The Way I Loved You [COMPLET...

By Nananamiyy

36.4K 694 29

Tumakas si Taffy mula sa kanilang bahay matapos itong ipasok sa isang arranged marriage ng kanyang tiyuhin pa... More

The Way I Loved You
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Calren Frank Fuerte Vegas
Author's Note

Chapter 14

796 21 1
By Nananamiyy


Pasalampak akong humiga sa kama ni Angge nang makarating kami sa bahay nila. Isinubsob ko ang mukha sa unan at doon umiyak. Sobrang sama ng loob ko sa mga sinabi saakin ni Sir Calren. Napaka dali nyang husgahan ang pagkatao ko kahit wala naman syang alam tungkol saakin.

Nasa kalagitnaan kami ng daan ng mapansin kong wala sa mood si Sir Calren. Hindi nya ako nililingon at diretso lang ang tingin nya sa kalsada. Ayoko nanalng din syang pansinin dahil alam ko huhupa din ang kung ano man ang trip nya sa buhay at ayaw nyang pumansin ng kahit anong humihinga.

"You should've waited for me." Mapakla nyang sabi habang nakatitig parin sa daanan.

Hindi ko sya nilingon dahil pinasasama na din nito ang timpla ng mood ko. "Ayos lang  naman po ako."

"That's because nandoon ako. What if I wasn't there?"

Umismid ako. "Kilala ko naman po si Yuan. Mabait sya."

"You don't know guys that well, Taffy. Bad guys don't declare at first meeting that they aren't good." Saad nya.

"Pero mabait naman talaga sya." Pilit ko.

"You just fucking met him yesterday! How can you say that he is kung isang araw mo pa lang syang nakakasama? Don't be such a lamb, Taffy." Inis na singhal nya saakin. Bigla syang napapreno nang sabihin saakin 'yon. Hinampas nya ang manubela sa inis.

Natulala ako habang nakatingin sakanya. Malapit na kami sa bahay nila Ate Delya.

Napapikit sya at sumandal sa upuan nya habang ako ay napayuko at pinipigilan ang mga luha sa pag patak. Nanginginig din ang mga kamay ko.

"Naging mabait din naman po kayo saakin nung una tayong nagkita. Hindi ko naman kayo hinusgahan agad at inisip kong mabait kayo." Saad ko habang nanginginig ang mga labi dahil naiiyak na din ako.

Kinalas ko ang seatbelt at binuksan ang pintuan. Lumabas ako ng kotse at nagsimulang maglakad. Tumutulo na ang mga luha mula sa mata ko. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse ni Sir Calren ay nagsimula na akong tumakbo.

Nang maka rating ako sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ni Angge. Umiyak ako ng umiyak doon. Tatlong beses nya na akong kinatok para magkipag usap saakin pero hindi ako lumabas.

"I'm sorry. Please, let's talk." Sabi ni Sir Calren mula sa labas ng pintuan.

Narinig ko ang pag uusap nila ni Ate Delya sa labas. Mukhang nakauwi ma sila galing sa plaza.

"Ayaw nyang buksan ang pintuan? Siguro nga ay masama ang loob sayo. Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ni Ate Delya kay Sir Calren.

Hindi umimik si Sir Calren sa tanong nya. Hindi ko na iyon pinansin at itinulog na lang ang sama ng loob na nararamdaman ko.

Nang magising ako ay alas otso na ng gabi. Nasa papag na din si Angge at natutulog na. Iunlock ko kasi ang pintuan kanina bago ako matulog dahil alam kong papasok si Angge.

Bigla akong nagutom kaya lumabas ako ng kwarto. Tulog na ata sila dahil medyo dim na ang ilaw. Nadatnan ko si Sir Calren a nakaupo sa lamesa at gamit ang laptop nya. May tinatrabaho ata kaya hindi ko nalang inistorbo. Walang imik akong pumunta sa kusina para mag hanap ng makakain.

"Your food is here." Saad nya ng maramdaman ako.

Nilingon ko sya at kung saan ang itinuro nya. Nasa lamesa ang pagkain at tinakpan 'yon ng food cover.

Nakasuot sya ng salamin ngayon at bagong ligo. Simpleng t shirt lang ang suot nya at pajama na blue. Amoy ko ang din ang mabangong sabon na ginamit nya sa pag ligo.

