LET'S GET MARRIED!

By skythyr

24 2 0

Si Anaya ay maagang namulat sa tunay na kahulugan ng pag ibig, kaya sa kabila ng kanyang taglay na kagandahan... More

Is love better than money?
The first time i met him
"My what? My husband?!"
Maybe we could
My Temper could never
The next day
Menko Restaurant
Menko Restaurant (part 2)
Mansión de Regalías
Aya Shi
at the event
Garden
Normal
Minutes
At the company
Rules
Mothers love
Same roof
Reason
Night and Moon
Cover up
Fall
Scandal
Viara Madrigal
Past
Original
Distansya
take the risk or lose the chance
J-family
Drunk
Chikababe
"oh to be called my name with 'my'."
supposed to be
"why would i?'
Serene
one day
Grandparents
Grandparents house
piece of sheet
signed
a life with love
"let's get married, again"

Palengke

4 0 0
By skythyr


ANAYA POV

Araw at linggo ang lumipas, nasanay na rin ako na si Koen ang bubungad sa paggising at pag uwi ko.

Para lang din kaming mag roommate.

"Araw na ng puso ngayon? Araw na rin ni santo Noah, ayos" mahinang kong sabi habang nakatingin sa kalendaryo.

Agad na akong nagpalit ng damit upang mamamalengke, para bumili ng mga ipangluluto sa handa nya.

"Punta mo?" Napatingin ako kay Koen na kasalukuyang nakahilata sa sofa at nanonood habang may mga pagkain pa sa kanyang tabi.

"Senyorito" bigkas ko

Nangunot ang noo n'ya. "Ha? Sa'n nga?"

"Palengke" sagot ko at dumiretso na papalabas

Dumiretso ako sa elevator at hinintay yun bumukas pagkabukas ay agad akong pumasok.

Habang hinihintay na magsara at nakita ko si Koen na patakbong papalapit sa elevator kaya pinigilan ko ang dapat na pagsara ng elevator.

"Punta mo?" Tanong ko pagkapasok n'ya.

"Sasama"

"Ah sige, labas ka na ulit"

"Sarado na"

"Labas ka pagbumukas ulit yung elevator"

Wala akong nagawa kundi hayaang sumunod sakin si Koen dahil ang sunod na pagbukas ng elevator ay nasa 1st floor na kami.

Napatingin ako sakanya nang papunta s'ya sa parking lot.

Ah balak n'yang mag kotse sa pamamalengke n'ya? Ah sige.

Agad akong pumara ng jeep at sumakay, nakita ko si Koen na napahinto at sinundan ako ng tingin, agad s'yang tumakbo para sundan ako pero umandar na ang jeep dahil puno na rin ito.

Di ko alam kung ako lang, pero whenever na sumasakay ako sa Jeep nahihilo ako kahit walang aircon.

Pagkababa ko ng jeep ay agad na akong naglibot bago pumasok sa looban ng palengke na may nagbebenta ng mga isda at manok.

"Hold-up 'to"

Walang gana kong binigay sa lalaki ang bag ko. "Oh kuya, wag ka pa sanang makamatay" walang gana kong sabi at iniwan na sya

kahit magwala s'ya kapag nalaman n'yang walang laman yung bag wala na s'yang magagawa, saka ang bonak n'ya naman na sa crowded na lugar pa n'ya pinili mang hold-up, e kung nandukot na lang sya edi maayos pa.

Nangunot ang noo ko at nang may humawak sa damit ko kaya napahinto ako sa paglalakad at liningon ito. "Oh kuya, bawal yan. Ninakawan mo na nga 'ko balak mo pa 'kong busuhan" nakangisi kong sabi habang masamang nakatingin.

"Ganyan ka ba makipag-usap sa mga holdaper?" Walang ganang tanong ni kuya.

"Oo naman" sagot ko.

Napabuntong hininga na lang sya at tinanggal ang sumbrero para punasan ang pawis sa noo— hot pickpocketer.

