The Way I Loved You [COMPLET...

De Nananamiyy

36.4K 694 29

Tumakas si Taffy mula sa kanilang bahay matapos itong ipasok sa isang arranged marriage ng kanyang tiyuhin pa... Mai multe

The Way I Loved You
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Calren Frank Fuerte Vegas
Author's Note

Chapter 28

672 10 1
De Nananamiyy


I was just there while he silently mourned. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya. I couldn't say anything useful to ease his pain. I feel like every word I'm gonna say will break him apart. For the next 3 days ay halos tig iisang oras lang kaming nakakapag usap, dahil binuburol pa doon ang Daddy nya. He wants everyone to see him before he goes. Sya mismo ang nag aasikaso sa burol na iyon. He wants it to be very Filipino. Sometimes, I would force him to go catch sleep. He's obviously sleepless and tired. Ngayon din ang huling araw ng burol ng Daddy nya. It must've been so painful for him, I hope they've already talked over on their differences.

Papalabas na ako ng gate ng school nang makasalubong ko si Adam. He didn't look at me directly at umiwas sya ng tingin. Parang lumukso ang puso ko sa kaba at malinaw na inalala ang nangyari no'ng mga nakaraang araw. Tumabi ako sa daanan at diretsong lumakad. Hindi na ako nakatingin sa daanan at mabilis na naglakad diretso ngunit napahinto ako nang makabangga ako ng isang babae.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo?!" Sigaw ng pamilyar na boses saakin.

"Pasensya na." Saad ko.

Tumaas ang tingin ko sa babae at nakita kong si Wendy pala 'yon. Ang bruhildang anak ng Tiyuhin ko.

"Oh well, look what came. Kusa ka nang lumapit saakin. Hindi mo nako pinahirapang hanapin ka." Maarte nitong saad saakin.

Wala ako sa mood pakipag-bangayan sakanya kaya't lalagpasan ko na dapat sya ng bigla syang magsalita sa likod ko.

"Boyfriend mo si Calren Vegas, hindi ba? Ang anak ng former na CEO ng VCC, na ngayon ay pinamumunuan na ng pinsan nya? How fortunate of you naman, Taffy. You finally made a way on top."

Napakuyom ako sa sinabi nya saakin. Bakit ang daming nyang alam kaysa saakin? Where's she getting all of those information.

"Ano bang kailangan mo saakin?" Tanong ko sakanya at hindi parin humaharap. Humagikhik sya sa sa sinabi ko. She's mocking me in any way she can.

"Hmmm...ako wala. Pero ang kliyente ko meron." Saad nya.

I finally faced her.

"She wants you out from his life." Mayabang na saad nya at nakahalukipkip pa.

"At bakit ko naman gagawin 'yon? Ano ako hibang?" Sagot ko.

"Alam kong immune kana sa hiya. You don't want to ruin him, right? Lalo na't itatake over na nya ang kompanyang dapat naman ay sakanya." Saad nya.

I looked at her puzzled. Where's she really getting all of these? Ni hindi nga ito nababanggit saakin ni Calren na itatake over na nya ang kompanya. Hindi lingid sa kaalaman ko na pagmamay-ar nila ang kompanyang pinatatakbo ngayon ni Hillton. His father trusted his nephew to take over the company before he got dementia at wala rin namang interes si Calren no'n dahil hindi naman sila nagkakaayos ng Daddy nya. Grant was supposed to run the company but he died early.

"Ay? Hindi mo alam? Ang akala ko ba ay kayo? Poor you. Pati ba naman sa part na 'yan ay paglilihiman ka pa?"

"Pwede ba? Wala akong planong pag aksayahan ka ng oras. At kung sino man yang sugo ng demonyo mong kliyente, sabihin mo halikan nya muna ang paa ko." Sagot ko at sinubukang hindi seryosohin ang presensya nya. Sanay na akong makipag-bangayan sa babaeng 'to. I've spent half of my life trying to survive every day with this kraken.

"How about this? Is this enough to ruin you both?"

She took out her phone at may video na iplinay mula doon. It was a video of me being sexually assaulted by Adam, sa gabi ng kanyang party. It was that horrible part where he's kissing me on my neck. Napatakip ako sa bibig ko at napatulala na lamang. My tears fell down without me noticing. I couldn't move.

"If you don't want this circulating on the internet, umalis ka na sa bahay ng boyfriend mo at magpakalayo layo ka na."

"I have eyes everywhere, Taffy. I think a week would be enough."

"Let me know if you already did the deed." Dagdag nya pa at tumatawang tinalikuran ako.

Kilala ko kung sino ang kasabwat nya. At dahil wala naman talagang may intensyon na sumira saamin kung hindi si Franchessa lang. Hindi din nalalayo ang ugali nilang dalawa at hindi malabong may kinalaman sila dito. Gulong-gulo na ang utak ko sa nangyayari ngayon. Umuwi akong luhaan at lugmok sa problemang kinahaharap ko.

