After Five Years

By shytryfly

3K 183 47

Dati, isa lang ako sa mga estudyante ng St. James Catholic School, nakaupo sa mga upuan ng isang malaking kwa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 1.3
Chapter 1.4
Chapter 2
Chapter 2.2
Chapter 2.3
Chapter 2.4
Chapter 2.5
Chapter 2.6
Chapter 2.7
Chapter 2.8
Chapter 2.9
Chapter 2.10
Chapter 3
Chapter 3.1.1

Chapter 3.1.2

17 0 0
By shytryfly

Shaze's PoV
Ngayon pa lang ako natapos maligo at saka ako lumabas ng C.R. Grabe naman kasi ang hina ng tulo ng tubig nga pala ngayon dahil Saturday kaya siguro natagalan din si Kale na matapos maligo. Pero mahina man or hindi, as usual, matagal pa rin yan maligo. Nilagay ko na ang tuwalya dito sa may alambre.

Speaking of that girl, umalis na kaya siya? Anong oras na kasi at talagang nakakahiya sa mga kagroup niya. Malapit lang kasi yata dito sa amin pero hindi rito sa baranggay namin, yung bahay ng kaklase niya pero kahit na diba? Dapat pa nga mas maaga siya na dumating eh. Hays, Andie Kale.

Pumunta na ako sa kwarto niya para nga icheck at kakabukas ko pa lang ng pinto...napasigh na agad ako. Ang tigas talaga ng ulo!

Nandito pa nga siya.

Nakita ko kasi yung bag eh. Sinara ko na lang ang pinto at pumunta sa kwarto ko.

"...Samahan niyo po kung kinakailangan..."

Boses ni Kale iyon pero teka! Sino naman ang kausap niya? Pero baka nagprapractice lang ulit siya para sa script niya kaya pumasok na ako sa kwarto ko.

"Natural lang din po na mahulog niya yung tinidor, malamya po yan. Basta po---." Namilog naman ang mata niya noong una pero agad din napalitan ng ngiti na mapanukso. Wait! Hu-huwag mo na sa-sabihin na alam na niya?! Tinignan ko naman ang cabinet ko pero parang hindi naman ito binuksan. Pero hindi pa rin ako sigurado doon! Napa face palm naman agad ako noong naalala ko na hindi ko nasara yung pinto ko. Aish.

"Andie Kale, ano ang gi-ginagawa mo rito at sino ang sa-sasamahan?" Kahit nenerbyos na ako ay nakuha ko pa rin na ikunot ang noo ko, itilt sa right side ang ulo ko, at saka panliitan siya ng mata. Nandito pa rin ako sa bukana ng kwarto ko at hindi pa rin ako naglalakad ulit dahil sinusuri ko talaga nang maigi yung cabinet baka kasi binuksan talaga ni Kale. Nandoon pa naman yung teddy bear. 

Pinakaramdaman ko naman si Kale at feeling ko mang-aasar siya anytime soon, itsura niya pa lang kasi eh!

Bakit ko pa ba sinabi iyon?! Ayan na nga dahil binigyan niya lang ako nang ngiti na malaki. Gusto ko man siya na tanungin kung bakit siya nakangiti nang ganoon eh huwag na lang baka kasi gusto niya lang na ngumiti. Kaya I just give her too a smile then, pumunta ako sa tabi niya at nagsuklay.

"Basta po sulitin niyo na po ito na gabi na ito na kasama siya kasi hindi po palabas yan and ngay--."

"Sino ba yan?" Hindi ko kasi makita kung sino ito dahil nasa right hand niya yung cellphone at saka hindi pa nakatulong na nakalugay siya. Hindi pala siya nagprapractice para sa project nila at hindi na rin niya ako pinansin. Baka, yung parent ng isa sa mga friend niya ito kaya hindi ko na lang din siya pinansin at kinuha ang lotion at naglagay nito sa braso at legs ko.

"Tapos na po siya. Naligo po eh. Tignan niyo po ang tagal sa C.R kasi ang bagal po kumilos. Pero, gusto niyo po ba na kausap---."

Uupo sana ako sa kama nang may nakita ako na kalapati na nasa bintana kaya nakatalikod na ako ngayon kay Kale. Binugaw ko naman ito dahil baka mapagalitan pa kami ng may-ari kapag nakita na nandito yung mga alaga niya. Pero, tambayan talaga ng mga alaga niya yung bubong namin eh.

