Escaping Paralysis (Completed)

simplestabBer által

1.3K 81 20

Glacial always wonders what her life's purpose is. She lives with a lot of doubts and hopelessness. But what... Több

Foreword
| project betterment |
| chapter 1 : the wake-up call |
| chapter 2 : objectives |
| chapter 3 : captured memories |
| chapter 4 : a glimpse from the past |
| chapter 5 : dreams and chances |
| chapter 6 : denial |
| chapter 7 : the thing about fear |
| chapter 8 : traumatized |
| chapter 9 : black sheep of the family |
| chapter 10 : the buddy system |
| chapter 11 : voices inside his head |
| chapter 12 : you don't have to fight alone |
| chapter 13 : genuine happiness |
| chapter 14 : leap of faith |
| chapter 15 : scars and imperfections |
| chapter 16 : a fool and a masochist |
| chapter 17 : breaking the barrier |
| chapter 18 : positive |
| chapter 19 : too good to be true |
| chapter 20 : against the current |
| chapter 22 : stolen moments |
| chapter 23 : the breadwinner |
| chapter 24 : the thing she's longing for |
| chapter 25 : when it comes to passion |
| chapter 26 : new beginnings |
| chapter 27 : unreliable thoughts |
| chapter 28 : pixelated conclusions |
| chapter 29 : chasing the truth |
| chapter 30 : incognito |
| epilogue |

| chapter 21 : undignified |

27 1 0
simplestabBer által

| chapter 21 : undignified |

THIRD PERSON'S POV


NAPAKAMOT na lamang sa ulo si Lesley nang halos malibot na niya ang buong Casa Delafuenta ay hindi pa rin niya nakikita ang ka-buddy na si Glacial. Nagsisimula na siyang mag-alala sa kaibigan lalo pa't alam naman niyang hindi ugali nitong umalis nang hindi nagpapaalam.

Maingat din sa pagkilos si Lesley lalo pa't iniiwasan niyang makita si Comby at maging ang mga coordinators ng KAPWA-taan Youtch Club na siyang gumagabay sa kanila sa programa. Panigurado kasing uusisain siya ng mga ito kung bakit mag-isa siyang nagpapagala-gala at hindi kasama ang katuwang sa kwarto na si Glacial.

Unti-unti nang nilalamon ng dilim ang liwanag. Kasabay nito ay ang pagpatak ng mga butil ng ulan bagay na hindi niya inaasahang mangyari lalo pa't buong araw namang maganda ang panahon.

Nakarating si Lesley sa main entrance ng resort kung saan nakapwesto ang mga maliliit na tindahan ng iba't ibang mga pagkain at mga bagay na maaari nilang kailanganin. Ito rin ang nagsisilbi nilang parke kung saan maging ang mga turista mula sa mga karatig na resort ay malayang nakakapunta upang mamasyal at bumili ng ibang pangangailangan.

Inilibot ni Lesley ang paningin at muling sinubukang hanapin ang dalaga. Marami-rami rin ang taong nakatambay ngayon sa maliit na parke kung kaya naman bahagyang nahirapan si Lesley sa paghahanap. Sa kabila nito, determinado pa rin ang dalaga na alamin kung nasaan ang kaibigan.

"Nyare, bakit mag-isa ka yata?"

Sa gitna ng paghahanap sa parke ay sumalubong kay Lesley ang mga kasamahang sina Jimloyd at Cabin, parehong may bitbit na apa ng ice cream ang dalawa.

"Nakita niyo ba si Glacial? I've been searching for her everywhere pero hindi ko pa rin siya nakikita. May alam ba kayong pwedeng puntahan pa ng babaeng 'yon?" hindi na nagpaligoy-ligoy pang tanong ni Lesley sa mga kasamahan.

Kaagad namang nagkatinginan sina Jimloyd at Cabin nang may pagtataka. "Baka naman nagkasalisi lang kayo? Malay mo, nakabalik na pala siya sa room niyo," sambit ni Cabin at matapos ay muling hinimod ang bitbit na ice cream.

