LET'S GET MARRIED!

By skythyr

24 2 0

Si Anaya ay maagang namulat sa tunay na kahulugan ng pag ibig, kaya sa kabila ng kanyang taglay na kagandahan... More

Is love better than money?
The first time i met him
"My what? My husband?!"
Maybe we could
My Temper could never
The next day
Menko Restaurant
Menko Restaurant (part 2)
Mansión de Regalías
Aya Shi
at the event
Garden
Normal
Minutes
At the company
Rules
Mothers love
Same roof
Reason
Night and Moon
Palengke
Fall
Scandal
Viara Madrigal
Past
Original
Distansya
take the risk or lose the chance
J-family
Drunk
Chikababe
"oh to be called my name with 'my'."
supposed to be
"why would i?'
Serene
one day
Grandparents
Grandparents house
piece of sheet
signed
a life with love
"let's get married, again"

Cover up

0 0 0
By skythyr


ANAYA POV

Sa bawat daanan ko ramdam ko ang pagsunod ng tingin ng mga tao.

Pero sa di malamang kadahilanan medyo nakakampante ako.

"Shit ang gwapo, mukhang artistahin"

"Rinig mo yun, Anaya?"

"Yeah" sagot ko

At ang lalaking itong nasa tabi ko ang dahilan bakit nawala ang takot ko.

Kinuha n'ya ang atensyon ng lahat at tinago ako sa liwanag n'ya.

Tiningnan ko ang sumbrerong pinahawak n'ya sakin at inamoy yun.
"Ang baho naman ng ulo mo" pagsisinungaling ko, syempre mabango 'to. Expensive s'ya masyado e.

Nakita ko sa peripheral vision ko na hinawakan at inamoy n'ya ang buhok ko. "Iyo rin, mabaho"

"Sinabi ko ba'ng amuyin mo?"

"Hindi" sagot n'ya at mas binaba ang sumbrerong nasa ulo ko.

Inayos ko yun at nakita ang bilihan ng streetfood.

Agad akong pumunta dun para bumili.

"Ano yan Anaya?"

"Orange ball with egg" sagot ko habang kumukuha ng malaking kwekwek at nilagyan ng maanghang na sauce iyon.

Tig sampu ang isang malaking kwekwek kaya apat ang binili ko at nilagay ko sa ibang baso ang dalawang kwekwek.

"Ano gusto mo, maahang o matamis? O suka?" Tingin ko kay Koen

Di sya sumagot kaya nilagyan ko na lang ng maahang at matamis na sauce at inabot sakanya yun.

Umupo muna kami sa isang gilid at dun nilapag ang mga pinamili.

"it actually has a whole boiled egg" namamangha n'yang sabi.

Sabi ko nga, rich kid talaga 'to

Tatlong kagat lang sakin ang bawat isang kwekwek at ubos ko na agad ito habang si Koen isang piraso pa lang ang nakakain.

"Senyorito pakibilisan, magluluto pa kasi ako e"

"Oh yeah, yeah" lat agad n'yang nilagay sa bunganga n'ya ang kinakain n'ya at sinunod n'ya rin ang isang buong kwekwek kaya lumulubo na ang kanyang pisnge.

Naks, mukhang baby..

Ko.

Inabot ko sakanya ang panyo at buko juice na binili ko pagkatapos ko kumain kanina.

"Thanks" sabi nya at pinunasan ang gilid ng labi matapos maubos ang pagkain sa bibig n'ya.

Tumayo na ako at binitbit ang isang echo bag na may lamang mga prutas, gulay at iba pang rekado, nasa loob na rin nito ang talbos ng kamoteng binili n'ya.

Nilagay ko sa ulo n'ya ang sumbrero nya at tumayo, agad din syang tumayo at kinuha ang bitbitin nya at tinapon sa basurahan ang plastic cup.

Tumawid na kami sa kalsada para mag abang ng jeep na di kalaunan naman ay may pumara rin.