Hindi pa rin ako humaharap dahil katulad ni Kale, ang tigas din ng ulo ng huling kalapati na ito, tatlo kasi iyon eh. "Andie Kale, anong oras na at baka malate ka pa sa group niyo porket malapit lang yung bahay hindi ibig sabihin na magpa---."

"Sige po, Kuya. Mauuna na po ako baka magalit po sa akin eh. Grabe po magalit yan pero hindi naman po bagay sa kaniya. Enjoy your din---."

Sa wakas ay napaalis ko na rin yung kalapati na iyon. Parang si Breeze lang din, ang hirap paalisin sa buhay ko kahit na hinahayaan muna yung sarili mo na siya ay i-let go.

Humarap na ako sa kaniya. "Isa pa, Kale." Napamewang na naman ako ng wala sa oras dahil Kuya raw. Kausap niya ba si Arqe? Pero, ang labo dahil napakagalang naman ni Kale sa Kuya niya. As far as I know, kapag mag-uusap yan na dalawa na yan eh parang kailangan pa ng kutsilyo sa harapan nila dahil mga ilang salita lang ay magpapatayan na sila kaya impossible na si Arqe ang kausap niya. Pero, oo nga pala, yung group project nila!

"Ano nga po pala name m---."

"Andie Kale." Kusa naman na tumaas yung left na kilay ko and still, nakapamewang pa rin ako at nandito pa rin sa may malapit sa bintana.

Akala ko ay ibababa na niya yung call pero hindi pa rin pala. Humarap muna siya sa akin at aba! Nakasibangot pa! "Ate, name na lang oh!" Saka tinalikuran ulit ako at ngayon nga ay nakatingin na siya sa salamin ko. "...Teka po, iloud speaker ko lang po. Ang ingay po kasi ni Shazerella, ay si Ate po pala!" Narinig ko lang ang impit na tawa niya pero, ano raw yung una niya na sinabi? Mozarella? "Pero kapag nandoon na po kayo sa restaurant, wala po kayo na maririnig na kahit na anong letra o salita sa bibig niya. Tss. Ano po ulit name niyo? Hehehehe." Grabe, pacute pa pero hindi naman cute. Saka sino ba talaga yung kausap niya? Saka, teka! Ako maingay?! Ako ba siya na may malakas at matinis na boses? Grabe, Andie Kale.

Grabe rin dahil hindi ko alam pero bigla ako na kinabahan. Kaba ba ito or ano pero ito yung klase ng tibok ng puso ko na parang naramdaman ko lang when Breeze is around. Alinman sa dalawa na naisip ko ay wala ako na nagustuhan dahil parehas naman ito na masama sa puso ko.

Pero...huwag...h-huwag mo sabihin na siya y-yung kapitbahay namin na may-ari ng kalapati na hindi man lang nagpapakita sa amin tuwing nagrereklamo kami sa mga alaga niya?! Pero, ang layo naman sa description ng mga tiga-rito yung itsura ng kapitbahay namin sa itsura ni Breeze. Paano ba naman yung kapitbahay daw kasi namin na iyon ay mataba, bilugan ang mukha, medyo matangos ang ilong, may beard din, at kalbo din daw. 

Ang layo ni Breeze doon, jusq.

Pumunta na lang ako sa pwesto ni Kale kaya lang hindi ko na natuloy at parang naging yelo ako sa boses na narinig ko.

["Breeze."]

"A-ano po ulit?" Nagkatinginan kami ni Kale at kagaya ko, namilog din ang mga mata niya. Saka bumaling sa cellphone. "Si-sino po kayo u-ulit?"

["Breeze is my name, young lady."]

Wala naman na butterflies ako na nakain pero bakit nararamdaman ko ito sa tiyan ko? Diba, poker face lang pero bakit ngiti ako nang ngiti? Parang both yata kami ni Kale ay need na ipa-admit sa mental. Bakit ba kasi ang lawak pa ng ngiti ko?! Alam ko naman na abnormal ako pero parang sumobra naman ngayon! Kainis! 

Then, suddenly, I feel that my ears and cheeks turn to red out of the blue. Hindi ako kiniki---argggg---pero that is his voice, husky and deep.

