My Crush, My Neighbor, My Hus...

By Loootlooot

557K 12.9K 295

Crush na crush talaga ni Dusty ang gwapo, matalino at sikat sa campus nila na si Darryn. Halos sambahahin nya... More

My Crush, My Neighbor and My Husband?!
1: First day of school
2: Closer to him
3: Her New Neighborhood
4: First kiss
5: Nice Performance
7: Childhood Friend
8: Aquaintance Party
9: Fall in the trap
10: Deal
11: Marriage Contract
12: Their new home
13: Drawing book
14: Relasyon
15: Girl bonding
16: Favorite food
17: Honeymoon?!
18: Ang sakit
19: Confession
20: Stranger Guy
21: Partner
22: Accident kiss
23: Broken Hearted
24: Who's your love?
25: Sick
26: Visit
27: Mental Problem
28: Secret Paradise
29: Sana
30: Confused
31: Argument
32: Her true feelings
33: His true feelings
34: Randomantic
35: Washing day full of love
36: Yeobo
37: Weird feelings
38: Ice Cream
39: Music Room
40: Misunderstanding
41: Walang tiwala
42: Trust
43: Perfect two
44: Bakit?
45: Poster
46: Stalker
47: Ex-boyfriend
48: Truth
49: Panaginip
50: Reminisce
51: His company
52: I'll wait for you
53: Sweetest kiss
54: Marry me
55: Revelation
56: Pick up line
57: Tanggap
58: Kasal?!
58: Regalo
59: We're Official
60: New Home
61: Don't leave me
62: Morgue
63: Good bye
Epilogue
Love me again
Special Chapter
Special Chapter Part 2

6: Destiny

11.5K 247 2
By Loootlooot

Dusty's Point of View
--

Kasalukuyan kaming nag lu.lunch ni Jillianne at Martin dito sa canteen habang ako tulala at parang wala akung ganang kumain. Sino ba kasing makakain ng maayos kung lage mo nalang naaalala ang mga kahihiyang ginawa mo sa buhay mo. Hay! Bakit naman kasi sulpot ng sulpot naman 'yon si Darryn? Parang kabote lang hindi ko man lang naramdamam na naka tingin na pala siya sakin! What worse eh, doon pa sa mga kahihiyang ginawa ko kanina. Naman oh!

Baka nag video sya akin kanina at i.uupload nya sa social media. Wag naman. sana. #DustyNanalangin120

"Malapit na pala ang acquaintance party natin girl." excited na sambit ni Jillianne kay Martin. Sa loob ng lunch break namin tulala lang ako at wala sa sarili. Hays! Bakit ganito? "Yah, I'm so excited na talaga jan sa party nayan, I'm sure marami akong magiging jowa jan." malanding sambit naman ni Martin. Bigla naman napataas ng kilay si Jillianne habang tinitingnan si Martin.

Buti pa sila excited samantalang ako heto parang wala lang. Ano ba kasing nakaka excite sa acquaintance party na 'yan?! 

"Asa ka pang bakla ka if I know marami tatakbong papabels dahil sa chaka mung peslak! hahaha!" heto nanaman si Jill, inaasar nanaman nya si Martin. Nakita kung tumaas ang kilay ni Martin at inirapan nya si Jill.

"Hoy! Sinong sinasabi mong chaka?! Ako ba? FYI di hamak na mas babae pa ang beauty ko kaysa sayong bakla ka." segunda naman ni Martin. Nakita ko naman kumunot ang noo ni Jillianne at pinukol nya ng masamang tingin si Martin. 

Sya ang unang ng asar pero sya itong unang na inis.. Hanep talaga ang bestfriend ko!

"Anong sabi mo?! Ikaw talagang chararat ka! Napaka ambisyosa mo talaga." inis na sambit naman ni Jill. Napailing nalang ako sa kanila. Lage nalang kasi silang nag babangayan di ko alam kung anong bang problema nila sa isa't isa. Noon ganito rin sila eh. Hanggang ngayon ba naman eh ganito parin sila? Hay! Medjo nakakasawa na ha?

"Bakit mo ba nilalait ang self mo girl? 'Wag kang ganyan, love yourself okay?" Hirit na wika naman ni Martin kay Jilllianne tapos ngumisi pa ito. "Whatever, bitch!" inis ulit na wika ni Jillianne sabay irap kay bakla..

