Empire Series 1: The Long Los...

Av snoophye123

265K 6.8K 798

PUBLISHED UNDER IMMAC Athena Louise Dizon, an agent and Queen of Assassins She loved to kill people, and she... Mer

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 52

2.4K 63 6
Av snoophye123

Athena's Point of View:

Nang malaman kong si Ezra ang pumatay kay Kyle, gusto ko na lang gawin sa ngayon ay patayin s'ya. Sa tagal kong naghanap sa mga taong pumatay kay Kyle, nasa paligid ko lang pala at naghihintay. Wala akong ideya sa totoo lang at hindi ko rin naisip na si Ezra ang pumatay kay Kyle. Sa loob ng taon kong naghihintay at naghahanap, hindi ko man lang naisip si Ezra. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang patay na estudyante sa harapan ko. Ito na naman, ilang beses na nangyari ang bagay na 'to.

"Kagaya nung mga estudyante na namatay, wala rin s'yang kamag-anak. Hindi rin namin nakita ang mga taong nangangalaga sa kanya dahil nakatira lang s'ya sa isang maliit na apartment," sambit ni Rina.

"Tinignan rin namin ang tama ng saksak sa kanya at katulad sa iba, samurai ang ginamit ng mga taong hindi natin kilala," sambit ni Sky.

Tumango ako at hangga't maaari ay sinasamahan namin ang mga estudyante kung saan sila pupunta o mag-isa lang silang aalis. Tinignan ko sila at kagaya ng ginagawa namin, tinawagan namin ang dalawang tauhan ko para linisin ang kalat. Ayaw namin na may bakas pa dahil ani ni dean, 'wag daw kami mag-iiwan ng bakas dahil ayaw niyang manatili sa utak ng mga estudyante ang mga nangyari.

"Punta lang ako sa locker," ani ko at ngumiti sa kanila. "Salamat."

"Trabaho at responsibilidad namin 'to, Athena. Malapit ka ng bumalik sa empire palace, kailangan na naming maghanda pagkatapos mong manganak," ani ni Alexander.

Ngumiti na lang ako at hinaplos ang tiyan ko dahil kahit anong tanggi ko na hindi alagaan ang bata, napamahal na ako dito. Tuwing gabi s'ya ang kausap ko kapag pakiramdam ko ay mag-isa lang ako. Naglakad ako papunta sa locker at natigilan nang makita si Kiro, naalala ko na naman ang sinabi niya kanina. Ako na ang umiiwas sa kanya, ako na ang lumalayo dahil ayaw kong balikan s'ya ng mga taong naging kalaban ko. Dumaan ako sa gilid niya, takot pa na madikit sa kanya dahil pakiramdam ko ay iinsultuhin na naman niya ako.

"Why do you have wounds on your body?" tanong niya.

Natigilan pa ako at napatingin sa kaliwa at kanan. Dalawa lang kaming nandito kaya tumikhim ako.

"Nadapa lang," sagot ko at agad na kinuha ang mga gamit ko.

"Nadapa?" sarkastikang tanong niya, hindi pa rin ako tinitignan. "Galing, nadapa."

Hindi ako sumagot at agad na sinirado ang pinto ng locker ko. Bumuntong hininga ako at napatingin sa kanya, natigilan ako nang makitang nakatingin s'ya sa akin. Kumurap ako at bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa mga mata niya.

"You look fat, ugly, and stress," aniya at nagtaas ng kilay.

Natigilan ako, pakiramdam ko umakyat lahat ng init sa pisngi ko. "Iniinsulto mo ba ako? Kasi kung oo, hindi ako natutuwa."

He smirked. "Are you pregnant?"

Nalunok ko ang sarili kong laway at napaawang ang labi ko sa tanong niya. Nagsimula akong kabahan sa tanong niya ngunit tumawa ako, oo, tumawa ako nang malakas.

"Ako, buntis?" Tinuro ko ang sarili ko at natawa kahit kinakabahan. "Kung mabubuntis man ako, sisiguraduhin kong hindi ikaw ang ama."