Aish, Shaze Merene, ano naman kung boses niya iyon?!

I just avoid Kale's eye kasi naman I know that she is started to make some questions in her mind dahil halata naman talaga sa mukha niya na may patingala pa as her eyes also looking up may pacross-arms pa. And to avoid this feeling na nararamdaman ko rin kasi baka hindi talaga siya yan. Malay natin diba?! Uso yung mga prank ngayon kaya nararapat lang na mag-ingat tayo. Pinagpagan ko na lang yung kama ko at simulan na nga sa pagtanggal ng mga unan.

"PO?! BR-BREEZE PO?! AS IN BREEZE RYTE THE-THEODON?! YUNG KAKLASE PO NG ATE KO SIMULA GRADE 7, 8, AND 12?! MR. PISA PO NG SJCS? YUNG LALAKI PO NA INIIYAK---Aray, Ate!" Ayan, sige! Sakto pala na hawak ko ang unan, nahampas ko tuloy pero hindi naman malakas compare mo sa powers niya na pagiging madaldal. Ang lakas pa ulit ng boses, see? Nasa phone na lang eh ang lakas pa rin ng boses, jusq!

Hindi ko pinansin ang daing niya at saka lumapit sa kaniya then, binulungan ko siya. "Andie Kale, iend mo na yung call." Bumalik na ulit ako sa pwesto ko kanina at pinagpatuloy ang pagpagpag sa kama ko. Kaya lang ibabalik ko na sana yung takip ng kama nang makita ko ang kamay niya na may hawak na cellphone. 

Teka! Cellphone ko ito hah?! Pa-paano napunta sa kaniya?! Pero, paano niya natawagan si Breeze eh wala naman ako na number noon na bago?!

I look up to her and ang weird talaga niya! Nakangiti pa rin siya. Alam ko naman na minsan masayahin yan pero lamang talaga ang pagiging topakin niyan kaya talagang mapapaisip ka na lang kung sinasapian ba siya or ano?

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at bwisit talaga ito na bata na ito! Sana talaga wala siya na binuksan pa aside from contacts. Wala lang kasi ayoko lang talaga na binubuksan yung phone ko kahit na wala naman sila na makikita. 

Pero, si-siya ba ta-talaga i-iyon?! Si B-Breeze?! Parang ang hirap naman paniwalaan na ang isang Breeze Ryte Theodon ay tumawag sa akin?! At paano naman niya nalaman yung number ko?! 

Assume ka naman, Shaze Merene eh, kaya ka nasasaktan! 

Baka kasi kaya na tumawag at dahil sa may pinapasabi si Ate Line about Gavin! Ayun, tama! Teacher nga pala ako ng pa-pamangkin niya. Pero, baka hindi siya talaga iyon?! Ang dami kaya na may pangalan na Breeze sa mundo!

Lumapit naman ako kay Kale habang hawak ang cellphone ko at hindi pa rin yata tapos magsuklay kaya nandoon pa rin siya sa may salamin ko. Nandito na siya kanina tapos ngayon lang nagsuklay? Ganoon na ba sila katagal mag-usap na dalawa at hindi na niya nagawa ang simpleng bagay na iyon? Hays, ano pa ba ang aasahan ko eh ang bagal din niya kumilos? Mas mabagal pa sa pagong eh.

Nandito na ako at kinalabit ko siya. Napatakip naman ako ng bibig dahil nakangiti na naman eh. Bwisit talaga pero nilagay ko muna yung takas na buhok ko sa likod ng tenga ko. Tinignan ko naman siya nang may nagtatanong na mukha. "K-Kale, si ano..." Yumuko ako dahil ewan ko ba! "...s-si ano...si ano..." Tumingala na ako sa kaniya at siya naman ay parang nawawalan na ng pasensya sa akin kaya isang malakas na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko. "...si Bre---Andie Kale!"

"Kuya Breeze, diba po ikaw po ito..." Nakaharap siya sa salamin at inaayos na naman ang buhok niya. Yung cellphone na kinuha niya sa kamay ko kanina ay nasa left ear niya. Anong oras na ba at ang bata na ito ay napakatigas ng ulo! "...at saka yung tumawag po dito sa cellphone ni ATE?!" Saka humarap pa sa akin nang nanlalaki pa ang mata tapos tinuro pa ng isang daliri niya yung tenga niya. Aba! In-emphasize pa yung 'Ate'! Kahit kailan talaga ito na bata na ito. Magsama sila na dalawa!