"Loser!" maarting sambit naman ni Martin kay Jiliannne. At 'yon nagpapatayan na sila ng tingin. Hindi ko nalang sila pinansin bagkus ay pinabayaan ko nalang sila sa bangayan nila baka kasi mag ka developan ang mga pasaway kung kaibigan. Well? Bagay naman sila kaya no problem, haha.

"Haay!" mahabang buntong hininga ko nalang kaya naman naagaw ng dalawa ang atensyon ko.

"Oh, bakla anong nangyari sa'yo? Para kang nalugi jan?" Jillianne asked me, tiningnan ko naman sya ng bored look at umiwas. Parang wala talaga akung ganang makipag usap sa kanila.

"What happened to you sister? Do you have a problem ba? Share naman jan." sabi naman ni Martin habang naka tingin sakin. Sasabihin ko ba ang mga kahihiyang bagay na nangyari sa akin these fast few days at pati narin kanina? Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanila.

Pero friends ko naman sila kaya sasabihin ko nalang. Umaayos ako ng upo at hinarap sila. Kahit ayaw kung makipag usap sa kanila pinilit ko nalang ang sarili ko. Wa rin naman akung choice eh.

"Alam nyo mga bakla may sasabihin ako sa inyo." untag ko sabay sad face ko sa kanila. Huminga ako ng malalim at tiningnan uli sila. Seroyoso naman silang nakatingin sa akin kaya naman nag salita kaagad ako.

"Bad news ba 'yan or good news?" hirit ni Jill looking so serious. "Wag mung sabihing pregnant ka sister?!" hirit din ni Martin. Sinamaan ko sya ng tingin. Ano ba kasing pregnant ang pinag sasabi nya? Wala pa nga akung boyfriend tsaka hindi pa nga nag co.confess sa akin si my loves Darryn ko pregnant kaagad ang sinasabi ng baklang to? Hay nako.

"Hindi no! Hindi pa nga ako nagkaka boyfriend pregnant na kaagad?!" napairap nalang ako dahil sa sinabi ni Bakla. "Wag ka na ngang umirap jan bakla, sige na mag kwento kana ng mabigyan kita ng advice." sambit ni Jillianne. 

"Wow adviser ka na pala ngayon? Paki inform naman kami pag may time ka, ha?" pang asar nanaman ni Martin. Medjo natawa ako sa kanila pero di ko pinahalata. Hay! hindi talaga ako matatapos nito. Nag babangayan nanaman sila..

"Oh, shut up please?! Kung ayaw mung kuyugin ng sampung kalabaw jan!" Hay! Kailan ba sila matatapos sa bangayan nila? Medjo nakakasakit na sila sa bangs ha?

"Tama na nga hindi tayo matatapos nito eh." pag aawat ko sa kanila. Ang daldal talaga nila.

"Okay fine zip mouth na ako, mag chika ka na bakla." at ayon tumahimik na sila, ako naman huminga ulit ng malalim bago nag salita. "Alam nyo.." pa thrill ko pa.

"Hindi pa namin alam, hehe." sabay pa nilang sabi. Sinamaan ko naman sila ng tingin umiintirap kasi eh kaya ayon tikum na ang mga bibig nila kaya nag patuloy na ako.

"Mag kapitbahay na kami ni Darryn." sabi ko sa kanila tapos nag katinginan sila ni Martin at Jillianne tapos tumingin na ulit sila sa akin.

"Kyaa! Omg! Really?" sabay pa nilang tili halata mung kinikilig. Nagulat naman ako sa reaction nila kaya inawat ko agad sila dahil ang lalakas ng mga boses nila. Pinag titinginan tulo'y kami ng mga tao sa canteen dito.

"Aray naman, 'wag nga kayong magtitili jan nakakahiya, eh." saway ko. Grabi kung makatili para silang kinakatay na baboy, eh.

"Nako bakla ka! Ang swerte mo naman ang fafa ko kapitbahay mo! Ano 'yon dayaan?!" maarting wika ni Martin sa akin. Natawa nalang ako. "Bakit naman kayo naging mag kapitbahay girl?" tanong ni Jillianne sa akin.

"Malamang lumipat sila fafa Darryn ko ng tinitirhan! Bombels mo naman girl. 'Wag pahalata, pwede?" Natawa ako sa sinabi ni Martin kay Jill. Ano ba naman ang mga to halata talaga na mutual ang feelings nila. Hahaha!

