I Courted Him

By prom_princess08

197K 3K 1K

The story of a girl who courted a boy. More

I Courted Him
Chapter 1 - Brilliant Idea
Chapter 2 - Bogart
Chapter 3 - PIO
Chapter 4 - Your secret is safe with us.
Chapter 5 - Drew's Kiss
Chapter 6 - Drumstick: Cookies and cream
Chapter 7 - I can't be jealous.
Chapter 8 - Canteen Boy
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13 - I love libraries
Chapter 14 - Every Heart's Sanctuary
Chapter 15 - Saved again
Chapter 16 - Alex's Birthday
Chapter 17 - Not worth your time?
Chapter 18 - Corridor Speeches
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Extra lang. Importang. :)
Chapter 33
Simple Question.
Chapter 34 - Nagselos o pinagselos?
Chapter 35- Special friend ko.
Chapter 36 - explanations
Chapter 37- day with the moms!
Announcement about chapter 38.
Book 2
Chapter 39 - Live and love by this one rule
Must read announcement.
SEMBREAK
Chapter 38 (Public)

Chapter 29

3.4K 45 3
By prom_princess08

Chapter 29


"Bitawan niyo ako, mga mukhang halimaw kayo!"
"OA mo, miss. E nakapiring ka. Gwapo kami noh."
"Wala akong pake kung gwapo ka. Kidnapper ka pa din. Paalisin nyo'ko dito!" Masyadong mahigpit ang pagkakatali nila sa'kin, kaya wala akong magawa para makatakas. Jusme. Wala bang guards sa school?! Pano nila nagawa 'to??


“Sus, konting gilit lang sa leeg ang mga iyon.”
“Wala kayong puso! Mga bwisit na mukhang pansit at amoy pusit!!!! Ugh. Makatakas lang ako dito, ipapakulam ko kayong lahat!”
“Walang ganyanan miss. Napag-utusan lang kami.”
“Sino nag-utos?”
“Secret!” 


At dahil pinapahirapan din naman nila ako, papahirapan ko din sila. Nagsisisaw ako at rinindi sila.


“Leche. Bwisit. Hayup. Pangit. Mabaho. Kadiri. Walangya. Walangpuso. Pakyu! Damyu! Makakarma—asdfghjklqwertyuiopzxcvbnm--” Pinasakan nila ako ng panyo sa bibig. Mga Leche. Ang sama ng lasaaaaa! 


Infairness sa layo ng byahe, nakakahiya man aminin, nakatulog ako. Damn. Pinatugtog nila kasi ung Canon. Nakatulog ako. Ganda ganda kaya nun. Tsssssss... May taste din pala ang kidnappers? Leche.


“Miss na magandang bungangera, gising na. Andito na tayo.” 
“Asjfhjdsfhfb” Triny kong umimik. Pero tanga ko, may panyo nga pala sa bibig ko. Ewwww. Tinanggal naman nila at nilagay sa pagitan nung nakatali kong mga kamay. Kadiri. Basa na un ng laway ko. >_<


“O, ung piring ko, wala kayong balak tanggalin?! Bwiset! Nasan tayo? Nasa warehouse ba? Gubat? Abandonadong building?!”
“Pag bumilang kami ng 3 tatanggalin na namin ang piring mo.”
“O, e ano pang hinihintay niyo? Bilang na!” Binuksan nila ang pinto, at naramdaman kong ibinaba nila ako.“TULOOOOOONG! TULU---”


“Miss naman e! Ganda ganda mo ang daldal mo! Di ka naman namin sasaktan. Sandali na lang.” Naramdaman kong kinakalagan na nila ako. Yes! Masusuntok ko na sila.  


“Wag mo na rin kaming balaking saktan. Pinapakawalan ka na namin.. At maya-maya, makikita mo na ang mga gwapong pinagmura mo kanina. Wag mo munang tatanggalin ang piring mo habang di pa kami bumibilang.. Wag muna!”
“Oo na. Paulit ulit talaga? Tss.”
“One, tw--…” Tinanggal ko na ang piring ko at ihinampas ang panyo sa mukha ng kung sinumang nahagip ko. Oo, kadiri. Kasalanan nila ‘yun.