Inirapan ko na lang siya at saka nagcross-arms then, tinignan ko na lang yung mga essential ko. Medyo marami pa naman kaya bawas muna yan sa gastos ko for this month. Nakahinga ako ng maluwag para roon kaya lang heto na naman yung puso ko na parang tumakbo ako ng pagkalayo-layo. Ang bilis ng tibok! Hindi ba nakakamatay yung ganito? Ayan kasi kinalimutan mo mag pacheck-up, Shaze Merene! Baka bukas makalawa, wala na ako dito, jus---.

["Hahaha. So-sorry for laughing but, ahm yes I am, young lady. Ehem."]

Te-teka! Si B-Breeze ba yung...y-yung tum-tumawa?! Tama b-ba y-yung narinig k-ko?! Tum-tumawa siya?! As in Breeze R-Ryte Theodon?! True or false?! False! Baka naman nirecord niya lang tapos hindi pala siya yung tumawa?! 

Shaze Merene, bakit ba binibig-deal mo eh tumawa lang naman yung tao?! Kainis naman kasi eh! Pero, bakit kay Kale tumatawa siya kapag sa aki---amin, sibangot at minsan ang cold pa! Napakafair na ng mundo sa kaniya tapos siya naman ang unfair?! Grabe.

Tumingin na naman ako kay Kale na sakto na nakatingin na naman sa akin nang nakangiti ng malaki pero, iyan ngiti na iyan, mukha na may masamang binabalak. 

"Ang kulit po kasi ni Ate pero alis na po ako hah?..." Hindi naman siya si Michael Jackson para mag moon walk pero unti-unti naman siya na umaalis na paurong at nakatingin pa rin sa akin. Palinga-linga pa siya sa likod baka siguro matama siya sa dingding. Iniwan niya rin yung phone ko sa may salamin. "...Kayo na lang po mag-usap ni Ate about sa dinner niyo po..." Winiwiggle niya pa yung eyebrows niya. Aba at talaga gumawa pa ng story ang Kale Sertew! This time, nasa pintuan ko na rin naman siya. "...Yung mga bilin ko po, Kuya Breeze, hah?" At saka siya tumalikod sa akin. 

Kinuha ko naman ang cellphone ko at ieend ko na dahil nadudumihan ang reputasyon ko sa ginagawa ni Kale kaya lang ang bata na topakin ay walang isang segundo na kinuha sa akin ang cellphone ko! Kainis naman baka akalain naman ng lalaki na bwisit na ito ay gusto ko siya makausap. Hindi kaya! Kung gusto ko ade sana noon ko pa siya tinawaga--.

["Duly note---."]

"Last reminder na lang po ito, kapag po iyan umiyak, magkikita po tayo sa barangay." Dalawa na kamay pa ang hawak sa cellphone ko na nasa left ear niya. Nakayuko pa siya kaya natatabunan ng buhok niya ang mukha niya. Magkatabi ulit kami kaya lang nasa left ko na siya at ako ang nasa right.

"Kale!" Tumingin naman siya sa akin pero mukha naman na seryoso siya sa mga sinasabi niya. Pinanlakihan ko pa siya dahil bukod sa nakakahiya ng sobra, masyado nang magulo ang mga pinagsasabi niya. May baranggay pa at sino naman ang iiyak?!

Umayos naman ng tayo si Kale at left hand na lang niya ang nakahawak sa cellphone na nasa left ear niya rin. Ang nakakatakot ay nakangiti na siya ngayon. "Joke lang po yun pero I trust you po, Kuya Breeze. Alam ko po na sobrang saya ni Ate ngayo---Kuya, namamalo oh!...Tss..." Ngayon, siya ang nakakaranas ng mga palo niya. Dinadamay pa kasi ako saka ako masaya? Sobrang saya?! Sa ginagawa niya na panlaglag sa akin?! Grabe. Sobrang saya. Inirapan niya pa ako at ako naman ay tinaasan siya ng kilay. Tinakpan niya muna yung phone then, lumapit siya sa akin at bumulong sa right ear ko. "...Gusto mo lang makausap eh! Explain mo sa akin ito mamaya Ate!..." Saka siya nagsmirk sa akin. Buwisit talaga ito! Hindi ko kaya gusto ka-kausap iyan! Hindi na naman kasi kami magkakaintindihan! Aish. Binalik naman ni Kale ang cellphone sa left ear niya. "...Kuya Breeze, alis na po talaga ako. Bye po!" Inirapan ulit ako. Saka ngumiti noong sumagot si Breeze. Bipolar yata eh.

