FPS 3: Billionaire's Secret A...

AteSamuha21

276K 2.7K 58

Billionaire's Secret Affair Forbidden Passions Series A Collaboration Genre: Erotic Romance/R-18 Status: Ongo... Еще

FORBIDDEN PASSIONS SERIES
DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4✅
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
LAST CHAPTER
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 39

4.6K 55 1
AteSamuha21

Chapter 39: Caught

AATRAS na sana ako pero napaupo lamang ulit ako sa sofa at nasa likuran na ng baby ko ang dalawang kamay ko. Kinakabahan ako dahil sa presensiya ni Jaive. Hindi ko naman inaasahan na magkikita pa ulit kami tapos ngayon pa talaga kung saan kasama ko si Milkaine. Patuloy ang paglalakad nilang dalawa at diretso ang titig nila sa akin.

"What... What are you doing?" tanong ko. Kung makatingin sila ay parang may ginawa rin ako na ikinagalit nilang mag-ama.

"Welcome home," sambit ni Irish at nasa mukha niya ang sobrang saya nang makita niya ako pero hindi naman niya sinubukan ang lapitan ako kasi nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ng kanyang daddy habang nakahilig ang ulo niya sa binti nito.

Parang maiiyak pa nga ako dahil nakita ko na ulit siya. Miss na miss ko na nga rin siya, eh. Pero sinusubukan ko pa rin naman na pigilan ang emotion ko.

"Blaise..."

"I need to go," sabi ko and I was about to stand up to get out of here soon as they got to me but Jaive cornered me. He kneels in front of me and his other arm is on my left side so I wouldn't even try to leave.

"No one is leaving," malamig na sabi niya.

"Yeah, no one is leaving," pagsegundo naman ng maliit na pusang nasa tabi niya.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin at bakit mo ako dinala rito?" tanong ko rin sa kanya na may malamig na boses.

"Blaise, hindi ka ba naiinitan?" Sa halip ay iyon ang kanyang sinagot sa akin.

"What do you want ba, Rousville?" I asked him again. Napapisil siya sa tungki ng ilong niya.

"Ngeow..." Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko nang nag-ingay si Irish. Pinigilan ko ang mapangiti dahil na-c-cute-an ako sa kanya. May bangs pa rin siya at naka-twin ponytail ang hair niya. Namumula ang pisngi at labi niya.

Napaigtad ako nang hawakan ni Jaive ang zipper ng jacket ko. "A-Ano..." Pero hindi ako puwedeng sumigaw dahil kay Milkaine. I took a deep breath.

"Baka kasi mainitan ka, Blaise," sabi niya at napakurap-kurap pa ako dahil parang nandilim na ang paningin ko. Mahigpit na ang yakap ko sa aking anak pero sa paraan na hindi naman siya masasaktan at maiipit ko.

Tiningnan ko lang siya noong ibinaba na niya ang zipper. Abot-abot na ang nararamdaman kong kaba. Kasi alam ko naman na hindi pa nila napapansin ang kasama kong baby.

Unang lumabas nga ang maliit na ulo ni Milkaine na may baby bonnet siya na may maliit na tigre. Kahit ang baby hang gloves niya ay kakulay din iyon ng tigre.

Mataman ko pang tinitigan ang mukha ni Jaive. Sunod-sunod din ang pagkurap niya at bayolente na ang pagbaba ng adams apple niya.

"Hala po, Dada. May baby doll po si Mommy Blaise?" tanong ni Irish at mas sumiksik na siya sa kanyang daddy para lang sumilip sa tinutukoy niyang baby doll.

"Baby doll?" nalilitong tanong pa ni Jaive. Hindi ko alam kung nagbibiro lang din ba si Irish pero sa tingin ko ay iyon nga ang inakala niya na may baby doll ako pero makikita ko na ang pagkaaliw niya habang tinititigan niya ito.

"Yes po, Dada. Look at her baby doll. Oh, my... He's very cute. See? He didn't even moving," tuwang-tuwang saad niya at napa-clap pa talaga siya after niyang marahan na tapikin ang right cheek nito.

