She Will Be Loved

By BellaTheTwins

11K 224 90

LOT Series #3 Running away from the pain that past caused her, Gabriella Concepcion promised to only love her... More

LOT Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 14

487 7 5
By BellaTheTwins

I didn't know how I remained calm and composed. Napuyat ako. Though we arrived home early last night. Nakasabay ko pa maghapunan ang mga magulang. Hindi rin ako nagtrabaho dahil sa pagod.

It just that, I waited for Seryo's call. Akala ko ay tatawag ito sa akin. We're okay when he dropped me home. Kaya lang ay hindi tumawag. And I don't know why!

Mabilis akong naglakad papasok ng kompanya. There are some employees there, greeting me, pero tanging tango lang ang isinasagot ko.

Sa pangatlong pagkakataon ay muli kong tiningnan ang telepono. Iyong schedule ko ngayon ang huling mensahe sa akin ng lalaki. No explanation about why he didn't call.

Tumikhim ako para itago ang inis. Lumabas ako nang bumukas ang elevator. Abala ang mga tao roon sa palapag, panandalian lang na tumigil nang dumaan ako.

Lumapit ako kay Kate. Tambak ang mga papel sa mesa nito habang mabilis na nagtitipa sa computer. Ngumiti siya nang makita ako.

"Good morning, Ms. Ella. Dadalhan na kita ng kape?"

Tumango ako. "How's your son? Hindi na ba nilalagnat? I can give you another day-off para matutukan mo."

Mabilis na umiling si Kate. "He's fine, Ms. Ella. Bumaba na ang lagnat. Saka maraming trabaho, baka matambakan ako."

Muli akong tumango. Siya naman ay nagpaalam na para magtimpla ng kape kaya iniwan ko na. Mula sa malayo ay natanaw ko si Seryo, abala ring nakaupo sa pwesto nito. May mga dokumento ring nasa mesa, kaya lang ay tutok ito sa pagsagot ng mga tawag. Nagtaas ako ng kilay. Naglakad ako papalapit sa kaniya. Nag-angat ang tingin nito sa akin nang bahagyang makalapit, eksakto namang ibinababa nito ang telepono. Mabilis siyang tumayo.

"Good morning, Ms. Ella. I already sent you your schedule today."

Tinanguhan ko lang ang lalaki. Mabilisan kong tinungo ang opisina, kitang-kita ang tambak na papeles doon. Kahit pala tinapos ko ang trabaho hanggang kahapon, mukhang doble naman ang dami ngayon.

"Ms. Ella, your schedule today, you haven't checked it already?"

Sinundan ako ni Seryo sa loob ng opisina. Nilapag nito ang mainit na kape sa mesa, mukhang katitimpla lang iyon. Kinuha ko ang telepono para tingnan ang sinasabi nito. Muli kong binalikan ang message niya, isang oras na ang nakakaraan. Sinend lang nito ang schedule ko na may kasamang 'Good morning' GIF.

Nilingon ko siya. "Okay, Seryo. You can go back to work."

Bahagyang kumunot ang noo nito pero tumalikod din, kalaunan. Ako naman ay itinuon ang atensyon sa mga papeles na nasa mesa.

Huminga ako ng malalim. Natawa ako sa sariling paghihimutok. Hindi man lang makaramdam ang lalaki.

Tanghali nang magtungo kaming dalawa ni Kate sa Bohol. Ito iyong pinuntahan ni Seryo para sa inspection. Bibisita raw doon ang ibang investors kaya naisipan ni Papa na papuntahin ako. Nasabi rin niya na gusto akong makilala ng mga staff doon. Hanggang ngayon ay marami pa rin pala ang tumatawag, gustong mag-invest doon kahit tapos na. Ang tanging alam ko lang ay on-going pa rin ang pagre-recruit ng mga tauhan doon dahil dumarami ang mga kliyente kahit na kabubukas pa lang.

Hindi ko ipinaalam kay Seryo ang pag-alis. Bukod kasi sa hindi ko nadatnan ang lalaki sa pwesto nito kanina, hindi rin naman siya nagtatanong. Ano naman ang gagawin ko sa sinend nitong schedule ko na puro blanko ang laman? Sigurado akong napapaisip ito sa kung ano'ng gagawin ko sa mga bakanteng oras. Iyon ay kung may...pakialam nga siya sa akin.

Pagkarating, sinalubong kami ng mga staff ng bagong tayong rental apartments. Napangiti ako nang may bitbit pang mga bulaklak ang ilan sa kanila na ibinigay sa akin. Kinamayan ko ang lahat bago nagpasyang ilibot kami sa naturang gusali.

Ilang oras din ang itinagal namin. Malawak kasi iyon, idagdag pa na may nadaanan akong kailangan ayusin. Magaganda ang disensyo ng mga kwarto, akma rin ang presyo sa mga target customers nito. 

Pasado alas singko na nang malingunan ko ang relo. Pinabilhan ko na rin pagkain si Kate kaya naiwan akong mag-isa sa lobby.

