Tulad Mong Isang Prinsesa

By JeralyneMartinez

91.5K 4.4K 210

SOON TO BE PUBLISHED UNDER PROJECT DREAM INK Date Started: Sept. 1, 2016 Finished Date: Matatapos na. Wait ka... More

"Synopsis"
"Prologue"
"Chapter 1: The Story Begins"
"Chapter 2: The Day We First Meet"
"Chapter 3: New Transferee Student"
"Chapter 4: It's You Again"
"Chapter 5: One Of The Famous Student"
"Chapter 6: Part-Time Job"
"Chapter 7: Mapagbirong Tadhana"
"Chapter 8: I Know Him, I Know Her"
"Chapter 9: Aikee's Have A Stalker"
"Chapter 10: Contention"
"Chapter 11: Amazona Girl"
"Chapter 12: Amazona One Punch!"
"Chapter 13: Kurt Sha And Jhe"
"Chapter 14: Friends Are Like Precious Diamonds"
"Chapter 15: Tears Of Joy"
"Chapter 16: Preparing For School Event"
"Chapter 17: Sadako And Mage Girl"
"Chapter 18: Prison In The House"
"Chapter 19: I'm Missing You"
"Chapter 20: First Hug"
"Chapter 21: I'll Be On Your Side"
"Chapter 22: Fallin"
"Chapter 23: I'm Just A Friend"
"Chapter 24: Stolen Shot"
"Chapter 25: Ako'y Baliw Sa Iyo"
"Chapter 26: Girl's Hangout"
"Chapter 27: Tulad Mong Isang Prinsesa"
"Chapter 28: First Kiss"
"Chapter 29: She's Not Here"
"Chapter 30: Mad"
"Chapter 31: Courting The Princess"
"Chapter 32: Rejected"
"Chapter 33: Free Hugs"
"Chapter 34: Shinsuke's Love At First Sight"
"Chapter 35: Chocolate For Boys"
"Chapter 36: Valentine Day"
"Chapter 37: Misunderstanding"
"Chapter 38: Sorry Na, Pwede Ba?"
"Chapter 39: Strangely Suspicion"
"Chapter 40: Career"
"Chapter 41: A Curious Thing!"
"Chapter 42: I Will Fight For You"
"Chapter 43: I Will Do Everything For You"
"Chapter 44: Selos Much"
"Chapter 45: Kami Na!"
"Chapter 46: You And I Tonight"
"Chapter 47: First Date"
"Chapter 48: A Two-Timer Girl"
"Chapter 49: Paalam Sayo"
"Chapter 50: He Kissed Me"
"Chapter 51: Panyo Ni Future Wife"
"Chapter 52: Don't Avoid Me"
"Chapter 53: Graduation Day"
"Chapter 54: Drunk Girl"
"Chapter 55: Masaya Ako Sayo"
"Chapter 56: Ako'y Sayo At Ika'y Akin Lamang"
"Chapter 57: Birthday Invitation"
"Chapter 58: Fiancee"
"Chapter 59: My Heart Is Bleeding"
"Chapter 60: Beautiful Liar"
"Chapter 61: It Was My Fault!"
"Chapter 62: Stupid Person"
"Chapter 63: Bracelet"
"Chapter 64: Duel"
"Chapter 65: The Broken Hearted"
"Chapter 66: Bitter Tears"
"Chapter 67: Mr.Banatero!"
"Chapter 68: Love Is Ouch!"
"Chapter 69: Possessive"
TO ALL MY SILENT READERS! PLEASE READ!
"Chapter 70: Arrange Marriage"
"Chapter 71: Ang Girlfriend Kong May Toyo"
"Chapter 72: Bonding With Friends"
"Chapter 73: Wedding Invitation Card"
"Chapter 74: Sa Piling Mo"
"Chapter 75: Paubaya"
"Chapter 76: Break Na Sila!"
"Chapter 77: Paglisan"
"Chapter 78: Alone And Lonely"
"Chapter 79: I'm Not Like Her"
"Chapter 80: When The Time Comes"
"Chapter 81: Siya Ang First Love Ko"
"Chapter 82: I'm Hurt"
"Chapter 83: Mahal Kita"
"Chapter 84: Gusto Kita"
"Chapter 85: Kaya Ko Pa Ba?"
"Chapter 86: We Will Meet Again"
"Chapter 87: One Year Later"
"Chapter 89: We Meet Again"
"Chapter 90: Sana Pwede Ba"
"Chapter 91: I Still Love You"
"Chapter 92: Nagseselos Ako"
"Chapter 93: School Festival"
"Chapter 94: Anime Cafe"
"Chapter 95: Theater Play"
"Chapter 96: Theatrical Role"
"Chapter 97: Cinderella X Snow White"
"Chapter 98: White Dress"
"Chapter 99: Ballroom"
"Chapter 100: Glass Slipper"
"Chapter 101: Poison Apple"

"Chapter 88: Welcome Back To Japan!"

40 18 0
By JeralyneMartinez

"Jhe's POV"

Nang makarating na kami ni Heartlalus sa entrance ng hospital ay mabilis kaming pumasok sa loob patungo sa room-312 kung saan naka-admit si tito Aoki. Pagdating namin sa harap ng pinto ay marahan akong kumatok ng tatlong beses at agad namang bumukas ang pinto. Nakita ko na si tita Mary ang bumukas ng pintuan. Pareho kaming napangiti at napahawak ako sa ang mga kamay ni tita sa sobrang saya ko na makita ulit siya.

"Titaaaaaaa~!"

"Jhe, niece ko andito kana."

"Opo, tita. I miss you po. Namiss po kita ng sobra."

"I miss you too so much, niece."

Medyo naluluha kaming pareho sa saya ng makita namin ang isa't-isa at nagyakapan kami ng ilang segundo.

Narinig namin na nagsalita si Heartlalus sa masaya niyang boses kaya napatingin kami sa kanya.

"Oh vongga divey, tita Marylus? Andito na ulit ang chaka mong pamangkin. Happy happy na ulit."

