Bully That Nerd

By Dimstykcm

9.8K 1.4K 108

#Bully Series #1 / Complete# "A Wrong Story, A Right Characters." "A Wrong Characters, A Right Story." If you... More

CHARACTERS
BULLY THAT NERD
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
BULLY THAT NERD
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE
Lessons
BULLY THAT NERD HAS OFFICIALLY ENDED
SPECIAL CHAPTER
BULLY DUOLOGY #2
BULLY DUOLOGY #2 - Titled?
READERS!!??
Thank you Homies

CHAPTER 26

118 12 1
By Dimstykcm

"Tria!"

Mabilis akong napalingon sa gawi ng pinto. Napangiti ako na makita si Bea, may pinuntahan kase siyang importante kaya ngayon oras lang siya nakapasok. Lumapit ito sa akin na malaki ang ngiti at napatayo ako ng hilahin niya ako. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong ballpen. Kunot noo kong tinignan nito.

"Teka nga,"hinawi ko ang kamay niya at pinulot ang nahulog na ballpen.

Ano ba nanyayari rito?

"Sasama ka sa akin."pagngiti niya.

Saan kaya na naman?

"Paano kung ayaw- oo na nga."bigla itong ngumuso at binawi ko na kaagad ang mga sasabihin ko.

Bumalik ang pagngiti niya na abot tainga at napatigil ako sa pagtalikod para kunin ang bag ko na maalala na hindi ko nga pala alam kung saan kami pupunta.

Muli ko siyang hinarap, "Saan nga pala tayo pupunta?"inosente kong tanong.

"Sa library lang!"halos itili niya ito.

Sa library lang naman pala. Ano kaya babasahin namin roon?

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at inilagay sabag ko. Nang lumabas na kami ng room ay ganoon na langang pagka gulat ko ng makita si Gordon sa gilid ng pinto.

Huwag nilang sabihin na siya ang nag-aya. Ngayon ko lang napagtanto na ang ngiti iyon ay isa lang ang tangingnagbibigay sa kaibigan ko.

Bakit 'di ko kaya kaagad naisip iyon?

"Kasama siya?"bulong ko at nauna kaming naglakad.

"Basta,"pagsawalang bahala niya sa tanong ko.

Tumingin ako sa likod, at tahimik lang naisnusundan kami nito. Bumalik ang tingin ko kay Bea at nagtaas-babaang mata ko sa buong katawan niya. Hindi ko man lang napansin na naka-uniform pala siya kaso hindi ko naman sinasabi na maikili ang palda niya ngunit halos kita na ang suot niyang cycling.

"Masiyado bang maikli?"tanong nito, siguro ay napansin niya ang pagtingin ko sa kaniya.

Wala akong alinglangan na tumango, "Dapat yung dati mo na lang palda, mas maayos pa iyon."sabi ko rito.

Hindi ito umimik.

Tahimik namin tinahak ang daan patungo sa library at nang makarating roon ay pumili kami ng upuan na nasa bandang dulo. Balak ko pa sana na humiwalay sa kanila dahil sila na nga ngunit ayaw naman ni Bea. Tinanong niya ito kay Gordon ay ayos lang daw ngunit nakakahiya talaga sa kanila.

Napansin ko ang mga matang nakatingin sa akin, na mas lalong nakakapang-ilang sa akin. Isinarado ko ang librong binabasa at tumayo.

"Lilipat na lang ako ng upuan."napatigil ako nang maramdaman ang kamay na humawak sa pulsuhan ko at napalingon rito.

"Hindi, dito ka uupo."wala akong alinglangan umupo at napako ang tingin kay Bea na abala pa rin sa pagbabasa.

Rinig ko ang mga bulong na tungkol sa amin. Hindi maklaro ngunit rinig ko ang mga pangalan namin.

Kinahapunan ay nagtungo kami sa garden para maglibot roon, matatayog na puno ang tumatakip sa sinag at init ng araw. Napatigil ako ng humiga sa kulay berde na damuhan si Gordon at sunod naman ay si Bea. Magkatabi sila at ako naman ay tumabi kay Bea.

Napaisip ako, bakit kaya naisipan gawin ito ni Gordon at dapat ay sila lang dalawa. Pansin kong lagi nila ako sinasama sa mga bagay na dapat sila lang dalawa. Tulad ngayon dapat sila lang ang magkasama pero mas mabuti na ito dahil nakakasama ko ang kaibigan ko, ilan araw ko rin siyang 'di nakasama dahil abala sa mga kaibigan niya.

"Enchanted Kingdom!"

Sigaw na pag-uulit ko. Pareho lang silang napatango. Muli akong napaisip. Di ba sila nagbibiro, pupunta ba talaga kami roon. Naramdaman ko ang paggalaw ng sasakyan na hudyat na umandar na ito. Bubuka pa lang ang bibig ko ay inunahan ako ni Bea.

