ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z...

By tamadsiAko41

26K 457 10

Si Zhanielle ay lumaking 'di kilala ang tunay na magulang, at alam n'ya rin na ampon lang s'ya nang kinikilal... More

prologue
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
Epilogue

chapter 20

730 10 0
By tamadsiAko41

Bagsak ang balikat ko ng hindi ko makita ang hinahanap sa ref. Malapit ng maubos ang stock sa ref. Mukhang kailangan na naming mag groceries para mayroon kaming kainin bukas at sa susunod pa na araw.

Kumuha nalang ako ng beacon at itlog. Ito na muna siguro ang ulam sa agahan namin. Kumuha na rin ako ng baso para sa gatas ko. Si Zach ewan, no'ng nakaraan kasi hindi ko na siya nakikitang umiinom ng black coffee. Ayaw ko namang timplahan siya ng gatas dahil baka ayaw niya.

Wala pa si Zach ngayon dahil tulog pa. Nauna akong magising kaya ako na ang nagluto. Ayaw ko rin naman siyang gisingin dahil mukhang puyat. Bahala ng mauna akong kumain, kailangan niya ng tulog.

Dito kasi para sa'kin paunahan ng gising. Pag sabay kaming dalawa na magising ay wala talaga akong ginagawa kundi ang maghintay hanggang matapos siyang magluto. Nagagalit siya pag ako ang nagluluto. Kaya hinayaan ko sa nalang dahil ’di naman ako mananalo sa kan'ya. Ngayon nga lang ako muling nakapagluto.

Muntikan na ’kong mapalundag dahil may biglang pumulupot sa baywang ko. Hindi ko nilingon pa kong sino, wala naman akong ibang kasama dito. Obvious naman.

Yumakap ito sa'kin at pinatong ang baba sa balikat ko. Clingy overloaded... Pag kaming dalawa lang o nandito sa bahay, palaging nakayakap. Parang linta pero mahirap ihiwalay.

"Good morning... Bakit hindi mo ’ko ginising? Ako na sana nagluto," he whisper.

Ramdam kong nanayo ang balahibo ko sa batok kong saan tumatama ang hininga niya. Is he seducing me? Well, it's working— I mean not. Ganyan na ba boses niya sa twing bagong gising? I think kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa bedroom voice niya.

I shook my head, disagree. " No. Inaantok ka pa nga..."

I heard him groan and nodded. For the first time, ngayon lang siya nag-agree ng hindi kami nagtatalo. Every time na may isu-suggest ako ay nagtatalo talaga kami. I don't know pero kinatutuwa niya 'yon. Kasi sa twing nagtatalo kami ay ngumingiti ito habang nakatingin sa'kin. Hindi ko namang maiwasang mainis dahil pakiramdam ko tinutudyo niya lang niya ako.

Pinatay ko na lang ang kalan at humarap sa kan'ya. Yumakap ako sa leeg niya at tinignan siya. Pikit mata siyang sumubsob sa leeg ko. Alam ko na naman kong ano ang gusto niya.

"Mahilig ka talagang gulatin ako, ’no?" saad ko at marahang hinagod ang buhok niya. May kahabaan na rin 'to kaya pwede ng sabunutan.

Mas isiniksik pa niya ang sarili sa'kin. Kita mo na 'tong tao na'to.

"Nagulat ba kita?" patay malisya nitong tanong.

Nagulat ba niya 'ko? Tanong pa ba 'yan?

Mahina kong hinila ang buhok niya. "Syempre... Oo. Ikaw kaya biglang bigla na lang susulpot, nangyayakap pa. Hindi ba obvious?" I paused and looked at the wall clock. Malayo pa naman ang oras. "Sarap mong sabunutan... Tara na nga kakain na tayo."

Tinulak ko 'to papalayo pero umiling lang siya at hinila pa ako. Araw araw ba gusto nito? No'ng nakaraan, kahapon, tapos ngayon? Aba't nasasanay na 'tong lalaking 'to, ah! Ni hindi ko nga alam kong pa'no gagawin 'yon.

Nag-angat siya ng tingin at humalik sa pisngi ko. Nagtagal do'n ang labi niya bago sinapo ang pisngi ko. Kiniskis niya ang ilong sa'kin at binalik ang ulo sa leeg ko.

"I'm sorry. Nagagalit ka na naman..." malambing nitong saad. Napangiti naman ako.

