May the 4th Be With You

By Isaiah024_

68.3K 3K 3.5K

Isang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. A... More

AUTHOR'S NOTE: IMPORTANT!!!
1. INTRO
2. NITRO
3. TROUBLE
4. FIBBLE
5. PERSISTENT
6. RESISTANT
7. FATE
8. DATE
9. NEGOTIATE
10. APPRECIATE
11. CAFFEINE
12. CUISINE
13. FOR HERE
14. TO GO
15. SWITCHBACK
16. FLASHBACK
17. MYSTIFY
18. BUTTERFLY
19. HIDE
20. SEEK
21. HAMMER
22. NAIL
23. RAIN
24. SHINE
25. MEET
26. GREET
27. CONFESSION
28. QUESTION
29. HEAR
30. HERE
31. AFFECT
32. EFFECT
33. FORGIVE
34. FORGET
35. IGNORED
37. NEVERTHELESS
38. NONETHELESS
39. ASYMMETRIC
40. SYMMETRIC
41. IRREGULAR
42. REGULAR
43. STEAL
44. STEEL
45. LOST
46. FOUND
47. INFATUATION
48. FOUNDATION
49. SAUSAGE
50. DOSAGE
51. NIGHT
52. KNIGHT.
53. UNEXPECTED
54. UNANTICIPATED
55. UNSUSPECTED
56. IMPULSIVE
57. COMPULSIVE
58. WHAT?
59. WHO?
60. WHEN?
61. WHERE?
62. WHY?
63. HOW?
64. YOU
65. ME
66. POOL
67. JHOBEA
68. TOLINE
69. 34+35
70. FIN.

36. IMPLORED

826 47 42
By Isaiah024_

JEMA's POV

Nang umigi ang pakiramdam ni Tatay ay pinayagan na siyang madischarge nang Physician niya, back to being Outpatient na ulit siya.

Noong mga unang araw ay madalas na nakakapunta si Dean sa bahay, kaya nga lang naging busy na ulit ang schedule niya mula noong madischarge na si Tatay.

Mas madali kasi siyang nakakadalaw noon sa Hospital dahil doon rin siya nag o-OJT kung saan nakaconfine si Tatay. Kulang na nga lang ay doon na siya i-assign kay Tatay noon.

May mga araw na inaaya niya akong lumabas kahit saglit lang daw, para hindi rin kami makasagabal sa pagpapahinga ni Tatay, kaya lang minsan nagkakataon na biglang sinusumpong si Tatay nang kaniyang sakit.

Mas naging hands on ako sa pag aalaga kay Tatay upang tulungan si Nanay, si Mafe naman, naging tight yung schedule. 

Naalala ko tuloy yung araw na dapat mag ce-celebrate kami nang first Monthsarry namin ni Dean, ngunit hindi natuloy dahil tumawag si Mafe na sinugod daw si Tatay sa Hospital. 

Nagpareserve pa man din si Dean nang dinner sa isang high-end restaurant noon. 

Sobrang dami ko nang naging utang na date kay Dean pero nanatili siya sa pag intindi sa akin. 

Isang araw, habang sinasamahan ko si Tatay sa follow up check up niya ay nakasalubong ko si Niccolo. 

Naiwan sa loob nang kwarto si Tatay na for his Chemotherapy. 

"Jema, anong nangyari kay Tito Jesse? Ang laki na nang binagsak nang katawan niya" ani Niccolo

Ayoko sanang kausapin siya pero dahil maayos naman yung approach niya ay kinausap ko na lang din siya. 

"May sakit si Tatay" maikling tugon ko

"Talaga? Naku, I'm sorry to hear that ha" sabi niya na may pag hawak pa sa balikat

Iginalaw ko naman ang aking balikat para alisin niya ang kaniyang kamay roon. At nang makahalata naman siya ay inalis niya rin ito agad

"A-ano pala ang sakit ni Tito Jesse?" tanong niyang muli

"Pancreatic Cancer." maikling tugon ko muli

"Ganun ba? May kakilalang magaling na doctor si Dad, kung gusto mo irecommend ko sila sa inyo" suhestiyon niya

Kahit ayaw ko na sana siyang kausapin ay tila bigla akong nabuhayan.

Nagkaroon nang pag asa sa akin, gusto kong gawin lahat para lang sa ikabubuti ni Tatay. 

Minsan na siyang gumaling sa Cancer, Naniniwala akong gagaling siyang muli. 

