May the 4th Be With You

By Isaiah024_

68.2K 3K 3.5K

Isang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. A... More

AUTHOR'S NOTE: IMPORTANT!!!
1. INTRO
2. NITRO
3. TROUBLE
4. FIBBLE
5. PERSISTENT
6. RESISTANT
7. FATE
8. DATE
9. NEGOTIATE
10. APPRECIATE
11. CAFFEINE
12. CUISINE
13. FOR HERE
14. TO GO
15. SWITCHBACK
16. FLASHBACK
17. MYSTIFY
18. BUTTERFLY
19. HIDE
20. SEEK
21. HAMMER
22. NAIL
23. RAIN
24. SHINE
25. MEET
26. GREET
27. CONFESSION
28. QUESTION
29. HEAR
30. HERE
31. AFFECT
32. EFFECT
33. FORGIVE
34. FORGET
35. IGNORED
36. IMPLORED
37. NEVERTHELESS
38. NONETHELESS
39. ASYMMETRIC
40. SYMMETRIC
41. IRREGULAR
42. REGULAR
43. STEAL
44. STEEL
45. LOST
46. FOUND
47. INFATUATION
48. FOUNDATION
49. SAUSAGE
50. DOSAGE
51. NIGHT
52. KNIGHT.
53. UNEXPECTED
54. UNANTICIPATED
55. UNSUSPECTED
56. IMPULSIVE
57. COMPULSIVE
58. WHAT?
59. WHO?
60. WHEN?
61. WHERE?
62. WHY?
63. HOW?
64. YOU
65. ME
66. POOL
68. TOLINE
69. 34+35
70. FIN.

67. JHOBEA

763 30 74
By Isaiah024_

BEI's POV

"ANO BAAA?!! HINDI BA KAYO TITIGIL TALAGA?! NAIINIS NA KO SA INYONG DALAWA HA!" galit na sigaw samin ni Tots matapos kaming pag layuin ni Dean.

"Bakit? Totoo naman ha! Bakit hindi mo sabihin yung totoo, Bei?!" galit na sigaw rin ni Dean, ayaw rin papigil nang isang ito. Hirap na hirap na nga si Jema awatin si Dean, sa totoo lang.

"WAG MO KONG MA-BEI BEI!! Don't you dare go there! Sumosobra ka na Dean!" sagot ko sa kaniya pabalik

Sina Jho at Ced hindi na rin magkanda mayaw sa pagpigil sa aming tatlong lalaki

"Ano ba?! Hindi ba talaga kayo titigil?! Ano ba kasing nangyayari?!" halos pumutok na yung ugat ni Jho sa sobrang gigil niya samin

Siguro ay nagtataka kayo kung ano ba talaga ang nangyayari and why we ended up in this situation.

Well, let me tell you what really happened...

***A little earlier...

June 16

Nakaupo ako sa buhanginan habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko na maglaro sa dagat. It's been quite a while na mula nang maging solid yung pagkakaibigan namin. At masasabi kong pinagtibay na din talaga kami nang panahon.

About Me and Jho naman, eto... going strong!

I'm in the midst of contemplating my decisions in life nang makita kong umahon na si Dean sa dagat at umupo sa tabi ko.

"Wala ka talagang balak magtampisaw man lang?" tanong ni Dean matapos umupo sa tabi ko

"Dean... I have some favor" seryosong sabi ko sa kaniya

Kinuwento ko naman agad yung plano ko habang busy yung mga kasama namin maglangoy. I took this opportunity para plantsahin ang aking mga plano

"How about Tots?" tanong ni Dean

"Hayaan mo na siya bro, madulas rin ang dila nang isang yon. Mas magiging maganda yung eksena kung totoong wala siyang kamuang muang sa mga nangyayari. Alam mo naman yung isang yon, di rin marunong umarte. At least sa'yo bro sure ako na kaya mo" nakangising sabi ko sa kaniya

"Loko ka! Kapag talaga tayo tinupi sa sampu ni Jho ha... Sinasabi ko sa'yo Bei" iiling iling na sambit ni Dean

"Hindi yan.. I got this." I said and gave him a smile.

Nang mag gabi ay sinimulan na namin ni Dean ang plano. Nag aya sina Jho na tumambay daw kami sa buhanginan at doon magkwentuhan habang umiinom.

