ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z...

Por tamadsiAko41

26K 457 10

Si Zhanielle ay lumaking 'di kilala ang tunay na magulang, at alam n'ya rin na ampon lang s'ya nang kinikilal... Más

prologue
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
Epilogue

chapter 19

738 9 0
Por tamadsiAko41

Naiinis akong tumingala ng makaramdam ng pagod. Sumasakit na ang balakang at leeg ko. Nakakaumay na ring titigan ang mga papel sa mesa ko. Isama mo na ang kakatitig sa computer, sumasakit na mata ko.

Tumingin ako kay Aljean, pati rin siya'y pagod na halata sa mukha niya. Tumingin siya sa relo na nasa bisig niya bago sa 'kin. Tumayo ito at pumunta sa 'kin.

"Lunch time na. Tara sa labas tayo do'n tayo kumain sa karenderya." alok nito, tinangohan ko lang ito.

Gutom narin ako kaya tumayo na ako at pinatay ang computer at inayos ang mga papel sa mesa.

"Libre mo?" pabirong sabi ko.

Tignan natin kong mapapayag ko ba lakas makapag-aya. Umismid ito sa 'kin bago sumakay sa elevator. He pressed the button.

"Ang dami mo na kayang pera no! Magpapalibre kapa!" reklamo nito.

Tumawa lang ako. "Pa'no mo naman nasabi na marami akong pera? Wala pa nga tayong sweldo."

Dinuro ako nito at umirap. 'Tong baklang 'to lakas makataray.

"Haler, marami kang pera kasi boyfriend mo si sir Zach. Imagine mo nga ceo si sir Zach tapos boyfriend mo pa. Ibibigay niya sa 'yo ang kan'yang wallet then maraming pera. Sugar daddy kumbaga. Oh, 'di instant sugar baby ka niya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sinipa ko ito pero mahina lang. Saan naman niya nakuha ang mga salitang 'yon. Boyfriend? Eh, hindi nga niya ako girlfriend.

"Bunganga mo! Baka may makarinig sa 'yo. Malalagot ka talaga." aniya ko dito.

Sa lahat talaga ng kilala kong tao si Aljean lang ang mahilig sa issue. Minsan may saltik pa, bigla bigla nalang kikiligin habang nakaharap sa cellphone.

Nang bumukas ang pinto ay tinulak niya ako pero mahina lang. Buti nalang at naka hawak ako sa kan'ya kaya pati siya natangay ko. Sobrang atat na niyang kumain dahil kanina pa daw siya nagugutom.

"We're same. Pero hindi ako nanunulak ng tao." irap ko dito.

Tinawanan lang ako nito. Buti nalang at hindi ako nag heel kundi kanina pa 'ko nakadapa sa sahig. Nanghiram ako ng tsinelas sa kasama ko kanina. Pero kong madadapa ako okay lang kung hila ko rin naman siya. Bayanihan tayo, madapa ang isa madapa ang lahat!

Kita ko si Zach sa lobby kaya bago pa niya kami makita ay hinatak ko na si Aljean papuntang parking lot. Kita ko ang pagtataka nito sa mukha. Imbes na magpaliwanag mas binilisan ko ang lakad.

"I will explain to you later. Just please faster," sambit ko.

Nang makarating kami sa parking lot ay saka ko lang siya binitiwan. Hinarap ko siya at bakas ang pagkalito niya.

"Bakit kaba nagmamadali? Mukhang ikaw ang mas atat na atat kumain sa'ting dalawa." nanunuya itong ngumiti sa'kin.

Hindi niya ba nakita sa lobby si Zach? Well, no problem. Ayaw kong malaman niya kaya sumang-ayon nalang ako.

"Yes, gutom na talaga ako kanina pa." I lied.

He smiled and drag my hair. Hindi naman masakit. Sadyang ganito lang siya pagnaiingit sa buhok ko. Gusto niya rin daw ng ganitong buhok. Ayaw na nga niyang magpapa-hair cut.

