BEHIND THAT HOODIE IS HIM(DRE...

By MelodyLove_30

1.2K 67 15

HYUNHYUN COUPLE FANFIC SERIES #1 "Even if in the present time, my heart will always be yours. Even though you... More

PROLOGUE
MAIN CHARACTERS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
AUTHOR'S NOTE
BOOK 2(PROLOGUE)
CHAPTER 16(BOOK 2)
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 8

33 3 0
By MelodyLove_30

His Goodbye?

Theo's POV

Just a few days away, my group's basketball tournament is about to take place. It's just that I'm worried that the first person I want to see that day might not watch. In every game my friends and I play, she is the only one I really look forward to watching and supporting us. Especially for me. Will she come? Will she be there to watch?  I know Terrence is suspicious of what I said in the cafeteria. But hopefully, he won't go ahead with what he's planning. That wasn't bad but I knew for myself that he was ready to go after Avyanna. And it is not unlikely that the girl I love will fall in love with him.

While Shan and Terrence were at home, I heard Terrence tell our friends that he was going to find a way to make Avyanna fall in love with him. And that's what I'm afraid of. I'm afraid that will happen but I feel it. I feel like Avy will fall in love with him. He asked my friends for support. It's not that I don't want to support him since he's my best friend, but I just can't accept that my queen will be with him. In all the years I've loved Avyanna from afar, I still manage to protect her even if only in secret. I have a fear that she might not remember me anymore. I don't know if I should stop or just let myself get tired of loving her this way.

Am I really going to let her go to Terrence if I know for myself that I can make her mine? She's the only one who can make my mind and heart crazy. She never fails to do that. Every single day, my heart is always looking after her and wherever she goes. I don't know why my love for her has such an effect. It's like there's no end. She won't even remember me but I hope when the time comes, I can make her fall in love with me. And when I do that, I will make sure that I won't let her go no matter what.

In every smile she wears, in every moment I'm hoping that I could make her mine someday, and in every prayer I make so that my wish will come true. I ask for nothing more than for her to remember me and love me back. Even if it's not her mind but her heart. But right now, I know it's vague. It's vague because she's actually very close but difficult to reach. She is like a star that is beautiful to watch from afar, shining even though it is out of reach but one day, it will be reached. Maybe not this time, but I hope the day will come when I can see her not just from afar like I always do to her but up close. And I will do everything just so I won't lose her.

My heart is too eager to love her when I have the chance to be with her. If I could only turn back the time, I won't let her die that day our love is forbidden to have. But I promised till my last breath that I will find her no matter everywhere in our next lifetime. And this time, it finally happened but unfortunately, I couldn't just make it easier. I have to take it easy since she doesn't remember me but I know her heart will.

Avy's POV

Habang naglalakad kami sa hallway ni Majesty, may naririnig kami na kung anong magaganap nitong linggo. Everyone kept gossiping, mumbling and whispering close to someone they were talking to. Nakakunot ang noo namin habang naglalakad at nagulat ako n'ong biglang sumulpot si Iyah tsaka pumagitna sa amin ni Majesty at umakbay.

"Hey, what's up, girls? May ibabalita ako sa inyo. I'm sure you'll be thrilled about this," nakangiting aniya. Nagkatingnan kami saglit ni Majesty saka napatingin sa kanya.

"What is it?" I asked curiously.

"Magkakaroon tayo ng camping trip malapit sa isang beach! Gosh! I'm so excited!" mahinang pagtili niya habang napatakip ang kamay niya sa kanyang bibig.

"So what? Anong gagawin natin do'n?" nakangising ani ko. Inaasar ko lang talaga siya kaya agad siyang napasimangot.

"Iniisip ko kung yayain ko kaya si Shan na magcamping date kami. What do you think?" nasobrahan yata ang tulog nito kaya masyadong excited.

"As if papayag siyang makipagdate sa'yo. Tsaka saan mo ba nahalungkat 'yang binalita mo sa'min ni Majesty?" sarkastiko kong sambit.

"Don't yah worry, sissy. I will make him fall in love with me. And if you were asking where I heard it from, well, someone just told me. May announcement naman mamayang break time. At 'yon ang inaabangan ng lahat. Lalo na kung sasama ang TCE. I'm sure it'll be fun!" kinikilig niyang sabi kaya napangiti na lang kami.

"Ilibre mo na lang kami kapag napapayag mong makipagdate sa'yo si Shan. At panigurado akong kinabukasan, ikaw ang laman ng balita dito sa campus. Or worse, susugurin ka ng mga fan girls niya," pang-aasar ko pa.

"Hindi 'yon. Kaya ko naman sila. Asawa ko kaya si Shan, you know that. Tsaka andyan naman kayo para tulungan ako, right?" paninigurado niya kaya napailing kaming dalawa ni Majesty.