Nakakunot-noo namang napangiwi si Lesley nang masaksihan kung papaanong hinimod ng dalawang kasamahan ang kani-kanilang mga ice cream. "Ganiyan pala ang itsura niyo kung naging aso kayo," pabirong panlalait naman ni Lesley.

"Wow, ha. Parang noong una, ikaw ang pumipigil sa amin na mam-bully tapos ngayon, isa ka na ring bully. Glow down 'yan?" paghihimutok ni Jimloyd at tila ba mas ipinangalandakan pa kay Lesley ang ginawa nitong pagdila sa ice cream, bagay na mas lalong nakapagpangiwi sa dalaga.

"Ang gwapo mo sa part na 'yan, Jimloyd!" sarkastikong sambit ni Lesley at saka napairap. "Bahala nga kayo diyan! Wala akong mapapala sa inyo," aniya pa at padabog na tumalikod upang lisanin ang kinaroroonan.

"Sandali! Bakit hindi ka na lang magpasama sa amin para hanapin si Glacial? 'Di ba, Bin?" Narinig ni Lesley ang suhestiyong iyon ni Jimloyd kaya naman agad siyang napalingon at naabutang nagtama ang mga palad ng dalawang magkaibigan.

"Sigurado ba kayong makakatulong sa akin 'yang inaalok mo? I feel like, instead of helping me, you two will be just a burden at baka nga kayo pa ang magpahamak sa akin kapag nakita ako ni Comby na hindi kasama ang ka-buddy ko," nag-aalinlangang sagot ni Lesley. Dahil sa narinig ay para bang awtomatikong naging seryoso ang mukha ng dalawa.

"N-Nawawala ba talaga si Glacial?" Bakas ang pagseseryoso sa pananalita ni Cabin. Akala kasi ng dalawa ay nagbibiro lamang si Lesley.

"Kanina pa ako paikot-ikot sa buong Casa Delafuenta para hanapin siya. Hindi ko naman magawang tanongin ang iba kung nakita nila sa Glacial dahil natatakot akong baka malaman ito ni Comby kapag nagkataon. Kayong dalawa lang ang inaasahan kong tutulong sa akin. Sakto namang naabutan ko kayong dalawa rito," pahayag naman ni Lesley at hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa labis na pag-aalala.

Nagpalinga-linga si Jimloyd upang siguraduhing walang ibang nakakarinig sa kanilang pag-uusap. Nang matiyak na para bang abala ang lahat ng taong nakapaligid sa kanila sa parke ay pasimple niyang hinigit si Lesley papalayo. Agad namang sumunod si Cabin sa kanila.

Naglakad pabalik ng resort sina Jimloyd, Lesley at Cabin. Tuluyan nang binalot ng kadiliman ang paligid kaya naman tanging ang mga maliliit na poste at solar lights ang nagbibigay tanglaw sa kanilang dinaraanan.

"Wala ba talaga kayong ideya kung saan siya pwedeng pumunta? Hindi naman siguro siya makakaalis ng resort na 'to nang hindi nalalaman nina Sir Reynald, hindi ba?" muling pag-uusisa ni Lesley habang binabagtas nilang tatlo ang pathway pabalik sa resort.

"Hala . . . "

"Bakit, Bin?"

"Papaano kung tinangay pala siya ng mga sirena mula sa karagatan? Tapos dinala siya sa isang kweba para sa isang ritwal kasi isa sa kanila ang nangangarap magkaroon ng paa at si Glacial ang naging alay para maisakatuparan nila—aray! Inaano ka ba?" Hindi natapos ni Cabin ang kaniyang pag-iilusyon nang maramdaman nito ang mahinang paghampas ni Lesley sa kaniyang batok.

"Anong pinagsasasabi mo, Cabin? Adik ka ba?" wika ng naiirita nang si Lesley. Sa isip-isip niya'y isang malaking pagkakamali nga talagang hinayaan niyang samahan siya ng dalawang ito.

