When a Gay Falls for a Girl

By MissUnpredictable_

61.1K 1.3K 123

From rivals to acquaintance. From acquaintance to friends. From friends to best friends. And from best friend... More

When a Gay Falls for a Girl
Chapter 1: HQ.D.double H.Z.
Chapter 2: Flashback and 7/11
Chapter 3: My knight in Shining Black Porsche❤️
Chapter 4: New Job
Chapter 5: The Bra.
Chapter 6: Sir Vince
Chapter 7: Jealousy? (Zane's POV)
Chapter 8: Worst Project
Chapter 9: Meet Sophia
Chapter 10: GF?
Chapter 11: No to Makeover
Chapter 12: The Aftermath of Make-Up
Chapter 13: The Pros and Cons
Chapter 14: My Hero + Friendly Date
Chapter 15: Pilyo Kiddo
Chapter 16: Oh Sheet!
Chapter 17: Bonakid
Chapter 18: Text from Him
Chapter 19:Unexpected & Unexplainable
Chapter 20: The Mission
Chapter 21: The Hangout
Chapter 22: WTF
Chapter 23: Sorry
Chapter 24: Groceries and Cakes
Chapter 25: Acad Day 1
Chapter 26: Acad Day 2
Chapter 27: Acad Day 3
Chapter 28: The Best Day of My Life
Chapter 29: On My Own
Chapter 30: Crushed by My Crush
Chapter 32: Christmas and New Year

Chapter 31: Moving On

1.1K 28 2
By MissUnpredictable_

Iyah's POV

Totoo nga na ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba. Kapag masaya ka, ang kasunod ay lungkot.

Wala man lang warning. Edi sana napaghahandaan ko, hindi yung ganito. Biglaan naman kasi e. Sabagay, kasalanan ko naman diba?

Sa sobrang saya ko, di ko namalayan na babawiin nga rin pala yung saya ko at papalitan ng lungkot.

Kagaya ngayon, parang nakakatamad nang mabuhay. Buong araw lang akong nakahilata sa kama at di pa kumakain. Yung hitsura ko naman parang zombie. Magulong buhok, plus eyebags at maluluwag na damit.

Wala kasi talaga akong gana. Nakaalis na kasi si Blaine. Iniwan na niya ko.

Kaya naman kahit yung mga tumatawag sa cellphone ko, di ko rin pinapansin. Para bang ayoko muna magparamdam sa mga tao.

*You're my Honeybunch, Sugarplum
Pumpy-umpy-umpkin, You're my Sweetie Pie
You're my Cuppycake, Gumdrop
Snoogums-Boogums, You're the Apple of my Eye*

Hinayaan ko lang magpatuloy sa pag-ring yung cellphone. Di ba nga ang sabi ko snobzoned lang lahat. Atsaka nakakatamad tumayo para lang mag-silent ng pho-

ANO BA SABI NANG! Pasesnya na ha kung bigla-bigla akong sumisigaw. Kasi naman walang sawa sa pag-rin!

For the first time since umuwi ako, ngayon lang ulit ako tumayo mula sa kama. Kinuha ko yung phone sa table at akma nang papatayin nang mabasa kong si Zane pala yung tumatawag. Sinagot ko ito nang may drama effect na para bang mamamatay na ko.

"Oi...ayoko nang mabuhay....paalam.....ma-mimiss kita."

"HOY BABAE! ANO BA NAKAILANG TAWAG NA KO HA. TSAKA ANO BA PINAGSASASABI MO HA?" inilayo ko yung phone sa tenga ko. Lakas kasi ng boses e.

"Pag nawala na'ko ikaw na bahala sa nanay at kapatid ko ha. 'Wag mo silang pababayaan" kunwari umiiyak ako habang sinasabi ko yan

"Hay nako! Ikaw talaga!" Nanggigil na sagot niya. "Bakit ba ganyan ka ha?"

"Sabihin mong mahal na mahal ko sila."

"Pwede ba! Tama na yang drama mo!"

Biglang napalitan yung drama effect ng inis.

"Ano ba naman 'yan! Di ka man lang concerned. Kitang mamamatay na ko dine sinisigawan mo pa rin ako."