Uulitin niya sana ang paghila sa buhok ko pero naiwan sa ere ang kamay niya. Lumunok ito at nanlalaki ang mata na tumingin sa likod ko. Nagtaka naman akong tumingin sa kan'ya. Mga tingin niya ay nagsasabing tumingin ako sa likod ko.
I turned around para makita ang nasa likod.

"Ipis na kalbo!" napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat.

He's towering me now. Kaya napatingala ako. Madilim ang tingin niyang binibigay sa'ming dalawa ni Aljean. He looks calm pero kapansin- pansin ang mabilis na paghinga niya. Kumurap ako ng ilang beses. Baka nag d-day dream lang ako. But no, he's real.

Hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinala palapit sa kan'ya. Mabilis na pumulupot ang kamay niya sa baywang ko. Ang isang kamay niya ay humawak sa ulo ko at isinandal sa malapad niya dibdib. Hindi agad ako nakapag-react.

"Where are you going?" he ask, at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin.

"Kakain kami..." ako ang sumagot dahil tahimik lang naman si Aljean at nakatalikod. Kita ko pa ang paggalaw ng mga braso niya.

"Nang kayong dalawa lang?" matigas niya sabi.

Humawak ako sa braso niya at marahang hinaplos. Iba ata ang pag kakaisip niya. Iniisip niya bang nagd-date kaming dalawa?

"Kalma ka lang. Please."  I begged.

Dahil mas lalong bumilis ang paghinga niya humigpit lalo ang kapit sa'kin. Tumingin siya sa'kin at binaon ang mukha sa leeg ko. Hinayaan ko nalang kaysa magwala ito dito.

Umatras ito kaya napasunod rin ako. Umupo ito sa hood ng sasakyan na nasa likod niya, hindi ko alam kong sino ang may-ari. Nilingon ko si Aljean sa likod na ngayon ay nakatingin sa'min. Nanlalaki ang mata niyang tinignan ako. Sinenyasan ko siyang lumapit.

"Tiisin mo muna ang gutom, ah? Saglit lang talaga. Papakalmahin ko muna 'to." tukoy ko kay Zach.

Nang bumalik na sa normal ang paghinga ni Zach at humiwalay ako pero nanatili parin ang kamay niya. Tinignan ko ito at hinaplos ang pisngi. Pumikit naman siya.

"Pwedeng sumama?" mahinang sabi niya.

Gustuhin ko mang tumanggi ay 'di ko magawa. Knowing him hindi siya titigil hanggat hindi niya nasusunod ang gusto. Hinayaan ko nalang na sumama pumayag rin naman si Aljean na isama siya. Natakot ata dahil masama siyang tinignan ni Zach.

"Okay, let's go."

Hindi pa kami nakakalabas sa building ay huminto na kami– ako lang pala sumunod lang sila. Napangiwi ako ng makita na sobrang init sa labas. Tirik na tirik ang araw dahil nga ay tanghali na.

"Tutuloy pa ba tayo? Ang init sa labas, oh." nag-aalinlangan kong sabi.

Gutom na nga ako tapos magpa- pabilad pa ng araw. Patayin niyo nalang ako.

Nagboluntaryo si Aljean na siya na ang manghihiram ng payong sa guard. Kasi nong tinignan ko si Zach ay umismid lang siya sa'kin. Mukhang alam niya na uutusan siya.

"Ako na, nakakahiya naman kayong paghiwalayin." padabog itong tumalikod.

Kinurot ko nalang si Zach sa braso. "Ang tamad mo talaga. Alam na alam mong uutusan kita."

Tumawa ito at hinalikan ako sa ulo. "Tingin mo palang alam ko na. At hindi rin ako papayag na maiiwan ka na kasama siya."

"Pinagseselosan mo ba siya?" sambit ko.

Ngumuso ito at hinalikan ako sa labi ng matagal. "A little bit,"

Hindi ko na mapigilan ang matawa. Bakit naman siya nagseselos kay Aljean? Halatang halata naman naman sa kilos nito na hindi lalaki ito.  Sabagay hindi niya naman pala alam. Umiling nalang ako.

"Mas babae pa 'yon Zach. Binata at gwapo rin ang hanap."