“Yuuuuuuuck, laway. Miss naman e. Pinakawalan na nga namin.” Tumingin ako sa lalaking hinampas ko. Hmmm. Gwapo naman nga. Kidnapper pa rin sya.  
“TATANDAAN KO MGA PAGMUMUKHA NIYO. PAPAKULAM KO KAYO!”
“Wag na.. Tss. Sige, bye miss.” Sumakay na sila sa kotse at umalis. Tinandaan ko ang plate number nung kotse nila at sinave sa cell phone ko.Luminga-linga ako at nalaman kong…. Nasa MOA pala ako? O_O Sosyal mangidnap ha? E amp naman, anong gagawin ko dito? Wala akong kasama. :| 

Chineck ko ang cell phone ko at nakita kong may mga missed calls. Galing kina Che, Miah, Jude, at Jed.Walang tawag sina Riza, Pachu at…. Drew.Ok naman ‘yung reasons nina Riza at Pachu. Si Pachu maaga umalis. Pati si Riza. Nagmamadali siyang nagpaalam. May naghihintay na babae sa kanya sa labas. Pero si Drew?! WALANGYA. -.-


I was about to call them back nung may batang lumapit sa’kin, may dalang bouquet of flowers. Red roses to be exact.  Yung bata, hindi tulad nung sa movies na palaboy. Maayos ang suot niya. Ang gara nga e. haha. May kamukha siya actually. Di ko lang maisip kung sino. Hmmmm.. Umalis din agad ‘yung bata bago ko pa makwestyon. May nakalagay na note sa flowers.

“Meet me at ‘The Coffee Shop’. May hawak akong palawit na heart. You’ll see it in my hand, dangling.” Tss. Napakacreative talaga ni MA magisip ng pangalan ng lugar. -.-


Pero bakit naman ako susunod sa kung sinong gagong ‘to? Malay mo kidnapper talaga ‘to? Ginawa lang niyang mas thrilling na kunwari date kami. You know, parang ‘yung newspaper dance lang… MAY TWIST. >_<Pero may instincts are telling me that it’s okay. I don’t even know why.


Pinuntahan ko agad ang The Coffee Shop. Maraming tao. Sino naman kaya dito ang may key chain na heart? Jusme naman. Sa bawat lakad ko, tinitingnan ko kung may mga nakalawit… na puso. 


At last, may nakita akong lalaki na may nakalawit na key chain na heart sa kamay. Nakatalikod siya sa’kin. Sino kaya siya? Si Drew? Si Pachu? One of my ex-es? O cold-blooded kidnapper talaga talaga?


Hinanggit ko ung keychain sa kamay niya ng kung sino man ang nakaupo. Saka ko na-realize na di ko siya kilala. NO. A COLD-BLOODED KIDNAPPER NGA. Ang pinagtataka ko lang, parang gulat na gulat siya sa ginawa ko. Hawak pa rin naming pareho ‘yung keychain.


“OMG. GAB?! WHO’S THAT GIRL?” Biglang may umimik na babae galing sa likod ko.“Huh? Di ko alam, hun! Bigla niyang hinanggit ‘tong keychain sa’kin!”
“Ay, miss. Sorry. Akala ko kaibigan ko. Promise.” Taena. Mapapaaway pa dahil sa pesteng kidnapper ko. Wag ka magpapakita sa’kin.


“Sorry talaga.”Feeling ko hindi din sa kanya galing ‘yung roses kahit may palawit siyang isaksak niya sa baga niya. Wala, sino ba magsusurprise sa’kin ng may makikitang ibang babae gelpren pala niya. Ni hindi ko nga siya kilala. 
“Totoo ba ‘yun?”
“Oo naman! Swear.”


Umalis na ako doon bago pa sila maglambingan ng todo. Baka mamaya, maghalikan pa un sa harap ko. >_< Lalabas na lang ako ng TCS(the coffee shop). As I was doing so, napatingin ako sa cell phone ko. May message pala ako. Actually messages pala kasi dalawa siya. Una kong binasa e malamang ung unang dumating.


"Joke lang. Ako ‘yung nasa unahang table nung lalaking may puso.” Napatingin naman agad ako. May lalaki nga dun sa table na parang nanginginig. Malamang sa pagtawa. Binasa ko muna ‘yung sunod na text bago sumugod. Baka mabatukan ko agad tapos iba palang lalaki na naman.


