ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z...

By tamadsiAko41

24.6K 453 10

Si Zhanielle ay lumaking 'di kilala ang tunay na magulang, at alam n'ya rin na ampon lang s'ya nang kinikilal... More

prologue
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
Epilogue

chapter 22

315 4 1
By tamadsiAko41

"Hi. Good morning." masayang bati ni Zach at hinalikan ako sa noo.

"Late tayong gumising ngayon, ah. Masarap ba ang tulog ng princess ko?" malambing nitong tanong.

Tinanguhan ko ito at ngumiti.

"Yes." paos kong sagot.

Tinignan ko ang ginagawa niya. Nagluluto siya ngayon para sa breakfast naming dalawa. Pinatay niya ang stove at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Inangat ko ang tingin at bahagyang pumikit. Sinakop ng malaking kamay niya ang mukha at hinalikan ang tutok ng ulo ko. Hinayaan ko nalang dahil gusto ko rin naman.

"Please. Sit there. I'll prepare your milk. Give me a seconds, my lady," sabi niya.

Pinaghila niya 'ko ng upuan. Nakatingin lang ako sa likod niyang topless habang nagti-timpla ng gatas ko.

Marahan akong napalunok at umiwas ng tingin. I'm sweating right now, for real. Early in the morning, why he's so hot? Ang lalaki ng butil ng pawis ko. Dahil ba sa kan'ya o dahil hindi pa 'ko naliligo? I think both.

This is not me! Hindi ako ganito mag-isip, ngayon lang.

"Here's your milk, my lady. Enjoy!" he said sweetly.

Bumalik siya sa lababo at kinuha ang mga niluto niya kanina.

Pagkatapos kumain ay sumandal ako sa upuan at inubos ang gatas.

Nagpaalam ako sa kan'ya na maliligo muna ako. Hinayaan niya 'kong maligo at huhugasan lang niya ang pinagkainan.

Lumabas na ako sa C.R. at kinukuskos ang ulo gamit ang tuwalya. Mas gusto ko ang tuwalya na pampatuyo sa buhok ko kaysa sa blower. Pag rush our lang ako gumagamit ng blower.

Nilapag ko ito sa gilid at umupo kaharap ng salamin. Tinignan ko ang sarili at napangiti. Ika nga nila, "Life is short, smile while you still have teeth.".

Rinig kong bumukas ang pinto hindi ko nalang pinansin at sinimulan ang pagbrush sa 'king buhok. May pumigil sa kamay ko at inagaw mula sa 'king pagkakahawak ang hair brush.

Inangat ko ang kilay habang nakatingin sa kan'ya sa salamin.

Ngumiti siya.

"Let me." hindi na ako umangal pa.

Tinignan ko lang ang repleksyon niya sa salamin. Looks like he enjoy it. Natatawa akong isipin na palagi siyang nagtatanong sa twing na susuklay niya ang nagkabuhol-buhol kong buhok dahil sa pagkuskos kanina. 

Tumikhim siya, habang nananatili ang tingin sa buhok ko.

"I like your hair..." he whispered, softly. Sinikop ng malaking kamay niya ang buhok ko. "Ang kapal ng buhok mo, tapos mahaba pa. Kaya mahaba rin ang pag-stretch ng braso ko. Hindi kaba naiinitan?"

Umiling ako.

Dahil na rin siguro na nasanay na ang sarili ko ay minsan lang ako nakaramdam ng init. Tuwing tanghali ko lang tinatali ang buhok ko dahil mas mainit ang panahon na 'yon.

Tanging kibitbalikat lang ang sagot ko sa kan'ya.

He looked at me in the mirror and smiled. "It's all done,"

Nagpasalamat ako bago tumayo. Kinuha ko ang tuwalya at sinabit ito sa banyo. Inabot ko ang pantali sa buhok na nasa lababo at sinuot iyon na parang bracelet.

