Because Almost is Never Enough

By CelineIsabellaPHR

364K 8.4K 1.5K

Sabi ni Jackie sa sarili ay puwede na uli niyang ngitian si Yael dahil mahigit walong taon na rin naman ang n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11 - for real na
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (SPG)
Chapter 16
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 17.3
Chapter 18.1
Chapter 18.2
Chapter 18.3
Chapter 18.4
Chapter 18.5
Chapter 19.1
Chapter 19.3
Chapter 19.4
chapter 20.1
Chapter 20.2
Chapter 20.3
announcement
xxx

Chapter 5

10.2K 265 13
By CelineIsabellaPHR

"'SA tingin mo, Yael, okay lang ba ako kanina?"


            Mula sa binubuksang aircon ay nilingon ni Yael si Leslie. Nakaupo ito sa gilid ng kama. Dahil lampas hatinggabi na natapos ang awarding, hindi pumayag ang mommy ni Yael na ihatid pa niya si Leslie sa tinutuluyan nitong resort. Sa isa sa mga guestroom na lang daw ng bahay nila matulog si Leslie. "Sa awarding?" tanong niya.


Tumango si Leslie. Bahagya itong ngumiti. "Hindi ba ako masyadong madaldal?"


Bahagyang tumawa si Yael. "Pareho naman kayo ng nanay ko."


Umiling si Leslie. "Naisip ko lang kasi baka nainis sila sa 'kin. Alam mo naman, I could sometimes be a bit overbearing."


Nang dumating sila kanina sa ballroom ay magiliw naman itong kinausap ng mommy niya. Walang napansing kakaiba si Yael. "Bakit mo naman naisip na maiinis sila?"


Humugot ng malalim na hininga si Leslie bago nagkibit ng balikat. "I don't know, medyo nailang kasi talaga ako, eh. Kung anu-ano tuloy ang mga nasasabi ko."


He gave her a reassuring smile. "Kung anu-ano ang iniisip mo. Sigurado ako, kung hindi magkalayo ang upuan n'yo ni Lira, nakipagkuwentuhan din 'yon sa 'yo."


Ipinilig ni Leslie ang ulo nito. "You think so?"


"Yep," ani Yael. "Mabait 'yon. Mana sa 'kin."


Bahagyang ngumiti si Leslie.


Namulsa si Yael. "Pa'no, okay ka na dito?"

           

Noon namilog ang mga mata ni Leslie. Tumayo ito. "Iiwan mo na ako?"

           

Tumawa si Yael. "Walang multo di-"

           

Hindi na natapos ni Yael ang sasabihin niya dahil yumakap na si Leslie sa leeg niya.

           

"Dito ka na lang muna..." ungot nito.


Bahagyang tumawa si Yael. "Hindi ka pa ba inaantok?"


"Hindi pa," anito. Kasabay niyon ay lumapat na ang mga labi nito sa mga labi niya.


He could feel Leslie's lips moving against his. Nalalasahan niya sa bibig nito ang alak na ininom nito kanina pagkatapos ng awarding. Kung gaano karami ng nainom nito, hindi niya alam.


Pero siya, naparami ang inom niya. Salitan kasi sa pag-abot sa kanya ang mayor at ang gobernador. At hindi siya makatanggi dahil alam niyang makakabuti sa negosyo ang -


Napapitlag si Yael nang maramdamang bumitaw sa kanya si Leslie. Nagtama ang mga mata nila.


Kunot ang noo ni Leslie. "You do realize you weren't kissing me back, don't you?"



Natigilan si Yael. Hindi ba? Hindi siya sigurado. Abala kasi ang utak niya sa pag-compute ng puwede niyang kitain mula sa gobyerno.


Tiningnan siya ni Leslie nang pailalim. "Naiilang ka ba na nasa kabilang kuwarto lang ang parents mo?"


Malamang na sampal ang aabutin ni Yael kapag sinabi niya na negosyo ang iniisip niya habang hinahalikan siya ni Leslie. "No," tanggi niya. Pero binuntutan niya iyon ng tawa. Hahayaan na lang niyang isipin ni Leslie na nahihiya lang siyang umamin.


Lumabi si Leslie na tila hindi nga talaga pinaniwalaan ang sinabi niya. Pero pinaglaro nito ang mga daliri nito sa batok niya. "Don't worry, I'll try not to scream," bulong nito.


Napangiwi si Yael. "D'yan na ako biglang nailang."


