Sa Dugo ng Araw

von_frederick által

168 17 1

Ang librong ito ay koleksyon ng mga prosa at tulang siniksik at inimbak ko sa likod ng aking puso. Wala akong... Több

Pagtatatuwa (Disclaimer)
Liham mula kay Von
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XIV.
XX.

XVIII.

3 0 0
von_frederick által

tuwing ikaw ay sinasalanta
ng mga mababagsik na bagyo—
gawin mo akong bubong,
gawin mo akong tahanan mo,
ako ang po-protekta sayo.

tuwing ikaw ay naiinitan
sa labas at sa loob ng katahimikan--
ako'y iyong magiging tahanan
kahit na ito'y panandalian.

batuhin mo man ng batong nag-aapoy
ng mga sako-sakong galit at pagpupunyagi
alam kong hindi ka magwawagi:
ako'y matibay, makulay,
at hindi mamamatay-matay

sumabay ka lang sa takbo ng aking mga paa
at tayo'y sasayaw sa musika
at bubuhayin ang iba't-ibang kulay ng bahaghari
at sa mga sulok ng dingding ko ito itatali.

gawin mo lang akong ilaw sa iyong bahay;
liliwanag ang madilim mong buhay.
gusto lang naman kitang makatabi
bago pa ako magsisi sa huli.

hindi parin ito magigiba ng mga bagyo—
burahin mo man lahat ng aking mga kulay,
dalhin man natin ang ating mga katawan sa hukay,
ako parin ay tatayo
at sasalagin ang mga bagyo
para lang sa iyo.

von frederick
Marso 11, 2023

Olvasás folytatása

You'll Also Like

2.3K 651 69
Drenched from the blood in my veins, this book speaks of the different aspects of the dark. Catastrophically, the woeful brooks flow through these pa...
10.5K 271 41
Just a few bits and pieces of poetry I've written over the years. |On-going|
15.8K 543 85
" Nadiyon se behte khwaabon mei dub Alfaazon ko taraash rhe hum tairne ki koshish na karo Saahil nhi hai idhar, gehra samundar hain hum" My fi...
84.1K 21K 71
MELANCHOLY | Melancholy drips from my fingertips. Here, I will speak the sadness, the heartache, and the decaying for all the unspoken. Perhaps un...