Pagbalik ko ay nakita ko si Zach na naka-upo na ngayon sa kama. Hawak sa isang kamay ang cellphone ko at naka tukod naman ang isa.

Hinila ko ang silyang inupuan ko kanina at umupo paharap sa kan'ya. Madali lang niya akong tinaponan ng tingin at binalik agad 'yon sa cellphone. May napapansin lang ako sa tuwing nandito siya sa kwarto ko. Palagi niyang hawak ang cellphone ko, minsan nga ay nakakalimutan kong may sariling cellphone rin siya dahil nasa kan'ya na ang sa'kin. Kahit working hours ko ay kinukuha niya pa rin. Wala rin naman akong games sa cellphone, I don't know kung ano ang ginagawa niya.

"What are you doing, Zach?" Out of my curiosity, I asked him.

He sighs and placed my phone on the table. He looked at me and shrugged his shoulder.

"Just checking something not even important." he stretch his arms. "Come here, ark. I want you closer to me,"

Mahinahong pagkasabi niya.

Nagtataka ko itong tinignan. Siya na mismo ang humila sa'kin ng wala akong balak na lumapit. Mabilis niyang tinumba ang sarili sa kama kaya napaibabaw ako. Napasinghap ako nang ipinagpalit niya ang pwesto namin at nasa ibabaw ko na siya, ngayon.

Humawak ako sa dibdib niya upang mapanatili ang ispasiyo sa pagitan namin. Halos mag-abutan na ang tungki ng ilong namin sa sobrang lapit.

Marahan ko siyang tinulak papalayo ngunit hindi man lang ito natinag. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Close to each other, I get a chance to look at his beautiful but fearsome eyes. Eye to eye, I cannot find any words to say. Indeed, I'm speechless, leaving my brain unworking. While my heart is doing opposite, beating faster.

Naguguluhan ko itong tinignan ng ihinilig niya ang kan'yang ulo sa aking leeg. Hindi ako umimik at hinayaan siya. Marahan na sinuklay gamit ang kamay ko ang kan'yang buhok.

"What's wrong, Zach?"

Mahinahon kong tanong.

I know what he wants. Nagpapalambing na naman.

Bahagya niyang inangat ang ulo pero kaagad niyang ibinalik sa dating pwesto. Ramdam ko ang isang kamay niyang gumapang sa maliit kong palad at pinagsakilop. Mahinang narinig ko siyang nagbuntong hininga.

"Ayaw kong pumasok sa trabaho,"

Napa-angat ang kilay ko.

Ngayon ko lang siyang narinig ng ganito. Dahil minsa'y sinasabi niya sa'kin na bawal umabsent sa trabaho. Except kong valid reason naman.

"Bakit naman?"

Mula sa bedsides table ay inabot niyang muli ang aking cellphone. He opened like he owned it. Ti-nap niya ang messenger app ko at nag scroll. Wala naman siyang mapagdudahan dahil puro kalukuhan lang ang chat namin ni Lesley. Pero kahit na gano'n, he still invading my privacy. Importante man o hindi, need ko pa rin ng privacy.

Malalim niya 'kong tinignan nang inangat niya ang kan'yang ulo.

"I'm sick, ark…" mahinang tugon nito.

He's sick? Hindi halata,

Naalala ko pa kanina na ang sigla niya no'ng binati ako. Tapos ngayon, may sakit na siya.

"What?" ulit ko.

Kinapa ko ang leeg at noo niya kong mainit ba, normal lang naman. Napakasinungaling talaga nitong lalaking 'to. Gagawin ang lahat para lang mapansin.

Attention seeker.

Ngumiti ito bago ako sinagot muli.

"I'm lovesick, ark. Lovesick," he said, emphasizing the last words.

Namula agad ako at iniwas ang tingin. Mas dumoble ang tibok ng aking puso. There's an unfamiliar feeling inside of my stomach.

"Gano'n ba?" balewalang tanong ko, kahit na kinakabahan.

