Her Virgin Brother

By crushyrushy

1.4M 19.7K 1.5K

'Ikaw. Ayoko sayo.' sabi ni EDRIK sa Bestfriend ng kapatid niyang si Colyn. Pero ng dahil sa isang pagkakamal... More

Her Virgin Brother
HVB 1: The Elevator.. Uhmmm..
HVB 2: The Stripper
HVB 3: Strip na iyan!
HVB: He's LIME
HVB 7: Two Lines
HVB 8: Panagutan na iyan!
HVB 9: First Step
HVB 10
HVB 11: *Pagkain*
HVB 12: Bulaklak
HVB 13
HVB 14:
HVB 15: I'm Starting to...
HVB 16: DEAD
HVB 17: Regrets
HVB 18: Manipulative Hawk
HVB 19: FIVE Reasons
Her Virgin Brother: EPILOGUE

HVB 6 : Past is Past

65.9K 918 48
By crushyrushy

Happy 8K sa BABY ko. Her Virgin Brother.

HVB 6: Past is Past

<Colyn's POV>

Parang napakabilis ng panahon.. 3 Days na ang nakakalipas pagkatapos namin magusap ni HAWK.. pero hanggang ngayon.. nandito pa din yung CELLPHONE ni Edrick sa akin at hanggang ngayon nakatatak pa din sa utak ko.. Yung pangalan ni Lime..

"Namimiss ko na si Kuya.." Ungol ko. Sabado na iyon ng UMAGA.. at medyo tinatamad yung katawan kong kumilos..

Halos magiisang linggo na nung may nangyari sa amin.. Kamusta na kaya siya? Naalala niya kaya ako? Ganito din kaya siya?

Tumagilid ako ng higa at tiningnan yung Cellphone niya sa Side Table ko.

"Kailan kaya kita maisasaoli?"

Haay.. Naghikab ako.. Nitong mga nakaraang araw.. Parang gusto kong matulog na lang ng matulog.. Tapos gusto kong kumain ng kumain.. Ang dali ko pating maasar.. Lalo na dito sa katabing kapitbahay ko!

Dahan-dahan akong tumayo.. Gusto ko ng Santol.. Saan kaya ako maghahanap nun?

Basta gusto ko ng SANTOL.

Dali-dali akong nagbihis, nakatira lang ako sa isang maliit na apartment. Opo. Maliit lamang. At AKO lang. Matagal na akong ULILA at wala naman akong KAPATID. Wag kang maawa, di ko kailangan ng AWA mo. Mas gusto kong may mga kaibigan na lang akong sumuporta sa akin.

Nagpunta ako ng palengke. Kaso.. Wala talaga akong makitang santol. Nakakaasar naman nakakapanglumo

Nakakita ako ng Cotton Candy. Mas gusto ko yun! Parang Cloud.

Pagkabili ko. Pumunta ako sa parang PARK doon at kinain ang limang pirasong cotton candy.

"Hmmm.. Tamis!" Ngasab lang ako ng ngasab ng makita ko ang pamilyar na figure sa harap ko.

Nakatayo lang siya.. Nakatingin lang siya sa mini Pond doon. Nakapamulsa. Mukhanp malalim ang iniisip.

Huminga ako ng malalim. Kilala ko kung sino ito.

Si Kuya Edrick.

Madaming nagbibike na pumapagitna sa amin. Pero.. siya lang yung nakikita ko.

Ilang araw na ba kaming di nagkita? Apat? Lima? Ganito ko na ba siya namiss?

Parang bumalik lahat ng nangyari sa amin nung last kami nagkita..

..Lalo na ang pagbanggit niya sa pangalan ni Lime.

Yung babaeng mahal niya..

.. na pinaglayo.. ng dahil sa masamang trahedya.

Kung buhay pa kaya si lime, mameemeet kaya kami? May mangyayari kaya sa amin? Mamahalin ko kaya siya?

Wala sa sariling napatayo ako.. at dahan-dahang naglakad sa kanya..

