LET'S GET MARRIED!

By skythyr

24 2 0

Si Anaya ay maagang namulat sa tunay na kahulugan ng pag ibig, kaya sa kabila ng kanyang taglay na kagandahan... More

Is love better than money?
The first time i met him
"My what? My husband?!"
Maybe we could
My Temper could never
The next day
Menko Restaurant
Menko Restaurant (part 2)
Mansión de Regalías
Aya Shi
at the event
Garden
Normal
At the company
Rules
Mothers love
Same roof
Reason
Night and Moon
Palengke
Cover up
Fall
Scandal
Viara Madrigal
Past
Original
Distansya
take the risk or lose the chance
J-family
Drunk
Chikababe
"oh to be called my name with 'my'."
supposed to be
"why would i?'
Serene
one day
Grandparents
Grandparents house
piece of sheet
signed
a life with love
"let's get married, again"

Minutes

0 0 0
By skythyr

ANAYA POV

"Anaya, come here! It looks better on you oh!" Tawag sakin ni Miko kaya naman walang gana akong lumapit sakanya na kasalukuyang may hawak na isang floral dress.

Tiningnan ko muna ito at binalik sa sabitan. "Hindi ako masyado nag b-bestida, tatambak lang yan"

Pero bakit nga ba ako nandito sa mall at namimili kasama si Miko?

"Anaya, halika ka. May nakita akong couple hoodie— mukhang bagay satin" at si Koen

Ang dahilan...

Dahil sa nag aya si Miko maggala, hindi sana ako sasama pero blina-blockmail ako nito sa pamamagitan ng kapangyarihan nya bilang Ceo.

Wala naman sana akong pake kahit i-sisante nila ako, makakahanap naman ako ng ibang Kompanya. Pero naisip ko na hindi ganun kadali makipag kaibigan sa mga bago kong makakatrabaho.

Pagkatapos namin bumili ng damit ay naglibot pa kami, naglaro at kumain.

"Hayst, na expose tuloy ang shooting skill ko" ngisi kong wika at pinatunog ang buto ko sa kamay. "Talo kayo 'no? Better luck next time mga bata" dagdag ko pa habang nakatingin sa dalawa na bagsak balikat at dala dala ang mga pinamili.

Nang nasa parking lot na kami ay agad akong dumiretso sa motor ko.

"Oh, wag nyo na 'kong hamunin pabilisan makauwi. Isang pagkatalo ay tama na para sumuko" sabi ko at nilagay na ang helmet sa ulo ko, nang sumampa sa motor ko si koen. "May kotse ka diba?" Ngiti kong tanong.

"Papatunayan ko lang sayo na kaya ka mas mabilis kaysa samin dahil mas may madaling makisingit sa kalsada ang motor kaysa sa kotse" sabi nya, pero san nya muna nakuha ang helmet na suot nya? "Kaya pasok na sa kotse, hintayin ko na lang ka-"

"Sige nga, pakita mo kung ga'no ka kaangas na rider" panghahamon ko sakanya pagkatapos ay umangkas sa likod n'ya.

Naunang umalis si Miko na nasa kotse habang nakasunod kami.

Buong byahe ay hindi ko alam kung dapat na ba akong magpakamatay na lang dahil sa sobrang bilis magpatakbo ni Koen ng motor.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad ako humanap ng mapagsusukahan.

"Told 'ya" ngising sabi ni Koen sa tabi ko, hindi ko sya pinansin at linabas na lang lahat nang maisusuka ko. Di ko inasahang bibilisan nya talaga nang masyado ang pagpapatakbo, akala ko nagbibiro lang sya. "Uh, oo nga pala. Halos tatlong pung minuto mo rin ako niyakap buong byahe— tyanseng ka Anaya ha"

Nang maramdaman kong wala na akong mailuluwa pa ay tumayo ako ng tuwid at nginitian sya.

"E diba ikaw naglagay ng dalawa kong kamay payakap sayo?" Ngiti kong tanong. "Saka sinadya ko yun, para kapag nahulog ako maisasama kita" dagdag ko pa at pinunasana ang labi ko gamit ang panyong iniaabot nya.

"Ah ganun ba? Sabi mo e" ngisi n'yang sabi.

Iniwan ko na lamwng sya at naunang naglakad papasok sa building.

-

Kinabukasan umaga ako gumising para maghanda sa trabaho

Binuksan ko ang cellphone at nakitang nag text sina Ms Ramos, kung bakit daw ako um-absent.

Pati si Liam ay nag text, at mukhang pumunta sya rito sa condo unit at naghintay sakin, may iniluto pa raw  sya para sakin— mag s-sorry na lang ako mamaya sakanya.

May unknown number din na nag text sa'kin at mukhang si Miko ito dahil sabi rito ay pagkauwi namin galing sa gala ay umuwi na rin sya sa bahay n'ya at bumisita lang sya kay Koen ng isang linggo, at sinabing baka kung pwede bago ako pumasok sa trabaho ay tingnan ko muna si Koen kung gising na ito dahil unang araw nito raw sa trabaho at ayaw n'yang mapahiya sya sa personal na pinasok nya sa kompanya.

Wow.

Pagkatapos ko ligpitin ang kwarto at mag walis ay naligo na ako.

Pagkatapos ay nag bihis at kumain na ako.