"Ganito, I have your number naman, I'll reach out na lang sa number mo kapag nakausap ko na si Dad about the Doctor na tinutukoy ko. Basta, gagawa ako nang paraan okay?" ani Niccolo

"O-okay, sige" sagot ko.

Hindi naman siguro masamang tumanggi, kung health na ni Tatay ang pinag uusapan.

Luckily, after that conversation ay umalis na si Niccolo.

Alam niyang hindi siya gugustuhing makita ni Tatay.

Kinabukasan ay agad akong tinawagan ni Niccolo.

"Hello, Jema?" sagot nito mula sa kabilang linya

"Yes, Nicco?" 

"I have good and bad news, well hindi naman super bad news. Anyway, ano yung gusto mong mauna?" 

"Bad news?" 

"Good news, it is" sagot niya at napairap na lang ako. 

"The Goods news is nakausap ko na si Dad regarding the Doctor. Binigyan niya na rin ako nang recommendation letter para maipasa natin doon sa Doctor and Hospital, all we need to do is, ayusin yung mga kakailanganin nang Hospital for Tito Jesse's transfer.  This letter will be considered as Go signal na rin, for formalities lang ba"

"Okay, that's good. Madali na lang yan, pwede naman ako magpatulong sa Secretary ni Tatay, dahil mas alam niya kung ano yung mga papers na kailangan asikasuhin." sagot ko naman

Sa halos araw araw na pagkikita namin ni Ms. Rachel ay nagkapalagayan na rin naman na kami nang loob.

"That's good! But the bad news is... Baka mahirapan tayong magpatransfer sa Doctor na iyon dahil naka assign pa siya ngayon sa isang malaking Hospital sa Pampanga, at wala pang definite date kung kailan siya makakabalik sa Hospital dito sa Manila."

bigla naman ako napaisip kung ano ang dapat kong gawin. Parang walang pumapasok sa utak ko.

Sa mga ganitong panahon, mas lalo kong naaalala si Dean, kung kausap ko siya ngayon malamang makakatulong agad siya sa pagbibigay nang mga solution sa mga problema ko.

"P-paano kaya iyon? May naiisip ka bang suggestion?" tanong ko kay Niccolo

"I do have one, kaya lang hindi ako sigurado if okay lang sa'yo" 

"What is it? Tell me" 

"We can either go to Pampanga everytime na kailangan bumalik ni Tito Jesse sa Doctor or mag-iistay kayo doon pansamantala habang nagpapagaling si Tatay Jesse... Kung iniisip mo ang accomodation, walang problema kasi may bahay naman kami doon na pwede niyong magamit, wala naman din nakatira doon" suhestiyon niya

Bakit may "we"?

Hindi naman kaso ang accomodation kasi we can check-in naman sa hotel.

"Pero nag-aaral ako, Nicco" sagot ko, parang sumakit lang ang ulo ko sa sinabi niya

"Oh, I didn't expect na you'll consider prioritizing School, sorry" sagot niya

Syempre, mula nang nakilala ko si Dean ay nagtino naman na ko sa pag-aaral noh!

"Sobrang hassle din kasi if babyahe ka pa from Manila to Pampanga nang halos araw-araw, saka I heard na napapadalas ang pagdala niyo kay Tito Jesse sa hospital" sabi niya

He and his ways na naman. 

Napa isip akong muli, was St. Benedict Medical Center not enough to cater Tatay's need?

"Is there any way para makausap natin yung Medical Doctor na tinutukoy mo? Or is there any other option? Like, baka may iba pa na magaling rin?" tanong ko sa kaniya, baka sakaling may iba pa namang paraan

"Jema, siya na yung best Doctor na meron tayo sa Country na to. Aside dun sa Doctor na naka-assign kay Tito Jesse. He's the best option we have, right now" sagot ni Niccolo mula sa kabilang linya

"Okay, pag uusapan muna namin ito nila Tatay at Nanay, then kapag nakapag decide na ko, I'll inform you na lang ha. Salamat, Niccolo." sabi ko

"Anything for you... Just remember, I'm only one call away, okay?" aniya

"Yeah, thank you" sagot kong muli at pinutol na ang tawag. 

Napasalampak naman ako sa aking higaan. Sumakit lang lalo ang ulo. 

Nang gabi ring iyon ay nagkaroon kami nang Family meeting, kinuwento ko sa kanila yung napag usapan namin ni Niccolo.

Alam kong galit sila kay Nicco, pero pinaliwanag ko naman na nais lang tumulong ni Niccolo sa amin. 