Dalawa lang ang pasahero kaya sa bukana ng jeep kami sumakay para hindi mapaabutan ng bayad ng mga sasakay pa.

Napatingin ako kay Koen at nakitang papikit-pikit ito habang nakahawak sa hawakan ng jeep.

Ano bang oras natutulog ang isang 'to? Ba't ang antukin n'ya?

Nung isang araw nang magising ako ng alas-dos para umihi nakita ko ang sala na may kunting ilaw pagtingin ko galing sa laptop n'ya iyon habang sya ay busy sa pagtipa.

Siguro sobrang busy na tao talaga nito, tapos nagawa pang sumama sakin kaysa magpahinga na lang ngayong day off.

Nang muntikan nang bumagsak ang ulo n'ya ay agad kong sinandal sa balikat ko ang ulo n'ya.

"Bayad po, dalawa" abot ko ng bayad nang marami ng nakasakay.

"Iyo na lang po yan" sabi ko sa may katandaang lalaki na umaabot sakin ng sukli, na s'yang katabi ko.

"Sigurado ka ineng?"

Nginitian ko sya bilang tugon at unting tumango.

"Saka po pwedeng pabili ng tinda n'yong daing?"

"Ay oo naman ineng, kukunin ko na lang dito sa binigay mo yung bayad" agad n'yang binuksan ang takip ng lalagyan n'ya ng daing at nilagay sa plastic ang dalawang balot ng daing na may lamang anim na isdang daing.

"Salamat po"

"Salamat din ineng, hindi ka lang maganda, busilak pa ang puso. Tunay na pinagpala ang 'yong asawa sayo" nakangiting sinabi nito habang nakatingin kay Koen na natutulog sa balikat. "Pero mukha namang mas pinagpala kayo sa isa't isa"

"O-opo"

Ilang saglit pa ay malapit na kami sa building ng condo namin kaya ginising ko na si Koen.

"Huh? Nakaidlip ako?"

"Hindi nakatulog lang— para po!" Sabi ko at naunang bumaba.

Sumunod naman si Koen. "Mag-iingat kayo palagi ineng!" Pahabol na sabi ni manong habang nakangiti samin hanggang umalis ang jeep.

Napatingin sakin si Koen. "Kilala mo, Anaya? May ginawa ba sya sayong di kaaya-aya?"

"Mukha bang ang masiyahing mukha n'ya ay may gagawing masama?"

"Hindi, pero-"

"Ikaw Koen ang judgemental mo, masama 'yan ha"

"Edi sorry" ani'ya habang nakanguso.

"Cute talaga ng Koen-Koen na yan" nakangising pangangasar ko at mas binilisan ang paglalakad.

Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator ay napansin kong lumilinga si Koen.

"May problema?" Tanong ko.

"Wala naman, baka guni-guni ko lang" sagot n'ya kaya tumango na lang ako at ilang segundo pa ay bumukas na ang elevator kaya pumasok na kami.

Pagkabukas ng elevator sa floor namin ay agad na kaming lumabas at dumiretso sa unit.

Pagkapasok ay dumiretso na ako sa kusina at kinuha ang apron.

"Magpahinga ka na lang, Koen" Sabi ko habang tinatalian ang tali ng apron sa likod ko

"Ayoko" aba, naramadaman ko na naman na natanggal ang tali ko sa buhok at inayos ang pagkakaipit nito. "Ayan, tao ka na ulit tignan"

"Salamat ha"

Di n'ya ako pinansin at dumiretso lang sa kwarto n'ya.

Kinuha ko ang baboy na binili ko at nilinisan pagkatapos ay pinakuluan ko na.

Pagkatapos ay nagsimula na akong maghiwa ng mga sangkap pang nilaga.

Pagkatapos sa pangalawang kalan ay nagsalang ako ng tubig para pakuluin din dahil ilalagay ko dun ang spaghetti pasta.

