Promises Beneath The Blue Clo...

By ms_peppa_pig

3.2K 163 16

Yvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'wor... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27

CHAPTER 26

47 3 0
By ms_peppa_pig

Why is he not replying to my messages and he's not also answering my call? Nakakapanibago naman. May be busy.

Napakibit balikat na lang ako at ibinaba na ang cellphone. Dalawang araw na ako rito sa Manila at sa dalawang araw na 'yon wala akong ibang ginawa kundi ang maghilata dito sa hotel, lumalabas lang ako ng room ko kapag gusto kong kumain ayaw ko naman kasi na magroom service, masyado na akong tamad kapag gano'n.

I sighed and laid my body on the bed. Nakatulala lamang ako ngayon at hindi alam kung anong gagawin. Ayaw kong lumabas ng hotel dahil wala ako sa mood ngayon. Pa'no ba naman ako hindi mawawala sa mood kung hindi nagrereply ang boyfriend ko sa'kin ngayon na dati naman ay hindi n'ya ginagawa. I chatted him on messeger, I call him hundred of times, flooded him with my messages pero wala pa rin, walang reply. I kept on saying na baka busy lang pero tangina di ako sanay! Dati rati naman kapag may flight s'ya nagmemesege or nagchachat s'ya sa akin tapos tatawag s'ya kapag naglanding na 'yong eroplanong pinapalipad n'ya, ngayon ni "hi" hindi n'ya ginawa!

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko na nasa tabi ko lamang naman nang marinig ko itong tumunog. I immediately checked my messenger when I found out that the notification came from it. Nakangiti ako habang hinihintay na magloading ang messenger at nang makita na galing ito sa gc naming magkakaibigan kaagad na nawala ang ngiti ko. Napairap ako at kahit na tinatamad binasa ko ang palitan nila ng salita.

Mrs. Dankworth:
Guys! O My God!

Valkyrietheprettiest:
Ano man

Napakunot ako ng noo nang mabasa ang nickname nila Camari at Valkyrie. Mrs. Dankworth? Valkyrietheprettiest? Kailan pa nila pinalitan mga nickname nila? Bakit di ko alam? Ang huli kong alam kung ano pangalan namin yun ang nickname namin pero bakit ngayon may paganito na? Sino kaya may gawa nito?

I checked our nickname and I was stunned when I read my nickname in our gc!

Tigangnalupa

The fuck!

Hindi ako naiinis pero natatawa ako. Tanginang nickname 'yan tigang na lupa.

Ako:
Hoy sinong may gawa nitong nickname ko? Sasakalin ko

Mrs. Mortel:
Ako bakit may angal ka

Maraming salita abg puwedeng gawin na nickname ko bakit tigang na lupa pa?

Magtataype na sana ako nang maunahan ako ni Valkyrie sa pagsend ng messege.

Valkyrietheprettiest:
Hoy may chika ako!

Pogiayibotomichaelayipakainsaaso:
Walang may gustong magbasa ng chika ko

Napabungisngis naman ako dahil nag-aasaran na naman ang dalawa. Palagi na lang. Balita ko palaging magkasama 'tong dalawa na 'to.

Valkyrietheprettiest:
Manahimik ka nga Michael

Valkyrietheprettiest:
So ito na nga ang chika! Owemjii alam n'yo ba nakita ko si Yvette nung nakaraang linggo sa clark pampangga may kasama sya!!! Lalake matangkad mukhang may lahi tapos pogiiiiii

Napailing-iling naman ako at napaupo na, kinuha ko ang unan at inilagay ito sa hita ko, ipinatong ko dito ang dalawang siko ko.

Wala pa akong kinukuwento sa mga kaibigan ko tungkol kay Benjamin pero sa tingin ko may hinala na si Valkyrie tungkol dito.

Mrs. Mellanon:
Talaga? May dapat ba kaming malaman yvette?

Kaagad naman akong nagtype ng messege ko.

Ako:
Kung ano man yang iniisip nyo tama kayo. He's Benjamin my boyfriend

Inoff ko ang cellphone ko at humiga ulit sa kama. Nagtitili ako. Kinikilig ako!