"Mag-ayos ka na lang at bumaba"

Kahit di niya nakikita nang-irap pa rin ako.

"Di kita boss para sundin at mas lalong di kita nanay. Tigilan mo na'ko. Wala ako sa mood. Please lang." Dagdag ko pa. Medyo naiinis na talaga 'ko e kaya binaba ko na at pinatay yung cellphone at inilapag sa table.

Humiga na ko ulit.

Biglang pumasok si nanay at nakangiti nang may pagka-loka-loka. -.-

"Kyaaahhh! Nasa baba yung stepdad mong mala-Diyos." Kinikilig na sambit ni madur habang nakapatong ang dalawang kamay sa magkabilaang pisngi at kumekendeng pa nang parang baliw. Napailing na lang ako.

"Wala ako sa mood, nay." Tumalikod ako.

"Ano ka ba! Bilis tinatawag ka na niya. Ang hot niya talaga! Kyaaah!"

Nagulat ako nang may biglang bumuhat sakin. Si Zane! Binuhat at pinatong niya ko sa shoulder niya. Yung upper body ko ang nasa likuran niya. Langya talaga tong baklitang to!

"HOY! IBABA MO KO!"

Di niya ko pinansin at sa halip ay kinausap si nanay.

"Tita, kikidnapin ko lang po yung babaeng 'to. Ibabalik ko rin po. 'Wag kayo mag-alala." Patuloy pa rin ako sa pagsabi ng "May pangalan ako okay?! Ibaba mo na'ko"

Tinititigan lang mi madur si Zane habang my heart eyes.

"Hay nako! *insert heart eyes* Mister cutie pie, kahit huwag mo nang ibalik yang babaeng 'yan okay lang. Hihihi!" At nagpa-cute pa talaga.

Di ko na talaga kinakaya tong nanay ko.

"Grrrrr. NAY! May pangalan ako okay?!" At tiningnan ko siya nang masama. Aba'y nambelat lang.

Lumakad na palabas ng kwarto si Zane. "Babye tita!"

Kinikilig nanaman tuloy ang mudra ko.

"ANO BA IBABA MO NA KO SABI E!" Bulyaw ko habang hinahampas si Zane sa likod. Pero patuloy pa rin siya sa pagbaba ng hagdan

Nang pababa na kami, biglang lumabas ng kwarto si Paulo.

"Ano ba ate ang ingay mo! Ang aga-aga e!" Saway niya habang tumutulo pa ang laway at nagkakamot ng ulo. Bigla siyang nagising nang mapansin niyang nandito si Zane.

"O! Nandiyan ka pala kuya! Si Sophia?" Sabi niya habang nagpupunas ng laway.

"Nasa bahay. Pwede ka ulit pumunta dun kung pwede ka." at nag-nginitian pa ang dalawa.

"At kelan mo pa naging kuya to aber?" Tapos kinurot ko sa pwet si Zane kaya napahinto siya sa pagbaba.

"ARAY!" ang oa ha 'di ko naman hinigpitan.

"Atsaka anong 'pumunta ulit'?" Tanong ko

"'Wag mo ngang saktan si kuya/ si cutie pie!" Sabay na saway ni nanay at Paulo.

Talaga nga namang ako pa ang pinagkaisahan. Ewan ko ba kung ako yung kapamilya nila o si Zane e. -.-

"Kuya! Wag mo nang ibalik yang babaeng yan ha!"

Isa pa to e nuh?

"MAY PANGALAN AKO SINABI E! Atsaka! Teka nga! Bakit ba mas kinakampihan niyo pa 'to ha?!"

"Sige babye Mr. Cutie Pie! Ingat!"

"Babye kuya!"

Wala man lang pumansin sa sinabi ko. Asar -.-" Ni wala man lang nag-alala na may dumudukot na sa sexying ito.

Nakalabas na kami ng bahay at dumiretso sa kotse. Binuksan ni Zane ang pintuan sa harap at doon ako sinakay. Siya naman sa driver's seat (malamang) Tapos inayos niya yung seatbelt ko.

"Ano bang trip mo ha?!" Bulyaw ko

Tinakpan niya yung bibig ko gamit ang kanang kamay.