"As if I want to be the father of the killer's son," aniya at ngumisi.

I froze. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at hindi ko alam kung masasaktan ako o maaawa sa anak ko. Umiwas ako ng tingin at napalunok nang maraming beses bago tumawa nang mahina.

"Kung magkakaroon man ako ng anak sa 'yo, sisiguraduhin kong hinding hindi mo makikita ang anak mo." Tsaka ako naglakad palayo sa kanya dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko.

Nagpatuloy ang klase namin habang ang isip ko ay naglalaro sa mga bagay na posible na mangyari. Kinakabahan ako sa totoo lang, kinakabahan sa pwedeng mangyari sa tatlong pamilya na kailangan kong protektahan. Hindi ko alam kung anong uunahin ko at kung sino sa tatlo ang maaari kong bantayan sa araw-araw.

"Are you okay?" tanong ni Claire. "Dinala namin ang mga prutas at mangga dito, as your request."

Nanunubig ang bagang ko kaya naman napangiti ako. Mabilis nilang nilabas ang mga pagkain ko, good thing about them they hide my pregnancy. They keep it as a secret kaya kami-kami lang ang may alam kasama si Laurel. Nakalimutan kong magpasalamat sa kanya sa ginawa niya kanina, hindi naman pala s'ya masama, maarte nga lang.

"Don't forget your upcoming exams. All of you are turning college and I hope each of you will have the privilege to walk on the stage and have your own medals and honor certificate," nakangiting sambit ng prof namin.

Ngumiti ako at hinaplos ang tiyan ko. Naisip kong huminto muna sa pag-aaral, tsaka ako mag-aaral kapag natapos na ang problema na 'to. Sinabi ko na ito kay daddy ngunit alam kong hindi papayag ang chairman kaya hangga't maaari ay kailangan ko pa ring mag-aral. We continued our class and I'm glad that I can finally reach my dreams, pagkatapos nito ay mananatili ako sa empire palace hanggang sa manganak ako, kung hindi ako babalikan ni Kiro.

It hurts. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, sa mga lumalabas sa bibig niya.

"Hello, chairman?" tanong ko habang nagliligpit ako ng gamit.

[Athena, ang Empress, nawawala! Kanina pa namin s'ya hinahanap dahil ang sabi niya, aalis s'ya papunta sa isang conference. Hindi na ako sumama dahil ayaw niya. Please, find her]

Natigilan ako at nahulog ang mga gamit ko sa lamesa. Lahat sila napatingin sa akin, hindi ko alam kung kakabahan ako o magsisimula na akong matakot.

"Hahanapin ko ang empress," seryosong sambit ko. "Tawagan niyo sila Chairman Buenaventura."

[Ibalik mo s'ya sa akin ng buhat at ligtas, Athena]

Napalunok ako at agad na sinabi kila Rina ang nangyari. Kagaya ko ay gulat rin sila sa nalaman dahil ito ang unang pagkakataon na nawala ang Empress at hindi niya kasama ang asawa niya. Mabilis akong naglakad palabas at agad na tumakbo papunta sa parking lot. Tinawagan ko ang mga assassins at mabilis naman nilang pinuntahan ang isang conference.

"Kailangan na nating magmadali," sambit ko at agad na sumakay sa motor ko.

Mabilis naming pinaandar ang kanya-kanya naming motor, kasama si Joy. Mabilis kong tinignan ang oras at kanina pa nagsimula ang conference, nakakapagtaka na ayaw ng kasama ng empress. Naglalaro sa isip ko ang mga nangyayari at iba pa ngunit muntik na akong mawalan ng balanse nang mayroong dalawang motor ang bumangga sa magkabilang gilid ko.

"Athena!"

Napamura ako at agad na sinundan 'yun, hindi ko alam kung bakit malakas ang kutob kong mga kalaban sila. Sinundan ko 'yun kasama sila Rina at aaminin kong kinakabahan ako at natatakot, sana ay may mga kasama ang empress. Napapikit ako at mas binilisan pa ang takbo ng motor ko, sinundan namin ang dalawang motor at malapit 'yun sa conference.