["Yeah, I will take care of her. Mag-iingat ka rin and kung magpapasundo ka, just call your Ate para masundo ka namin."]

ANO RAW?! I will t-take care of h-her?! A-ako?! Bakit niya naman ako a-alagaan?! Sanggol ba ako para alagaan niya?! S-saka hindi na ako maniniwala sa mga ganiyan na nagsasabi na aalagaan kasi minsan sa huli, yung sinasabihan, naiiwan na nasasaktan. 

Tapos ano raw?! Susunduin si Kale eh ang lapit lang ng bahay ng kaklase niya. Tapos sino raw susundo?! Kami na dalawa?! Bakit kailangan na dalawa pa ang susundo kay Kale?! Ano si Kale, kindergarten?! 

Pero teka nga, kailan pa siya nagkaroon ng concern kay Kale? So, close na sila agad in just few minutes? Ade okay. Fine. Tumawa pa nga si Breeze ng dahil sa kaniya. 

Magsama kayo. Parehas na mapanakit at matigas ang ulo! Hmmp.

"Ay nako, Kuya Breeze. Matagal na po ito na hinintay ni Ate..." Ngiting-ngiti naman siya at ako naman ay lumaki na naman ang mga mata. Feel ko makakasabunot ako ngayon for the first in my life! "...kaya huwag na po kahit gusto ko kasi may bumubulong po kasi sa gilid ko na humindi raw po ako eh..." Tumingin na siya sa akin at bumelat pa. Aba! Inambahan ko naman si Kale na papaluin ko siya. "...J-JOKE LANG PO IYON! HINDI P-PO TALAGA, K-KUYA!" Tinignan naman ako ngayon ng masama. Yung katawan naman niya nasa pwesto na parang paalis na pero yung ulo niya ay nakatingin pa rin sa salamin at mukhang nararamdaman na niya kasi na mapapalo siya eh. Buti naman, Andie Kale. Saka bumaling sa cellphone ulit. "Alis na po ako, Ate..." Tingin ulit sa akin na may ngiti na saka bumaling sa cellphone. "...and Kuya. Bye!" Sabay lapag ng cellphone ko sa table ko na katabi ko.

Akala ko aalis na siya pero hindi pa rin pala. She hug me and saka bumulong na naman. "Breeze pala hah? Ayieeeeee. May dinner date sila! Kaya pala medyo bumabait ka na, Mrs. Theodo---Aray, ate! Nakakailan ka na hah!" Ayoko sana eh kaya lang instant kahihiyan na ang binigay niya sa akin. Ayun din ang dahilan kung bakit hindi na kami magkayakap ngayon. Ayun naman siya at hawak hawak ang braso niya pero nakangiti pa rin. Ibang klase, jusq.

"Alis." Wala naman na emosyon din yung mukha ko pero halata siguro na namumula ako.

Umalis na nga siya pero pumunta na sa kwarto niya at kinuha yung bag niya. "HAHAHAHAHAHAHA. Yes, Mrs---." Aba at talagang tinawanan pa ako. Lakas talaga ng boses.

"Andie Kale Sertew."

Nakasuot na yung bag niya at nasa tapat na siya ng pintuan ko habang ako, nandito pa rin. Nakatayo at nabubuwisit na.

"Eto na nga po." Naglakad siya ng konti at nasa may hagdan na siya. Kumaway pa siya sa akin. "...Bye, Ma'am Shaze! Uuwi ako ng maaga dahil walang magbabantay sa bahay." At nakuha pa na kumindat.

Inirapan ko na lang siya at nagmamadali na siya na bumaba ng hagdan pero hanggang dito, rinig mo pa rin ang tawa niya. Bagay talaga sila ni Ma'am Pil! Paano kaya kung magsama sa iisang bahay sila na dalawa ano? Ano kaya ang mangyayari? Pero, salamat naman at umalis na ang bata na topakin. Baka pagalitan pa yun ng leader nila dahil late siya, ang tigas kasi ng ulo sobra.

