I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

418K 24.9K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173

Chapter 156

731 31 0
By itsmarresemonika


Tumigil ang mga paa ni Miriel nang narating niya ang isa sa mga balkonahe ng kaniyang Palasyo, ang Draveth. Kahit na nasa kawalan matatagpuan ang kaniyang Kaharian ay magagawa pa rin niyang matunghayan kung ano ang mga kaganapana sa ibaba. Ni katiting ay hindi makakaligtas sa kaniyang paningin. Sa haba ng panahon ay ngayon lang niya naramdaman ang kalungkutan. Iyon ay nawala ang presensya ng inaakala na nag-iisang prinsesa ng Cyan na ngayon ay kinikilalang Emperatris ng Thilawiel na kasalukuyan itong nasa mundo ng mga mortal dahil sa ibinigay niyang misyon. Subalit, ang mas nakakapaglungkot sa kaniya ngayon ay ang ang kaganapan sa Thilawiel. Kahit ganoon ay maski siya ay nag-iisip siya ng paraan upang hindi lumobo ang dami at dumadarating na mga kalaban habang hinihintay nila ang pagbabalik ni Rini at ang mga kasamahan nito. Biglaan din ang kaniyang pagbabalik dito ay sa kadahilan na kinakailangan ang kaniyang presensya.

"Aking Panginoon, narito na po sila. Naghihintay na po sila sa inyong tanggapan." pormal na tawag sa kaiya ni Ezuna, ang kaniyang personal na kanang-kamay. Bahagya itong nakayuko kahit na nakalikod pa siya. Nanatili pa rin itong magalang at malaki angrespeto na ibinibigay sa kaniya.

Tinagilid niya ang ulo. "Naiitindihan ko. Papunta na ako." kaniyang sambit. Agad din niya hinarap ang kanang-kamay at nag-umpisa na niyang talikuran ang kaniyang nasasakupan na magulo pa rin. Ngunit, sisiguraduhin niyang babalikan niya ang mga emperador upang bumisita.

Nang nakalabas na siya sa kaniyang silid ay nanatiling nakasunod sa kaniya si Ezuna hanggang sa narating nila ang mismong silid-tanggapan. Nadatnan niya ang mga naghihintay sa kaniya. Mga kapwa din niyang diyos, matuturungan na kasing lebel lang ito nina Ceca, Frostine at ng mga iba pang diyos mula sa iba't ibang panig ng Imperyo. At dahil siya ang pinakamataas na katungkulan sa mundong-ibabaw ay kusang tumunog ng malakas ang kampana bilang tanda sa kaniyang padating. Walang alinlangan na pinagbuksan siya ng malaking pinto at humakbang papasok sa naturang silid.

Agad niyang napukaw ang atensyon ng mga bisita. Tulad ng iba pa niyang nasasakupan ay agad lumuhod ang mga ito upang magbigay pugay sa kaniyang pagdating. "Binabati po namin kayo, aming Panginoon." sabay-sabay na bati ng mga ito sa harap niya.

"Maaari na kayong magsitayo." malumanay niyang saad. Mabilis niyang dinaluhan ang hugis-bilog na mesa. Agad siya dinaluhan ni Ezuna. Hinila ang silya at inaalalayan na makaupo. Mahina siyang nagsabi ng pagpapasalamat. Tahimik na tango lamang ang isinagot nito sa kaniya saka umatras ito paatras. Tumayo ito sa isang sulok at tahimik na makikinig sa kanilang pag-uusap at kung ano ang magaganap ngayon. "Nais ninyo raw ako makausap. Maaari na nating simulan at pakinggan ang bawat daing ninyo."

Bago siya sagutin ay nahuli niya na nagpalitan ng tingin sa isa't isa ang mga kaharap bago man ito magsimula na magsalita. Ngunit, sa nakikita niya ay wala siyang nakikitang mali. Sa halip ay ginagapangan siya ng kaba dahil sa nababasa niyang ekspresyon sa mga bisita. Tila isang malaking problema na naman ang hatid na balita sa kaniya---panibagong trabaho na naman ang gagawin niya sa kalagitnaan ng problema na kinahaharap nila sa mga demonyo!