"Athena! Anak ng buhay ka-Tignan natin kung makahinga ka pa kapag nakita mo ang lola mo!"

"Anong sinasabi mo? Tarantado!" sigaw ko at mas binilisan pa ang takbo ng motor ko. Nilabas ko ang baril ko at tinamaan ang side mirror nila.

"Athena, Athena, Athena buhay pa ba ang iyong lola?" natatawang sigaw ng mga nakasakay sa isang tipper truck.

Mariin kong pinaandar ang motor ko habang hawak ang baril ko. Malakas ang naging preno ko nang may humarang na mas malaki pang truck sa harapan namin. Gamit ang motor ko ay mabilis akong umilag sa mga matutulis na bagay na hinagis nila papunta sa amin. Napamura ako sa isip ko at binaril ang dalawa sa kanila.

"Nasaan ang lola ko?" sigaw ko, nauubos na ang pasensya sa kanilang lahat.

"Hulaan mo!" sigaw nila pabalik at nagtawanan na parang mga baliw. "Matalino ka diba? Hulaan mo!"

Napunta kami sa construction site. Kumunot ang noo ko at agad na napahinto nang makita ang kotse ng empress, nakatali sa itaas at literal na malulula ka sa taas nun. Natigilan ako at nakaramdam agad ng takot para sa empress.

"Ang taas diba. Kayang kaya naming ilaglag ang empress kung gusto namin," nakangising sambit ng isa.

Dahan-dahan akong umalis sa motor ko, ganun rin sila Rina. Dahan-dahan akong napalunok at napatingin sa itaas kung saan nandoon ang empress, hindi ko man nakikita ngunit alam kong nandoon s'ya. Bakit wala s'yang kasama? Ano bang ginagawa niya?

"Ibaba niyo ang empress," malamig na utos ko.

"Paano kung ayaw namin?" nakangising tanong ng isang babae na nakasuot ng itim na mask.

Lumapit ako at hindi ko napansin ang gamit sa pagyupi ng isang kotse. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, unti-unti ay pinipindot niya ang remote control para yupiin ang kotse ng empress.

"Wag!" sigaw ko at agad na tumakbo ngunit mas malala pa don ang ginawa nila. "Empress!"

Huminto ako, unti-unti ay nilalamon ako ng takot para sa kanya dahil sa gas na nasa itaas ng kotse niya. Napalunok ako.

"Takot?" nang-aasar na tanong niya, sinubukan naming lumapit at sipain ang isa sa kanila ngunit unti-unti ay umaandar ang machine. "Athena, anong magagawa mo sa ngayon? Iligtas ang empress o iligtas ang isa pang Villacorta?"

Napatingin ako sa kaliwa at nakita si Gladys na nasa ilalim ng parisukat na bakal. Napalunok ako nang makitang nakatali ang mga paa at kamay niya, nakatakip rin ang kanyang bibig. Huminto ako sa gitna, hindi alam kung sino ang uunahin sa dalawa.

"Athena, hindi tayo pwedeng kumilos. Dalawa silang pwedeng mamamatay kung magpapatuloy tayo sa paglalakad," bulong ni Alexander. "Wala tayong laban."

"Anong gagawin natin?" tanong ko, hindi na gumagana ang utak ko. "Machine ang nagpapaandar sa kotse ng empress at anumang oras ay mapupunta na 'yun sa dulo."

Tumawa nang malakas ang mga nasa unahan namin at nanlaki ang mga mata ko nang mabilis na bumagsak ang bakal na parisukat kay Gladys, mabilis akong tumakbo doon kasama si Rina. Mabilis ko s'yang hinila ngunit hindi matanggal ang tali, naiinis kong tinanggal ang tali habang panay ang tingin sa itaas.

"Gladys!" sigaw ko at agad na natanggal ang tali at mabilis ko s'yang nahawakan at niyakap palayo sa matigas na bakal dahil muntik na s'yang mamatay.