"Hindi, bakla lang—gago bakit mo 'ko binatukan?" Sa pagkakataong iyo'y si Jimloyd naman ang nakatanggap ng hampas mula sa kaibigan.

"Hanggang ngayon ginagawa niyo pa ring insult ang gender identity ng ibang tao? Nakakadiri kayo," pasinghal na sambit naman Cabin subalit kahit na ganoon ay alam pa rin ni Jimloyd na nagbibiro lamang ang kaibigan.

"Hindi naman kita iniinsulto, buddy. It's a fact. Hindi tayo magpapakalat ng fake news dito," depensa naman ni Jimloyd sa sarili kaya naman napailing-iling na lamang ang hindi makapaniwalang si Lesley sa kalokohan ng dalawang nakabuntot sa kaniya.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Alam niyo, kung wala kayong maitutulong sa akin at guguluhin niyo lang ang nananahimik kong mundo, pwede na kayong bumalik sa kwarto niyo. Hayaan niyo na lang akong hanapin si Glacial," tila ba nauubusan na ng pasensyang pagkakasabi ni Lesley.

Habang lumlipas ang mga oras na hindi niya pa rin nakikita ang kaibigan ay mas lalong tumitindi ang pag-aalala niya sa kung ano man ang nangyari rito. Gayunpaman, hindi ipinakita ni Lesley ang pagkabahala sa dalawang mga kasamahan.

Upang makaiwas na sa sakit ng ulong hatid ng dalawang binata ay binilisan na lamang ni Lesley ang paglalakad. Hindi na niya pinansin pa ang ginawa ng mga ito na paghabol sa kaniya bagkus inilaan niya ang atensyon sa paghahanap kay Glacial.

Mas nilakihan pa ni Lesley ang bawat hakbang na ginagawa kaya naman hindi nito napansin ang dumaan sa kaniyang harapan. Dala ng pagmamadaling iyon ay nakabungguan niya si Quinee na para bang kagagaling lamang sa palikurang malapit sa kinatatayuan nila. Halos matumba ang dalaga sa sahig, mabuti na lamang at nagawa niyang balansehin ang sarili.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?" naiiritang tanong ni Quinee sa kay Lesley.

Kaagad namang humingi ng pasensya si Lesley dahil sa kinahinatnan ng kaniyang pagmamadali. "Sorry. H-Hindi ko lang napansin na lumabas ka pala. Nagmamadali kasi ako," pag-amin nito sa kaniyang kasalanan.

Imbis na sumagot pa'y tinapunan na lamang ni Quinee ng masamang tingin si Lesley atsaka nagpasyang umalis. Wala namang nagawa pa si Lesley kung hindi tanggapin ang inasal ng kasamahan lalo pa't alam naman niyang siya talaga ang may pagkakamali.

Sa kabila ng pangyayari, hindi maikakaila ang pagtatakang namuo sa isipan ni Lesley nang mapansing animo'y balisa si Quinee at kagagaling lamang sa pag-iyak. Parang may nagtulak kay Lesley nang ibaling niya ang tingin sa direksyon ng palikurang pinanggalingan ni Quinee.

Hindi nagtagal, nagpasya ang dalaga na pumasok sa palikuran. Umakto ito ng normal na para bang ang pag-ihi ang totoong sadya niya sa pagpasok. Subalit hindi pa man napapasok ang kabuoan ng lugar ay biglang napatakip sa bibig si Lesley nang masaksihan ang malaking salaming may nakasulat na isang salita gamit ang pulang marka.

"H-Help?" pagtatakang sambit ni Lesley sa sarili. Akmang hahakbang na ang dalaga papalapit sa salamin nang marinig niya mula sa labas ang mga bulong-bulungan nina Jimloyd at Cabin.