"Panginoon, nais po naming sabihin na malaking pagkabahala ang umaapaw sa amin sa mga oras na ito." wika ng isa sa mga lupon.

Kusang naningkit ang kaniyang mga mata. "Anong ibig mong sabihin?" may bakas na pagtataka 'yon.

Kumawala ito ng malaking buntong-hininga. "Hindi lang ang mga demonyo ang lumalabas ngayon. Maski ang mga nilalang na hayop na tao ay lumalabas na din sa kani-kanilang kuta." lakas-loob na tugon nito. "Ang buong akala natin ay ang tanging Panginoon ng mga demonyo at ang mga kampon nito ang bibigyan natin ng pansin sa pagkabahala na maghahasik ito ng lagim, na gugulo sa tahimik na mundong ito, ngunit, nagkakamali tayo."

Natigilan siya sa ipinahayag ng kaharap. Napalunok siya't bahagyang iniyuko ang kaniyang ulo. Lumapat sa mesa ang kaniyang paningin. Siya nga, hindi inaasahan ang balita na kaniyang naririnig ngayon. Iyon din ang kaniyang kalkulasyon. Ang mga nilalang na kalahating tao at kalahating halimaw ay nagulo na din. Siguro ay dahil na din may dugo ng mga demonyo din na nalalaytay sa mga katawan nito. Sa pagkakatanda niya ay matagal nang nailagay sa tahimik ang mga nilalang na ito. Binigyan niya ito ng lugar na malayo sa gulo at mangangako na wala itong papanigan sa hinaharap pero ano ito? Maraming katanungan ang pumapasok sa kaniyang isipan subalit, wala siyang mahanap na tamang kasagutan!

Hindi niya mapigilan ikuyom ang kaniyang mga kamao. Nagtiim-bagang siya, hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili. Ang buong akala niya ay magiging maayos ang gusto niyang mundo sa mga kamay niya pero unit-unti na itong gumuguho sa kaniyang mga kamay. Pumikit siya ng mariin. "Pag-iisipan ko kung ano ang maaaring gawin para sa bagay na 'yan..."

"May isa pa pong problema, Panginoon." pahabol ng isa pa. Agad niyang tiningnan ito. "Magigising na din ang reyna ng mga bruha."

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa narinig. "A-anong..." ang tangi niyang masabi dahil sa pagabigla. Halos kakapusin na siya ng hininga.

Umukit ang labis na pag-aalala sa mga mukha ng mga kasamahan.

"Hindi lang ang mga demonyo, tao na hayop at reyna ng mga bruha ang kinakailangan nating bigyang-solusyon, Panginoong Miriel." biglang wika ng isang lalaki. Agad niya 'yon binigyan-pansin. Nasa harap niya mismo ito. Kulay pilak ang buhok nito at maputi. Sa katunayan ay halos masisinag na siya sa sobra nitong kulay, dagdag pa na maputi ang balat nito. Seryoso itong nakatingin ng diretso sa kaniiya. "Kung hindi mo napapansin, nagkulay pula na ang buwan tuwing sumasapit na ang gabi. Alam kong alam mo ang ibig nitong ipahiwatig."

"Kulay pulang... Buwan...?" halos pabulong 'yon. Lumalalim ang pag-iisip niya, animo'y naghuhukay mula sa nakaraan. Nanlaki ang mga mata niya nang napagtanto niya ang ibig sabihin n'on. "H-huwag mong sabihin..."

Marahang pumikit ang lalaking diyos at tumango. "Tama ka, Panginoong Miriel. Siya nga at wala nang iba pa." tumalim ang kaniyang tingin. "Muling mabubuhay ang diyos ng digmaan." kahit anong gawing pagiging kalmado ay hindi pa rin maitanggi ang labis nitong pag-aalala para sa mundong ibabaw.