Nung una ay ayaw pa din sana ni Tatay na tanggapin yung mga offer na binigay ni Niccolo, pero nakiusap na rin si Nanay kay Tatay dahil kahit pagbalik-baliktarin namin, para din naman ito sa pag galing ni Tatay.

Napagdesisyonan naming magpaconsult muna si Tatay sa Doctor na sinasabi ni Niccolo, after that saka kami magbabase sa kalalabasan nang consultation.

Kinabukasan, agad kong sinabihan si Niccolo tungkol sa napag usapan namin nila Tatay.

Tuwang tuwa naman si Niccolo at nag offer pa na siya na raw mismo ang magdadrive sa amin papunta doon, tutal ay may dala rin naman siyang recommendation letter, if ever na magbago ang isip namin.

"Uy, mare alam ba ni Dean yang lakad at pag uusap niyong iyan ni Niccolo?" tanong sa akin ni Ced matapos naming mag usap ni Niccolo

Hindi naman ako nakasagot agad

"Hala ka! Hindi mo man lang pinaalam?? Baka magalit yon, lalo pag nalaman niyang napapadalas ang pag uusap niyo ni Nicco" ani Jho

"Couz, hindi naman siguro mamasamain ni Dean dahil tinutulungan lang naman ako ni Nicco. Para naman ito sa pag galing ni Tatay." depensa ko

"At least, let him know, di ba?" sagot muli ni Jho

"Sasabihin ko naman... Hindi pa nga lang ngayon, dahil busy pa ko" sagot ko sa kanila

"Kung hindi ngayon, kailan? Pag nauna pang nalaman ni Dean sa ibang tao kaysa sa sarili mong bibig?" ani Ced

Hindi na lang ako sumagot, kahit naman kasi pagbalik-baliktarin ang mundo ay tama sila.

Pero kasi, a part of me ay parang ayokong ipaalam kay Dean na tumutulong si Niccolo.


Kinabukasan,

Sinamahan kami ni Nicco sa Pampanga.

"Mr. Galanza, I will be very honest with you, ang condition mo ngayon ay nasa almost High Priority na, unlike before na mabagal nagprogress, based on your Medical Records.

You see, tumor are treatable during early stage dahil wala pa itong sintomas, but once it get worst, nagiging fatal ito.

Mas madalas rin ang paglala nang mga nararamdaman mo. Mas mabilis ang nagiging pagkalat nang cancer cells sa katawan mo, until it finally take over your liver hanggang sa magkaroon na rin nang liver failure.

We must not prolong this dahil mahirap kalaban ang Pancreatic Cancer" wika ni Doc Buenvenidez o Doc Buen for short

Pinaliwanag niya ito, para na rin sa amin ni Nanay.

Kami ni Nanay at si Niccolo lang ang kasama ni Tatay dito sa Pampanga dahil may exam si Mafe ngayon.

Nasa labas lang nang kwarto si Nicco habang kami ni Nanay ay parehong kasama ni Tatay na kausap si Doc Buen

"Ano po kaya Doc, ang best option na maaari naming gawin? Para ho kasing walang nangyayari sa pagche-chemo niya" tanong ni Nanay habang nakahawak sa kamay ni Tatay

"You see, Mrs. Galanza, Chemotherapy may help control the cancer and help with the symptoms. It won't cure the cancer pero it helps the patient live longer and generally feel better.

Hindi naman po lahat nagiging same effect sa mga nag Chemotherapy. May iba na maaaring gumaling o mabuhay nang mas matagal, but some may not get much benefit at all.

Kaya naman po sa mga nagiging pasyente ko ay inaabisuhan ko silang pagisipan mabuti ang Chemotherapy. They might want to consider the benefit and disadvantages of the treatment.

I suggest Mr. Jesse to stop his Chemotherapy. I will run more tests to know if you are qualified for surgery or if you want, you will under-go External Beam Radiation Therapy." ani Doc Buenvenidez

"A-ano po yung Radiation Therapy kaniyo?" ani Nanay

"Ito po ay isang uri nang Therapy na kung saan lulusawin natin ang tumor sa katawan ni Sir Jesse nang hindi naaapektuhan ang healthy tissues niya. Ginagawa po ito kapag hindi qualified ang pasyente sa surgery o di po kaya'y kapag mas pinili niyang mag under-go nang Radiation Therapy." pagpapaliwanag ni Doc Buenvenidez

Marami pa kaming nalaman tungkol sa sakit ni Tatay. Kahit papaano ay nagkaroon kami nang lakas nang loob dahil sa sinabi niya.

