LET'S GET MARRIED!

By skythyr

74 2 0

Si Anaya ay maagang namulat sa tunay na kahulugan ng pag ibig, kaya sa kabila ng kanyang taglay na kagandahan... More

Is love better than money?
The first time i met him
Maybe we could
My Temper could never
The next day
Menko Restaurant
Menko Restaurant (part 2)
Mansión de Regalías
Aya Shi
at the event
Garden
Normal
Minutes
At the company
Rules
Mothers love
Same roof
Reason
Night and Moon
Palengke
Cover up
Fall
Scandal
Viara Madrigal
Past
Original
Distansya
take the risk or lose the chance
J-family
Drunk
Chikababe
"oh to be called my name with 'my'."
supposed to be
"why would i?'
Serene
one day
Grandparents
Grandparents house
piece of sheet
signed
a life with love
"let's get married, again"

"My what? My husband?!"

2 0 0
By skythyr

ANAYA POV

"Kringg kringg"

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng alarm clock, kaya kahit ayoko pang bumangon dahil sa sakit ng ulo ko ay napabangon ako ng wala sa oras.

Pinatay ko ang alarm clock na apat na metro ang layo mula sakin, sinasadya ko talagang layuan ang alarm clock mula sakin para mapilitan akong bumango.

6:30 na ng umaga kaya may 30 minuto na lang ako para mag ayos.

Naligo lang ako saglit, nag toothbrush at naglagay ng sunscreen at lip balm pagkatapos nagbihis na.

Di ko na inabala ang sarili kong mag makeup dahil wala na akong oras at di rin ako sanay na mag kolorete.

Halos patakbo akong lumabas sa condo at di na inabalang mag kotse dahil ilang store lang naman ang pagitan ng company building sa building ng condo na tinutuluyan ko.

Nag kotse lang ako kahapon dahil sa pinuntahan ko ang dati naming bahay at ang kasalukuyang bahay ng pamilya ko, akala ko kasi kung ano nang importanteng pag uusapan yun pala nauwi lang sa pag aasawang topic.

Saka nagpaalam din ako sa manager na baka hindi ako makapasok o ma-late ako kahapon.

Mabilis kong tinakbo ang papasok sa elevator bago iyon magsara.

Bakit? Aabalahin ko pa ba ang sarili kong maghintay nang pagbaba muli ng elevator kung pwede ko namang abutan?

"Good morning, Shimen" bati sakin ng isa sa katrabaho ko sa departamento.

"Good morning din, Piolo" bati ko habang mabilis pa rin ang tibok at paghinga ko dahil sa pagtakbo.

Hindi pa naman lumalagpas sa kalendaryo ang edad ko pero mukhang maaga akong mamamatay.

Napatawa ito. "Late ka na naman ba nagising, Shimen?" At inabutan ako ng mineral bottle. "Uminom ka muna, para kang hinabol ng apat na kabayo e"

"Wala 'tong lason?" Paninigurado ko.

"Garantisadong walang lason yan"

Ilang saglit pa ay bumukas na ang elevator sa 8th floor kung sa'n ang departamento ko, namin ng kasama ko.

"Good morning, Anaya at Mr Guevara- ay teka ano yan? I smell something fishy ha" bungisngis ni Ayesha, isa rin sa katrabaho ko sa department at kaharap lang ng office desk ko.

"Hayaan mo hindi ko aagawin sayo si MR PIOLO GUEVARA" pabulong kong sabi nang dumaan ako sa harap nya.

Dahil magkatapat lang ang office desk namin ni Ayesha ay inabutan nya'ko ng sticky note.

"Sabing huwag maingay, Anaya e"

Nakasulat sa sticky note na binigay n'ya kaya naman tahimik akong napabungisngis at kumuha ng isang pirasong sticky note at nagsulat din.

"Halata ka naman, Ms Ayesha Ramos. No need to hide na, just damoves ka na lang"

Sulat ko at binigay iyon sakanya, drawing pa yun na naka wink na emoji.

Napabuntong hininga na lang ako at nag unat muna ng katawan bago simulan ang trabaho.

Noong nakaraang buwan lang ay na promote ako bilang assistant manager pero kinausap ko ang manager at pinakiusap na sabihin sa HR na tanggalin ang pangalan ko bilang assistant manager.

Ang dahilan? Ayokong magdagdagan ang gawain ko, hindi naman masama maging assistant manager dahil madadagdagan ang sweldo ko pero naisip ko na may mas karapat dapat pa sakin na employee dito sa marketing team na ma promote.

Saka marami na akong ginagawa sa araw araw, bukod sa pagiging empleyado dito sa kompanya ay may hinahandle rin akong restaurant na may limang branch dito sa pilipinas.

Ang restaurant na yun ay family business ng lola at lolo ko sa side ni papa, ang alam ko ang pamilya ni papa ay nagsimulang magtatag ng maliit na kainan sa japan dahil sa, si lolo ay japanese at si lola ay half filipino at chinese. Ang nanay nila lola ay filipino at chino naman ang tatay. Kaya naisip nilang ipagsama ang dish ng mga hapon, chino at pinoy sa iisang menu lang.