I remembered the day no'ng nagalit ako sa kan'ya no'ng nakaraan dahil 'di niya ako ginising. Muntik na siyang maiyak no'n dahil galit daw ako sa kan'ya. Tinimplahan pa niya 'ko ng gatas at nilambing dahil baka ’di ko daw pansinin. Naka ilang sorry pa siya no'n sa'kin pero binalewala ko lang. Kitang kita ko sa mga mata niya ang mga namumuo na luha. Kaya kinausap ko na dahil mukhang napa- paranoid na siya. Nag panic pa nga.

I heard him sighed, at kinuha ang kamay pabalik sa buhok niya.

"Mamaya na tayo kumain. Lambingin mo pa 'ko..." mahinang sabi niya.

Napa-irap na lang ako sa kawalan. "Zach, hindi ka ba nagsasawa? Araw araw na kitang nilalambing. Hindi naman ako marunong pagdating sa ganyan."

Sa‘ming dalawa ako ang napo- problema. Mukhang nagiging habit na niya ang magpalambing sa twing bagong gising at bago matulog.

Kausap ko ngayon si Lesley. Tumawag nalang bigla, eh. Pagbukas ko palang ng internet ay tumawag agad. Sinabi ko naman sa kan'ya na mag charge na muna ako, kaya kinuha ko ang laptop at nag log-in.

Sa gitna ng aming pag-uusap ay napatingin ako sa pinto  ng bumukas iyon. Napa-angat nalang ang kilay ko ng makita si Zach na naka pantulog damit. Umiwas nalang ako ng tingin ng magtanong si Lesley.

"Bakit iba ata 'yang headboard mo ngayon?" nagtatakang tanong niya.

Magsisinungaling na naman ako?

"Ah, nasa ibang kwarto ako." utal kong sabi.

Pambihira namang bibig naman ’to. May pa utal pa.

Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagsalita. Nakinig lang ako at hindi pinansin si Zach na nasa paanan ko na naka-upo sa dulo ng kama. Kahit sulyap lang ay hindi ko ginawa kaya rinig ko siyang bayolenteng dumaing. Naagaw naman nito ang pansin ni Lesley sa kaibang linya. Nagtanong pa 'kong meron ba akong kasama dito. Umiling lang ako.

Belong na talaga ako sa hell. Ang sinungaling ko na.

"Kaylan ka babalik dito, Elle?" tanong ni Lesley.

Hindi agad ako sumagot. I don't know, when...

"Hindi ko alam. Baka pag may nahanap na sila." kibit balikat kong sabi.

Ramdam ko naman tingin ni Zach. I looked at him dahil mukhang nakakaawa na. I mouthed, "what" to him. Hindi ito sumagot at nanatili ang tingin.

"Bakasyon ka kaya dito?" Lesley said.

I pursed my lips containing a laugh. Kita ko kong pa'no nagtagpo ang kilay niya nang sinabi ni Lesley 'yon. He looked away and grasp tightly the comforter.

"Isang buwan pa nga lang ako dito. Bakasyon na agad ang nasa isip mo." tumatawa kong sabi.

Pasulyap sulyap ang binibigay kong tingin kay Zach. Sumandal ako sa headboard at inayos ang pagkakalagay ng laptop sa hita ko.

Umirap lang si Lesley sa screen at nanunuyang tinignan ako. "Sus... Ang sabihin mo may boyfriend kana d'yan. Kaya ayaw mong umalis. Sabihin mo na kasi na may boyfriend ka d'yan, ako lang naman makakaalam."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Napatingin ako kay Zach na lumingon at may ngiti sa labi. Ang babaeng 'to talaga, hindi maganda ang tabas ng dila.

Magsasalita na sana ako ng biglang kinuha ni Zach ang laptop at nilayo sa'kin. Nilagay niya 'yon sa higaan at hinayaang naka open camera. Nagpapasalamat talaga ako na wala si Lesley may kinuha siya saglit. Kaya hindi niya nakita si Zach.

Pinanlakihan ko ng mata si Zach. Hindi agad ako nakapagreact ng biglang dumagan sa'king ibabaw si Zach. Rinig kong may tumili sa kabilang linya.

"Hoy! Elle! Ano yan? Kaya pala ayaw umuwi. May pa isang buwan ka pang nalalaman..." halos sigaw niyang saad. Pumikit ako ng mariin, I feel ashamed.

Inilayo ko ang mukha ni Zach sa leeg ko.

"What do you want?" mahina kong tanong.

"Lambing... I want my lambing," nagsusumamong sabi niya.