Tumango ng nakangiti si tita Mary sa kanya, "Oo, Henry. Sobrang saya ko na andito na ulit itong pamangkin ko." sabay hinaplos niya ng tatlong beses ang buhok ko at saka na niya kami niyaya ni Heartlalus na pumasok sa loob ng kwarto

"Oh sya.. Tara na sa loob. Pumasok na kayo. Hinihintay kana ng tito Aoki mo."

"Okay po, tita." ngiting sabi ko

Pagpasok namin sa loob, nakita ko na nakaupo si tito Aoki sa gitna ng kama habang nakasandal ang likod niya sa unan na isinandal naman sa kama. Medyo naluha ulit ako ng makita ko naman si tito Aoki at nakangiting nakatingin siya akin.

"Jhe." ngiting tawag niya sa pangalan ko

"Titoooooo~ tito Aoki."

Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya saka niyakap din niya ako.

"Kamusta kana, Jhe?" agad na tanong niya sakin at humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya sabay hawak ako sa isang kamay niya

"Bakit ako, tito? Dapat ikaw.. ikaw tito, kamusta kana? Kamusta na ang pakiramdam mo? Okay kana ba? May masakit ba sayo? Masakit parin ba ang mga katawan mo? Eh yung binti mo tito masakit pa ba? Makirot pa ba? Huwag ka mag-alala, tito Aoki.. andito na ako. Aalagahan kita, promise ko sayo yan. Kaya pagaling kana ah?"

Matapos ko sabihin iyon, napataka nalang ako nang biglang tumawa ng mahina si tito Aoki habang nakatingin siya sakin.

"B-bakit ka tumatawa, tito? M-may nakakatawa ba sa mga sinabi ko?" pagtatakang tanong ko

Nagclear throat siya at tumigil sa pagtawa.

"Wala.. wala naman, Jhe. Masaya lang ako na andito kana ulit. Pero yung sunod-sunod na tanong mo nakakabigla lang haha." sabay tawa ulit siya at binitawan ko ang kamay niya na hawak ko

"Ay grabe ka, tito. Sobra na nga akong nag-aalala sayo tapos nagagawa niyo pa akong tawanan eh."

"Pasensya na, Jhe."

"Pero tito Aoki, alam mo ba? Sobra talaga ang paaaag-aalala ko sa inyo. Sobra akong natakot sa nalaman ko ng madisgrasya kayo sa hagdanan. Next time kasi tito, mag-iingat kana ah? Promise?" hinawakan ko ulit ang isang kamay ni tito Aoki at pinakita ko sa kanya ang ekpresyon ng mukha ko na talagang nag-aalala ako sa kanya

"Promise. Mag-iingat na talaga ako. Kaya huwag kana mag-alala pa, okay? Gagaling din ako."

Tumango ako, "Okay, tito. Saka... tito.. hmmm... sobrang namiss po talaga kita. Payakap nga uliiiiittt~" lambing na sabi ko

"Haha.. Oo naman."

"Yeeeyyy.."

Binitawan ko ulit ang kamay ni tito Aoki at nagyakapan ulit kami.

Pagkatapos, tumingin ako kay tita Mary ng pumunta siya sa kabila ng kama. Naging pagitan sa aming dalawa ang kama at nakatapat siya sakin.

Nagtanong ako sa kanya.

"Tita Mary, kamusta na nga ba ang kalagayan ni tito Aoki? Ano ang mga sinabi ng doctor sa inyo? Kasi 2 days narin simula ng maoperahan ang isang binti ni tito. Saka kailan siya pwede makalabas ng hospital? Magtatagal pa ba siya dito?"

Ngumiti si tita sakin bago sumagot.

"Matagumpay ang naging operasyon ng tito Aoki mo. Ang sabi ng doctor, makakalakad parin naman siya ng maayos. Normal na paglakad. Basta ang importante sa ngayon ay yung makarecover siya."

"Pero, tita.. magtatagal pa ba dito si tito Aoki?"

"Hindi siguro. Ang sabi ng doctor, hindi naman magtatagal dito ang tito Aoki mo. Basta makitaan lang ng sign na okay na siya at pwede ng ilabas sa hospital. Ang sabi pa ng doctor, pwede naman niya ituloy sa bahay ang pagpapagaling at inumin ang mga gamot na niresita sa kanya."

"Ganun po ba, tita?"

"Oo. Saka sasabihin naman ng doctor kapag pwede ng i-discharge ang tito mo. Malay natin, mamaya na o bukas."

"Pero sariwa pa ang sugat sa binti ni tito Aoki dahil sa operasyon." tumingin ako kay tito Aoki

"Oo. Pero pwede siya magpahilom ng sugat sa mansion, basta ba aasikasuhin natin ng maayos ang tito Aoki mo. Aalagaan natin siya hanggang sa tuluyan ng gumaling ang sugat niya sa binti at nang makalakad na ulit siya at makakilos mag-isa."

Binalik ko ang tingin kay tita.

"Opo, tita." sabay ngiti ako at ngumiti din siya sakin

Tapos narinig namin na nagsalita si tito Aoki. Tumingin kami sa kanya.

"Oh narinig niyo naman ang sinabi ng doctor. Kaya wala na kayong dapat ipag-alala pa sakin. Gagaling din ang sugat sa binti ko at makakalakad na ulit ako ng maayos oras na na-discharge na ako dito. Isa pa, okay na ako. Makirot lang ang nararamdaman ko. Mawawala din ito sa susunod."

"Oo naman, hon. basta magpagaling ka muna." sabi ni tita Mary at hinawakan niya ang isang kamay ni tito Aoki at nag-ngitian sila

Pagkatapos, lumapit si Heartlalus sakin. Tumabi siya sa right side ko saka masaya siyang nagsalita sa amin.

"At syempre, ditey na ulit titira sa Japan ang Girlalus koooooo~! VONGGA!"

Tumingin silang lahat sakin kasabay ng nagpakita ako ng alinlangan kong ngiti sa kanila.

Agad napansin ni tita Mary ang ngiti ko kaya agad din siyang nagtanong sakin.

"Oh, bakit niece?"

"A-ah kasi.. tita.. tungkol pala sa pananatili ko dito.. ahm..."

Nilagay ko ang kanang kamay sa batok ko saka hinimas-himas ko.