Umupo na lang ako sa kama ko dito sa may dulo sa tabi ng table ko rin at hinawakan ang ulo ko. Napasigh naman din ako. "Grabe. Ano ba ang balak niya sa buhay?! Bakit ba siya tumawag?! Akala ba niya nakakatawa siya?! Hindi naman kami close para tawagan niya ako hah?! Akala ba niya roses, cake, at chocolates, ang definition para masabi na close na ang dalawang tao?! Ay hindi bakit ako ngumingiti! Hindi ako ngumingiti, malungkot ang tawag sa expression ko na ito! Ano ba yan! Kasi naman eh!" Ginulo-gulo ko naman ang buhok ko. "...Te-teka! I-ibig sabihin y-yung tumatawag sa akin sa school noong Tuesday mula doon sa may daan hanggang kay Kuya Guard at pati kanina ay si... si...Br--."

["Yeah, that is me. Are you expecting someone else to call you, Pier?"]

"..."

Paano ako makakapagsalita eh nakakahiya na narinig niya yung mga pinagsasasabi ko na puro negative sa kaniya?! Hala! Unconsciously na nakagat ko ang kuko ko sa thumb ko at nasapo ko ang noo ko dahil kaya naman pala hindi ko narinig yung pagvibrate or ting na tunog na end call sa cellphone kasi nandoon pa si Breeze. Hindi pala pinatay ni Kale yung call! Nakakahiya, jusq!

"Ah ano... Sorry sa mga hindi maganda na sinabi ng pinsan ko po and ako po, Sir. Please accept my sincerest apo---."

["Did I tell you to not call me 'Sir'? I know you and you know me too. Is that enough to drop the formalities?"]

Kailan kaya yung 'I like you and you like me too'? Erase. Erase. Erase, Shaze Merene! 

"Ah o-okay. S-sige."

["You have all the rights to call me anything you want but, that is not included."]

Like Masungit? Try nga natin. Sabi niya kahit ano huwag lang daw iyon eh. 

"Sir Masu---."

["Tss. When does 'Sir' becomes an endearment?"]

Endearment?! Close ba kami?! Saka diba for ano lang yun? Ano...aish, ewan! 

"Ay---."

["If you insist to call me 'Sir', why don't you try to call me 'Mister'?"]

Nalayo ko naman yung cellphone ko mula sa tenga ko. 

Ano raw? Ayaw niya ng 'Sir' kasi gusto niya ay Mister? Parehas lang na formal yun eh! Nababaliw na ba siya?! Hindi ko talaga siya maintindihan kahit kailan. Tss.

"H-huh?"

["Say it."]

Aba! Confirm nga! Siya talaga yung tumawag sa akin noong Tuesday. "Look around." at talagang inulit niya pa ngayon. Ano akala niya sa akin gagawin ko yung sinasabi niya? In his dreams.

"M-Mr. Theodon."

["Yes, Mrs. Theodon?"]

Patay! Bakit hindi niya sinabi sa akin?! Kainis talaga ang lalaki na ito! 

"Ay sige, nandiyan na pala si Mommy mo. Baba k---."

["She is not here, Pier. Tss."]

"Eh diba sabi mo Mrs. Theodon? Ade Mom--."

Ang sabi niya kasi 'Yes, Mrs. Theodon?'. Alangan naman yung ate niya iyon eh Gior na yun and as far as I know, yung second sister niya ay single pa rin so hindi 'Mrs.', 'Ms.' pa lang. Ang gulo talaga niya!

["How would I talk to her if she is not here?"] Narinig ko naman na nagsigh siya. Ang unfair talaga! Even yung pagsigh kasi niya ay napaka-attractive. Wala ba na hindi attractive sa kaniya? Hays. ["So adorable."]

"Ma-may si-sinasabi ka?" Ayan ang nagagawa kapag nadidistract ng isang bagay. Bakit ba kasi nagsigh pa siya? Ayan, hindi ko tuloy narinig yung sinabi niya. Baka mamaya sinabihan na niya ako ng "Stupid". Aba! Sa love lang yun hah pero applicable rin sa life. Pero ano ba kasi yung sinabi niya? Baka hindi ako maka---.

["Yes. I was just saying how beautiful you are."] ---tulog mamamaya. 

