May the 4th Be With You

By Isaiah024_

68.2K 3K 3.5K

Isang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. A... More

AUTHOR'S NOTE: IMPORTANT!!!
1. INTRO
2. NITRO
3. TROUBLE
4. FIBBLE
5. PERSISTENT
6. RESISTANT
7. FATE
8. DATE
9. NEGOTIATE
10. APPRECIATE
11. CAFFEINE
12. CUISINE
13. FOR HERE
14. TO GO
15. SWITCHBACK
16. FLASHBACK
17. MYSTIFY
18. BUTTERFLY
19. HIDE
20. SEEK
21. HAMMER
22. NAIL
23. RAIN
24. SHINE
25. MEET
26. GREET
27. CONFESSION
28. QUESTION
29. HEAR
31. AFFECT
32. EFFECT
33. FORGIVE
34. FORGET
35. IGNORED
36. IMPLORED
37. NEVERTHELESS
38. NONETHELESS
39. ASYMMETRIC
40. SYMMETRIC
41. IRREGULAR
42. REGULAR
43. STEAL
44. STEEL
45. LOST
46. FOUND
47. INFATUATION
48. FOUNDATION
49. SAUSAGE
50. DOSAGE
51. NIGHT
52. KNIGHT.
53. UNEXPECTED
54. UNANTICIPATED
55. UNSUSPECTED
56. IMPULSIVE
57. COMPULSIVE
58. WHAT?
59. WHO?
60. WHEN?
61. WHERE?
62. WHY?
63. HOW?
64. YOU
65. ME
66. POOL
67. JHOBEA
68. TOLINE
69. 34+35
70. FIN.

30. HERE

868 43 16
By Isaiah024_

DEAN's POV

Sa dinami rami nang pagkakataon, si Ms. Rachel pa ang nakasabay ko sa Elevator. 

We nodded and smiled at each other. 

She looks exhausted. 

Nang magbukas ang elevator ay sabay kaming lumabas.

"Ms. Rachel" tawag ko dito, huminto siya at lumingon sa akin.

"Coffee?" alok ko sa kaniya

Inaya ko siya nang Coffee sa Cafeteria dito sa Hospital. 



"Hmm... Ang bango. Salamat nga pala dito, Dean" aniya

"Naku, wala po iyon. Hindi ko na po kayo na-aya sa Cafe sa labas, mukha po kasing busy kayo, pero masarap naman din po ang kape dito" sagot ko sa kaniya

"Naku, kahit saan naman ay ayos lang sa akin. I'm a coffee lover, kaya hindi ako tatanggi kahit saan pa yan, basta kape" nakangiting sagot niya sa akin

"Bakit po pala kayo nandito? Tungkol po ba kay Sir Galanza? Kamusta na po siya?" tanong ko sa kaniya, ilang araw ko na kasi siyang hindi nakikita. 

"Naku, magtatampo yun sa'yo kapag nadinig niyang tinawag mo siyang Sir Galanza. Akala ko ba Tatay Jesse ang bilin niya sa'yo?" ani Ms. Rachel

"Ahehe, Tatay Jesse po pala" Nahihiyang napakamot batok na lang ako

"And to answer your questions, Hindi maganda ang lagay ni Sir Jess. Matigas kasi ang ulo nun, ayaw niya talagang magpa-Chemo, kung hindi ko lang napipilit hindi pa aattend nang sessions niya. Napapagalitan na nga rin kami nang mga Doctor dahil sa pagdecline niya sa pagpapagamot" kwento ni Ms. Rachel

Makwento siya, and that's good

"Bakit naman po?" tanong ko rito

Bahagyang natigilan si Ms. Rachel at tumingin sa akin nang diretso, bahagya siyang lumapit

"Nakikita kong malaki ang tiwala sa'yo ni Sir Jess. Kaya naman may sasabihin ako sa'yo, pero sana ay atin atin lang ito" seryosong sabi niya

Sasabihin niya na ba ang tunay na namamagitan sa kanila? Na Siya ang sumira nang pamilya nila Jema? 

Tumango ako sa kaniya

"Mula kasi nang malaman niyang may Cancer siya ay tila ba gumuho na ang kaniyang mundo. Nilayo niya ang kaniyang sarili sa lahat nang taong mahalaga sa kaniya. Bakit? Dahil ayaw niya daw maging pabigat sa kanila, di na baling kamuhian siya, kaysa makita niyang nahihirapan ang pamilya niyang tanggapin ang kaniyang sinapit" kwento ni Ms. Rachel na nagpakunot nang aking noo. 