Pinabayaan ko na lang s'ya  na sumunod sa'kin habang ako ay namimili ng prutas.

"Total ayaw mo talaga akong tantanan, oh ito bitbitin mo" bigay ko sakanya ng echo bag na may lamang hinog na mangga, mansanas at orange.

"Bakit ka sa palengke bumibili nito? Meron naman sa mga grocery store sa mall na mas quality ah" sabi n'ya.

Maarteng magnanakaw.

"Mas quality at mura rito" sagot ko sakanya. "Saka 'wag ka na mag reklamo di ka naman yung kakain e"

Pumasok ako sa looban ng palengke at sumalubong agad ang malansang amoy ng samut saring karne at isda.

"Seryoso ka bang dito ka bibili?" Tanong niya habang iniipit ang ilong gamit daliri.

"Maiwan ka d'yan kung ayaw mo sumama" sabi ko at naglakad para maghanap ng sariwang bangus.

Mukhang masarap mag ihaw ng bangus at tilapia.

"Ms. Ganda, bilhin mo na 'to one fifty na lang isang kilo oh" akmang tiyingnan ko na sana ang iniaalok na isda nang biglang sumabat si Koen the holdaper.

"I know that she's beautiful po, but I don't think if she can eat this malansang isda" walang ano ano ay binatukan ko si Koen at nilayo sa Ale.

"Pasensya na po, sadyang pinanganak lang s'yang may gintong kutsara— sige po bibilhin ko na yan" ngiti kong sabi pagkabalik habang nasa di kalayuan si Koen, pero pumunta rin sa tabi ko kalaunan.

"Mag-asawa ba kayo iha? Bagay na bagay kayo, mukha kayong mga artistahin" sabi ng Ale habang kumukuha ng panukli sa binayad kong dalawang daan habang inabot ko naman kay Koen ang toloy.

"Opo, nung nakaraang buwan lang po kami kinasal" ngiti kong sabi at kinuha ang sukli.

Nangunot ang noo ko nang mapansing namumula ang mukha ni Koen pagharap ko sakanya.  "Ang init pala talaga dito" sabi nya at pinangpaypay ang kamay habang nasa ibang direksyon ang tingin.

"Balik ka na sa bahay mo" sabi ko at iniwan sya.

Muntikan na akong madulas habang naglalakad dahil sa basa at may mga namumuong lumot na rin, buti na lang i have balance, nginisihan ko pa si Koen nang makitang nakaamba na ang kamay n'ya para saluhin ako kung di sakali.

Dahil sa inis n'ya ay nauna na song yang maglakad dahil dun di nya napansin ang nilalakaran at muntik na sanang madulas mabuti na lang i have speed and flexibility.

"Are you okay, Mr. Prince charming slash holdaper na gwapo?" Natatawang tanong ko matapos kong kunin ang kamay n'ya para hindi yuluyang madulas.

Kinuha naman ang kamay n'ya at inayos ang damit, pagkatapos ay pinanlakihan ako ng tingin.

Ba't ang cute ng isang 'to?

Mas lalo yata natapakan ang dignidad n'ya kaya di n'ya na ako pinapansin, ang layo ng agwat namin pero kapag may iaaabot ako sakanya pumupunta s'ya at kinukuha iyon.

"Salamat po"

"Welcome Ate ganda, balik ka ulit" sabi ng binatang pinagbilhan ko, masasabi kong nasa 17 o 18 pa lang s'ya.

Tatawagin ko sana si Koen para dalhin ang binili kong dalawang kilo ng manok pero nakita kong nakikipagkwentuhan ito aa tindera ng frozen food.

May mga kumakausap din sakanya na babae mula sa katabing bilihan.

Naks.

Pinabayaan ko na lang s'ya at umalis para maglibot ulit.

"Ba't di mo ako tinawag?" Tanong nya at kinuha sa kamay ko ang manok, isang malaking echo bag na may lamang malaking bangus at iba pang mga isda at may baboy at manok din.

Habang ang dala ko ay yung binili ko na prutas kanina.