Mas nanigas siya sa kaniyang kinauupuan nang mabanggit ang mas nakakabiglang balita. "P-papaanong..." hindi na niya madugtungan ang susunod na sasabihin. Bigla siyang tumayo na ikinagulat ng kaniyang mga kaharap, maski si Ezuna. Tinalikuran niya ang mga ito at dali-dali siyang lumabas ng silid-tanggapan. Tila natataranta siyang pumunta sa isang lugar. Rinig pa niya ang pagtawag sa kaniya ay hindi siya nag-abala pang tumigil o tingnan man ang mga ito. Ayaw niya lang din ipakita kung ano ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na ito. Ang buong akala niya ay iisang problema lang ang mabibigyang solusyon. Mali pala. Dahil patong-patong na ang problema na dumagdag. Sa totoo lang ay may halong pagsisisi ang kaniyang nararamdaman kung bakit hinayaan niyang sumama ang kaniyang guro na si Hyrus sa mundo ng mga mortal. Alam niyang mas malakas ito kaysa sa kaniya at malaking tulong ang presensya nito sa oras na makaharap nila ang sinasabing diyos ng digmaan. Mayroon ding parte sa kaniya na ayaw tanggapin ang sistema ang katotohanan. Nais niyang malaman o makita kung totoo ba ang sinasabi ng mga bisita ukol dito.

Napadpad siya sa pinakaibabang bahagi ng Palasyo. Nasa harap niya ang malaking pinto na bakal na siya mismo ang naglakip ng mahika na hindi ito basta-basta masisira man lang. Taas-baba ang kaniyang dibdib dahil sa dalawang rason. Medyo napagod at nahaluan iyon ng kaba at takot. Lumunok siya saka humakbang palapit sa pinto. Inangat ang isang kamay saka itinapat 'yon sa naturang pinto. Hinawi niya ang malakas na mahika na pumapaloob sa pinto hanggang sa dahan-dahan itong nagbukas. Tumambad sa kaniya ang madilim at tahimik na silid. Hindi rin siya nag-alangan na pumasok. Sa ilang daang taon nang nakalipas ay ngayon niya ulit binista ang lugar na ito. Kung tutuusin ay wala siyang makikita sa lugar na ito, maliban lamang sa isang bagay na tanging tinatamaan ng liwanag ng buwan, ang isang mahiwagang kulungan na dahilan upang manigas siya sa kinakatayuan niya ngayon. Halos wala siya sa sarili nang matagpuan niya na wala na nang laman ang sinasabing mahiwagang kulungan.

"Panginoong Miriel!" rinig ang pagtawag sa kaniya mula sa kaniyang likuran. Tama, nagawa siyang sundan ng mga ito, kasama na doon ang kanan niyang kamay. Hindi pa rin niya magawng tingnan ang mga ito pero inaasahan na niya kung ano ang magiging reaksyon sa oras na makita kung ano ang kinahahatungan ng bagay na nasa harap nila. Rinig niya ang pagsinghap. "Hindi ba't..."

Marahan siyang pumikit at yumuko. Tama ang mga ito. Ang kulungan na nasa harap nla ngayon ay ang kulungan kung saan nila inilagay ang tinutukoy na diyos ng digmaanat siya, mismo ang naglagay sa itinuturing na diyos noon. Subalit mas ipinagtataka niya kung papaano nakawala ito sa gayon ay matinding mahika ang kaniyang pinakawalan. Sinisiguro niya na hinding-hindi ito makakatakas.

"Panginoong Miriel?" mahinang tawag sa kaniya ni Ezuna, mas bakas doon na pagkabahala.

"Sa kabila ng malaking kaguluhan sa Thilawiel, na paniguradong madadamay din ang iilang karating bansa at Imperyo, kukunin ko ito bilang aking personal na misyon." bigla niyang saad.

Nanlaki ang mga mata ng mga ito. "Panginoon, huwag mong sabihing..." mas nag-alalang wika ng mga lupon.

Doon na siya nagkaroon ng pagkakataonna harapin ang mga kasamahan. "Ako mismo ang hahanap sa diyos n digmaan. Ako mismo ang huhuli sa kaniya." mas matigas niyang turan.

"Kung iyan ang inyong magiging pasya, hayaan ninyo po akong sumama sa inyong paglalakbay." si Ezuna na hawak ang dibdib nito.

Agad siyang umiling. "Patawad, Ezuna ngunit, habang wala ako dito ay kailangan pa ring may maiiwan dito..." huminto siya sa pagsasalita nang lumihis ang kaniyang tingi sa likuran ni Ezuna. Ang lalaking diyos na nakapagsabi tungkol sa pagkawala ng diyos ng digmaan. "...At nakapagpasya na ako kung sino ang maari kong isama sa aking paglalakbay."

