The Way I Loved You [COMPLET...

By Nananamiyy

31.6K 633 29

Tumakas si Taffy mula sa kanilang bahay matapos itong ipasok sa isang arranged marriage ng kanyang tiyuhin pa... More

The Way I Loved You
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Calren Frank Fuerte Vegas
Author's Note

Chapter 2

944 17 2
By Nananamiyy

"Ah! Grant! Si ser GM ba ang tinutukoy mo day? Ay wala na sya, iniwan nya na ang mundong 'to. Sa madaling salita patay na s—"

"I know that I'm not stupid." Nanginginig ang mga labi ko habang binibigkas ang mga salitang iyon.

He's dead? How can he be dead?! He's my only hope. Wala na akong ibang matatakbuhan kundi sya lang.

"Sino ka ba? Bakit mo hinahanap ang kapatid ko?" Saad nya at isinarado ang pinto ng sasakyan at naglakad papunta sa direksyon ko.

"I'm Taffy. Tafitta Ylene Perez. Kababata ko si Grant sa San Dominico. He gave me his address in case kailanganin ko ang tulong nya but I guess I'm too late. He's gone now. " Malungkot kong saad.

"He died 3 years ago. Leukemia. Naikwento nga nya na may kababata sya sa San Dominico." Umiwas ang tingin nya sa mga mata ko.

Pero bakit hindi ko sya nakikita noon every summer kung magkapatid pala sila ni Grant?

"Akala ko nag iisang anak lang si Grant. Hindi nya kasi naikwento saakin na may kapatid pala sya."

"Magkapatid lang kami sa ama. We didn't grow up together."

"Ganun ba. Sege, aalis na ako. Tutal wala naman na yung sadya ko rito. There's no sense kung mananatili pa ako." Saad ko at dahan dahang humakbang paalis.

Ano pang silbi kung mananatili ako? Patay na si Grant. Patay na ang kaisa-isang taong nagmahal saakin. Ang taong inakala kong makakatulong saakin. I've risk everything para lang makapunta dito. Mas mabuti nalang sigurong hindi ko nalang tinuloy ang paglalayas at nagpakasal nalang doon sa asungot na kaibigan ni Tito Ace. Gabi na, saan ako matutulog neto?

"Shit—"

Napalingon ako ng makita ang marahas na paghampas nung Calren sa hood ng sasakyan nya.

"Don't go. Gabi na, at sigurado akong wala kang matutuluyan. Spend the night here and we'll talk about the rest of that matter tomorrow. Delya, paki ayos ang guest room." Saad nya ng hindi nakatingin saakin at sumakay sa sasakyan para imaneho iyon papasok ng bahay nya.

Did he just say na dito ako matutulog?

"Tappy diba? Halika na Tappy sa loob. Kumain ka na ba?" maligalig na hila ni Ate Taba sa braso ko.

"Ang ganda ganda mo naman, para kang barbie doll."

Ngumisi ako sa sinabi nya. "Hehe. Salamat po."

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay halos lumuwa ang mga mata ko sa sobrang ganda ng interior nito.  Sobrang lawak ng sala at may malaking hagdanan sa kaliwang bahagi nito.

"Wow, ang ganda naman ng bahay na 'to."

"Ay syempre day, isa sa pinaka sikat na Architect sa Pilipinas lang naman yang si Ser Calren. Iyon din naman si Ser GM ay magaling din magdisenyo dahil Architecture din ang kinuha noon sa college, sayang nga lang ay hindi sya naka graduate dahil kinailangan nyang umalis ng bansa para doon sa amerika magpagamot. " Kwento ni Ate Delya.

I didn't know. Hindi nya naman kasi sinabi saakin. Naku, kung andito lang talaga sya kakaltukan ko sya ng bongga.

Inilibot ko ang paningin sa buong bahay at doon ko nakita ang isang picture ng binata na naka upo sa wheel chair habang naka ngiti at naka peace sign. Masayahin talaga sya kahit alam mong nahihirapan na.

"Halika muna sa dining room Tappy."

Pag dating ko sa dining room ay naka handa na ang mga pagkain. Para namang isang batalyon ang kakain, andami kasi ng ulam e.

"Uhh..ako lang ang kakain? Paano si Sir?"

"Naku, sa malamang hindi na yun kakain at pagod 'yon sa sa trabaho. Halika na at maupo. Pagkatapos ay ihahatid kita sa tutulugan mo." Sabi nya at pinaupo na ako sa lamesa.

"E, kayo po? Andami dami nito e."

"Naku, wag mo kaming alalahanin. Mas nauna na kaming kumain kesa sa inyo. Anong oras na din kasi. " Sinalinan nya ako ng tubig.

