Escaping Paralysis (Completed)

By simplestabBer

1.3K 81 20

Glacial always wonders what her life's purpose is. She lives with a lot of doubts and hopelessness. But what... More

Foreword
| project betterment |
| chapter 1 : the wake-up call |
| chapter 2 : objectives |
| chapter 3 : captured memories |
| chapter 4 : a glimpse from the past |
| chapter 5 : dreams and chances |
| chapter 6 : denial |
| chapter 7 : the thing about fear |
| chapter 8 : traumatized |
| chapter 9 : black sheep of the family |
| chapter 10 : the buddy system |
| chapter 11 : voices inside his head |
| chapter 12 : you don't have to fight alone |
| chapter 13 : genuine happiness |
| chapter 14 : leap of faith |
| chapter 15 : scars and imperfections |
| chapter 16 : a fool and a masochist |
| chapter 17 : breaking the barrier |
| chapter 18 : positive |
| chapter 19 : too good to be true |
| chapter 20 : against the current |
| chapter 21 : undignified |
| chapter 22 : stolen moments |
| chapter 23 : the breadwinner |
| chapter 24 : the thing she's longing for |
| chapter 25 : when it comes to passion |
| chapter 26 : new beginnings |
| chapter 27 : unreliable thoughts |
| chapter 28 : pixelated conclusions |
| chapter 30 : incognito |
| epilogue |

| chapter 29 : chasing the truth |

12 1 0
By simplestabBer

| chapter 29 : chasing the truth |

THIRD PERSON'S POV


"SEATHERNY? W-Wait . . . I think I already heard that word before. Parang na-discuss siya sa vocabulary enrichment ng isa sa mga English classes ko before."

Biglang naging seryoso ang mukha ni Yanlee at pilit na inalala kung saan niya narinig ang pangalan ng bandang binanggit ng kaniyang kasintahan na si Glacial.

Naghahati sa iisang earphones ang dalawa habang tahimik at mapayapang nakaupo sa isang upuang gawa sa bato. Nasa gilid man ng kalsada ay tahimik pa rin ang paligid lalo pa't napapalibutan ito ng malalawak na palayan.

Karamihan sa mga napapadpad sa lugar na kanilang tinatambayan ay ang mga kapwa nila nagpapalipas ng oras at naghihintay ng paglubog ng araw sa pagsapit ng hapon. Ang iba naman ay nagja-jogging, nagbibisikleta at mayroon pang naglalakad na may mga bitbit at hila-hilang alagang aso.

Dahil malayo sa kabihasnan ang lugar, sariwa ang hanging nilalanghap nina Yanlee at Glacial. Mapayapa ang paligid at madalang ang mga dumaraang sasakyan. Tanging mga bisikleta at kung minsan ay ilang mga motorsiklo lamang ang kanilang nakikitang dumaraan.

"Seatherny is what we call to the serenity we feel when we hear the sound of the birds chirping. Kaya kung mapapansin mo, halos lahat ng music ng band na Seatherny, may maririnig kang parang mga sumisipol na ibon," paliwanag ni Glacial. Masayang-masaya ang dalaga habang ibinabahagi sa kaniyang kasintahan ang mga impormasyon tungkol sa paborito niyang banda.

Ikinamangha naman ni Yanlee ang mga nalaman. Gaya ni Glacial ay pareho silang mahilig sa musika, subalit kaunti lamang ang mga alam ni Yanlee na banda. Ngayon ay nadagdagan ang mga bandang paniguradong pakikinggan niya.

"That's so nice! Now, I'm a fan of them. Galing!" wika ni Yanlee at mas idiniin pa ang earpiece sa kaniyang kanang tenga. "I love the sound of the acoustic guitar from their music. It's so pure. Nakakakadagdag pa talaga sa relaxing ambiance nitong kinaroroonan natin ang country type of music na katulad ng mga songs ng Seatherny."

