Forbidden Flower (Jillian Fue...

By letmebed1

3.2M 48.8K 4.4K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Meet Jillian the famous Varsity Player lahat halos ng stu... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 3

86.3K 1.4K 22
By letmebed1


Jillian Fuentes

Katatapos lang ng practice namin. Andito kami sa fast food restaurant, kasama ko si Jean at si Jo. Napapangiti ako kapag naaalala ko yong sinabi ni Anne

Kilala daw nya ako, kinikilig na agad ako.

"Woi!" si Jo.

"Hmm?" tumingin ako sa kanya sabay kagat sa burger.

"Baliw ka na." halos pabulong lang ang pagkasabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Ang sarap ng buuur..ge..er"! halos magkandabulol ako sa pag salita. Paano naman kasi punong puno ang bibig ko.

Sabay pa silang tumawa ni Jean.

"Tinamaan ka ata ni kupido, ah." si Jean.

Kunyari hindi ko narinig yong sinabi niya. Subo lang ako ng subo, french fries naman. Hindi ko kasi maalis sa isip ko si Anne.

"Come on Jill we know you. Unang kita mo pa lang kay Anne laglag na yang panty mo." halos maibuga ko yong kinakain ko sa sinabi ni Jean. Lahat ng kilos ko nababasa nila, nakakatakot 'tong dalawang 'to!

Kahit sinungitan ako ni Anne okay lang happy pa rin ako. Hindi ako naniniwala sa Love at first sight, pero ewan ko ba ang lakas ng sex appeal niya. Sexy at ang ganda niya.

"Jean, nabuang na 'to. Tingnan mo naman nginingitian na niya yong french fries na hawak niya."si Jo.

"Hoy, Jill. In love ka ba o sira-ulo ka na? Para kang tanga, kakain lang ng french fries ngumingiti pa."

"Ano ba! Nag-e-enjoy lang ako sa kinakain ko. Parang ito na ang pinakamasarap na burger at french fries na nakain ko."

"Nasa Mc donalds lang tayo Jill, ano bang pinagsasabi mo."

"Hayaan na natin, Jo. First time ata makakita ng tao."

Hindi nila maiintindihan ang nararamdaman ko dahil crush ko si Anne.

Inubos ko na ang pagkain ko saka kami lumabas.

"Magkita kita na lang tayo bukas. Hoy, Jill. Matulog ka, ha. Baka mamaya may hinuhubaran ka na sa isip mo."

Natawa ako rito kay Jean.

"Sira! Mag-ingat kayo pag-uwi."paalam ko sa kanila.

Nagsiuwian na kaming tatlo.

Pagdating ko naman ng bahay mabilis akong naligo saka humiga after ko magpatuyo ng buhok. Ang sarap matulog lalo na kapag ganitong masaya ka.

Kinaumagahan nagising ako ng maaga.

Tumingin ako sa wall clock 5 AM na kaya bumangon na ako at magjo-jogging pa ako.
Ganito talaga ako pag masaya,nagjo-jogging!

Nagpapawis lang ako para naman mapanatili kong fit ang katawan ko.

Mabilis lumipas ang araw at ang nakakairita hindi man lang ako pinapansin ni Anne. Paano naman kapag alam nyang lalapit na ako ay lalayo naman siya. Isnabera talaga!

"Hoy Jill!" sigaw sakin ni Jo. "Uh!" Ngumuso siya. Nasa harapan ng classroom namin yong mga astigin na mga Women's basket ball players, mayayabang sila kasi sila din ang defending champion.

Di bale hindi naman sila kasing ganda namin, mukha silang mga maton! Kahit iisang University lang kami pinipilit nilang i-down kami dahil gusto nila sila lang ang sikat at magagaling. Well, sorry na lang sila dahil nandito pa ako.

"Hey,"ang sabi ng Captain nila. Tumaas ang isang kilay ko, sabi ko na nga ba't papasok tong mga ito dito sa loob ng classroom namin.

Hindi ko siya pinansin kunyari busy ako sa paggamit ng phone. Ayokong patulan ang mga 'to. Pero sinipa niya ang paa ko!

Nakatingin na ang lahat sa amin.

"What!"ang sabi ko at tiningnan ko siya ng masama.

"Gusto lang sana namin maging friend ka." sabay tawanan silang lahat na magkakagrupo.

Weirdo!

Umalis din sila agad. Mga walang magawa!

Tumingin ako sa bandang kaliwa ko, andon si Anne. Hay give up na ata ako. Hanggang crush lang naman talaga ako, eh. Kung ayaw niya mamansin, eh di 'wag.

Pero nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung iiwas ba ako ng tingin o ano.

Pero hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. Para akong natutunaw. Napatingin ako sa lips niya at hindi ko mapigilang mapalunok. Bigla akong umiwas ng tingin dahil ramdam ko na nagiinit ang mukha ko.

"Ahem."

Alam kong si Jean yon, mukhang napansin na naman niya ang kilos ko.

"Uy" sabi ulit niya.

Kainis tong Jean na to. Tiningnan ko talaga siya ng masama. Alam kong nagpipigil siya ng tawa.

"Namumula ka Jill." bulong pa niya. Hindi ako umimik kinuha ko yong cellphone ko at nag-scroll na naman ako.