Pagkapatos kong kumain at inihatid ako ni Ate Delya sa kwartong tutulugan ko. Ilang minuto muna ako tumulala sa buong kwarto dahil sa amazement. Anlaki kasi, akala ko ba guest room lang 'to? Ba't parang kwarto ni Kate Middleton?

Nang maayos ko ang sarili ay nahiga na ako sa malambot na kama. Bago ako tuluyang makatulog ay andami ko munang inisip. Ano kaya ang magiging future ko dito? Pinag iisipan ko kasing mamasukan bilang katulong para makapag-ipon ako at makabukod at pagkatapos no'n maghahanap ako ng ibang trabaho. Ayoko naman umasa dito sa kapatid ni Grant. Mukhang masungit e. Baka anytime ipatapon ako sa labas ng bahay nya ng wala pa akong ipon.

Napagod na ako mag isip kaya bumigay na ang mga mata ko.

Maaga akong nagising. Alas kwatro pa lamang ay dilat na ang mga mata ko. Hindi ko kayang matulog ng hanggang umaga sa hindi ko naman bahay. Siguro ay namamahay lang talaga ako.

Bumaba ako ng kitchen at naabutan ko si Ate Delya na nag sasaing at naghihiwa ng karne. Ang aga nya naman nagising.

"Ate, ang aga nyo naman. Parang di na kayo natulog ah." Naka ngising sabi ko sa likuran nya.

"Aga mo din Tappy. Naku, gantong oras talaga ako nagigising, lalo na't may bisita si Ser. Yung iba kasing mga kaibigan nya pag dito natutulog ang aga kung maghanap ng makakain."

May friend pa pala yung sungit na 'yon? Napa ismid nalang ako.

"Ate, tulungan na kita."

"Ay naku wag na. Kaya ko na ito. "

"Sege na Ate, ang aga pa naman kasi. Wala din ako magawa. Tsaka kayang kaya ko yan. Ako pa, e antagal ko din nanilbihan saamin. " Sabi ko sakanya at kinuha ang basket ng mga gulay at hinugasan ang mga iyon.

Nagkwentuhan kami ni Ate Delya habang hinihintay maluto ang mga ulam. Nakakatawa sya kasi andami dami nyang kwento tungkol sa sarili. Minsan ay napapalakas ang pagtawa nya kaya napahagikhik ako ng mahina sa sobrang nakakahawang tawa nya.

"Good morning. "

"Ay good morning ka!" Gulat kong sabi ng biglang sumulpot si Sir Calren sa may pintuan.

Pawisan sya at tumutulo din ang pawis mula sa buhok nya papunta sa leeg. Bakat din ang maskuladong dibdib at tyan nito dahil sa pawis. Simple white shirt at jogging pants lang naman ang suot nya pero ang lakas ng dating nya.  Andito na ang pandesal, asan na ang kape?
Umiling ako at pinutol ang iniisip. Hindi naman halatang pinagnanasaan ko sya no? Aba! Minsan lang ako makita ng ganto.

"Ay good morning ser. Kape po?" Alok ni Ate Delya at kumuha ng mug sa lalagyanan.

"Iakyat mo nalang yan sa kwarto ko, Delya. You, follow me. May pag uusapan tayo." Ganon pa rin ang tono ng pananalita nya. Walang kulay, kumabaga parang coloring book na hindi pa nagagamit.

Tumango ako at sumunod sakanya. Umakyat kami sa 2nd floor at pumasok kami sa isang kwarto na puno ng mga libro at may mahabang lamesa kung saan nakalagay ang mga computer at laptop. May sofa set din ito at malaking TV. Pinagmasdan ko ang malapad nyang likod habang binabaybay ang direkyon ng  mahabang lamesa. May kinuha sya sa drawer nito na isang puting envelope.

Iniabot nya saakin iyon. Hindi ko muna tinanggap dahil nag aalangan pa ako kung ano ang laman no'n.

"Grant made a bunch of these 2 weeks before his death. Each letter he made has names on it. Itong sulat nalang na ito ang hindi pa nabibigay sa pagbibigyan." Ibinaba nya iyon sa lamesa at doon ko nga nakita ang pangalan ko na naka bold letters.

TAFFY

"He told me that I would only give this letter.....kapag hinanap na sya ng pagbibigayan. I've been meaning to give this to you as soon as I receive it. But, I promised him and he has my word. "

Nanginginig ang kamay ko habang pinupulot ang letter na nasa desk.

"Take your time to read it. I'll just take a shower."

Pagkatapos ay umalis na sya at naiwan ako. Umupo ako sa sofa at binuksan ang sulat ni Grant para saken.

