Promises Beneath The Blue Clo...

By ms_peppa_pig

3.2K 163 16

Yvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'wor... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 13

70 4 0
By ms_peppa_pig

I enjoyed the night with him. Ibang-iba si Miguel sa lahat ng mga lalaking nakadate ko na. He's a real gentleman. He's not boastful. Akala ko nga pakitang tao lang, pero hindi. Habang tumatagal ang pag-uusap namin, masasabi kong mas lalo ko s'yang nakikilala. Hindi ako gano'n karunong pagdating sa pagkikilatis ng tao, pero alam ko na 'yong pinakita n'yang kabutihan sa akin kagabi ay totoo. Madaldal din s'ya, malayong-malayo sa hitsura n'ya. Ang dami n'yang kinuwento sa akin kaya hindi ako nabagot o inantok habang kausap s'ya. Our conversation went smooth as well as our atmosphere. Walang ilangan na naganap kahit 'yon ang una naming pagkikita.

"So, what happened on your date? Does it went smoothly? May nararamdaman ka na ba para doon kay Miguel Tan?"

Napairap naman ako dahil sa naging tanong ni Daddy. Narinig ko naman s'yang ngusi. I know he saw how my eyes rolled even though his full attention was on papers.

"Alam mo, Dad. Nakakainis ka. Ang sabi mo ikaw ang ka-date ko. Sabi mo dinner date tayo, 'yon pala si Miggy—"

"Wait, wait, wait." Daddy said that makes me stop. "Did I heard it right? Miggy? Did you just call him Miggy?" He asked maliciously.

"Huwag mo ngang lagyan ng malisya ang pagtawag ko ng Miggy kay Miguel. That's his nickname, Dad."

"Bakit parang pakiramdam ko may nag-iba? Why there's something new now?"

"Ano na namang kadramahan 'yan, Dad?" Kunot noong tanong ko habang ang mga mata ay titig na titig sa Daddy ko na ngayon ay ang ali-aliwalas ng mukha. Parang kanina lang kunot na kunot ang noo dahil sa dami ng mga pipirmahan, ngayon parang nakalimutan na n'ya na may mga dapat pa s'yang ireview na mga kontrata. Andito nga pala ako ngayon sa mini office ni Daddy sa loob ng bahay namin. Pinuntahan ko si Daddy dito dahil mag-ra-rant sana ako dahil sinet-up n'ya ako doon sa date, pero pakiramdam ko iba ang mangyayari ngayon.

"Naminibago lang ako, Yvette. Dati kasi kapag may mga date kang pinupuntahan, kung hindi ka galit o nagmumura, nakasimangot ka naman. Pero ngayon...ang ali-aliwalas ng mukha mo, ah. Tapos Miggy pa ang tawag mo doon sa anak ni Chaoxiang Tan." Pag-eechos ni Daddy sa akin na nagpataas ng kilay ko.

"Daddy, tigil-tigilan mo 'ko d'ya—"

"Bakit hindi ka na lang magkuwento kung anong nangyari sa date ninyo ni Miguel?"

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Well, ibang-iba s'ya sa mga lalaking nakadate ko na. Ibang-iba s'ya do'n sa anak ng Congressman na nakadate ko. 'Yong naninigarilyo at mukhang adik. Hindi s'ya naninigarilyo at mukhang wala ding bisyo. He's a real gentleman, Dad. I am comfortable with him." Nilingon ko si Daddy diretcho sa mga mata n'ya na mas lalong ikinalapad ng ngiti n'ya. "But he's not my type." Dagdag ko na nagpawala ng ngiti ni Daddy sa labi.

"Bakit naman? Galing s'ya sa maayos na pamilya. May trabaho. May hitsura, tapos sabi mo pa gentleman, komportable ka sa kan'ya. Tapos wala pang bisyo."

