Ashiro Feizi's Roommate

By milesmyoui

2.4K 161 122

Tokyo Takoma, an intelligent girl who received a scholarship from a State University where she would meet and... More

Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 (Short update)

Chapter 8

88 5 1
By milesmyoui

TOKYO

"Okay, tagalog to english. Ulam version." Tumango yung tatlo, si Ashiro naman ay nakatingin lang.

"Itlog na pula," Banggit ko at si Sasha ang una.

"Red egg?" Tumawa ng malakas si Moon at saka hinampas ng unan na may pulbo si Sasha.

"Salted-egg." Sabi ni Moon kaya sinimangutan siya ni Sasha na namumuti na ang buhok dahil sa pulbo.

"Tortang talong."

Napakagat sa daliri si Nikki habang nag-iisip, binilangan siya ni Moon kaya sinamaan niya 'to ng tingin.

"Fried egg?"

"Nope." Hinampas siya ni Sasha ng unan kaya tuwang-tuwa na yung isa dahil dalawa na silang namumuti.

Aliw na aliw na si Ashiro at gusto din sana sumali kaso hindi siya pinagbigyan ng tatlo dahil ayaw raw nila masuspend kapag nahampas nila si Ashiro out of excitement.

At isa pa, may allergy ang gaga sa pulbo kaya malayo siya sa amin, kawawang bata. "Egg plant omelette." Proud na sagot ni Moon, nagtataka naman sila Nikki bakit parang ang galing ni Moon dito. "Wag niyo pinagdududahan itong tiyan ko lalo na kapag gutom." Ngisi pa niya kaya napairap na lang sila Nikki.

"Okay next. Pinakbet."

Hindi na sumagot si Sasha at pinalo na lang sa mukha niya ang unan, nginudngod na rin ni Nikki ang sarili niya.

Si Moon naman ay napakamot sa ulo, "Vegetable. . on shuffle?" Pumutok yung tawa ni Nikki at pinagpapalo si Moon.

"Ano ba yan, Tokyo. Ayaw ko na mag-laro." Reklamo ni Sasha, "Day-off natin pero wala tayo magawa. Nakapag-review na rin ako ng mga lectures namin, nabobored na ako pero ayaw ko naman namnamin 'tong pulbo, pwe!" Reklamo niya pa.

"Clean yourselves up and let's go to my park then." Ngumiti si Ashiro, pero ano raw?

"Park?" Tanong ko, tumango siya.

"Oo, the Feizan Kingdom?"

"HUH?!" Nagulat kaming dalawa sa sigaw nung tatlo.

"Tara na gusto ko na makasakay sa log ride don! Magdadala kami ng mga damit Shiro ha!" Paalam ni Nikki at nagsipagunahan na sila sa pinto at mukhang na-excite.

Feizan Kingdom, ang tumalo sa Enchanted Kingdom dahil mas mura ang entrance pero mas maganda pa sa rides don at mas malawak. At pwede rin mag-dala ng food don at wag ka pa, may sarili silang shuttle, booking service para sa mga malalayo ang uuwian.

"Ikaw pala may-ari non?" Tumango ito. Grabe ka-halimaw mag-business ang babaeng 'to.

"Bring some clothes, since wala tayong pasok at pinauupgrade yung system sa shop, 'don na tayo mag-overnight para rin mag-enjoy kayong apat." Iniwan niya na ako at pumasok sa kwarto niya.

Natulala lang ako. Grabe, parang normal lang sakanya 'tong pag-gala? Samin kasi hindi, kaya na-eexcite ako. Sana makasama ko sila ate don pati si mama, naku baka hindi na sila umuwi.

Papasok na sana ako para mag-impake na rin nang lumabas uli si Ashiro. "And oh, I think I have one wish for today. . so get ready." Ngumisi siya at tuluyan nang pumasok.

Tangina.

Kung alam ko lang sana na iniinom din pala ang mga tae ng daga ay hindi ko na sana pinakielaman 'yon. Akala ko kasi hindi kanya 'yon at akala ko rin panaba lang ng halaman niya, yun pala ke-mahal mahal na musang.