Sinadya namin ni Dean na magpahuli.

Maya maya ay sinimulan na namin ang aming plano.

Nauna akong lumabas upang puntahan sina Jho. Maya maya ay nakasunod na si Dean at may dalang mga pagkain habang nakakunot ang noo.

Jema being Jema, agad niyang napansin na parang may mali kay Dean

"Ayos ka lang, baby?" nag aalalang tanong niya kay Dean

Huminga muna nang malalim si Dean bago sumagot kay Jema

"Yeah" malamyang sagot ni Dean sabay pilit na ngumiti, agad namang kumunot ang noo ni Jema sa naging reaksyong iyon ni Dean.

Imbis na kabahan ay lalo akong nakaramdam nang excitement. It's working!

"Wag ka kasing magbibiro ng ganon, hindi naman kailangan... minsan matutong lumugar sa biro..." bigla kong pagpaparinig

Tots being pakielamero at palabiro, agad na sumingit sa eksena kahit walang kamuang muang.

"Uy, ano yan? Spill some tea naman!" ani Tots na napatayo pa talaga

"Bei, ano yan? About ba sa bibig to?" Jho asked, referring to the joke we shared kaninang dinner

"Wala.. badmood lang ako.. stress na nga ako tapos bibiruin pa ako ng ganon. Sana kasi kinumpronta na lang ako" I answered

"Ako ba tinutukoy mo?" tanong naman ni Dean

Tinignan ko lang si Dean sabay tinalikuran

"Wag kasing ganon, sinabi na kasing below the belt na eh. Sinabihan na nga ng Sinturon sinige pa.." parinig ko habang iniikot yung bote nang alak na hawak ko

kahit hindi ko sila tignan ay ramdam ko ang mga pasimpleng senyasan nila na halata mong naguguluhan sa nangyayari.

"Bei, ganun lang na sinabi ko magagalit ka na" Dean said, napa angat ako nang ulo pero diretso lang ang tingin ko sa dagat

"Kapag sinabi kasing ayaw ko, ayaw ko..." sagot ko sabay tinapunan ko nang masamang tingin si Dean

"Saka wag mo nga akong ma-Bei Bei... Kanina pa ko nagtitimpi eh, sinabi ko na ngang sinturon..." I added, we had this agreement kasi na kapag below the belt na yung mga jokes, magsabi lang nang sinturon para mag stop na sa pag asar.

"Ang babaw non! Ang babaw mo naman" medyo inis na sagot ni Dean

"Ang sabi ko diba ayaw ko nga na masira yung tiwala ni Tots sakin???" dagdag ko

Parehas lang kami nagbabato nang linya ni Dean na puro walang kwenta at unscripted. Kung saan na lang kami dalhin nang pagtatalo namin, doon na lang.

Basta ang mahalaga, maguluhan sila at mainis si Jho, yun ang pakay ko.

"Tigil niyo na yan. Magusap kayo ng maayos huh. Dito ba masisira ang itim na magkakapatid??? tigilan niyo yan..." awat sa amin ni Jho, kahit halata mong naguguluhan siya sa kung ano ang tinutukoy namin ni Dean ay nanatili siyang kalmado.

"Uy.. Bakit ako nadamay?? Tungkol ba saan yan? Baka maayos natin" takang tanong ni Tots nang pansin niyang medyo nag iinit na kami pareho ni Dean

"Sabing ayaw ng pinipilit kasi eh..." sagot ko, napatayo na ako at naglakad papunta sa mga pagkain

Kung bakit? ewan ko, di ko rin alam. Para siguro damang dama ko yung eksena

Napatingin ako kay Jho at sakto namang napatingin din siya sakin kaya naman

"Tanong nyo sa kanya..." yan na lang ang nasabi ko sabay turo kay Dean

"Ano ba sinabi mo Dean? Ano ba yon Bei?" naguguluhang tanong ni Ced at nagpasalin salin nang tingin saming dalawa ni Dean

"Forum, forum, forum... Kailangan marinig parehong panig... De gang kumalma kayong dalawa??" singit naman ni Tots