Napangiti na lamang si Glacial. Nakita niya kung papaanong pahalagahan ni Yanlee ang paborito niyang banda. Sa wakas ay may makakasundo na rin siya sa mga usaping tungkol dito.

"I am a fan for almost five years. You don't have an idea how happy I am right now to share this to you. I've been gatekeeping them because they are as precious as you," sambit ni Glacial habang nakatanaw sa papalubog na araw sa malawak na kabukiran.

Matapos madiskubre ni Yanlee ang tungkol sa paboritong banda ng kaniyang kasintahan, nang gabing iyon, ay halos araw-araw na rin siyang nakikinig dito. Hindi nagtagal, maging si Yanlee ay labis na rin ang naging paghanga sa banda.

Isang araw ay may kung anong naglaro sa isipan ni Yanlee. Naisipan niyang para bang gusto niyang magpa-tattoo subalit hindi niya alam kung saan at kung ano.

May pangangamba rin kasing tumatakbo sa kaniyang isip lalo pa't siya'y estudyante pa lamang at karamihan sa mga paaralan ay mahigpit itong pinagbabawalan.

Kalaunan ay nabuo na ang pasya ni Yanlee. Ilang gabi na rin kasi siyang hindi makatulog at para bang dahil sa mga nakikita niya sa social media ay mas tumindi pa ang kagustuhan niyang magpalagay ng tattoo.

Hindi nagtagal, napagdesisyunan ni Yanlee na magpatattoo sa balikat ng bandang paborito nilang dalawa ng kaniyang kasintahan.

Nagbalik sa reyalidad si Yanlee at muling tinitigan ang piraso ng larawang punit. Nagtaka rin ang binata nang makilala ang sarili kahit pa hindi nila makita ang mukha mula sa larawan.

"Nakita ko 'yan sa isa sa mga girls' restrooms ng Casa Delafuenta. Hindi madalas napupuntahan ang restroom na 'yon since lahat naman tayo ay may kani-kaniyang CR sa mga rooms na tinutuluyan natin, 'di ba?" pahayag ng naguguluhan pa ring si Lesley.

"If I'm not mistaken . . . I gave this photo to Glacial almost a year ago. Pero kung si Glacial nga ang pumilas ng larawang ito, bakit naman niya gagawin 'yon? Gano'n na ba talaga ang galit niya sa akin dahil sa pang-iiwan ko sa kaniya?" may panlulumong wika naman ni Yanlee habang ang mga kasamahan ay tahimik at nakikinig lamang sa pag-uusap nila ni Lesley.

"Hindi ako sigurado kung si Glacial nga ba ang sumira ng picture mo dahil nang gabing makita ko 'yan sa restroom, nawawala na kayong dalawa. At natatandaan ko na bago ako makapasok sa restroom no'ng time na 'yon, nakita kong lumabas galing doon si Quinee," paglalahad ni Lesley bagay na agad namang sinang-ayunan nina Jimloyd at Cabin nang matandaang naroroon sila nang mga oras na iyon.

"Posibleng matagal nang nakakalat ang shattered picture ko na 'to doon sa restroom sine sabi mo nga, hindi ito masyadong napupuntahan," pahayag naman ni Yanlee ng kaniyang agam-agam "Nasaan ba si Glacial? Kailangan natin siyang makausap," tanong pa niya bago muling sumilip sa silid na tinutuluyan nina Lesley.

"She lost her consciousness right after niyang makauwi rito sa room namin. I guess, you two have met already bago ko pa malamang nakabalik siya. And then she woke up a while ago. Tinanong ko siya kung saan pa siya pupunta at bakit pa niya kailangang lumabas pero sinabi niya sa aking gusto niya lang daw magpahangin," walang pag-aalinlangang pagkukwento ni Lesley kaya naman sa isang iglap ay nanlaki ang mga mata ni Yanlee.

"Shit! Hindi mo dapat siya hinayaang makalabas." Animo'y nanghina ang tuhod ng alalang-alala na si Yanlee kaya naman maging ang mga kasamahan nito'y tila ba naging alerto.

