The Author's Crime

By mystinb

71.1K 1.5K 855

AKIYAH PRICE M. BUSTON -Dahil sa aksidenteng nasangkutan niya ay nagkaroon ito ng severe trauma na nag dulot... More

The Author's Crime
Chapter 2- I'm Ready
Chapter 3- Strawberry
Chapter 4-Dino
Part 5- Pain
Chapter 6- Lunch
Chapter 8- The Letter
Chapter 9- I'm Rich
Chapter 10- Hiding
Chapter 11- Kiss
Chapter 12-Memory
Chapter 13- The Author
Author's note
Chapter 14- A cry of despair
Author's note
Chapter 15- Suyuin si Ma'am
Chapter 16- First day of school
Chapter 17- Date
Chapter 18- The glimpse
Chapter 19-Lunch
Chapter 20- Confession
Chapter 21- birthday gift

Chapter 7- IG post

2.2K 75 53
By mystinb


Pabagsak akong humiga sa aking kama pag kauwi ko ng bahay.

Parang binugbog yung katawan ko pati utak ko sa sobrang daming ginawa sa school kanina. Recitations, quizzes, reporting and di pa nakontento binigyan pa kami ng sandamakmak na assignments. Di ba pwedeng ienjoy ko weekends ko bukas?

Tumayo na ako para maligo at mag bihis. Naalala ko kasi na sasamahan ko si Marie mamaya sa arcade. I looked at the wall clock, 4:30 palang. Ang usapan namin ay susunduin niya ako dito sa bahay mamayang 5:30.

Pagkatapos kung naligo at magpatuyo ng buhok ay nagbihis na ako at bumaba sa sala para doon na hintayin si Marie.

I was sitting in the sofa while being busy with my phone ng makarinig ako ng halakhak sa sa 2nd floor. Nakita kung pababa ng hagdan si Mommy pati narin si Tita El. Binubuhat ni Tita El si Mommy parang katulad ng napapanood ko sa tv na binuhat ng Groom yung Bride niya pagkaalis nila ng church.

Nagulat sila ng makita nila akong nakaupo sa sofa.

Bababa na sana si Mommy sa bisig ni Tita El pero hinigpitan niya lang ang hawak niya dito. Dahan dahan siyang naglakad sa kaharap ko na sofa yung pang isahan lang at umupo habang si Mommy naman ay nakaupo rin sa lap ni Tita El. Ngumiti ng napakatamis si Tita El sa akin habang si Mommy naman ay tahimik lang na nakayuko.

"Kala namin mamaya pa ang uwi mo. Usually, 5pm ka pa umuuwi dito sa bahay kasi ayaw mo makihalubilo sa mga student na nag sisiuwian ng 4pm. At mukhang may lakad ka."

Malambing na sabi ni Tita El habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Wala naman kasi akong choice kanina, kundi ang umuwi ako ng maaga kasi nga may lakad ako with Marie.

Di ko siya sinagot at patuloy lang akong nakatingin sa kamay niya, na ngayon ang nakahawak sa bewang ni Mommy habang wala paring kibo at nakayuko.

Kinakabahang tumawa si Tita habang inaalis ang kamay sa bewang ni Mommy and she cleared her throat.

" Masakit kasi paa ng Mommy mo kanina at di makalakad kaya binuhat ko siya pababa dito. Bigat nga niya eh." pigil tawa ni Tita habang may mapang asar na ngiting nakatingin kay Mommy.

Hinampas ni Mommy sa balikat si Tita at kinurot sa tagiliran. Tumawa lang ito ng malakas habang iniiwasan ang mapanakit na kamay ni Mommy.

Naguguluhan ako.

Ganito ba talaga ang mag bestfriend? I didn't experience having one, yun yung alam ko. Wala naman siguro akong bestfriend dati kasi wala pa ni isang kaibigan ang bumisita sa aking or nag pakita matapos yung aksidente. I smiled at them lovingly. They are so happy with each other. Sana magkaroon din ako ng bestfriend, I want to have this kind of relationship with someone.

Tumigil si Mommy kakakurot kay Tita. siguro ay napagod din ito. They looked at me kaya naman ay kinausap ko sila.