"Pananatili? Anong ibig mo sabihin, Girlalus?" tanong naman ni Heartlalus

Isa-isa ko silang tinignan sa mukha.

"Ahm.. yung sa..."

"Hay naku, Girlalus ah. Enough na sa paligoy-ligoy. Nagpapatagal yung ganyan. Ano yung tungkol sa pananatili? Go sabihin mo na."

Tama. Sa palagay ko mas mabuti nga na sabihin ko na agad sa kanila ang tungkol sa isang buwan lang na pananatili ko dito sa Japan. Kaysa paligoy-ligoy pa ako, mahirap na baka mabigla pa sila sa susunod na mga linggo, lalo na kung kailangan ko ng umalis.

Bumuntong hininga ako at pareho akong tumingin sa mukha nila tita Mary at tito Aoki bago ako magsalita sa kanila.

"Tita Mary, alam niyo po na bumalik ako dito sa Japan kasi sobra akong nag-alala kay tito Aoki dahil sa nangyari sa kanya. Gusto ko siyang maasikaso at maalagaan. Syempre bumalik din ako dito kasi miss na miss ko na talaga kayo at gusto ko na ulit kayo na makasama. Pero.. tita Mary, tito Aoki.. isang buwan lang po sana ang pananatili ko dito sa Japan at pagkatapos nun, babalik na ako doon sa Pilipinas."

Napatingin kami kay Heartlalus nang nabigla siya at napasigaw dahil sa sinabi ko.

"WHY OH WHY DELAYLA?! Ano?! Isang buwan ka lang ditey?!"

"Oo, Heartlalus."

"But why naman sistah?"

"Kasi iyon naman ang dapat."

"What? Anong dapat? Andito na you tapos aalis ka pa after one month? Kalerki ah."

Napatingin ako kay tita Mary ng siya naman ang nagtanong sakin.

"Oo nga, niece. Bakit naman? Bakit aalis ka pa pagkatapos ng isang buwan? Bakit hindi kana lang ulit tumira sa mansion kasama kami ni tito Aoki mo at ituloy ang pag-aaral mo dito?"

"Oo nga, tita Marylus." singit ni Heartlalus

"Kasi tita.. okay na po ako doon sa Pilipinas. Kaya ko naman. Saka, maayos naman ang pag-aaral ko doon. Wala kayong dapat ipag-alala."

"Oo niece, alam namin iyon. Pero pwede rin naman kahit dito ka nalang mag-aral."

Sumingit ulit si Heartlalus.

"Siguro dahil ito sa issue ng lovelife niya. Ay naku, di ka talaga makakamove-on ghurl. Sinumpa ka eh."

Bigla niya akong sinungitan ng tingin at inirapan pa niya ako.

"Hindi naman ito dahil sa... pwede ba huwag nga natin isingit yan? Bakit pumapasok sa usapan? Aish. Tsk." sinungitan ko din ng tingin si Heartlalus

Tapos, narinig ko na kinausap ako ni tito Aoki kaya tumingin ako sa kanya.

"Kung isang buwan ka lang dito. Paano ang pag-aaral mo doon sa Pilipinas? Titigil ka ba muna? Sayang naman kung ganun, isang buwan ka lang mawawala."

"Don't worry, tito. Hindi naman ako titigil eh. Nagpaalam ako sa mga Prof ko na mawawala muna ako ng isang buwan. Saka pumayag sila na magkakaroon ako ng one month online class sa kanila, para kahit paano alam ko parin ang pinag-aaralan nila at hindi ako maghahabol sa mga subject lectures ko kapag nakabalik na ako."

"Ganun ba? Mabuti yan."

"Opo. Kaya nga po, tito Aoki, tita Mary, sana pumayag kayo na isang buwan lang ako dito. Sana huwag kayo magalit at magtampo sa akin. Hindi bale po, pag nakatapos na ako ng kolehiyo sa Pilipinas at naging ganap na nurse na ako, sure naman na magkakasama na ulit tayo."

Lumapit si tita Mary sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko. Ngumiti siya sakin at tumango-tango siya.

"Sige, niece. Kung iyan talaga ang gusto mo papayagan ka namin ng tito Aoki mo. Ang mahalaga andito ka at kasama ka namin ngayon. Yun palang, sobrang saya na para sa amin. Salamat at bumalik ka."

Naramdaman ko na hinawakan ni tito Aoki ang isang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na tumatango tango siya habang nakangiti sakin.

"Tito... Tita..." medyo naluluha kong sabi at napakagat labi ako

"Oh bakit?" tanong ni tita

"Masaya kasi ako. Sobra ko kayong namiss."

Napangiti si tita Mary sa sinabi ko. Tapos pareho ko silang niyakap ni tito Aoki habang nasa gitna nila ako at hinaplos naman ni tita Mary ang buhok ko.

Ang sarap sa pakiramdam na mayakap ko ulit sila. Napakagaan sobra.

Matapos ko silang yakapin, saka ako kinausap ni Heartlalus.

"Siguro Girlalus, kaya nursing ang kinuha mong kurso kasi alam mo na doctor ang kurso na kinuha ni papa Kurt Sha ko. Umamin ka."

Bigla akong napabuga ng hininga at napangiwi sa narinig.

"K-kurt Sha? Kurt Sha na naman?" sa isip ko

Pero hindi ko pinahalata yung sa part na para akong naapektuhan ng binanggit niya ang pangalan ni Kurt Sha. Kasi, bakit ganun? Bakit naririnig ko na palagi ang pangalan niya? Kung tutuusin, sa Pilipinas ko pa naririnig ang pangalan niya bago ako umalis na itina-topic ng dalawang kumare ko. Bakit ko siya naririnig ngayon? Dahil ba sa malapit na siya sakin at hindi na malayo? Teka, diba dapat hindi na ako naaapektuhan sa pangalan niya? Dapat wala eh. Pero bakit sa tuwing naririnig ko.. bakit parang isang malambing na musika sa tenga ko. Hindi siya masakit pakinggan at hindi ko magawang magalit.

"Anong sabi mo? Hindi ako kumuha ng nursing porket doctor ang kinuha niya noh." medyo nakanguso kong sabi

"Talaga lang ah? Eh bakit sa ilong lumalabas yang sinasabi mo?" nakanguso din niyang sabi

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang bewang ko at tinaasan ko siya ng kanang kilay.