Hay grabe na 'to! Sobrang init talaga ng mukha ko. Feeling ko nag-ba-blush ako. Ang bakla ko talaga!

_______________________________________

Anne Del Rio

Hindi ako mapakali dito sa upuan ko habang hinihintay si Prof para sa next na subject. Feeling ko may nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa bandang kanan ko at nakita ko si Jillian na nakatitig sakin.

Anong problema nya?

Sa totoo lang hindi natatanggal yong inis ko sa kanya dahil pinagtatawanan nila ako. Ano naman kung sikat siya, hindi ako tutulad sa iba na halos luhuran siya para lang magpa-picture sa kanya. Pero bigla rin siyang umiwas ng tingin.

Weird!

"Anne."

"Hmm bakit?" lumingon ako sa likuran ko. Si Lucy yong tumawag sakin katabi niya si Levy sila yong bago kong friends maliban kay Claire.

"Manood tayo mamaya after class ng women's volleyball first game nila mamayang hapon."

Sa totoo lang ayokong manood kasi mapapanood mo din sa tv ng live, eh. Pero sige na nga.

"Okay, what time?"

"5 PM"

"Uhm sige." nakangiting sagot ko sa kanila.

After ng maghapong klase ay natuloy kaming pumunta ng Sports Arena.

....

NANDITO na kami, grabe ang daming tao at punong puno talaga ang arena. Buti at nandito lang kami sa may lower box. Makikita mo ng malapitan ang mga players. five minutes to go at mag i-start na.

Isa isang tinawag ang mga players ng kabilang school. Hiyawan at palakpakan ang mga audience, may mga Peps Squad pa ata at ang lakas ng tambol sa bandang likod.

Tinawag na rin ang players ng school namin. 

Wow mas malakas ang hiyawan at palakpakan lahat ng mga audience. Lalo na nong si Jillian ang tinawag, kahit pala ibang school nagchi-cheer para sa kanya.

Grabe ganito ba talaga siya kasikat? Halos mabasag ang eardrums ko!

Habang pinapanood ko ang laban ay hindi ko maiwasang hangaan ang mga players dahil sa galing nila. Hindi ko rin maikakaila sa sarili ko habang pinapanood si Jillian, may ibubuga talaga siya sa loob ng court. Pero ako na ata ang pinaka-kj sa mga audience dahil hindi ko magawang sumigaw katulad ng mga katabi ko, si Levy at Lucy halos maputalan na ng mga ugat sa leeg kakasigaw kapag nakaka-score ang team ni Jillian.

Natapos ang game at nanalo ang school namin at hindi nakapagtatakang si Jillian ang best player, magaling nga siya. Hindi na ako magtataka kung bakit siya mayabang at lahat ng kaibigan niya. Ginagamit niya ang kasikatan niya!

Nakauwi na ako nang biglang magtext si Rhen. Siya ang bestfriend ko. Kahit guy siya malaki ang respeto niya sakin dahil ramdam ko yon. Sobrang miss ko na siya. Siya lang kasi ang napagsasabihan ko ng mga problema ko.

["Hi best, how's your day?"]

["Hello best, buti naalala mo ko? Miss na kita. Hindi masyadong okay dahil ang lungkot dito ;(( ]

Nagreply ako sa message niya.

["Hey wag kang malungkot, papangit ka niyan."]

["Dati na akong pangit best, dalawin mo ako minsan dito."]

["Sure, basta wag ka na malulungkot. Isa pa ikaw ang pinaka magandang babaeng nakilala ko. :)) ]

["Asado!!!"]

["Hindi ah. Text kita ulit best tinatawag ako ni Papa, bye."]

[" Bye, thanks best"]

Tinabi ko na yong cellphone ko. Kumain na kami sa labas kanina kaya naligo at nagbihis na lang ako bago humiga ng kama.
...

MASAYA ako kahit papano nagiging comportable na ako. Wag lang sa grupo ni Jillian. Ayokong mainvolve sa mayayabang!

Hinahanap ko yong notes ko dito sa locker ko at ayon nakita ko din.

"Ayyy!" halos lumundag ako sa sobrang gulat!

Nakatayo ba naman si Jillian sa tabi ko at hindi ko talaga siya napansin!

"Sorry, nagulat ata kita. Can we talk?"

"No."mabilis na sagot ko.

"Why Not?"

Tiningnan ko lang siya. Aalis na sana ako nong hawakan niya ang kamay ko.

"Dahil pinagtatawanan niyo ako! You and your friends!" inirapan ko siya at umalis na ako.

.....

Continue Reading

You'll Also Like

494K 18K 59
Si Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siya...
739K 29.1K 40
[** #1 Highest Ranking on #gxg & #lgbt **] Paano kapag isang araw bigla ka nalang gumising sa katawan ng isang lalaki? Kasabay nito ay pagkilala sa i...
67.6K 4.8K 25
"It's moving!" "Ha? Alin?" "Yung larawan ng anghel!" "Alam mo Bebang kung ano ano sinasabi mo." "Bahala ka nga dyan! Basta lalabas na ako. Sabi ko na...
876K 28.1K 59
[STATUS: COMPLETED] Apollo to Icarus. "Golden child, Lion boy; Tell me what's like to conquer. Fearless child, Broken boy; Tell me what's like to bur...