"Dad, not because he's like that will eventually mean that he's my type. Wala akong nararamdaman sa kan'ya, Dad. Naawa nga ako kay Miggy, eh. Imagine, he was about to propose on his long time girlfriend but his girlfriend broke up with him a day before that proposal. Lahat nakahanda na, 'yong venue, 'yong supresa, 'yong singsing tapos isang araw bago 'yong proposal, nakipaghiwalay na ang babae." Malungkot kong pagkukuwento kay Daddy.

Kaya pala pumayag si Miguel na makipagdate sa akin ay dahil heartbroken s'ya. Gusto n'yang ngumiti at maging masaya ulit. Gusto n'yang makalimutan ang sakit kahit panandalian lamang.

"Isa lang ang ibig sabihin n'yan, hindi sila ang para sa isa't isa." Saad ni Daddy habang hindi ako nililingon. Nasa mga papeles na naman kasi ang mga mata n'ya at alam kong may ipinapahiwatig s'ya sa sinabi n'yang 'yon.

"What do you mean by that, Dad? Na kami talaga ni Miggy ang para sa isa't isa?" Patanong kong sabi kahit alam ko naman na 'yon talaga ang ipinapahiwatig n'ya.

"Wala akong sinasabing gan'yan, pero kung gan'yan ang pagkakaintindi mo, edi good." Ngumisi s'ya habang ang mga mata ay nasa mga papeles pa din pero hindi kalaunan ay itinaas na n'ya ang kan'yang ulo at hinarap ako habang ang ngisi sa labi ay hindi pa rin nawawala.

"Hindi kami ang para sa isa't isa, Dad. I am sure with, Dad." Sabi ko na para bang siguradong-sigurado ako.

"How sure are you?" Pinaningkitan ako ni Daddy ng mga mata.

"One-hundred-one-percent sure. He's an ideal man, but not my ideal type of man."

Hindi naman maipagkakaila ang kaguwapuhan na taglay ni Miguel, pati na din ang kabaitan at pagka-gentleman n'ya, pero alam mo 'yon? 'Yong wala kang nararamdaman para sa kan'ya kahit na 'yong ibang kumakain sa Chinese Restaurant ay halatang may gusto sa kan'ya.

"Bakit sino ba gusto mo? What is your ideal type of man, then?" Kuwestiyon ni Daddy na s'yang nagpahinto sa akin.

Ang sinisigaw ng puso at isipan ko ay ang pangalan ni Benjamin, pero alam ko na kapag binanggit ko ang pangalan n'ya ay kukuwestiyonin ni Daddy kung ano ang nagustuhan ko kay Benjamin, o baka ay pagtawanan pa n'ya. Ayaw ko naman 'yong mangyari.

"Someone...someone that...someone—"

"What someone, Yvette? Or should I say who is that someone?"

Nanlamig ako sa tono ng pananalita ni Daddy. Kinabahan ako doon pero hindi ko pinahalata. Tumawa pa nga ako para matakpan ang panlalamig at kaba na nararamdaman.

"Well, it's normal." Saad ni Daddy na nagpahinto sa akin sa pagtawa. "Okay lang naman na magkaroon ka ng mga crush. Your at the right age, Yvette. Besides, may trabaho ka na at alam kong kaya mo nang buhayin at manirahan ng mag-isa, but I still do believe in tradition, kaya nasa poder ka pa din namin. But, sana huwag mo kong i-disappoint sa magiging crush mo. You know that my expectations are high, right? I want somebody that is financially stable and somebody that you can be proud of. 'Yong mas higit pa sana kay Miguel." Natahimik ako sa sinabi ni Daddy at hindi alam ang isasagot doon.

Pa'no kung sabihin kong hindi tulad ni Miguel ang taong gusto ko? Pa'no kung sabihin kong walang kumpanya, at hindi heir nang kung ano ang taong natitipuhan ko? Sa tingin ko, hindi n'ya 'yon magugustuhan.