Mukhang narinig ata ni Lesley ang sinabi niya dahilan na maubo siya. Napakagat ako ng labi at pinipigilan ang sarili na hindi matawa. Try kong inggitin ang isang 'to.

Niyakap ko si Zach at hinayaan ang kan'yang ulo na sumubsob sa leeg ko. Taas kilay kong tinignan si Lesley sa kabilang linya at hinaplos ang buhok Zach. I felt him leaving a small kisses.

"Suggest ko lang. Maghanap ka rin ng sa'yo. Para hindi ka mamatay sa inggit." mayabang ko tinaas ang kilay at tinignan siya.

Inirapan lang ako nito. I heard Zach whisper. "I like the way na pinagmamayabang mo 'ko."

Lumingon si Zach sa laptop. Hindi ko naman inaasahan na muling titili si Lesley at muntik pang mahulog sa kinauupan. Umayos ito ng upo at tinuro si Zach.

"Tangina! Familiar sa'kin 'yang boyfriend mo! Parang nakita ko na siya dati. Teka lang iisipin ko muna kong saan..." sabi niya at pinatong ang baba sa kamay.

Malayo ang kan'yang tingin at tila ba may iniisip.

Tumingin sa'king muli si Zach at bumulong. "She looks familiar, too. Siya ba 'yong kasama mo dati sa bar?"

Tinangohan ko ito at tinignan si Lesley na pumalakpak. Weird niya ngayon.

"Tumpak, be! Siya 'yong lalaki na nagbigay ng jacket sa'yo sa bar. Tandang tanda ko pa. Sino ba ako para makalimot? Siya lang naman ang lalaki na humalik sa'yo sa noo mo. Tangina ko talaga!" halos tumalon na ito.

Napangiwi nalang ako ng marinig siyang nagmura. Hindi na talaga ako na sanay na magmura siya.

"Ingatan mo 'yang kaibigan ko. Minsan lang may makalapit sa kan'ya na lalaking 'di niya kilala. May manliligaw 'yan dati pero sinasabihan niya lang na, "Sorry, allergy kasi ako. Feeling ko mamamatay ako pag mayroon akong boyfriend." Natatandaan ko talaga ang linya niyang 'yan. Ganyan siya magreject ng mga lalaki mula noon. Even until now."

Napatakip nalang ako sa mukha dahil sa kahihiyan. Hindi ko naman alam kong ano ang reaksyon ni Zach. Pero ramdam ko masaya siya.

"Past is past, Lesley. 'Wag mo ng ibalik ang nakaraan. Move on na 'ko sa mga pinaggagawa mo dati."

Kong nasa tabi ko lang 'to kanina ko pa 'to nasapak. Iba ako mainis minsan nanghahampas siya naman pag kinikilig.

Humirit pa 'to bago nagpaalam. "Kaunting kaalaman lang. Ang love language ni Elle ay hampas kundi ay kagat. Ganyan siya magmahal, hindi siya gentle, may pagka hard... Sus, papatayin ko na tawag. Nanghihingi na ng lambing 'yang boyfriend mo. Elle, baka pagbalik mo dito sa susunod tatlo na kayo."

Namula ako sa sinabi niya. Bakit ko naging kaibigan 'yon? Masyadong madaldal.

"I'll take note that," huling sabi ni Zach bago patayin ang tawag.

He looked at me teasingly. Marahan kong pinisil ang pisngi nito.

"I thought sa kape ka lang allergy?Pati sa boyfriend allergy ka rin pala, miss?" he said in teasing voice. Inabot ko ang unan para sana itabon sa mukha ko pero inagaw niya 'yon. "Then, ako ang gamot sa allergy na 'yan... Let me be your medicine,"

Nang gabing 'yon hindi natuloy ang hinihinging lambing niya. We end up sharing my past life with him. And he listened carefully. Wala siyang pinalampas sa kwento ko.

"Zach, mag grocery tayo mamaya?" I asked.

Baka kasi may gagawin siya. Then ako nalang mag-isa gagawa kong sakali man. Kinuha niya ang kamay sa'king gilid habang ang isang kamay ay nakahawak sa steering wheel. Papunta na kami ngayon sa kompanya niya. Buti nga at nadala ko sa salita kanina. Dahil ayaw talagang bumitiw sa'kin kanina.

Dinala niya ang kamay ko sa bibig niya at hinalikan ang likod ng palad.

"Okay. Tayo... Tayo," he said in double meaning.