"Hindi ka ba nahihiya Koen?"  tinutukoy ko ay ang mga bitbit n'ya.

Nangunot ang noo ko nang pumunta s'ya sa harap ko at parang naaaligaga. "Kinausap ko lang sila kasi tinanong ko kung magkano yung benta nilang siomai, para kasing gusto ko kumain nun.... Tapos kinausap na rin ako ng iba, yun lang. Promise"

Mahina akong napatawa. "Pinagsasabi mo siraulo?" Tanong ko at kinuha sa balikat n'ya ang sling bag ko na kanina pa n'ya dala. "Ba't parang under na asawa ka, Koen? Sabi ko sayo diba ayos lang kahit maglandi ka" pagkatapos ay kinindatan ko s'ya at dumiretso sa medyo labasan dahil nandun ang mga nantitinda ng gulay.

"Magkano po isang kilo ng kamatis?"

"82 pesos" sagot ng tindera habang na kay Koen ang tingin.

Hindi ko na lang sila pinansin at tumingin tingin na lang ng mga gulay.

"E yung sibuyas saka bawang?" Tanong ko habang namimili na ng kamatis.

Napasilip ako sa dalaga at nakitang nakuha na talaga ni Koen ang atensyon nito, napabuntong hininga na lang ako at pinabayaan sila— pag 'to ninakaw ko.

Inabot ko sakanya ang kamatis at tinimbang n'ya naman iyon at plinastic, sinunod ko ang tig ka-kalahating kilo ng bawang at sibuyas

Bumili na rin ako ng 50 pesos na calamansi at sampung pirasong lemon.

Pagkatapos ko bilhin ang kailangan ay nagbayad na ako sa dalaga at nilagay isa isa sa echo bag ang mga supot ng mga binili ko.

"Anaya" napatingin ako kay Koen dahil sa pagtawag n'ya, para lang makitang may hawak na s'yang talbos ng kamote.

"Gagawin mo r'yan? Gusto mo ba magluto ng gulay?"

Binigay sakin ng tindera ang sukli ko habang binayaran naman ni Koen ng sampung piso ang tindera dahil sa Talbos ng kamote.

"Akin na po at i-pa-plastic ko" ngiting sabi ng tindera.

Umiling si koen at binigay sakin ang talbos. "Papahirapan mo akong hawakan yan, ganun?"

Umiling sya. "Hindi, para sayo talaga yan. Diba sabi mo favorite color mo violet?

"Ano connect?"

Pinahawak nya sakin ang talbos. "Happy Valentines day" ngiti n'yang sabi at kinuha sa kamay ko ang echo bag na hawak ko at naunang naglakad.

"Pinapahiya mo ba 'ko koen?" Sunod ko sakanya. "Sabihin mo lang di naman ako magagalit"

Huminto sya at lumingon sakin. "Totoo nga kasi..." Hirit n'ya. "Ngayon ko lang kasi naalala na Valentines day pala ngayon. Pero mamaya pagkauwi tatawagan ko si Dermein para bumili ng totoong bulaklak" ngiti n'ya pang dagdag.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa talbos ng kamote.

"Ito na ba lahat ng bibilhin mo?"

"Oo" ngiti kong sabi at inakbayan s'ya.


















Continue Reading

You'll Also Like

83.9K 1.5K 68
A chickboy's story. Warson ~
2.8K 220 40
Sperm Gang Series #2 Kaya mo bang hintayin ang taong nangako sa'yo na mamahalin ka rin niya pabalik? Started:04/01/20 Ended:07/05/20
215K 5K 33
Papayag ka bang maging isang bayad utang at nakahanda ka bang tumira kasama ang isa sa mga pinakamayabang at hambog na lalaki na makikilala mo para l...
97.1K 1.9K 36
Paano kung ikaw ay minsang ng nagmahal at nasaktan, magmamahal ka pa ba? Despite the fact na alam mo na pag nagmahal ka nandiyan lagi ang PAIN. Will...