"Teka! Shh! Pwede bang pahingahin mo muna ko? Ang bigat mo e. Mag-diet ka nga!" At huminga pa nang malalim ang loko. Kinagat ko yung kamay niya kaya natanggal niya ito.

"Wala naman kasing nagsabing buhatin mo ko!" Dagdag ko pa. Tinanggal ko na yung seatbelt para bumaba ng kotse. Pagbukas ko ng pinto, bigla ba namang humarurot ng takbo yung baklitang ito! Buti na lang alisto ang reflex ko at naisara ko agad.

"JUSKO PO! SHIT! WAHH! HUHUHU! BABABA NA KO! AYOKO NA! HUHUWAAA! MAMAMATAY NA'KO! ZANE MAAWA KAAAAAAAAAA!!!" Nangingiyak na talaga ako.

Kasi naman e! Di pa nakuntento na gamuntikan na'kong mamatay dahil umandar siya nang bukas yung pintuan sa gilid ko! Minaneho pa niya yung kotse na para bang nakikipagkarera siya! Huhuhu!

"ZANE UWAAAAA MABUBUNGGO TAYO! HUHUHU!"

Mamatay na talaga ako! As in sobra nakong natataranta! Pero yung baklita, pinagtatawanan lang ako. Kita niyo na? Napakasama diba? Bully!

Sa wakas, nakarating na kami dito sa mall. Makakahinga na rin ako hay.

Teka. "SA TINGIN MO BA MAG-MAMALL AKO NANG GANTO ANG TSURA KO?!" Bulyaw ko sa kanya.

"Ano naman ang masama sa pffffttt... sa itsura mo? Mukha ka lang namang na-rape ah! Hahahaha!" Tiningnan niya ko at halatang nang-aasar lang siya.

"Talikod ka." Utos niya

Di na ko nakipagtarayan at tumalikod na lang. "Anong gagawin mo?"

Di na niya ako sinagot at sa halip ay hinawakan yung buhok ko. Nagulat ako nang simulan niyang i-braid ang buhok ko.

"Bading ka ba?" Deretsahan kong tanong.

Silence. 'Yun lang. Oops. Awkward.

"Naligo ka na ba?" Tanong niya

"Sa tingin mo ba naligo na ako sa itsura kong 'to?!" Naka t-shirt lang ako at maluwag na shorts tapos nagmamantika pa yung mukha ko.

"Wala namang pinagkaiba e! Hahahahaha!" Gusto talaga nito ng away e.

Nang matapos na siyang mag-braid bumaba na siya. Hinintay niya kong bumaba pero LANGYA WALA NGA PALA AKONG SUOT SA PAA!

"Huy! Bunchkin! Di ako makakapaglakad!"

Lumapit siya at umiling dahil sa kalagayan ko.

Tiningnan ko siya nang masama. "Kasala-"

"Oo na." Tumalikod siya sa harap ko at nag-bend pababa. "Kasalanan ko na okay?"

Mind reader! (ㅇㅁㅇ)

"Tara. Sumakay ka na.." Yaya niya

"Nakasakay naman ako sa kotse ha."

"Tanga! Dito sa likod ko! Papasanin na lang kita."

"Sira ka ba?"

*glare*

Okay sabi ko nga sasakay na. Pero kukunin ko lang muna yung cellphone ko.

"Uy kadiri ka! Kababae mong tao e!"

Kinukuha ko kasi yung phone ko sa bra ko. E nagmumukha tuloy na kinakamot ko yung toooooooooot ko.

Tapos pumasan na ako sa kanya.

Ang init ng likod niya tapos nararamdaman ko pa kung paano siya huminga. At eto pa ang bango-bango niya.

"Bakit ka sumisinghot? Adik ka ba?" Napansin niya pala. Nakakahiya jusko. Iniba ko na lang yung topic.

Pagpasok namin sa loob pinagtitinginan lang kami. Ibinaon ko yung mukha ko sa leeg niya para di nila makita yung beauty ko.

"AHAHAHAHA NAKIKILITI AKO!" Dahil lang sa paghinga ko sa may leeg niya, nahulog pa ko sa sahig. Pinasan niya ko ulit tapos inupo sa upuan.

"Maghintay ka lang dito ha."