Umirap lang ito. Babae siguro 'to 'di lang natuloy. "Still he's a guy." matigas na aniya niya.

Tumahimik nalang ako at hindi na nagsalita. Baka mainis lang siya sa'kin pag nagpatuloy pa ako.

"Oh, payong niyo mga malalanding nilalang!" biglang sulpot ni Aljean at ibinibigay sa'min ang isang payong.

Kumunot ang noo ko dahil dalawang payong lang ang dala niya. Tatlo kami tapos dalawa lang ang payong na hiniram niya.

"Bakit dalawa lang? Tatlo tayo," don't tell me na hahayaan niyang mabilad sa araw ang boss niya.

Umismid ito. "Tanga! Share kayong dalawa niyan malaki naman ang payong na hiniram ko para sa inyo."

May mood swings rin ba ang bakla? O, dahil hindi siya ni-replyan ng text mate niya? I choose the latter. Nong nakaraan kasi ay may nakwento siyang may ka text siya. Nakilala niya raw sa restaurant. Pero ngayon daig pa niya ang bipolar ngayon. Ganina ang saya saya niya.

MAGkatabi kami ng upuan ngayon ni Zach. Ayaw niyang humiwalay kanina kasi sinabihan ko siyang tabi nalang silang dalawa ni Aljean pero sinamaan lang ako nito ng tingin. Panay naman ang yakap niya sa'kin ngayon. I sighed, tumingin ako kay Aljean na siya ang pinag-order ni Zach sa kakainin namin. Again, nagda- dabog nanaman ito.

Bumalik siya sa kinauupan niya. Masamang tingin ang binabato sa'ming dalawa ni Zach. Bumulong bulong ito pero rinig naman. Napa tawa ng mahina nalang si Zach.

"Ako ang nag-aya pero ako ang third wheel. Tangina niyo naman! Okay lang sana kong mabubusog ako kakatingin sa inyo. Pero hindi!"

Napatawa ako at tinulak papalayo si Zach sa'kin. "Don't worry. Libre ni Zach daw."

Nang dumating na ang pagakain namin ay saka lang tumahimik si Aljean. Halatang hutom na talaga ito dahil nagpadagdag pa ng kanin. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone nito. Mabuti nalang talaga at tapos na 'kong kumain kundi kanina pa'ko nabilaukan dahil sa ringtone niya. Nahihiya niya itong pinatay at nagpatuloy sa pagkain.

Barbie girl pa nga.

Pigil tawa kong binaling sa cellphone ang atensyon. Ang katabi ko naman ay binalewala lang ang narinig at nakisilip narin sa cellphone ko. Nag-facebook lang ako habang hinihintay na matapos na kumain si Aljean. Si Zach narin ang nagbayad tinotoo niya ang biro kong sabi kanina. Hindi ko rin naman alam na seseryosohin niya ang sinabi ko.

Nag message sa'kin si Lesley sa messenger. Sumandal muna ako sa balikat ni Zach bago siya replyan.

"Tara na balik na tayo." aya ni Aljean matapos kumain.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang tumingin sa mga taong naglalakad kagaya namin. Marami ang mga estudyante. May malapit rin kasing paaralan dito. Kaya 'di na nakapagtataka kong marami ang estudyanteng nagsisilabasan.

"Gusto mo ba ng gatas?"

Nilingon ko si Zach ng bigla itong nagsalita. Humawak ang kamay nito sa baywang ko habang ang isa ay nakahawak sa payong. Nakalimutan ko rin kasi na uminom kanina ng gatas dahil sa pagmamadali.

Sinagot ko lang ito ng isang tango. Buti nalang talaga at nasa unahan namin ngayon si Aljean kundi mag bubulong-bulong nanaman ito.

Pagkarating namin sa parking lot ay kinuha agad ni Aljean ang payong dahil siya nalang daw ang magsusuli. Kaming dalawa naman ay naiwan.

He looked at his wrist watch. "Mahaba pa ang oras. Pwede ka munang matulog sa office ko."