"Huwag kang mag-alala nasabi ko na ito kay Manang sa tindahan, enjoying mo naman ang sarili mo… di puro trabaho at pag-aaral ang ginagawa mo."sermon nito sa akin ngunit ibinulong lang niya ang huling sinabi.

Naka t-shirt at pantalon lang ang tanging suot ko, samatala si Bea ay naka-orange na dress na hanggang tuhod.

Ano nga ba ang mamagawa ko at tumahimik na lang, sumilip sa labas ng bintana at pinanood ang amin mga nadadaanan. Hindi mawala sa isip ko si Lola baka kase anong mangyari sa kaniya at baka hanapin rin niya ako. O siguro ay nago- overthinking lang ako.

Tapos friday pa naman ngayon at dapat ay nasa cafe ako. Dali kong kinuha ang cellphone at itinext si Lincoln. Hindi ko kase alam kung may kasama siya sa cafe at 'di rin niya alam kung na saan ako ngayon. Napatigil ako sa pagpindot ng send.

Naramdaman ko ang mabigat na pumatong sa akin balikat. Dahan-dahan akong lumingon rito at napatigil na makitang si Gordon ito. Mabigat ang paghinga at pikit ang kaniyang mga mata. Hindi ko makita na klaro ang mukha niya dahil sa buhok nito. Nakasandal naman sa balikat niya si Bea at nasa balikat naman nito si Lincoln.

Matipid akong napangiti na makita ang pwesto namin. Hindi pa naman madilim ngunit halatang pagod na sila, iniisip ko tuloy paano pa kaya kung pauwi na kami at galing sa enchanted Kingdom.

Sa totoo ay unang beses ko pupunta roon at gusto ko sana ay kasama ang mahahalagang tao sa buhay katulad ni Mama kaso ay nagtratrabaho pa siya sa Spain. At naiintindihan ko iyon, na para sa akin ang ginagawa niya pero minsan ay gusto kong dito na lang sana siya magtrabaho.

Gusto ko rin kase makasama si Mama…

"Bakit basa 'yan cellphone mo?"paos na boses na rinig ko.

Umalis ito sa pagkakasandal sa balikat ko at mabilis kong pinunasan ang pisngi ko. Napako ang tingin ko sa screen ng cellphone ko na may patak ng akin hula at hindi ko alam kung napansin niya iyon. Mabilis ko pinunasan ito gamit ng kamay ko.

Lumunok ako ng tumitig lang ito sa akin. Mabilis na umiling at matipid na ngumiti. Muling bumalik ang paningin niya sa hawak ko. Napatingin rin ako rito at nakalimutan ko pa lang i-send ang itinext ko kay Lincoln. Mabilis kong pinindot ang send at pinatay na ang akin cellphone. Ilan beses akong napalunok sa sunod niyang ginawa.

Huminga ito ng malalim na nagpalalim sa mga mapupungay niyang sikit na mga mata. Marahan rin sinuklay ang buhok dahil sa mga ilan hiblang naliligaw sa noo niya. Umiwas ng tingin ito at napaurong ako ngunit wala nang uurungan pa. Pigil hininga ako ng muli niyang isinandal ang ulo sa akin balikat.

Anong ginagawa niya? Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan maramdaman ang ulo niya sa balikat ko. Ilan beses akong napapikit at pilit ikinakalma ang sarili ng maramdaman ang mabilis na pagtibog ng akin puso. Napakuyom ako ng kamao.

Sana wala naman akong sakit sa puso, wala kaming pera para pangpagamot ko. Ilan beses ko na rin nararanasan ko ito. At ang pakiramdam na ito ang ayaw ko.

Naramdaman ko ang mabigat na paghinga nitong katabi ko. Itinuon ko na lang ang sarili sa bintana. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na pala rin ako.

Sa pagkarating namin sa Enchanted Kingdom ay halos napa-awang ang labi ko na makita ang malalaking rides na andito. Mas maganda pala siya sa mga litrato at napapanood ko sa TV.

"Tara na sa loob Tria!"tili na rinig ko.

Mabilis akong napalingon kay Bea na hilahin ako nito papasok ng Enchanted Kingdom. Mabilis niyang ibinigay ang amin ticket at naiwan naman ang dalawang lalaki sa roon sa labas.

"Anong una natin sasakyan na rides?"humarap ito sa akin, peke akong napangiti at mabilis na umiling.

"Ayaw ko Bea."nakanguso kong sagot.

Hindi pa ako sumasakay sa kahit anong rides simula noon bata. At takot rin ako sa matataas na lugar o kahit ano pa 'yan.

