Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)

נכתב על ידי Azureriel

476K 9.7K 823

Kheious, a BS Nursing student let go his dream to be an idol because of their social status. As a son of a he... עוד

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Epilogue

Chapter 8

7.9K 189 9
נכתב על ידי Azureriel



Chapter 8


Nanatili akong walang ibo, nakatayo lang sa kung saan ako iniwan ni Kheious. Pilit kong ina-absorb ang ipinagtapat niya, ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin iyon tuluyang nagsi-sink in sa akin.

Nagseselos siya? Gusto niya ako? Seryoso?

"Anaia!" Hinihingal na tumakbo si Syn palapit sa akin. "Nand'yan ka lang pala. Ano? Uwi na tayo?"

"S-Sige..." wala sa sarili kong sagot habang nakatingin pa rin sa nilakaran ni Kheious.

"Hoy! Ayos ka lang? Bakit parang lutang ka?"

"N-Na-drain lang siguro utak ko dahil sa exam kanina. Tara, uwi na tayo." Hinatak ko na siya paalis.

Simula nang hapun na iyon ay pansin ko ang pag-iwas ni Kheious. Maging sa bahay nga ay hindi kami nagpapansinan. Iniwasan ko na lang din siya, baka sakaling mawala ang pagkagusto niya sa akin. Ayoko rin kasi na kapag sinuyo ko siya ay ma-misinterpret niya iyon— baka isipin niya na may nararamdaman din ako... baka mas mahulog siya kapag c-in-omfort ko. Ayoko ko naman ng ganoon.

Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung anong dapat kong i-react— kung anong dapat kong gawin. Ayoko siyang saktan, pero iba kasi ang gusto ko. Tumihaya ako ng higa at nakipagtitigan sa ikalawang palapag ng double deck. Alas onse na ng gabi ngunit gising na gising pa rin ako. Hindi sumabay sa aming kumain si Kheious ng hapunan. Tatlong araw na kaming nag-iiwasan.






"Anaia, gising na."

Antok na antok akong nagmulat. "Anong oras na?"

"Alas siette na, 'te. Alas otso pasok mo, 'di ba?"

"Hala oo nga pala." Dali-dali akong bumaba ng kama at hinablot ang tuwalyang naka-hanger, tapos ay tumakbo na ako sa banyo para maligo.

May quiz ako ngayong first period, kaya naman hindi ako pwedeng ma-late. Kahit nilalamig at inaantok ay ibinuhos ko na nang biglaan ang tubig sa tabo. Sobrang bilis ng paliligo ko. Dumampot lang ako ng tinapay tapos tumakbo na sa labas. Ni hindi na nga ako nakapagsuklay. Tapos bad trip, na-traffic pa ako.






"Nand'yan na si Prof? Nag-i-start na kayo?" hinihingal kong tanong sa kaklase kong nakasalubong ko sa hallway, malapit sa room namin.

"Naka-leave siya, 'di ba? May biglaang meeting. Hindi ka ba nagbasa sa GC kagabi? S-in-end ni Pres."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. "Seryoso?"

"Oo, ito nga oh, pupunta kaming canteen ngayon. Kakain."

"Okay, thanks." Nilampasan ko na sila at pumunta na ako sa room para ilagay roon ang bag ko.

Irregular student si Syn kaya naman hindi ko siya kaklase sa subject na ito. Wala tuloy akong makakuwentuhan. Bakante rin kami sa second period kaya mamaya pang ala una ang resume ng klase ko. Lumabas na lang muna ako para naman may magawa. Nakaka-out-of-place din sa room dahil may kaniya-kaniyang circle ang mga tao roon.

Shit si Yohei! Nagkunwari akong hindi ito napansin habang naglalakad sa hallway. Gosh! Ilang hakbang na lang magkakaharap na kaming dalawa. Sulit naman pala ang pasok ko nang maaga dahil nakita ko siya.

"Hi, Anaia— Woah! What happened to you?"