Ayoko na! Bakit ko ba kinakausap ito? Pafall. Tama! Pafall lang yan, Shaze Merene! Oh bakit ka ngumingiti?! Masasaktan ka na naman, sige ka! 

Pero, wala na effect yun. Nararamdaman ko na naman kasi yung urge ng puso ko na lumabas sa kinalalagyan niya at kulang na lang yata magkaroon ng hugis puso sa mga mata ko. Gusto ko na sumigaw kahit hindi ko kaya! 

Pero beautiful lang naman, Shaze Merene, maniniwala ka na niyan? Hindi naman 'I like you' yung sinabi niya!

Oo nga. Napasibangot tuloy agad ako. 

"Ah okay. Bakit ka nga pala napatawag?" Ang sakit self hah.

["Kasi gusto ko na tumawag."]

HUH?! Nakashabu ba siya? Natutuwa ako at nagtagalog na siya pero bakit hindi ko pa rin maintindihan? Pwede ba yun na kaya lang siya tumawag kasi gusto niya? Sabagay kasi mayaman siya. Pero bakit nga? Sarap pagawain nito ng 3-5 pages na essay eh.

"A-ah sige. O-okay na?"

["You did not save my number."]

See? Gusto raw niya tumawag pero may pakay din. Tss. 

"Hindi ko po kasi ala---."

["Tss. Yes, you don't know that I am the one who called you for a hundred times kasi you never answer my calls."]

Suddenly I felt guilty kasi naman 45 missed calls yun tapos dagdag mo pa yung iba na tawag na hindi ko nasasagot. Even text na rin, I remember yung 'good morning' niya. Kahit ang cold basahin, sweet naman sa paningin ko. Aish, ayan na naman bakit ngumingiti ako?! Na-naubos yung time niya and even load niya (kahit mayaman siya). Pero nagloload ba ang mayayaman? Anyways, ayun nga, nakakahiya tuloy sa kaniya. Nasungitan ko pa tuloy siya noong nasagot ko yung tawag niya.

"So-sorry. Nasa baba kasi ako kanina kaya hindi ko nasagot."

Dagdagan ko ba yung sinabi ko or okay na iyon? According to my English teachers okay na daw yung 'short but, concise'. Sabihin ko ba na "Sinabi ko ba na tumawag ka?" 

Erase. Erase. Erase.

Kasalanan ko na nga tapos magsusungit pa ako? Bad move, Shaze Merene. Ano pa ba?!

"Ka---."

["I will pick you at 6 pm later. Don't dress something you are not comfortable, okay?"]

6? Para saan naman? Medyo bagay talaga sila na pagsamahin ni Kale dahil hindi ko rin talaga masabayan ang mga details ng story na ginagawa nila. May ano ba at susunduin niya ako? Saka ako pumayag? Kailan? Panaginip ba ito or hindi? Wala naman ako na amnesia diba? So, bakit ba?

Humiga na lang ako dito sa kama dahil natuyo na ang buhok ko. Saka do not dress something that I am not comfortable? Kahit hindi nga niya sabihin, hindi naman ako nagsusuot ng damit na hindi ako komportable. 

"Hindi naman ako nagsusuot ng short no." Natakpan ko naman agad ang bibig ko.

["I know. Anyways, even though I don't want to end this call, I have to because you need to rest."]

"Ah ye--Teka! Bakit mo pala ako susunduin?"

["Really? You already forgot to save my number then, you also forgot about the dinner? Wow."] Sinundan niya pa ng 'tsk'.

Hala! Dinner? Dinner. Dinner? Ano ba kasi yung about sa dinner? Hindi ko talaga alam and somehow, dahil sa kababawan ng luha ko, I wanted to cry.

I disappointed him again.

"S-sorry." I wipe a tear that suddenly escape in my eye. Kung hindi lang may nakita ako na patak ng tubig sa sahig, hindi ko naman malalaman na umiiyak na pala ako. Ang dali ko talaga kasi na maiyak!

["Are you crying?"]

"Hindi ah! Ba-bakit naman ako i-iiyak?" Bwisit ka kasi eh!

["I am sorry too. I forgot that you were tired from work that is why maybe you forgot about that but, it's okay and don't worry about it. Just rest and eat enough, Pier."]