Napabuntong-hininga si Lesley bago humakbang palabas upang harapin ang dalawang kasamahan. Bumungad sa kaniya sina Jimloyd at Cabin na kapwa may inosenteng ngiti sa kanilang mga mukha.

"Ang kulit niyo talaga. Bakit ba pati rito ay sinundan niyo pa 'ko?" Napapadyak pa sa sahig si Lesley dahil sa inis subalit nagtinginan lamang ang dalawang lalaki na animo'y nagpapakiramdaman kung sino ang magsasalita.

"Kasi nga, gusto naming makatulong sa 'yo. Nag-aalala rin kami para kay Glacial. Mamaya, dinukot na pala ng mga syokoy 'yun." Si Cabin ang naglakas-loob na sumagot.

Nauubusan na ng pasensya si Lesley kaya naman pinili niyang balewalain na lamang itong muli at binuksan ang pinto ng palikuran upang ibalik ang atensyon sa nasaksihan.

Walang kamalay-malay ang dalaga na sinundan na naman pala siya nina Jimloyd at Cabin kahit pa alam naman ng dalawang binatilyo na pambabaeng palikuran ang pinasok nila.

"Sino namang gago ang magsusulat niyan sa salamin?" Hindi na napigilan pa ni Jimloyd ang sarili na magsalita nang madatnan ang malaking sulat na sumakop sa kabuoan ng salamin.

"Correction, gaga dapat, hindi gago. Girl's restroom 'to, 'no?" pagtatama naman ni Cabin. Muli, binalewala na lamang ni Lesley ang mga usap-usapan ng dalawang kasamahan.

Napansin ni Lesley ang isang pamilyar na bagay sa sahig. Bahagyang lumuhod pa ang dalaga upang titigan ito nang mabuti hanggang sa makumpirma niyang isa itong pudpod nang lipstick. Hindi niya maalala kung kanino niya ito nakita noon pero natitiyak niyang isa sa mga kasamahan ang nagmamay-ari nito.

"T-Teka, hindi ba't nanggaling din sa restroom na 'to si Quinee? Nakita naming nagkabanggaan kayo, 'di ba? Sa tingin ko, siya ang nagsulat niyan. Ano kayang problema ng babaeng 'yon?" Sa halip na pakinggan ang mga sinabi ni Jimloyd ay inilibot pa ni Lesley ang paningin sa loob ng banyo.

Nahagip ng paningin niya ang mga nagkalat pang bagay sa sahig. Pinagmasdan niya itong mabuti hanggang sa mapagtantong isa pala itong litrato na pinagpira-piraso.

May kung anong sumagi sa isipan ni Lesley nang maalala ang sinabi noon sa kanila ni Comby tungkol sa isang taong tinangkang saktan ang sarili sa pamamagitan ng paghihiwa sa sarili nitong pulso gamit ang isang cutter.

"Ako rin. Sa tingin ko, si Quinee 'yon. Nakita mo naman kanina na parang ang laki ng problemang pinagdaaranan niya. Baka nahihiya lang siyang magsabi sa ibang tao kaya idinaan niya sa ganito ang paghingi niya ng tulong," pagsang-ayon naman ni Cabin kaya't tumango naman ang kaibigan nitong si Jimloyd, tuwang-tuwa na pareho sila ng iniisip ng kaibigan.

Napasinghap si Lesley nang sulyapan ang pira-pirasong litrato. Hindi man literal na binuo ng dalaga ang magkakahiwalay na papel ay para bang nakumpirma niya na ang isang agam-agam.

"Sa tingin ko, hindi si Quinee ang gumawa nito," taas-noong sambit ni Lesley at saka pasimpleng isinilid sa bulsa ng suot na pantalon ang pudpod na lipstick na natagpuan niyang nakakalat sa sahig.


×××



KASABAY ng pagbagsaktak ng rumaragasang tubig pababa sa buong katawan ni Mace ay ang pagpatak din ng luhang hinayaan niyang kumawala. Para bang normal na gawain na ito para sa kaniya—ang umiyak sa tuwing magsa-shower. Ito lang kasi ang naiisip niyang perpektong pagkakataon kung saan mailalabas niya ang kahinaan nang walang ibang nakakakita.