"Yes, honey. He's uhm... Cute, his cheeks are red and eyelashes ang haba pa," komento nito at tumango-tango pero halos hindi na rin siya kumurap. Napako na rin ang eyes niya kay Milkaine.

"Dada, saan po kaya iyan nabili ni Mommy Blaise?" inosenteng tanong pa ni Irish.

"This is limited edition, Rish. He's like...uhm, a real baby boy?" Parang nanakit ang batok ko sa narinig kong sinabi niya. Limited edition? Seriously?

"Can you remove po his baby hand gloves? I wanna see his fingers po, Dada," munting request nito at itinuro ang maliit na kamay ni Milkaine na nasa dibdib ko.

"Oh, okay. We need to be careful," sabi niya. Ewan ko rin sa trip nila kung may alam na ba siya na totoong sanggol naman talaga ang nasa ilalim ng jacket ko or gusto niya lang sakyan ang anak niya.

Ngunit kitang-kita ko pa rin naman ang panginginig ng mga kamay niya, noong maingat niyang hinubad ang hand gloves nito.

"Gosh, Dada... How cute!" pabulong na sigaw niya nang makita ang daliri nito. Mahaba at maganda kasi ang maliliit na fingers nito, eh.

"Sshh... Behave, hon... Baka magising ang baby doll ni Mommy Blaise," mahinang suway niya at hinalikan pa niya ang pisngi nito.

"Oki-dokie, Dada. Aw... He's pogi." She planted a kiss on her baby brother's lips kaya dahan-dahan na gumalaw na ito. "Dada... Wow, he's moving na po!" gulat pang bulalas niya. Nalukot ang face nito dahil naingayan na siya.

Ilang beses naman na lumunok si Jaive at sa nakikita kong emosyon niya ay parang gusto na niyang kunin sa akin ang baby doll na tinutukoy ng anak niya.

"Blaise, hihiramin lang namin siya, hmm?" Until hindi na nga siya makapaghintay pa.

"W-What?" nauutal kong sagot dahil hindi naman talaga manika ang baby ko, ha. Pero hindi ko na nga siya napigilan pa dahil sa maingat niyang pagkuha sa anak ko.

"Oh wow... We have a little tiger here, Dada," teary-eyed na si Irish dahil sa tuwa niya. Naka-baby shorts si Milkaine at sando lang ang ipinasuot ko sa ilalim ng jacket niya. Kahit ang shoes nga niya ay may designed pa na tiger. Dahil nakalabas na nga ang daliri nito ay sinubo niya iyon sa bibig niya at lumikha na naman ang ingay ang pagsipsip niya. Nasa bisig na nga siya ng daddy niya. "Oh, hi... I'm Anderly Irish. How are you, baby doll? Mommy Blaise, akin na lang po siya?"

"Uhm, Irish... He's not a baby doll," ani ko. Hindi pa ba sapat ang mga galaw nito para hindi niya paniwalaan na isang doll lang ang kapatid niya?

"Hmm? Dada, sa atin na po ang baby doll ni Mommy Blaise, ha?"

"We can buy a new one, hon," sagot lang ni Jaive at akma niyang hahawakan ang maliit na kamay nito nang pinigilan niya ang sarili niya.

"But I want him, Dada," giit nito.

"Oh, okay. Sa atin naman ang baby doll ni Mommy Blaise." See? Alam naman talaga niya na hindi ito totoo.

"What do you mean by that, Dada?"

"This baby boy, sa atin siya. Feel it, hon. He is breathing," sambit niya at pinagkiskis pa niya ang tungki ng ilong niya sa pisngi nito kaya pilit na inaabot iyon ang labi nito. Hinawakan naman ni Irish ang dibdib nito at mabilis niya ring nabawi dahil nanlaki na naman ang eyes niya.

"D-Dada... He... He opened his eyes!" Mayamaya ay umiyak na nga ito. "Hala! Nag-cry na siya, Dada! Mommy Blaise! Where did you actually buy this baby doll of yours, Mommy Blaise? Can it be mine na lang po?" Napakamot ako sa kilay ko.

"You can play with him at any time you want. Irish, he came from my tummy. I didn't buy him from any shop or mall," paliwanag ko sa kanya para mas maintindihan na niya.