"Whatever!" hiyaw ni Jiliianne at umirap nanaman ito. Sinabi ko naman kung anong dahilan kung bakit sila lumipat at sinabi ko rin sa kanila ang mga nangyari samin nung weekend pati narin yong kanina. Halos matawa nga sila sa mga kwento ko at the same time kinilig ang mga bruha. Hindi ko nalang sila pinansin expected na kasi na ganito ang mga reaction nila.

"Kumanta at sumayaw ba naman mag isa sa labas! Loka loka ka talagang bakla ka!" untag ni Jillianne sabay pahid ng luha sa mata nya dahil sa kakatawa. Oh di sya na ang masaya, ako na ang nakakahiya. Leche sila.

"Oo, nga girl napahiya ka tuloy sa fafa ko haha!" sabi naman ni Martin habang natatawa pa ito. Grabi! Mahal ko talaga tung dalawang to! Sobrang mahal! (In a Sarcastic way) Supportive talaga nila. Tsss! Akala ko ba papayohan nila ako? 'Yon pala nag uunahan pa sila sa pag tawa. Kakainis talaga ang dalawang to. Mag aaway pero tatawa bigla. May saltek lang te?

"Eh, malay ko bang nakita nya na pala ako sa ganoong scenario!" depensa ko sa sarili. Ayaw ko mang mainis pero naiinis na tuloy ako sa kanila. "Hay ewan ko sa sa'yong bakla ka! Baliw ka kasi eh, haha." Halakhak pang sagot ni Jill. Busangot nalang ang mukha ko whole lunch dahil sa kanila.

Nang matapos na kami sa pag chikahan. Nag pasya na kaming umalis ng canteen dahil may kanya kanya pa kaming klase tapos humiwalay na kami ng landas at tumungo sa tamang daan ay este sa next subject pala namin hehe. Buti nalang talaga at hindi ko nakita si Darryn ngayon dahil kung nagkataon na magkita kami ngayon baka lumubog ako sa kinatatayuan ko dahil sa hiya.

Pero talaga nga namang mahal ako ng tadhana ng bigla kung nakita si Darryn kasama ang dalawang lalaking kaibigan nya. Halos liparin ko namn ang CR maka tago lang. Buti naman at naka abot naman po ako at hindi nya ako nakita. Hooo! What a day!

* * *

Tapos narin ang klase ko sa wakas, makaka pag pahinga narin at the same time makakapag relax narin ako kasi wala kaming assignment at quiz bukas kaya hindi muna ako mag aaral haha.

Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na ako ng room para umuwi na. Sumakay na ako ng jeep hindi naman masyado siksikan kaya maginhawa ang pag biyahe ko. Nang maka uwi na ako ng bahay nagpahinga muna ako saglit tsaka bumaba para mag merienda nagutom kasi ako bigla.

Pagdating ko sa kusina nakita ko si mama na gumagawa ng cake. Ang bango talaga pag gumagawa si mama ng cake parang natakam naman ako kaya lumapit ako kay mama at kiniss sya sa pisngi nagulat naman sya pero ngumiti din agad.

"Ma tulongan na kita." pag vo.volunteer ko sa kanya pero tinapik nya lang ang kamay ko na kina simangot ko. "Wag na baka pumalpak pa eh." sabi nya pa. Mas lalo akung napasimimangot.

"Oh ba't naka simangot ka jan?" naka ngiting sambit ni mama. Umupo naman ako sa high chair habang busy sya pag de.decorate ng cake. "Sabi mo kasi baka pumalpak ang gawa mo kung tutulong ako." sabi ko habang nakasimangot parin ang mukha ko.

"Biro lang anak, sige tulungan mo nalang akung linisin tung mga utensil na ginamit ko tapos mag hugas ka narin ng mga plato jan." utos nya, ginawa ko naman agad ang sinabi nya. "Okay," mahinang sagot ko. Nag linis na ako at nag hugas narin ng mga plato.

"Nga pala anak paki bigay mo nga to kila tita Red mo tong cake na gawa ko pag katapos mo jan, ha?" utos nya habang nag huhugas ako ng mga pinggan. Bigla naman akung napahinto at hinarap si mama.

"Pupunta ako kila tita Red para ibigay 'yan? Are you serious, ma?" kinakabahan kung sabi kay mama. Holy mother! pupunta ako kila Darryn? Omg! Kahit gusto kung pumunta parang kinakain na ako ng hiya. Owaa!

"Do I look like I'm joking here, huh?" bigla akung kinabahan dahil sa sagot ni Mama. Teka lang naman oh! Talaga bang pupunta ako kila Darryn? OMG!