Balak ko pa sana siya bilhan ng ganon sa Cordillera kaso wala akong pamasahe at oras dahil may pasok ako at trabaho. Kaso yung three wishes na 'yan, kinakabahan ako. Bilyonaryo 'tong si Ashiro kaya hindi ko na rin alam ano pa bang kaya kong ibigay sakanya na kaya ko.

"Hays,"

Hays, Ashiro.


"Wow! Ang ganda dito!" Tumakbo si Nikki na may malaking ngiti at tumalon-talon si Sasha, si Moon naman ay napakapit sa akin dahil nasusuka siya sa byahe.

"Mamamatay na yata ako." Bulong niya na ikinatawa ko lang, napatingin naman ako kay Ashiro na bumaba na sa kotse niya at hinagis ang susi sa valet.

Tang inang entertainment park 'to, may valet?

"Master Qilin, ready na po lahat." Tumango si Ashiro at nagpasalamat.

Pumunta na kami sa isang gilid at nagulat ako dahil may skateboard, hoverboard, bike, at scooter.

"Pakita niyo lang i.d niyo and mamili na kayo ano gagamitin niyo jan papunta muna don sa Fei Inn." Tumango kami. Sumampa na si Ashiro sa hoverboard at nakapamulsang umikot-ikot, ang galing niya!

Si Moon at Sasha ay nag-skateboard habang si Nikki ay nag-bike.

Bawal ba maglakad?

Napabuntong hininga ako at pinili na lang ang scooter. Nang masatisfy na kami sa mga gagamitin namin, sinundan na namin si Ashiro na nagtatali ng buhok habang sinusuot ang kanyang shades.

Pinabili niya rin kami ng cap sun visor dahil mainit pa ng gantong oras. Napansin ko rin na karamihan ay nakahoverboard pero papuntang Inn lang o parang hotel dito. Pero sa mismong park ay naglalakad lang ang lahat.

"You can put all of your things in your rooms." Ngumiti si Ashiro dun sa tatlo at sasama na sana ako sakanila nang mapansin na same kami ng room number.

"Hoy Ashiro bakit magkasama pa rin tayo ng kwarto?" Tanong ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Wala ng available na room."

"Huh? Nakalagay nga jan hindi occupie–" Hinila na niya ako papasok ng kwarto at saka inismiran. Nanlaki ang mata ko nang marealize na iisa lang ang kama. "Ashiro b-bata pako."

"Gaga," Linagay niya lang sa kama yung mga gamit niya at hindi ko mapigilan mapatingin sa namumutok niyang abs na nakabalandra nanaman dahil ang hilig hilig ng babaeng nato sa croptop.

Linagay ko na lang rin ang gamit ko sa may cabinet at saka ako naglagay ng sunscreen dahil tanghaling tapat palang nang makadating kami rito.

"Lagyan mo rin ako," bulong ni Ashiro kaya linagyan ko siya.

Dahan-dahan kong linagyan ng lotion ang likuran niya pati na rin ang braso niya, "Harap." Napansin ko ang namumula niyang pisngi at hindi pa siya makatingin sakin.

Suminghap ako bago pa hawakan ang tiyan niya at saka linagyan ng sunscreen.

Shit ang tigas ng abs niya.

Dahan-dahan ko siyang linagyan don at tinataas ko ng onti pero minemake-sure ko na wala akong salang magagawa.

"TOKYO TARA NA!"

Nabigla at napalingon ako sa pagkalabog ni Moon sa kwarto namin at may napisil akong malambot sa kamay ko.

Pagkabalik ko ng tingin kay Ashiro ay nakaawang ang labi nito habang nanlilisik ang mga mata.

Napababa ang tingin ko sa kamay kong hawak-hawak ang malambot niyang. . ang malambot na.

"ASHIROOO SORRYYY!" Iyak ko habang pilit binubuksan ang pintuan at nagulat pa sakin si Moon.

"TOKYO TAKOMA!"  rinig kong singhal ni Ashiro kaya mas lalo ako natakot.

Jusko lord! Help!

Continue Reading

You'll Also Like

488K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
3.3M 90.6K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
978K 31K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...