'I want to have a bestfriend like tita in the future too. I think having a bestfriend is a good feeling right?'

nagkatinginan silang dalawa at ngumiting nakatingin sa akin habang sabay na napatango.

'Sa sobrang ganda ng relationship niyo po ay iisipin ko nga mag jowa kayo e. I saw you kissing in the garden. Is that normal between bestfriends?'

inosenteng tanong ko sa kanila. Nawala bigla ang mga ngiti sa kanilang mga labi at agad na namula ang kanilang mukha. Mabilis na umalis si Mommy patungong kusina. Kala ko ba masakit paa nun? Tumingin ako kay Tita na hanggang ngayon ay namummula pa rin.

"B-baby Aki, a-ano kasi-" di na nito natuloy ang kanyang sasabihin ng may nag doorbell.

Baka si Marie nayun. Narinig ko ang malakas na pag buntunghininga ni tita pero di ko na yun pinansin.

Mabilis akong tumayo at tumakbo papuntang kusina. Nag paalam na ako kay Mommy na aalis na. Hinalikan ko ito sa pisngi habang ito naman ay uminom lang ng tubig at tumango. Di man lang makatingin sa akin. Ganun din ginawa ko kay Tita. katulad kay Mommy ay tumango lang ito ng hindi nakatingin sa akin. Ang weird naman nilang dalawa.

Pagbukas ko ng pinto ay agad ko rin siyang nakita na nakatayo sa malapit lang. She's wearing a simple white long sleeve, with a maong pants, a black canvas shoes and a rayban shade. Tangina, walang araw pero nakashades? Mukhang langaw ang futa.

"Wow, ang pogi mo naman AkI" Nakangiti niyang puna sa akin. Tiningnan ko lang siya ng malamig at dere-deretsong pumunta sa kanyang kotse at umupo na sa passenger seat. Inuuto niya ba ako? Ang simple na nga ng suot ko eh. I'm just wearing black hoodie, a black trouser and a pair of white sneakers.

Pinakyuhan ko siya para malaman niya na kailangan na naming umalis. Mabilis siyang naglakad papuntang driver's seat habang nakasimangot at nakanguso. Kala niya ikinaganda niya yang pagnguso niya, nag mumukha lang siyang puwet ng pato.

"Eto na! Ang bastos mo talaga Aki. kung nakakapagsalita ka lang siguradong puro kabastusan yang lumalabas sa bunganga mo." Nakasimangot niyang sabi habang pinapaandar ang kanyang sasakyan paalis sa bahay namin. Nag sermon pa nga kala niya naman ang mature niyang pakinggan, eh baliktad nga yung suot niyang longsleeve. Pero syempre di ko sasabihin yun sa kanya kasi nga kabastusan lang daw ang alam ko. Pinakyuhan ko siya uli at humalukipkip na.

"Hoy yung kamay mo baka gusto mo imassage ko gamit martilyo? Apaka bastos. Baka nakakalimutan mo mas matanda ako sayo Aki!" 3 years lang naman gap namin ah? Kala mo naman may napatunayan na sa buhay, kala mo ikakayaman niya yang pagiging matanda niya kaysa sa akin.

Di ko nalang siya pinansin at patuloy lang sa paghalukipkip habang nakatingin sa labas ng bintana. It's already 6:17 in the evening medyo nalate kasi yung tanda kaya medyo late na rin kami naka alis papuntang arcade. Nilabas ko ang phone ko and took a few photos then posted something on my instagram. Kailangan ko mag update sa mga followers ko char.

Di nag tagal ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Nagulat ako sa aking nakita kasi akala ko sa mall yung punta namin pero hindi pala. Parang isang simpleng 3 story building lang siya pero pagpasok mo sa first floor ay bubungad sayo ang iba't ibang restaurang at fast food chains, meron din mga stalls ng iba't ibang pagkain. I can see a stall na nagbebenta rin ng street foods. Magniningning ang aking mga mata sa mga nakita. 

Pupunta sana ako sa isang stall para bumili ng pagkain ng walang pasabing hinila ako nito papuntang escalator. Hinampas ko ang kamay nito sa sobrang inis, Nandun na sana eh. Malapit na akong makabili nung french fries na kahapon ko pa kinicrave. I pouted at her and took one step pataas. Ayaw kung makasabay sa escalator baka mabigwasan ko to ng wala sa oras.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong 2nd floor. Di ko maiwasang mapangiti sa sobrang pagkamangha sa lugar. Ang daming pwedeng laruin dito at mayroon ding mga old gaming machine na gustong gusto ko. Mayroon din kasi akong sariling arcade sa bahay pero iba din ang feeling pag pumunta ka sa lugar na intended for arcade only.

