One Word to Forever

By My_Erzulie

2.8K 105 7

Kung nasaktan ka ng taong mahal mo at iniwan ka sa oras na pinaka-kailangan mo siya handa ka bang patawarin s... More

Introduction
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty one
Twenty two
Twenty three
Twenty four
Twenty five
Twenty six
Twenty Seven
Twenty eight
Twenty nine
Thirty

Ten

82 3 0
By My_Erzulie

Claire's POV

Hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang lalaking ito.

Nagdadalawang isip ako kung sa hotel na lang o kung sa bahay.

Kasi, kung sa hotel baka mapano siya ro'n wala siyang kasama.

Kung sa bahay naman, baka magkita sila ni Georgina. Hindi malayong mangyari.

Sa hotel na lang kaya? Sige.

Dumaretso kami sa hotel at nagpa-assist ako sa mga stuff ng hotel. Luckily, they helped us in.

Nag-check in na ako para sa kanya.

Pagkatapos, pinaalis ko na sila at sumakay kami sa elevator.

"There you are..." -Jack

"Sa susunod nga huwag kang maglalasing kung hindi mo naman kaya."

"Sino bang may sabing puntahan mo ako? Naabala ka pa tuloy." Lasing na sabi niya.

"Hindi naman talaga kita pupuntahan eh. Nakiusap lang 'yung bouncer na puntahan ka."

"So, wala ka talagang balak na sumipot?"

"I took my time to rest."

Hiniga ko siya sa kama kahit na ang dami niyang sinasabi.

"Dalhin mo ako sa cr susuka ako."

So, dinala ko siya sa cr gaya ng sabi niya.

Binuksan ko ang shower para mahimasmasan siya.

"I'm leaving. Bahala ka na sa sarili mo."

"Iiwanan mo ako ng ganito?"

"Noong ako ang iniwan mo, tinanong ba kita? I don't have any business with you."

Tumalikod ako sa kanya pagharap ko nakatulog na siya.

I think hindi ko siya dapat iwan ng ganyan.

Tinuyo ko ang katawan niya mula taas hanggang ibaba.

Pinalitan ko rin siya ng damit.

Matapos ko gawin ang lahat nag-iwan ako ng letter para sa kanya saka na ako umalis ng hotel at umuwi na sa bahay.

Kinabukasan...

Jack's POV

Medyo masakit ang ulo ko pagkagising ko.

I wonder kung sino ang nagdala sa akin dito.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko sa table kung nasaan nakalagay ang lamp, may naka-ipit na papel.

"If you cannot take care of yourself when you're drunk, don't go. Just drink inside your home. I'll do it once and never again."

So, I guess kilala ko na 'to. Wala naman ibang gagawa nito kung hindi si Claire.

Honestly, kinilig ako kahit hindi ko maalala mga nangyari.

Nag-effort pa rin siya na puntahan ako at inalagaan pa kahit sandaling oras lang.

Umalis na ako sa hotel dahil wala naman akong balak na magtagal. Dinala ko rin ang sulat ni Claire.

What if... Puntahan ko siya? I already knew where she lives in here (Makati).

Remember the time na nagkita kami at nagalit siya sa akin? I've had the chance to know her address.

Pupuntahan ko siya to say thank you.

Sumakay ako sa taxi para mabilis na makarating.

Few moments later...

Kumatok ako sa gate para kasing walang tao.

In a few minutes, I saw Claire na lumabas sa pinto.

She opened the gate, finally.

"You?! Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Did you stalked me?"

Her eyes look serious.

"Wait. I'm here to say thank you for taking good care of me last night. You still care."

"Paano ka naman nakakasiguro na ako ang tumulong sa'yo?"

"Handwritten mo 'to 'di ba?"

"Okay sige. Hindi porket ginawa ko 'yon, I will do it again. Besides, we don't have any business together bukod kay Geor---"

"What? Bakit hindi mo itinuloy?"

"Nothing."

"Is it Georgina?"

"What are you saying?"

"Oh come on. Si Georgina Francisco ba ang anak natin?"

Claire's POV

Like... WTH?! Paano niya nalaman?

"Sino'ng Georgina Francisco ang sinasabi mo?"

"Kaklase siya ni Anton at kaibigan din. Nagkita na kami. So, tell me, siya ba?"

"Umalis ka na. Huwag kang magkakamali na bumalik dito."

"Ma? Tito Jack?" -Georgina

Nakatayo lang hindi kalayuan mula sa amin si Georgina.

Hindi ko napansin na nandito na siya.

Kabado ako na magkaharap na silang dalawa.

Hindi dapat ako magkamali sa mga sasabihin ko.

"Georgina? Kanina ka pa ba?"

"Kadarating ko lang po. You know each other?" She smiled.

"Ah! No, actually nag-iinquire siya so, ako naisip niyang photographer that's why he's here."

"Personal po talaga? Hindi po ba tumatawag po mga clients niyo sa'yo?"

"Ewan ko ba sa kanya. 'Di ba Mr. Jack?"

"Ah oo." -Jack

"Pumasok ka na sa loob ako na bahala rito."

"Ah sige po, ma. Tito Jack, mauna na po ako."

Tumango na lang din si Jack.

"Seriously, Claire? Client lang ang pakilala mo sa 'kin?"

"Ano'ng gusto mo? Ipakilala kita bilang ama niya? Nagpaka-tatay ka ba sa kanya? Hindi naman 'di ba?"

"Alam ko malaki naging kasalanan ko sa'yo. Pero huwag mo sanang ipagkait sa'kin si Georgina."

"Hindi ko siya pinagkakait sa'yo. Ikaw, ikaw 'yon na pinagkaitan siya ng pagmamahal ng isang ama. Alam mo ba? She's longing for her father's love. Kaya kung nilalayo ko man siya sa'yo, pinoprotektahan ko lang ang anak ko."

"Bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon."

"Kilala mo naman ako 'di ba? I don't believe in second chance. So, leave and don't come back."

"Hahayaan mo na lang ba na hindi niya makilala ang tatay niya?"

"Is she deserving to know you?"

"Hayaan mo na lang ako na ipadama sa kanya ang pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ako magsasalita ng kahit anong tungkol sa atin."

"Matagal ng patay ang relasyon natin kaya huwag mo ng hukayin pa."

"Aalis na ako. Mag-iingat kayo."

"Huwag ka ng babalik, hindi ka namin kailangan."

"Galit ka lang kaya mo nasasabi 'yan."

"Go!"

Umalis na siya finally. What I expected is sasabihin niya ang totoo kaya kabado talaga ako kanina.

Nagtaka lang ako bakit hindi niya ginawa 'yon.

Siguro ayaw niyang mabigla si Georgina.

Iniisip ko rin na baka magalit lang si Georgina sa aming dalawa.

Honestly, hindi ko pa talaga alam kung kailan ko sasabihin ang lahat.

Wala na rin talaga akong balak na ibalik si Jack sa buhay ko.

Sa buhay siguro ni Georgina pwede pa.










Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 30.8K 24
"I can listen to your thoughts!" I whisper panicking again. He begins to smile while I back away. Oh moon goddess I'm sure he will kill me now. No I...
8.5K 90 10
part 1 palang ang kalat na😭😭 not for kids hoooi
819K 50.1K 115
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...