"Sino ang tinutukoy ninyo, Panginoong Miriel?"

"Ang lalaking iyon." kusang naningkit ang kaniyang mga mata. "Ang diyos ng Kalayaan, si Amus."

Kita niya kung papaano natigilan ang pangalan ng diyos na kaniyang binabanggit. Para bang hindi ito makapaniwal na bigyan ito ng malaking karangalan na isama sa kaniyang paglalakbay.

"Ngunit, Panginoong Miriel. Hindi po ba't inaasahan ninyo din ang pagbabalik ng itatanghal na emperador at emperatris ng Thilawiel mula sa kanilang misyon?" dagdag pa ni Ezuna. "Kung tutuusin ay maaari kayong magbigay ng utos sa iba pang diyos at diyosa bilang misyon na hanapin ang diyos ng digmaan."

Sa totoo lang ay hindi rin maalis sa isipan niya ang bagay na 'yon. Kailangan din niyang salubungin ang pagbabalik nin Rini at Otis, maski ang mga kasamahan ng mga ito, kabilang na din ng kanilang guro na si Hyrus May punto din naman si Ezuna. Maaari niyang utusan ang iba pang diyos at diyosa subalit, mas nanaig sa kaniya ang pangamba na madadamay din ang iba pang bansa at Imperyo sa paglusob ng mga demonyo at mga halimaw pero na wala na siyang pagpipilian pa. 'Kung nabubuhay pa si Lorah ay malaki din ang maitutulong niya sa sliranin na ito.' sa isipan niya. Marahan siyang pumikit. May sumagi sa kaniyang isipan ang isa pang dan upang matulungan ang mundong-ibabaw at 'yon ang una niyang bibisitahin bago niya tahakin ang matindingp paglalakbay at pahahanap. Dumilat siya't binalingan ang kanang-kamay. "Nakapagpasya na ako, Ezuna. Noon pa man ay isa ako sa mga nagpigil sa pagwawala ng diyos ng digmaan. Inaasahan ko na magagawa ko muli ang bagay na 'yon sa paglipas ng ilan daag taon."

"Aking Panginoon..."

"Ikalat ninyo ang balita na ibinigay ninyo sa akin sa iba pang diyos at diyosa sa iba't ibang panig ng mundo. Nais kong mapaghandaan nila ng maayos ang mga unos na dadating pa. Hindi lang ang mga demonyo ang bigyan nila ng pansin." seryoso niyang utos sa mga kasama.

Sabay na lumuhod ang mga ito sa harap niya. "Masusunod po, aming Panginoon."

**

"Elio Mancini for you. And you give me sleepless nights. You can't get out off my head and it's driving me crazy, lady."

Unti-unti ko kinukuyom ang aking mga kamao. Nanatili pa ring nanlalaki ang aking mga mata. Hindi matanggal ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko ngayon, ang lalaking nangangalang Elio Mancini. Ang lalaking dumukot at dahilan kung bakit ako naririto. Ayos lang sana na dukutin niya ako dahil makakagawa ako ng paraan upang matakas. Pero ang bigla niyang pagnakaw ng halik sa aking mga labi, ibang usapan na 'yon! Gustuhin ko man saktan na ang walanghiyang ito ay pinipigilan ako ng mahigpit na bilin sa akin ni Ramael Black, na huwag na huwag kong ilalabas ang kakaibang kakayahan na mayroon ako kung ayaw kong magkaroon ng malaking kaguluhan sa mundong ito. Ngunit, anong magagawa ko? Dahil sa pagiging tampalasan ng isang 'to, na tila masisira ko na nga ang kasunduan na 'yon. Dahil sa kawalanghiyaan nito ay aahon ang malaking apoy sa aking sistema!

Rinig ko ang mahina niyang tawa saka tumayo na. Tinalikuran na niya ako. Nagpakawala na siya ng hakbang palayo sa akin.

"Sabihin mo, ano ba talaga ang pakay mo sa akin?" mahina pero hindi pa rin nawawala ang matigas na bigkas sa bawat salita.