"Baka naman naglakad-lakad lamang siya sa dalampasigan. Paniguradong hindi naman siya makakalayo," sambit ni Vladmir ngunit sa halip na pakinggan ang kaniyang kasamahan, kumaripas ng takbo si Yanlee.

Nagkatinginan naman ang apat at sa huli ay wala ring nagawa kung hindi tumakbo upang sundan ang binata.


×××


HABANG tumatakbo sa kailaliman ng buwan ay samu't sari ang naglalaro sa isipan ni Yanlee. Sa bawat segundong lumilipas na hindi niya natatagpuan ang dalaga ay mas tumitindi rin ang takot na kaniyang nadarama. Hindi niya alintana ang tumatagaktak ng pawis dala ng tensyon at pagmamadali, bagkus mas naging determinado pa itong mahanap ang dalaga.

Samanta, nagpasya namang maghiwa-hiwalay sina Lesley, Jimloyd, Cabin at Vladmir. Sa unang pagkakataon ay pansamantalang naghiwalay sina Jimloyd at Cabin nang magpasya si Vladmir na magpasama kay Jimloyd. Hindi naman na umangal pa si Lesley at agad na nagpasama kay Cabin upang sundan si Yanlee.

Sa kabilang direksyon nagtatakbo si Vladmir. Sa halip na tanongin ito ay sumunod na lamang sa kaniya ang litong-lito pa rin na si Jimloyd. Wala mang kaalam-alam sa mga nangyayari, alam niyang hindi biro ang sitwasyong kinahaharap nila ngayon.

Tumakbo nang tumakbo si Vladmir habang si Jimloyd naman ay nakasunod lamang sa kaniya. Kapit ang isang flashlight, nagbibigay tanglaw si Jimloyd sa kanilang dinaaranan.

Dinig na dinig nilang dalawa ang paghampas ng malalakas na alon sa dalampasigan nangangahulugang mataas ang tubig dagat sa mga oras na ito. Gayunpaman, itinuon pa rin ng dalawang binata ang atensyon sa paghahanap kay Glacial hanggang sa biglang mapatigil si Vladmir at rumehistro sa kaniyang mukha ang matinding takot.

"Oh, fuck!" Napamura ang binata nang sumalubong sa kanilang dalawa ang isang baltikang aso. Tila ba agresibong-agresibo ito lalo pa nang salubingin sila ng malalakas na tahol.

"Aso lang 'yan, Vladmir. Mas malaki ka pa diyan!" bulalas naman ni Jimloyd, bahagyang nairita sa ipinakitang kaduwagan ng kasamahan.

Dahil sa nakita ay rumehistro ang isang alaala sa isipan ni Vladmir.

Palihim na humihipak ng sigarilyo si Vladmir sa isang liblib na lugar malapit sa dalampasigan. Ito lamang ang nakikita niyang pinakaligtas na oras upang malaya niyang gawin ang paninigarilyo lalo pa't alam niyang mahigpit itong ipinagbabawal sa buong Casa Delafuenta.

Nasisiguro ni Vladmir na mahimbing na ang tulog ng mga kasamahan. Alam niya ring hindi na siya mahuhuli pa ng kahit sinong miyembro mula sa organisasyon at sa committee dahil nakalipas na ang oras ng pag-ronda nila sa buong resort.

Tahimik na naisagawa ni Vladmir ang paninigarilyo. Umaayon ang lahat sa kaniyang pinlano kaya naman hindi maiwasan ni Vladmir na mapangiti sa tuiwing magbubuga ito ng usok.

Ilang sandali pa ay biglang napatigil si Vladmir nang makarinig ng dalawang pares ng paang animo'y naglalakad hindi kalayuan sa kaniya. Doo'y namataan niya ang isang babaeng nakasuot ng itim na pajama na pinaibabawan ng isang hoodie. Kinakabahan man, tinalasan ni Vladmir ang paningin hanggang sa masilayan niya ang mukha ni Glacial na diretsong nakatanaw sa karagatan.