Tumango ako kumuha ng pagkain sa lamesa. Kinuha ko iyon at dinala sa sala. Ayokong kumain doon sa lamesa dahil makakaistorbo lang ako sakanya.

"You eat here. Ako na dyan." Saad nya at akmang kukunin na ang laptop nya.

Umiling ako. " Dito na ako."

Tahimik akong kumain sa sala. Maya maya nya akong sinusulyapan. Nakikita ko lang sa peripheral vision ko na nililingon nya ako. Nang matapos ako ay iniligpit ko na ang pinagkainan at hinugasan iyon. Nagpunas ako ng kamay at pag lingon ko ay nasa harapan ko na pala si Sir Calren. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

"Sorry, I scared you." Saad nya.

"Nagulat lang ako. Sumulpot ka kasi." Yun lang ang sinabi ko at akmang aalis na sana sa harap nya.

"No, I meant earlier. I should've not said that to you. I was just..." Napatigil sya at umiling.

Umirap ako at lumakad na paalis sa harapan nya. Iniisip pa pala ang sasabihin. Bukas mo nalang ako kausapin. Hinila nya ang braso ko para iharap ulit sa kanya.

"Please hear me out." Saad nya at maigi akong tinignan sa mata. Malungkot ang mga mata nya at parang hinahaplos ang buong pagkatao ko.

"I'm sorry. I'm sorry for what I've said. I'm sorry for being a jerk. I'm sorry."

Hindi ko namalayan na nakahawak na pala ang parehong kamay nya sa palapulsuhan ko.

"Okay na." Tipid akong ngumiti.

Hindi nya parin tinatanggal ang mata saakin. "I'm sorry."

"Sir, okay na po. Please, din. Masyado na kayong nagiging concern saakin. Hindi na magandang tignan." Medyo nainis na ako at miski ako nagulat sa sinabi ko.

Hindi ko na sya maintindihan. Empleyado nya lang ako at hindi maganda na napapalapit ang loob nya saakin.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong nya saakin.

"Sir, hindi maganda para sa inyo na masyado kayong nagiging concern sa buhay ng empleyado nyo. Gaya nito. Hindi ko na kayo maintindihan. Ginugulo nyo na ang utak ko. Please lang. Itigil nyo na." Saad ko at kinalas ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko.

Bakas sa pagmumukha nya ang sakit dahil sa ginawa kong pagkalas. Umatras sya saakin. "I understand. I'm sorry again. Goodnight."

Umalis na sya sa harapan ko at kinuha ang laptop nya. Iniwan nya akong nakatayo doon at pumasok na sa kwarto ni Joaquin. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ba ako nasasaktan? E, tama lang naman ang ginawa ko.

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi dahil sa kakaisip.

"Tappy! Gising kana pala." Bungad saaki ni Ate Delya. Nasa lamesa na silang lahat at nag uumagahan na. Nagkakape si Sir Calren sa lamesa. Ibinaba nya ang tasang hawak ng makita ako. Bumati ako sakanila.

"Ngayon ka lang ata tinanghali ng gising ah. Masarap ba ang naging tulog mo?" Si Ate Delya 'yon.

Tumango ako at ngumiti. Napakamot ako sa batok dahil sa pagsisinungaling. Hindi naman kasi talaga naging maganda ang tulog ko. Madaling araw na ata ako tinamaan ng antok.

"Pupunta tayo sa isang falls na malapit dito. Maliligo tayo doon, Ate." Saad ni Angge.

Tumabi ako sakanya at dumampot ng pandesal sa lamesa. Lumingon ako kay Sir Calren na seryoso na nag ccellphone habang nag kakape. Mukhang ako pa ata ang makokonsenysa.

"Ma, kayo nalang po ang pumunta. Maglalaro kami ng basketball ni Baste." Paalam ni Joaquin sa Ina.

"Ay naku! Puro ka nalang basketball bata ka!" Sermon nya sa anak. Sa huli ay pinayagan nya din ang anak pero bago iyon sangkatutak na sermon muna ang inabot ni Joaquin.

Matapos namin kumain ay naghanda na kami sa mga dadalhin namin para sa pagligo namin. Magdadala kami ng baon e.

Hindi din daw sasama si Mang Ruben dahil magbabantay sya sa taniman nila dito.

"How about the drinks?" Tanong ni Sir Calren kay Ate Delya.

"Sa daan nalang tayo bumili." Sagot ni Ate Delya.

