagpapasiya sakin" hinawakan nya ang kamay ni Nadine at masuyo itong dinampian ng halik.

"But, look at me. I'm ugly"

"You are the most beautiful girl in my eyes Nads. Wag mo ilayo ang sarili mo sakin, mas nasasaktan ako "

"Thank you for loving me Chad"

"No, thank you for loving me Nads"

Ilang minuto rin silang magkayakap nang kumalas ang dalaga.

"Kantahan mo naman ako"

"Yes boss. Yung favorite mo?"

Tumango lamang ito. Palubog na ang araw nang mapagpasiyahan nilang bumalik na sa mansyon para makapagpahinga si Nadine.

Ikasiyam na buwan na ng pamamalagi roon ni Nadine. Nagkaroon sila ng di inaasahang bisita. Ang mga miyembro ng gang. Sina Tristan, Riyu, Darren, Drei, Vince, Third, at Shin. Malapit sa kanila si Nadine kaya mababakas rin sa mga mukha nila ang lungkot dahil sa kalagayan ng dalaga. Wala naman syang ibang kaibigan maliban sa mga ito. Nilayuan sya ng mga taong itinuring nyang kaibigan nang malaman na may boyfriend syang gangster.

"Kamusta? Namiss namin kayo!" Tristan.

"Inaalagaan ka ba ng pinuno namin ha Nadine?" Drei.

"Magiging ninong na ba kami?" Third.

"HAHAHA" Nagkatawanan sila nang habulin ni Chad si Third.

"Nadine, kamusta?" Shin.

"Kuya" Yumakap si Nadine kay Shin. Ang ibang miyembro naman ng gang ay lumayo muna para magkasarilinan ang magkapatid.

"Kuya" Hinayaan lamang ni Shin na umiyak ang kapatid. Naaawa ito sa dinaranas ng kapatid. Kahit pa step sister nya lang ito mahal na mahal nya ito.

"Are you happy?" tanong nya kay Nadine.

"Yes, I'm happy" ngumiti ito at saka tumingin kay Chad na kasalukuyang hinahabol si Third. Kita ni Shin ang saya sa mga mata ng kapatid kahit pa may dala-dala itong nakamamatay na sakit. Hindi sya nagkamali nang ipagkatiwala ito sa kaibigan. Alam nyang mahal na mahal ng leader nila ang kapatid nya.

Nang makauwi na ang mga bisita ay kinarga na ni Chad si Nadine paakyat sa kanilang kwarto. Ayaw nya itong mapagod sa pag-akyat sa hagdan kaya sya mismo ang bumuhat sa dalaga. Sya rin ang personal na nag-aasikaso sa dalaga.

Maingat na inilapag ni Chad si Nadine sa kanyang kama at kinumutan. Dalawa ang kama sa kwartong iyon. Gusto nya na kung sakali man na may mangyari ay nasa tabi lamang sya ni Nadine.

"Chad, dito ka muna please" hawak nito ang kamay nya.

"Sige dito lang ako. Babantayan kita hanggang makatulog ka" Naupo ito sa gilid ng kama at hinalikan sa noo ang dalaga.

"Chad"

"Hmm?"

"Promise me?"

"Na ano?"

"Promise me na kapag umalis na 'ko, magmamahal ka uli at"

"Nads!"

"Chad, please. Gusto ko sumaya ka. Kahit wala na 'ko gusto ko maging masaya ka kahit" huminga sya ng malalim at saka nagpatuloy "Kahit sa piling ng iba"

Walang itinugon si Chad. Bawat salitang binibitawan ni Nadine ay lalong nagpapadagdag sa sakit na nararamdaman nyang pagbabara sa lalamunan.

"Chad, please"

Huminga muna sya ng malalim, kahit masakit kailangan nyang mangako para sa ikasisiya ng dalaga. "Promise" mahinang sagot nya.

"At wag na wag kang pupunta sa puntod ko hangga't di mo sya kasama ha? Kung hindi malulungkot ako" Masakit para kay Nadine ang mga bagay na hiniling nya kay Chad. Pero ayaw nyang ipako nito ang sarili sa kanya. Mahal na mahal nya ang binata. Gusto nya itong makita mula sa kabilang-buhay na maligaya kahit pa sa piling ng iba.

*END OF FLASHBACK*

Author's Note:

Thank you for reading my story!

VOTE-COMMENT-BE A FAN

If you want a dedication message me on my message board.

--Alizah Ann

Continue Reading

You'll Also Like

53.5K 856 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
998K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