Medyo kumalma na ako at another kahihiyan na naman kasi ang ginawa ko. Bakit ba sa lahat ng tao, sa mga unexpected na tao pa ako umiiyak? Bakit hindi ako makaiyak sa family ko? Bakit kapag sa iba lumalabas yung mga luha ko? Aish, tama na nga at napakadrama ko na.

"A-ah you too baka pagod ka rin sa work mo. Take care of yourself palagi."

["We have 15 days to be free so, you do not have to worry about me, Pier."]

Ako nagwoworry sa ka-kaniya? Saan ba-banda? Sabi ko lang baka pagod ka! Bwisit! Ano naman ngayon kung 15 days ka na free?!

"Ah okay."

["Tss. Save my number."]

At bakit ko naman gagawin iyon, Breeze Ryte Theodon?

"Oh okay. After nito isasave ko na yung number mo kasi hind---." At ngayon ko pa lang narinig na na-end yung call.

And what was that? Pero baka nahimasmasan na siya sa mga pinagsasabi niya at narealize niya na kapag tinuloy niya pa iyon, hindi na ako makakabangon sa patibong niya. Ang hirap pala nito na kahit may boundary or limitations ka na, hindi mo pa rin mapigilan talaga yung sarili mo. Atleast, we had an almost 'decent' conversation after five years which I never expected to happen.

*ting*

Unknown:
I am sorry if I end the call.

*ting*

Unknown:
It's just that...that...nevermind!

*ting*

Unknown:
Are you done?

*ting*

Unknown:
If you won't mind, can you please change my number into Mr. Theodon?

*ting*

Unknown:
But, it is okay if you won't : (

*ting*

Unknown:
Can I call now?

Isa lang ang masasabi ko, medyo cute pala ang isang Breeze Ryte Theodon kapag nasa katinuan ang kaluluwa niya. Isasave ko ba or hindi? Save or hindi? Save or hindi? Syempre, hindi! Close ba kami? Hindi, kaya hindi ko isasave. Pero, aish! Isasave ko na nga!

Iniba ko na ang name niya at nilagay sa gusto niya na name which is 'Mr. Theodon'.

Me:
No worries po. Okay na po.

Hindi naman na ako mag-eexpect ng reply sa kaniya at saka ako tumingin na lang sa kawalan dahil ang aga pa, 10:47 am to be exact.

End of the world na ba bukas? Bakit nangyayari sa akin ito? Nakakapang--.

*ting*

Mr. Theodon:
Tss. Can I call again? : (

Hala! Ayan na naman yung sad face na ang cute! Imagine Breeze Ryte Theodon uses that kind of emoji. Ewan ko pero napangiti niya na naman ako. Grabe, pang-ilan na ngiti ko na ba ito? Si Breeze kasi eh!

Me:
Ah, Breeze, okay lang po ba kung later na lang po? I am sorry po.

Magluluto pa kasi ako and then, syempre, magchecheck ng mga natitira pa na test papers ng mga bata. Hindi rin pwede na madaliin iyon dahil mahalaga yun sa mga magulang ng bata lalo na kung makikita niyo iyong lungkot sa mga mata ng mga bata.

*ting*

Mr. Theodon:
It's okay. I guess it's about your work so, go ahead. 

Me:
Yes yes, it's about work and some things to do here sa bahay.

Mr. Theodon:
Okay. After that, rest, Pier. Don't stress yourself too much. 

Me: (Draft)
Hindi na mawawala yung stress, dumating ka ulit eh|

Me: (Draft)
I am used to na pero, ikaw rin enjoy your free time and rest ka rin|

Me: (Draft)
Okay lang ako pero, more stress kapag lumalapit ka sa akin|

*ting*

Mr. Theodon:
Seener.

Me:
Thank you, Breeze, and ikaw rin.

Me:
Hindi po. Mabagal po ako magtype. Sorry.

Mr. Theodon:
Tss. Call you later when you are available na. Don't reply na, Pier, just rest.

Tumayo na ako sa kama at naglakad papunta sa baba dahil it is time to cook lunch na. Dahil din naman sa hindi ko na alam kung ano pa ba ang sasabihin ko sa kaniya. Gusto ko nga tanungin kung nagbreakfast na pero baka kasi isipin feeling close ako sa kaniya kaya huwag na lang. Hay.

Continue Reading