FPS 3: Billionaire's Secret A...

By AteSamuha21

276K 2.7K 58

Billionaire's Secret Affair Forbidden Passions Series A Collaboration Genre: Erotic Romance/R-18 Status: Ongo... More

FORBIDDEN PASSIONS SERIES
DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4✅
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
LAST CHAPTER
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 23

4.5K 49 0
By AteSamuha21

Chapter 23: Jealous

HINAHAPLOS ko ang buhok ni Irish habang natutulog na siya. Nasa gitna namin siya ni Jaive. Mahimbing na nga ang sleep niya, eh. Pero mahigpit ang embrace niya sa akin tapos nakadikit pa ang kaliwang pisngi niya sa dibdib ko. I kissed her cheek. Napangiti ako nang tumulis ang labi niya. Hinalikan ko iyon at mahinang natawa ako nang nalukot ang maliit niyang ilong.

“Ang cute,” sambit ko. Malaki ang similarity nila ng Daddy niya. Manang-mana siya, ay.

“God... Pumunta nga kayo rito dahil sabi mo gusto mong bumawi sa akin pero mukhang... karibal ko pa ang anak ko sa atensyon mo, Blaise. Sino ba ang boyfriend mo?” Kinurot ko ang pisngi ni Jaive. Pinagseselosan na niya agad ang anak niya. Wala namang ginagawa ito kundi ang magpalambing sa akin.

“Tumigil ka, Jaive. Natutuwa lang ako sa anak mo, eh,” ani ko at hinigpitan ko ang yakap ko rito. Nakadantay na nga ang binti nito sa baywang ko. Kaya hinawakan ko iyon at mas inilipat ko siya sa katawan ko.

“Pero tulog na si Rish. Dapat ako na ang nilalambing mo ngayon, baby,” mahinang reklamo niya. Inirapan ko siya.

“Just sleep na lang. Wala tayong gagawin ngayon kahit nakainom na ako ng pills ko,” seryosong saad ko na ngumuso lang siya. Sa kanya nagmana si Irish. Mahilig ngumuso.

“But Blaise... Sabi mo ay babawi ka sa akin?” Sa tono ng boses niya ay parang nagtatampo talaga siya.

“Jaive, nakalimutan mo yata ang ginawa natin kaninang umaga, hmm?” Pinanlakihan ko lang siya ng mga mata at hindi na siya nagsalita pa.

“Fine. I’ll behave,” sabi niya.

“Come closer. Bibigyan na lang kita ng goodnight kiss,” sabi ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya hanggang sa inilapit na nga niya ang face niya.

I kissed his lips at hindi sana iyon magtatagal pa pero kinabig niya ang batok ko. Binigyan niya ako ng marubdob na halik pero ginantihan ko rin naman iyon. Naghiwalay lamang ang mga labi namin ng wala na nga kaming hangin sa dibdib. Sabay pa naming hinabol ang sariling hininga.

“Hayst... Dapat three seconds lang iyon,” ani ko. Natatawang hinalikan na lamang niya ang noo ko.

“Good night, love,” he uttered. Pati ang noo ni Irish ay hinalikan niya rin.

“Good night, Jaive.”

Minsan ay nagiging behave naman talaga ang aking boyfriend pero hindi niya lang talaga mapigilan ang horny niya. Grr. Ayoko naman na magtampo siya ng bonggang-bongga that’s why pinagbibigyan ko siya.

THE next day ay pinaghanda niya kami ulit ng breakfast. Parang isang family na nga kaming tatlo, eh.

Parang nakikita ko na rin ang magiging future ko sa kanya. Ganito ang daily routine namin if... married na kami. But I know ay matatagalan pa iyon dahil three years pa akong mag-aaral.

Hindi na ako nagpahatid pa kay Jaive. Si Irish ay inuwi na muna niya sa parents niya. Tinawagan ko pa si Jaelly at si Kuya Blaize naman ang naghatid sa kanya.

“Magkasama ba kayo buong gabi ng kuya ko, hmm?” panunukso ko. Tumikhim siya at namula pa ang magkabilang pisngi niya. Parang sa pamamagitan no’n ay alam ko na ang ginawa nila.

Kinawayan ko lang ang kuya ko at sinenyasan ko na siya na huwag nang lumapit pa sa akin. Hinila ko na papasok sa café si Jaelly. Pinasadahan ko pa nang tingin ang buong paligid.

Maganda ang ambiance ng café at maaamoy mo ang masarap na aroma ng coffee, pandesal and cake nila.

Ang cute rin ng uniform ng mga crew. Girl ang owner nito dahil purple and pink ang furniture.

“Jaelly, next time ay pumunta tayo here. Isama natin si baby Irish. Alam kong magugustuhan niya ang place na ito,” kinikilig na sabi ko. Wala pa man ay natutuwa na ako sa magiging reaction nito kapag dinala na namin siya here. “Hmm, may mga pasta and spaghetti pala sila. Mag-take out tayo later for Irish,” ani ko pa.