Paulit ulit niyang sinasabi 'yon, pero binalewala ko nalang. Simula no'ng manligaw siya sa'kin ay may nag-iba sa ugali niya. Hindi ko inaasahan na gawin niya dahil malayo sa mukha niya kong tignan. His soft side always showing when the two of us is in private place. 'Yong kapag walang ibang tao sa paligid d'yan na nagsisimula ang pagka clingy niya. Kahit sa office niya ay pinapatawag niya 'ko para lang yakapin niya.

Tumingin ako sa wrist watch ko para malaman kong anong oras na. Pasado alas diyes na. Nabaling ang tingin ko sa pinto ng bumukas 'yon. Bumungad si Zach kasama ang kan'yang secretary. Nagsitayuan ang mga kasamahan ko habang ako ay yumuko. Parang elementary lang.

He looked around not minding the people. Mas lalo kong niyuko ang ulo para hindi niya 'ko makita. This is his second time visiting here. Minsan kasi ay ang head na namin ang pumupunta do'n. Dahan dahan kong inangat ang ulo nang umupo siya kaharap ang head namin. Ang ending naka talikod siya sa direksyon ko habang naka tayo naman ang secretary niya sa gilid.

My phone beeped. In-on ko kaya nakita ko sa notification na nag message si Zach. Tinignan ko 'to at kita ko na mahigpit niyang hinawakan ang cellphone niya. Did I pissed him off?

I silently read his message.

"Where are you? I can't see you here."

Pinatay ko nalang ang cellphone at hindi nag abala na mag text. May problema pa 'ko. Pa'no ako makapagtimpla ng gatas ngayon? Malapit nga sa kanila ang water dispenser. Nasa harap lang nila 'yon, kaya makikita lang ako na kukuha.

Tumingin ako kong saan si Aljean. Kong siya nalang kaya ipapakuha ko? Tumayo ako at kumuha ng gatas sa bag. Lumapit ako kay Aljean at mahina siyang sinindot sa braso. Huminto naman ito at nagtataka akong tinignan.

"Paki kuha naman ako ng tubig mainit do'n, oh." mahinang saad ko, sapat na marinig niya lang.

Umangat ang kilay niya at tinignan ako ng nakakatamad.

"Please." dagdag ko pa.

"Ang lapit na nga lang, inuutos mo pa! Bakit 'di ikaw ang kumuha–" hindi natapos ang sasabihin niya ng makita niya si Zach sa harap ni head.

Ngumiti ito ng nakakaloko at tumingin sa'kin. "Nag away kayo?"

Nag away? Porket inutusan ko lang siyang kumuha ng mainit na tubig, away agad?

"No... We're not," I said lowly.

Humugot ito ng hininga at binuga 'yon. Tumingin siyang muli kay Zach na ngayon ay nilibot muli ang tingin sa buong lugar. Nag squat ako dahil naka slacks lang naman ako. Ramdam kong muling nag beeped ang cellphone ko sa bulsa.

Nag message na naman.

"Where are you? Are you busy? Should I ask your head about you?"

Nakidungaw naman si Aljean kaya nabasa niya ang message. I rolled my eyes when he suddenly hit my arms. Nakalimutan ko may kaugali pala ni Lesley dito pag kinikilig.

"Oo na ako na kukuha... Pero dapat kasama ka, kukuha rin ako ng kape. Mahihirapan akong magdala kong dalawa ang hawak ko, tapos mainit pa." ngiting saad niya.

Kinurot pa niya bahagya ang pisngi ko kaya inis kong tinabig ang kamay niya.

Wala rin naman palang silbi ang pagpunta ko dito. Kukuha rin naman pala.

Inis akong umismid at sumunod sa kan'ya. Nasa likod niya ko kaya hindi ako agad nakita. Kahit bakla 'tong si Aljean lalaki pa rin ang katawan. Sa kaliwang bahagi ni Aljean pilit kong tinatago ang sarili, kahit alam kong makikita pa rin ako ni Zach.

Kumuha siya ng isang mug, hinatak niya rin ako at inabotan ng isang mug. Kita ko ang paglingon ni Zach sa'min sa sulok ng mata ko. Binalewala ko nalang ang paninitig niya habang kausap ang head namin.