“Sht. Di mo agad nabasa yung text ko. :| PEACE! Ako na talaga ‘yung sinabi kong ako. Peksman.” Peksman? Tss. Parang bata. Lumapit na ako sa kung sinong hinayupak ang nagpahamak sa’kin. Binatukan ko siya ng isang napakalakas at malutong na batok bago ko tiningnan kung sino siya.


“PACHU?!”
“Hehehe. Ako nga.” Binatukan ko ulit siya at sinuntok sa braso, saka umupo sa harap niya. 
“Alam mo ‘yung Leche?! Ikaw ‘yuuuun! Kailangan mo ba talaga akong ipakidnap?! Kailangan mo ba talaga muna akong ipahiya. WTFHBSDI!  (pinaikling version ng watdafakinghellbullshitdamnit)”
“Di ko naman kasalanan kung di ka nagbabasa ng text.”Then he searched for my reaction and found a face who seems ready to kill.


“Joke lang. Bakit, kung yinaya ba kita, papayag ka? Tss.”
“OO!” Napatingin nama siya sa’kin.“Hindi. Siguro naman. Ewan.”
“See. Tsaka para naman may spice ang buhay mo lalo.. Haha.”
“Tch! Sino ba ‘yung mga nangidnap sa’kin? Paano sila nakapasok sa school? At bakit ba sa MOA mo pa ako dinala? Layo-layo sa’tin. At desperado ka ba talagang maka-date ako para ipakidnap pa ako kaht kunyari pa un? Diba sabi ko ayokong ligawan mo ako? At kaninong number ang gamit mo?” Mejo nalungkot ako sa idea na ‘yun na kailanga pa niya ako ipakidnap, at na sasaktan ko na naman siya sa sinabi kong ayaw ko magpaligaw.

“Ang daming tanoooong! Order muna tayo.” Libre daw niya, di naman ako tumanggi sa libre. Tiramisu cheese cake ang akin tsaka Chocolate cream chip. Siya? Oreo cheese cake at tulad ng akin. (tamad magtype).

“Hindi naman ako desperado. Sasabihin ko sa’yo mamaya ang dahilan nito. Okay? Dito sa MOA para walang makakita sa’tin na kakilala. Baka makita pa tayo at kung anong ipakalat. Alam mo naman ang mga gwapo, popular.” At sinuntok ko siya sa braso nun. Yabang. Amp.

“Humingi ako ng permission sa principal. Nagpatulong ako kay Ms. Cruz. Si Tita Elle mo. Hindi naman daw ako mukhang harmless so okay lang. Hindi rin naman sila nakabihis na pang-kidnappers kaya di ganun kasuspicious. Parang pang surprise lang. Tapos number nung kaibigan ko ung pinantext ko sa’yo. Hiniram ko muna.” Tapos tumigil na siya sa pagkekwento at kumain na lang.

“Pero di mo pa rin sinasagot kung sino ‘yung mga lalaking iyon.”

“Hmmmm. Ano.. Ka-frat ko.” Parang nabulunan naman ako sa kinakain ko nun. Sinuntok ko na naman siya sa braso.


“Nasa frat ka?! Pachu… Ano ba naman??”
“Third time.”
“What?”
“Three times mo na akong sinusuntok sa braso.”
“You deserve it. Tch! Gusto mo maging apat?”


“Aish. Chill. Hindi naman siya ung basag-ulong frat. Mababait kaming lahat at gwapo. Parang group lang siya na alam mong may mga taong anjan para sa’yo sa oras ng pangangailangan. Walang laglagan. Tsaka, bakit ka ba nagagalit? Ano ba--”


“Wag mo ng ituloy! Papa-salvage kita! Concerned ako dahil kaibigan kita. Mahirap bang intindihin ‘yun.”
“Oo na. Kaibigan na. Ako na nga ang kaibigan ng taong gusto ko.”
“Pachu… :|”
“And that brings us back to the reason why we’re here. I’ll probably give you a gift.”
“Damn. After everything I went through, you’ll PROBABLY give me a gift? Can’t you say that you’ll really give me a gift??”
“Dadaan kasi sa mga proseso bago ko ibigay sa’yo yun.”
“Ok. Loading… You have a toddler in front of you. Please explain clearly.”