"I just want to keep you here." he answered. "You need to take some sleep tonight. We can talk tomorrow." pormal niyang sabi. Muli siyang humakbang. Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Hindi mabura ang galit na aking nararamdaman pero pinipigilan ako nang may nararamdaman akong kakaiba sa loob ko ngayon!


"Argh!" malakas kong bulalas na dahilan upang tagumpay kong mapukaw ang kaniyang atensyon. Binaluktot ko ang aking katawan dahil sa sakit, lalo na sa parte ng aking dibdib. Isang pamilyar na pakiramdam ang gumagapang sa sistema ko. Unang beses ko naramdaman ito nang nagpakasal ako kay Emperador Yu Shan, noong nasa Jian Yu pa ako't hindi pa nabalik ang aking alaala. Pero ngayon, muli ko na naman naramdaman ito! Lalo na't nasa kamay ako ng mga kalaban at nakalagay sa ganitong estado! Kung mananatili akong ganito, tiyak hindi na ako aabutin pa ng bukas! Kailangan kong umalis---

"Hey, what happend to you?" medyo natatarantang tanong sa akin ng lalaki. "You alright?"

Dahil sa sakit na aking nararamdaman ay kahit ang pagsasalita ko ay nagagawa na nitong tangayin! Hindi ko magawang sumagot ng ayos. Ramdam ko na din ang mga mamumuong pawis sa iba't ibang parte ng aking katawan.

"Hey, Styriniana!" malakas na tawag nito sa akin. Nahihimigan ko ang labis na pag-aalala at takot. Nagpahabol pa siya ng mura saka nagmamadali siyang kalasin ang mga tali sa aking mga kamay. Tiningnan pa niya kung umakto lang ba ako ng ganito para makatakas. Maaari ko ngang gawin ang bagay na 'yon pero dahil sa kirot ay maski ang buong lakas ko ay unti-unti nang nawawala. Ang tanging magagawa ko lang ay mas binaluktot ko pa ang aking katawan at yakapin ang aking sarili. Dumapo ang isa kong palad sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso, na nalulukot ko na ang aking damit. Dahil sa sobrang sakit ay para bang sinasabi na ito na ang huling sandali ng aking buhay. Don't tell me...

"P-papa... Ma...Ma... Raegan... Eomund... Ced--eric... Ceola... R-Rina... O-tis... Dislton... Calevi... Ting...Fei..." nanghihina kong tawag sa kanila subalit bigo silang marinig 'yon.

And if I am going to die... Please, let me see you once again.

Ramdam ko na biglang may nagbuhat sa akin na tila isang prinsesa. "Open this dmn hell door!!" malakas nitong utos na nasa labas ng silid na ito. Tila may sariling pag-iisip ang mga ito. Kusang nagbukas ang pinto. Mas binilisan pa niya ang kaniyang kilos. "Ilabas ninyo ang sasakyan. We need to go in the nearest hospital, now!!" napupugto na ang kaniyang pasesnya nang utusan ang mga tauhan niya.

"Yes, boss!" saka tumakbo ang dalawang lalaki.

"Endure it for a while, Styriniana. I won't let you go whatever it takes." matigas niyang sambit habang patuloy pa rin niya akong dinadala kung saan man. "I will do everything to keep you safe..."

**

Malapad ang ngiti ang mag-asawang Ramael at Bethany Black nang nasa harap na sila ng pinto at sa likod no'n kung nasaan ang kanilang bisita. Mismong siya ang pumindot ng door bell. Wala pang limang katok nila ay kusa na 'yon nagbukas hanggang sa tumambad sa kanilang harap si Calevi. Natutuwa na sila dahil napapansin nila na mukhang nasasanay na ang mga hindi karaniwang mga bisita sa mundo ng mga mortal. Simpleng pambahay ang suot ng prinsipe na tagapagmana ng bansang Severassi. Pansin din niya na medyo basa pa ang buhok nito kaya sa tingin niya ay bagong ligo ito.

"Ginoo at Ginang Black, napabisita kayo..." magiliw na salubong nito sa kanila.

Inangat niya ang hawak niyang pagkain. "Sinadya talaga naming dumaan dito. Bumili na rin kami ng pagkain para sa inyo."

"Naku, nag-abala pa po kayo. " nilakihan nito ang awang pinto para makapasok na sila. "Pero maraming salamat."