Taffy,

Hi! This is Grant nga pala. Siguro sa time na mabasa mo 'tong letter na ito ay wala na ako. I'm sorry for not telling you about my condition. I was hoping kasi na after ng thousands of sessions ko ng chemo ay gagaling pa ako but I guess it's just not my luck. I have so many things to tell you personally but I can't. Even writing this letter for you ay hindi ko na kaya. I'm getting weak every single day. But it would hurt me so much if hindi ko masabi sayo kung gaano ka kahalaga saakin. You're the only one I get excited to see every summer. I didn't even get the chance to tell you how much I like you, I adore you. Dahil naunahan ako ng kaba at alam mo naman na medyo may pagkaduwag ako. Naalala mo nung nasugatan ako sa tuhod dahil nadapa tayo? Sobrang liit lang ng sugat ko pero ako itong ngumanga ng todo. Pero ikaw mas malaki yong sa iyo but you didn't even cry. You treated my wound and you almost forgot that you have one too. You were so brave. Kung nagtataka ka kung bakit kita nagustuhan it's because you're Taffy. Everything about you makes me like you more. Your warm hands against my cold skin, your smile, your eyes, and your heart. I love everything single detail about you. Ayoko na sanang magpagamot at gusto na lang kitang puntahan sa San Dominico. I got depressed and I even tried to end myself. But my brother convinced me not to and he just punched me really hard in the face. But I also thought, paano kung nag confess ako? Paano kung sinabi ko sayo ang nararamdaman ko. Bibigyan lang kita ng pag asa, at ayoko din umasa knowing I would be gone anytime. My death will only give you pain at hindi ko kakayanin na makita kang nasasaktan. Mamamatay ako hindi lang literal but also emotionally. Kaya mas pinili ko nalang lumayo at lumaban sa lecheng sakit na'to. I fought. Hoping that I would get better and be welcomed by your warm embrace. I was thinking of pursuing you. After this battle I'm in.

Naisip ko pa nga din noon na alukin ka ng kasal. HAHA I just laughed because of my thoughts. Ni hindi nga ako nakapag confess tapos aalukin ka pa ng kasal. I dated girls in the past pero lahat sila ay incomparable sayo. I was never excited. I only wanted you.

If 3 years ago nya naisipan na balikan ako 18 nako no'n at sya naman ay 19.

He liked me. But he never got the chance to tell me personally.

Taffy, I want you to promise me na aalagaan mo ang sarili mo. And sana sa next life ko ay maging tayo. Please do chose me in your next life, kung meron man. I'm dying naman na e kaya hindi na ako magpapakaduwag. Might as well tell you how much I care for you, how much I like you, and how much I love you. See you in my memories, my sweet Taffy. I love you..

-Grant Martin

Napahagulhol na lamang ako habang hawak ang letter ni Grant. At sa envelope na rin na 'yon ay ang litrato namin ni Grant na nakangiti at magkaakbay. Bakit ngayon mo lang 'to pinabigay saakin? Bakit gusto mong special pa ang pagluluksa ko sayo.

"You're so unfair. Ang unfair unfair mo!" Patuloy parin ako sa pag iyak. Sa lahat ng pinagdaanan pangalawang beses palang itong pag iyak ko ng ganto. Una, ang pagkawala ng mga magulang ko.

Bumukas ang pinto habang humihikbi parin ako.

"Tappy, okay ka lang? Sabi ni ser baba ka na raw para mag agahan. " Silip ni Ate Delya sa pintuan.

"Sege po, mamaya na ako." Agap ko at nagpunas ng luha.

"Sabay na daw kayo, paguusapan nyo daw kasi ang sahod mo. "

Napadilat ako ng malaki sa sinabi nya

"Po? Anong sahod po?" Sahod na agad? Hindi ko pa nga nasasabi na gusto ko mag apply dito tanggap na agad ako?

"Naku, excited na akong makasama ka rito araw-araw. Sa wakas ay may makaka kwentuhan na ako!" Ngisi ni Ate Delya.

Lihim akong napangiwi. Grant? Kagustuhan mo ba ito? Na mamasukan ako sa kapatid mong masungit? Iba rin trip mo e no.

"Sege po, bababa na ako."

Huminga ako ng malalim bago iniwan ang silid na iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

479 51 13
Si Sevelly Rose Sevilla ay ang nagiisang anak at taga pagmana ng mga properties o yaman ng kanilang pamilya, bata pa lamang ay kinaiinisan na siya ng...
2.1K 157 26
"A life for a life: love never dies." Yung namatay kong matalik na kaibigan ay biglang bumalik sa akin! As in bigla talagang bumalik sa buhay ko! Ano...
58.1K 3.4K 19
In a world where soulmates find each other through shared scents, how can a boy find true love if he can't smell anything?
15.7K 1K 23
this story is about our former president and former first lady (1965-1986). (Unedited kaya minsan may mga failed )