Tumawa si Leslie. Bumitaw ito sa leeg niya. Inayos nito ang kuwelyo niya. "I'm just kidding. Alam ko namang naiilang ka na kasama mo ako dito. It's not as if we're..." Umiling. Nagkibit ito ng balikat.  "Iba naman kasi 'yong sa inyo ni Jackie noon. I mean, you, guys, were married."


Napakunot ng noo si Yael. Hindi niya inaasahan na babanggitin ni Leslie ang pangalan ni Jac. At hindi nakaligtas sa kanya ang implikasyon ng sinabi nito. Ikiniling niya ang ulo niya. "At bakit po biglang nasali si Jac sa usapan?"


Napangiwi si Leslie. "That came out wrong. Sorry. Madaldal na nga ako, lasing pa. Bad combination."


Umiling si Yael. Hindi nga naman siguro nito sinasadya iyon. Leslie really talked a lot. "No harm done."


Muling umupo si Leslie. Tiningala siya nito. "Pero close pala talaga si Jackie sa family mo, 'no?"


"Magkaibigan na kasi sila ni Lira no'n pa," wika na lang niya kahit technically ay mas nauna talaga niyang nakilala si Jac.


Tumangu-tango ito bago nito ipinilig ang ulo nito. "Can I ask a very personal question?"


Alam niyang hindi siya nito titigilan kaya um-oo na lang siya.


"Hindi n'yo binalak magka-baby?"


Pinigilan ni Yael ang mapabuntong-hininga. Dahil pumayag siya, wala na siyang magagawa kundi sumagot. Pero maingat niyang pinili ang bibitawang mga salita. "Bata pa siya noon," wika na lang niya.


Bahagyang ngumiti si Leslie. "Pero mabuti na rin siguro 'no? I mean, mga bata kasi ang kawawa kapag ganyan na may hiwalayan, eh."


Nagkibit si Yael ng balikat. Dati, iniisip pa niya na posibleng hindi sila maghihiwalay ni Jac kung nagkaanak sila. "Maybe it was not really meant to be."


Tumango si Leslie. "Pero kung nagkaanak kayo no'n, hindi siguro ganoon ka-sexy si Jac ngayon, 'no?"


Walang maisip na magandang isasagot doon si Yael kaya namulsa na lang siya.


Kung hanggang saan aabot ang pagdadaldal ni Leslie, walang ideya si Yael. Pero kung hindi pa niya puputulin ang kuwentuhan nila, malamang na kung saan-saan na naman iyon makarating. He had always indulged her. Pero ang problema, wala na siyang natitirang lakas ngayon para sa kuwentuhan. Pagod siya, puyat at lasing. Isa pa, hindi talaga siya kumportable na pinag-uusapan nila ang tungkol sa nakaraan nila ni Jac.


Namalayan na lang ni Yael na hinihilot na niya ang sentido niya. 


Mataman siyang tinitigan ni Leslie. "Are you okay, Yael?"


"Baka dapat ngang magpahinga na lang muna tayo."


Nagkibit ng balikat si Leslie. "Sabagay, maaga 'yong delivery ng furnitures bukas. Right. We better go to sleep."


Ngumiti si Yael. "So, okay ka na dito?"


Tumayo si Leslie. "Yeah, I'm a big girl now," anito. Idinampi nito ang mga labi nito sa mga labi niya.


Bago pa man maka-react si Yael ay inilayo na ni Leslie ang mga labi nito.


Ngumiti si Leslie. Tila nanunukso. "Bukas na lang uli?"


Umiling si Yael. Ngumiti . "Bukas."


Nang ngumiti si Leslie ay agad nang lumabas si Yael ng guestroom. Tinungo na niya ang kuwarto niya at ibinagsak ang katawan sa kama.


Habang nakatitig si Yael sa kisame ay napakunot siya ng noo. He had the nagging feeling that something was wrong. Pero hindi niya maisip kung saan nanggagaling iyon.


Kung may koneksyon ba iyon sa bigla-biglang pagtatanong si Leslie ng tungkol sa mga personal na bagay ay hindi niya masabi.


Pero hindi siguro. Alam na niyang natural nang ugali ni Leslie ang pagiging matanong at nasasanay na siya. Iyon nga lang, nailang talaga siya nang banggitin nito si Jac.


Sa muling pagkaalala kay Jac ay napailing si Yael. Para kasing bigla uli niyang naramdaman ang wala pang dalawang segundong pagdampi ng pisngi ni Jac sa pisngi niya kanina.