"Ding dong" sinabayan ko pa ang tunog ng doorbell dahil kanina pa ako nag d-doorbell sa pinto ng condo unit ni Koen.

Tiningnan ko ang oras at may twenty minutes na lang ako. "Bahala na nga sya d'yan" mahina kong bulong at naglakad na paalis sa unit nya.

Nang marinig kong bumukas ang pintuan nito kaya napatigil at lingon ako rito. "Oh, ikaw pala Anaya. Akala ko pusa lang pumipindot sa doorbell e"

"May pusa bang kayang abutin 'yang pindutan?" Nakangiti kong tanong na halata namang nang sa-sarkastiko ako.

"Oo, ikaw" hindi ko na lang sya pinansin at mabilis na naglakad.

"Teka, sinusundo mo ako diba. Tapos hindi mo ako hihintayin"

Di ko sya sinagot at patakbong pumasok sa magsasarang elevator pababa, sa pagpasok sa magsasarang elevator na lang talaga ako sine-swerte e.

Pagkabukas ng elevator sa First floor ay dali dali na akong naglakad papunta sa Company building, dahil kapag tumakbo ako baka madapa ako dahil sa heels na suot ko.

"Good morning, Ms Shimen" bati sakin ni Kuya edward bago ako makapasok sa building, ang isa sa security guard ng kompanya.

"Good morning din po" ngiti kong bati.

Pagkatapos ay agad akong nag abang sa elevator na bumaba ito.

"Sabi ko na nga ba kayo yan Ms Shimen" napatingin ako kay Liam na nasa tabi ko na pala. "Magandang umaga, Ms Shimen" ang bright ng smile nya, siguro nag a-audition 'to para maging bumbilya.

"Magandang umaga rin" ngiti ko ring bati at bumukas na ang elevator kaya pumasok na ako at sumunod si Liam.

Pagkalabas ng ilang empleyado ay narinig ko ang bulong ng isang babae. "Sa palagay mo may relasyon kaya silang dalawa?" Sabay tingin samin ni Liam kaya ngimiti na lang ako hanggang tuluyang magsara ang pinto.

"Narinig mo yun Ms Shimen diba? Pasensya na..."

"Hindi ayos lang, sanay na 'ko"

Sanay na ako na lahat ng makakasama kong lalaki ay ginagawan ng kung ano anong chismis sa pagitan namin.

Kesyo naka one night stand ko raw 'to.

Kesyo naging ex bf ko raw pero nakipag break din ako nang makuha ko na ang gusto ko sa lalaking yun.

Porket palagi kong kausap at medyo close kami ganun na agad tingin nila?

Katunayan, ito ang dahilan kaya ayoko nang lumipat pa ng ibang Kompanya, dahil paniguradong mauulit lang ang mga dinanas ko nung una akong tumungtong sa kompanyang ito.

Saka sayang naman ang paghihirap kong patunayan ang sarili ko sakanila na tanging mata lang nila ang madumi at hindi ako.

Mahirap makuha ang tiwala ng mga tao lalo pa't tinitingnan ka nila bilang kaaway o karibal.

Isa pa, medyo nasanay na ako sa mga tao rito na tumitingin sakin at tila naninibago pa rin sakin kapag dumadaan ako sa harap nila. Kaya hindi na ako masyado na b-bother kapag tinitingnan nila ako dahil sanay na ako sakanila.

"Oy ano yan? Ba't magkasabay Ang Mr Pascual at Ms shimen natin?!" Pasigaw na sabi ng isa naming katrabaho habang nakakalokong nakabungisngis samin.

"Nagkita lang kami sa harap ng elevator" paliwanag ni Liam.

Di ko na lang sila pinansin at dumiretso sa desk ko.

"E baka tadhana na mismo gumawa ng paraan para magkita kayo? Dalawang araw ba naman di nagkita"

"Hay naku, tumigil ka na nga Jimuel" suway ni Ayesha. "Simulan mo na lang trabaho mo d'yan kung wala kang magawa" dagdag pa nya

"Wag mo na lang intindihin 'yan Anaya, ha?" Baling n'ya sakin.

"Sino naman nagsabing iniintindi ko sya?" Walang gana kong sabi at umupo na matapos ilapag ang mga gamit ko.

Habang nagpapahinga na muna ay napatingin ako sa magkaibigang palagi kong nakukunan ng chismis dahil sa lakas nila mag chismisan.

"Sheila, nandito na raw yung bagong manager natin sabi ng kaibigan ko mula sa Finance department. Nililibot raw kasi ng manager ng department natin ang ibang department kaya ayun. Sabi pa nya sobrang gwapo raw, shocks!"

"Talaga? Totoo!? Gwapo? Can't... Wait!" speaking of the devil.

Dumating na sya, at talagang naka shades pa sya damang dama ba nya ang grand entrance n'yang late ng 18 minutes?






Continue Reading

You'll Also Like

83.9K 1.5K 68
A chickboy's story. Warson ~
66.9K 1.1K 90
Bata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-au...
52.7K 846 15
The Billionaire's Assistant Pinaglaruan o sadyang planado ang lahat? Sino ba ang mag papanggap? At sino ang magpapalaya?
72.8K 1.5K 36
Ma-arranged? Sa taong Hindi mo mahal! Masakit kaya? Pero paano kung mamahalin ko siya? Kaso nga lang plaboy siya. Masasaktan kaya ako? -Sharlene San...