Claire's POV
One week later...
"Ma, pwede ko po bang mahiram muna laptop mo?"
"Bakit?"
"Hi, Georgina! Kagagaling ko lang sa school mo at pumayag na ang prof at principal mo na mag-take ka ng modules at mag-online class ka."
"Talaga po, tito?!"
"Oo naman. Mag-start na klase niyo kaya mag-ready ka na."
"Ah opo. Salamat po tito!"
Pumasok na si Georgina sa kwarto para mag-aral.
"Bakit mo ginagawa lahat ng 'to?" I asked Jack
"Ginagawa ang alin?"
"Ito, 'yung pagpapatira sa 'min dito sa mansion, 'yung pagkuha mo ng modules ni Georgina sa school."
"Claire, bumabawi lang ako sa anak ko."
"Ang alam ni Georgina hindi ka niya tatay. How come malaman niya? Ano sa tingin mo mararamdaman o magiging reaksyon niya?"
"Hindi ko alam. Basta masaya ako na nakikita ko siyang masaya. Gusto mo aminin ko na."
"No! Hindi ka aaminin."
"So, kailan? Chance ko na oh."
"Basta, hindi pa ngayon."
"Bakit ba parang takot na takot kang umamin ako?"
"Dahil ayo'ko na umasa at masaktan si Georgina."
"Si Georgina nga ba ang dahilan o ikaw?"
"What? Ano ibig mong sabihin?"
"Ayaw mo na maging maayos ulit tayo dahil ikaw ang natatakot na masaktan at ayaw mo umasa ulit."
"Tama ka. Ayo'ko na bumalik tayo sa dati. Malayo ng mangyari 'yon dahil wala na e. Tapos na."
Pumunta na lang ako sa kusina para samahan si Manang sa pagluluto.
Nakita niya ako na binabalatan ang mga gulay.
"Ma'am Claire, ano pong ginagawa mo riyan? Ako na riyan baka makita ka ni Jack magalit sa 'tin 'yon."
"Bakit naman ho siya magagalit? Isa pa, I insist to do it kaya wala akong pakielam kung magalit pa siya. Hindi ako natatakot."
"Sige. Ikaw po bahala."
"You know what Manang, don't say "po" coz I'm not too old."
"Sign of respect. Lalo na ikaw ang matagal na hinihintay na dumating ni Jack."
"What do you mean?"
"Ikaw si Claire Francisco 'di ba?"
"Yes."
"Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit may mansion si Sir Jack? Dahil sa 'yo kaya siya nagsumikap na mapagawa ito."
"He told me a while ago. Pero matagal na po kaming wala kaya nonsense lang din."
"Matagal na kayong wala pero kasama ka niyang pumunta rito kasama ang anak niyo?"
"Manang?"
"Hmm?"
"May pakiusap sana ako sa 'yo."
"Ano 'yon, hija?"
"Pwede bang tahimik lang kayo kay Georgina kung anoman ang nalalaman mo from our past?"
"Bakit?"
"Sa totoo lang, hindi niya alam na si Jack ang tatay niya."
"Ang gulo ha? Bakit kayo magkakasama ngayon kung hindi alam ni Georgina na si Jack ang tatay niya?"
"Nagtatago kasi kami. May mga taong naghahanap sa 'kin dahil may nakunan akong krimen na ginawa nila sa Amerika. Kaya hangga rito sa Pilipinas, sinundan ako. I had no choice kung hindi sumama sa kanya (Jack)."
"Okay. I see... Sige na, ako na bahala rito.
"Sige. Puntahan ko na muna si Georgina."
So, parang nanay na pala ni Jack si Manang. Dapat talaga kay Laurence na ako sumama. Delikado kasi baka dito pa malaman ni Georgina ang lahat.
Georgina's POV
Breaktime namin ngayon kaya kausap ko si Anton. Nangangamusta e.
"So, kailan ka papasok sa school?"
"Hindi ko pa alam e. Siguro 'pag pwede na."
"Ano ba kasing nangyayari at nasaan kayo ngayon?"
"Actually, nandito kami sa Batanes. Kasama namin si tito Jack sa mansion niya dahil dito niya kami naisipan itago. I mean, tutlungan magtago."
"Teka ano'ng sabi mo? Mansion?"
"Oo."
"Kailan pa nagka-mansion si tito?"
"Wait, hindi mo alam ang tungkol sa mansion niya?"
"Hindi. Ang alam ko lang na pagmamay-ari niya is 'yung farm niya sa Taytay at bahay niya sa Quezon."
"Ganun ba? Basta ang alam namin ni mama sa kanya ang mansion na 'to. May mga house keeper nga kaming nadatnan dito."
"Siguro nga. Marami pa siguro akong hindi alam kay tito."
"Sige na. Magsagot muna ako sa module. Bye!"
Jack's POV
"Hindi pa ba lumalabas si Georgina, Manang?"
"Busy pa sa mga ginagawa niya."
"Eh si Claire?"
"Lumabas, nasa garden siguro."
"Ah sige, salamat."
"Hangga't may oras ka pa para umamin sa anak mo, gawin mo. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mabubuhay, kaya habang may oras pa gawin mo."
"Ha? Ano, Manang?"
"Subukan mo na lang intindihin mga sinabi ko. Nakahain na ang pagkain tawagin mo na sila."
Una ko ng pinuntahan si Claire.
Sa garden ko lang naman makikita 'yon.
At nandun nga siya kaya pinuntahan ko na.
"Claire, kakain na."
"Sige, mauna na kayo. Hindi pa ako gutom."
"May mahalagang bagay tayong dapat pag-usapan."
"Tungkol na naman ba kay Georgina 'yan?"
"Claire, hanggang kailan mo ba kayang itago kay Georgina na ako ang tatay niya?"
"Hindi ko alam, okay?!
"Malalaman at malalaman din niya ang totoo, sinasabi ko sa 'yo."
"Bakit, handa ka bang tanggapin ang magiging reaksyon niya?"
"Bakit hindi? Kahit na ano'ng maging reaksyon niya tatanggapin ko. Malamang consequence ko na rin 'yon. Pero alam ko na matatanggap niya pa rin ako."
"Stop being so confident. Sige na, mauna na kayong kumain do'n. Bumalik ka na sa loob baka makita pa tayo ni Georgina."
"Whatever, Claire. Bahala ka."
Few hours later...
Claire's POV
Hinintay ko si Laurence sa garden at binilin ko siya kay manong guard na papasukin siya.
Finally, he's here.
"Hey, Claire! Kamusta ka rito?"
"Okay naman. Para lang akong nagbabakasyon."
"Ah by the way, here are your things. Lahat ng mga sinabi mo nandiyan na."
"Oh, thank you! Ano pasok ka muna sa loob?"
"No, thanks. Actually, I'm about to go. Dinaan ko lang talaga 'yan."
"Sigurado ka?"
"Yup! Siguro next time na lang."
"Okay sige. Mag-iingat ka."
I hugged him and thank him again.
"I'll be right back."
"Okay. Thank you!"
Ano ba 'yan 'di man lang nagtagal. Gusto ko pa siyang makausap sa totoo lang kesa sa may-ari ng mansion na 'to.