Napangiti ako ng malungkot. Why your expectations so high, Daddy? Crush lang naman, pero kung makapagsalita s'ya parang bang nanliligaw na sa akin. Ni hindi nga ako gusto ng taong gusto ko.

"Pero sa huli, desisyon mo pa rin naman ang masusunod. I just want the best for you, afterall you're my only daughter."

Hindi ulit ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Para akong nablangko.

"A-Ah, Dad. Lalabas na ako." Ngumiti ako at aalis na sana nang utusan na naman ako ni Daddy.

"Pakisuyo naman, Yvette. Pakibalik nitong mga papeles na nireview at pinirmahan ko sa headquarters ng YZ Airlines."

Kaagad na kumunot ang noo ko at nilingon si Daddy habang ang mukha ay hindi makapaniwala. "Dad, I am not your secretary or personal assistant para utus-utusan mo ko." I harshly said.

Hindi ako nainis sa inuutuos ni Daddy, nainis ako doon sa kanina n'yang sinabi. 'Yong tungkol sa mga expectations n'ya. Ngayon lang kasi nagsink-in sa akin 'yong mga sinabi n'ya. Ngayon lang lumabas 'yong emosyon ko. Late nga, eh.

"Come on, Yvette. Pakisuyo lang naman. Magpahatid ka kay Arnel para mas mabilis kang makakarating doon. Tiyaka busy ang mga tao doon sa headquarter. Hindi ko pa ba naikukuwento sa'yo na magkakaroon ng partnership ang YZ Airlines at isang international beauty pagent? Tayo kasi ang napili nila sa lahat ng mga airlines na nag-apply para dito. It's a big opportunity for us. First time mararanasahan ng YZ Airlines na magpasakay ng mga beauty queens all over the world. Lalago ang market natin, makikilala ang airlines natin, at higit sa lahat malaki ang kita dito, Yvette. Partnership ito, hindi sponsored. And... Philippines will be the host for that pagent, sweetie. Kaya mahalaga ito."

It was as if all the annoyance I felt earlier disappeared when Daddy said that there would be a partnership between YZ Airlines and an International pageant.

"O My God, Daddy! Really? As in ang YZ Airlines talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang ang mukha ay unaliwas ulit. Halos mapunit na ang labi ko dahil sa lapad ng ngiti ko. "Congrats, Dad! Congrats sa atin! Sa YZ Airlines! It is indeed a big opportunity to us!" Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa mga labi ko dahil sa kasiyahan na nararamdaman ng puso ko.

"What kind of plane we will use, Daddy? Shall we accommodate them using YZ Airlines' private plane? Shall we offer them first class?" I can't help but to feel anxious and excited at the same time when I'm thinking about it.

"Well, about that," Umayos ng upo si Daddy at mahahalatang kinakabahan. "I want to use YZ480. YZ480 or also known as REMI is our gem. It is the biggest, widest and also the grandest one. I want to show to them that they did not make a mistake in choosing us. I want to tell them through REMI that they made the right decision of choosing us above all Airlines that applied for it."

Hindi ko alam bakit ako nangilanot sa paraan ng pagkakadeliver ni Daddy ng mga salitang binitawan n'ya. Nararamdaman ko sa boses ni Daddy ang kagustuhan n'yang maipakita sa lahat kung ano ang kaya ng REMI. Kung ano ang kayang ibigay ng Airlines namin. Kung anong klaseng service ba ang kaya naming iparamdam sa lahat ng aming pasahero. He's zealous and eager.

"I know REMI is your plane. Pinagawa namin ang REMI para sa'yo. Para sa first birthday mo. That is our gift to you. I know, I don't have authority or power to—"

"It's okay, Daddy. Wala namang problema sa akin kung ang REMI ang gagamitin. Maganda nga na 'yon ang napili mong gamiting eroplano para mas maging komportable ang mga beauty queens. REMI is a fully aircondition plane, it also has a wide space which is good for them if they want some privacy or if they want to move properly. At tiyaka sigurado ako na ilan sa mga beauty queens ay anak mayaman kaya hindi sanay sa mga ordinaryong eroplano." Mahaba kong pagsasalita gamit ang mahinahon kong boses.