Naisipan kong tingnan ang telepono, bumungad sa akin ang iilang tawag ni Seryo. May isang mensahe rin siya kaya iyon ang tiningnan ko.

Seryo:

Nasa Bohol daw kayo?

I still replied, even though his text was sent three hours ago. Mukhang busy din kasi ang lalaki. 

Ako:

Yup.

Hindi ako nakatanggap ng reply mula sa kaniya hanggang sa kinagabihan. Nagcheck-in kaming dalawa ni Kate sa pinakamalapit na hotel para dito na magpalipas ng gabi. Bukas na lang kami uuwi dahil madilim na, at pagod na rin para bumyahe pa.

Panaka-naka kong sinusulyapan ang telepono nang sumapit ang alas nueve. Baka kasi muling tumawag si Seryo at hindi ko ulit masagot iyon. Hindi na ito tumawag kagabi, kahit ngayong gabi ba ay hindi rin?

Kaya lang ay kusa na akong sumuko nang alas diyes na ay wala pa rin. Ni text ay wala ring sagot ang lalaki. Napabuntong-hininga na lang ako. Okay, I somehow understand that he's already an old man and him being clingy is kind of impossible. Pero kahit isang tawag lang para sa buong araw ay wala?

Padabog kong kinuha ang unan saka itinakip iyon sa mukha. Naiinis ako.  Masyado ba itong abala? Hindi ko alam. 

Nagpasya akong matulog na, at bukas ko na lang tatanungin ang lalaki. Siguraduhin lang nitong may maayos siyang rason sa akin, kung hindi ay hihiwalayan ko talaga siya. Napapikit ako sa naiisip. Masyado ko na yatang pinaglalaanan ng oras si Seryo. Hindi kaya ay masyado na akong clingy? 

Muli akong humiga sa kama para pakalmahin ang sarili. I should sleep. Baka saan pa mapunta ang mga naiisip. Kaya lang ay hindi ko pa napapatay ang ilaw nang biglang bumukas ang pintuan ng hotel room ko. Sumungaw doon si Kate na may nakakalokang ngisi. 

"Ma'am, kayo na po ang bahala, ah. Matutulog na po ako."

Tinanguhan ko na lang ito kahit na hindi ko maintindihan ang gusto nitong iparating. Madaliang umalis ang babae kaya hindi ko na natanong. Kalaunan ay muling bumukas ang pintuan, iniluwa noon ang lalaking kanina ko pa iniisip. 

Nanlaki ang mga mata ko, hindi inaasahan ang nangyayari.  Napaahon ako mula sa pagkakahiga. 

"Seryo, what are you doing here?"

Napatingin siya sa akin. Ibinaba nito ang dala-dalang maliit na bag at isang suitcase sa mesa bago marahang lumapit sa akin. 

"Tinawagan ko si Kate, dito na raw kayo magpapalipas ng gabi. Malapit lang din naman ako dito kaya dumiretso na ako."

"H-Ha?"

"Don't worry, sa sofa ako matutulog. Hindi na rin kasi ako nakakuha ng kwarto dahil biglaan."

Hindi ako kaagad na nakasagot. Pinanood ko lang ito habang nagtatanggal ng relo. Lumapit ito sa bag na dala saka may kinuha roon. Inilabas nito ang iilang damit doon. Nilapitan ko siya nang makabawi.

"Seryo, you should at least called me! Hindi 'yong ganito!"

"I called you, Ella. Hindi mo lang nasasagot."

Kinuha nito ng damit saka dire-diretso ang lakad papuntang banyo. Sinundan ko naman ang lalaki. 

"Kanina pa 'yon, Seryo!"

"I was driving."

"Kahit na. Kahit bago ka man lang sana magpunta rito. Alam ba ito ni Papa?"

Umismid ang lalaki. "Nagpaalam ako. Hindi naman ako tutuloy dito kung wala akong permiso niya."

Tuluyan niya akong iniwan nang pumasok sa banyo. Ako naman ay kinalma ang sarili dahil sa nangyayari. I was expecting his calls, okay. Pero, hindi ko naman alam na siya ang darating, hindi lang simpleng tawag galing sa kaniya. 

I decided to wait for him before going to bed. Late na rin naman. Kahit na maghimutok ako rito ay alam kong hindi ko rin naman paaalisin at pauuwiin ang lalaki. Baka mapano pa ito kung ipipilit ko pa ang gusto ko. Besides, Papa knew. He trust Seryo that much, so I guess I should too. Hindi na rin naman ako bata. 

It only took him a couple of minutes before he went out. Iba na ang suot ngayon, isang simpleng shirt na lang at sweat pants. Basa rin ang buhok nito, at may nakasabit na maliit na tuwalya sa balikat niya. 

Kaagad na nagtama ang mga mata namin nang nilingon niya ako. Nagtaas siya ng kilay. Humigpit ang kapit ko sa duvet cover. Bahagya akong umusog sa gilid. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa reaksyon niya. 

"Matutulog na ako," abiso niya.