Mukhang hindi nito nagustuhan ang sagot ko at mabilis na inangat ang ulo kasabay ng isang kilay niya. Sa kan'ya ko lang talaga naf-feel ang dread aura. Lalo na kapag tinataasan niya 'ko ng kilay ay talagang naapakan ang ego ko. Bumabagsak ang pagiging maldita, minsan.

Minsan napapaisip ako, na sa dinami-rami ng babae sa paligid sa'kin pa talaga siyang nanligaw. Hindi ako mayaman, at sobrang layo ng agwat sa buhay namin ay ako pa talaga na tupakin ang pinili. Hindi ko siya masisisi, nararamdaman niya 'yan at hindi sa'kin.

Huminto ako sa pagsuklay ng buhok niya at nilagay na lang sa gilid ang kamay. Ngunit mabilis niya 'tong kinuha at binalik sa ulo niya. Hinayaan ko nalang don at hindi na muna gumalaw.

"Zach…" I paused. Kinakabahan kong sinulyapan siya ng tingin bago nilipat sa ceiling. "Why me?"

Kumunot ang noo niya at umalis sa ibabaw ko. Nanatili akong nakahiga pinipigilan ang sarili na tumingin sa kan'ya.

"Then, I ask you too. Why you?" he said and leaned his back at headrest, while still looking at me.

Tiningala ko ito at inirapan.

"Zach, 'wag mo nga akong sagutin ng tanong. Nakakainis ka!"

Rinig ko ang marahan niyang tawa at lumapit sa'kin. Humalik sa gilid ng ulo ko at nagsalita.

"My short tempered lady is now back."

Napapikit ako ng paulanan niya ng halik ang buong mukha. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

" You know, I always ask myself everytime I see you… Deserve ba kita?" mahinang sambit niya. "Nakakatawa, nakakahiya mang aminin. Pero ang mataas kong standard naglugmok nalang bigla. Mas tinaasan mo pa 'yon nang makita kita. Nakakabaliw isiping marami ang nagkakagusto sa'yo. Pero mas nakakabaliw isipin kung isa sa kanila ang magustuhan mo…"

Huminto siya sa gitna ng leeg ko at mabagal na hinalikan 'yon. Marahan ang mga kilos niya na para bang takot na may masaktan. Magaan ang mga halik na binibigay niya.

"Sounds selfish, right? That's the real me… Jealous and selfish… That two words my brothers even my parents described me. Just two kinds of attitude, two kinds of words, and perfectly describe me of who really I am. No need to describe my physical look, because my brothers and I have the same. Anyway, hindi kami parehas ng nagustuhan," ngiting tagumpay ito at pinagdikit ang noo namin. Malaya niyang pinagmasdan ang buong mukha ko at muli na namang pinugpog ng halik. "When I'm jealous, selfish always eats my whole system. Wanted you away from others. Minsan nga naiisip kong wag ka ng magtrabaho, at manatili ka nalang dito sa bahay at itago ka nalang habang buhay. I don't care about them, I care for you. Pero hindi ko ginawa ang nais ng isip ko, hindi pa naman ako matanda, kaya ko pang lumaban ng patas. When it comes to you, I'm being jealous and selfish man. Kaya 'wag ka ng magtaka kong pati ang kaibigan mong bakla pinagseselosan ko. Lalaki pa rin 'yon–"

Hindi ko na siya pinatapos sa kan'yang sasabihin.

"Zach, hindi ito ang ibig kong sabihin." putol ko sa kan'yang sasabihin.

Binigyan diin talaga niya kanina ang,           "When it comes to you", what's wrong with me ba guys?

I heard him sighed. Rinig ko pa ang mahihinang mura niya. Muntik na akong matawa ng marealize.

"Ark, sa dinami-rami kong sinabi ano ba ang gusto mong marinig? Hindi ko alam kong ano ang iniisip mo. Tell me, makikinig ako," mahinahong wika niya at muling umibabaw sa'kin.