Yes, REMI is mine. Sina Daddy at Mommy ang nagpagawa no'n para sa first birthday ko, 'yon kasi ang regalo nila sa akin. REMI ang pangalan ng eroplano na 'yon dahil sinusunod nila ito sa second name ko.

"Thanks for that, sweetie." Nakangiti na saad ni Daddy habang ang mga mata ay malalamlam. My heart felt warm when I saw that expression on Daddy's face. "Promise, isa ka sa mga pilotong magpapalipad ng eroplano mo. Isa ka sa mga pilotong itatalaga ko para sa REMI."

Kaagad na umawang ang bibig ko at kaagad ding kumabog nang napakalakas ang puso ko nang marinig ang sinabi ni Daddy.

"T-Talaga, Daddy? Isa ako? Sure?" I asked him as if I didn't hear what he said.

O My God! Kung totoo man ang sinabing 'yon ni Daddy, 'yon ang magiging kauna-unang pagkakataon ko na magpalipad ng gano'ng kalaking eroplano! 'Yon ang magiging kauna-unang pagkakataon ko na makatapak sa cockpit! Nakapasok na ako doon sa REMI, pero hindi bilang Piloto, pero ngayon, magkakatotoo na ang matagal ko ng pangarap na paliparin ang eroplano ko! My REMI!

"Oo naman. May tiwala ako sa'yo, Yvette. At anak kaya kita kaya alam kong kaya mo 'to! Ikaw pa ba?!"

Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang sabihin 'yon ni Daddy. For the first time, I heard him say those words. For the first time, he lift me up.

Nangangatog na ang tuhod ko.

"Sino-sino pala ang mga napiling magpapalipad ng eroplano, Dad? At kailangan pala 'yan magaganap?"

"Well, wala pang mga napipiling magpapalid ng REMI." Umayos ng upo si Daddy. "You're my personal choice, kaya wala silang magagawa doon. I am the President as well as the owner of YZ Airlines." Ngumisi s'ya. Halatang nagmamayabang. Hindi ko na lang naman 'yon pinansin. "So...bilang ikaw ang anak ko, at bilang may mataas akong tiwala at ekpektasyon sa'yo...I want you to be the leader of this task. Gusto kong bumuo ka ng grupo na may anim na miyembro. Maghanap ka ng mga magagaling na Flight Captains. I know our Flight Captains are all exceptional, but I want the best. Flight Captain lang, ha. Hindi kasali ang mga First Officer."

"Wait, bakit hindi kasali ang mga Flight Captain?" Kunot noong tanong ko. Unti-unti nang nawawala ang kabog sa puso ko at gano'n na din ang saya sa mga labi ko.

Is he being biased again?

"Kasi hindi pa sila ganoon kahasa. I just want Flight Captain. Femal or male. No buts. End of conversation." Ngumiti si Daddy pero halatang sarkastiko lamang.

Bumuntong hininga na lamang naman ako. End conversation means wala na akong magagawa pa. Tumango na ako kay Daddy at kinuha na ang mga papeles na dadalhin ko sa headquarters ng YZ Airlines.

"Take care, and good luck."

Sinuklian ko ang ngiti na 'yon ni Daddy gamit ang pilit na ngiti bago lumabas ng opisina n'ya dito sa loob ng bahay.

Hindi na ako magbibihis pa ng damit. Ihahatid ko lang naman ang mga papeles na ito at pagkatapos ay uuwi na agad ng bahay. Siguro next week na lang ako maghahanap ng mga miyembro. Mabuti na nga lang at wala akong flight ngayong buwan o sa susunod na buwan.

Teka.