All I did was cry and stop to think for a while. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi ko kayang mamili. Hindi ko kaya.

"Hey, what's wrong? Bakit namumula ang mata mo? Were you crying?" Nag aalalang tanong nya saakin.

He'll be home by the end of this week. May aasikasuhin lamang daw sya bago sya umalis pauwi dito sa Pilipinas. I don't know what to say anymore. I'm stuck with this kind of shit.

"Wala, sinisipon lang talaga ako. Medyo runny ang ilong ko." Pagtatakip ko.

"You're not a good liar." Agap nya. Umiwas ako ng tingin at unialis ang mukha ko mula sa kamera.

"I'm going home in a week. We'll see each other again." Dagdag nya.

Ngumiti ako at tumango sakanya. I'm giving him false hopes, that I will be okay after he comes back.

"I will be taking over the company. I will train for a few months and I'll be a bit busy, but I'll make sure to always spend time with you kahit busy ako." Paninigurado nya.

Four days felt like four years. Napapansin na rin ni Ate Delya at Kuya Romeo na palagi akong nag-iisip ng malalim. I've been thinking of a lot of things. Sinabayan pa ng dami ng mga school works at projects.

Isa pa roon ay ang problemang kinakaharap ko involving Wendy. Yoon ang iniiyakan ko gabi gabi pagkatapos ng mga tawag naming dalawa. Either way, I'm still the one who's going to break him apart. Kahit na ikalat ni Wendy ang video na 'yon, ako parin ang sisira sakanya.

"Tappy, may pinoproblema ka ba?" Tanong ni Ate Delya nang ma tyempohan nya akong may ginagawa sa kusina.

Ngumiti ako sakanya. "Wala naman po. Ayos lang ako."

"Alam kong may pinagdadaanan ka. Hindi pa natatapos sa isipan mo ang mga bagay na nangyari sayo nitong mga nakaraang araw. Kung pinag-iisipan mo lamang ito ng maigi, sana namay huwag mong pabayaan ang sarili mo. Ano pa't naging mag nobyo kayo, kung ang pinoproblema mo ay hindi nya alam. Pag-isipan mo, anak. Hindi ka nag-iisa. Nandidito lang kami nila Ser Calren."

"Ate Delya, paano kung ako mismo ang ikakasira nya? Buong buhay ko ay naging malas ako sa mga taong nalalapit saakin. Ayokong saktan si Calren pero, mas matinding sakit ang mararamdaman nya dahil sa muntikan nang mangyari saakin. Maraming tao ang humahanga sakanya at ayokong mawala sakanyan ang lahat ng pinaghirapan nya lalo na't sya ang papalit sa posisyon ni Sir Hillton. Ate, mas masasaktan ako do'n." Hindi ko na napigilan ang umiyak sa harapan nya. Hinaplos nya ang balikat ko.

"Hindi nyo deserve ang ganito, at hindi nya rin deserve na hindi malaman ang lahat ng ito kung kasali naman sya. Tappy, hindi ka pababayaan ni Calren. Ipaglalaban ka nya. Kilala ko ang batang 'yon. Mahal ka nya." Saad nya. Huminga ako malalim at sinimulang ikwento sakanya ang buong nangyari.

Kinabukasan habang nasa klase ako ay biglang may inabot saakin ang kaklase ko na isang sulat. Nang buksan ko ito ay kilala ko agad kung kaninong sulat kamay ang nagsulat nito.

ANG KUPAD MO NAMAN. UPLOAD KO NA KAYA?

Napakuyom ako. Pinunit ko ito at inis na ishinoot sa basurahan.

Hindi ko alam kung aning trip ng Franchessa na yan at gustong gusto akong dispatyahin sa buhay ni Calren. Kung hindi nya ito makuha ay mas may higit pa naman kay Calren na papatutalan sya sa kagagahan nya sa buhay.

Nang makarating ako sa bahay ay sa gate pa malang ay sinalubong na ako ni Ate Delya. Nagtaka ako dahil usually naman pag papasok ako sa loob ng gate ay maingay si Baldog.

"Tappy.." Tawag nya.

"Po? Bakit?" Sambit ko.

Balisa si Ate Delya nang tignan ako. She's fidgeting her hands like she wants to say something that she couldn't.

"Tappy...kasi..si Baldog."

Agad akong kinabahan sa sinabi nya.

"Ate, bakit? Anong nangyari kay Baldog?" Nag aalalang sabi ko.

"Delya, sabihin mo na." Sunod na lumapit si Kuya Romeo na may pag aalala sa mga mata.

"Tappy, wala na si Baldog. Nilason sya, Tappy. Hindi namin alam kung sino pero may nakita kami sa cctv pero hindi din namin nakilala. Tinawagan na namin si Calren kanina at ang sabi nya ay huwag munang sasabihin sayo dahil may klase ka pa. Inilibing namin sya sa tabi ng paborito mong bulaklak. Tappy, sorry." Malungkot na saad ni Ate na naluluha.