"Akin na nga" kinuha sakin ni Koen ang Mais na ipanglalahok ko sa nilaga at s'ya ang pumutol nito sa dalawa gamit kamay.

"Nice, im impressed. Mga one half" 

"Ako na magbabantay dito, maligo ka na muna galing ka pang palengke" sabi n'ya habang busy sa paghiwa.

"Wow, nice. Im impressed, mga one whole" Nakangisi kong komento. "Yung sa malaking kaldero pinapakuluan kong baboy yan para sa nilaga, habang yung isang nasa kanan tubig para sa pasta" sabi ko at tumango naman s'ya.

Agad na akong pumunta sa kwarto at kumuha ng damit at tuwalya.

Pagkapasok ko sa banyo ay tumingin muna ako sa salamin.

"Wow, im impressed. Can't lie na may kagandahan nga ako, pano kaya kung di ako maligo ng tatlong araw?" Kausap ko sa sarili sa salamin. "Naks naman kay Koen, ang galing din mag ipit— ay teka? Ba't parang nag p-pink mukha ko? Hala hindi na nga ako naglalagay ng make up e!" Agad akong naghilamos at tumingin muli sa salamin.

"Porket magaling mag ipit, mag i-instant blush on na 'ko?" Kausap ko sa sarili sa salamin. "But can't lie, perfect nga talaga sya; Masipag, magaling magluto, magaling makipag get along sa mga katrabaho, gwapo at mabait..."

"Wow, namumula ulit siraulo yata 'tong salamin na 'to e" umalis na lang ako sa harap ng salamin at pumunta sa shower.

Pagkatapos ko maglinis ng katawan ay nagbihis na ako at bumalik ulit sa harap ng salamin.

Tinanggal ko ang nakarolyo na tuwalya sa buhok ko. "Ay gagi ang ganda— uh ako lang pala" hinawakan ko ang pisngi ko at kinurot.

Pero dahil din sa mukhang 'to maraming kwento ang nabubuo, maraming galit at kaaway ang nakokolekta ko.

Pagkatapos ko punasan gamit tuwalya ang buhok ko ay lumabas na ako habang nasa balikat ang tuwalya at dala ang damit na labahan

"Saglit lang Koen ha, lalagay ko lang sa kwarto 'to" sabi ko kahit nakatalikod s'ya.

Napalingon s'ya sakin pero agad rin binalik ang tingin sa niluluto at kinuha ang pasta at nilagay sa kaldero.

"Hindi ka pa ba nakakalaba ng damit mo? Marami akong t-shirt hiramin mo na muna"

Magtatanong sana ako nang maintindihan kung bakit n'ya sinabi yun, pero naintindihan ko rin kaagad ng napatingin ako sa sarili ko.

Naka pajama at sleeveless lang ako at nakikita pa ang strap ng bra ko.

Ang inosente naman ng mata ng isang 'to.

Napangisi ako at lumapit sakanya, mukhang hindi n'ya ako napansin na nasa tabi na n'ya kaya tinitigan ko lang sya hanggang sa mapansin na namumula ang tenga n'ya.

Naks.

Nilapit ko ang labi ko sa tenga n'ya at bumulong, tumingkayad pa pa ako para lang bumulong. See the effort of me? "Ang halay siguro ng iniisip ng isang Koen ngayon 'no?"

Nawala ang ngisi sa labi ko dahil sa gulat, dahil paglingon n'ya ay dumampi ang labi niya sa ilong ko.

'Nak ng teteng












Continue Reading

You'll Also Like

83.9K 1.5K 68
A chickboy's story. Warson ~
10K 336 54
Kailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Is...
1.8K 332 62
Mayday! Mayday! Someone is stalking me! And I'm starting to fall for him- "Tulong tulong! Nabangga yung ate ko!" ---- pers. Highest rank: #52 - stalk...
109K 2K 42
A smart girl who loved reading and a top students in her school. she wants to study to make her beloved parents proud. Being beauty and brain she has...