Marami ang tao rito kaya halos nagpahila lang ako kay Bea at 'di humiwalay rito dahil ayaw ko rin maligaw. Hindi na din namin alam kung saan ang mga kasama namin dalawang lalaki. Huminto si Bea at napatingala ako, ganoon ang akin pagakagulat na isang mataas na rides ang nasa harapan namin ngayon.

Nakangiti itong humarap sa akin, "H-hindi Bea. Hindi."mariin na sabi ko pero ngumisi lang siya. Napasimangot ako at napakunot ang noo. Pagkababa ng mga sakay kanina ay kami na ang sunod, ngayon ko lang nalaman na kasunod pala namin sina Lincoln at Gordon. Sumakay na rin sila.

"Hind—"

"Hindi pwede."pagputol sa akin ni Bea.

Pigil hininga ako ng dahan-dahan itong tumaas. Akala mo ay ibababa ka rin ng dahan-dahan pero salungat ito sa mga napapanood ko. Mabilis ang pagbaba nito at muli ka rin itataas. Iniisip ko tuloy na mahihimatay ako mamaya. Mataas na rin ang kinatatayuan namin kaya pikit mata ako at inihahanda ang sarili sa mabilis na pagbagsak.

"I-isa, dalawa… T-tatlo."

Nagsimula na rin akong magbilang, kahit rinig ang masayang pag-uusap ni Lincoln at Bea. Si Gordon naman ay tahimik lang rin. Iniisip ko tuloy kung kinakabahan na rin ba siya.

"I-isa, dalawa… T-tat—"

Ang mga tili na narinig ko at ako ay napatigil sa naramdaman na parang nahiwalay ang akin kaluluwa sa mismong katawan ko. Napahawak akoa kamay ng akin katabi at napapikit na lang.

"Ang saya!"pagsigaw ni Bea pagbaba namin sa rides na nila na sinakyan ngayon.

Hindi na ako muling sumama pa sa kanila matapos ag rides kanina. Nanginginig ang akin mga tuhod hanggang ngayon sa takot at ang lamig ng akin mga kamay. Napansin rin nila ang akin pagkaputla. Mabuti at hindi ako sumuka.

"Ayos ka na ba?"nag-aalalang tanong ni Bea at napawi ang ngiti niya.

Matipid lang ako ngumiti at hindi na nagsalita pa.

"Here,"pagbigay nito ng tubig ay mabilis kong tinanggap.

Matapos ang huling pagsakay sa rides nila Bea ay umuwi na kami. Pero bago kami makarating sa bahay ay kumain muna kami sa isang mamahalin na restaurant. May pa take out pa sila para sa akin at kay Lola.

Ngayon ay nasa tapat na kami ng bahay at napansin ko na andito na rin si Lola dahil bukas ang pinto. Ako ang unang hinatid nila.

"Salamat ulit."pagpapasalamat ko sa kanila.

"Hindi noh, napasama ka pa ata e."nguso ni Lincoln at natawa kami pareho.

Seryoso lang nakatingin sa amin si Gordon. "Aalis na kami."paalam niya.

Si Bea naman ay nakatulog na sa sasakyan dahil sa pagod. "Yung kaibigan ko,"saad ko sa kanila.

"Ako na ang bahala."pagngiti ni Lincoln at siniko si Gordon.

Napailing ito, "Take care, siguraduhin mo lang na your okay."pagngiti rin niya sa akin.

Habol tingin ako sa pagtalikod nila. Sana sa susunod kaya ko na sumakay sa mga rides. Nakakahiya sa kanila. Ako na nga lang sinama nila ako pa ang naging kasalanan kaya 'di sila nakapagsaya. Dapat pala hindi na lang ako pumayag.

"Hay! Tria, anong ginagawa mo?"saad ko sa sarili pagkapasok ng bahay.

Ngayon ay abala ako sa pag-aayos ng gamit ko. Uwian na at rinig ko ang malakas na ulan mula sa labas. Inilagay ko ang notebook at ballpen na ginamit kanina sa klase. Matapos ay muli akong umupo para hintayin ang pagpapalabas sa amin ng Professor.

"Hoy, Ang sarap maligo ng ulan."napalingon ako sa katabi ko ng magsalita.

Abala niyang pinagmamasdan ang ulan sa labas ng bintana nitong room. Nakalumbaba pa siya bago bumalik ang paningin sa akin.

Ngumuso ito, "Kaso inaya ako nila Angel sa mall e."pagngiti niya ng matipid.

Ngumiti lang ako, muling tumingin sa harapan. Hindi ko na muli siyang narinig pang magsalita at isa-isa na kaming pinalabas ng amin professor. Nauna si Bea dahil sa katahimikan na meron siya at maya maya ay sinunod ako.

"Ms. Garcia!"

Dali kong kinuha ang bag ko at nakayukong lumabas ng room. Napatingin ako sa paligid at nag-aakalang hinintay ako ni Bea. Naalalang kasama niya pala ulit sina Angel.