Bumilog ang mga mata ko at medyo nataranta nang mapagtanto na hindi pala sinagot ni Daddy ang tanong ko kung kailan mangyayari ang sinabi n'ya kanina? 'Yong tungkol sa partnership na magaganap sa pagitan ng YZ Airlines at isang international beauty pageant.

Shit!

Napahilot ako ng sintido at umupo na lang ng maayos sa kotse. Nasa loob na kasi ako ng kotse at si Mang Arnel ang nagmamaneho nito. Gusto ko sanang pabalikin ang kotse sa bahay para itanong 'yon kay Daddy, pero nakakaaawa naman kay Mang Arnel kung ipapagaw ko 'yon. Medyo malayo na kasi kami sa bahay namin.

I think, hindi pa naman siguro ngayong buwan magaganap ang international beauty pageant na gaganapin dito sa Pilipinas. Sana nga, para may oras pa ako para maghanap ng mga Flight Captains.

Siyempre, apat na lang ang hahanapin ko. Medyo madali na lamang 'yon dahil kasali na agad si Benjamin sa mga miyembro ko. I chose him not because I like him, but because I trust his capability as a Flight Captain. Besides, he's also my friend.

Nang nasa labas na ako ng headquarters ng YZ Airlines, nagpaalam muna ako kay Mang Arnel na papasok na ako ng headquarters at hintayin na lamang n'ya ako sa parking lot. Tumango lamang naman bilang pagsang-ayon si Mang Arnel.

Kaagad na akong pumasok ng headquarters at pagpasok ko dito kaagad na bumungad sa akin ang medyo may kahabaan na pila ng mga tao.

Anong mayroon?

Nagdahan-dahan ako sa paglalakad para makita ang mga mukha ng mga taong nakapila. Habang ginagawa ko ito napahinto ako nang makita ko si Benjamin na nakapila. He's wearing his uniform as a Flight Captain.

Nilingon ko ang mga taong nakapila na naabot ng paningin ko. Doon ko lang napansin na suot pala nilang lahat ang mga uniform nila. Ang mga Flight Attendant na babae ay maayos na suot ang kanilang uniform. Maayos at malinis ding na nakabun ang mga buhok nila. Kapansin-pansin din ang mga namumula nilang mga labi na nakangiti ng malapad. Habang ang mga lalaki naman ay may mga nakagel ang buhok. Malinis din ang suot nilang unform. Makintab na makintab din ang mga black shoes nila. Ang mga Cabin Crew naman ay suot ang kanilang mga scarf sa leeg. Nakared lipstick din sila at malinis na malinis ang suot na kulay puting uniporme. Habang ang mga Flight Captain at mga First Officer ay suot ang kanilang mga cap. Maayos ding naka-style ang mga buhok nila. May ibang bitbit lamang ang coat siguro dahil naiinitan, habang may iba naman na suot ito.

"Benjamin? Is that you?" Kunot noong tanong ko nang tapos na ako sa pagmamasid.

Humarap naman ang taong tinawag kong si Benjamin at ganoon na din ang ilang mga taong naagaw ko ang atensyon.

Ngumiti lamang naman ng tipid si Benjamin sa akin.

"Anong mayroon?" I asked. Medyo naguguluhan sa nangyayari.

"Nag-a-apply kami para maging isa sa mga pilotong magpapalipad ng eroplano. 'Yong para sa susunod na buwan."

"'Yong tinutukoy mo ba ay 'yong tungkol sa international beauty pageant na gaganapin dito sa Pilipinas?" Tanong ko. Ewan, ito agad ang pumasok na ideya sa utak ko nang sabihin n'yang nag-a-apply sila.

Tumango lamang naman s'ya at ibinalik ulit ang tingin sa harapan.

Mas lalong kumunot ang noo ko at mas lalo akong naguguluhan. Teka, akala ko ba ako ang maghahanap ng mga magiging piloto, pero bakit ngayon may nangyayaring ganito? Teka nga.