Nawala ang kilig ko sa katawan nang maalala na hindi pa nga pala ako nakakapagsuklay. Pinuyod ko lang iyon kanina pero natanggal din dahil sa lakas ng hangin sa jeep at pagtakbo ko.

"Ah eh uhm..." Mabilis kong inipon ang buhok sa kamay ko at itinali iyon para naman hindi makalat. "Tinanghali kasi ako ng gising. Kakamadali. P-Pero papunta na ako ngayon sa rest room p-para mag-ayos."

Shit! Nakakahiya. Sa lahat ba naman ng pwedeng makakita sa akin, bakit siya pa?

"Oh, I see. By the way, ang cute mo d'yan. Sige, punta na ako sa klase ko."

Sinundan ko pa siya ng tingin. Wala sa sarili akong napangiti. Cute daw ako. Enebe? Napatingin na sa akin iyong ibang nasa hallway. Iniisip siguro nila na nasisiraan na ako dahil kinikilig na mag-isa.

"Theater actress ako! Nagpa-practice lang ako ng line ko," pagtatangol ko sa sarili sabay takbo.

Dumiretso  ako sa rest room para sana mag-ayos pero kung minamalas ka nga naman, wala nga pala akong dalang suklay. Bumili na lang ako ng pagkain at tumambay sa soccer field. Pinanunuod ko ang mga naglalaro roon nang marinig ko ang pamilyar na boses galing sa likuran.

"Ang gulo ng buhok mo," ani nito kaya nakasimangot ko siyang nilingon.

"Alam ko," pagsusungit ko at ibinalik ang atensyon sa field.

Akala ko ay aalis na siya pero naramdaman ko siyang lumuhod sa likuran ko. Napatigil ako sa pagkain ng burger, pinakikiramdaman ang sunod niyang gagawin. Inipon nito ang buhok ko papunta sa likod at ilang saglit pa ay naramdaman ko ng sinusuklay niya iyon. Puno ng pag-iingat ang bawat paghagod niya niyon sa buhok ko, tila ba ingat na ingat na hindi ako masaktan.

"Bakit may dala kang suklay?"

"Kinain mo iyong tinapay ko kaninang umaga." Luh! Sa kaniya pala iyon. "Nakita kitang umalis na may kagat na tinapay at hindi man lang nakapanuklay, kaya naman nagdala na ako dahil halata namang nakalimutan mo. Ipapadala ko sana kay Syn kaso mamayang tanghali pa pala ang pasok niya."

"G-Ganoon ba..." Sh*t! Bakit ako nai-speechless?

Matapos nitong suklayin ang buhok ko ay tinirintas naman niya iyon, pagtapos ay tinalian ng san-rio ang dulo.

"Saan ka natuto?"

"Sa pamangkin ko sa probinsya. Ako kasi madalas ang nag-aalaga sa kaniya noong nandoon pa ako. Ayan tapos na. Pasok na ako." Tumayo na ito at sinakbit ang bag.

Tatawagin ko pa sana siya para magpasalamat pero nakalayo na. Nilamon na rin ako ng hiya. Bakit ba ang bait niya sa akin? Minsan tuloy hindi ako natutuwa. Sa sobrang berde niya, nagiging pula na ako. Nangawit na ako sa puwesto at tumitindi na rin ang init kaya bumalik na ako sa room. Matutulog na lang siguro muna ako.






"Bakit ngayon ka lang?" tanong ng katrabaho ko, pagkapasok ko sa coffee shop.

"Late na nagpa-dismiss prof ko e. Palit na muna ako."

Itinali ko ang buhok pagkabihis at sinuot ang aking apron.

"Ang daming customer."

"Oo, kaya sige na mag-serve ka na. Oh ito, dalhin mo sa table 3."

S-in-erve ko iyon tapos ay kinuha ko rin ang ibang order ng customers. Pagod pa ako sa PE class kanina pero wala akong ibang choice kundi magtrabaho upang matustusan ang mga pangangailangan ko.

"Sir, ano pong sa in--" Natigilan ako nang makita ang pamilyar na lalake.