"Basta, hindi ako kumuha ng kursong nursing dahil sa kanya. Isa pa, pangarap ko talaga maging nurse."

Tinaasan din niya ako ng kanang kilay at nagcross arms siya.

"Sinong niloko mo? Simula nung mga bata pa tayo wala kana talagang pangarap sa buhay."

"Meron!"

"Waley!"

AKAK! Ang baklang 'to nagmamatigas din siya sakin at ayaw magpatalo. Mapilit.

"Heto na nga oh.. nursing ang kinuha ko para sa future ko."

"Ows talaga ba? Baka nemen future na maging nurse ni papa Kurt Sha ko pag doctor na siya someday."

TOKWA TALAGA YAN!

Binanggit na naman niyaaaaaa! KALOKA!

Nagcross arms na din ako sabay inirapan ko siya at tumingin ako sa direksyon ng pinto.

"Hmp! Baka ikaw ang walang pangarap. Kasi ginaya mo ako para may future ka lang. Nag-nursing ka din."

"Whahahaha! Oo naman, Girlalus!" biglang natawang sabi niya na ikinabigla ko kaya napataka ako at napatingin sa kanya

"Oh bakit biglang tawa kana dyan?"

Pagkatanong ko sa kanya, hinawakan niya ang mga kamay ko tapos ngumiti siya ng malapad saka siya nagsalita.

"Eh kasi, Girlalus.. kung sakali lang na magbago ang isip mo na ditey kana ulit tumira, oh atleast magkaklase ulit tayo sa school nyahahaha oh divey?" sabay wagayway siya sa magkahawak na kamay namin

"Hay naku, ikaw talaga.. kulit mo din noh." nangiting sabi ko na sa kanya

"Hehehehe... happy kasi me."

Bigla kaming napatingin ni Heartlalus kila tito Aoki at tita Mary ng narinig namin silang tumatawa habang nakatingin sa amin.

"Alam niyo ba na namiss ko talaga ito na makita ko ulit na nagkukulitan at nag-aasaran kayong dalawa? Ang saya niyong panoorin. Nakakatuwa lang na magkasama na naman kayo." masayang sabi ni tita Mary sa amin

"So true, mother nature. Sinabi mo pa. Kaya nga dapat ditey na si Girlalus noh? Huwag ng one month." sabi ni Heartlalus tapos sabay-sabay silang tumingin sakin

"Hmm... pinag-usapan na natin ito kanila lang." medyo nag-alala kong sabi

Ngumiti si tito Aoki, "Oo naman, Jhe. Naiintindihan namin. Kaya wala kang dapat ipag-alala sa amin ng tita Mary mo."

Ngumiti din ako kay tito, "Salamat sa pag-intindi, tito koooo~!" sabay lapit ako sa kanya at niyakap siya

"Eh di wow. Keribels nemen eh. Kaya okay lang. Hmmm.." hirit pa ni Heartlalus at natawa kami sa kanya

Habang nagtatawan kami ay bigla nalang kami natigil sa pagtawa at sabay napalingon sa pinto nang marinig namin na may kumakatok mula sa labas.

"Oh may bisita." sabi ko

Tapos nagkatinginan kami ni Heartlalus.

"Oh ikaw na magbukas besh." utos niya sakin, ekek!

"Sige na nga." payag ko naman

Agad akong lumapit sa pinto para buksan, kasi utos nga ni baklang Heartlalus. Pagbukas ko ng pintuan, bigla akong napangiti ng malapad sa nakita ko, ang mga kaibigan ko kasabay ng masayang pagbati nila sa akin. As in sabay-sabay pa silang nagsalita para sakin.

"Welcome back to Japan!"

Napasigaw ako sa sobrang saya.

"Aaaaahhhhh! Fia, Seeley, Arisu, Koutarooooo! Namiss ko kayong lahaaaaattt aaaahhhh~!

Tinaas kong pareho ang mga kamay ko at sabay ko silang niyakap. Puwera si Koutaro. Bawal swerte haha!

"Oo. Miss ka din namin, Jheeeeee~! Sobraaaa!" masayang sigaw ni Fia habang yakap din niya ako at nagtatalon-talon kami sa tuwa. Puwera si Arisu, basta nakayakap lang din siya sakin nyahahah! Cute niya talaga, kuraz!

"Oo nga, Jhe. Namiss ka talaga namin. Isang taon ka ba naman nawala." sabi naman ni Seeley

"Hahahaha sorry na. Pero andito na ako kaya magkakasama ulit tayo. For now.."

Natigilan kami sa pagtatalon ng marinig namin ang malakas na boses ni Heartlalus mula sa likuran ko at napalingon kami sa kanya.

"Anong for now? FOREVAAAAHHHH!!"

Lumapit siya sa amin at nakangiti ng malapad na kilig na kilig pa ang reaksyon niya.

"LET'S DO THE POWER HUUUG! YEEEEYYY!" sabay sigaw siya sa sobrang saya

"YEEEYYYY!" masayang sigaw din namin at saka kami nag-group hugs

Puwera si Koutaro bwahahaha!

Pero sa totoo lang habang magkayakap kami meron akong napansin na parang may kulang. Hindi ko nakita ang mukha ng tatlong magkababata na sila Shinsuke, Aikee at... K--- basta.. siya na yun.

Hindi kaya.. hindi nila alam na nakabalik na ako ng Japan? Na andito na ako? Pero di bale na nga. Bakit ko pa iisipin iyon? Eh makikita ko naman sila sa susunod na araw kasi isang buwan ako dito sa Japan.

Teka, sila? As in silang tatlo? Di ba pwedeng dalawa lang? Sila Aikee at Shinsuke? Kasi.. kasi.. si K--- di ko kayang makita siya. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko pag nakita ko siya. Di ko alam.

"Paano niyo pala nalaman na nakabalik na ako?" biglang tanong ko

"Sinabi ni Henry samin hehehe." sagot ni Fia at nagsalita din si Heartlalus habang tumatawa

"Syempreeeee, akes paaaaa hahahaha!"