Kaunti lang ang tao dito kaya I'm very comfortable right now. Dahil siguro sa membership card na meron ang lugar na ito kaya restricted lang ang makakapasok. Yun yung sabi ni Marie kanina. Nilingon ko ang babaeng kasama ko at ayun nakatutok sa phone niya. Nagbuntong hininga ako and hold her wrist. Kinaladkad ko siya sa may shooting machine chuchu para maglaro.

"Saglit lang Aki. ipopost ko lang to sa ig ko" binitawan ko siya and hinintay na matapos siya sa kanyang kinukulikot sa phone niya. I rolled my eyes and grabbed the card. Meron kasi silang card para yun yung gamitin as a form of money. Iswaswipe lang siya sa machine na gusto mong laruin and then boom. You can play as much as you want.

Di nagtagal ay narinig kong tumunog yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa at tiningnan. Kumunot ang mukha ko at humarap sa kasama ko na ngayon ay busy na sa pag shohoot ng bola.

Hinampas ko ang kanyang ulo para makuha ang kanyang pansin. Nagulat ito sa aking ginawa at napalitan din ng takot.

'Bakit nag comment si Ma'am Viel sa post mo?'

She sighed in relief. May pahawak pa sa dibdib eh. Ang OA talaga.

"Kala ko magagalit ka sa akin kasi pinost ko paa mo" mangiyak iyak niyang sabi. Uso ba ngayon ang tatanungin kita pero malayo ang isasagot mo sa tanong ko?

'Bakit nag comment si Ma'am Viel sa post mo?' pag-uulit ko sa tanong ko.

"Kasi mag pinsan kami?" sagot niya with her "di ba obvious" face

'MAGPINSAN KAYO?!'

"Aray ko naman Aki! Nakakadalawa kanang batok ah!"

Hinampas niya ang balikat ko para ganti. Ang sakit ng hampas niya gagi. Naalala kung volleyball player pala to. Ang bigat ng kamay. Lesson learned wag kakaibigan ng volleyball player or di kaya mag jowa kasi madidislocate mga internal oragans mo sa sobrang lakas humampas,

"Yes, magpinsan kami ni Ate V. kasi nga Valencio yung middle name ko, remember?" she rolled her eyes at me. Aba malay ko ba sa middle name niya. Kailangan pa ba yang malaman?

"Halika na nga doon sa claw machine kunan mo ko nun dali!" hinila ako nito palapit sa claw machine na puro unidentified white bear-like objects.

'Yoko'

"Dali na akiii. Kahit isa lang pleeease"

napangiwi ako kasi naman nag pacute pa sa harap ko. Di naman cute. Mukha siyang butiki na di naliligo.

Naliligo ba ang butiki?

Bakit yung tae ng butiki ay separated yung white at black? Hinampas ko ang ulo ko. Ang dami daming kung problema dumagdag pa to.

I fished out my phone and took a picture of her. Di ko siya crush for your info. Gusto ko lang malaman kung mag cocomment din ba si Ma'am sa post ko. Pagkatapos kung ipost ang picture ay mabilis akong tumabi kay Marie para tulungan siyang kumuha ng puting oso. Pero kahit anong gawin ko ay di makuha kuha. Ang daya naman ng machine na to. Bakit yung claw machine sa bahay madali lang naman kunin yung laman ba't ito hindi?

Umupo ako sa railings ng lalagyanan din ng mga stuffed toy. Hinayaan ko muna siyang magsawa kakasubok kunin yung oso. Kasi naman nakakahiya siya, kanina pa kami tinitingnan ng mga tao dito kasi sobrang ingay nito. Palibhasa bingi kaya di niya marinig kung gaano nakakairita ang boses niya. I just diverted my gaze at my phone.

Ang daming nag likes and comments sa post ko pero ni isa wala si Ma'am doon. I sighed and put my phone back in my pocket. Imessage ko kaya siya sa insta? Nahihiya ako huhuhu.