Bumagsak agad ako sa lupa sa sinabi ni Ate Delya. Naiyak na rin sya sa harapan ko. I want to cry and shout ngunit walang boses ang lumalabas sa bibig ko. My phone beeped and when I opened it, it was a message from an unknown number.

Unknown:

I hated that dog anyway.

I stood up from the ground at sinundan naman agad ako ni Ate Delya. Hindi ko na kayang may iba pang madamay sa relasyong ito. I'm gonna end it right here, right now.

Sino pang aantayin kong mapahamak? Kahit aso lang yon para sa iba, itinuring ko si Baldog na pamilya.

"Tappy! San ka pupunta?" Sigaw ni Ate Delya mula sa baba.

"Hayaan mo muna siya Delya." Ani ni Kuya Romeo.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay agad kong hinakot lahat ng damit na pwedebg magkasya sa backpack na ginamit ko nang maglayas ako saamin. Isiniksik ko lahat ng pwede kong madala at naiwan ang mga hindi ko kayang dalhin. Nanlalabo ang pangin ko dahil sa patuloy na pag-iyak habang nagbabalot ng gamit. I took small stops from what I'm doing to cry and scream in pain. This is too much. I am sorry, Calren. I love you and I also care for all of the people around me. Mahirap lang ako. Hindi ko kayang ipaglaban ka. I'm sorry if I am weak.

I turned off the phone at inihagis iyon sa kama ko. Nakahanda na rin ang bag na dadalhin ko. Napahilamos ako ng kamay ay pinaling ang luhang sumasapaw na sa bakas ng natuyong mga luha. I frustratingly grabbed my hair at nahiga sa kama. He's going home tomorrow. Kahit sabihin kong hindi ko kaya ay kailangan kong kayanin.

My money isn't enough for me to continue my education. I don't care about it for now dahil hindi ito ang gusto kong buhay. Ang may masaktang iba habang ako ay nagsasaya. I closed my eyes. I have to start from scratch again. Nagmahal lang naman ako ngunit bakit may kasama pang kamalasan?

Bumaba ako ng hagdanan na bitbit ang mga gamit ko. Tumayo mula sa pagkakaupo si Ate Delya at malungkot ak9ng tinignan.

"Tappy." Malungkot na ani nya.

Nilapitan ko sya at nginitian. I held her hands.

"Ate Delya, pasensya na. Kailangan kong umalis. Ayoko na po ng gulo. Mahirap lang po ako at hindi nako nararapat sa mundo nila. Hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko kayo, ang naging pangalawa kong pamilya." Saad ko.

"Saan ka pupunta? Hindi mo lang ba sya tatawagan? Tappy, wag ka na lang umalis. Magiging malungkot ang bahay na 'to kung wala ka." Naiiyak na sambit nya.

Umiling ako. "Hindi na po. Mas mabuting iwan ko sya na walang pasabi, dahil ayaw ko po syang umasa. Ayoko pong umasa dahil kahit anong pilit ko, hindi kami pwedeng maging masaya dahil iba ang mundo naming dalawa. Kaya ko nga ito ginagawa dahil mahal ko sya."

Tumango tango sya habang umiiyak. It really breaks my heart whenever I see someone crying. Lalo na't malapit saakin.

"Kuya Romeo. Kayo na po bahala sa bahay at kay Ate Delya." Saad ko kay Kuya Romeo na nakaharap sa kung saan nakalibing si Baldog. He liked Baldog very much. Palagi nya itong nilalaro at kinakarga sa tuwing wala syang ginagawa.

"Tappy, hindi ka na ba talaga mapipigilan?"

"Hindi na po. Uuwi nalang po ako saamin." Sagot ko.

I squated in front of a lump on the ground where they buried Baldog.

"Baldog, sorry kung nahuli ako. Sorry dahil naging malupit sayo ang mundo at wala ako roon sa tabi mo. Hindi kita malilimutan, Baldog."

Kumaway ako sakanila mula sa gate habang sila Ate Delya at Kuya Romeo naman ay nasa pintuan. Ate Delya is crying really hard at nababasag ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan ko sila.

Nang makalayo ako sa bahay ay muling bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko.

"Oh eto na! Umalis na ako! Putangina, ano pang gusto nyo?!" I screamed in complete rage.

I'm sorry, Calren.

Continuă lectura

O să-ți placă și

11M 254K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
4K 305 55
HIRING A MAID BUT ENDED UP LOVING EACH OTHER HOPE U LIKE MY STORY:<♡
My Husband's Lover De JAM

Ficțiune generală

249K 1.3K 7
Nakilala ni Celine Deogracia si Marcus Lee sa bagong tayong Cafe. Hindi sinasadyang natapunan niya ang binata ng Coffee na hawak niya. Magmula ng ara...
1.2M 107K 41
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...