Naglakad ako nang mabilis para marating ang pinagsimulan nitong pila. Habang ginagawa ko ito, may mga taong napapatingin sa akin at kilala ko ang mga iba dito.

"Uhhh, excuse me." Inagaw ko ang atensyon ng babaeng nakaupo sa information desk.

Inangat naman nito ang kan'yang ulo at tinasaan ako ng kilay.

"Bakit?"

"Nasaan si Mariz?" Tanong ko. Hinahanap ang secretary ni Daddy. Ibibigay ko muna itong mga dala kong papeles sa kan'ya dahil medyo nangangalay na ang mga braso ko.

"Bakit, sino ka ba? Outsider ka ba? Hindi ka puwede dito." Mataray na saad ng babae at mahahalata ang pagkadisgusto sa mukha nito.

Tumawa naman ako ng mahina at ngumiti ng sarkastiko. "I am Fligt Captain Zen—"

"Flight Captain?" Tanong kaagad nito at medyo natatawa. "Hindi halata, ha. O s'ya, pumila ka na d'yan, oh. Huwag kang atribida may mga nauna pa sa'yong pumila. Doon ka sa dulo. At tiyaka bakit gan'yan suot mo? Dapat suot mo ang uniform mo bilang Flight Captain. Hula ko, hindi ka n'yang makukuha. Tingan mo 'yong mga kasamahaan mo," Tinuro nito ang mga nakapila. Napalingon naman ako doon habang ang ulo ay medyo umiinit na dahil sa mga sinabi n'ya tungkol sa akin. "Mga malilinis tingnan. Neat and clean. 'Yong mga babae, nakatali ang maayos ang buhok, nakauniform tapos ikaw nakapantutulog? Nakapajama?" Tumawa na ito na s'yang ikinabuntong hininga ko.

Ang sakit sa ego no'ng mga sinabi n'ya, ah. Hindi ko naman alam na may magaganap palang search dito sa headquarters. Sino ba ang nag-organisa nito? Alam ba ito ni Daddy?

"Captain Zendaya?" Boses ng babae mula sa likod ko at alam kong may Mariz ito. Bago pa ako sumabog sa inis sa mga sinabi ng babaeng ito hinarap ko na si Mariz nang nakangiti. Tinatago ang inis na nararamdaman para sa babaeng 'yon.

"Mariz!"

"Naku, Captain. Bakit ikaw pa ang nagdala nito. Nakakahiya!" Kaagad n'yang kinuha ang mga papeles sa braso ko kaya nainat ko na ang mga braso ko at medyo nakahinga na ako ng maayos. "Sorry talaga, Captain. Ako na lang sana nito. Ngayon lang kasi tumawag ang Daddy mo at sinabing paparating ka daw kaya dali-dali na akong bumalik dito. Galing kasi akong labas."

"Ano ka ba, okay lang, 'no. Besides ako naman talaga ang inutusan ni Daddy para dalhin 'tong mga papeles na 'to." Sinadya kong linungin ang babaeng namahiya sa akin kanina. Wala namang emosyon ang mukha nito nang magtama ang mga mata namin. Hindi s'ya nasindak sa sinabi ko. "By the way, Mariz. Tapos nang pirmahan ni Daddy ang mga papeles na 'yan. Nareview na din n'ya 'yan." I said politely.

Tumango lamang naman si Mariz sa akin habang ang ngiti sa labi ay hindi pa rin nawawala. Nang mapadapo ang mga mata nito sa babaeng kausap ko kani-kanina lang ay kaagad na naging tigre ang mukha nito.

"Hoy, Nana! Ano 'tong mga narinig ko kani-kanina lang? Nasa pintuan pa lamang ako pero rinig na rinig ko na 'yang bibig mong mala-machine gun." Tinuro nito ang babae. "Ang lakas din ng loob mo para tawaging atribida si Captain Zendaya. Kilala mo ba kung sino 'to?" Tinuro ako ni Mariz habang ang mukha ay hindi pa din nagbabago. "Anak 'to nang nagpapasuweldo sa'yo. Anak 'to ng Presidente natin. Anak 'to ng CEO ng YZ Airlines."