"Hmm. Ano kung magdeal tayo? Hindi na kita gagambalain, susubukang magustuhan mo din ako, mangaasar, manliligaw, at kung anu-ano pa.. Magiging kung ano ang gusto mong maging tayo.."


"Tongue-twister ba yun?  "
"Oo, ititwist ko yang dila mo kapag di ka sumagot ng matino."
"As if kaya.. Kadiri kaya humawak ng dila ng may dila."
"Sino bang nagsabing kamay ang gamit ko?"
"E ano naman, paa?!"
"BIBIG." Sinuntok ko siya ng malakas. 2 malakas.


"Walangya ka! Bastos. Amp."
"E ayaw mong sasagot ng aus eh. >_<"
"E ano bang kapalit niyan? Parang too good to be true naman.."


"Talagang 'good' ang pagtigil ko no.." hindi na lang ako sumagot. 


"Ang kapalit.. Hm, grabe ang swerte mo sa kapalit. Christmas gift mo na sa'kin.. Just for today, let's pretend that i'm your boyfriend, and you are mine. As in pretend talaga. Kalimutan mo muna si Drew. Ang school. Ang problema. Tayo lang today. At kapag natapos ‘to ng wala ka talaga nararamdaman sa’kin, and I want you to be honest with me, gagawin ko lahat ng sinabi ko. You'll get yout gift. We’ll be just friends.  Si Mr. And Ms. Donut na magkaibigan lang. Di ko na rin babanggitin sa’yo ung feelings ko. Alam ko namang naa-awkward-an ka din. Swerte mo! Regalo ko na ‘yung libre kita lahat today. Tapos di kita gagambalain. Tapos may kunwari ka pang boyfriend na gwapo! "


“Ang kapal mo talaga. hahah. Ayoko nga. That’s insane. We can do this as a friendly date. And ‘yun. No need for deals.”
“Bakit, natatakot ka ba marealize na may nararamdaman ka pala para sa’kin? ”
“Ang kapal mo din talaga no? Tssss! Osige fine. Deal. I’ll be honest. Kapag sinabi kong wala, wala talaga. Ililibre mo lahat ng kakainin ko. Paalala lang: matakaw ako. At pag natapos na ang lahat.. we’ll be friends. Okay?”
“DEAL. ”
“Are you sure with this? You know.. Di mo naman kailangang gawin ‘to.”
“Gusto ko. Para malaman ko na rin kung may pag-asa ba talaga ako o wala. At para maexperience ko namang maging akin ka kahit isang araw lang.”


“Hay. Drama. Tara na nga lang manood ng movie. Gusto ko itry ung Priest. Haha.”
“Ung 3D?”
“Oo. Bwahahah.” Naglalakad na kami papunta sa Cinema. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.


“Ano naman ‘to?!” Sabi ko ng nakataas ang kamay, at ang kilay ko. 
“Kamaaaaay. ” sinabi niya na ginaya yung tono ng ‘kamay’ sa My Only You. -.-


“Tsk. Ayoko nito. Bitaw na lang. Please?” Sabi ko with my pa-supercute look. Haha.
“Alam mo.. Kasama to sa test kung may feelings ka sa’kin.”
“Test test ka jan! Hampasin kita. Bitaw.”
“Oo na.”
 Binitawan naman nga niya.
“So.... Walang spark?” Alam niyo, may ability talaga tong si Pachu na saktan ang sarili niya ng deretsahan.


“Secret. Tss.”
“Ayiiiiii. Meron yan! Kaya di sabihin. Shet naman. Nakakakilig!”
“Alam mo? Ang bakla bakla mo! Super na yang kabaklaan mo.”
“E bakit di mo sagutin?”
“Hindi mo ba naisip na kasi baka may konsensya ako para sagutin ‘yun. 2 pa nga ung konsensya ko. May pangalan pa pareho!”
 binulong ko na lang ‘yung last part noong maalala ko sina AK at DK. -.- 


“Ohh..” Tumahimik naman siya bigla.
“Sus. Lumungkot naman agad ang boyfriend kong pangit..” Tapos nagcling ako sa kanya like this o.  click! 


Mga 99% sure naman ako na walang makakakita sa’ming kakilala. Malayo kasi talaga ‘to sa tinitirhan namin. Sa “The City” kami nakatira. At ang malls dun ay “The Mall” “The Local Mall” “The Grand Mall”. Ganun. Hahahah!