"Kanina ka pa kasi eh... tapos sasabihan mo ako ng mababaw... wag ganon." singit na sagot ko uli, medyo itinataas ko na ang tensyon sa paligid

"Nag sorry naman ako pero ayaw mong tanggapin" pabalang na sagot naman ni Dean

"Dean, anu ba nangyare??" tanong uli ni Tots, ako nahihilo kaka salin salin niya nang tingin sa amin ni Dean

Huminga ako nang malalim at hinugot yung mala-John Lloyd kong actingan

"Kala mo nakakatawa yung sinabi mo? Nasasaktan din ako..." may diin kong sabi habang nakatingin kay Dean. Medyo nagtaas na ako nang boses para kapani-paniwala naman yung acting ko

"Ano ba sinabi?? Baka maayos natin yan" singit uli ni Tots pero wala ni isa sa amin ni Dean ang pumapansin sa kaniya

"Ilulugar kasi yung biro, hindi yung ganyan... hindi naman sa lahat ng oras good mood yung tao..." bato ko nang linya kay Dean

"Dean, anong nangyayari? Baka pwede pag usapan yan" nag aalalang tanong ni Jema habang nakahawak sa braso ni Dean

Medyo nakaramdam ako nang kaba dahil alam kong malaki takot ni Dean kapag si Jema na ang kausap, kaya naman huminga muli ako nang malalim at nilapag ko yung bote sa lamesa at

"Aalis nalang ako dito" litanya kong muli para sa akin mapunta yung atensyon ni Jema at hindi kay Dean.

Napatayo na rin sina Ced at Jho

"Ano maghuhula na lang kame kung ano binabahagi niyong dalawa? Tanong kame ng tanong ano nangyari? walang sumasagot sa inyong dalawa. Paano maayos to?" medyo inis nang tanong ni Jho

Ang lokong Dean, tinignan lang nang masama si Jho saka tumingin sa akin

"Eh di umalis ka. Wala na ako magagawa" matapang na sagot ni Dean habang galit na nakatingin sa akin

"Uy g*gski waaaag!" awat uli ni Tots

Mas nagiging challenging tong pag arte namin ni Dean dahil kay Tots. Sobrang pinipigilan kong matawa dahil kala mo matatae na to si Tots sa pag awat niya samin.

"Siya nag sabi na aalis. Eh di umalis!!" pagbabaliwala ni Dean kay Tots

Tinignan ko nang masama si Dean at naramdaman ang kamay ni Jho sa aking braso kaya naman kinausap ko na lang si Jho

"Kanina kasi pilit siya ng pilit na i-send ko daw yung picture ni Tots nung elem, eh ayaw ko nga... nagpaliwanag na ako diba? tapos sasabihin mo hihilahin mo yung leeg ko para maging 8 inches? Alam ko na biro niyo sakin yon, pero nakakasakit kasi lalo na pag wala sa mood... buong araw mo akong kinukulit eh" pag gawa ko nang kwento nang maalala ko yung kwentuhan namin ni Tots about sa photo niya nung elem na sobrang hiyang hiya si Tots pag yon ang pinag uusapan

"Ayaw mo nun? Hahaba leeg mo" pilosopong sagot ni Dean

"Nang aasar ka ba talaga?" sagot ko kay Dean sabay hakbang nang isang hakbang palapit sa kaniya, agad naman akong inawat ni Jho

"Uy g*gi wag naman ganyan" mangiyak-ngiyak na awat rin ni Tots sa amin

"Ilugar mo yang biro mo ha" banta ko kay Dean sabay duro sa kaniya

"Nilulugar ko naman ah, Saan ko ilulugar sa QC? Sa commonwealth?" pang po-provoke lalo ni Dean sa akin

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, kanina pa ako nagtitimpi..." may riing sagot ko kay Dean

"Magtigil na kayo uy" awat naman ni Jema

"Bahala na kayo dito... ayaw kong pakisamahan yung mga gantong tao..." sabi ko at akmang aalis na sana ako nang biglang sumigaw si Tots

"WALANG LALAYAS! Mga kinginamers kayo hah" inis na sigaw ni Tots, kita ko na yung malalim na paghinga niya dahil sa sobrang gigil

"Isa ka din eh... Kasalanan ng picture mo to eh..." sabay turo ko kay Tots na walang muang