He suggests and I agreed. Sumasakit na rin ang ulo ko kanina pa. Gusto ko man lang na makapagpahinga kahit sandali lang. Saktong dumating rin si Aljean kaya pumasok na kami. Dumaan kami sa exit dahil 'di masyadong matao.

Malinaw ang repleksyon namin sa salamin nang makasakay kami sa elevator. Kami lang tatlo ang tao kaya maluwag ang espasyo. Pero para sa'kin hindi maluwag dahil sa sobrang dikit sa'kin ni Zach. Lumipat rin sa kabilang side si Aljean at ayaw na makadikit sa'min.

Kinuha ko ang cellphone at nag take ng picture. Minsan kaming tatlo o kaya kaming dalawa ni Zach dahil sinasamaan ako ng tingin ni Aljean pa nasasali siya. Pero mas marami pa rin ang nakuha ko na ako lang mag-isa.

Tumunog ang elevator lumabas si Aljean kaya susunod na sana ako ng pigilan ako ni Zach. Inangatan niya ako ng kilay. Bumalik ako at napakamot ng batok ng may napagtanto. I forgot matutulog pala ako sa office niya.

Pagkarating namin ay agad na lumabas siya at sumunod ako. Pinagbuksan niya ako ng pintuan bago niya sinarado. Iginala ko ang tingin at huminto sa couch.

Rinig kong nagsalita siya mula sa likod ko. "Hindi ka matutulog diyan sa couch. Sasakit lang likod mo diyan,"

Sinundan ko siya ng maglakad sa papunta sa isang pinto. Binuksan niya 'yon at binuksan rin ang ilaw sa loob. Nakilimutan kong may kwarto pala siya dito. Baka mamayang hapon na 'ko magigising nito dahil sa sobrang lambot ng kutson.

"Baka hindi na 'ko makapagt-trabaho dahil sa himbing ng tulog ko nito." pabiro kong sabi.

Hindi ko naman alam na sasang- ayonan niya.

"Then feel free. I don't care kong hindi ka makatrabaho ngayon. As long as nakapagpahinga ka ng maayos." hinatid niya 'ko sa kama.

Humawak siya sa aking baywang at hinalikan ako sa noo.

"Sleep well, lady." he said sweetly.

I nodded and close my eyes. Hinila niya ang kumot at kinumotan ako hanggang leeg.

Gusto niya bang masakal ako?

Ramdam kong umalis na siya kaya napamulat ako. Tinignan ko ang pinto na iniwan niyang nakabukas. Inabot ko ang cellphone at hinanap ang number niya.

Nagtipa ako para i-text siya.

"Bakit mo iniwang bukas ang pinto?" I asked in message.

Hinintay ko ang reply niya ng ilang segundo. Nilagay ko nalang ang phone sa bedside table ng walang matanggap na text galing sa kan'ya. I guess he's busy. Ay mali hindi pala, pumasok siyang muli na tagpo ang kilay. He stares at me deeply. Lumunok ako at umiwas ng tingin.

"Matulog ka na," he said calmly.

Umiling ako at tinignan ang pinto.

"Basta isasarado mo ang pinto." sabi ko.

Lumapit ito at umupo sa gilid ko kaya medyo umusog para mabigyan siya ng space. Itinukod niya ang kamay sa kabilang gilid ko. Kaya ngayon ay nakaharap na 'ko sa kan'ya habang nakahinga.

"I don't want, too." matigas niyang sabi. "Matulog ka na. I saw you how you stretch your self earlier. Dumapa ka nga. I'll massage you para ma wala ang sakit sa katawan mo."

Humawak siya sa likod ko at akmang ipapadapa ngunit gumulong ako papalayo. Now, mukha na 'kong lumpia na balot na balot ng wrapper. Tumayo siya at hinuli ako ng gugulong ulit ako sa kabilang side.

"Lumabas ka na nga!" taboy ko. "Isarado mo nalang ang pinto. Matutulog na 'ko,"

Nanunuya ito ngumiti sa'kin. "Ayaw ko nga!" ulit nito sa sinabi niya kanina.

Inis ko itong hinampas ng makawala sa kumot. "Bakit, ha?!"