Humugot si Yael ng malalim na hininga. Hindi naman totoo ang sinasabi ni Leslie kanina. Ni minsan ay walang nangyari sa kanila ni Jac sa bahay ng mga magulang niya. Ayaw niyang malagay si Jac sa alanganing sitwasyon noon. Napapakawalan lang nila ang pananabik nila sa isa't-isa kapag nakakabalik na sila ng Maynila. Pero hindi na rin miminsan na nasa kabisera pa lang sila ay kinailangan na nilang mag-motel.   


Pumikit si Yael ngunit sa mukha pa rin ni Jac ang tumambad sa balintataw niya. Muli siyang nagmulat. Pero hindi na niya nagawa pang takasan ang mga alaala.


{{{ALAM ni Yael na hindi niya dapat gisingin si Jac dahil bukod sa pagod ito sa buong linggo na pagpasok nito sa eskuwelahan ay puyat pa ito. Kung hindi siya nagkakamali ay maga-alas-dos na nang makatulog sila.

 

Pero hindi mapigilan ni Yael ang sarili na haplusin ang pisngi ni Jac. Napangiti siya nang tila kuntento na ikiskis nito ang pisngi nito sa palad niya. Dumukwang si Yael at dinampian ng magaang halik ang mga labi ni Jac.

 

Bago pa siya makaayos ng upo ay nagmulat na si Jac.  

           

Ngumiti si Jac nang magtama ang mga mata nila. "Hello, hubby."

           

Napangiti si Yael sa itinawag nito sa kanya. "Hi, wifey," pakli niya. Masuyo niya itong tinitigan.

           

Kahapon ay umuwi ng probinsya ang kapatid ni Yael na si Lira kaya dito natulog sa condo unit na tinitirhan nilang magkapatid si Jac.

 

It had been a month since they got married. At maliban sa bestfriend ni Jac na si Krissy, ay wala nang ibang nakakaalam sa sitwasyon nila. May tiwala naman sila kay Lira at gustung-gusto na nilang sabihin dito ang totoo pero nagdadalawang-isip sila. Madadamay kasi ito sa galit ng mga magulang nila kapag nagkabukuhan. Mas maganda na iyong wala itong alam. Kaya nakakatulog lang si Jac sa tinitirhan nila kapag nasa probinsya si Lira.

 

"Ano'ng oras na?"

 

"Magi-eight na."

 

Bumalikwas si Jac. "Magluluto pa ako ng breakfast!"

 

Tumawa si Yael. "Relax, nakaluto na ako."

 

Sumimangot si Jac. Tumayo. "Sinabi ko na sa 'yo kagabi na ako ang magluluto ng breakfast 'di ba?"

 

Tiningala niya si Jac. "May sinabi ka ba?"

 

Tiningnan siya ito nang masama. "Oo, kaya. No'ng dumating tayo at tiningnan ko kung may laman ang ref. Nakakainis ka naman, eh."

 

Nagkamot ng ulo si Yael. "Sige, na, sorry na. 'Sarap kasi ng tulog mo, ayaw naman kitang gisingin. Tara na sa kusina, kainin na natin 'yong niluto ko."          

 

Nakasimangot pa rin si Jac nang hawakan niya ang kamay nito pero nagpahila naman ito sa kanya patungo sa direksyon ng pintuan.

 

"'Di bale, maglalaba na lang ako ng mga maruruming damit mo," ani Jac.

           

Nilingon ni Yael si Jac. Napakunot siya ng noo. "Bakit ka maglalaba?"

           

"Kasi sayang naman na gagastos ka pa sa pagpapalaba. Nandito naman ako."

           

"Babe, huwag mo nang intindihin 'yon. Nadala ko na sa kahapon sa Laundry."

           

Padaskol na hinila ni Jac ang kamay nito. Tumigil ito sa tapat ng pinto. "Nakakainis ka naman, eh!" Itinulak pa siya nito.

           

Kumunot ang noo ni Yael. "Ano ba ang problema?" Sa totoo lang, nalilito siya sa ikinikilos nito.

 

"Kasi naman Yael, minsan lang naman kita puwedeng pagsilbihan ipagkakait mo pa. Gusto ko lang naman mapasaya ka."