"A-ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong ko sa kaniya, naguguluhan ako

"Ang totoo kasi niyan, ako lang ang bukod tanging nakakaalam noon nang sakit niya, ako ang lihim na sumasama sa mga check ups niya. Hanggang sa isang araw nakita kami nang panganay niya na magkasama sa isang sasakyan sa isang mall after ko siya ihatid. 

Sumabit kasi yung hikaw ko sa seatbelt at tinulungan niya akong tanggalin ito. Aaminin ko, medyo awkward yung posisyon namin non, kaya naman nung natanggal niya na yung hikaw ko, pag ayos namin nang upo ay nakita naming nakatayo na yung panganay niya sa harap nang sasakyan. 

Pinigilan ako ni Sir Jess that time na bumaba nang sasakyan, siya lang mag isa ang nakipag usap sa kaniyang anak. Kahit hindi ko madinig nang maayos ang kanilang usapan ay kita ko sa mukha nang panganay niya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Sir Jess sa kaniya nang mga sandaling iyon. 

Dali daling tumakbo palayo yung anak niya noon, hindi na rin ito nagawang habulin ni Sir Jess, mahina at masama na ang pakiramdam niya nang araw na iyon. Nang makaalis yung anak niya, doon niya lang sinabi sa akin na akala nito ay may namamagitan sa amin, doon raw nagka-ideya si Sir Jess na palabasing Kabit niya ako." natigilan si Ms. Rachel at napayuko. 

Hindi totoong may namamagitan sa kanila? Kaya ba ganun na lang kapormal ang trato niya kay Tatay Jesse?

"Mula noon ay nasira na ang pamilya niya na sobra niyang minahal. Nakiusap siya sa akin na huwag sasabihin sa pamilya niya ang katotohanan, kapalit nang pag tulong niya sa pag papagamot nang anak kong may kapansanan. 

I'm a single mother, Dean. Ako lang ang mag isang bumubuhay sa aking anak, kaya hindi nila ako masisisi kung tinanggap ko ang alok ni Sir Jess... Araw araw kong nakikita na para siyang pinapatay. Hindi nang Kanser, kundi ang sakit nang pighati na hindi niya na kasama ang kaniyang pamilya... 

Alam mo bang naghihintay na lang siyang mamatay? Pero mula nang makwento ka niya, nagsimula siyang mag pa-chemo ulit. Kaya lang, masyadong mahina ang kaniyang katawan, at nahihirapan itong tanggapin ang pag gagamot" kwento ni Ms. Rachel

Dama ko ang lungkot niya sa kaniyang mga kwento. 

Ilang sandaling namayani sa amin ang katahimikan. Pilit kong pinoproseso ang aking mga nalaman.

"Bakit?" wika ko, napatingin sa akin si Ms. Rachel

"Bakit po hinayaan niyong pare-pareho silang mabuhay nang miserable? Ms. Rachel, may mga ibang paraan pa din naman po, sigurado naman po akong matutulungan pa rin kayo nang pamilya Galanza sa pagpapagamot nang anak ninyo, pero bakit po pinagdamot niyo sa kanila ang katotohanan? Kung hindi niyo po ito ginawa, baka nga po Cancer Survivor na po ngayon si Tatay Jesse" sambit ko rito, hindi ko na rin mapigilang maging emosyonal

Nakakapanghinayang ang mga araw, buwan at taong nasayang. 

"Dean, you don't understand. I have no choice" sagot niya

"You do... and you choose to remain silent." sagot ko na nagpatigil sa kaniya


"Ms. Rachel, hindi pa naman po huli ang lahat. Tulungan niyo po ako para makabawi kayo sa kanila" sambit ko

"A-anong ibig mong sabihin, Dean?" naguguluhang tanong niya

"Ms. Rachel... Nobya ko po si Jema. Jema Galanza" sambit ko sa kaniya

Bigla niyang nabitawan ang hawak niyang baso nang kape

"Ms. Rachel, ayos lang po ba kayo?" tanong ko sabay kuha nang table napkin sa lamesa at inabot ito sa kaniya

"A-ayos lang, sorry" sagot nito. 

Mabuti na lamang ay hindi siya natapunan nang kape, at kaunting talsik lang sa shoes niya. 

Kumuha pa ako nang extra napkins saka isa isang kinalat sa floor na natapunan nang kape, para maabsorb nito yung basa sa sahig.

Agad rin namang may lumapit na Janitor at nilinis ito, humingi na lamang kami nang paumanhin ni Ms. Rachel. 