Pakiramdam ko para na 'kong sasabog sa inis. Ito ang pinaka ayaw sa lahat ang 'di sinusunod ang gusto ko. Ramdam kong namumula na ang pisngi ko dahil sa irita. Masama ko itong tinignan ng maiwasan niya ang hampas ko. Tinawanan lang ako nito kaya mas lalong umusbong ang inis na nararamdaman.

"Kong i-sasarado ko ang pinto sagabal lang kong pupuntahan kita dito para tignan... Matulog kana hindi ako susunod sa sasabihin mo. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka matutulog!" pinal niyang sabi.

I sighed to release my frustrations. Dumapa ako at binaon ang mukha sa unan. Mahigpit kong hinawakan ang unan. Pag ganitong usapan na hinding hindi talaga ako mananalo. He's always bossy. Hinawi ko ang kamay niyang menamasahe ang likod ko. Ngunit mabilis na binalik niya 'yon sa likod ko. Hinayaan ko nalang, palagi naman siyang nasusunod.

"Stop moving! Hindi kita na-m-massage ng maayos!" sita niya sa'kin. "Baka ibang dapa ang gusto mong mangyari sa'yo, Elle!"

Huminto ako nang matigilan sa sinabi niya. Hindi ko agad na kuha kong ano ang punto niya sa sinabi. Talagang gagawin niya lahat para lang makuha ang gusto niya, ha. Pa'no nalang ko sasagutin ko na siya? Pataasan nalang ng pride? Gano'n? Pinikit ko nalang ang mata at inaalala ang naganap no'ng nakaraang araw.

"Can I?" napalunok ako habang nakatingin sa kan'ya.

Inangat niya ang ulo at tumingin rin sa'kin. Kumikibot-kibot pa ang kan'yang bibig at parang may gustong sasabihin.

Umangat ang kilay ko. "What?"

Marahan kong hinaplos ang buhok. May pagka mahaba na rin ang buhok niya at malambot pa. Pumikit ito at niyuko ang ulo. Aalisin ko na sana ang kamay pero agad niyang hinawakan at ibinalik 'yon.

Naninibago na 'ko sa mga kinikilos niya noong nagdaang araw hanggang ngayon. He's always clingy, ayaw na hindi ako nahahawakan kahit saglit man lang. Dahil kong hindi mo siya hahayaang hawakan ka sa kamay man lang ay parang naiiyak na siya. I don't know but I find comfortable with him. Pag matutulog siya kailangan talaga na lambingin mo siya. Hindi naman kami magkatabi pero palagi siyang pumapasok sa kwarto para lang sa lambing. Sabi pa niya nahihirapan daw siyang matulog lalo na't malapit lang daw ako. Ewan ko ba sa lalaking 'to.

Para siyang apoy sa kandila. Na kailangan mong patayin para makapagpahinga. Para pag ka kinabukasan sisindihan ulit at hayaang mag-apoy muli. Minsan hindi mo mapipigilang sumiklab. Parang si Zach lang, pag may gustong gawin nakukuha at pag hindi sisiklab ang init ng ulo at nagiging bossy.

No one's can stop him...

Malalim ang hininga ni Zach sa may hita ko habang nakayuko. Taas baba rin ang kan'yang balikat dahil sa bilis ng paghinga. Palagi siyang ganito pag may gusto siyang sabihin at  nagda- dalawang isip ito. Sa tagal ko ng nakikita at nakakasama ito kahit saglit man lang. Alam ko na kong ano ang gusto at ayaw niya. Lalo na 'kong hindi siya komportable sa isang tao.

"Can I... Can I court you?" he suddenly said. Hindi agad ako nakapag-salita. Naiwan sa ere ang kamay kong humahaplos sa ulo niya.