"Hoy, huwag kayo masyadong maingay andito tayo sa hospital. Baka masita kayo at palabasin pa. Di ako kasama dyan haha."

Narinig namin na sabi ni Koutaro kaya natigilan kami sa pagtawa at humiwalay kami sa pagyakap.

"Asus. Di ka lang makasali sa group hugs eh. Sorry ka boy." kanchaw ni Heartlalus

"Hindi ah. Saka loyal ako kay Fia. Siya lang ang iha-hug ko." tumingin siya kay Fia sabay kinindatan niya ito

Nakita ko ang reaksyon ng mukha ni Fia na parang namula agad ang pisngi niya at nahihiya-hiya pa siya.

Kinalabit ko sa braso si Fia, "Ayiiiieeeehhh... kayo na? Naks naman." kanchaw ko sa kanya

"Ah.. hindi ah. Hindi pa naman." nahihiyang sabi niya

"Hindi pa naman? Ibig sabihin may pag-asa siya 100%?" mahinang bulong ko sa kanya

Ngumiti siya at tumango-tango.

"Hm-hm.."

Ngumiti ako ng malapad sa kanya ng makaramdam ako ng kilig sa sarili ko.

SHEMAS! KINIKILIG AKO BWHAHAHAHA!

"Hay naku, Fia. Huwag mong pansinin yan. Tamang-tama andito tayo sa hospital. Ipatingin mo sa CT scan ang utak nyan baka durog na." medyo pangangasar na sabi ni Heartlalus

Bigla kaming nagsitawanan sa narinig namin sa kanya. HAHAHAHA BUSIT!

Nagsalita si Koutaro, "Grabe kana talaga  Henry ah. Taas ng level mo hanggang empyerno hahahaha!" pangangasar na sabi din niya

Narinig naman namin ang malakas na pagtawa ni Seeley habang nakaturo ang hintuturo niya kay Heartlalus.

"HAHAHAHA! Dyosang sunog!"

Dahil sa sinabi ni Koutaro at Seeley kay Heartlalus mas lalo kaming nagsitawanan at napalakas pa ang pagtawa namin na halos makalimutan na namin na nasa loob kami ng hospital.

Napansin ko na tumatawa din mula sa loob ng kwarto sila tito Aoki at tita Mary. Pinapanood nila kami dahil hindi nakasara ang pintuan. Nakalimutan na namin isara ni Heartlalus sa sobrang saya na magkasama ulit kaming magkakaibigan.

"You guys SHATAP NA! I know it's funny.. funny-ra kayo ng araw ko mga hampaslupa x hinayupak!" medyo naaasar ng sinabi ni Heartlalus samin

Natigil kami sa pangtatawa sa kanya ng isa-isa niya kaming pinagduduro sa mukha tapos hininto niya ang hintuturo sa tungki ng ilong ni Seeley sabay mariin niya itong tinusok.

"Aray ko, bakla!"

Bigla ulit ako natawa, pero yung mahina na.

"Mesheket ba?" tanong ni Heartlalus matapos niya gawin iyon kay Seeley

"Pikon ka lang eh. Pikon talo. Bleh!"

"Upakan kita dyan eh." sabay taas ng kamao niya

"Eh ba't ako lang inaano mo?"

"Taas ng init ng dugo ko sayo eh. Para ngang empyerno."

"Pisting yawa ka!"

"Oo. Without knowing na may bible ako pang-puksa sayo, impokreta ka."

Sabay silang nag-irapan ng mata.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Fia at tumawa kami ng mahina. Puwera si Koutaro na tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHA! SIGURADONG MAPAPALABAS NA TAYO NG GUARD NETO HAHAHAHA!"

HARUJUZKO WALANJOH! Sinabi mo pa.

"Huwag kang sumigaw!" mahinang sigaw naman ni Fia at napatigil sa pagtawa si Koutaro

"Wow, ang masunuring manliligaw ng taon." sa isip ko

Pagkatapos may lumapit na nga na isang nurse sa amin at kinausap kami sa malumanay niyang boses.

"Sir, ma'am, pasensya na po pero huwag sana tayong maingay dito sa loob ng hospital. Para hindi nakaka-istorbo sa mga pasyente sa ibang kwarto, pati narin dito sa hallway. May mga pasyente din dito na lumalabas sa kwarto nila para maglakad-lakad baka hindi mapansin at masagi po natin."

Nagbow si Fia, "Ay sorry po. Hindi na mauulit." ngiting sabi niya

"Okay po, ma'am." saka na siya umalis

Tumingin si Fia sa amin, "Ingay-ingay natin kasi eh. Yan tuloy."

"Ay sarreh na. Alam lang natin kung paano maging masaya, baklalus." hirit ni Heartlalus

"Oo na."

Maya-maya pa lumapit na si tita Mary sa amin para yayain na kaming pumasok sa loob ng kwarto bago pa ulit kami masita ng mga nurse dito sa hallway. Naunang pumasok sila Fia, Arisu at Koutaro tapos nilapitan nila si tito Aoki para kamustahin ang kalagayan nito. Sumunod naman si tita Mary na lumapit sa kanila at doon siya tumayo sa kabila ng kama.

Pagkatapos, pumasok narin kami nila Heartlalus at Seeley. Pagkasara ko sa pinto ay narinig ko si Heartlalus na nagtanong kay si Seeley.

"Hoy Seeley, nasaan ang papa Aikee ko? Bakit wala siya ditey? Akala mo hindi ko mapapansin noh."

"Hindi ko siya pinapunta dito. Pinaiwas ko siya sa virus na katulad mo."

Bigla akong natawa sa sinabi ni Seeley. Pero agad ko din kinagat ang ibaba ng labi ko para pigilan ang pagtawa ko. Mahirap ng mapansin, baka pati ako mabara pa, ekek.

"Aba, loko ka ah. Kutungan kita dyan eh." sabay taas si Heartlalus ng kamao niya

"Eh kasi naman busy siya sa school. Bawi siya kay Jhe pag nagkita sila. Libre niya ng pagkain."

Naks naman! Yan ang super cute na Aikee namin.

"Eh si papa Shinsuke?" tanong pa ni Heartlalus at agad sumagot si Seeley

"Malay ko sa mr.Masungit na yun." sabay takbo siya papunta kila tito Aoki

"Loko to ah. Kakatusan ko na sana eh. Umiwas pa."

