Your Boyfriend Sucks

By toneewritestragedies

50.1K 1.4K 248

Suri Shadows is indeed in love with her boyfriend of more than a year, Cedric Gonzalvo -- an architect in the... More

Your Boyfriend Sucks
- pré- défilé -
- première -
- deuxième -
- troisième -
- quatrième -
- cinquième -
- sixième -
- septième -
- huitième -
- neuvième -
- dixième -
- onzième -
- douzième -
- treizième -
- quatorzième -
- quinzième -
- seizième -
- dix-septième -
- dix-huitième -
- dix-neuvième -
- vingtième -
- vingt et unième -
- vingt-deuxième -
- vingt-troisième -
- vingt-cinquième -
- vingt-sixième -
- EXTRA-CHAPTER -
- vingt-septième -
- vingt-huitième -
- vingt-neuvième -
- trentième -
- trente et unième -
- trente-deuxième -
- trente-troisième -
- trente-quatrième -
- trente-cinquième -
- trente-sixième -
- trente-septième -
- trente-huitième -
- trente-neuvième -
- quarantième -
- épilogue -

- vingt-quatrième -

1K 36 4
By toneewritestragedies

Your Boyfriend Sucks

storyline by toneewritestragedies

vingt-quatrième (dedicated to you) -

x - - - - - - - - - - x

"Mag-impake ka ng mga gamit mo. Aalis tayo bukas ng madaling-araw."

Kausap ako ni Paris ngayon sa cellphone. Wala kasi akong pasok ngayon sa Bradford at wala ding importanteng aasikasuhin sa Zurich Artisty kaya nagpahinga muna ako sa kwarto.

"Ha? Saan naman tayo pupunta? Bakit naman ang aga?" tanong ko sa kanya.

"Pupunta tayo sa family resort namin sa Laiya, Batangas." tapos humikab siya.

"Ano'ng meron?"

"Gusto kong mag-unwind e. At saka gusto ko ng solo time na kasama ka."

Arrgh! Parang nayanig na naman ang puso ko sa kilig. Bakit ba 'to si Paris laging may mga baong pakilig para sa akin?

"Agad-agad? You should've already let me know this beforehand so I can early fix myself up." ito naman si Paris kung makapag-aya akala mo sa mall lang kami pupunta!

"Biglaan ko lang din kasi naisip na mag-unwind. 'Wag kang mag-alala, wala naman akong gagawing masama sa'yo e."

Namula ako sa sinabi niya. Pasaway talaga 'tong si Paris!

"W-wala naman akong sinabing may gagawin ka sa akin ano! Oo, sige sasama ako. Sa'n tayo magkikita?"

"Hindi, susunduin kita dyan ng mga 3am. 'Wag mo akong masyadong pag-antayin ha."

"Oo na. Sige, mag-aayos na ako ng mga gamit ko. Matulog ka na." sabi ko sa kanya. Hanggang ngayon 'di pa rin nawawala 'yung ngiti ko habang kausap ko siya sa phone.

"Ikaw rin. Wag kang magpupuyat. Matutulog na ako. Bye."

"Bye."

Ahhh! Ano ba 'tong nararamdaman ko, kinikilig ako masyado! Simula nang binulabog ni Paris ang buong sistema ko, ibang klaseng kilig na ang dumadaloy sa kaloob-looban ko.

Good luck na lang sa amin bukas!

x - - - - - - - - - - x

"Kanina ka pa nag-aantay dito?" tanong ni Paris sa akin nang ibaba niya ang windshield ng sasakyan habang ako naman ay nakatayo sa tapat ng gate namin.

"Hindi naman, kababa ko lang." tinignan ko ang wrist watch ko, 2:55 am pa lang.

Nagkibit-balikat siya tapos lumabas ng kotse at tinulungan akong buhatin ang mga gamit ko, ako naman pumasok na at umupo sa passenger's seat tapos si Paris naman ang sumunod at pumwesto sa driver's seat.

"Nagpaalam ka ba sa inyo?" tanong niya ulit sa akin nang simulang paandarin ang kotse niya. As usual, ito 'yung kotse niyang Benz na lagi kong nakikitang dala niya.