Pagbalik niya may sandals na siyang dala.

"Waahh! Thank you!"

Sakto! Bagong sandals.

Nginitian ko siya at bigla siyang tumingin sa gilid. Namumula nanaman ang baklita. May sakit na naman ba siya?

•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•

"AHAHAHAHAHAHAHA!" Patuloy lang kami sa paghahalakhak habang nagkwekwentuhan tungkol sa mga ginawa namin buong araw sa mall.

Nandito kami ngayon sa McDonalds.

"Naalala mo yung shushunga-shungang kalbong lalaki kanina?" tumango siya tapos tumawa.

"Oo. Yung may ulong mas maliwanag pa sa future ko! Hahaha!" Sabi niya kahit punong-puno ng laman yung bibig niya ng burger.

"Nauntog ba naman dun sa malaking tarpaulin ng store! HAHAHAHA! Akala niya ata totoong pasukan e!" kumuha ako ng french fries tapos sinawsaw sa McFloat.

"Ikaw nga e nakapag-mall na ganyan ang itsura mo mukhang pulubi hahahahaha!" Sagot naman niya

"Tapos kanina, nung sumasayaw tayo, nako! Nakakatawa talaga yung matabang batang lalaki na bigla-bigla na lang sumingit at nag-split nung narining na Lady Gaga pala ang kanta!Nako! May future! Nakita ko pa nga yung reaction nung tatay e! Hahahaha!"

Bigla siyang natahimik.

"Infairness ha! Masarap ngang isawsaw ang french fries sa Coke."para maiba naman ang topic.

"Hahahaha! Sabi ko sa'yo e. Nako! Sabi nang mag-diet ka! Bigat mo kaya!" inagaw ba naman yung kinakain kong burger at fries.

Tapos nagpatuloy pa kami sa kwentuhan at tawanan.

Infairness, dahil sa mga ginawa naming kalokohan ngayon, gumaan na yung loob ko. Kahapon saka kaninang umaga parang hopeless na'ko e. Pero salamat kay Bunchkin, ang saya ko na uleeeeet! Weeeee!

•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•

Nagdrive na si Zane papuntang playground ng subdivision nila. May daladala kaming tig-isang galon ng ice cream at doon namin naisipang kainin ang mga ito. Wala lang. Trip lang namin hehe!

Gabing-gabi na kaya naman kami lang ang tao dito. Umupo kami sa swing at kumain na. Hmm sarap! Inggit kayo no?

"Thank you Bunchkin sa lahat-lahat." Sumubo ulit ako. "Sarap talaga kapag libre hehehe!" Siyempre libre niya lahat ng ginastos namin ngayon. Siya ang nangidnap e.

"Anong libre? Babayaran mo lahat ng gastos mo! Bleh!" Nakita ko yung ice cream niya paubos na agad?!

"Anyway, ayoko lang kasing nakikita kang malungkot, nalulungkot din ako kaya ginawa ko to." umiwas siya nang tingin kaya kitang-kita ko yung pamunula ng tainga niya.

"Actually, hinabilin ka sakin ni Blaine Alagaan daw kita. Syempre gagawin ko yun kasi bestfriend kita." sincere na saad niya.

Parang nagui-guilty tuloy ako.

"Pero ang panget mo talaga e." Dagdag niya.

At iyon na. Biglang naglaho nanaman ang guilty ko.

"Gusto mo ba ng away ha?! G@go!" at sinuntok ko siya nang mahina sa braso.

Tumawa lang siya. Pagkatapos sumeryoso ang mukha niya at tumingin nang diretso sa mga mata ko. Kasabay nito ang ang paghwak niya sa mga kamay ko.

"Pero seryoso, mahal kita, alam mo yan" sabi niya na ikinagulat ko talaga. Kaya naman biglang kumalabog ang puso ko.

"Kahit sandali pa lang tayong magkaibigan, napatunayan kong mapagkakatiwalaan kita. Ang totoo nga niyan e may aaminin ako. Wag mo sang sabihin sa iba." Tinakpan niya muna yung ice cream niya at pagkatapos ay yumuko at pumikit.

Kung kelan tapos na siya kumain saka pa siya nagdasal. Di ba dapat pray before you eat.