           

Maang na napatitig si Yael kay Jac. "'Yon lang ang pinu-problema mo?"  Ginagap niya ang kamay nito. "Babe, hindi mo naman kailangang gawin ang mga bagay na 'yon para mapasaya mo ako. Iyong nandito ka lang sa buhay ko, eh, sobra-sobrang nang dahilan para maging masaya ako."

 

Umingos si Jac. "Inilalayo mo ang usapan."

           

Pinandilatan niya ito. "Ibig sabihin, hindi mo talaga ako mapapatawad hanggang 'di ka nakakapaglaba?"

           

Hindi ito sumagot.


"Puwes, maglaba ka."

           

Pinandilatan siya ni Jac. "Wala ngang lalabhan! Wala ni kurtina."

           

"Problema ba 'yon?" ani Yael. Hinila niya ang laylayan ng T-shirt niya at hinubad iyon pagkatapos ay iniitsa niya sa hamper na nasa malapit sa pintuan.

           

Nanlaki ang mata ni Jac nang ang waistband na ng boxers niya ang hawakan niya. "Ano'ng ginagawa mo?"

           

"Para may labhan ka. At para mas madami, isama na rin natin 'yan suot mo." Ngumisi siya. Humakbang siya palapit dito.

           

Umatras si Jac. "Yael, d'yan ka lang," banta nito sa kanya.

           

Humakbang tuloy uli si Yael. Umatras din si Jac.

 

Lalong napangisi si Yael. Alam niyang huling pag-atras na ni Jac iyon. Paanan na ng kama ang nasa likuran ng mga binti nito.

 

"You've got nowhere else to go, babe," aniya sabay haklit niya sa baywang nito.

           

Lumunok si Jac. Itinukod nito ang braso nito sa dibdib niya. "Magbi-breakfast na tayo 'di ba?"

           

"Mamaya na," ani Yael na hinawakan na ang laylayan ng suot ni Jac na tanktop. Itinaas na niya iyon at itinapon rin sa hamper.

           

"Yael, what are you doing?"

 

Nginitian niya ito. Masuyo. "Shower muna tayo. Sabay."

 

"Baka may dumating."

 

Sumimangot siya. "Umuwi nga si Lira 'di ba?" aniya. "And speaking of Lira, pagbalik niya, sasabihin na natin sa kanya na kasal na tayo."

 

"Oo nga," ani Jac. "Friend ko 'yon. Ayoko na may secret ako sa kanya."

 

Ngumiti si Yael. "Tapos, puwede ka nang matulog dito sa kuwarto ko. Kahit kailan mo gusto."

 

Ngumiti si Jac. "Sabagay, mas malamig dito. Mas masarap-"

 

"Mas masarap ang alin?" nagtaas-baba ang kamay niya sa tagiliran ni Jac.

 

"Matulog at mag-aral."

 

Ipinilig ni Yael ang ulo niya bago pinagapang ang kamay niya sa dibdib ni Jac. "At ano pa?"

 

Napapikit na si Jac. "Yael..."

 

Napangiti si Yael. "Answer me, babe..." He started kneading her right breast.

 

"Ano ba talaga, Yael?" mahinang wika nito. Hindi ito nagmulat. "Magku-question and answer ba tayo o magsha-shower nang sabay?" 

           

Wala nang sinayang na sandali si Yael. Pinangko na niya si Jac at dinala na ito sa banyo.}}}


Napahugot si Yael ng malalim na hininga. Nang mga panahong iyon, pakiramdam niya ay wala na siyang mahihiling pa. Kasama niya ang babaeng pinakamamahal niya.


Pero hindi pala sapat na puro pagmamahal lang.



************************************************

Continue Reading

You'll Also Like

90.6K 2.9K 24
Author's Note - Book 3 na po ito. Bago ito basahin, pakibasa muna ang A Taste of Honey at More Taste of Honey. Parehong completed stories na dito sa...
17.3K 548 11
Ever since she was sixteen, Maebelle has been in love with Matteo Fernandez. He was the perfect guy for her, he was kind, gentle and sweet. But the...
122K 3.4K 26
To Have and To Hold Hindi kilala ni Maurin si Vince Hidalgo. Pero isang araw, basta na lang dumating ang lalaki sa apartment niya. Nang makita ito ay...
2.6K 153 15
SIMPLE, MAHINHIN, tila hindi makabasag pinggan. Iyan ang tingin ng mga tao kay. SHOLA PADILLA. Ang hindi alam ng lahat may nakatagong misteryo sa pag...