"Anong picture ba kasi yan? bat nag aaway away?" tanong ni Ced na medyo humarang na sa harapan ni Tots

Nang bigla niyang maalala yung tinutukoy naming picture na gustong gusto niya rin makita

"Hindi ka naman siguro hahabulin ng MTRCB dahil sa suot mo sa larawan na yon diba??" baling ni Ced kay Tots

"Isa ka pa eh, kala mo nakikipagbiruan" sabi naman ni Dean kay Ced

Gulat at napataas ang kilay ni Ced dahil sa ginawa ni Dean. Naku po! Dean, wag yang isang yan! Malakas din toyo niyan, baka hindi kayanin ni Toti pag suyo diyan.

"Ayoko lang naman na may umalis dito. Kapag aalis, gigripuhan sa tagiliran. Easy as that. Kahit magkasuraan pa tayo dito. Walang aalis" sabay singit ni Tots, mukhang natakot na at baka magwala bigla si Celine

"Tapos pagkakampihan niyo akong dalawa" singit ko sabay turo kina Dean at Tots

Yung itsura ni Jho at Ced, halos di na maipinta. Mukhang gulong gulo na sila sa nangyayari. Ang pinangangamba ko, yung itsura ni Jema na mukhang kalmado lang.

"Bei, di kaya. Sige Dean, kasalanan mo to eh" biglang pabalimbing na sagot ni Tots

"Tss!" maikling tugon ko, kinuha ko yung jacket ko saka akmang aalis na nang sumigaw ulit si Tots

"WALANG AALIS! KUNG GUSTO MO UMALIS DITO, MAGPATATTOO KA MUNA! mamili ka embutido sa noo o hello kitty sa braso! Yon, papayagan kita umalis dito" sabi ulit ni Tots

"Hindi nakakatawa Toti.. Tots, wag mo na idaan sa biro... kanina pa ako naiinis dyan eh" sabi ko ulit sabay duro kay Dean, para na pala kaming sirang plaka dito ni Dean

"Kahit kilitiin mo ko ngayon, padampi pa lang daliri mo, na-tawa na ko" pilosopong sagot ni Tots sakin.

One moment, pikon na si Tots, the other, babanat siya nang kapilosopohan. Kahit kailan, di marunong magseryoso.

"Atapang naman ng Belandro... Bagong pangitlog kaba???" taas kilay na singit ni Jho sa usapan.

"Matapang talaga ako choanna, kaya wag kang makisali" pang poprovoke ko kay Jho

Bigla kong tinaasan nang kilay ni Jho, na parang nagsasabing 'sige, simulan mo ko'. Hindi ko na lang pinahalata na nakaramdam ako nang kaba sa ginawa ni Jho, tingin pa lang manginginig na kalamnan mo sa takot.

"Mag ingay para sa susunod na laban. Sa kaliwa ko mag-ingay para kay Dean, sa kanan ko mag ingay para kay Bei. Simulan na ang laban..." singit ni Tots sa amin na parang announcer sa ghost fighter.

Alam ko naman itong mga patutsada niya ay para hindi kami lalong mag init ni Dean, pero hindi kasi pwedeng ganon.

"Kanina ka pa ha" sabi ko sabay duro kay Tots, siya na lang muna pagbabalingan ko nang inis para effective

"Bei, alam ko gigil na gigil ka na. Girlfriend mo ko kaya kilala kita... Sige, suntukin muna. Sama ako sa'yo ng wampipti" biglang banat ni Jho

Ano ba naman to! Akala ko seryoso. Mukhang nahawa na kay Tots. Pinipigilan kong mangiti dahil sa sinabi ni Jho kaya naghanap ako nang ibang maidadamay

"Ikaw... baka meron ka ding problema sakin, sabihin mo na. Nagpaplastikan lang ata tayo dito" sabi ko sabay turo kay Jema

"Kilala mo ko Bei never ako namplastik sa'yo, alam mo yan. Kaya wala ko sasabihin kundi ayusin niyo yan. Pag usapan niyo kung pwede lang" seryosong sabi ni Jema

Biglang nanayo yung balahibo ko sa braso, sana hindi nila mahalata. No wonder, bakit takot si Dean kay Jema. Kakatakot nga.