"Ah, Dean, mauuna na pala ko" ani Ms. Rachel at agad tumayo

"Sandali lang po!" pigil ko rito

"Seryoso po ako sa sinabi ko, Ms. Rachel. Alam niyo po sa sarili ninyo na nagkamali kayo, kaya please tulungan ninyo akong maayos ang pamilya nila... I badly need your help, I can't do this alone" sabi ko sa kaniya

Bagsak balikat itong sumang ayon sa akin, nag abot siya nang calling card

"Here's my number. Message me kung ano ang maitutulong ko" sambit nito, napangiti ako

"Salamat, Ms. Rachel" sagot ko

Tumango ito, at saka umalis. 

Pinicture-an ko ang Calling card na inabot niya sa akin saka ito inilagay sa aking bulsa. 


After nang naging pag uusap namin ni Ms. Rachel ay tinawagan ko si Bei, sakto naman na kakatapos lang din nang duty niya.

"Ano atin, bro? Himala napatawag ka, hindi ka busy sa girlfriend mo?" nakangising tanong ni Bei

Dito na kami nag kita sa bahay nila, malapit lang din naman ito sa University. Mamaya pa kasi uwi ni Jema, kaya we decided na tumambay muna sa kanila tapos sabay na lang naming susunduin sina Jho. 

Si Tots naman, ayun late kanina kaya mamaya pa out nun. 

"Ako lang ba ang busy? Care to share carebear" sabi ko sa kaniya sabay ngiti nang nakakaloko

ayun tinignan lang ako nang mokong nang nakakunot yung noo

"Hoy, hindi mo pa kinukwento sakin, bakit magkasama kayo nang sobrang aga ni Jho nung nakaraan" sabi ko sa kaniya

Bigla naman nanlaki yung mata niya at napalunok na lang, kaya naman hindi ko napigilang matawa sa reaksyon niya

"Huli ka balbon! Anong ginawa niyo? Himala? Masarap ba?" sunod sunod kong sabi sa kaniya

Ayun, binatukan ako nang loko. 

"Siraulo ka, bro! Kung ano man ang nangyari nung araw na yon, meron man o wala, sa amin na lang yun ni Jho" sagot niya

"So, meron nga???" gulat kong tanong sa kaniya

Hindi siya nakasagot at bigla na lang namula

"T*ngina ka, bro! Congrats! Isa kang alamat! Dinaig mo pa ang syringe sa sobrang tulis mo bro!" masayang sabi ko sa kaniya at halos daganan ko na siya sa pagbati ko sa kaniya, andito kasi kami nakatambay sa may Pool area nila

"Aray ko! G*go ka, Dean! Alis ang bigat mo, sira ka!" reklamo niya kaya mas lalo ko siyang dinaganan. 

"Hoy! Sira ulo ka, Dean. Basta wala kang alam ha! Wala tayong napag usapan, okay?" dagdag ni Bei

Tinaas ko naman ang aking kaliwang kamay

"Promise" sabi ko 

"P*kyu ka, kanan dapat!" ani Bei

Natatawang binaba ko ang aking kaliwang kamay at tinaas ang aking kanang kamay

"Promise, bro!" sabi ko sabay zip nang aking bibig. 

Nagkwento naman si Bei nang mga ganap sa kanila ni Jho, syempre except the sexual part, kasi privacy na nila yon. Hindi na para maging referee pa ko kung magkukwento siya nang tungkol doon. 

Anyway, naikwento niya nga na nag EK pala sila nung nakaraan nang sila lang ni Jho, madaya nga ang isang ito at hindi man lang kami sinama. 

Pero bumawi naman siya nang sabihin niyang, he's planning na dalhin kaming magkakaibigan sa De Leon Ranch over the weekend. 

Para makapag bonding man lang habang hindi pa kami masyadong busy, pansin niya kasi na unti-unti na kaming nagiging busy at halos hindi tugma ang schedule namin sa kanila. 

Syempre, I agreed naman. 

"Bro..." seryoso kong tawag sa kaniya

I'm planning to tell him kung ano ang mga nalaman ko recently, lalo na at it's really bothering me talaga. 

Napatingin naman sa akin si Bei, at tila awtomatiko niyang nagets na seryoso itong gusto kong sabihin sa kaniya. Ganun na kasi ako kakilala ni Bei.

"Tell me" sabi nito

At doon ko na kinuwento sa kaniya ang lahat lahat nang aking nalaman tungkol kay Tatay Jesse. Mula sa Sakit nitong Cancer, ang katotohanang hindi naman talaga siya nambabae hanggang sa plano kong mapag ayos ang pamilya nila Jema, at pati ang pag hingi ko nang tulong kay Ms. Rachel.