Nang makarating ako sa harap ng gate ay pinagmasdan ko na lang ang malakas na ulan. Paano kaya ako makakauwi nito?

"Ligo tayo ulan!"tili na narinig ko kaya napalingon ako sa tabi ko.

Nanlaki ang akin mga mata na si Bea ang nakita ko. Napako ang tingin ko sa likod niya at andoon si Gordon. Tipid akong napangiti.

Akala ko ba aalis siya? Bakit andito siya?

"Akala ko ba kasama mo sina Angel?"di ko magawang hindi magtanong.

Hindi niya ako sinagot. Nabitawan ko ang akin bag sa paghila na ginawa niya. Huminto kami sa kalagitnaan ng parking lot rito. Nararamdaman ko na rin ang mga pagpatak ng ulan sa akin katawan. Malamig na hangin ang dumadampi sa akin balat.

"Haha."

Masaya itong nagtatalon-talon habang unting-unti na rin siya nababasa dahil sa ulan. Napangiti na rin ako. Pinanood ko ang pagsundo niya kay Gordon na todo iling pero walang nagawa dahil tinulungan ko na rin hilahin ito.

"Haha."patuloy lang sa pagtawa si Bea dahil nagawa niyang pasunurin si Gordon.

Pinagmasdan ko siya na nakatingala habang pikit ang kaniyang mga mata. Ang mga ulan na sunod-sunod tumulo sa kaniyang mukha na dahilan na mabasa ang buhok niya. Dahan-dahan nitong binuksan ang mata at pantay na tumingin sa akin.

Sunod kong naramdaman ang mabilis na pagkalabog ng akin dibdib. Mistulang walang ulan kami nagkatitigan. Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ko at parang nabunutan ng tinik nang sumulpot si Bea sa gitna namin.

Todo ngiti itong humarap kay Gordon at nag-iwas tingin ako. Nagsaya na lang rin sa pagligo sa ulan.

"Ms. Garcia and Ms. Ramos, pakikuha ng naiwan kong notebook sa library. May nakalagay na section ninyo iyon at pangalan ko. Nakapatong lang sa may lamesa ng librarian."

Mabilis kaming tumango ni Bea. Tumayo na kami at lumabas ng room. Mabilis naman niya kinuha ang cellphone at abalang nagpipintod doon. Nauna pa itong naglakad sa akin. Hindi niya siguro namalayan na kasama niya ako. Lumapit ako rito at inakbayan siya. Nakita ko sa screen kung sino ang kinakausap niya, Angel. Mabilis lang niya pinatay ang cellphone at matipid na ngumiti.

Tumahik na lang ako at nang marating namin ang library ay pumasok na kami roon. Mabilis akong lumapit sa librarian at nagtanong kung may naiwan na notebook rito ni ma'am. Mabilis namin itong nakuha at tulad kanina ay abala pa rin si Bea sa pagpintod sa kaniyang cellphone.

"Ang ganda, sino kaya iyan?"napalingon kaming pareho sa direksyon na iyon dahil sa narinig.

Halos labas ang buong ngipin ni Bea na makitang ang SSG officers ang andoon. At nakita na niya ang boyfriend niya. Lumapit ito rito at ako naman ay sumunod lang. Napatigil ito at ako na makita ang hawak sa sketch pad ni Gordon na nasa harapan niya. Isang babae itong nagsisintas ng sapatos niya. Hindi kita ang mukha dahil sa buhok na nakaharang rito na hanggang braso niya. Ngunit mukhang nasa itaas si Gordon habang iginuguhit niya ito, dahil medyo maliit ang pagkakaguhit rito at ang suot ng babae ay pantalon at isang simpleng t-shirt.

Mabilis kong inalis ang mata mula rito dahil mukhang pamilyar ito.

"Bea,"tawag ko sa kaniya.

"Ang ganda."nakangangang saad ng mga andito.

Napansin kong wala na pala sa tabi ko si Bea at habol tingin ako sa paglabas niya ng library. Sumunod ako at hinawakan ko siya sa balikat. Humarap lang ito sa akin na namumula ang kaniyang mata.

"Hindi kaya ako iyon."halos paos niyang sabi.

Tumingin lang ito sa ibaba at isang patak ng hula ang tumakas mula sa kaniyang mata.

Anong hindi siya iyon?

"Ikaw kaya yun…"





Continue Reading

You'll Also Like

20K 1 1
"Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted." Date started: November 4,2019 Date finished: June 13,2020
84.7K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
18.1K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.3K 111 33
*** Bilang isang panganay na babae na nasa wastong gulang na para mamuhay mag-isa at may maayos nang trabaho, pag-aasawa nalang ang hindi pa naaasika...