Nagbihis ako ng shorts at isang puting racer back na damit. Alangan naman mag dress ako e maliligo ako. Paglabas ko ng kwarto ay hindi umalis saakin ang tingin ni Sir Calren. Wala naman syang sinasabi. Talagang nakatingin lang sya saakin. Lumabas na ako ng bahay dahil naiilang ako sa tingin nya.

Ready na ang lahat ng gamit at sumakay na kami sa sasakyan ni Sir Calren.

"Ate Delya, dito na ako sa likod. Kami ni Angge." Saad ko nang magtaka si Ate Delya kung bakit hindi ako sa front seat nakaupo.

Tinignan nya lang ako at bumuntong hininga. "Kung ano man yang hindi nyo pagkakaunawaan. Sana ay hindi yan magtagal."

Pareho kami ni Sir Calren na hindi kumibo. Buong byahe ay hindi ako nagtapon ng tingin sa harapan dahil panay ang tingin nya saakin mula sa rear view mirror.

"Wow! Ang ganda naman dito." Namangha ako ng makita ang talon. Hindi naman ito tago at mahirap puntahan dahil may mga tao din naman. May mga cottages at nag vivideoke. Malinis at malinaw din ang tubig.

"Do we have a cottage here?" Tanong ni Sir Calren habang bitbit ang basket ng pagkain namin.

Naka shorts lang sya at simpleng puting tshirt. Nakatayo sya sa isang bato. Hindi ko tuloy mapigilan na mamangha sa ka gwapuhan nya. Sinuklian nya ang tingin ko kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"Meron po. Inayos na ni Yuan." Sagot ni Ate Delya.

Lumaki ang mata ko ng marinig ang pangalan ni Yuan.

"Ayon na pala sila e." Saad ni Ate Delya at kumaway sa direksyon ng mga cottage. Nandoon na si Yuan at ang kapatid nya.

"Nandito pala sila." Saad ni Angge.

Kunot ang noo ni Sir Calren na pinagmasdan silang tinatawag kami. Sumunod kami kay Ate Delya na papunta sakanila.

"Naku, maraming salamat Yuan sa pag aarkila nitong cottage. " Bungad ni Ate Delya sakanila. Ngumit naman si Yuan saamin at kumaway saakin.

"Hi, Taffy."

Ngumiti ako. "Hi."

"Hi, pretty lady." Bati saakin ni Waylen sa tabi at busy sa paglalaro ng mobile game.

Hindi kami agad naligo ni Angge. Naupo muna kami sa cottage.

"Maligo na kayo, ako na ang maghahanda ng mga pagkain. Tatawagin ko nalang kayo." Saad ni Ate Delya at isa isang nilapag ang mga pagkain sa lamesa.

Lumabas ng cottage si Sir Calren at nagpunta sa gilid ng waterfall.

"Angge, mag ingat ka. Hindi ka pa man din marunong lumangoy." Paalalaa ni Ate Delya sa anak.

"Ate ligo na tayo." Aya nya saakin at hinila hila ang braso ko.

"You two should go swim." Tumawa si Yuan.

"Sege pero mag iingat tayo hindi din kasi ako marunong lumangoy e." Sabi ko. Tinignan ako ni Yuan.

"Really?"

Tumango ako. Tinawanan nya lang ako.

Pumunta na kami para maligo. Malamig ang tubig at tuwang tuwa pa kami ni Angge na nag sasabuyan ng tubig. Sinulyapan ko si Sir Calren na naka pamaywang at naka dungaw saamin habang naka lubog ang katawan ko sa tubig. Umupo sya sa batong kinatatayuan.

"Maligo kana Ser Calren." Inaaya na sya ni Ate Delya mula sa cottage. "Ikaw din, Waylen. Aynakung bata ka hanggang dito naglalaro ka pa din."

"Mamaya na Tita." Saad nya kay Ate Delya.

"Oh, wag kayong lalayo dalawa." Paalala ni Yuan na nakabantay saamin. Lumangoy langoy kami sa mababaw lang naman. Hanggang dibdib ko ang tubig kung saan ako nakatayo.

Maya maya ay hinubad ni Yuan ang damit at iniwas ko naman ang paningin sa katawan nya. Dumapo naman ang paningin ko kay Sir Calren na naghubad na din ng damit. Nahuli nya pa tuloy ang pag tingin ko kaya inilubog ko nalang ang mukha sa tubig.