"Mama naman eh! Ikaw nalang po." reklamo ko. Nakakahiya naman pumunta kila Darryn. Naman oh! Hindi pa nga ako nakaka recover sa pagpapahiya ko sa sarili ko sa kanya kanina eh. Heto nanaman ako! Ano bang trip ni Mama?

"Hindi pwede aalis ako ngayon, pupunta akung supermarket para mag grocery. Dito ka narin muna walang maiiwan dito sa bahay eh."

"Pero mama!" naman oh! Nahihiya pa kasi ako kay Darryn,eh. Hindi ko pa sya pwedeng makita baka kasi pag tawanan pa ako nun dahil sa ginawa ko kaninang umaga.

"Basta bigay mo to sa kanya ha? Tsaka nasa refregirator ang merienda mo aalis na ako." Umalis na si mama at nag disappear sa kusina habang ako kinakabahan na. OMG! Anong gagawin ko, Lord?

* * *

Nandito na ako sa tapat ng bahay nila Darryn halos hindi ko magawang mag doorbell kasi kinakabahan ako na naiihi at the same time parang masaya narin kasi makikita ko nanaman sya kahit napahiya ako sa kanya kanina. Pero kahit ganun kakalimutan ko nalang ang lahat, bahala na. Go Dusty kaya mo to hoo! Fighting! Aja! Mag papanggap nalang akung walang nangyari kanina. Oo, ganun nga! Hoo! Ito na!

Nag door bell na ako pero parang wala namang tao. Nag door bell ulit ako pero hindi paring bumubukas ang pinto. Asan kaya sila Tita? Umalis kaya sila? O, baka natulog? Ang aga naman ata? Hay! Ano ba 'yan. Nag door bell ulit ako ng paulit ulit pero wala paring bumubukas ng pinto. Last door bell ko nato pag di pato bumukas sisirain ko na talaga to I mean aalis na pala ako.

Nag doorbell ulit ako pero wala parin. I guess wala talagang tao. Ano pa bang aasahan ko? Baka wala rin si Darryn dito baka may klase pa sya ngayon. May disappointment akung naramdaman pero binaliwa ko nalang 'yon. Mas magandang hindi ko na muna sya makita para naman malimutan nya na ang nangyari sa akin kanina. Hay, sana nga makalimutan nya na..

Tatalikod na sana ako ng makarinig ako ng pag pihit ng door knob kaya naman napahinto ako at napalingon ako. Pag bukas ng pinto ay tumanbad sa akin ang merienda ko ay este si Darryn na gulong gulo ang buhok at naka topless pa ito habang kinukusot kusot pa nito ang mata nya halata mung bagong gising. Napalunok nalang ako habang tulala sa nakita ko. OMG! Nasa langit nako waaaah!

Bigla naman s'yang napatingin sa akin habang naka poker face lang sya. Ako naman naka tingin lang sa 6 pack abs nya at este sa mukha nya pala. Nako ano ba 'yan nakaka temp. naman tong lalaking to gahasain ko to eh, haha.

"Ahm, ano p-pinabibigay p-pala ni mama sa mommy mo tong cake na gawa nya." nauutal kung wika sa kanya takte ang lakas ng tibok ng puso ko tapos parang nanginginig pa akung binigay sa kanya ang cake. Leche naman eh! Bakit parang hihimatayin na yata ako? Pag nahimatay ako 'wag naman sana sa harap nya, please. Huhu!

Kinuha naman nya ito tapos tumalikod at sinara ang pinto. Natulala ako ng ilang segundo bago natauhan. Para naman akung nakahinga ng maluag at napa upo sa lupa. Hay, akala ko mamatay na ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Pero teka wala lang bang thank you doon sa cake na binigay ko? 

Wala ba talagang effect ang charms ko sa kanya?

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

31.5K 500 7
compilation of my favorite stories taken from the net..
873K 20K 54
What if magising kana lang one day na ipapakasal ka sa isang lalaking "Prince Charming" ng lahat ng kababaihan sa buong pilipinas. Ano kaya ang magi...
462K 6.7K 52
kasumi de guzman,mayaman,maganda,matalino perpekto pero hindi matangkad,inosenteng dalaga pero nabago iyon nung nagpakasal siya o sabihin nating forc...
111K 3.1K 45
Harley and Patrick are bestfriends for a very long time. Along that very long time is Harley's hidden feelings for Patrick. Is it worth it to risk yo...