Nang tapos na ako sa pagtitili inopen ko na ulit ang cellphone ko at binasa ang mga messages nila.

Mrs. Dankworth:
What?! May boyfriend ka na? Kailan pa?

Mrs. Mortel:
Wow! May boyfriend na si yvette hindi na sya tigang na lupa

Pogiayibotomichaelayipakainsaaso:
Baka mamaya mapapalitan na yang nickname mo into Mrs.

Napabungisngis naman ako sa naging reply ni Michael. Napansin kong online at nagseeen ang tatlong asawa ng mga kaibigan ko, for sure ako ang topic ng mga kaibigan ko at ng mga asawa nila.

Mrs. Dankworth:
Kailan pa yvette?

Kaagad kong sinagot ang tanong ni Camari.

Ako:
Bago pa lang kami. Nagsisimula pa lang

Valkyrietheprettiest:
What if bukas break na kayo?

Kaagad naman bumilog ang mga mata ko sa sinabi na 'yon ni Valkyrie at kaagad ring kinabahan. Maya-maya lamang ay inunsent na ni Valkyrie ang messege n'ya 'yon.

Ako:
Grabeng what if naman yan val tagos hanggang atay

Pogiayibotomichaelayipakainsaaso:
Hays wag ka mag-alala yvette nagseselos lang yang si valkyrie kase napag iiwanan na, ikaw may boyfriend na habang sya 62 na wala pa ring lalaking nahahanap na maging boyfriend nya pano ba naman kasi pangit ng ugali

Hindi naman ako natawa sa sinabi na 'yon ni Michael kahit nakakatawa dahil iniisip ko 'yong what if ni Valkyrie sa'kin.

Ako:
What if no? Bukas break na kami di na nga nagrereply sakin eh hahahhahahah

Ano kayang ginagawa ni Benjamin ngayon? Di ako sanay sa ganito. He's not replying to me. Kinakabahan na ako.

Mrs. Dankworth:
Baka busy lang sa trabaho nu bang trabaho?

Kaagad akong nagreply.

Ako:
He's also a pilot

Binack ko ang cellphone at tiningan ang messeges ko baka kasi nagmessege na s'ya at 'di lang nagnotif pero bigo ako rito. Walang reply.

Miss ko na s'ya.

Bumuntong hininga ulit ako at bumalik na lang sa messenger.

Mrs. Mortel:
Baka nasa flight. Ikaw na nga mismo ang nagsabi na kapag may flight ka tinuturn off mo ang cellphone mo

Oo nagtuturn off kami ng cellphone kapag oras na ng trabaho pero bago s'ya magturn off nagchachat muna s'ya sa akin, pero ngayon 'di n'ya ginawa.

Pogiayibotomichaelayipakainsaaso:
Baka lowbat lang

Lowbat? Grabeng lowbat naman 'yan. Buong araw talaga lowbat?

Mrs. Dankworth
Wag mong istress ang sarili mo yvette baka nasa ibang bansa sya ngayon or di kaya nasa pilipinas lang tapos mahina lang signal nya

Nang dahil sa sinabi na 'yon ni Camari Camari biglang nabuhay ang puso ko. May be he just has a poor signal that's why he can't reply to me.

Hays stop overthinking, Yvette. Your man loves you, don't doubt him. Don't doubt his love for you. Hindi mo hawak ang oras n'ya. Hindi puwede na bawat minuto, bawat segundo ay dapat magkausap kayo. He has things that he needs to do. He has work that's needs to be put on priority.

Bakit ba ako nag iisip ng kung anu-ano? Di na 'to nakakatuwa. At tiyaka minsan rin naman kapag nasa flight ako nakakalimutan ko na mag-update sa kan'ya, sinasabi ko lang na nasa ganito na akong lugar kapag nakababa na ako ng eroplano.

Hindi ko alam kung nakakailang buntong hininga na ba ako pero ang alam ko kanina ko pa 'to ginagawa at ngayon ginagawa ko na naman. Ibinaba ko na ang cellphone ko at pinatay na ang data. Dati naman di ako nagloload pero simula no'ng maging kami ni Benjamin araw-araw ng may load ang cellphone ko dahil nagtetext kaming dalawa. Ewan mas prefer kasi n'ya ang text kesa sa chat.