Animo'y wala sa sarili ang dalaga at parang may sariling buhay ang kaniyang mga paa.

Napalunok naman nang mariin si Vladmir at parang nanlamig nang sa isang iglap ay mapalingon sa direksyon niya ang dalaga. Nagtama ang kanilang paningin subalit agad ding naglaho ang matatalim na tingin sa kaniya ni Glacial nang biglang sumulpot ang isang asong baltikan.

Sa sobrang bilis nitong tumakbo ay bigla na lamang ding napatakbo ang dalaga dahilan upang habulin siya ng aso.

Dali-dali namang napailing-iling si Vladmir at kaagad na pumwesto sa likod ng kasama. "Hindi m-mo naiintindihan, Jimloyd. Matapang ang Dalmatian na 'yan! Hinabol niya noon si Glacial. Takot na takot si Glacial pero wala akong magawa kasi takot din ako sa aso," dire-diretsong pag-amin ni Vladmir bagay na ikinataka naman ng kasama.

"Ha? Pero sabi sa amin ni Glacial, hindi siya takot sa mga aso. In fact, gusto niya pa nga mag-alaga ng aso kahit 'yung mga pakalat-kalat lamang daw sa kalye," napapakamot sa ulong sambit naman ni Jimloyd ngunit muling napailing-iling si Vladmir bilang pagtanggi.

"H-Hindi! Nakita ko mismo kung papaanong takot na takot siya nang hinabol siya ng asong 'yan. Jimloyd, baka kagatin tayo niyan. Maniwala ka sa akin. Nagsasabi ako ng totoo," nagpupumilit na sambit pa ni Vladmir.

Madalas siyang hindi pinaniniwalaan ng mga kasamahan dahil sa kaniyang kondisyon. Gayunpaman, hindi magawa ni Vladmir na magtanim ng sama ng loob sa mga ito.

Sa kabila ng matinding pangangailangan ng binata na siya ay maintindihan, tila ba nagkabaliktad ang mundo at upang hindi na lumaki pa ang gulo ay mas nilalawakan na lamang niya ang pang-unawa sa mga taong paulit-ulit na nanghuhusga sa kaniya.

Dahil sa matinding desperasyon ay wala nang nagawa pa si Jimloyd kung hindi pakinggan na lamang ang kahilingan ng kasama. Dahan-dahan silang naglakad palayo upang hindi habuli ng aso at nang unti-unting makabwelo ay muling kumaripas ng takbo ang dalawang binata.


×××


ISA-isang pinuntahan nina Jimloyd at Vladmir ang mga pasilidad ng Casa Delafuenta. Malapit nang sumapit ang madaling araw ngunit ni-anino ni Glacial ay hindi pa rin nila nakikita. Umaasa na lamang sila na kung hindi nila makita agad ang dalaga, sana'y nagtagumpay na sina Lesley na mahanap ito.

Habang tumatakbo sa isang pasilyo ay biglang bumukas ang isa sa mga pintong nasa kanilang harapan. Mabilis na napatigil sa pagtakbo ang dalawa kaya naman agad din silang naghabol ng kanilang hininga.

Tumambad sa kanila ang dalawa pa sa mga kasamahan na sina Quinee at Prezy. Bakas sa dalawa na kagagaling lamang nito sa pag-iyak. Sa likod nila'y nakasunod naman ang may malamig na emosyon na si Comby.

"Saan ang punta niyo? Anong oras na, ah? Bakit hindi pa kayo natutulog?" sunod-sunod na tanong ni Comby nang masaksihan ang dalawang sina Jimloyd at Vladmir.