"Wala pa kong ibang napag kukwentuhan tungkol dito, maliban sa'yo. Not even munchkin, hindi ko pa kasi sigurado how she'll take it eh" sabi ko kay Bei. 

"Dean, maganda naman yung intensyon mong ayusin ang pamilya nila, pero sasabihin ko sa'yo... Hindi madali ang gagawin mo, dahil maaari kang madamay sa gulong yan" ani Bei

"Bro, mula nang di ko sadyang malaman ang mga lihim ni Tatay Jesse, doon pa lang damay na ko dito. Tadhana na ang gumawa nang paraan para makilala ko si Tatay Jesse in the most unexpected way. And, I'm willing to do anything para lang matulungan kong maayos ang pamilya nila. Hindi sa nakikisawsaw, pero yaman din lamang na alam ko ang katotohanan, might as well, be a bridge para mapag ayos sila." sagot ko rito. 

"Eh paano si Sir Galanza? Baka naman magalit siya sa'yo? Mamaya niyan, ilayo ka niya kay Jema kapag nagkaayos sila" ani Bei

"Kung ganon ang gagawin niya, I'm willing to prove that I'm worthy of Jema. Minsan naman talaga, we get to do things na akala natin tama because we are selfish, akala natin it's for the betterment of everyone, kaya hindi natin napapansin minsan na mali na pala yung mga desisyong ginagawa natin. And I'm willing na iparealize kay Tatay Jesse na una pa lang, mali na ang ginawa niyang desisyon sa pag aksaya nang oras niya. Sobrang dami nang pagkakataong nasayang, hindi na pwedeng pahabain pa" sagot ko kay Bei

"Saan ka magsisimula?" tanong niya

Napatahimik ako at napaisip saglit.

"Kay Jema" seryosong sagot ko rito.

After nang naging pag uusap namin ni Bei, he also agreed to help me. 

Napagkasunduan naming, after I tell Jema, kung ano man maging desisyon nito, saka niya lang ipapaalam kay Jho ang lahat nang nalalaman namin. 

Jho can also help us naman, kung sakaling hindi matanggap ni Jema ang katotohanan.

Nagpunta na kami sa St. Benedict para sunduin sila. 

Habang nag iintay ay may nakita kami ni Bei mula sa malayo. 


He decided to call Tots

"Yow, bro! wassup?" sagot ni Tots mula sa kabilang linya

Ni-loud speaker ni Bei ang kaniyang phone, so I can also hear the conversation

"Tots, alam mo namang mahal na mahal ka namin ni Dean, di ba?" ani Bei

"Yeah, I know. Why?" tanong ni Tots

"Napapaenglish siya" nakangiwi kong bulong kay Bei at napabuntong hininga naman ito


"Ano kasi bro... Nakita namin si Celine, may kasamang iba" sagot ni Bei, wala naman naging response si Tots from other end of the line

"Pero wag kang mag alala, mas gwapo ka. Ang pangit nang kasama niya. Oo, pangit nga" pagpapagaan nang loob ni Bei


"Anong pinagsasabi mo dyan? Magkasama kami ni Ced" ani Tots

"Huh? Ikaw ba yan? Ah eto kami oh, dito! kumakaway ako." Sagot ni Bei sabay baba nang tawag nang makita na kami ni Tots

Nakangiti lang kami pareho nang pilit ni Bei, habang halos hindi maipinta yung mukha ni Tots habang palapit siya sa amin. 

"Hi, Guys!" bati ni Bei

"A-akala namin bro, mamaya pa out mo sa duty, hehe" sambit ko naman

Lumapit si Tots at sabay kaming niyakap ni Bei

"Hype kayong dalawa, yari kayo sakin mamaya" bulong ni Tots at kumalas sa pagkakayakap habang nakatingin pa rin samin nang masama

"Ahehe, miss ka din namin bro" kinakabahang sambit ni Bei sabay tawa nang peke

"Oh, ayan na pala sila, Jema" tawag pansin ni Celine habang nakaturo kina Jho na naglalakad palapit sa amin

Ngunit tila ba awtomatikong kumunot ang aking noo, hindi ko nagugustuhan ang aking nakikita

"Bakit kasama nila yang kupal na yan?" inis na tanong ni Bei habang nakatingin rin kina Jho



"Jema, ako na magbuhat nang bag mo." alok ni Niccolong kupal

"No need. Magaan lang to, I can manage" sagot ni Jema 

"How about I drive you home na lang?" alok muli ni Niccolo

"You don't have to, sa akin sasabay ang pinsan ko" sagot ni Jho sabay higit palapit kay Jema 