"Anaia? You're working here?"

"Uhm, yeah. Part-timer."

"You know her?" tanong ng babaeng kasama ni Yohei.

Maganda siya at mukhang galing sa mayamang pamilya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mahiya dahil sa ayos ko.  May dini-date na pala siya.

"Schoolmate ko siya at kasama sa theater."

"Okay. Miss, can you give us one cappuccino for me and..." He looked at him. "What do you want, babe?"

"A coffee machiatto will do."

"Iyon, Miss. Saka padagdag na rin ng cheesecake. Do you want to add some more, babe?"

"Okay na iyon. You know, I'm not into sweets."

"I will repeat your order, Sir, Ma'am. Your orders are one cappuccino, one machiatto, and one cheesecake."

Tumalikod na ako sa kanila nang makuha ang order, ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay napahinto na ako sa paghakbang nang marinig ang usapan nila.

"Co-actor mo lang ba talaga iyon? Baka mamaya isa na pala iyon sa fling mo o worst baka ex mo pa. Babaero ka pa naman."

"Of course not. Nagpapatawa ka ba? Babaero ako pero may taste akong tao. Hindi ako pumapatol sa mga ganiyan lang."

Ganiyan lang?

Sumikip ang dibdib ko sa narinig. Gusto kong maiyak-- magalit pero pinigil ko dahil nasa trabaho ako.

"Miss, order namin?" tanong ng isang customer na nagpabalik sa akin.

"Iche-check ko po sa counter kung pwede na. Pakihintay na lang po. Salamat." Nagmadali na akong pumunta sa kusina. 

Tiniis kong hindi umiyak hanggang sa ma-serve iyon. Mabuti na lang at wala pang ise-serve after niyon dahil ginagawa pa, kaya makakahinga pa ako kahit saglit. Pumasok ako sa rest room upang kalmahin ang sarili. 

"Ang kapal niya para sabihin iyon. Hindi ko naman alam na ganoon pala kagaspang ugali niya." Pinunas ko ang luha at inayos ang make up.

Gustong-gusto kong tapangan iyong kape niya, iyong sobrang pait na tipong masusuka na siya. Gusto ko rin sanang kulong-kulo iyong tubig, iyong tipong malalapnos ang palad niya, ngunit mas mahal ko ang aking trabaho. Hindi ko sasayangin ito para lang sa mga taong kagaya nila. Taas noo kong ipinagpatuloy ang trabaho. Ang daming customer kaya naman bagsak kaagad ako nang makauwi.






"Hmm..." Naalimpungatan ako nang maramdaman ang malamig na humahaplos sa mukha ko. "Kheious..." inaantok kong pagtawag sa kaniya nang maaninag ko ang mukha niya sa bahagya kong nakabukas na mata.

"Matulog ka lang d'yan," tugon nito habang binubura ang make up ko gamit ang tingin ko ay wet wipes.

Sa sobrang pagod nga kagabi ay rito na ako sa sofa sa sala nakatulog. Iminulat ko nang maayos ang mata upang makita siya. Seryoso nitong inaalis ang kolorete sa mukha ko habang ako naman ay nakaunan sa kaniyang hita. Dahan-dahan ang kaniyang ginagawa at puno ng pag-iingat.

"Anong oras na?"

"Alas-dos pa lang."

"Teka... uniform? Saan ka galing?"

"Nag-cater kami sa isang event sa hotel tapos nag-perform na rin. Sayang kikitain eh."

"Kakauwi mo lang?"

"Oo. Tapos nakita kita rito. Hindi ko alam kung anong trip mo at dito ka natulog."

"Pagod lang."

"Iyan malinis na. Sa taas ka na matulog. Malamok dito."

"Si—" Napatigil ako sa pagsasalita nang tumayo siya kasama ako. "A-Ano bang ginagawa mo?"