"Sabi mo kaya mo sila, Ate Iyah, di ba?" nagpipigil na tawa ni Majesty. Tumango-tango si Iyah saka ngumiti nang mapalad.

"There's one more thing. After our camping trip, the next five days will be TCE basketball tournament. Paniguradong mapupuno na naman ang gymnasium natin ng mga tao mula dito sa campus natin pati sa Astraeus. Sana this time, makasama sila sa championship," kwento niya pa sa'min na tahimik lang na nakikinig sa kanya.

Sa buong klase namin, 'yon ang pinag-uusapan. Nang matapos, nagsipuntahan na kami sa gymnasium kung saan mag-announce patungkol pa sa ilang detalye sa darating na camping trip. Napuno ng bulungan ang loob ng gymnasium. Excited ang lahat habang ako, parang wala lang sa'kin. Tumahimik ang lahat ng magsalita na ang Dean ng Morpheus University.

"Magandang hapon sa inyong lahat, sa mga estudyanteng naririto. Gusto ko lamang ikumpirma ang patungkol sa camping trip this week. Make sure to prepare all the things you're gonna need especially an emergency kit. We will announce inside the bus who's gonna be your seatmate as well as your partner inside the tent," panimula ng Dean namin.

"And good news for all the fans of TCE. Posibleng isa sa inyo ang maaaring makasama nila sa iisang tent. But don't expect it because we're not yet sure about it. Pag-uusapan pa namin ang tungkol doon. And before I forget to tell you, dalawang araw lang tayo doon. We will conduct different activities either in the mountain or the beach near to your camping site," dagdag na aniya kaya nagsitilian ang lahat. Hindi naman talaga ako umaasang may makakasama ako sa isa sa kanilang pito sa tent. Pagkatapos ng announcement, nagsiuwian na kami.

Mabilis lamang lumipas ang ilang araw hanggang sa kinabukasan na ang camping trip namin. Maaga kaming pupunta sa campus para hindi kami mahuli at maiwanan ng bus. Gabi pa lang, inihanda na namin ang mga kakailanganin namin ni Majesty saka kami natulog nang maaga. Kinabukasan, naabutan namin na sunud-sunod na nagsisakayan ang ilan sa bus at by sections naman kaya okey lang. Umupo ako sa halos dulong parte ng bus. Maya-maya, may tumabi sa'kin. Nagpaalam siya kung pwede siyang makiupo kaya tumango lang ako. Pero hindi nagtagal, sunod na dumating si Terrence at kasunod niya si Theo. Nakatingin si Terrence sa kung saan ako nakaupo tsaka inis na tiningnan ang katabi ko. Lumapit siya sa'min saka may binulong sa lalaking katabi ko. Pero nagtaka ako n'ong umalis ito sa pwesto at lumipat sa kabila.

Ngiting-ngiting umupo sa tabi ko si Terrence. Sabi ko na eh. May binabalak siya kaya binulungan niya 'yong dapat na katabi ko. Inirapan ko siya nang tumingin siya sa'kin. Kahit kailan talaga.

"Oh, bakit ka andyan? Dyan ka ba nakaupo?" inis kong turan kunwari sa kanya. Mapalad ang ngiti niya saka tumango-tango.

"Yup," maikling sagot niya.

"Sigurado ka? May listahan ang mga prof natin kung sino ba ang dapat na magkatabi sa upuan, Terrence," sambit ko.

"Trust me, Avy. You'll see later," ngisi-ngising aniya. Nagtataka ako sa sinabi niya pero nagkibit-balikat na lang ako. Let's see, Terrence.

Maya-maya, napuno na ang bus kaya huling sumakay ang prof na nakatokang magbantay sa amin sa loob ng bus. May hawak-hawak siyang papel na sa tingin ko'y listahan. Matapos matawag ang ilan sa mga kaklase ko, ako naman ang sunod. Hindi ako makapaniwala n'ong nalaman ko ang apelyido ng makakatabi ko.

"Ms. Beverleigh and Mr. Thompson," announced ni prof. Nagtataka akong tumingin kay Terrence pero nagkibit-balikat siya habang may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

"Did you plan this?" I asked curiously.

"Maybe. Sort of, I don't know. Kung anong nakalagay sa listahan, 'yon naman. Tsaka buti nga, nahulaan ko na ako pala ang makakatabi mo," natatawang aniya. Agad ko siyang inirapan.