We decided to push through kay Doc Buen pero kakailanganin pa rin naming asikasuhin yung medical records ni Tatay sa SBMC bago ipatransfer sa Hospital kung saan naka-assign si Doc Buen.

Labis ang naging aming pasasalamat kay Niccolo dahil sa naging rekomendasyon niya kay Doc Buen.

At dahil may overnight naman si Mafe sa kaniyang kaklase, we decided na magstay muna sa Pampanga, kailangan kasi makabalik ni Tatay bukas nang maaga.

Tinanggap na lang namin ang offer ni Niccolo na magstay sa bahay na sinasabi niya since ito yung mas malapit sa Hospital.

Nakausap ko na rin si Ms. Rachel tungkol sa mag papers na kailangan. Siya na lang daw ang bahala roon.

Dahil sa naghalo halong pagod at stress ay maaga akong nakatulog.



Kinabukasan,

Gabi na kami nakabalik sa Manila dahil inabot kami nang rush hour.

Nagbilin na lang si Doc Buen for further precautions at tinaasan niya na lang ang dosage nang medications ni Tatay since mag iistop muna siya sa Chemo niya.

Paghigang pag higa ko nang makauwi ay napalingon ako sa bed side table ko, nakita ko ang picture namin doon ni Dean, saglit ko pa itong tinitigan

Hanggang sa manlaki bigla ang aking mata

"Sh*t!! Magkikita nga pala dapat kami ni Dean kahapon! Napakatonta ko naman! Nakalimutan ko" sambit ko sa aking sarili at napasapo na lang ako sa aking noo.

Pagkuha ko sa aking phone ay doon ko lang nakita ang madaming messages and missed calls from Dean.

Pag-uwi kasi namin kahapon sa pinagstayan namin ay kinausap ko lang si Ms. Rachel tapos ay nakatulog na agad ako.

Ni-hindi na nga di ako nakapag dinner at hindi ko na rin naisip icharge ang phone ko, kaya kanina ko na lang din nacharge ito habang nasa sasakyan ni Niccolo.

Pero dahil empty ito ay hindi ko na nagawang i-on pa ito habang nakacharge kanina.

Bigla akong kinabahan, lalo na nung makita kong kahapon pa ang last text sa akin ni Dean, malamang ay galit ito.



To: My Baby BatWongst 💜
Baby, sorry hindi ako nakarating kagabi



Ito na lang muna ang minessage ko sa kaniya, hindi ko alam kung ano ang magiging respond niya dito.

Pero ang kinalungkot ko, ay wala man lang akong natanggap na kahit anong reply mula sa kaniya.

Hindi na muna ako nagmessage sa kaniya, lalong nadagdagan ang iniisip ko dahil sa nangyayari sa amin ngayon ni Dean.

Buong gabi lang akong nag isip hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako.





Kinabukasan,

Pumasok na ako sa School, kailangan ko makahabol dahil two days na akong absent.

I've decidedna personal ko na lang kakausapin si Dean para naman masuyo at malambing ko na lang siya.

Sobrang miss na miss ko na din kasi siya.

"Hi, J! Good morning!" ngiting ngiting bati ni Niccolo nang makapasok ako sa classroom namin

Sabay pang napatingin sa akin sina Jho at Ced

"Morning" maikli kong tugon saka umupo sa pagitan nila Jho at Ced.

Bigla naman lumingon sa likod si Ced

"Niccolo, pwede bang konting distansya naman kay Jema? Kailan ka mapapagod? Wala ka nang lugar kay Jema, madami pa namang iba dyan, si Carly? Baka gusto mo balikan? Panindigan mo naman yung iniwan mo dito sa Pinas" ani Ced

"Ced, tama na yan" bulong ko kay Ceddie

Nakatingin lang si Niccolo kay Celine nang

"Meh" sagot nito sabay kibit balikat

Pasugod na sana si Ced sa kaniya nang pigilan ko ito, mabuti na lamang ay dumating na rin ang aming Prof

"may araw ka din, kulugo" bulong ni Ced habang masamang nakatingin kay Nicco

Nang maglunch ay nakabuntot pa rin sa amin si Nicco kahit na inaaway away na siya ni Ced.

Naglalakad na kami malapit sa Cafeteria nang

"Oh! Sina Dean" biglang sabi ni Ced

Sakto namang napatingin kami sa kanila, palapit na sana kami nang biglang sumulpot si Pongs at pinagpapalo sila sa pwet.

Nakatingin lang ako kay Dean at ganun din siya sa akin.