Ito na lang din kasi ang magagawa ko para kay Pachu. Para suklian lahat ng ginawa niya para sa’kin. Para sumaya siya kahit papano. Kasi after naman nito, mare-realize nya na kailangan na niyang sumuko.  At least sa magandang paraan ko  napa-realize sa kanya ‘yun diba?


And maybe you’re wondering... Pero hindi date sa mall ang dream date ko. Yung mga naging boyfriend ko, dito rin ako dinala. Pero ang hinihintay ko talaga, ay yung sa mag special na place ako dalhin. ‘Yung kakaiba. But I know how to be contented naman. 


“Aww. Ang sweet naman ng girlfriend kooooo.” Tapos kinurot niya ako sa cheeks. Nakakatuwa ung kalokohan namin. Pero wala talagang spark. Pero I feel comfortable. It means: we’ll be great friends in the future. 


Nakapunta na kami sa cinema. Nung naglabas siya ng pera sa wallet niya, na aksidente kong nakita ang pocket money na sobrang kapal bwhhahaha, kinuha ko ung 500 na linabas niya. 


“Ako na ang magbabayad. Ibili mo na ako ng popcorn. Pleaaase? Gusto ko ‘yung Barbecue flavor. Thank you, baby.”
“Osige na nga.” at napakamot na lang siya sa ulo.


Nung nakaalis na siya...

“Miss. Isa nga po dito sa 500. Isa din po dito sa 200.” At inabot ko ‘yung 200 peso bill ko sa kanya. Ang sabi ko diba, ilibre niya ako sa lahat ng kakainin ko. Ang kapal kapal at walangya ko naman kung papalibre ako sa lahat ng gagastusin namin ngayon. Haha. Madami pa naman akong pride na natitira sa katawan. 


Inabot na niya sa’kin yung ticket. Chineck ko muna ‘yung phone ko bago lapitan si Pachu. Wala ng missed calls. So they stopped looking for me? :|


“Alam na ba nina Che kung nasan ako?”
“Hm. Si Che lang at family mo. Alam ko namang ayaw mong malaman ni Drew diba? Kaya na naman siguro ni Che mag-alibi.”
“Sabagay. Onga pala, sukli mo. Walang kulang, walang kulang. Haha!” 
Binilang naman nya..


“Wala ngang kulang. Pero may labis. Libre ko sabi lahat ngayon diba?”
“Sabi ko, ilibre mo ako sa lahat ng kakainin ko. At sabi mo diba kunwari boyfriend kita. Well, sa tingin ko, ito ang gusto kong gawin para sa’kin ng boyfriend ko.”
“Oo na nga. Tara na sa loob. Sakto, malapit na magstart.”
“Ay Pachu. Parang nagdadalawang isip pala ako..”
“Huh? Ay oo nga pala. Matatakutin ka!”
“hahahaha. Bukod dun.”
“Ano?”
“Baka kung anong gawin mo sa’kin sa loob e. Madilim. X.X”
 Ang honest ko no? 


“Ano ba naman! Hinding hindi ko pagsasamantalahan ang girlfriend ko. At hindi ko rin siya hahayaang makain nung mumu na papanuodin namin. Ok? Wag ka mag-alala. Magtiwala ka sa’kin. Wala akong gagawin na makakasakit sa’yo.” Sinabi niya sa’kin ng diretso ang tingin sa mata. Kitang kita mong walang halong pagsisinungaling. I looked away. Nahihirapan ako. Pero... Today lang. Just today. Para sa’ming dalawa ‘to.

Tiningnan ko siya ulit and I smiled at him. Really smiled. Tipong pang girlfriend na smila.

“Tara, pasok na tayo.” At humawak ako sa arms niya. Hindi ko alam kung ok lang ba talaga na pumayag ako sa deal na 'to. Pero alam kong makakatulong sa'min to.  ... Just for today.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


SORRY SUPER LATE. REPLY AKO SA COMMENTS NYO BAKA BUKAS. I WANT TO THANK MY BEST FRIEND FOR EDITING ALMOST THE WHOLE CHAPTER. <

COMMENTS PLEASE?  Like the page and add the characters. Hurrah! hahhahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
128K 2.8K 19
Dice and Madisson
731K 37.1K 21
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...