"I know you planned it, Terrence. Masyadong halata sa pagngisi mo na 'yan, hayst," iling-iling na ani ko. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa bintana ng bus. At di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nakarating na kami sa pupuntahan namin ng halos tatlong oras. Tumigil kami sa tapat ng gilid ng gubat. Nagsibabaan na kami at sunud-sunod na nagsiakyatan sa magubat na bundok. Nakabantay pa rin sa amin ang mga prof. Halos isa't kalahating oras ang nilakad namin paakyat ng bundok kaya ang iba'y nagrereklamo na dahil sa pagod. Uminom muna kami ng tubig at huminga nang malalim para ikalma ang aming mga sarili bago nagpatuloy sa paglalakad.

Pagod na pagod kaming huminto sa pagtatayuan na namin ng mga tent. Sunud-sunod na rin nagsidatingan ang ilan. Nagpahinga muna kami ng kaunti saka nagset up ng tent para mamayang gabi. Masyadong maaga para magset up pero pinayagan sila dahil antok pa ang ilan sa biyahe. Sumama naman kami sa iba para tingnan ang beach na malapit lang halos sa camping site namin. Saglit lang namin nilakad 'yon hanggang sa bumungad sa amin ang malawak, maputing buhangin, asul na tubig at paakyat na araw sa dagat. Napanganga kami sa napakagandang tanawin. Mamayang tanghali pa kami papayagang magswimming dahil tulog pa ang iba. Tumingin-tingin kami sa isang resort malapit lang din doon. Hindi na halos mapakali ang ilan sa sobrang excitement na makaligo na sa dagat.

Nang magtanghali na, nagsitakbuhan na ang iba para sumisid habang ang iba nama'y nag-ihaw ng isda. Matapos naming kumain ni Majesty, nagpauna na kami kay Iyah na nakaupo sa may kubo habang kumakain. Humiram kami ng surfing board saka patakbong pumunta sa dagat. Marunong kaming dalawa simula noong mga bata pa lang kami. Sinanay kami ng magulang namin na marunong kami sa halos lahat ng sports na makakatulong sa amin tulad ng swimming at martial arts. Hapon na kaya nagsibalikan na kami sa camping site. Naligo na kami ng deretso bago sumunod sa iba paakyat ng bundok. Hinintay muna kasi namin ang dahan-dahang paglubog ng araw.

Nang makabalik kami sa camping site, nagtipon-tipon ang lahat para sa magiging announcement tungkol sa makakasama namin sa tent. Akala ko pa naman makakasama ko si Iyah o kaya si Majesty. Matapos tawagin ang makakasama ng iba sa tent, nanlaki ang mga mata ko nang banggitin ang pangalan ni Theo. Pati ang ilan ay napatingin at nalingon sa kinatatayuan ko. Tama ba ang narinig ko? Siya ang makakasama ko sa loob ng tent?

"What? It's impossible, prof. You should changed it," Beatrix demandingly said as she gave me a warning stare. As if maaapektuhan ako sa paraan ng tingin niya. Wala akong pakialam kung maglumpasay pa siya sa inis at galit.

"I'm sorry, Ms. Collymore, pero ito ang nakalagay sa listahan," paumanhin ni prof sa kanya. Lumapit din si Terrence kay prof saka may sinabi pero umiling lang ito bilang tugon. Hindi pa man ako nakakaalis sa pwesto ko n'ong may humila sa kamay ko. Do'n ko lang napagtanto na si Theo pala 'yon. Inayos niya ang upuan namin saka niya ako unang pinaupo. Umupo siya sa kabila saka tumingin sa mga bituin.

Habang nakatingin siya doon, nagtataka naman akong nakatingin sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Nakikita ko naman siya ng malapit pero hindi ganito kalapit kung saan magkatabi lang halos kami.

"If you're gonna stare at me like that, paniguradong kanina pa ako natunaw," sambit niya na agad kong napagtanto 'yon kaya umiwas ako nang tingin. Ngayon ko lang narinig ng malapitan ang boses niya. Malalim 'yon at makapal.

"Bakit ka naman matutunaw?" takang-tanong ko sa kanya pabalik. Lumingon siya sa direksyon ko kaya nagtama ang paningin namin. At sa hindi malamang dahilan, para bang saglit na lumukso ang puso ko sa tuwa.

Ilang segundo kami nagtitigan pero ako na mismo ang unang umiwas muli nang tingin dahil hindi ko kinaya kung paano siya makatitig sa mga mata ko. Bigla kong naalala 'yong lalaking nakilala ko n'ong bago ako magsixteen years old. Parehong-pareho sila ng boses, ang mga mata nila'y nangungusap at ang paraan ng pagtitig ng mga 'yon sa'kin ay nagpapalukso sa puso ko sa hindi malamang rason.

"I melted already whenever you stare at me like that. Not just me but my heart as well, Avy," he seriously said. Lihim akong napangiti pero hindi ko alam bakit may epekto 'yon sa'kin.