Tinanguhan ko siya. Tinapik ko ang pwesto sa tabi ko. "Dito ka na matulog. Hindi ka kasya diyan."

Kaagad siyang umiling. "Hindi na, Ella. This sofa will do. Maaga rin naman akong gigising bukas."

"Maybe it's not comfortable sleeping there? This bed is huge. Kasya tayong dalawa."

Napakurap si Seryo. Umupo siya sa sofa at humarap sa akin, magkasalubong  ang mga kilay. "What is it, Ella?"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Bakit ba ayaw mo akong tabihan dito? May binabalak ka bang gawin sa akin?"

Napatayo ito mula sa sofa, nanlalaki ang mga mata. "Nothing, Ella. What are you are talking about?"

"Then, go here, Seryo. Kung makaakto ka riyan ay parang may binabalak ka sa akin. Besides, we're just going to sleep, iyon lang."

Humiga na ako at kinumutan ang sarili. Mas lalo pa akong umusog pagilid para ipakitang malawak ang kama. Muli kong hinarap si Seryo. "Halika na rito! Matulog na tayo!"

Wala nang nagawa ang lalaki kung'di ang sumunod sa akin. Halatang napilitan nga lang ito dahil sa pinakagilid pumwesto, nakatalikod pa sa akin. Para bang ayaw nitong magkadikit kami.

We were silent when I turned off the lights. Hindi naman gaanong madilim sa loob ng kwarto dahil nasisinagan ng buwan mula sa bintana. Payapa rin ang gabi at malamig ang hangin dala na rin na airconditioned ang kwarto. 

I tried to move closer to him. Kaya lang ay ramdam ko rin ang paglayo niya. Napairap na lang ako. Ang arte naman nito. Umusog pa ako ulit pero hindi na ito gumalaw palayo. Sinubukan kong abutin siya para makumutan din tulad nang sa akin. Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw niya palapit sa akin. 

"You should sleep, Ella."

"I'm sleeping," I answered. Kinuha niya ang duvet cover na ikinumot ko sa kaniya saka mas lalo iyong hinila palapit sa kaniya.

"Okay, good night."

Tumango ako. "Good night, Seryo."

"Hmm."

The next morning, we both woke up earlier than usual. We decided to try the hotel's gym. I was amazed when he did some deadlift, pull up, and bench press. Halatang sanay na sanay na ito sa gym, sa galaw pa lang niya. Habang ako naman, dahil baguhan lang, tanging dumbbell lunge lang ang ginawa. Sinisipat ako ni Seryo habang ginagawa iyon kaya hindi ako pwedeng mandaya. Napapasimangot na lang ako kapipilit sa sarili.

Kaya naman pagkatapos ay pareho kaming pawisan. Nagpasya kaming dumiretso na sa breakfast buffet. Tiningnan ko ang telepono kanina, hindi pa rin nagrereply si Kate kaya malamang ay tulog pa iyon. I think, we'll just do a stop over later for her breakfast.

I only picked the usual. Isang pirasong itlog lang, hotdog, at iilang tinapay. I partnered it with a cup of hot chocolate. While, Seryo only  had a cup of coffee and pieces of bread. Iyon daw kasi ang morning routine nito.

We were at the middle of eating when his phone rang. Sinipat niya iyon pero hindi naman sinagot. I tried to look at his screen to see who's calling him, but he immediately turned it off.

"Who's calling? Why won't you answer it?"

Tinanong ko siya. Sinipat ko rin ang pagkain niya, tapos na ito.

"Work can wait. Besides, we're eating. I don't use phone while eating."

Nagtaas ako ng kilay. Itinuro ko ang plato niya. "Tapos ka naman na sa pagkain."

Tiningnan niya ang plato bago binalik ang tingin sa akin. Nginuso niya ang plato ko.

"You're still eating."

Nakagat ko ang labi. Tinanguhan ko siya at itinuloy ang pagkain. Habang siya'y sa labas tumingin. Kitang-kita ang papasikat pa lang na araw. It was only six in the morning, that's why.

Napangiti ako. Mas lalo kong binilisan ang pagkain para maitago iyon. Parang sumarap yata ang almusal ko ngayon. Napailing na lang ako sa sarili.

His phone rang again. Hindi niya pa rin pinansin iyon. Ako naman ay sinubukang tingnan ulit kung sino ang kanina pa tumatawag sa kaniya. Kaya lang ay bago ko pa makita, namatay na ang tawag. Tumambad sa akin ang lock screen nito. Panandalian lang iyon dahil mabilis din ulit niyang pinatay ang telepono.

Napatingin ako sa kaniya habang siya ay nag-iwas ng tingin. Pasimple lang nitong sinulyapan ang relo.

"It's already time. Let's go back to the hotel room."

Tinanguhan ko  ang lalaki. Kahit na kakaiba na ang pagbilis ng tibok ng dibdib.

Huminga ako nang malalim bago sumunod sa kaniya. Pinauna ko si Seryo habang ako ay nanatili sa likod.

What was that?

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...