"H-Huh?" Namumutla na ang babaeng kausap ko kanina habang ang mga mata ay natutuliro na.

Nilingon ko ang babae habang ang mukha ay walang emosyon pero sa loob loob ko ay natatawa na ako sa hitsura n'ya. Para s'yang nahihiya, natatakot, napapaiyak, at natataranta.

"Oo, kaya bawiin mo 'yang mga sinabi mo kani-kanina lang dahil kung hindi baka hindi ka na makapasok pa dito sa loob ng headquarters, baka bukas wala ka ng trabaho." Pananakot ni Mariz habang pinaniningkitan ng mga mata ang babae.

"Ma'am," Nilingon ako ng babae gamit ang nagpapaawang mukha. Parang kanina lang tawang-tawa ka sa suot ko, pero ngayon nagmamakaawa ka na sa harapan ko. "Sorry po, hindi ko po sinasadya na sabihin 'yon. B-Bago lang po ako dito, h-hindi ko po alam na anak ka ni President Zen—"

"Ay sus! Ngayong nalaman mo na na anak ni President Zendaya si Captain, nabahag na ang buntot mo? Nagpapaawa ka na? Doble Cara 'yan? Parang kanina lang iniinsulto mo si Captain. Tsk. Tsk. Tsk," Umiling-iling si Mariz habang ang noo ay nakakunot pa din. "Tara na nga, Captain. Alis na tayo dito." Hinila ako ni Mariz papalabas nang headquarters, pero bago pa man kami matapat sa pinto at huminto na ako sa paglalakad at hinarap s'ya.

"Who organize this search? Si President Zendaya ba?" Tanong ko. Alam kong hindi si Daddy ang umorganisa nito.

Kumunot naman ang noo ni Mariz sa tanong ko, pero hindi kalaunan ay tumango-tango na. "Hindi, Captain. Si Vice President Pimental ang umorganisa nito."

Tumango tango ako. I knew it. I need to talk to him.

"Is VP Pimentel is here?"

"Yes, Captain. Kadarating n'ya lang."

Tumango ako at bumuntong hininga. Nilingon ko muna ang mga taong nakapila na ngayon ay kapuwa busy sa mga kaniya-kaniya nilang ginagawa.

"Puwede mo ba akong dalhin sa kinaroroonan n'ya ngayon? Mag-uusap lang kami tungkol dito."

Hindi na nagtanong pa si Mariz sa dahilan ko kung bakit ko kailangang kausapin si Vice President Pimentel. She just lead the way to me.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan ang mag-isip at kabahan.

Pa'no ko 'to sasabihin kay VP Pimentel? Pa'no ko s'ya kakausapin? Pa'no ko sasabihin sa kan'ya na ako ang itinalaga ni Daddy para maghanap ng mga Pilotong magpapalipad ng eroplano para sa mga beauty queens? Pa'no ako magsisimula? Saan ako magsisimula?

At tiyaka, pa'no ko sasabihin sa mga Pilotong nakapila doon na ako ang pipili kung sino ang makakasama ko sa pagpapalipad ng eroplano nang hindi ko sila nasasasaktan? Nang hindi sila nagagalit sa akin?

Ang hirap naman. I just wish nothing would change between us all.

Continue Reading

You'll Also Like

326K 6.4K 45
Savage Men Series #1: Estevan Zion Addison Dior was living a perfect life. Everything was well and fine but not until she met Estevan Zion. His prese...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
50.7K 1.7K 4
"Please Audi, just one date" "Stop calling me Audi, only close people can call me that. Please call me Karson" he said in his usual serious tone. "Eh...
7.6M 219K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...