Hindi siya umimik at nag-umpisa ng maglakad, buhat-buhat ako sa kaniyang mga bisig. Pagod siya sa trabaho at siguradong pinagpawisan na rin pero ang bango pa rin niya. Inakyat nito ang bawat baitang ng hagdan at dinala ako sa kuwarto namin ni Syn. Tulog na tulog ang kaibigan ko nang datnan namin. Maingat niya akong inihiga sa kama, pagkatapos ay kinumutan.

"Salamat."

"Tulog ka na."

Lumabas na siya ng kuwarto— iyon ang huling naalala ko. Sobrang antok ako kaya hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na masyadong nakakausap si Kheious dahil palagi siyang busy sa school, trabaho, at training sa org niya, bukod pa roon ay may mga raket din siya. 

Ako naman ay naging abala rin dahil hindi naman madali ang accounting. Masyado ring malaki ang campus kaya bihira kaming magkita tapos pareho pang busy. Wala na siyang binanggit sa akin tungkol sa pag-ibig na ipinagtapat niya. Mukhang nakalimutan na niya— lumipas na ang nararamdaman niyang iyon. Ewan ko ba kung bakit pero may parte sa akin na nalungkot.

"Hindi ka ba manunuod ng program?" tanong ni Syn na nasa likuran ko.

"Program?" kunot noong tanong ko.

"Oo, sa auditorium, 'di ba? May mga visitors ang school— mga new investor. May program para sa pa-welcome sa kanila. Balita ko nga magpe-perform sila Kheious. Ano nuod tayo?"

Si Kheious? Napangiti ako nang palihim sa hindi mawaring dahilan.

"Sige. Impisin ko lang ang gamit ko."

"Madaling-madali ah," makahulugang asar nito at hindi naman ako nakailag.

Nagpasama muna si Syn na mag-retouch ng make up sa rest room bago dumiretso sa auditorium. Sakto wala kaming klase sa period na ito kaya makakapanuod kami. Humanap kaagad kami ng pwesto pagkapasok, malapit sa unahan para kitang-kita namin. May bisita na nagsasalita kaya sobrang tahimik ng lahat. Sinundan iyon ng host na nagpakilala sa magpe-perform.

Si Kheious... Makikita ko siyang sumayaw ulit. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang pinapakinggan ang intro ng tugtog. Ilang saglit pa ay pumasok na sila sa stage, ngunit may kasama silang babae, hindi tulad noon kapag all boys, all boys lang, at ganoon din naman kapag babae. Nag-umpisa na silang sumayaw at tama nga ang iniisip ko... partner-partner sila. Edi sila na.

Pinanuod ko lang ang performance nila. Magagaling silang lahat at sabay-sabay. Pitong pares ang sumayaw pero natuon lamang ang buong atensyon ko kay Kheious at sa ka-partner nitong babae. Ang ganda niya. Ang galing din sumayaw. Hindi kagaya ko na... Teka— bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko? Ito ba iyong gusto niya? Magaling sumayaw?

"Edi d'yan na siya."

"Anong sinasabi mo d'yan, 'te?" natatawang tanong ni Syn kaya parang nahulog ang puso ko.

"H-Huh?! W-Wala ah! Baka iba iyon."

"Narinig kita eh. Ikaw ah."

"Hindi nga ako iyon."

Tumawa siya nang mahina at nang-aasar akong binalingan.

"Selos ka?"

"Hindi 'no!" sagot ko pero kabaliktaran niyon ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.

Sa bawat hawak sa beywang, dikit ng katawan, at paglapit ng kanilang mga mukha, pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko.

"Anaia, saan ka pupunta?" tanong nito pero hindi ko na siya nilingon.




—Azureriel

המשך קריאה

You'll Also Like

94.4K 1.8K 10
She fell inlove at 10, for years she had waited for the moment that her prince would come back for her. But when he did, it was only to prove to her...
636K 22.7K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
16.7K 240 39
Being a stripper is not easy, because many eyes of men will feast on your body. But you don't have a choice because you're just a foreigner of this c...
472K 77 1
"You were once mine and you have no choice but to be mine again." - Diego Brix Rivera Crizia Aguilar and Diego Brix Rivera was married. They get annu...