Pumikit ako at tumagilid. Siguro lalabas na lang ako ng room, magpapahangin sa labas para mawala 'tong negative vibes sa katawan ko. Tumango tango ako at kaagad na bumangon. Inayos ko ang buhok ko sa salamin habang ang mukha ay determinado na determinado.

I need fresh air.

Fresh air daw pero pulusyon naman ang nalalanghap.

Lalabas na sana ako ng room nang biglang magring ang cellphone ko kaya dinampot ko ito at binasa kung sino ang tumatawag.

Valkyrie calling.

Kaagad ko itong sinagot.

"Yvette, huy sorry..." Ang kan'yang boses ay parang nagmamakaawa na umiiyak. "Sorry talaga, Yvette di ko talaga sinasadya yung sinabi ko kanina. 'Di ko naman dapat 'yon isisend, eh. Tinype ko lang 'yon for myself pero imbes na ierase ko 'yon at magtatype ng bagong messege, eh nasent ko..." She was like panicking. Marahan naman akong natawa dahil sa tono ng boses n'ya.

Para s'yang bata.

"Yvette naman magsalita ka. Nagpapanick na ako rito."

Go girl magpanick ka. Deserve mo 'yan.

"Yvette? Tangina magsalita ka naman parang tanga." Kaagad namang nagbago ang tono ng boses n'ya. For sure iniirapan na ako nito.

"Grabe ka naman kasi magpaoverthink. Nag ooverthink na nga ako rito tapos gan'yan ka pa." Umakto ako na parang nagtatampo.

Lulubos lubusin ko na 'to.

"Sorry na 'di ko naman 'yon sinasadya. It was a pure accident. I didn't mean to overthink you. Sorry na at for sure naman 'di kayo magbebreak ng boyfriend mo kasi nagcheat s'ya sayo, sumbong mo sa Daddy mo ipafire mo."

"Hoy!" Natatawa kong saad. "Grabe na 'yan ha. Kanina what if lang tapos ngayon may cheating na nainvolve."

"Joke lang, Yvette! Pinapatawa la—"

"Puwes di ako natawa."

Saglit na natahimik ang kabilang linya. "Sorry na, promise 'di na mauulit. 'Di na ako magjojoke about that. Promise."

Hindi ako sumagot, 'di ko kasi alam ang isasagot ko sa kan'ya.

"Yvette sorry na...." ang kan'yang boses ay nanlalambing. "'Di ko naman 'yon sinaadya, eh..." Dagdag pa n'ya.

"Okay fine. Alam ko namang joke lang 'yon, eh. Ginuguilt trip lang talaga kita kasi deserve mo 'yon." Natatawa kong sagot sa kan'ya. Narinig ko naman s'yang napabuntong hininga at may maya maya lamang ay may binanggit na s'yang mga salita na tanging s'ya lamang ang nakakarinig.

"Alam mo tangina mo talaga."

"I love you too, Valkyrie." Ngisi ko.

"Hmpp! Bala ka na nga d'yan. 'Di na lang sana ako nagsorry sa'yo. Tangina mo talaga sobra. Ganito talaga kapag mabait ka, 'no? Madali kang makaramdam ng konsen—"

"Konsensya?" Natatawa kong tanong. "Konsensya ka d'yan wala ka, no'n." Umirap ako.

"Wow grabe, ha? Nagsorry na nga sa'yo 'yon tao tapos gaga—"

"Oh? Nagsosorry ka pala bakit gan'yan tono ng boses mo? Diba dapat kapag nagsosorry sincere? Ikaw na nga 'tong may atraso ikaw pa 'tong galit."

Natahimik naman ang kabilang linya.

"Eh sa ininis mo 'ko. Basta, Yvette. Sorry, di ko talaga sinasadya 'yong ginawa ko kanina. Dapat ieerase ko talaga 'yon pero napindot ko 'yong send. 'Di talaga 'yon sadya sorry na. At tiyaka halata naman na mahal ka no'n. Diba s'ya 'yong sa hot air balloon? No'ng akala mo 'di ko 'yon nakita." Nanunukso na ang kan'yang boses ngayon.