Napapikit ako at niyakap si Gladys. Hindi ko alam kung-

"Athena..."

Unti-unti ay natigilan ako. Dahan-dahan kong nilingon ang nasa unahan at napaawang ang bibig ko nang makitang naliligo sa apoy ang kotse ng empress. I blinked multiple times.

"Ops. You chose her," natatawang sambit ng pamilyar na boses. "They will blame you for doing nothing but to choose one person rather than the empress."

Nanghina akong tumingin sa unahan at nakita sila Chase na nakaluhod at natulala na lang sa itaas. Mabilis, at hindi ko inaasahan ang nangyari. Napatayo ako at tumakbo ngunit huli na, wala na ang kotse ng empress. Narinig ko ang tawanan nilang lahat, ang mga halakhak at iba pa.

"Konektado ang tali ng babaeng Villacorta sa empress kaya sa tuwing gagalaw ang babaeng Villacorta, gagalaw rin ang sasakyan ng empress." Napatingin ako kay Gladys na malakas na umiiyak, kaya naman pala panay ang iling niya. "Akala ko ba matalino ang magiging empress ng empire palace. Bobo rin pala."

Natulala ako at wala sa sariling napaluhod sa lupa habang nakatingin sa itaas. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa mga mata ko at sa galit ko ay nilabas ko ang baril ko at lahat ng taong makikita ko ay pinagbabaril ko. Mabilis na sumakay ang mga kalaban sa malaking truck at nagtatawanan habang nagtatago sa bala ng baril na nilalabas ko.

"Wala na ang empress..." umiiyak na sambit ni Sky.

"We...we didn't save her," malungkot na sambit ni Chase na pareho ko, nakaluhod rin habang nakatulala sa itaas.

Ganun kabilis na nawala ang empress sa amin. Hindi ko matanggap na ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang empress, kung nakapag isip sana ako ng plano ay mabilis ko s'yang maaalis doon. Tinignan ko si Gladys na umiiyak na yumakap sa akin, wala ako sa sarili. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat, pakiramdam ko ay wala akong nagawa para iligtas ang empress sa mga kamay nila.

"Wala na si lola..." Gladys's voice filled my ear while we were in the car, papunta sa mansion ng mga Buenaventura. "Ate...wala na si lola."

Sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko. Hanggang sa makarating kami sa mansion ay nakatulala ako, nakatulala akong maglakad. Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad papunta sa living room, agad ko silang nakita lalo na ang asawa ng empress.

"G-Gladys, why are you crying? Where's your lola?" Tinignan niya ako papunta sa mga kasama ko hanggang sa pintuan, umaasa na darating ang empress. "Athena...where is she?"

Tinignan ko silang lahat, nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko. Dahan-dahan akong lumuhod at nanghihinang napatingin sa kanilang lahat na ngayon ay umiiyak. Dahan-dahan akong yumuko at napalunok.

"P-Patay na ang empress..." nanginig ang boses ko. "Hindi ko s'ya nagawang iligtas, patawarin mo ako."

"W-What?" nabasag ang boses ni Chairman Villacorta. "That's...not true!"

Umiling ako at matapang s'yang tinignan. "Lolo...patay na ang empress."

Yumuko ako at dahan-dahan na umupo at niyakap ang mga paa ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Lolo Villacorta at sabay kaming umiyak. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na ang empress sa ganun kadali na paraan at ganun kabilis na oras.

Fortsett å les

You'll Also Like

67.6K 1.9K 51
How does it feel when you're idolizing someone? I mean, we already have an advance technology and there's a lot of people or artist you'll find amazi...
4.1K 407 47
This is the first installment of No Name Series. Pain. Grief. Anger. Frustration. Who wouldn't feel those if you found out that someone you love, som...
82.2K 3.7K 34
Abilio Cryptic is an exclusive agency made for women. It is founded by the government with the purpose of training and raising expert agents who will...
6.8K 1K 29
BITE YOUR TONGUE. DON'T SCREAM OR ELSE... The detective is shrouded in a veil of mystery due to her enigmatic past. While she had previously maneuve...