Sinuklay ko pataas ang buhok niyang humaharang sa noo niya.

Humugot ako ng malalim na hininga at binuga 'yon. "Bakit nga ako? Hindi tayo magkapareha, at malaki ang pinagkakaiba natin sa isa't isa. You know, CEO ka tapos ako employee mo lang. Malayong malayo ang agwat natin sa isa't isa. Hindi–"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng maramdaman ang malambot niyang labi sa akin. Pinipigilan akong magsalita pa na hindi niya gustong marinig. Gigil niyang kinagat ang pang-ibabang bahagi kaya napa-awang ito ng kunti.

"Ark, wala sa trabaho ang pagmamahalan, mas lalong wala sa pera." hindi ko alam kong bakit niya nasingit ang pera. "Mas lamang ka sa kanila. Ang pera, trabaho, mawawala rin naman 'yan. Pero ang pagmamahal ko sa'yo ang hindi. Kahit anong pilit mong tulak sa'kin sa iba, uuwi pa rin ako sa'yo."

Napasapo nalang ako sa noo. Sumasakit ang ulo ko sa kan'ya, the same time kinikilig.

"Zach, tama ka naman–"

Sa puntong ito nakaramdam na ako ng inis. Ngunit agad iyong nawala at iniwan akong tulala na nakatingin sa kan'ya.

"I would rather be poor and in love with you, than being rich and not having anyone."

Binuka ko ang bibig ngunit walang lumalabas. Kita ko pa ang pag-angat ng sulok ng kan'yang labi. Binalik niyang muli ang ulo sa leeg ko at inamoy ako.

Hindi ko na alam kong ano na ang mararamdaman ngayon. Magkaka-heart attack ako dito ng walang oras. Tumawa ito ng mahina, napasimangot nalang ako.

Sinuot niya ang kamay sa ilamlim ng damit ko. Ramdam ko ang kamay niyang humawak agad sa maliit kong baywang. Bahagyang humahaplos.

Halos mapapikit nako ng tinawag ko siya sa pangalan na parang nagmistulang ungol.

"Zach…" mahinang tinig kong sambit.

Lumakas ang tawa nito mas lalong pinag-igihan ang ginagawa.

Nakaramdam ako ng inis. Parang pinaglalaruan niya ako dahil tumatawa siya. Pakiramdam ko'y gusto kong sipain siya hanggang mawalan siya ng malay.

"Stop!" nagtitimping saad ko.

Sinunod naman nito at mabilis na bumitaw. Hindi parin siya tumigil sa kakatawa.

Huminto ito at tumingin sa'kin, nakaukit parin sa kan'yang labi ang ngiti. Inirapan ko nalang ito at tinulak papalayo. Nagpatianod naman siya at umupo sa dulo ng kama. Habang nananatili ang tingin sa'kin. Umupo rin ako kagaya niya at umusog ng kunti papalayo.

"Your blushing," nang-aasar niyang saad.

Iniisip ko ang sarili na may namumulang mukha hindi dahil sa kilig kundi dahil sa inis. Minsan rin nakakainis siya. Napapaisip rin ako na ano kaya ang feeling pag masapok ko siya? Satisfying siguro.

Tumawa itong muli ng makita ang reaksyon ko. Napakamot nalang ako sa kilay at tumayo para umalis.

Wala rin namang silbi ang manatili dito, lalo na kong kasama mo ay may sayad. Nakakawalang gana, mas mabuti nalang siguro na pumasok ako sa trabaho ngayon. Kaya ko pang pagtiisan ang pagiging malandi ni Aljean buong araw.

Tinakpan ko nalang ang tainga para hindi marinig ang boses niya.

Hindi pa 'ko nakakahakbang ng may humawak sa pulsuhan ko at mabilis na hinila. Ngayon ay naka-upo na ako sa kandungan ni Zach. Mabilis na pumulupot ang maugat niyang kamay sa maliit kong baywang.