Bumabalik sa kaniya ang mga alaala kung papaanong ginawa niya at ng mga magulang niya ang lahat upang maigapang ang pag-aaral nilang magkakapatid.

Sa murang edad ay natutunan ni Mace na dumiskarte. Labis ang paghanga sa kaniya ng mga kamag-anak at sa tuwing nakikita nila si Mace sa bawat family reunion na dumaan, palagi nilang sinasabi rito kung gaano nila hinahangaan ang determinasyon at pagpupursigi ng dalaga, matupad lamang ang kaniyang mga pangarap.

Lingid sa kaalaman ng mga kamag-anak ay unti-unti na ring tumitindi ang poot sa dibdib ni Mace sa kanila. Lalo-lalong na't sa tuwing makikita niya ang mga ito'y naaalala niya kung papaanong minsang humingi ng tulong ang pamilya nila sa mga kamag-anak subalit ni-singko ay hindi man lamang sila naabutan ng tulong pinansyal.

Bumaha rin sa kaniyang alaala kung papaanong minsan niyang isinuko ang sariling dignidad, maisakatuparan lamang ang mga mithiin sa buhay.


"Pasensya ka na, hija. I did everything to help you with your grades, pero sadyang hindi na kayang hilahin pa ito pataas para pumasa ka. It would be really unfair to others especially lahat naman kayo ay nahihirapan. Pero tingnan mo sila, naka-survive sila sa subject ko at ang ilan pa nga ay nakakuha ng matataas na grades."

Parang gumuho ang mundo ni Mace nang marinig ang mga salitang iyon sa kaniyang propesor. Sinikap niya pang kausapin ito sa sarili nitong opisina kahit pa inanunsyo na ng guro na hindi na mababago pa ang kanilang mga grado. Nangilid an mga luha ni Mace at pilit siyang nagmakaawa na kung maaari ay bigyan siya ng iba pang gawain para lamang makapasa.

Hindi maalis sa isipan ni Mace ang hirap na pinagdaraanan ng kanilang pamilya. Hindi niya matanggap na ganito ang isusukli niya sa lahat ng sakripisyo ng kaniyang mga magulang.

"Bigyan niyo pa po ako ng ibang option, Sir. Maawa na po kayo. Hindi po ako pwedeng bumagsak," pagmamakaawa pang muli ng dalaga. Halos lumuhod na ito sa kaniyang propesor, pakinggan lamang nito ang hinanaing niya.

Matamang tiningnan ng propesor ang nakaluhod sa harapan niyang si Mace. May kung anong sumagi sa isipan niya at gamit ang dalawang kamay ay pinusan niya ang mga luha sa mukha ng estudyante.

"Gusto mo ba talagang pumasa?" May pag-iingat sa pananalita ng propesor.

Sa puntong iyon ay handang gawin ni Mace ang lahat, 'wag lamang magkaroon ng gradong bagsak. Walang pagdadalawang-isip na tumango-tango si Mace bagay na nakapagpangiti sa propesor.

Umayos nang pagkakaupo ang propesor bago dahan-dahang ibinaba ang zipper ng kaniyang pantalon. Tinanguan niya ang dalaga na animo'y sinasabing alam na nito kung anong dapat gawin.

Nagbalik sa reyalidad si Mace. Gamit ang dalawang palad ay paulit-ulit niya itong hinilamos sa kaniyang mukha.

═ end of chapter ═

Olvasás folytatása

You'll Also Like

12K 1.2K 132
Ang kanyang kalooban ay matigas at hindi normal katulad ng sa iba. Gayunpaman, dahil ipinanganak siya sa isang maliit na sangay ng pamilya, ang kany...
393K 31K 82
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's tric...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...
2.3M 85K 84
Highest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang magtransfer sa isang magic school sa isa...