Malay ko ba pano nagkakilala ninuno ko. Pagkatapos, dun sila nanirahan sa japan at ilang taon ang nakalipas unti unting nakikilala ang kainan na yun at paunti unting dumami ang branch ng restaurant na yun hanggang sa napunta na rin sa pilipinas ang kainan.

At ayon sa last will testament ng lolo at lola ko, ang panganay na anak ng mag asawang Shimen ay ang magmamana ng hacienda ng pamilya na orihinal na pagmamay-ari ng pamilya nila lola.

Ang pangalawamg anak naman ang magmamana ng japan branch ng Menko restaurant, alam ko nakuha nila ang pangalan ng restaurant na "menko" dahil sa pinagsama nila ang apelyido nilang "shimen" at "ko".

At ang bunsong anak na si papa ang nagmana ng branch nila rito sa pinas.

Pero dahil suwail ang tatay ko at hindi pinagtuunan ng pansin ang negosyo at mas piniling maging sundalo at pakasalan si mama napilitan sina lolo at lola na ilagay sa pangalan ng panganay na anak ni papa ang restaurant nila sa pinas at ako yun.

Galing 'no?

Kaya pagkatungtong ko ng bente sinko anyos ay nagulat na lang ako na may restaurant na ako at ang tatay ko ay peace sign at bungisngis na mukha lang ang binandera sakin.

Buong pagkabata ko akala ko simpleng sundalo at house wife lang ang magulang ko, at isa lang kaming ordinaryong pamilya. Yun pala mga bigatin at anak mayaman sila na tinakasan ang responsibilidad dahil sa pagmamahalan nila sa isa't isa.

So gross.

"Ms Shimen, tama na muna yang trabaho. Kumain ka muna" napatingin ako kay Liam nang may iabot syang lunch box at canned juice sakin.

Liam Pascual, sya ang sinabi kong ipalit sakin sa posisyon ng vice president. Dahil maganda rin naman ang pinapakita nyang performance at nalaman ko rin na may malubhang sakin ang nanay nya at kasalukuyang nakaratay sa hospital- nalaman ko yun kasi narinig ko syang humihikbi habang lasing nung nagkaayaan kaming magkaron ng party ng buong team, tinanong ko sya ba't sya umiiyak at sinagot nya naman na dahil sa problema sa pera na pambayad ng bill ng mama nya sa hospital.

Kinuha ko ang launch box at juice at ngumiti. "Salamat, nag abala ka pa"

"U-uh wala yun, pasasalamat ko lang yan sayo. Sobra sobra na rin kasi ang tulong na ginawa mo sakin... k-kaya, kung may kailangan ka tawagan mo lang ako" ani'ya at umalis na.

"O-okay?"

Binuksan ko ang launch box at halatang homemade ang pagkakaluto. "Husband material talaga ang isang yun" iling kong sabi at sumubo.

Mula nung tinulungan ko sya sa money problem nya lagi nya na akong binibigyan ng pagkain, at nung hindi ako pumasok sa trabaho dahil sobra akong na stress nung nagka issue sa isang restaurant at nahirapan akong ayusin yun ay pinuntahan nya ako sa condo at kinamusta habang may dalang pagkain.

"Siguro gusto nya talaga akong patabain" mahina kong bulong habang nakatingin kay Liam.

Maputi, matangkad, medyo gwapo rin, friendly, mama's boy at magaling din magluto- bakit kaya di ko naisip na sya ayain maging asawa?

Tama, tama. S'ya na lang kaya?

Napangiti ako dahil sa naisip

"Nandito ba si Ms. Anaya Shimen?" Napatingin ako sa pintuan dahil sa babaeng naghahanap sakin- ang secretary ng Ceo.

Ano na naman kayang kailangan nya sakin?

Sinarado ko ang baonan at kinuha ang lata ng juice pagkatapos pinuntahan ang hotty secretary- parang nasa pelikula lang ang datingan nya.

Hindi ko pa nakikita ang bagong Ceo dahil sa ayaw ko at nung bumisit ang Ceo sa department namin nung bagong salta nya palang para tingnan ang mga empleyado nya ay nagtago ako sa desk at inaabala ang sarili sa pagtratrabaho, ni hindi ko nga grineet yun, madami naman bumati sakanya nung pumunta sya, saka feeling ko kasi iniisipan ako ng mga babaeng empleyado rito bilang isang banta sa mga gwapong empleyado at sa bagong Ceo.

Mga tatlong buwan lang ang nakalipas nung mapalitan ang Ceo, ang sabi sya ang anak ng chairman. Habang ang dating Ceo ay linipat sa ibang Company- ang dating Ceo ay may koneksyon din sa Chairman, alam ko kapatid sya ng Chairman.

"Bakit na naman ba, olivia?" Bagot kong tanong pagkapasok sa elevator. "Iinggitin mo na naman ako sa dami ng followers mo sa instagram? Sa maganda mong suot ngayon? Oo na ikaw na maganda, ikaw na sexy- ayos ka na?" Walang ganang dagdag ko pa.