"Eh bakit 'tong dalawang babaeng 'to, hindi mo pinapagalitan? At saka, bakit kayo magkakasama, ha? May ginawa kayong milagro, 'no?" ginantihan naman ni Vladmir si Comby sa pamamagitan ng sunod-sunod ding pagtatanong dito. Agad namang napailing-iling si Comby na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ni Vladmir.

"Curfew hours na. May importante lang kaming pinag-usapan at inayos nina Quinee at Prezy. Bumalik na kayo sa mga silid niyo dahil kung hindi, bibigyan ko talaga kayo ng record—"

"Nawawala si Glacial. Lumabas siya ng silid para magpaalam kay Lesley pero nang malaman 'yon ni Yanlee, hindi namin alam kung bakit bigla na lamang siyang tumakbo paalis," walang paligoy-ligoy na pahayag ni Jimloyd.

Dahil sa mga narinig ay nanlaki ang mga mata ni Comby. Hindi na ito nag-aksaya pa ng oras at siya na mismo ang nanguna sa pagtakbo. Iginiya niyang sundan siya ng mga kasamahan.

Magkakapit-kamay sina Prezy at Quinee habang sinusundan ang kanina'y kausap lamang nila na si Comby. Katatapos lamang nilang magkabati at malutas ang isa sa mga problemang kinaharap ngunit tila ba isang suliranin na naman ang nagbabadyang dumating sa kanila.


×××


WALANG kamalay-malay si Gidget sa mga kasalukuyang kaganapan sa Casa Delafuenta. Buong akala niya'y mahimbing nang natutulog ang lahat ng mga kasamahan at tanging siya na lamang ang mulat na mulat sa mga oras na ito.

Lumabas siya ng kanilang silid habang ang kaniyang kasama naman na si Mace ay mahimbing na ngayon ang tulog. Habang papalapit ang paglisan nila sa Casa Delafuenta ay hindi maiwasang maitanong ni Gidget sa sarili kung mayroon nga ba talagang pagbabago sa kaniyang katauhan.

"Mrs. Franco, after doing series of tests to your daughter, the results shows that she has Borderline Personality Disorder. This explains why Gidget experiences difficulty in managing her emotions. Ito rin ang maaring dahilan kung bakit ganito siya mag-behave sa mga taong nasa paligid niya."

Malinaw na narinig ni Gidget ang mga sinabi ng doktor sa kaniyang ina. Kusang nangilid ang mga luha ni Gidget kahit pa hindi niya pa ito lubos na maunawaan ngunit sa kabila nito ay kaagad namang yumakap sa kaniya ang kaniyang kapatid upang siya ay pakalmahin.

"Baliw ba ako? Tama ba ang sinasabi nila tungkol sa akin? Nasisiraan nga ba talaga ako ng ulo?" tanong ni Gidget kaya naman agad na umiling-iling ang mangiyak-ngiyak na rin niyang Kuya bilang sagot.

Magpahanggang-hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin siyang binabagabag ng kaniyang kondisyon. Maaaring mas napanghahawakan na niya ito nang maayos, subalit hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan ang mga pangugutyang natanggap dahil sa kaniyang kalagayan.

Sa gitna ng pagmumuni-muni ay natanaw niya ang grupo nina Jimloyd na tumatakbo papunta sa isang direksyon. Labis naman ang pagtatakang namuo sa isipan ni Gidget nang mapansin ang mga itong tila ba may hinahabol.

Dala ng kuryosidad at labis na kalituhan, natagpuan ni Gidget ang sariling sinusundan ang mga kasamahan.


═ end of chapter ═

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 333 53
In writing a letter there must be the one who wrote it. But how will you know if the person who's giving you the letters is really a person? You nev...
4.6K 2.2K 62
[C O M P L E T E D] Unlock the door and step inside, This book's journey you cannot hide, Through love and heartbreak, we will ride, Survival, healin...
233K 6.1K 59
She loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in...
151K 6.3K 154
wherein jisoo and taehyung are cowards when it comes to commitment, so for the sake of their friendship, they'd rather choose not to love and would b...