"Where are you going? Dito lang tayo, 'wag kang lumabas." malambing niya sabi.

May kong ano na naman akong nararamdaman sa tiyan ko. Binalewala ko nalang at pilit na kumawala sa bisig niya. Siya naman ay hinigpitan ang pagkakakapit.

Still, naiinis pa rin ako sa kan'ya.

"You're annoying, Zach! Super!" I hissed.

"I'm sorry, lady, I'm so sorry. I didn't mean it." he apologize sincerely.

He didn't mean it? Kapal ng mukha! Pinagtawanan niya 'ko ng walang dahilan. Nababaliw na siya. High, na siguro 'to sa drugs.

Hindi ako umimik at pinagmasdan ang repleksyon naming dalawa sa malaking salamin. Nakatagilid ang mukha ni Zach kaya kaharap niya ang leeg ko ngayon.

Looking at our reflection in a big mirror, we have the vibe of a couple mafia. 'Yong vibe lang, hindi kask kami mafia. All black ang suot namin ngayon, papuntang lamay, lamay sa dating sarili ni Zach na nawala.

Naalibadbaran akong tumingin sa mahabang bangs ni Zach na humaharang sa mga mata niya. Kinuha ko ang pantali sa pulsuhan ko at tinali 'yon sa buhok niya. Hindi naman ito umangal at hinayaan ako sa gusto kong gawin. Pumikit pa ito na para bang nagustuhan niya ang ginagawa ko.

Akalain mo sa style ng buhok niya kala mo hindi CEO at para lang isang estudyante. Healthy pa ng buhok niya at malambot. Dinaig pa ang buhok na parang bahay ng ibon.

"Ganda ng buhok mo. 'Wag mong pagupitan." suggest ko.

"Okay…" mahinang sang-ayon niya.

"Hoi! 'Wag ka nga, nagbibiro lang ako." mabilis kong bawi sa sinabi.

Hindi ko naman na sasang-ayon agad siya. Hindi naman seryoso 'yong sinabi ko kanina. Pero nasa kan'ya na 'yong desisyon, buhok niya 'yan alangan naman na ako ang magsasabi kong kailangan niyang ipagupit ang buhok.

Takot ko lang sabihan na pala desisyon.

Hindi siya nakinig at ngumiti sa'kin.

"Gusto mo ba ang long hair?"

Hindi agad ako nakasagot. Napakurap ako ng ilang beses at napatayo. Isang beses akong napahakbang paatras. Hindi bumitiw ang kamay niya at nanatili sa sa baywang ko.

Long hair?... Yes, I do, I like long hair. Kaya nga hindi ako magpapaputol ng buhok kasi gusto ko mahaba. Gusto ko kasing marami ang style ng braids na magagawa sa buhok ko. Hairstyles kumbaga, kagaya sa nakikita ko sa mga video. Nice kasi siyang tignan. Kaysa kong maikli ang buhok ay hindi ko magagawa ang gusto na style.

Minsan rin naman naiinis ako sa buhok ko dahil nga mahaba ito. Pagdating kasi sa pagsuklay ay napapasubok talaga ang hindi kahabaan kong braso. Lalo pa kong nagkabuhol-buhol at hindi ko masuklay ng maayos. Napapaisip na nga ako na magpakalbo nalang para hindi na ako mahihirapang magsuklay. But, I love my hair, so much. Ilang taon ko rin itong hinintay na maging ganito kahaba, tapos puputulin ko lang? Asa.

Tumango ako.