Nasawa na kasi ako kakapaganda nya tuwing humaharap sya sakin, kapag nagkakasalubong kami bigla nya nalang ibubulong sakin na. "This girl is better than you" parang timang lang.

"Alam ko na yan, Ms Shimen, wag mo naman ipagsigawan may empleyado dito oh. Nakakahiya naman" ngiti nyang hampas sakin habang nakangiti.

Napangiwi na lang ako, habang yung dalawang empleyadong kasabay namin ay mukhang nagayuma ni Olivia.

Nang lumabas ang dalawang empleyado ay huminga ako ng malalim at ngiting tiningnan si Olivia.

"Ano na namang problema sakin ng famous scretary ng Ceo?"nakangiti kong tanong. "Pansin ko ring mas lalo kang naging glowing, makatabi palang kita di na kailangan ng ilaw dito sa elevator. Dahil ba yan sa Ceo? Kung oo edi nice" ayoko na nang problema kaya pinupuri ko nalang sya ng pinupuri para tantanan nya na ako sa "better than me" nya, saka para ipamukha sakanya na alam ko sa sarili na mas bagay sila nung Ceo na yun.

Ewan ko ba bakit nagkasalubong landas namin, ordinaryong empleyado lang naman ako sya secretary bakit sa dinami-dami ako pa nakikita nya.

"Yeah yeah, i know that im sexy, gorgeous, smart, charming so don't paalala to me mga things na yan. And also i know that im capable para maging wife ng Ceo" kiti kiti nyang sabi, napangiwi nalang ako sa mga pinagsasabi at galaw nya.

"Parang dati lang yung nakaraang Ceo ang gusto mo. Ngayong may lumipat na bago, lumipat ka rin sa bago"

"Uh, nalaman ko kasi may fiancee na ang dating boss and good to know na ang current boss ay single and same as my age- lucky right?" Ngiti nyang sabi sakin.

Jusko, inlove na naman sya. Lahat nalang nang makita n'yang gwapo. "Yeah yeah, lucky right" nananakit lang ulo ko sa babaetang 'to e. "So ano ngang kailangan? Bilisan at malapit nang matapos ang break time"

"Oh yeah yeah but before i sabi to you what's my deal, let me just remind you na bawal mag eat sa loob ng office" di ko na kinekeri ang ka-conyo-han nya, please ilabas nyo na 'ko rito.

"Oo, alam ko. Di na mauulit Ms Agoncilio"

"Good. So here's the thing, gusto kang makausap ng former Ceo- anong ginawa mo, ha? Siguro your secretly seducing Mr Ceo 'no?"

"Lamunin o kahit saksak mo sa baga mo 'yang si Mr Ceo mo" walang gana kong sabi. "Bakit daw ba ako hinahanap?"

"I don't know, ayan nga iniisip ko e. Unless, you really seducing him. Kaya siguro sya umalis ng company kasi nahuli kayo ng misis nya"

"Hay jusko lord, lamunin man ako ng delobyo hinding hindi ako mang aakit" sasabog na ata mga ugat ko sa babaeng 'to.

Lawak ng imahinasyon.

Bumukas na ang elevator sa floor ng opisina ng Ceo, kaya naglakad na kami papunta sa office nito.

Kumatok si Olivia. "Sir Gelves, 'andito na po si Ms shimen" ani'ya.

Wala akong narinig na sagot pero tumingin sakin si Olivia. "Even his not belong na sa heart ko, kasi im pushing myself to fall inlove with the current Ceo, he once stole my heart pa rin" sabi nya. "Pasok ka na, just remember that i got my two eyes on you" napangito ako.

"Nakakakilig naman" matamis na ngiti kong sabi. "Dont worry I'll be back, just for yah" dagdag ko pa at binigyan sya ng flying kiss bago pumasok.

Napahagikgik na lang ako sa reaksyon nya, di ko alam kung nandiri ba sya o nagulat.

"Sit, Mrs gelves" awtomatikong nabaling ang atensyon ko sa nagsalita.

"M-mrs G-gelves?" Pangiwi kong tanong.

"Remember, you propose to me yesterday at exactly 11 pm" nakangising sabi ng nakaupong lalaki sa sofa habang may mask at nakasumbrerong puti.

"U-uh, Boss Ceo- bakit may pinapapasok kayong trespasser dito?" Tanong ko sa nakaupo sa upuan kaharap ang lamesang may laptop.

"Ha? Hindi sya trespasser, pamangkin kong asawa mo pa nga yan e"

My what? My Husband!?

"Ha? HA!??"

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 17.5K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
1.3M 3.2K 4
Wattpad Editors' Choice, Winner of the 2020 Fiction Awards (for Best Plot Twist) and 2020 Mafia Romance of the Year. A chance encounter with an enigm...
1.8M 69.1K 41
EPILOGUE WILL BE FREE STARTING JUNE 29TH, 2023! Diana wakes up in pain, tied to a bed and unable to escape. She's been trapped by a group of surgeons...
55.3M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...