"Aki, post ka dali! Kunin mo yang dinosaur na stuffed toy tas picturan kita. Ipost ko ulit sa ig dami kasi likes nung pinost kita eh" excited niyang sabi habang kinukuha ang phone niya sa kanyang bag. Clout chaser ang futa. tsk.

I looked at my back kung saan nakalagay ang mga stuffed toys. Hinanap ko kung nasaan ang dinosaurs pero wala. Aso, elephant at sharks lang yung nasa likod ko. Malamig ko itong tinignan. Ang gandang babae pero ang bobo. Laglag balikat kong kinuha ang isang stuffed toy na shark sa likod ko at niyakap. Makikipag cooperate nalang ako baka kasi magwala pa ito mamaya.

"Magpacute ka Aki. Napaka-awkward mo naman" inis niyang sabi.

'Yoko'

walang gana kong sabi at ibabalik na sana ang shark sa lalagyan ng bigla itong sumigaw ng pagkalakas lakas, dahilan ng paglingon ng ibang tao na nandito sa arcade.

"SIGE NAAAAAA AKIIIIII" Nakakahiya talaga ang babaeng to kahit minsan. Di man lang nahiya.

Nilagay ko ang stuffed toy sa ulo ko para kunyari cute ako. Pinicturan din naman ako at pinasubok pa sa akin ang iba't ibang post. Pambihira naman oh. Di ako napagod kakalaro dito sa arcade. Napagod ako kasi ang daming gustong gawin ng babaeng ito.

"Aki bilhin mo yung cute na asong stuffed toy." nilingkis niya ang kanyang mga kamay sa aking braso at nag puppy eyes. Kadiri naman neto.

'Yoko'

"Bakit ba yan lagi ang sinasabi mo sa akin ha? Di ka ba marunong ng ibang words?" inis niyang sabi sa akin.

Bumunto hininga ako at hinarap siya.

'Bakit ko naman bibilhin yan? Kala ko ba libre mo ko? Bakit ako bibili para sayo?'

malamig kung paliwanag sa kanya. Sumimangot ito at hinampas ang aking braso. Apaka sadista naman. Kala niya ang gaan ng kamay niya eh.

"Para kasi thank you gift mo sa akin kasi nilibre kita at hindi hinayaan na mabulok sa bahay niyo?" kapal talaga ng mukha nito. Wala ba talagang hiya ang nananalaytay sa dugo nito?

Kumuha ako ng isang asong stuffed toy at pumunta sa cashier para bayaran. Mabilis naman na sumunod ito.sa akin. May patalon talon pa sa sobrang excited. Binigay ko ito sa kanya at excited naman itong kinuha.

"Thank you Aki myloves! Picturan mo ako dali! Tas ipost mo rin para kunyari jowa kita" I rolled my eyes on her and eventually gave in.

"Patingin kung pretty ako diyan" kinuha niya ang phone ko at tiningnan ang pic na kinuha ko.

"Awww I'm so beautiful talaga" nakangiti niyang sabi habang tinitingnan ang kaisa isang picture na kinuha ko. Pretty daw, hindi nga nakita mukha niya. Pinost ko agad yun sa ig para wala ng daming sabi. Nakakarindi kasi boses nitong Marie eh.

Pagkatapos ay umuwi narin kami. Ginawa ko na ang night routine ko at isa isang chineck at ginawa ang mga assignments ko. Nag advance study narin ako sa ibang mga subject para maging ready na pagdating ng lunes. Naisip ko kasi na kailangan kong magsumikap para sa future namin ni Ma'am hehehe.

Humiga na ako at scroll saglit sa tiktok ng maisipan kung tingnan yung ig ko.

Napanguso ako ng hindi man lang nagcomment or di kaya kahit like nalang si Ma'am sa recent post ko. Bakit niya naman ilalike Aki?

Kasi nga pinsan niya yung pinost ko at future jowa niya ako.

Tiningnan ko rin ang mga pinost ni Marie. Dami palang pinost nito at puro pictures ko pa talaga. Cloutchaser tsk.

Napasimangot ako kasi nagcocomment si Ma'am sa post ni marie tapos sa akin hindi?

