Finding Miss Unknown [Complet...

By AlizahAnn

54.5K 580 106

Si Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may m... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20.1
CHAPTER 20.2
CHAPTER 21.1
CHAPTER 21.2
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
Read if reader ka ng Finding Miss Unknown :)
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39.1
CHAPTER 39.2
CHAPTER 40
EPILOGUE

CHAPTER 11

1.1K 11 0
By AlizahAnn

CHAPTER 11

-----------------

Isang linggo ang lumipas matapos ang birthday celebration ni Lorraine sa Zambales.

Sa mansyon ng pamilya Dizon.  Nakadapa sa kanyang kama at may nakasaksak na headset sa  tenga si Chad. Hindi nya napapansin na kanina pa tumutunog ang cellphone dahil sa lakas ng music na kanina pa nya pinapakinggan. Napagtanto lamang nya ito nang mamatay bigla ang kanyang portable music player. Lowbat na pala.

Tinignan nya kung sino ang caller. Si Rick.

Ano naman kaya ang kailangan nito? Tanong niya sa sarili. Nagtaka pa siya ng makitang 5 missed calls mula kay Nathan, 6 missed calls mula kay Luke at 5 text galing naman kay Tristan.

Kakapindot pa lamang nya ng answer button.

“Hoy Chad!! Ano ba?” si Rick mula sa kabilang linya.

“Anong ano ba?”

“Bakit di mo sinasagot? Kanina pa kami tawag ng tawag. Problema mo?”

“Chill bro. Nagsosoundtrip ako eh. Masyado kang istorbo!”

“Aba at ako pa istorbo ha. Ikaw ang di  sumipot dyan"

“Huh? Anong meron?”

“Ahhhhhh, grabe ka Chad! Nakalimutan mo? May usapan tayo di ba?”

“Meron ba?”

“Anong meron ba? Anak ka ng pating naman oh. Banatan kaya kita dyan. ”

“Ano nga meron? Di pa sabihin oh” walang ganang sagot ni Chad.

“Hoy Dizon umayos-ayos ka.Mag-xbox tayo nila Tristan dito sa bahay”

“Talaga? May sinabi ba kayo?”

“Putcha, umoo ka nung isang araw kaya. Lutang ka ba?”

Meron nga ba? Hindi ko maalala. May sinabi sila nung isang araw pero di ko naintindihan dahil may iniisip akong iba. Haha umoo na lang ako.Sa isip ni Chad.

“Whatever bro. Sige sunod na lang ako” para matapos na ang pag-aalburuto nitong mga lokong ‘to.

“Bro! Magdala ka ng pizza ha. Alam mo na kung anong flavor.Yung tulad parin ng dati” sigaw nung isa sa kabilang linya. Si Nathan yun panigurado.

“Ako ice cream double dutch Chad”sigaw ni Luke.

“So tinawagan nyo lang ako para sa pagkain nyo?” singhal ni Chad kay Rick.

“Haha hindi naman. Bilisan mo ha! Ako gusto ko naman ay--”

Bago pa matapos ni Rick ang sasabihin in-end call na ni Chad. Nagshower na sya at dumiretcho sa garahe para kunin ang sasakyan. Dumaan muna sya sa pinakamalapit na mall para bilhin ang binilin ng mga magagaling nyang kaibigan.

“Marahang ipinasok ni Chad ang kotse sa garahe nina Rick. Malaki ang masyon ng pamilya ni Rick.Mas malaki ‘to ng di hamak sa mansion ng mga Dizon. Pagbaba niya ng sasakayan ay siya naming pagbukas ng pinto ng bahay. Unang lumabas si Nathan.

“Thanks Chad!” kinuha kaagad ni Nathan ang bitbit na dalawang box ng pizza sa kamay ni Chad.

Magkakasunod naman na lumabas sina Rick,Luke at Tristan.

“Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Eh inuna nyo pa yung binili ko” may pagtatampong tono ni Chad.

“Syempre pizza muna” Nathan.

“Wow mabuti naman at hindi ka na kuripot. Yung 3 gallons na ice cream talaga!”Luke

“Ang honest nyo talaga! Hahaha” alam naman nyang nagbibiro lamang ang mga ito kaya natawa na rin sya.

“Tama na drama! Laro na tayo! Wooooooh” Tristan.