"Sige na wag na kayo magtalo, maglalapag na lang ako nang picture dito" sabi naman ni Tots

"Ilapag na yan... Pabor na pabor sakin yan... 2months ko nang hinihintay yan" natutuwang sambit ni Ced

"WALANG MAGLALAPAG!!" biglang bawi ni Tots

Ang totoo kasi niyan, yung pic matagal tagal na rin nangungulit si Ced sa picture ni Tots nung Elementary. Ewan ko ba sa babaeng to, tuwang tuwa makita yung itsura ni Tots nung bata pa. Si Toti naman, kinoconsider yung photo na yon as his Most Embarrassing photo.

"Puro kayo ganyan! Oh eto Dalawa yan, magsaksakan na kayo. Ayaw niyo tumigil e" sabi ni Jho matapos maglapag nang dalawang bread knife sa harap namin ni Dean

"Kung ayaw niyo pag usapan ngayon, wag lang kayo muna magsalita para walang natitrigger sa inyong dalawa... nagkakasakitan lang kasi kayo lalong dalawa eh." seryosong sabi naman ni Jema

Napaka seryoso naman nang isang Jema Galanza.

"Nananahimik na ako" sabi ko na lang

"Hindi kita patatahimikin. Ikaw kasi ang nauna" sagot ni Dean

"Nanlalaban talaga ng Kapre... Tatlong bagsak para kay Belandro" banat naman ni Ced

Ngayon ko lang napagtanto, parang wala palang matinong kausap sa mga kaibigan ko. LF: bagong friends, yung matitino sana

"Yung pera ko di basta basta mauubos pero yung pasensya ko ubos na ubos na" sagot ko sa sinabi ni Celine

"Iwan muna naten sila... Yaan mung magkagatan sila... Balik na lng tayo later pag may dinuguan na" biglang sabi ni Jho. Jowa ko ba talaga to? Bat ganito? huhuhu

"Alam niyo nagkakasiraan na kayo eh. Kaya tumigil na kayo. Isa lang tumigil sa inyo mananahimik na din yung isa. Parehas kasi kayo di nagpapatalo eh." sabi naman ni Jema. Ayon! may matino pa pala sa mga kaibigan ko

"Wag mo muna sila pigilan Jema, may pusta kasi ako dyan e. Medyo malaki na yung naitaya ko" biro naman ni Tots

Nararamdaman kong nagmumukha na kaming tanga ni Dean kasi parang ginagago na lang kami ni Tots kaya naman ang ginawa ko, agad kong kinuwelyuhan si Dean at parang nagkanda taranta sila sa pag awat sa amin.

Sabay sabay na silang nagsalita sa pag awat samin nang...

"ANO BAAA?!! HINDI BA KAYO TITIGIL TALAGA?! NAIINIS NA KO SA INYONG DALAWA HA!" galit na sigaw samin ni Tots matapos kaming pag layuin ni Dean.

"Bakit? Totoo naman ha! Bakit hindi mo sabihin yung totoo, Bei?!" galit na sigaw rin ni Dean, ayaw rin papigil nang isang ito. Hirap na hirap na nga si Jema awatin si Dean, sa totoo lang.

"WAG MO KONG MA-BEI BEI!! Don't you dare go there! Sumosobra ka na Dean!" sagot ko sa kaniya pabalik

Sina Jho at Ced hindi na rin magkanda mayaw sa pagpigil sa aming tatlong lalaki

"Ano ba?! Hindi ba talaga kayo titigil?! Ano ba kasing nangyayari?!!!" halos pumutok na yung ugat ni Jho sa sobrang gigil niya samin

"Pikon na pikon na ko sa inaasta mo, De Leon!" dagdag ni Jho

"Bakit Jho? Hindi mo na ba kaya? Ayaw mo na?" biglang kalmado kong tanong sa kaniya

Nakaramdam ako bigla nang kaba kasi alam kong I'm putting our relationship at risk sa ginagawa kong to.

Sana hindi ko pagsisihan

Kumunot yung noo niya pero nanatili siyang nakatingin sa akin nang masama

"Ano bang pinagsasabi mo De Leon?!" inis na tanong ni Jho

Napahawak sa sentido si Jho habang nakayuko.