Ewan ko ba kong naiintindihan niya ba ang sinasabi ng head namin, dahil nasa akin lang ang atensyon niya. Maya't-maya ko itong sinusulyapan. Nag squat ako nang makaramdam ng ngalay kakatayo. Paharap ako sa dispenser kaya hindi ako makikitaan kahit na naka pencil skirts lang ako. Tagal naman kasing mapuno ng mug ni Aljean, double size ang pinili niyang mug. Batak na batak, naka black coffee pa, samantalang ako gatas.

Tiningala ko si Aljean at inis itong kinurot sa binti. "Tama na 'yan! Inuubos mo na ang tubig mainit, eh! Kanina kapa!"

Pinagsamang nanunukasong tingin at kilig ang binibigay niya sa'kin. "Ay, sorry, sadya."

"Kong yelo ka pa, kanina ka na natunaw. Titig na titig..." dagdag niya. Umirap naman ako at sumulyap kay Zach. Busy siya ngayon kakatipa sa cellphone niya, habang ang secretary naman niya ay siyang kumausap sa head namin.

I wonder kong ano ang ginagawa niya.

"Baliw na 'yang si boss sa'yo, sinasabi ko. The way he looks at you. Hindi ko masasabing in love lang, may iba pa. Hindi ko alam kong nakikita mo, pero kong hindi man, sa'kin nalang si boss sayang naman... Para malaman mo, minsan lang ang lalaking ganyan kong makatingin sa isang babae, tinginan na puno ng pagmamahal na para kong mawawala ka'y masisira na ang buhay niya. 'Wag mong isipan na dahil lalaki ako kaya ko nasabi 'to. I don't know kong ako lang ba ang nakapansin o baka pati na sila." mahabang saad niya at huminto dahil malapit ng umapaw ang tubig sa kan'yang mug.

Umatras ito at binuksan ang garapon na may lamang kape at asukal. Kumuha siya do'n ng tatlong kutsara kape at isa't kalahati ng kutsara sa asukal. Ngumiwi ako ng ma-imagine kong ano ang lasa no'n. Hindi ko alam kong ano ang lasa ng kape dahil nga allergy ako, ay nagtanong nalang ako sa lolo kong no'ng nabubuhay pa siya.

Ako ang pumalit sa pwesto niya at hinayaan ang tubig na mapuno ang mug ko.

"Sure kang mauubos mo 'yan?" ngiwing tanong ko.

He nodded while mixing his black coffee. Tinikman niya 'to at nag thumbs up.

Ibinaba niya ang kutsara at muli akong hinarap. " 'Wag kang mag-change topic, day. Kaloka makakalimutan ko ang sasabihin ko..." bahagya itong tumigil at tumingin sa likod ko.

Tumikhim ito at kinuha ang mug niya. "Ay nakalimutan ko na pala. Sa susunod nalang siguro, baka maalala kong muli." bawi niya agad.

Napakunot noo naman ako. Bakit ang bilis naman ata niyang magbago ang isip? Tumayo na 'ko at inabot ang dala kong gatas na nasa likod niya lang. Hinayaan kong matunaw 'yon at hinalo-halo.

Muli kong tinignan si Aljean, na ngayon ay sumesenyas na tumingin ako sa likod ko.

I take a sip. Tumango-tango ako ng makuha ang gustong lasa. Hindi man ito kasing sarap sa timpla ni Zach ay hindi na 'ko nag inarte. Alangan namang tawagin ko pa siya at sabihing pagtimplahan ako.

Muntikan pa 'kong nabilaukan ng may nagsalita sa likod ko. Hindi ko na kailangan magtanong pa, boses palang kilala ko na. Nagababantang tingin agad ang binigay ko kay Aljean, pero inirapan lang ako at sumimsim sa kape.

"Akala ko ba ako ang magtitimpla ng gatas mo?" baritonong boses na tanong ni Zach.

Yumuko ako at palihim na pinunasan ang gilid ng labi. Gumilid ako at inangat ng kunti ang ulo para matignan siya. Ipiniling ko ang ng bahagya para tignan ang mga tao sa likod niya kong nakatingin ba sa'min. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi naman, at busy sila sa ginagawa.

Pinandilatan ko ng tingin si Aljean nang tumikhim ito.

"Maiiwan ko na kayo. Masasali na naman ako sa pagtatalo niyo!" umirap ito sa'kin at nang-aasar na kinawayan ako.

"Aljean!" pasigaw ko tawag. Hindi na ako nito pinansin at tuloy lang ang lakad.

Bagsak balikat kong tinungo ang ulo at inabala ang sarili sa pag ihip ng gatas.