Gumawa ng ingay ang pagtalon nila papunta sa tubig. Narinig ko iyon habang nakalubog padin ang ulo sa tubig. Magaling ako mag pigil ng hininga. Natatalo ko sa pustahan ang mga kalaro ko noon kapag naliligo kami sa kiddie pool sa amin.

Ipikit ko ang mata. Nagulat ako ng biglang may humawak sa magkabilang balikat ko at inangat ako aa tubig. Dahil sa gulat at nakaininom ako ng tubig.

Nang makaahon ay umubo ako ng todo dahil sa nainom na tubig.

"What the fuck! I thought you drowned yourself!" Nag aalalang sigaw ni Sir Calren saakin.

Nasa likod nya si Yuan at nag aalala din ang mukha.

"Okay lang ako. Nagpigil lang ako ng hininga. Hanggang dibdib ko lang naman 'to." Saad ko at iniwas ang tingin sakanya.

"Are you sure?" Ani ni Yuan.

"Ate." Saad ni Angge at lumapit saakin.

Hawak parin ako ni Sir Calren sa balikat.

"Anong nangyari?" Tanong ni Ate Delya.

"Okay lang po ako."

"Naku! Sabi na e. Wag nyong ilulubay ang paningin sa dalawang 'yan." Saad ni Ate Delya mula sa cottage.

Lumangoy ako paalis doon at umahon mula aa tubig. "Doon muna ako. Bantayan nyo si Angge."

Walang nagawa si Yuan kundi tumango. Lumangoy din papalayo si Sir Calren sakanila.

Kinuha ko ang tuwalya sa malapit at pinulupot iyon sa katawan ko. Tumabi ako sa kumakain na Waylen. Pumunta lang ata 'to dito para lumamon e.

"Oh? Umahon ka?" Tanong ni Ate Delya.

"Malamig e. Mamaya nalang muna." Sabi ko at kumuha ng kamote at kumain.

"Malamig ba ka mo?" Sabi ni Waylen at inilabas ang dalawang bote ng gin. "Ayan, pampawala ng lamig. Hehe."

"Hoy, ang bata bata mo pa lansenggo ka na. Sumbong kita sa mommy mo." Panakot ni Ate Delya.

"Tita naman, 23 na ako. Pwedeng pwede na ako uminom. How about you Taffy? Do you drink?" Tanong nya saakin.

Uminom na ako once pero hindi naman ganon ka dami.

"Konti lang." Sabi ko at kinuha ng baso. Sinalinan nya ako.

"Dahan dahan dyan, Taffy. Anong oras palang oh." Saway ni Ate Delya saakin. Tumango ako.

Tinawag na ni Ate Delya ang iba para kumain. Umahon mula sa tubig si Sir Calren. Tumulo mula sa katawan nya ang mga butil ng tubig. Na realize ko naman agad na napatitig ako sakanya, iniwas ko ang paningin.

Pagkatapos namin kumain ay inilabas na ni Sir Calren ang mga inumin. Nag kwentuhan muna kami bago bumalik aa tubig. Pinaahon na si Angge ng nanay nya dahil medyo inubo na kaya pinagbibis na ito.

"Mama naman e." Bugnot ang mukha ni Angge sa gilid habang nakamasid saamin na nakalubog ang paa sa tubig.

"Wag na makulit dyan, Heart Evangeline." Sagot ng Mama nya.

Tumawa ako. "Ganyan din ako no'n."

"Really? I can imagine your face being like that." Ani ni Yuan.

Tumalsik saamin ang tubig mula sa pag canon ball ni Waylen. Tumawa kami at sinabuyan ng tubig sa mukha si Waylen bago pa man ito makaahon. Nasa gilid lang si Sir Calren, walang imik habang naka lubog ang katawan sa tubig.

"Ser Yuan." Tawag ng isang lalaki kay Yuan. Nilingon naman iyon ni Yuan.

"Mang Roy."

"Pasenya na po sa istorbo. Pinapatawag po kasi kayo ng Papa nyo sa munisipyo. Importante daw." Sabi nito.

Tinignan ako ni Yuan bago tumugon.

"I'm sorry. We're having a good time and this happens." Sabi nya.

"Ayos lang, Yuan." Saad ko at ngumiti.

"Are you sure?" Tanong nya ulit.

"Sege na, Kuya. Shoo ka na." Asar ni Waylen.