Ang daya naman niya, nakakatampo naman. Finollow ko naman siya sa ig kanina tas hanggang ngayon di man lang ako finallow back. Hindi porket may 2 million followers na ay mag iisnob na ng student niya. Nagawa niya ngang magcomment kay Marie pero yung simpleng follow back lang sa akin di pa niya magawa? Nakakatampo talaga.

Pabalibag kung tinapon sa kung saan yung phone ko. Matutulog na sana ako ng biglang tumunog yung phone ko indication na may notification ako. Dali dali kong hinanap yung phone ko. Gagi ang laki ng crack ng screen ko. Di siya mapindot ng mabuti. Nakita kung nag dm si Ma'am sa akin. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang excited pero ang futa hindi mapindot ng maayos.

Ms. Boston.

Vviel.TV

  Yws mssam 

    price_le55  


Pardon?

Vviel.TV

Dira pone kp msam

Price_le55


Anyways, don't post my cousin

Vviel.TV


Ayaw niya bang pinopost ng iba ang pinsan niya?




I mean don't post anyone else...

Vviel.TV


Huh? 



















..other than me.

Vviel.TV




Biglang kumabog ang puso ko ng nabasa ang sinend ni Ma'am.

Mommy naman eh, di pa nga tayo pero feeling ko magiging under ako sayo.

Apaka possessive masiyado pero okay lang willing akong itali mo sa kama at solohin, hindi ako mag rereklamo. Willing akong lumuhod sa harap mo habang kinak- natigil ang kaka daydream ko ng biglang tumunog yung phone ko





Nag send siya ng picture.

lord patawad pero PUTANGINA ANG GANDA NG KINABUKASAN KO!!!















There. Post it instead. I'm more beautiful than

anyone else Buston. And no one else is worthy

to be in your ig posts other than me.

Remember that.

Vviel.TV


AAAAHHHHHHH!!! nagkikisay ako sa ibabaw ng aking higaan sa sobrang kilig.








Tumakbo ako pababa sa hagdan at lumabas ng bahay na nakapaa lang. Tinignan ko ulit ang picture ni Ma'am at walang awang binalibag ang pinakamamahal na tanim ni Mommy. Wala akong paki ngayon magkano man ang mga bulaklak nayun ang importante kinikilig ako.

Tumakbo ako palabas ng gate namin sa sobrang kilig.

Di ko lubos maisip na magiging ganito kataas mambakod si Ma'am. 

So ibig sabihin ba nito ay gusto niya rin ako?

 Ang laki ng ngiti kong tumigil saglit para subukan replayan si Ma'am. Umupo ako sa side walk at pinunasan ang aking pawis.

Tiningnan ko ang phone at sinubukan magreply ng matino pero di talaga mapindot ng mabuti ang phone ko.

Bakit kasi tinapon ko pa kanina? Nakakainis naman toh. Sa sobrang desperadang maka reply kay Ma'am ay di ko namalayan na may nasend na pala ako sa kanya. Biglang namutla ang mukha ko sa aking nakita.
















Fck u po

price _le55

Ang bobo mo Aki! Sinampal sampal ko ang aking mukha at sinabunutan ang aking buhok. BOBO ko!! Nagpupumadyak ako dito sa gilid ng daan.

Wala naman makakakita sa akin kasi almost 11:30 na ng gabi.

Tuluyan na nga ako napahiga sa daan. Malakas parin ang tibok ng puso ko, hindi na sa sobrang kilig kundi sa sobrang kaba na baka patayin ako ni Ma'am.

Inangat ko ang aking phone at nakita kung naseen niya na ang last message ko pero di parin nag rereply. Lalong lumakas ang tibok ng puso. Bakit kasi yun pa ang nasend ko? Ano ba kasing klaseng kamay ang meron ako? Pati pag type ang bastos eh.

Nagpapadyak parin ako dito habang iniisip kung ano ang sasabihin kay Ma'am sa lunes. Or maybe pupuntahan ko nalang siya sa bahay nila? Or is she staying at her condo? Tatanungin ko nalang si Marie. Tama bibili ako first thing in the morning ng phone, imemessage si Marie , tatanungin siya about kay Ma'am. Tama. talino ko talaga.

Pinagpag ko ang aking damit at mareready na sana para umuwi ng may narinig ako.