"Ihahanda ko lang ito para makakain na kayo. Siya nga pala, nakauwi na ba si Rini?"

"Ah, hindi pa siya nakauwi. Sa katunayan ay kanina pa namin siya hinihintay pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya."

Nagkatinginan ang mag-asawang Black sa naging sagot ni Calevi. Agad sumilip si Ramael Black sa relo nito na nasla pulsuhan. "It's already pass ten PM." wika nito.

Kahit siya ay nagtataka. Alam niya kasing didiretso ng uwi si Rini pagkatapos sa misyon nito sa eskuwelahan. Masyado itong nag-aalala para sa mga naiwan na kasamahan. Hindi lang 'yon, ayaw nitong mag-alala ang mismong asawa na si Otis. How responsible wife she is. Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga saka ngumiti. "Tawagin ninyo na muna si Otis sa kanilang kuwarto para makakain na din siya..." saka dumiretso na sa Kusina para maghain na.

Kusang gumalaw si Calevi. Agad dinaluhan ang pinto kung nasaan ang silid upang tawagin na si Otis na nasa kuwarto kanina pa.

"Prinsipe Otis, narito sina Ginoo at Ginang Black, kakain na..." sambit niya habang nakatok.

Subalit medyo ipinagtataka niya kung bakit pakiramdam niya ay may mali. Wala rin siyang naririnig na kasagutan sa prinsipe na tagapagamana ng Thilawiel. Ang mas ipinagtataka niya kung bakit ginagapangan siya ng kaba sa kaniyang sistema? Dahil d'yan ay wala siyang magagawa kungdi mabilis buksan ang pinto ng silid. Kumunot ang kaniyang noo dahil wala sa naturang silid si Otis. Naniningkit ang kaniyang mga mata. Humakbang siya papasok. Napakamot siya ng ulo. Iniisip niya kung saan naman nagpunta ang isang 'yon sa gayon ay hindi nila na umalis ito sa harap nila? Sinuri niya din ang mga bintana ng silid. Wala siyang nakita na nagbukas 'yon. Lalabas sana siya ng may pumukaw ng kaniyang atensyon. Agad niyang binalik ang tingin sa bagay na 'yon. Isang librong na nagkakalat sa sahig. Bakit naman napadpad ang bagay na ito sa sahig?

Nilapitan niya 'yon para iligpit pero natigilan siya nang makita niya ang isang paa nasa gilid ng kama. Agad niyang tiningnan. Nanlaki ang kaniyang mga mata at suminghap nang madatnan niya ang kasama na nakahandusay na sa sahig. "Otis!" malakas niyang tawag ngunit bigo siyang sagutin nito.

Agad niyang nilapitan. Pinaharap ito sa kaniya. Mas lalo siya nawindang dahil daig pang wala nang buhay ang katawan na nasa kamay niya ngayon. Wala siyang alam kung ano ang nangyari sa prinsipe na tagapagmana ng Thilawiel, ang lalaking pinakamamahal ni Rini.

"Tulong! Tulungan ninyo ako!" hindi niya mapigilang sumigaw at humingi ng tulong sa labas ng silid. Hindi siya bigo na sagutin siya ng mga ito. Aligagang sumunod sa kaniya ang mga kasama, kabilang na ang mag-asawa.

"Anong problema?" si Prinsipe Ting Fei.

"Bakit nagsisigaw ka, Calevi?" si Dilston.

"Nakakatakot ang sigaw mo..." si Hyrus na bigla ding natigilan nang makita ang estado ngayon ng prinsipe na tagapagmana ng Thilawiel. "What the..." mabilis siyang daluhan nito.

"What happend to him?" labis na pag-alala ni Bethany. "We need to take him in the hospital!"

Agad dinukot ni Ramael Black ang cellphone mula sa bulsa ng coat upang tumawag sa pinakamalapit na Ospital. 

Continue Reading

You'll Also Like

11.6K 333 7
Adonis doesn't want to believe in love anymore because of what happened to his parents. If you don't want to get shot by Cupid's arrow, you must... K...
7.3K 503 25
METEMPSYCHOSIS COLLABORATION SERIES #5 Despite the fact that Savina took countless lives with her own hands, God seemed to be on her side becau...
107K 3.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...