Napapailing lang na pumasok sa loob si Rick.

“Lisa, Lisa!” sigaw ni Rick.

Isang babae ang lumitaw galing sa may kusina.

“Senyorito. Ano po iyon?” nakayukong tanong ng dalaga.

“Pakikuha mo nga yung dala ni Chad at isunod mo na lamang sa Arcade room ko” Rick

“Sige po” magalang na sagot ng katulong.

“At saka”

Lumingon muli ang dalagang katulong. “ Ano po yun senyorito.

“Ilang beses ko ba sasabihin na huwag mo na kung tawaging senyorito”

Napangiti ang dalaga at may pag-aalinlangan nagsalita “Sige kuya Rick”

Nang makaalis ang dalaga kinantyawan tuloy sya ng mga kaibigan nya.

“Dumadamoves ka ba dun ha Rick?” Luke

“Hindi. Kababata ko kasi yun. Tara na nga”

Nagtuloy-tuloy na sila sa private arcade room ni Rick. Kumpleto ito katulad ng mga nasa mall.

-----

DRIX POV

Nasa sasakyan na ‘ko ng magring ang cellphone ko. Papunta na ko sa mansion nila Rick. Maglalaro kami ng xbox. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Napangiti tuloy ako nang Makita kong si Lee ang tumatawag.

“Hello Lee”

“Dree!!!”

“Hmmm?”

“What are you doing huh?”

“I’m driving. Why?”

“Bakit sinagot mo pa tawag ko. Nagdidrive ka pala eh”

“Malakas ka sa akin eh. Haha”

“Eeeeeeh. Wag ka nga. Sige na later na lang. Bye bye na baka maaksidente ka pa”

“Hey hey wait. Itatabi ko na lang muna yung kotse. Huwag mong ibaba”

“Okay”

“O, eto na. Why calling me huh? Missed me?”

“Naaah!”

“Ouch!”

“Kidding! Saan ka pupunta?”

“Kila Rick. Nag-aya silang mag-xbox eh”

“Ganoon ba?”

“Yes, why?”

“Wa-wala naman. I’ll just call my friend na lang”

“Huh? Why?”

“Magpapasama sana ko sa’yo sa mall. Since may pupuntahan ka pala iba nalang aayain ko” parang may pagtatapong sabi ni Lorraine.

“Hey, where are you now?”

“Dito sa condo ko.Why?”

“I’ll pick you up now. Be ready. I’ll be there in 30 minutes”

“Dree naman. Kala ko ba may lakad ka. Okay lang naman eh”

“Basta. Sasamahan kita”

“Really?”masiglang sabi nya.

“Yes. Pero daan muna tayo kila Rick ha. Sandali lang tayo dun. Papakilala na rin kita”

“Okay Dree. See yah”

-----

After 30 minutes nasa tapat na ko ng condo ni Lorraine. Nalaman ko na dito na sya sa Manila mag-stay. Gift nina Tito Carl at Tita Vanessa itong condo. Nakakaisang pindot pa lang ako sa doorbell nang may marinig na akong papalapit na yabag.Mukhang hinihintay talaga nya ang pagdating ko.

Bumungad sakin ang nakingiting mukha ni Lee. Ang ganda nya. Simple lang ang suot nya pero litaw nalitaw ang natural nyang ganda. Wala rin syang make-up.

Yumakap sya sakin.

“Dree!!! Namiss kita”

Nakatingin lang ako sa kanya. Para akong nagising ng yugyugin nya ko.

“Huy ano na?”

Napahawak na lang tuloy ako sa batok ko.“He-he-he let’s go”

“Okay” Kinuha nya yung handbag nya. “Dessa, Maiwan muna kita. Kasama ko naman si Dree eh. Ikaw na bahala rito”

Ngayon ko lang napansin na may kasama pala sya. Nakakahiya. Naestatwa ako ang di oras kanina. Ikaw naman kasi Lee eh. Hindi mo ba alam na ang hirap pag ganyan ka. Kalalaki kong tao pero kinikilig ako. Haha.

“Sige po Miss Lorraine”

Author's Note:

Thank you for reading my story!

VOTE-COMMENT-BE A FAN

If you want a dedication message on my message board.

-- Alizah Ann

Continue Reading

You'll Also Like

5.6M 353K 75
[To Be PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"
22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...