Huminga siya nang malalim at tumayo sa harap ko nang maayos saka hinawakan ang magkabila kong kamay

"Nakilala kitang mabuting tao. Mabuting kaibigan lalo sa bestfriend mo. Alam kong nagagalit ka lang ngayon pero maya maya pagsisisihan mong nakapag bitaw ka nang masasakit na salita.

Hindi porket naiinis ako sa'yo ngayon sa inaakto mo, susukuan na kita. Pwede ko namang higpitan yung turnilyo sa utak mo pag masyado nang maluwag" malumanay na sabi niya, hindi niya napigilang mapangiti sa pagtukso sa akin

"Alam mo ba Jho kung bakit ko ginagawa to?" tanong ko sa kaniya, bahagyang kumunot yung noo niya

"May mga araw na magtatalo tayo, maaaring dumating yung araw na may pagtalunan tayo, mga bagay na sobrang gulo. Yun bang hindi na natin alam kung ano ang pinagmulan. Pero sana kapag dumating yung araw na yon... We'll look back to this day. Kung saan kahit sobrang inis na tayo, kahit hindi natin alam kung ano talaga pinagmulan nito... nanatili ang malawak na pang unawa mo at matimbang na pagmamahal mo sakin" I said.

Jho looked quite emotional na at this moment. I remained my composure, kasi ito talaga yung gusto ko sabihin sa kaniya, matagal na.

It comes from the bottom of my Ventricles.

Hinawi ko yung buhok niyang humaharang sa kaniyang mukha at muling hinawakan ang kamay niya nang mahigpit.

"I've been meaning to say this. I just need some help and courage from Dean" I said at lahat sila napatingin kay Dean, ngumiti naman sakin si Dean saka tumango

I took another deep breath saka tinignan sa mata si Jho

"Jho, even before this, alam ko sa sarili ko na sigurado na ko sa'yo. Ikaw lang ang nag iisang babaeng nakikita kong gusto ko makasama sa future ko. Sana wag kang magsawang intindihin at mahalin ako, most especially to the days na sinusubok yung relationship natinni Lord." I said

Hindi na napigilan ni Jho yung luha na pumapatak na mula sa kaniyang mga mata.

Kinuha ko yung bagay na kanina pa nasa bulsa ko at naghihintay na mabuksan. Then, I kneeled

I heard their gasps...

"Jhoanna Louise Maraguinot, are you willing to replace your surname with mine? Will you marry me?" short and simple but full of sincerity

Jho kept wiping her tears habang nakatingin sa akin. I can see her smiles through her eyes. Tears of joy.

Kahit kay Jho ako nakatingin ay alam kong naghalong gulat at saya ang nararamdaman nitong mga kaibigan namin sa biglaang proposal ko.

And then, she nodded

"Yes" Jho simply said.

One word but has a great impact that will change our lives! And has brought so much joy, lalo na sa akin!

I was expecting her to say Yes pero iba pa rin pala kapag nadinig mo na galing sa taong pinaka mamahal mo.

I quickly stood up, at nilagay yung singsing sa daliri ni Jho. Matapos ito ay niyakap niya ako nang mahigpit, and so I hugged her back.

Tighter. Yung tipong ayoko na siyang pakawalan pa.

I can hear our friends loudest cheers and congratulatory greetings to us.

Pero Jho's voice stood out the most.

"I thought you wouldn't ask" Jho whispered habang yakap ako

"Impossible" I simply said.

Sobrang saya ko.

I can now say that I am one step closer to finally reaching my dreams!

A happy life together with her, in this lifetime.


-----

This portion is brought to you by, Chaotic Group of friends.

Inspired by true story kaya sorry kung magulo at masakit sa ulo yung pagtatalo.

Sa pinamagatang "Ang pagsabog ni Groot".

Continue Reading

You'll Also Like

12.9K 635 20
GaWong Short story, ito na yung dating "Afraid for Love to Fade"
131K 4K 119
Love on a playlist.. After mo syang iwan at hayaan na lang mag isa? Tingin mo ba kakayanin kapa kaya nyang mahalin? Tingin mo kakayanin pa rin kaya n...
75.5K 1.7K 36
Paano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya per...
306K 5.7K 61
Another story of Unexpected Love