"Huh? How did you have a baby in your tummy?" curious niyang tanong hanggang sa may na-realize na nga siya. "Oh! This is my baby brother?! Dada!" baling niya sa daddy niya.

"Yes, yes. He is." Napahawak na ako sa ulo ko dahil bigla na lamang ako nakaramdam ng hilo. "Are you alright, Blaise? Bakit namumutla ka?" tanong sa akin ni Jaive.

"I'm tired from the trip," sagot ko at huminga nang malalim.

"This baby boy..." sambit niya. Wala na nga akong maililihim pa sa kanya kundi ang sabihin ko na lang ang totoo. Kasi nandito na nga kami.

"He is one month and three days old," I uttered at sumandal na ako sa headrest. Sinalat niya ang noo ko pababa sa leeg ko.

"Holly fv—cow, your fever is high! Blaise..."

"N-Nahihilo ako..." kagat-labing sambit ko. Jaive still said something but I haven't heard anything anymore because the darkness has eaten me completely.

***

I woke up in an unfamiliar room. But it smells familiar to me too. I grabbed my stomach so fast at napabangon ako in no time. Nilukob agad ako ng takot dahil wala rito ang anak ko.

"Milkaine!" I cried calling my child's name. "Milkaine! My son!" Mas lalo lang akong natakot, because I didn't see Milkaine right away.

I opened the door and walked out. "Blaise?" I did see Jaive with a worry on his face.

"Jaive, where is my baby?" I asked him, while crying and quickly approached him. My tears are flowing down on my cheek. He grabbed me by my elbow and kissed my temple.

"You take it easy, baby... Calm yourself down," he uttered. Paano naman ako kakalma kung hindi ko nakikita ang anak ko?! Saan niya dinala si Milkaine?!

"Where is my Milkaine? Where is my son, Jaive?! Milkaine!"

"Hey, calm down. Nothing wrong has ever happened to your child. Calm down, baby... Blaise..." he said and pulled my waist to hugged me. He planted a kiss on my head again. Mas lalo lang akong nagwala kasi hindi niya sinasabi sa akin kung nasaan si Milkaine.

"My baby, Jaive..." Maingat naman niya akong iginiya sa—I just saw my son at the crib and Irish was peeking there. I even pushed Jaive, so I can stepped closer to the crib. I quickly grabbed my baby and kissed his cheek. "My baby... Milkaine... Akala ko ay nawala ka na... I was scared... Takot na takot si Mommy..." naiiyak na wika ko.

"D-Dada..." Mabilis akong napatingin kay Irish. Seeing pain and sadness in her eyes seems to pinch my heart. Seems like... it seems she felt jealous? I'm not sure about that.

His daddy carried her and she wouldn't even look straight at me. I took a deep breath. I sat on the sofa bed and carefully put Milkaine down there.

"Come here... Come here, Irish," sabi ko at lumingon pa siya sa likuran niya. Kitang-kita ko na naman ang pagbuhos ng mga luha niya. Ibinaba siya ng daddy niya at parang mabibigat pa ang mga paa niya na humakbang but I extended out my hand ay saka lang siya patakbong lumapit sa akin.

Sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap at binuhat upang maiupo ko siya sa lap ko. She buried her face on my chest at naririnig ko na ang paghikbi niya. I kissed her shoulder and her cheek.

Mula naman sa sulok ng mga mata ko ay naglakad na rin palapit sa amin si Jaive. Umupo rin siya sa tabi ko at kinarga niya si Milkaine. Ilang beses pa niyang hinalikan ang pisngi nito at maging ang maliit na kamay. Lumalambot na naman ang puso ko habang pinanonood silang mag-ama.

But nag-focus na ako kay Irish dahil sa mahihina niyang pag-iyak. Pinaharap ko naman siya at tinakpan niya lang ng dalawang kamay niya ang eyes niya. Tinanggal ko iyon at pinunasan ko ang tears niya. She just closed her eyes.