Hindi na lang ako sumagot. Huminga ako nang malalim saka tumingin na rin sa mga bituin. Pero napansin kong kakaunti lang ito ngayong gabi. Saglit akong lumingon muli sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero para bang ang lalim n'on. Sa totoo lang, sa mg oras na ito ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi ko rin maipalawanag kung bakit 'yong sinabi niya'y naging malakas ang epekto sa'kin. Nginitian ko siya saglit.

"You know what? You're like those stars, it's so beautiful to stare because it's shining brightly but slowly fading and unable to reach. Just like you. I couldn't reach you. It's too difficult to do that to someone I love who couldn't even remember anything about what we've been in the past. But why my heart still won't stop loving you? It's been a decade since I found you here in our present time. But do you know what hurts the most? When my love for you didn't even change just like what I had for you before but your heart was trying to fall in love with someone else. I promised you that I won't love someone else but only you, Avy. Well, should I just break that promise since my best friend is gonna pursue you? I'm slowly losing hope right now," he said. Muli kong naramdaman ang pagkirot ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Katulad na katulad sa mga salitang binigkas ng lalaki ng gabi din na 'yon sa nakaraan ko.

"I---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya 'yon.

"You don't have to say anything. I just wanna let you know what I felt all these years. I've been keeping this for more than a decade, Avy. I never told anyone about this but I couldn't take it anymore. It's killing me already," he continued. Gusto kong maiyak sa mga sinabi niya. Masakit, sobrang sakit. Unti-unting tumulo ang luha niya pero agad niya 'yon pinunasan. Gusto ko siyang yakapin subalit hindi ko magawa.

"But can you promise me one thing?" nag-aalinlangan ako kung papayag ba ako o hindi dahil iba 'yong kaba na nararamdaman ko.

"W-What is it?"

"When I didn't came back for you, don't look for me. I'll just let myself loving you this way, Avy. And when I got tired, maybe...just maybe, that's when you're gonna remember me," pilit na ngiting aniya. 'Yong ramdam kong ayaw pumayag ng puso ko dahil ayaw kong mangako. Hindi ako tumango o umiling man lang. Lumapit pa siya sa'kin saka ako hinalikan.

Para bang lahat ay bumalik sa alaala ko. 'Yong paraan ng paghalik niya'y nananabik pero bakit masakit sa'kin? Aalis ba siya? Kaya niya ba sinabi ang mga 'yon sa akin? Tumugon ako sa halik niya pero katulad n'ong una ko siyang nakilala sa parke, bigla na lamang siyang naglaho sa paningin ko. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko kaya napaiyak na lang ako.

"Sissy. Sissy, gising. Magsisimula na ang activities natin sabi ni Prof," rinig kong pagyugyog sa'kin ni Iyah. Nagising ako pero naramdaman kong basa ng luha ang mukha ko. Nagtataka siyang tumingin sa'kin.

"Binabangungot ka ba? Kanina ka pa kasi umiiyak kaya nag-aalinlangan ako kung gigisingin ba kita," nag-aalalang aniya. Saglit akong umiling saka lumabas na kami ng tent. Maliwanag na at nasa labas na ang lahat. Pero ang mga mata ko'y may hinahanap. Gan'on na lang ang kaba ko nang hindi ko siya makita.

"Nakita mo ba si Theo?" nagtataka siyang tumingin sa'kin dahil sa tanong ko.

"Si Theo? Ang alam ko, nasa beach lang siya kanina. Bakit mo pala hinahanap?" sagot niya.

"Pero sino 'yong kasama ko sa tent kagabi? Hindi ba siya 'yon?" paninigurado ko pa. Mariin niyang hinawakan ang magkabilang-balikat ko.

"Nagkaamnesya ka ba o sadyang tulog pa 'yang utak mo? Ako 'yong kasama mo kagabi, sissy. Nagpalipat ako dito dahil baka masapak ko 'yong Beatrix na 'yon. Wala ka bang naaalala o nananaginip ka lang kanina kaya nasasabi mo 'yan?" hindi makapaniwalang aniya. Para akong sinampal ng reyalidad. Panaginip? Lahat ng 'yon? 'Yong mga sinabi niya sa'kin ay isa lang panaginip? Pero bakit...bakit ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses at mga sinabi niya? H-Hindi totoo lahat ng 'yon?

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 146 200
Supporting fellow Filipino aspiring authors in their works by promoting their stories. 😊 Looking for new stories to read? Do check this out! Book Co...
18.3K 356 43
Jett Jacobs was born a werewolf. He's seventeen and is the star goaltender for his school's hockey team. In fact, he is one of the top goaltenders in...
773K 28.7K 103
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
461K 31.4K 47
♮Idol au ♮"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...