"Haha.. grabe ka naman kasi, Heartlalus." tawang sabi ko

"Eh kasi nga. Diba nga akes ang nagsabi sa kanila na nakabalik kana? Kaya dapat kompleto ang lahat."

"Study first muna kasi. Saka makikita ko naman sila eh. Sila Shinsuke at Aikee."

"At si papa Kurt Sha ko. Echosera ka. Iwas banggit ka din sa kanya noh. Saka what if pala kung magkita kay---"

"Hindi. hindi. Huwag." sabay umiling ako

"Oh why naman hindi?"

Sumandal ako sa pinto at tumingin sa baba. Mahina akong bumuntong hininga.

"Hindi pa kasi ako handa na makita siya at makausap matapos ng nangyari sa amin. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin. Ni, hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksyon ko pag nakita ko siya. Hindi ko alam ang gagawin." malungkot na sabi ko halos pabulong lang

"Paano kung magkita nga kayo. It's a small world after all~" sabay kanta siya sa english lyrics na it's a small world ni Richard Sherman

Walanjoh! Feeling drama na sana ako pero parang gusto ko nalang tumawa.

Tumingin ako sa mukha niya at ngumiti ako.

"Basta.. huwag muna o huwag nalang."

"Oh shige ganito nalang, Girlalus. Kamusta kana ba talaga? Yung totoo sanang sagot?"

"Syempre, okay lang ako. Obvious ba? Masaya nga ako eh. Kasi kasama ko ulit kayo."

"Oh buti naman medyo okay kana ngayon. Happy for you." nginitian niya ako

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Medyo okay? Ako ngayon? Bakit medyo? Ang sabi ko, okay lang ako. Bakit may medyo at ngayon?"

"Oo. Sinabi mo nga yan. Kaso... yung pakiramdam na okay ka naman, pero hindi ka masaya, kasi alam mong parang may kulang."

Nakita ko na umiba ang ekpresyon ng mukha niya at malungkot niya akong tinitigan sa mata.

"Pero sinabi ko na masaya ako, kasi kasama ko ulit kayo."

"Pero ghurl.. hindi ka as in masaya. Kasi nga may kulang sayo at alam mo iyon."

Nagkibit na lang ako ng balikat at hindi na umimik para matapos na ang pag-uusap namin.

Alam ko kung ano ang tinutukoy niya at kung sino, yung taong ayoko pa sanang makita kung pwede lang. Isa pa, kung may kulang man sa akin, hindi na kailangan na maging siya pa para mapuno ulit ang kulang na iyon.

**

"Henry's POV"

Pagkatapos ng dalawang oras na pagbisita ng apat na kaibigan namin ni Girlalus sa kanyang tito Aoki at sa pagwelcome back narin nila kay Girlalus ko dahil sinabi ko nga sa kanila ay ngayon naman nagpaalam na silang uuwi dahil magkagabi na.

What time na ba kasi? Ah, Oo.. 6:23pm na.

Kaya heto, hinatid muna naming dalawa ni Girlalus sila Fia, Koutaro, Seeley at Arisu sa exit ng hospital.

"Henry, hindi ka ba sasabay sa amin sa pag-uwi?" tanong ni Fia

"Hindi, baklalus. Sabay nalang kami ni Girlalus uuwi mamaya."

"Ganun ba."

"Oo eh."

"Sige."

Nagsalita si Girlalus sakin, "Pero Heartlalus, mas okay kung sumabay kana sa kanila. Baka hindi muna ako uuwi mamaya. Dito muna ako sasamahan si tito Aoki. Kahit ako nalang muna magbantay mag-isa sa kanya."

"Ayaw ko pa nga eh. Ditey lang muna akes. At saka, kahit di ka umuwi pwede pa rin akes sumabay kay mother nature Marylus pag-uuwi na siya mamaya."

"Sige, ikaw bahala." buntong hininga niyang sabi

Nagsalita ulit si Fia para magpaalam na sa amin.

"Paano aalis na kami ah. Welcome back ulit sayo, Jhe."

"Salamat, Fia. Ingat kayo ah."

"Okay. Kayo din ingat sa pag-uwi niyo mamaya."

"Okay. Ba-bye." sabay wave hand si Girlalus kahit din akes nagwave hand

"Sige, Jhe." taas baba ang kilay na pamamaalam ni Koutaro papuntang langit

"Bye, Koutaro." sabi naman ni Girlalus sa kanya

Gurabe ang lalakeng 'to ah. Kay Girlalus lang talaga siya nagpaalam. Oh di wow!

"Bye, Jhe. Bye, Henry." paalam din ni baklitang Arisu sabay nagbow siya at naunang lumakad

"Bye, Arisu." agad na sabi ni Girlalus para kahit paano marinig pa siya ng Alien girl namin

"Baboshkaaaa~!" sabi ko sa kanilang lahat at saka na nag-umpisang lumakad sila Fia at Koutaro para sundan si Arisu na huminto sa paglakad para hintayin sila

"Tara na, Seeley." tawag ni Fia sa impokreta habang lumalakad parin siya

Tapos sabay kaming tumingin ni Girlalus kay Seeley nang hindi pa iteys umaalis at nakatayo parin sa harapan namin.

"Oh ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Sumunod kana sa kanila baka maiwan ka pa sa flight tapos iiyak-iyak ka dyan later." masungit kong sabi sa kanya

Pero hindi niya akes pinansin. Tumingin siya kay Girlalus at kinausap niya itech.

"Jhe, may sasabihin sana ako sayo. Sigurado kasing hindi mo pa alam hanggang ngayon."

"Ano naman yun?"

"Kami na ni Aikee ko. Boyfriend ko na siya." masayang sabi niya

Nakita ko na nabigla ang mukha ni Girlalus na may halong ngiti sa labi niya. Masaya siya sa kanyang narinig.

Hinawakan ni Girlalus ang parehong kamay ni Seeley. Jusko po! Baka galisin siya.

"Talaga?"

"Oo."

"Kailan pa?"

"Last year pa."

"Eeehh? Bakit hindi ko man lang alam? Bakit hindi niyo man lang sinabi sakin?"