“Palagi mo talagang naaalala ang niece ko kahit saan man tayo magpunta, Blaise,” sabi niya sa mahinang boses. I nodded.

“Yeah. Hinahanap-hanap ko nga ang presence niya, Jaelly, eh. Nami-miss ko nga siya everyday,” sabi ko pa.

“Blaise! Jaelly!” Boses iyon ni Gette at nakita namin siya sa sulok ng café. Nag-wave pa ako sa kanila and we approached na rin sa kanilang dalawa.

“Kanina pa ba kayo?” I asked them.

Naka-yellow polo shirt si Calliper and a pair of black pants, white sneakers. Mas lalong naging visible ang pagiging guwapo niya at hindi ako sanay na makita ang ganitong ayos niya. Nagsisilabasan tuloy ang muscles niya sa braso.

Si Gette naman ay asul na t-shirt and black pants din. Canvas sneakers ang suot niya. Casual na casual ang mga outfit. Naka-pink dress ako and my sandals. Tapos si Jaelly, white blouse and her pants, sneaker din pababa. Mataas namang nakapusod ang hair ko pero sa kanya ay nakalugay lang.

“Dito na kami ni Jaelly, Blaise.” Nag-roll eyes pa si Jaelly but no choice naman siya kundi ang sumunod na rin.

“Hi, Calliper,” I greeted my partner. Akala ko ay mahihiya na naman siya na kausapin ako but no, nagsalita pa rin namin siya.

“Hello, Blaise. Maupo ka na,” sabi niya at umupo na ako in front of him. Inilapag ko ang lahat ng dala ko sa table namin. “May gusto kang kainin or drinks bago tayo magsimula na gumawa ng projects?” he asked me.

“May milk tea sila, right? Iyon na lang iyong akin, Calliper. Bawal kasi ako sa coffee,” I stated.

“Okay,” tipid na saad niya at saka siya tumayo. May dala rin pala siyang laptop. Sinulyapan ko ang side nina Jaelly at Gette. Two tables pa ang nasa gitna namin, kaya may kalayuan din sa side namin.

Nagsimula na akong gumawa at nagsulat sa notes ko. Madali lang naman kasi ito kasi about lang ito if paano mong i-manage ang isang malaking hotel at may mga instruction pa ang nakalagay.

Sa pagbalik ni Calliper ay ibinigay niya sa akin ang milk tea na may kasama pang strawberry cake. Nang makita ko na may strawberry pa nga ito ay iniwan ko muna saglit ang ginagawa ko.

“How much this, Calliper?” I asked him.

“No need to pay me that, Blaise. That’s my treat,” he uttered.

“Okay, thank you. Ako naman ang manlilibre sa ’yo later,” I told him and he just smiled at me.

Akala ko ay matatapos kami sa two hours pero tumatagal pala sa dami ng kailangan naming gawin. Kaya ang kinain namin for lunch ay ang spaghetti lang and bread. Nabusog naman ako at noong natapos na ay nag-unat pa ako ng braso.

“Grabe, akala ko ay basic lang. Mahaba-haba pala siya,” ani ko.

“Ako na ang magpapa-print nito, Blaise. Ako na ang bahala sa lahat,” he volunteered.

“Eh, dapat ako na ang gagawa. Kasi ikaw lahat ang nag-type niyan. Ako na lang, Calliper. Hihiramin ko na lamang ang flash drive mo,” wika ko. Napakamot pa siya sa batok niya at nagpakawala nang buntong-hininga.

“Okay, okay,” aniya. Tinanggal niya ang flash drive at inabot ko naman iyon.

“See you sa Monday, Calliper,” ani ko na may ngiti sa labi.

“Sige, ingat kayo, ha?” ani Gette.

Sa may exit na kami naghiwa-hiwalay. May dala ring sasakyan si Calliper at sumabay lang sa kanya ang friend niyang si Gette. Nasa iisang subdivision lang daw kasi sila.

“Let’s go na, Jaelly?” pag-aaya ko sa kasama ko at nakita kong nakakunot na ang noo niya habang may tinitingnan siya sa phone niya. “Jaelly?”

“Susunduin ako ng kuya mo, Blaise. Okay lang if mauuna ka nang umuwi?” may pag-aalangan na saad niya. Ipinakita ko sa kanya ang dala kong paper bag. Nag-take out kami for Irish.

“Of course, para matikman na ito lahat ni Irish. Okay lang naman at saka si Kuya Blaize naman na ang naghatid sa ’yo at may car din naman ako. But mauuna na ako, ha?” paalam ko pa. Hinalikan niya ang pisngi ko at marahan na tumango. “Excited na akong iuwi ito sa baby na nasa house ninyo,” ani ko pa at humalakhak siya.

“Take care, okay?”

“Noted,” ani ko at sumakay na rin naman ako. Ni-connect ko pa ang phone ko sa speaker para tawagan si Jaive. I will ask him lang if nasaan sila ng anak niya.