" Alam kong masyadong mabilis, pero hindi ako mapakali kong hindi ka magiging akin. Nakakabaliw isipin na palagi mong nakikita, nakakasama 'yong Aljeck na ka officemate mo. Magkasabay kayong kumain sa lunch time. Habang ako hindi makalapit man lang kahit tatlong hakbang ang layo mula sa'yo. I always overthink and many what if... Like, what if magkagusto sa kan'ya. What if may nararamdaman ka na para sa kan'ya pero tinatago mo lang. Nanghihina ako habang iniisip 'yon. Kasi what if magkatotoo lahat ng 'yon. Hindi ko na alam ang gagawin. Nakakabaliw ka kong alam mo lang, Elle. Alam na alam mo kong pa'no mo ako palambotin, paiyakin. Hindi mo alam kong ilang beses na 'kong umiyak ng dahil sa'yo. Ikaw lang ang nakakagawa sa'kin no'n. You're my weakness but also my strength, Elle. You're the only one. Kaya ngayon hindi ko na patatagalin pa. Dahil habang tumatagal mas lalo akong nalulunod sa nararamdaman ko... So... Can I court you?" mahabang wika niya.

Ramdam kong parang may bumarang bato sa lalamunan ko at hindi agad nakapag-salita. Nag-angat ito ng ulo at malalim akong tinignan. Hinintay kong may idudugtong pa siya. Pero seryosong tingin lang ang binigay niya sa'kin, seems he's not joking. Tumikhim ako at iniwas ang tingin. I'm not comfortable right now. His confession is so sudden, I never expect.

Kong kumain lang ako talagang nabilaukan na. Kong sakali mang hindi agad mabigyan ng tubig ay wag ng idala sa hospital diretso na sa morgue para wala ng gasto sa hospital bills. But lucky me hindi umandar pagiging matakaw ko.

If manliligaw siya sa'kin... Sino naman ako para tatanggi. Bawal tumanggi sa grasya ika ng nila.

Sasagutin ko na sana siya pero naunahan niya ako.

"Sinabi ko lang nararamdaman ko. Kong hindi ka papayag na liligawan kita hindi ikaw ang masusunod. Kahit ayaw mo, kahit 'di mo ako gusto, liligawan parin kita. Walang masama kong susubok ako. Mas mabuti na rin 'yon at mas nakilala mo pa akong ng lubusan at matikman kong gano ako kasarap." pinal niyang sabi at tumayo. Kumindat pa siya sa'kin.

Napahampas ako sa braso niya dahil sa huling sinabi. Ang seryoso kong nakikinig dito tapos gano'n lang.

Natatawa itong yumuko at pinantay ang mukha sa'kin. "Just kidding lady. Pero seryoso ako sa mga sinabi ko," ngiti niyang sabi at hinalikan ako sa noo.

Nakasimangot akong nakatingin sa labas ng bintana. Pauwi na kami ngayon sa bahay niya. At ngayon lang rin ako nagising.

"Bakit hindi mo 'ko ginising?! Nag- over sleep ako sa oras ng trabaho ko!" to my annoyance I stumped my feet.

Nagising nalang ako na magt-takip silim na. Ang guard at kaming dalawa nalang ang natira sa building. Pagkagising ko kanina ay nakita ko siyang naka-upo lang sa harap ng bedside table habang hawak ang cellphone ko. Palagi naman simula no'ng nanligaw siya ay halos aking cellphone na ang hawak. Nahahawakan niya lang cellphone niya pag may tatawagan siyang importante binibigay niya rin agad sa'kin.

Hindi ako nito binalingan ng tingin at nanatili lang sa daan. Pansin ko rin ang munting ngiti nito at paglingon saglit sa labas.

"Ayaw kong gisingin ka... Mahimbing ang tulog mo, at baka tupakin ka at hindi mo 'ko pansinin pag ginising pa kita." dahilan niya.

Napahilot nalang ako sa sintido. Hindi ko na alam ang gagawin sa kan'ya. Masyadong na siyang overreacting.

Seguir leyendo

También te gustarán

1.8M 127K 45
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
185K 1.8K 34
Numerical Series #1 Denise, a happy-go-lucky, was raised in a loving family. And yet, she fell in love to someone who's cold, snobbish, and grumpy. S...
37.2K 518 42
Isang simple at ordinaryong babae lamang si Althea Gaum 25 yrs old.Isa siyang government employee sa Isang medyo may kalakihang municipality.Sampu...