"Why are you crying, sweetie?" I asked her. Napahinto siya sa pagkusot-kusot niya pero kalaunan ay umiyak lang din siya. "Irish... Irish, bakit ka umiiyak?" Hinintay ko lang na mahimasmasan siya. Parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko dahil sa naririnig kong paghikbi niya. I cupped her face and kissed her lips. "Don't cry, please... Hush now, sweetie... Are you not happy ba na makita si Momma Blaise mo?" malambing na tanong ko. Umiling naman siya at sumandal ulit sa dibdib ko. Hinayaan ko ulit siya hanggang sa kusa na rin siyang tumigil.

"She just missed you, baby," sabi ni Jaive pero hindi ko siya pinansin. Hindi pa kami bati para pansinin ko siya, 'no? Tss.

Napatingin ako sa backpack ko at hinila ko iyon. Binuksan ko ito at kumuha ako ng maliit na towel ni Milkaine. Hinubad ko ang suot niya dahil nabasa agad iyon ng pawis niya. Nanonood lang siya sa ginawa ko nang pinunasan ko na ang mukha niya, ang leeg niya at maging ang kanyang likuran. Parang naliligo na siya sa sarili niyang sweat.

"Look, oh. Red na ang nose and eyes mo. Why ka ba nag-cry, Irish?" tanong ko sa kanya na may lambing pa rin sa boses ko.

"Uhm..."

"Tell me..." giit ko pa rin at hinawakan ko ang chin niya para halikan ulit ang lips niya.

"M-May baby ka na po kasi... Then...then akala ko hindi mo na po ako papansinin, Mommy Blaise..." sumbong niya sa akin at nag-iba na naman ang tawag niya sa akin. I caressed her cheek.

"Why naman kita na hindi papansinin, hmm?" I asked her and she pouted her lips tapos yumuko na naman siya. Kaya pinagdikit ko na ang noo namin.

"Are you still love me, Mommy Blaise?" mayamaya ay tanong niya. I nodded at kinabig ko ang likuran niya para muli ko siyang mayakap.

"Yes, of course. I still love you." Bakit kaya ganoon? Hindi na dapat siya mag-worry pa kapag hindi ko na siya papansinin pa kasi ang alam ko ay kasama na niya ang Mommy niya pero nang makita niya kami ni Milkaine kanina ay bigla na lang siyang umiyak.

Naghahanap pa rin siya ng embrace ng isang Mommy at nahanap na naman niya iyon sa akin.

"I love you too, I missed you so much po, M-Mommy Blaise," aniya at pumiyok pa ang boses niya.

"I miss you rin, baby ko," sabi ko. Naghanap pa ako ng sando na masusuot niya at may nahanap naman ako kaya isinuot ko iyon sa kanya.

"Uhm... This is for Milkaine?" she asked me.

"Kasya ito sa 'yo," ani ko at napangiti na lamang siya.

"Blaise..." tawag sa akin ni Jaive. Literal na hindi ko nga siya pinapansin. Tumikhim ulit siya at sinambit ang name ko.

"What?" malamig na tanong ko.

"Bago ka lang nanganak at bawal kang mabinat, Blaise. Bakit bumiyahe ka pa?" tanong niya. Iyon siguro ang nangyari sa akin pero mukhang wala naman na akong lagnat pa. Nahilo lang ako kanina.

"Gusto ko lang...dumalo sa kasal ng kuya ko at si Jaelly. Babalik din naman kami sa Madrid. Nalaman ni Dad ang ginawa ko at gusto niya... Gusto niyang bumalik ako—"

"Mabuti at naisipan kong utusan ang mga tauhan ko na dukutin ka at dalhin dito dahil baka sa mental hospital na ang bagsak ko," sabat niya.

"Ano?" mabilis na tanong ko. Kumunot pa nga ang noo ko.

"Ang plane na sasakyan ninyo, Blaise. Sumabog," sabi niya at nakaramdam ako ng kaba sa dibdib.

Binuksan niya ang TV at hinanap ang channel about sa plane na sumabog. Napatakip na lamang ako sa bibig ko.

"Baka...baka nakita iyan ng Daddy ko," ani ko.

"Yes. Nandoon ang pangalan mo." Feeling ko mawawalan na naman ako ng ulirat sa nalaman ko. Irish cupped my face at napatitig ako sa namumugto niyang mga mata.