Pero ano daw? May aaminin daw siya.Wahhh! Kinuha ko agad yung phone ko para marecord yung kung anoman ang aaminin niya para magamit kong pang blackmail sa tuwing aasarin niya ko mwahahahaha!

"Ano yung aaminin mo?" Bigla ko na lang narinig na umiiyak siya.

Ano ba ang nangyayari ha? Binigyan ko siya ng time para kung ready na siya masasabi niya.

"Look, kung di mo talaga kayang sabihin sakin, okay lang naman." sabi ko na lang kahit na nanghihinayang ako kasi wala tuloy akong magagamit pang-blackmail.

Huminga siya nang malalim.

"I'm..... i'm gay, Iyah..."

Woah! Di ko ineexpect na inamin na niya. Victorious ako dahil sa wakas umamin na siya sa bagay na matagal ko nang alam pero nagulat din dahil biglaan ang pag-amin niya. Ang pagkakataon nga naman! Na-record ko pa talaga!

Ibig sabihin, mission accomplished na'ko? Ibig sabihin ba neto, tapos na ang friendship namin? Pero.....

"So what kung gay ka? It does not make you less of a person....."

Pero ayokong matapos ang friendship namin eh.

"Tanggap ko kung ano ka man. Kahit na alien ka pa o kaya shokoy pala, di mababawasan ang pagtingin ko sa'yo. Mabuti ka and mahal kita Bunchkin." Inilapag ko yung ice cream sa sahig. Tapos pinindot ko na yung stop sa phone. Niyakap ko siya nang mahigpit. Nagulat naman siya sa sinabi at ginawa ko. Actually kahit ako e.

Pero ginawa ko lang naman kung ano yung nasa puso ko.

"Mahal din kita LB, thank you." at humagulgol na ang bakla habang yakap-yakap ako. Parang naiiyak na din tuloy ako. Huhu!

Kumawala ako sa yakap at hinalikan siya sa noo. Namula nanaman siya

"Shh... wala ka naman dapat ikaiyak. The Zane na kilala ko e di iyakin. Hehe!" Ngumiti siya. Finally.

"Actually may isa pa aketch aaminin."

Biglang nagsalita na parang juding. Gusto ko sana matawa nang malakas e kaso drama ang genre ngayon.

Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"I was in love with Blaine. But that was in the past. Sa'yo na yung mang-iiwan na yun. Bigla-bigla na lang kasing umaalis. Masasayang lang ang beauty ko sa kanya."

"Ahh yun lang pala. Hahahaha!" tumingin siya sakin na puno ng pagtataka

"Bakit parang di ka man lang na-shock?"

"Kasi matagal ko nang hinala yun ene ke be!" At siya ang na-shock

"Ganun bang ka-obvious?" Sabi niya habang nakatapat ang kamay sa bibig. Halatang shocked.

Tinaasan ko siya ng kilay at tumango. Bumalik na ko sa pagkakaupo ko sa swing.

"Hay nako! Sa'yo na lang yun. Nang-iiwan e." Sabi ko pa

"PARA SA MGA INIWAN!" sigaw ko habang nagsiswing nang mataas at malakas. Ginawa din yun ni Zane at parang echo na isinigaw ang "PARA SA MGA INIWAN!"

"PARA SA MGA NASAKTAN!" Hirit ko pa. At nag-ala echo nanaman siya.

"PINAPANGAKO KO! HINDI NA ULIT AKO AASA KASI WALA NAMANG FOREVER!" Bulyaw ko

"PINAPANGAKO KO RIN KUNG ANO MAN YUNG PINANGAKO NG BABAENG TO!" Sigaw naman ni Zane habang tumatawa kaya natawa na din ako.

"Hoy! Gabi na! Umuwi na kayo!" Napatigil kami nang biglang sumigaw si manong guard mula sa may kanto. Kumaripas kami ng takbo at agad na nagtago sa ilalim ng slide. Nang makarating na yung guard (pffffttttt na mukhang butete sa laki ng tiyan) sa playground at nakitang walang tao, umalis na siya.

Jusko hirap magpigil ng tawa habang nagtatago. Kaya naman paglabas namin, agad kaming nagtawanan ni Zane at nag-appear!

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...