Kaya pala ganyan siya.. Kaya pala napakamisteryoso niya.. Kaya pala napakairitable niya sa akin.. Kaya pala..

May rason lahat ng iyon. Malungkot siya.. sobrang malungkot siya..

Tapos ako.. laging pinapainit yung ulo niya..

"Edrick.."

Lumingon ito. Blanko yung mukha niya. Wala man lang akong makuhang magandang reaction mula sa kanya..

"Anong ginaga----"

Wala sa sariling niyakap ko siya. Yun na lang yung magagawa ko. Yung yakapin siya. At feeling ko may urge na yakapin ko siya.. Parang doon ko pinaramdam na may sympathy ako para sa kanya. Ang dami niyang pinagdaanan.. Sobra..

"Sorry.."

Pinipilit siyang kumawala pero hindi ko pinakawalan.

"Kailangan mo ako. Kahit yun na lang.. Diba? Kaya naman turuan ang pusong magmahal.. Kahit yun na lang.."

"Ano bang pinagsasasabi mo? Umalis ka nga---"

"O sige.. Kahit wag na. Basta hayaan mo lang ako sa tabi mo.."

"Can you please get your hands off me?"

"Si Lime.."

"I don't know who are you talking about.."

"First Love mo siya diba?"

"I dont know her."

Tama nga si Hawk. Pinipigilan niya yung isipin niya si Lime. Ayaw niya ipahalatang masyado siyang nasasaktan sa nangyayari. Mahal pa rin niya si Lime..

Mayamaya ay naramdaman ko na lang na umiiyak ako.

"Sheesh! Why are you crying?"

"Kasi... *sob* Hindi ko alam basta.. *sob* naiiyak ako.." Para na akong tuta na umiyak. Mas lalo pang lumakas. Tapos yumuyugyog pa yung balikat ko. "Sorry.."

"H-hey! A-no ba! Itigil mo na nga iyan!"

"Hindi ko mapigilan..."

"Stop Crying! Pinagtitinginan na tayo ng tao."

"Aaaaaah! Sorry.. Sorry.. Huhuhuhu.."

"Can you please Stop??"

Mayamaya nakakarinig na ako ng mga nagbubulungang tao.

"Ano ba iyan.. Grabe magpaiyak ng lalake.."

"Kalalaking tao.."

"Patawarin mo na yung GirlFriend mo."

Sumisinok pa ako ng tingnan ko ang mukha nito. Nakangiwi ito at humihingi ng paumanhin sa mga napapatingin na tao.

"Di po.. Di ko po siya Girlfriend.. Pasensya---" Bigla itong tumingin sa akin. "Will you stop crying? Bigla ka na lang umiiyak.. Stop."

Suminghot-singhot pa ako tapos pinahid ko yung luha. Hindi ko alam kung bakit ako umiyak.

Masyado lang siguro akong emotional tapos.. namiss ko siya.

"Tss.. Umalis na nga tayo dito."

"Teka, yung Bag ko."

Hinawakan ko yung braso niya at hinila ko siya. Buti na lang sumunod.

"Mas maganda puwesto mo dito." Umupo ito doon. Saka kumuha ng panyo sa bulsa. "Oh."

Napatingin lang ako dito habang nakatayo.

"Ano? Punasan mo nga iyang sipon mo. Nakakahiya ka."

Bigla ko na lang kinuha yung panyo sabay umupo sa tabi niya. Suminga ako. Yung Exaggerated na singa.

"Oh.." Sinauli ko sa kanya.

Parang hindi na maintindihan ang mukha nito. Oo nga naman sinong matinong lalaki ang tatanggapin ang panyong nasingahan na.

"Do you think I'll accept that after you--- Arrgh.. You're getting in my nerves again."

"Is it a goodthing or a badthing?"

"None of the above." Nagready na itong tumayo pero pinigilan ko nanaman siya. "What? Pagkatapos mo akong pahiyain pipigilan mo pa ako? Go Away."

"Bakit ba ang sungit-sungit mo?"

"Wala ka na dun."

"Fine. Pero may bibigay ako sandali." Then binigay ko yung cellphone niya. "Here."