"Kasi, ang gusto ko surprise at ako ang magsasabi sayo kapag nakabalik kana dito. Sinabi ko sa kanilang lahat na kung pwede huwag muna nilang sabihin sayo. Sana okay lang."

"Hindi.. hindi.. okay lang. Sa katunayan masaya ako para sa inyong dalawa ni Aikee. Congrats ah."

"Talaga? Masaya ka para sa amin? Salamat ah. Hehehehehe.. Pero alam mo, kailangan pala ng basbas ng hiwalayan niyo ni Kurt Sha bago maging kami ni Aikee ko."

"He.. he.. he.. g-ganun ba?" napangiwi tuloy na sabi ni Girlalus ko

Nakita ko na umiba ang ekspresyon ng mukha ni Girlalus na parang nairita siya sa kanyang narinig. Pansin ko din sa labi niya na pilit ngiti na ang pinakita niya.

Aba syempre, pakiramdam ko din parang narindi ang tenga ko sa narinig sa ngusong bazooka ng babaeng 'to. At dahil hindi ko na keribels ang pangit na topic nila ay sumingit na akes sa usapan.

KA-STRESS SIYA BESH EH!

"Shataaaapp! Hoy, haliparot! Uwiiii!"

Bigla silang nagbitawan ng kamay ng marinig nila ang pagsigaw ko kay Seeley.

"Ngek." na-shock na sabi ni Girlalus ng tumingin siya sakin

"Oh bakit? Nagsasabi naman ako ng totoo kay Jhe ah." sabi ni Seeley ng tumingin din siya sakin

Dinuro ko siya sa mukha.

"Ang chama mo magsalita ng ganyan sa Girlalus ko. Parang di ka kaibigan. Pag ako yumaman, ibibili kita ng magandang ugali."

"Pwes kawawa ka naman. Ako mayaman." sabay palo siya ng mahina sa kamay ko para alisin

"Bakit, gaano ka ba kayaman?"

"May sarili akong mundo."

"Eh baliw ka pala eh."

"Inggit ka kasi." insultong sabi niya sakin sabay irap siya

"Hoy! Sinong inggit? Akech? Asa ka."

"Oo. Ikaw. Inggit."

AAAAYYYYY!! PINAPAKULO TALAGA NG HALIPAROT NA 'TO ANG MAGANDA KONG DUGO EH! MESHEREP PA NAMAN AKECH SIPSIPIN WITH STRAW SA LEEG!

Hinawakan ko sa kanang balikat si Girlalus at tinulak ko siya ng mahina para umusog ng kaunti para akes ang nasa tapat ni impaktang Seeley.

Nagcross arms akes bago magsalita.

"Magsasawa din sayo si papa Aikee ko. Alam mo kung ano ang tawag sayo? Flavor of the month. M-m-monster!"

Nagcross arms din siya at masama siyang tumingin sa malayo, "Hay naku! Saan ba ako makakakuha ng peace of mind sa baklang 'to. Kainis eh." naiinis niyang sabi

WOW NEMEEEN! Siya pa talaga itong may ganang mainis, eh yung sinabi nga niya sa Girlalus ko na basbas na hiwalayan 100% ng nakakainis galing mismo sa mabantot niyang bunganga.

Oo! Kahit nakikiamoy lang kami.

Ew!

"Gusto mo ng peace of mind? Nasa langit ang peace of mind kaya umakyat kana. Nai-stress akes sayo eh. Baho ng hininga mo."

"Pangit!"

"Tanggap ko naman masabihan ng pangit pero huwag naman galing sa mas pangit sakin."

Pagkasabi ko nun, narinig ko ang biglang pagtawa ng mahina ni Girlalus. Pero agad din siyang tumigil at nagclear throat ng mahina.

Pansin ko na magsasalita pa sana si Seeley sa sinabi ko pero bigla siyang natigil ng pumagitna si Girlalus sa amin.

Nagsalita siya.

"Sandali lang. Huwag kayong mag-away na dalawa dito. Nasa harap mismo tayo ng hospital. May mga nakatingin na satin, pati guard nakatingin. Baka maya nyan di na tayo papasukin sa loob kaya tumigil na kayong dalawa. Madadamay ako."

"Eh kasi naman itong beki na 'to eh." sabay tinuro ako ni Seeley

"Okay, okay.. sige na, tama na yan. Kalma na kayo."

Tumingin sakin si Girlalus at tumingin din ako sa kanya tapos kinausap niya akes.

"Heartlalus? Tigil na ah?"

"Oo nemen, Girlalus. But wait."

Pagkasabi ko ay agad akong tumingin kay impaktang Seeley.  Humakbang akes ng isang beses sa kanya at umatras naman siya ng isang beses.

"Oh ano na naman?" tanong niya

Seryoso ko siyang tinignan sa mukha.

"Alam mo, Seeley? Pinipilit ko naman maging mabait sayo eh. Ginagawa ko iteys para kay papa Aikee ko. Kasi love love ko siya forEvah. Kaya naman sana huwag mo hayaan na magbago ang kabaitan kong iyon. Mag-sorry ka sa sinabi mo sa Girlalus ko, now na! Dahil hindi madali para sa kanya ang ginawa niyang iyon. Mahirap at masakit, alam mo iyan." seryosong sabi ko

Nagsalita naman si Girlalus sakin.

"Heartlalus, di naman kaso yun sakin kaya okay lang."

"Hindi okay yun. Nakakainsulto besh eh." sabi ko habang nakatingin parin akes kay Seeley

Bumuntong hininga si Seeley bago siya magsalita kay Girlalus ko.

"Sorry, Jhe. Sinasadya kong sabihin pero hindi ko naman sinasadyang masaktan ka. Nasaktan ba kita sa sinabi ko?"

Umiling si Girlalus, "Hindi. Hindi mo ako nasaktan. Saka okay lang yun. Alam ko na happy ka lang na sabihin sakin ang tungkol sa relasyon niyo ni Aikee kaya happy talaga ako para sa inyo." ngumiti siya at ngumiti din si Seeley

"Hehe.. kung ganun okay tayo ah?"

"Oo naman hehehe.."