Nasa mansion pa kaya si Irish? How about her Dada? Kumunot naman ang noo ko nang panay ring lang ang cellphone ng boyfriend ko. Busy ba siya at hindi niya kayang sagutin ang call ko?

Hindi ko tinigilan ito hangga’t hindi niya sinasagot ang tawag pero napanguso lang ako sa huli dahil wala talagang sumasagot. I took a deep breath at umuwi na lang ako nang diretso sa mansion dahil baka nandoon pa nga si Irish.

Hindi nga ako nagkamali. Nasa labas ng house nila si Irish na naglalaro lang. Tahimik akong lumapit sa kanya. May kasama siyang kasambahay na nagbabantay sa kanya.

Napansin ko naman na may suot siyang backpack at nang pumihit siya paharap sa akin ay nanlaki ang mga mata niya.

“Momma!” Oh, my God. Gusto ko na palaging umuuwi na may cute na baby ang sasalubong sa akin from school or sa kung saan man ako galing. Nakawawala ng pagod.

Lumuhod ako at sinalubong ko siya nang yakap sabay halik ko sa pisngi niya.

“Bakit nasa labas ka ng house mo, sweetie?” malambing na tanong ko at hinawi ko ang buhok niya na tumatabi sa maganda niyang mukha. “Ay hala, baby... May sweat ka,” ani ko at hinablot ko ang panyo ko sa backpack ko saka ko pinunasan ang noo pababa sa leeg niya.

“How’s your date, Momma?” she suddenly asked me at nabigla pa ako. Ha? Ano’ng date raw?

“Ha? What date, baby?” nagtatakang tanong ko.

“Tita Jaelly also, dating with another man and you. Uhm... Nakita ka po ni Dada and he’s galit po,” sabi niya at umiling naman ako.

“Hon, let’s go.” Napatayo ako nang makita ko si Jaive. Nang magtama ang eyes namin ay umigting ang panga niya.

“Hi, Jaive,” I greeted him and smiled at him too but... Inirapan niya ako at napasinghap naman ako. First time niyang ginawa iyon!

“Momma, akin po iyan?” tanong niya at itinuro ang dala kong paper bag.

“Yes, sweetie,” sagot ko at hindi na siya humiwalay pa sa akin.

“Come on, bumalik na tayo sa hotel,” malamig na sabi niya. I pouted. “Stop that, Blaise. Nasa loob ang parents ko at kapag hindi pa kayo gumalaw riyan ni Rish ay makikita nila tayo,” aniya at binuhat ko na si Irish pero muntik na akong mawalan nang balanse. Nag-tsk pa siya at nakaalalay na siya sa likod ko. “Be careful, love,” he said.

“Galit ka?” painosenteng tanong ko pa.

“What do you think? Nakikipag-date ka sa ibang lalaki.” He clinched his teeth na naman.

“Hindi, ’no. May ginawa lang kaming projects,” depensa ko sa sarili ko.

“Na ganito ang suot mo? Seriously, Blaise?” inis niyang tanong at kinuha ang backpack ko. Nagsalubong ang kilay niya nang mabigatan yata siya. Bumuntong-hininga siya at nauna nang naglakad.

“Hala, galit po Dada ko,” bulong sa akin ni Irish. Kinakabahan lang ako dahil na-misinterpret niya ang nakuha niya. Oh, good God.

Ngayon ko lang nakitang nagalit si Jaive pero ang cute niya palang mag-selos. Sumunod na lamang kami at hinihintay niya lang na makalapit kami sa car niya saka niya ito binuksan. Kinuha niya muna si Irish at nang makitang naka-settle na ako sa shotgun seat ay saka niya inilipat sa akin ang baby niya.

Maingat niya rin itong isinara at sumakay na rin siya. Sa halip na pagtuunan ko pa nang pansin si Jaive ay si Irish na lamang ang inaasikaso ko kasi mukhang gusto na rin niyang kumain.

“This is so yummy, Momma. Thank you po,” aniya.

“You’re always welcome, sweetie,” I said and kissed her cheek. I glanced at Jaive when he cleared his throat. “Hungry ka rin, love?”

“Huwag mo akong ma-love-love, Blaise. May atraso ka pa sa akin,” malamig pero may lambing pa rin sa boses niya.

“Jaive, grabe kang magselos, ha.”

“Iniisip ko pa lang ang parusa mo pagdating natin sa hotel.” I got goosebumps because of that.

“Dada, don’t hurt my Momma, please,” his daughter pleaded.

“Don’t worry, hon. I won’t hurt your Momma but...” makahulugang saad niya.

“Jaive Eltaine,” I warned him.

Continue Reading

You'll Also Like

995K 31.5K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
14.8K 239 23
Sa kalagitnaan ng sakit, lungkot at pighati dahil sa pag-ibig. Makikilala ni Wade Hansley Esquivias ang isang babae na magpapabago sa sarili niya at...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...