"Bakit ang tahimi- Uy! Bakit ang init mo?? Nilalagnat ka?" biglang sabi ni Pongs

Kumunot naman ang aking noo dahil sa sinabi ni Ponggay

"Ayos lang ako" masungit na sagot ni Dean

"Nilalagnat pa si Dean, naulanan kasi siya kahapon kakahintay sa wala. Kaya kung pwede lang, wag mo muna kulitin itong kaibigan natin" sambit ni Bei na halatang pinariringgan ako

"Babalik na lang ako sa room, wala na kong ganang kumain" sabi  ni Dean sabay talikod

Hindi na ko nagsalita at mabilis na sinundan si Dean.


"Baby, sandali lang" awat ko sa kaniya nang mahabol ko siya

Ngayon ko na lang ulit siya nahawakan, kaya nga lang binawi niya ang kaniyang kamay

Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa inakto niya, pero alam ko namang wala akong karapatang magtampo dahil nagkaroon ako nang kasalanan sa kaniya.

Ang sakit sakit pala madinig mula sa kaniya lahat nang hindi ko namalayang nagawa kong pambabalewala sa kaniya

Sobrang naiiyak na ko pero nagpipigil lang ako dahil alam kong ayaw niyang nakikitang umiiyak ako.

Napakaunfair ko sa part na hindi ko man lang siya nagawang imessage.

Siguro dahil sa ayaw kong malaman niyang tumutulong si Niccolo, hindi ko na namalayan na naiiwasan ko na pala siya.

Sobrang nagulat ako nang bigla na lang nahimatay si Dean, mabilis ko siyang pinuntahan

Mas kinabahan ako nang makita kong may dugo sa kaniyang ulo, tumama ito sa kahoy nang mahimatay siya sa damuhan.

Nang mahawakan ko siya ay grabe ang init niya, nakakapaso.

Mabuti na lamang ay agad ding dumating si Bei at siya na mismo ang nagbuhat kay Dean.

Nang makarating kami sa School's infirmary ay agad siyang inasikaso nang Nurse on duty doon.

Habang nagiintay naman kami sa labas lang nang room ay bigla akong nakareceive nang tawag mula kay Nanay na sinugod na naman daw sa Hospital si Tatay.

Ayokong iwan si Dean, pero alam kong hindi kaya ni Nanay ang mag isang mag asikaso kay Tatay.

Saglit pa kaming nagkatinginan ni Jho

"S-sinugod ulit si Tatay sa Hospital" sambit ko

Niyakap naman akong patagilid ni Jho

"Jema, mabuti pa puntahan mo na muna yung Tatay mo, ako na lang ang mag babantay kay Dean" suhestiyon ni Bei

"P-pero..." tanging nasambit ko nang biglang may magsalita

"I-prioritize mo muna si Tito Jess. Ako na lang muna bahalang mag bantay kay Dean, i-uupdate na lang kita" sabi ni Myla

Kumunot ang aking noo nang makita siya

"Kailangan ka nang Nanay mo ngayon, Jema. Hindi naman mawawala dito si Dean. Sige na" seryosong sabi ni Myla

Nang mapatingin naman ako kay Bei at tumango lang din siya

"Samahan na kita, couz" sagot naman ni Jho

Sa huli, si tatay pa rin ang namayani sa akin...

Paalis na kami nang huminto ako

"Myla, bantay lang walang salakay" seryosong sabi ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako

"Sige na ako na bahala kay Dean" sagot niya habang nakangiti nang nakakaloko sabay kindat

Susugurin ko sana siya nang hampas nang hilain na ako ni Jho palayo.

"Myla, ngayon lang to, wala ka nang next time" sambit ko habang hinihila ako ni Jho

Hindi naman siya sumagot pero dinig na dinig ko yung tawa niya.

Nang makarating kami sa sasakyan ni Jho ay agad na siyang nagmaneho, malapit lang naman ang SBMC sa Campus.

Hindi ko maiwasang maluha dahil sa nangyayari.

Natatakot ako, pakiramdam ko I only have to choose one.

Si Dean o si Tatay.

Pakiramdam ko may mawawala sa akin.

Wag naman sana, bumabawi pa lang ako kay Tatay.

Baby, konting hintay lang, babawi din ako sa'yo, promise! 

Continue Reading

You'll Also Like

627K 42.1K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
239K 8.2K 63
character: deanna jema ced caloy fhen bea ps: thank you po sa totoong may ari ng account na ito at pinapayagan mo kong mag sulat ng kwento.. hahahha...
45.7K 1.5K 65
"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her...
12.9K 635 20
GaWong Short story, ito na yung dating "Afraid for Love to Fade"