"Ayaw ko namang tawagin ka para lang pagtimplahan ako! Ano nalang iisipin sa nakakita? Na inuutusan ko ang CEO, sa pagtimpla ng gatas ko? Ayaw kong ma-issue, tapos madadawit pa ang pangalan mo... Hindi ko gusto na ako ang dahilan sa–" hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin.

Muli kong inangat ang tingin kay Zach na ngayon ay taas kilay na nakatitig sa'kin, hinihintay na matapos ang sasabihin ko.

Mukhang nahalata niyang ayaw ko ng magpatuloy ay umayos ito ng tayo.

"So, what? Iniisip mo ang sasabihin nila? I want you to remember this..." lumapit ito ng kunti kaya humakbang ako paatras. Mukhang hindi naman nito nagustuhan ang ginawa ko at matalim akong tinignan.

"Ako ang nanliligaw sa'yo, hindi sila! Hanggang salita lang sila! Wala silang magagawa kong gusto kita! They cannot control me, even you!" mapanganib niyang sabi.

Kinabahan ako bigla. Sa mga salita niya hindi ko masasabing nagbibiro siya, lalo na't sobrang seryoso siya. Hindi ko alam na bukas o sa susunod na araw ay magpakita na ito ng motibo sa publiko na nanliligaw ito at magkasama kami sa iisang bahay. Knowing him, he gets what he wants. By hook or crook, none of the choices. May paraan siya. At siya lang ang nakaka-alam.

"Zach! Lower your voice! Please." mahinahong saad ko, nang tumingin sa gawi namin ang secretary niya.

Umigting ang kan'yang panga at lumingon rin ito sa likod pagkatapos ay muling tumingin sa'kin 

Tumingin ako sa direksyon ni Aljean na ngayon ay nakangiting nakamasid sa'min.

"Babalik na 'ko sa trabaho..." akmang lalampasan ko na sana siya, ay hinawakan niya ako sa braso.

Hinila niya 'ko pabalik sa dating pwesto. "Answer me first! Nasa'n ka kanina? Hindi kita nakita,"

Hindi agad ako makasagot. Ano naman ang idadahilan ko? Na pinagtagaguan ko siya? Ang honest ko naman, mababawasan ba ang mga kasinungalingan ko kila Lesley?

Maya't-maya kong sinusulyapan, si Aljean, na ngayon ay may hawak na cellphone nakatutok sa'min. Kinuyom ko ang kamay at pinakita sa kan'ya 'yon. Tumawa lang siya at winagayway ang cellphone sa ere.

Muntik ko ng makalimutan na nandito pa pala sa harap ko, si Zach, kong hindi tumikhim hindi ko maaalala na nandito pa pala siya.

Sumimsim ako ng kaunti bago siya tiningala.

"Nakayuko kasi ako kanina kaya hindi mo 'ko makita..." tugon ko at umiwas ng tingin.

"Sige na, babalik na 'ko sa trabaho." dagdag ko at ngumiti.

I heard him sighed defeated.

"Alam mo talaga kong pa'no ako paamuhin. Mamaya ka sa'kin! Ako naman!" Zach said.

Dumaan ako sa pwesto ni Aljean at kinurot ito ng mahina sa braso. Tumayo naman 'to at lumayo sa'kin habang tumatawa.

Umirap nalang ako. Kinuha ko ang cellphone sa mesa niya at iniwan siyang humahalakhak. Long lost brother or sister ata siya ni Zach, parehong baliw.

" 'Wag kang masyadong lumapit sa kaibigan mong bakla."

Kunot noo ko itong binalingan pagkatapos na mabasa ang message niya. Tumingin ito sa'kin bago siya ulit nagtype sa cellphone.

"Baka nakakalimutan mo ang allergy mo? Umiinom 'yan ng kape, 'wag masyadong malapit. Baka lagnatin ka pa mamaya, mag-g-grocery pa tayo."

Laman ng bagong message niya. I looked at him and mouthed, 'noted', tumango naman ito at sumenyas na aalis na sila. Nginitian ko nalang ito bago umupo ng lumabas na sila.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 293K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
124K 2.5K 28
Leiah, a loving single mom to her 10 year old daughter, Felize. Got pregnant accidentally when she was 17 by her ex-boyfriend, Raymark. When she tol...
12.8K 168 43
Ito ay isang kwento kung saan hindi niya alam ang kanyang katauhan. Hanggang sa dumating ang punto na may nakilala siyang estranghero na bumili sa ka...