"How about dinner? I know a place. Bago lang, saka masarap don. My treat!" pagpupumilit ni Niccolo

"Sama na kayo, please?" pamimilit muli ni Niccolo at napapahawak na ito sa braso ni Jema

Hindi ko kayang panuorin na lang na bumubuntot itong mukhang buntot pagi na to sa baby ko kaya naman dali dali na kong naglakad palapit kay Jema 

"Halika na" ani Niccolo and took the shoulder bag na bitbit ni Jema 

nang makalapit ako sa kanila ay mabilis kong kinuha ang bag ni Jema mula sa kamay ni Nicco saka bahagya itong tinulak palayo kay Jema 

"Kailan mo titigilan girlfriend ko?" inis na tanong ko sa kaniya

Maangas na lalapit sana si Niccolo sa akin nang bigla kaming pagitnaan nila Bei at Tots

"Tama na yan" awat ni Tots

Naramdaman ko namang napahawak sa aking braso si Jema

"Dean, stop it, please" awat ni Jema

"Dean na lang ngayon? Baby mo ko ha. Kailan ka pa binubuntutan nang isang to?" inis kong tanong kay Jema 

Hindi ko maiwasang magalit dahil parang hinahayaan niya lang na lapit-lapitan siya ni Niccolo. 

"Oo naman, dahil bukas makalawa, tignan mo ako na ulit boyfriend ni Jema" singit na sagot ni Niccolo

Sa sobrang inis, hindi ko maiwasang sugurin siya, pero mabilis naman kaming inawat pareho nila Tots at Bei

"Dean, ano ba?! Tama na yan! Ikaw Niccolo, lumayas ka na sa harap ko baka hindi kita matansya!" ani Jema 

"May araw ka rin, Wong" nakangising banta ni Niccolo

Nagtinginan lang kami nang masama bago siya tuluyang umalis.


"Kailan mo to balak sabihin sa akin? Why is he wearing St. Benedict's Uniform?" tanong ko kay Jema matapos umalis ni Niccolo

 "Dean, sasabihin ko naman talaga sa'yo, humahanap lang talaga ko nang tyempo." sagot niya sakin

"Bakit kasama niyo siya?" tanong kong muli

"Kasi ano... He's uhm... He's our clsdjfhdk" halos bulong na sagot niya habang nakayuko

"Ano? Pakilakasan, I can't hear you" sabi ko rito

She sighed in defeat

"He's our classmate, okay? Hindi naman namin ginusto to, at lalong hindi namin alam na mag eenroll siya dito. You know him, alam mo kung gaano kakulit at persuasive si Niccolo." sagot ni Jema

"I know." galit kong sagot sa kaniya 

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya bago pa siya makapag salitang muli

"Pero next time, gusto ko BABY ang itatawag mo sakin lalo na kapag andyan siya. Para alam niya yung limits niya. Na ako yung boyfriend mo." sagot ko sa kaniya

Sabay mabilis na dampi nang halik sa kaniyang labi

"Yown, iba talaga pag papi" dinig kong bulong ni Tots

I almost forgot na andito pa nga pala itong mga to

"Tapos na magtukaan? Okay na? Pwede na tayong gumorabels?" singit ni Jho 

Napabitiw ako sa pisngi ni Jema at pagtingin ko sa kanila ay pare-parehas silang nakatingin sa amin ni Jema

"Para kong nanunuod nang tele serye in Ultra HD" mapanuksong sambit ni Ced

Pagtingin ko kay Jema ay pulang pula na ang kaniyang mukha. She's blushing real hard. 

I held her hand kaya napatingin siya sa akin. 

I sweetly smiled at her and said

"Let's go" aya ko

Sabay sabay na kaming umalis nang campus.

One thing I realized that day, kahit gaano pa ako magselos o magalit

Hinding hindi ako magbibigay nang pagkakataong mawala sa akin si Jema.











-----

AUTHOR's NOTE: 

Please do correct me if may mabasa kayong pagkakamali ko. Regarding Medical relations na ginamit ko sa story na ito. 

Hindi na kasi ako Medical Practitioner, so baka may maisablay ako hehe. Thanks!



Continue Reading

You'll Also Like

Paris By Rein

Fanfiction

213K 7.4K 53
What really happened after that one fateful encounter in Paris?
88K 2.5K 43
GaWong story.. basahin nyo nalang po.. Boy po uli si Deanna dito.
45.7K 1.5K 65
"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her...
82K 3.5K 38
mahal kita, mahal mo ako pero walang tayo🤦‍♂️