"Ggggrrrr"

Hinanap kung nasaan nanggagaling ang kakaibang tunog na yun. Lumingon ako sa bandang gilid ko.

"Ggggrrrrrr.."

Isang malaking aso ang aking nakita. Hala? Ano to? Aswang na nagpapanggap na aso? Sa sobrang laki nito ay baka isang kagat palang nito ay tanggal agad braso ko.

Nanginginig akong umatras palayo sa aso.

'Good doggy. You're a good boy right?'

"GGGGGRRRRRRR.."

'Babae ka ba? hala sorry ha. I didn't know. ' 

nanginginig pero mahinahon kung paliwanang sa aso habang patuloy sa pag atras


Ano bang lengwahe ng asong ito english?tagalog? Spanish?

Nakakaintindi ba to ng english? Wait, nakakaintindi ba to ng sign language?

Ay putang mga tanong yan.

"ARRFFF! ARRRFF! ARRFFFF!" Ay sosyal naman. Englisher tong asong to. 

Kasi naman kung tagalog siya dapat AW3x yung sound niya, kapag englisher naman siya ARF3x.

"ARRRRFFF!!!!!!!"

putangina MOMMMMYYYYYYY!!!!!!! at yun na nga nagsimula ng tumakbo yung aso papunta sa kin. Handa na akong lapain. Tumutulo pa ang mga laway nito.

Tumakbo na ako ng napakabilis. Di ko na alam kung saan na ako napadpad kakatakbo.

Hanggang sa nakapunta ako sa pinakadulo ng subdivision. First time kung nakapunta dito kasi nga di naman ako lumalabas ng bahay. Baka nga naliligaw na ako. Lumigon ako sa likod at nakita kung nakasunod parin yung aso at buwakangnashiiii nag aya pa ng kasama. Dami naman ng friends nito mga five ata. sanaol friendly.

Naiiyak na ako ngayon di ko alam anong gagawin. Di naman ako makasigaw kasi nga pipi ako.


Nasa last na bahay na ako kaya walang pag aalinlangang umakyat ako sa bakod nito. Mabuti at nakaakyat na ako ng bakod bago pa nila ako maabutan. Hingal na hingal akong nakaupo sa pinakatuktok ng bakod habang hinihintay kong umalis ang mga aso. Tiningnan ko ang bahay, ngunit wala ng ilaw ang nakabukas. Paniguradong tulog na ang mga tao dito or maybe walang tao ang nasa bah–

"What are you doing there?" napa pitlag ako at yumuko para tingnan kung sino ang nag salita.

"Ms. Buston?" mabilis akong tumalon papasok sa bakuran niya.

"Be careful you idiot!" di ko nakita ang bato sa binagsakan ko kaya naman sa di inaasahan ay natapilok ako dito. Kumirot bigla ang paa ko dahil sa nangyari. Mabilis na lumapit si Ma'am sa akin at tiningnan ang paa kong kumikirot.

"I told you to be careful! Bakit kasi nandiyan ka sa taas ng bakod ha?" I can see a hint of worry in her face pero agad naman nawala. Niyakap ko si Ma'am ng mahigpit. Lahat ng takot ko kanina at pagod kakatakbo ay ngayon lang nag sink in sa akin. Isa isang pumatak ang aking mga luha iniinda ang sakit ng dibdib na kanina ay malakas na kumakabog sa sobrang takot.

"Hey don't cry Akira, I'm here now. Masakit ba paa mo? Let's treat it inside okay?" bumitaw ako sa yakap ni Ma'am at pinahid ang sipon na kanina pa tumutulo gamit ang damit ko.

'Ma'am yung mga aso.. Yung mga aso inaaway ako'

pag susumbong ko sa kanya. Niyakap ko ulit si Ma'am at umiyak sa kanyang balikat. Napa iling nalang ito at dahan dahang binuhat ako ng pang bridal.

"You're such a cry baby"

Tahimik kaming pumunta sa loob ng kanyang bahay. Dahan dahan akong binaba ni Ma'am Viel sa kanyang sofa.

"Stay here." nakita ko siyang naglakad papuntang hagdan.

Sininghot ko ang mga natitirang sipon sa labas ng aking ilong. Sayang kasi eh. Let me save it for later.