"Can... you... Can you introduce me to uhm... To your Milkaine po, Mommy Blaise?" I nodded at nang tumingin ako kay Jaive ay mabilis siyang tumayo.

Ang akala ko nga ay ibibigay niya sa akin si Milkaine pero itinakbo niya lamang ito palabas.

"Jaive!" malakas na sambit ko sa pangalan niya. Hindi naman ako natakot kasi alam kong hindi niya literal na ilalayo ang anak ko.

Ibinaba ko si Irish at hinawakan ang kanyang kamay para sundan si Jaive. Nanghihina rin yata ang katawan ko.

Living room lang pala ng master's bedroom ang nilabasan namin at nakita ko na ang pagmamadali ni Jaive na ilagay sa baby bag si Milkaine.

"Dada!" Bumaba na siya sa hagdanan after niyang isuot ang itim niyang jacket at ginaya niya lang ang ginawa ko kanina.

"Ano ba?! Huwag ka ngang tumakbo!" babala ko sa kanya kasi baka ma-out balance siya.

"He is my only ally," sabi niya lamang at bumuntong-hininga lamang ako saka kami sumunod ni Irish.

"You don't need to run, Jaive!"

"Dada! Stop!" sigaw rin ni Irish. Dumiretso lang siya sa pintuan pero huminto rin naman siya kalaunan. Makalapit lang ako sa kanya ay makatitikim talaga ito ng sapak sa face niya. "Mommy has a fever!" she added at wala sa sariling bumalik sa amin si Jaive.

Sinalat ulit niya ang noo ko at iniwas ko ang mukha ka sa kanya. "Ano ba ang problema mo? Bakit ka tumatakbo palayo sa amin? Paano kung na-out balance ka? Jaive, karga-karga mo ang anak mo!" sigaw ko sa kanya para lang tumaas ang sulok ng mga labi niya. Ewan ko kung ano ang sinabi ko sa kanya para matuwa siya ng husto.

"So, he's really my son, Blaise?" he asked me at napahilot ako sa sentido ko. Nanakit na naman yata bigla.

"Okay ka lang po ba, Mommy Blaise?" worried na tanong sa akin ni Irish.

"Na-stress ako bigla, Irish," sagot ko.

"Dada, behave! Huwag mong i-stress ang Mommy ko!" My lips rose up.

"I can handle him, Irish," sabi ko. I glared at Jaive again. "Bakit? Okay na ba tayo? Ang lakas ng loob mo na kausapin ako na parang wala kang naging atraso sa akin, ha?"

Ibinaba niya ang zipper ng jacket niya at humalik sa tuktok ng ulo ni Milkaine. "Grow up fast, my son... Inaaway ako ng dalawang babae sa buhay ko." Kumunot na naman ang noo ko sa kanyang sinabi. Gumalaw ang kamay nito at parang sang-ayon pa sa kanya si Milkaine saka niya itinaas ulit ang zipper. "Wait lang daw kayo. Soon daw ay may kakampi na ang Daddy niya."

Pinagtaasan ko siya ng kilay at tumulis ang labi niya saka siya nag-iwas nang tingin sa akin.

I was about to utter a word sana nang bumukas ang door kaya nakuha nito ang atensyon ko pero bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino ang mga taong pumasok sa loob.

"Ang Blaise ko iyon!" sigaw nito at napatalon pa siya habang itinuturo ako. Parang isang batang paslit si Mommy na tuwang-tuwa nang makita ako at may...may patalon-talon pa siya kung hindi lang siya pinigilan ni Kuya Blaike.

Продолжить чтение

Вам также понравится

His Secretary (Completed) jeiCEee

Художественная проза

102K 2.2K 30
Jerome Gabriel Co The big boss Yassie Perez The secretary Yassie has a little crush with his boss. Ngunit maaga pa lang ay itinago na niya iyon at wa...
Game Over beeyotch

Любовные романы

989K 31.4K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
South Boys #5: Crazy Stranger Jamille Fumah

Любовные романы

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
I Want My Stalker Back (completed) Yarn

Художественная проза

5.4M 146K 56
"I want your kisses, I want your laugh, I want you sweet, Because I crazily want my stalker back." Ron Romualdez cover by : @Cheeseliyan