Tapos tumingin sakin si Seeley, "Oh ano, beking Henry? Happy kana din? Nagsorry na ako kay Jhe."

"Hmp. Okay pwede na."

"Naman. Cute kasi ako."

Nang marinig ko iyon, pakiramdam ko biglang nagpaalam sakin ang eardrums ko.

"Oo naman cute mo. Yung parang chanak na one day old at nangangagat na agad sa leeg."

Napatingin kami kay Girlalus nang marinig namin siyang tumawa ng malakas.

"AHAHAHAHAHA! SHEMAS! Chanak talaga? One day old. Grabe ka talaga kay Seeley hahahaha!" sabay hampas siya ng malakas sa likod ko

Awtsuuuu~ mesheket yun beshie ahh..

Pero hinayaan ko na, hindi ko na pinatulan. Masaya akes na makitang masaya siya eh. Puro iyak kasi siya last year, hmmm...

"Grabe talaga siya sakin. Palibhasa kasi isinumpa sa loob ng sinapupunan kaya naudlot na maging babae at na-stock sa katawan ng bakla." nang aasar na sabi ni Seeley

Pagkarinig ni Girlalus iyon, mas lalo pa siyang tumawa ng malakas at hinampas ulit ako ng kamay niya sa likod ko

"Sige, pagkaisahan niyo akes. Mga binulok na matres." ganting sabi ko naman

"Atleast may matres parin. Eh ikaw?" tanong ni impakta sakin

Tumingin ako sa kanya, "Pasalamat ka madilim na at wala na yung sinag ng araw. Kundi, tunaw ka." taas kilay kong sabi

"HAHAHAHA HEHEHEHEH HAHAHAHA! TAMA NAAAA! Hirap na ako huminga hahahaha!" malakas ulit na tawa ni Girlalus na sana pumutok ang ugat niya sa leeg, jusko po!

Biglang natigil sa pagtawa si Girlalus at natigil din kami sa asaran namin ni Seeley nang marinig namin ang malakas na boses ni Fia habang sinisigaw niya ang pangalan ni Seeley. Tinatawag niya iteys.

"SEELEY! SEELEY! SEEELEEEYY!!!"

Napalingon kami sa direksyon ng daan kung saan nang-gagaling ang boses niya at nakita namin sila Fia, Koutaro at Arisu na magkasama sa medyo kalayuan.

Sumigaw ulit si Fia habang nakataas ang isang kamay niya.

"SEELEY, HALIKA NA! UUWI NA TAYO! SIGE KA, IIWAN KA NA NAMIN DITO!"

Nagsalita akes.

"Hala sya. Hinintay ka pala nila oh. Tapos ikaw nakiki-gandang dyosa ka pa sa amin, eh butiki ka lang naman sa dingding. Alam mo napupuno akes ng hirap pag nakikita kita. Umalis kana nga. Puntahan mo na sila."

Natawa namang bigla si Girlalus sa sinabi ko.

"Hehehehe hahahaha tokwa ka talaga!"

Nagsalita naman si Seeley samin para tuluyan ng magpaalam sa mundo, este magpaalam samin.

"Aalis na din ako. Dyan na kayong dalawa. Bye."

"Byeeeee~ heheheh hahaha.." tawang tawa na pagba-bye ni Girlalus

"Buti naman." tipid kong sabi sabay irap

Medyo nabigla akes ng sumigaw si Seeley at doon na siya nakatingin sa kinaroroonan nila Fia.

"SIGE! ANDYAN NA AKO!" sabay takbo siya para iwan na kaming dalawa ni Girlalus

Humabol naman akes ng sigaw sa kanya kaya nilingon niya akes habang tumatakbo siya.

"HOY FETUS! HUWAG KANG MANG-BIBIKTIMA AH! KAWAWA MGA INOSENTE!"

"AHAHAHAHAHAHA! Ba yan!"

Napatingin ako kay Girlalus ng tumawa ulit siya ng malakas.

"Ay sa wakas." sabi ko sa kanya na parang nakaluwag ang hininga ko sabay flip hair ng bangs ko

"Ehehehe.. haha! Tara na nga."

"Sureee~ gora na tayo sa loob sistaaaahh~!" tango-tango kong sabi at saka na kami pumasok sa entrance ng hospital

"Hahahaha..! aaaahhh haha!"

"Shatap na. Kanina ka pa tawa ng tawa eh. Kairita na. Ugat mo sa leeg bakat na."

"Haha gage."

"Charot lang! Ganda kaya ng leeg mo."

"Thanks!"

"Oo. Parang giraffe."

"Haha baliw.." sabay tulak siya ng mahina sa braso ko

"Charot lang! Ganda ng leeg mo. Milky skin. Buti nalang nagmana ka sa ganda ng flawless ng katawan ko. Pasalamat ka sakin. Now na!" proud kong sabi habang kumekendeng akes

"Salamat, Heartlalus. Hahaha.. kuraz!"

"Oh yes~! Nyahahahaha!"

So ayun na nga teh.. kakapagod talaga ang araw na iteys... lalo na yung makipag-gagahan na naman kami kay Seeley? Jusko po! Buti nalang natapos din.

Kalerki siya eh. Na-stress akes sa kanya.

Promise, mamaya pag-uwi ko sa bahay magbu-beauty rest talaga akes.

***~To Be Continued~***

Continue Reading

You'll Also Like

62.1K 3.9K 80
Inspired by; Teen Clash by IDangs He's Into Her by Maxinejiji My Husband Is A Mafia Boss by Yanalovesyouu Avah Maldita by Simplychummy The Four Bad B...
79.5K 1.9K 13
"When heart skips a beat, it only means that you have found the one." -Dayle (Published and Released in Buqo.ph and soon in NBS!
422K 8.5K 63
[COMPLETED] [PUBLISHED BOOK UNDER LOVELINK] [NO SOFTCOPY] [CURRENTLY EDITING THE WATTPAD VERSION. ALL CHAPTERS REMAINED PUBLISHED. I AM ONLY EDITING...
1.2M 10.4K 200
Best Wattpad Books to Read!! Para sa mga newbies sa wattpad makakahanap po kayo ng mga story dito. Author✔ Title✔ Description✔ Info. Magaganda po yan...