"Oo. Feeling ko maganda rin sigurong tignan ang lalaki pag mahaba ang buhok. Hindi ka naman mapagkakamalan na bakla agad dahil lalaki ka naman kumilos. Saka para kasing nakakasawang tignan ang lalaking pare-pareha lang ang haircut, maiba naman 'yong parang may pagka wolf cut." sabi ko habang in-imagine ang gusto kong resulta. "Astig kasing tignan, tapos parang mas nagiging gwapo. Malakas kasi ang datingan,"

May mga babae nga'ng wolf cut ang kanilang haircut, bumabagay naman sa kanila ang gano'n. Minsan na rin akong natukso na magpagupit na kagaya sa kanila. Kaso nga lang napagalitan ni Nanay, bakit ba daw ako gumagaya sa kanila pa'no nalang kong hindi bumagay sa'kin? o di kaya ay pagsisihan ko dahil nasasayangan sa buhok ng ilang taon ring inalagaan.

Kaya hindi na talaga ako nagpadala sa tukso, baka pagsisihan ko lahat ng haircut at tuluyang akong makalbo. Panis na ang ganda natin d'yan. Ngayon ay binalewala ko nalang ang nakikita kong haircut na minsan ay mga boyish ang may gano'ng klaseng style. Napapahanga ako pero 'di na 'ko naiinggit.

Takot ko lang.

"Bakit mo nga pala natanong?"

Umiling ito at ngumiti habang naka tingala sa'kin.

"I just want to know,"

Ganito pala ang feeling na tinitingala 'no? Sana mangalay leeg niya. Ako nga nangangalay leeg ko kakatingala sa lalaking 'to, narinig niya na akong nagreklamo. Syempre, wala. May kaunting pasensya pa naman akong natitira.

May pumasok naman sa isip ko.

"Ikaw ba mahilig ka sa magaganda?" tanong kong muli.

Kita ko ang pag-angat ng sulok ng kan'yang labi. Mukhang natutuwa sa tanong ko.

"Oo, kung ikaw 'yon." sagot niya kaagad.

Hindi ako umiwas ng tingin ngayon at hinayaan siyang makita ang namumula kong pisngi. Siya naman ang dahilan kong bakit ganito ngayon ang mukha ko, face the consequences.

Itong isip ko kung ano-ano nalang ang naiisip. Hindi marunong mag behave.

"Pa'no kong pangit ako?" muli ko na namang tanong.

Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya nang sumagot siyang muli sa tanong ko.

"Oo pa rin. Ikaw naman 'yon at hindi iba."

Pangalawa na niya 'to naka lusot siya. Wait, there's more.

"Tapos maitim ang balat?"

"I don't care, as long as it's you."

Walang pagda-dalawang isip niya na sagot. Wait lang may pang-apat pa. Q&A to 'e, sa'kin mismo nanggaling ang mga tanong, hindi na 'yon sinulat at pinag-isipan ng mabuti. Kong ano ang lumabas sa bibig ko final na 'yon.

"Hindi ka maghahanap ng ibang babae?"

Kumunot ang noo nito at taka ako tinignan.

"Hindi. Bakit pa 'ko maghahanap ng ibang babae kong ikaw naman ang hinahanap ko."

Kahit na mahinahon lang ang pagkasabi niya ay ramdam kong naiinis na siya. Kaya mas lalo kong naisipan na tanongin siya bilang ganti sa pagtawa niya sa'kin kanina. Typhoon Zach is waving. Siguro no'ng umulan ng inis ay sinalo ko na ang lahat tapos si Zach naman ay tulog sa panahon na'yon, kaya id-donate ko nalang ngayon kay Zach para hati kami. Share your blessing di ba? Huwag tayong makasarili.