"Paano mo nakuha ito? Eh na kila Hawk ito."

"Binigay sa akin ni Hawk. Saka.. ako pala ang dahilan kung bakit naiwan mo doon iyan ah."

"Naniwala ka naman?"

"Oo."

Tumaas ang kilay nito. Saka kinuha yung phone sa akin.

"Alis na---" Pinigilan ko ulit siya tumayo. "What?"

"I know who Lime is.."

"Who cares?"

"Ikaw."

Tinitigan ako nito. Medyo natakot ako. Wala nanaman akong emosyon na nakuha.

"Don't messed up with my Past."

"Pero may nangyari sa atin!"

"Ano naman? Init lang ng katawan iyon."

Medyo nasaktan ako doon. Masakit talaga. Init ng KATAWAN? Pero hindi ko inintindi. Bigo siya. And I can cure his mending heart. oh? Taray English!

"Kung sakaling mabuntis ako wala ka ring pakielam ganon?"

"Bakit buntis ka ba?"

"Hindi."

"There you go. Init lang ng katawan natin ang mga nangyari."

"A thing in the Past should stay in the past. It should never interfere with our present. Or you will never get to your future. Kaya nga nandito ako eh. Ako na lang bahala sa iyo."

Saglit lang akong tiningnan nito. Bulls eye ako. Tinamaan siya.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?"

"Kay Hawk. At nung gabing may nangyari sa atin."

"Ha?"

"You said her name, after we do that.. thing.. "

Tumingin ito sa akin. Parang may gusto pa siyang itanong pero pinigilan na lang niya.

"Dapat nga magthank you ka pa.. I can help you."

"I don't need your help."

Nginuso ko yung nguso ko sa CELLPHONE niya. "Maganda siya aah."

Parang na curious ito at inopen ang cellphone. Sabay nagulat.

"T-teka! Bakit mukha mo ito?!"

"Bakit? Mas maganda iyan. At least buhay pa yung nasa wallpaper mo! Ang ganda ko no?"

Kumalikot pa ito sa cellphone. Mukhang may hinahanap pa.

"Where's her picture?"

"I deleted it."

"Bakit napaka-pakielemera mo?"

Nasaktan nanaman ako. Kaya ko pa ba? Okay pa rin ba ako. Teka.. Okay pa rin ako. Basta.. Basta makuha ko siya ayos lang.

"Oo. Pakielemera ako. Past is past nga diba? Kung ako sa iyo iyang picture ko muna ang bahalang   umokupa sa space na nadelete kong picture. Masaya iyon diba? At least buhay ako. Kesa magpakasasa kang magmahal sa taong alam mong wala na."

"Pathetic." Tapos umalis na siya this time di ko na pinigilan. Nakaalis na kaya. Saka kelangan niya magisip. Kung pwede lang na ipagsiksikan ko yung sarili ko okay lang.. Ganoon ko siya kamahal.

Umupo ako at kinuha ang cotton candy ko ng naramdaman kong para akong maduduwal.

Pumunta agad ako sa basusahan at doon nasusuka.

"Pwee.." Pumunta ako sa upuan ko at uminom ng Tubig.

 Nagbiglang may nagsink-in sa utak ko..

"Bakit bunis ka ba?"


Halos mabuga ko yung iniinom ko.. BUNTIS??!!!

"Hindi naman siguro.."

At naramdaman ko nanaman ang pagsusuka.

Continue Reading

You'll Also Like

706K 21.8K 43
Mapa-ibig kaya ng isang Playboy ang isang Cold-hearted girl? Let's see. -- My_love_letter (MLL)
473K 18.3K 45
Ang buhay ko ay kakaiba simula palang ng ipinanganak ako. Habang lumalaki ako nakikita at nararamdaman ko ang pagiging kakaiba ko sa ibang tao. Kahit...
672K 7.8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
5.7K 176 20
Husband and wife marry because of love. But Alyanna Mace Ignacio doesn't even have a slightest idea why Vaughn Patrick Martins, her husband-to-be wil...