"Pati po kayo, Ser Waylen." Pahabol ng lalaki.

Bumugnot ang mukha nya. "Ano ba yan. Kakalubog ko pa lang e."

"Oo, ayos lang ako." Paninigurado ko sakanya. Tumango sya at tumayo na.

Nag paalam muna sila kina Ate Delya sa cottage at umalis na. Nilingon ko si Sir Calren sa di kalayuan. Nakasandal sa isang bato at nakatanaw sa malayo.

Ano kaya ang iniisip nya?

Bumaba ako sa tubig at lumangoy malapit sakanya. Medyo hirap ako dahil hindi nga ako marunong lumangoy. Nang makalapit ay hinawakan nya agad ang kamay ko at pinalapit sakanya. Tumabi ako sakanya at sumandal din sa bato.

"You got bored? Because he left?" Asar nya saakin.

Umismid ako. "Lonely mo kasing tignan."

"You look concerned. Ang akala ko ba ay hindi magandang maging concerned masyado?" Mapakla nyang saad. Pumait ang pakiramdam ng sikmura ko dahil sa sinabi nya.

"Sorry. " Yun lang ang nasabi ko

"For what?"

"Sa sinabi ko. I'm sorry." Sabi ko.

"I've said some horrible things than that. No need to be sorry. I deserved it." Saad nya.

Hinarap ko sya. "Ang mahalaga kay Grant ay mahalaga din saakin. Nakalimutan kong naging concerned din ako sayo. Hindi dahil sinuswelduhan mo ako o dahil kapatid ka ni Grant.  Iyon ay dahil concerned talaga ako sainyo, Sir. I'm sorry."

Tinignan nya ako. Nagpalipat lipat ang tingin nya sa mata at labi ko. Pumikit sya at huminga. Unti unti akong itinulak ng agos ng tubig papunta sakanya. Agad na nilagay nya ang kamay sa baywang ko.

"Sorry." Saad ko ng mapalapit ako ng masyado sakanya. Aalis na sana ako ng hinigpitan nya ang pagpulupot ng kamay nya sa baywang ko.

Mabuti na lang ay hindi kami kita dito mula sa cottage kung nasaan sina Ate Delya dahil natatakpan kami ng malaking bato.

"I like you."

Bulong nya ata sobrang sapat na no'n para marinig ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa sinabi ko at halos mabingi na dahil dito.

"I can't believe I'm saying this. But, I really do like you." Ulit nya. "And please refrain from calling me Sir. Because it never fails to turn me on."

Napakurap kurap ako sa sinabi nya at halos sumabog na ang eardrums ko sa malakas na kabog ng dibdib ko.

"Seryoso po ba kayo?"

Kumunot ang noo nya. "You really think I'm joking right now? I'm confessing something here, Taffy."

Hindi ako nagsalita dahil hindi pa nag sisink in lahat ng sinsabi nya saakin. May gusto sya saakin? Ngayon lang ba o matagal na? Kaya ba sirang sira ang mukha nya sa tuwing lalapitan ako ni Yuan?

Inilapit nya ako sakanya at unti-unting niyakap. Ilang minuto akong hindi gumalaw. Ramdam ko ang paghinga nya sa tenga ko.

"Can I court you?" Tanong nya. My heart skipped a beat. Mas lalong nawindang ang isipan ko dahil sa sinabi nya.

Huminga ako. Wala na akong nagawa kundi ang gumanti ng yakap sakanya. Hindi na ako makapalag dahil nanlalambot na ang buong katawan ko dahil sa ginawa nya sa sistema ko.

"Okay lang kahit hindi ka muna sumagot ngayon. I'll wait." Bulong nya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Naguguluhan pa ang puso at utak ko. No'ng hindi nya pa ako pinapansin palong palo ako sa pag ccrush sakanya. Ngayon na umamin sya saakin, wala na. Naduwag na ako.

"I'll be patient. I'll wait for your answer. So, please don't float away from me." Malambing na sabi nya saakin.

Continue Reading

You'll Also Like

11M 254K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
249K 1.3K 7
Nakilala ni Celine Deogracia si Marcus Lee sa bagong tayong Cafe. Hindi sinasadyang natapunan niya ang binata ng Coffee na hawak niya. Magmula ng ara...
649K 34.4K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
1.8K 495 61
A mind wants to forget, but heart will always remember they say, but what if one day you regret it?. Accept the truth Fight for what is right Judge i...