"Bakit hindi ka maghahanap ng ibang babae? Pangit ko na nga tapos maitim pa. Kong ibang lalaki pa ay maghahanap na agad sila ng iba at iwanan ng walang pasabi. Dahil maiisip nila na magiging pangit rin ang kanilang anak dahil magmamana ito sa kan'yang Ina–"

"Pakialam ko sa kanila! Hindi naman sila ako! Ikaw nga 'yon! Kaya hindi ako maghahanap ng iba! I don't care kong maitim ang balat pangit ang mukha, ikaw naman 'yon 'e! Ikaw 'yon! Ikaw lang ang nagustuhan ko ng ganito. Kong ang anak ang pag-uusapan… My genes are strong, ark. Kahit subukan pa natin ngayong gumawa… walang problema sa'kin,"

Nagagalit niyang putol sa'kin. Masama ako nitong tinignan at padabog na tumayo. Hinila ako nito papalapit sa salamin at pumwesto sa likod ko. Ngayon ay nasa harapan na ako ng salamin naka tingin sa kan'yang repleksyon na nasa likod ko.

"Let me remind this to you, hindi magkakatotoo ang halimbawa mo sa sarili. Tignan mo ng maigi ang iyong sarili sa salamin. Malayong malayo, sa tingin mo ang balat na 'yan maitim. Maitim na 'yan para sa'yo? Marami ang gusto sa katulad ng iyong kutis. Ang iba nga ay may kong ano na ang ginagamit. 'Yang mukha mo, pangit na niyan para sa'yo? Really? Ano na ang nakikita mo sa tuwing humaharap ka sa salamin?"

Unggoy… 'yan ang nakikita ko sa salamin. Biro lang, pag humaharap kasi ako sa salamin ay hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang mukha ko. Sa kilay kasi ako minsan nakatingin, minsan nga ay tinatarayan ko ang sarili sa salamin. Natutuwa kasi akong makita ang sariling kilay. Maldita tignan, lalo na kong tinataas.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. May iba pa akong narinig sa sinabi niya kanina.

"So, may iba ka ng nagustuhan bukod sa'kin? Mga ilan sila?"

Inangatan ko ito ng kilay. Tumingin ito sa aking repleksyon at problemadong napahugot ng hininga. Why not sagarin natin ang pasensya ni manong. Minsan lang naman.

Nakapamaywang na itong tumingin sa'kin ng mariin. Inosente ko itong nginitian na para bang hindi ako ang dahilan ng kan'yang pagka bad mood.

"Wala ng iba, ikaw lang. Hindi ako mahilig sa maganda kong hindi ikaw 'yon. Kaya please, stop asking nonsense. Maaga akong tatanda sa'yo. Ikaw lang talaga ang dahilan kong bakit sumasakit ang ulo kahit wala pa tayong anak, napakatigas ng ulo mo. Hindi lang ulo ko pinapasakit mo pati na rin puson ko sumasakit."

Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. Hinarap ko ito at humawak sa braso niya.

"May sinasabi ka? Paki ulit hindi ko marinig 'e," mataray kong saad.

Umiling ito at hinila ako papalapit.

"Wala naman akong sinabi. Pikonin mo talaga." naglalambing nitong saad.

Tumikhim ako at humiwalay sa kan'ya.

"Ayusin mo buhay mo, Zach, makakatikim ka talaga sa'kin."

Tumawa ito at umiling.

"Oh fvck, matagal na akong nakatikim sa'yo." he said while still laughing.

"Ikaw rin ayusin mo buhay mo... Papakasalan pa kita."

Hindi ko na ito pinansin dahil wala naman akong narinig. Bumubulong 'e. Nagriritwal ata.

Continue Reading

You'll Also Like

4K 447 54
Pag di ka crush ng crush mo abay ipilit mo. Pero paano kung yung lalakeng gusto mo may gustong iba and worst yung gusto nya kaibigan mo pa. Ipipilit...
4M 167K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
139K 3.2K 41
Prologue: "hi!" Bati Ng kasing edad ko lng na bago Kong amo "H-hi s-sir!" Nakayuko Kong Sabi dahil ilang araw palang ako dito sa bahay nila "Nice bo...
185K 1.8K 34
Numerical Series #1 Denise, a happy-go-lucky, was raised in a loving family. And yet, she fell in love to someone who's cold, snobbish, and grumpy. S...