Habang hinihintay si Ma'am, nilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng bahay. Napaka simple lang nito di din kalakihan pero malaki na para sa iisang tao. I wonder kung si Ma'am Viel lang ba mag isang nakatira dito or kasama niya pamilya niya. Pero katulad ng office niya sa school ay dominant ang kulay grey dito. Napangiti nalang ako.

Maingat na nilalagyan ni Ma'am ng cast ang napilay kung paa. Di na rin masiyadong masakit kasi nilagyan niya na kanina ng cold compress. 

Tiningnan ko si Ma'am ang ganda nito kapag seryoso siya pano nalang kaya pag naka ngiti ito. Paniguradong mas maganda pa ito kay Aphrodite at mas masarap pa sa magic sarap.

"Staring is rude Buston" umangat ang tingin ni Ma'am sa aking mukha. Napakacold ang kanyang mga mata. Walang kahit anong emosyon ang iyong makikita pero the more I looked at it para itong napakalalim na karagatan na once mahulog ako dito ay wala ng way para makaangat akong muli.

Nagulat ako ng pinitik ni Ma'am ang aking noo. Masakit yun ah.

"Drink this" binigay niya sa akin ang gamot para di pa lumala ang pamamaga ng paa ko. I smiled at her at ininom ang gamot.

"Don't smile at me Buston. May kasalanan ka pa sa akin" biglang akong nanlamig sa sinabi ni Ma'am. Mahina lang ang pagkakasabi niya pero ramdam ko ang galit at inis niya sa akin. Lumunok ako at binaling ang aking ulo sa kanya. Kita ko na nanlilisik ang kanyang mata sa akin.

'Ma'am let me explain. Wasak po kasi yung screen ng phone ko magtatype na sana ako ng 'noted po' pero instead iba yung na type ko. Sorry na Ma'am, bata lang po ako at nagkakamali'

pahingi ko ng paumanhin sa kanya. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang kaing mga daliri. I heard her sighed at nakita ko nalang na inaabot niya sa akin ang phone niya?

'Ma'am ano to?'

she rolled her eyes maybe because that's the dumbness question she heard. Kita na ngang phone mag tatanong pa kong ano yun. Bobo ka Aki bagay talaga kayong pagbuhulin ni Marie.

"Open your IG there and gave it to me" naguguluhan man ay sinunod ko ang kanyang inutos. Pag log in ko sa ig account ko ay binigay ko agad kay Ma'am. Kinuha niya ito and she's typing something pero hindi ko rin ito makita kasi naman nililihis niya ang screen ng phone niya everytime I tried to take peak.

Lumipas ang ilang minuto ay binaba na ni Ma'am ang kanyang phone at humarap sa akin na naka fold ang kanyang braso.




"You can go home now." Masungit nitong sabi sa akin.

'Ma'am pano ang mga aso sa labas?'

baliw ba siya? Eh kung lapain ako ng mga yun? Tsaka injured ako di man lang niya ba ako ihahatid sa bahay.

"I already told someone to take care of it. Close the door when you live. Night."

Isa isa niya ng pinatay ang mga ilaw at walang pag aalingang umakyat na sa kanyang kuwarto.

Seryoso? Tumayo na ako sa sofa at paika ikang lumabas ng bahay niya. Bwisit. Di man lang ako binigyan ng kahit kunting awa or kahit stinelas nalang. Anong gusto niya, maglalakad akong naka paa lang?!

 Malakas kung sinirado yung pinto niya at sinipa. At kung swe-swertihin ka naman yung injured ko pang paa ang naisipa ko.

Napaupo ako at namimilipit sa sakit. Kasi naman eh bakit di ako hinatid? Dami niya namang kotse dito. Pinilit kung tumayo at mangiyak-ngiyak na naglakad pauwi ng bahay. 

GREAT. JUST GREAT.

Pag naligaw ako at kinain ng aso, si Ma'am talaga una kung mumultuhin. Dadalawin ko siya sa kanyang panaginip at tatakutin hanggang sa umiyak siya o di kaya ipaparanas ko sa kanya ang wet dreams tas paiiyakin ko siya sa sobrang sarap.


Tama gagawin ko yun. Humanda ka talaga Viel, pag ako kinagat ng aso at nagka rabies kakagatin rin kita para magka rabies karin atleast kahit diyan man lang matchy matchy tayo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 55.8K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!