Ako naman ngayon ang natahimik.

"Mukha naman s'yang disente at okay. 'Di naman mukhang cheater at parang patay na patay s'ya sa'yo."

Ewan ko if matatawa ba ako or maniniwala sa sinabi ni Valkyrie. Halata namang bininilog lang ako nito, eh. May atraso kasi kaya kung anu-ano na ang sinasabi para lumubag loob ko.

"Ewan ko sa'yo. Sige na bye nagugutom na ako." Sagot ko at tumawa.

"Sige, bye na. Huwag ka na d'yan mag overthink, mahal ka no'n. Sure ako doon."

Matapos ang tawag ay kaagad akong lumabas ng room at habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong room boy. Ngumiti s'ya sa'kin kaya ngumiti rin ako sa kan'ya pabalik. Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang ground floor. Ako lang ang nasa loob ng elevator pero hindi naman ako natatakot. Itong hotel na 'to na kasi talaga ang pinag-s-stayan ko kapag nasa Manila ako. Nararamdaman ko nang bumaba ang elevator at hindi naman ako nahilo dito. Nang tumunog na ang elevator kaagad na akong lumabas dito at naglakad papalabas ng hotel. Siguro mag-s-street food na lang ako. Miss ko na kasing kumain ng street food. 'Yong huli kong kain nito kasama ko si Benjamin tapos ngayon ako na lang mag-isa. Nalungkot naman ulit ako dahil sa iniisip.

Baka bukas or mamaya tatawag na 'yon o 'di kaya ay magtetext.

Habang tumatawid ako ng pedestrian lane ay nararamdaman kong umiikot ang paningin ko kaya medyo napapikit ako.

Tangina ang init naman! Di naman tirik na tirik ang araw pero yung init ang sakit sa balat! Nakakahilo!

Nang nasa gilid na ako ng kalsada ay sumilong muna ako sa may puno para kahit papano ay di ako masinagan ng araw. Napalingon ako sa di kalayuan kung saan nakapuwesto ang isang maliit na cart na ang laman ay puro street food. May iilang tao na bumibili doon at tiyempo naman na makita ko 'yong kwek-kwek na hawak no'ng isang estudyante ay parang bigla bumaliktad ang sikmura ko. Nasusuka ako kaya dali-dali kong inalis ang mga mata ko sa hawak n'ya na kwek-kwek at tinutok na lang sa ibang lugar ang mga mata.

What is happening on me? Hindi naman nakakadiri o mukhang madumi yung kwek-kwek at higit sa lahat alam ko naman na malinis ang pagkakagawa at pagkakaluto ni Manong doon pero bakit parang naduduwal ako?

It's very unusual.

Siguro dahil sa init ng panahon kaya gano'n. Ganito kasi ako, eh. Kapag masakit ang ulo ay parang naduduwal na ako.

Siguro mas makakabuti sa'kin na bumalik na lang ng room at magpadeliver na lang ng food, dahil alam ko sa sarili ko na iba talaga ang pakiramdam ko.

Nang maramdaman na medyo 'di na maiinit ay kaagad na akong bumalik ng hotel.

I am not feeling well.

———————
Hi, my Little Pigeons! It's been a while. Sorry for a very very slow update, katulad kasi ni Yvette iba rin 'yong pakiramdam ko ngayon at bukod doon medyo mahina rin 'yong net dito sa'min dahil sa walang tigil na ulan. I hope all of you are safe and sound, guys. :>

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 218K 64
(#1) "YOU BITCH! HOW DARE YOU! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?! ARE YOU HAPPY THAT YOU RUINED MY LIFE?! gigil na sigaw niya sa akin at sinampal ako. "D...
50.7K 1.7K 4
"Please Audi, just one date" "Stop calling me Audi, only close people can call me that. Please call me Karson" he said in his usual serious tone. "Eh...
7.6M 219K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.8M 37.1K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.