"Wala naman dito sa Pilipinas ang parents ko, nasa New York sila. So hindi na rin ako makakapagpaalam."

Tumango-tango siya. "Medyo mahaba ang biyahe natin papunta doon. Matulog ka muna, kaibigan."

"Okay, ready ako dyan." inilabas ko ang maliit na Hello Kitty na throw pillow sa bag ko at isinandal sa may bintana saka ipinatong ang ulo ko doon.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Paris sa pisngi ko at napapikit ako. "Good night for now."

x - - - - - - - - - - x

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng init mula sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nag-stretch ako ng mga braso ko tapos tumingin kay Paris.

"Nasaan na tayo?" tanong ko sa kanya habang palinga-linga ako sa pailigid.

"Nandito na tayo sa Laiya, papunta na tayo sa resort."

Napa-okay ako at tinignan na lang ang view. Ramdam ko 'yung malambot na dinadaanan namin gawa ng buhangin pati ang mga puno ng niyog sa magkabilang gilid ng daanan. Kita ko na rin ang shoreline pati ang dagat.

Matapos ang ilang minuto, nakarating na kami sa resort ng pamilya nina Paris at agad kaming sinalubong ng caretaker.

"Sir Kairi! Welcome back po sa inyo at sa inyo rin Ma'am welcome!" masayang bati sa amin nung lalakeng medyo may edad na.

"Kuya Leo, kamusta ho?" bati ni Paris sa kanya tapos nakipag-kamay dito.

"Mabuti naman ho, sir. Maayos rin po ang resort." sagot nung Mang Leo kay Paris.

"Good. Oo nga pala, Kuya Leo. Ito si Sasha, siya ang kasama ko dito sa bakasyon."

Nakipagkamay ako sa kanya at binati. "Hello po, Kuya Leo."

"Hi Maam." nakangiti siyang tumugon sa akin tapos luminga kay Paris. "Ang galing talaga ng taste niyo sa babae, Sir Kairi."

"Kayo talaga, Kuya Leo! Doon na nga kayo sa reception at ipadala niyo na ang mga gamit namin sa cabin." natatawang sabi ni Paris kay Kuya Leo.

Tumango naman ito tapos nagpatulong na ipasok ang mga gamit namin sa cabin. Pumasok kami sa isang malaki at malawak na villa.  Maganda at maaliwalas ang lugar, kahit sarado ang mga ventilation, ramdam naman ang malakas na hangin galing sa labas.

"Magkatabi lang ang cabin natin, Sasha. Tawagan mo na lang ako o ang reception 'pag may kailangan ka ha." sabi ni Paris sa akin nang mailagay na ang mga gamit namin sa respective cabins namin.

Tumango ako. "Thank you. Hanggang kailan pala tayo dito?"

"Two days and one night. Baka bukas dumating dito 'yung Ate ko."

Natigilan ako sa sinabi niya at biglang tumingin sa gawi niya. "A-Ate mo?"

"Oo. Bakit? May problema?"

"W-wala naman." ano ba 'yan, bakit bigla akong kinabahan?

Inakbayan niya ako tapos pumasok kami sa cabin na naka-assign sa akin. "Natatakot ka ba dun? Tss, mas bata pang umasal kesa sa akin 'yun e." tapos tumawa siya.

"Hindi naman sa natatakot ako sa Ate mo kaya lang kasi ngayon lang ako makakakilala ng family member mo e. Alam mo 'yung ganoong feeling..."

"Don't worry, she's nice. Medyo makulit lang 'yung Ate ko. By the way, magpahinga ka muna kung gusto mo. Alam kong hindi maayos ang tulog mo sa kotse. You have all the time in the world to rest huh."

"Okay, thank you. Ikaw? Saan ka? Magpapahinga ako saglit tapos magje-Jetski ako."

Wow, Jetski. I wonder how is he look like while riding his Jetski. Ugh, ano ba 'tong mga naiisip ko?

"S-sure." napailing ako ng bahagya sa naisip ko. Nagpaalam na si Paris sa akin tapos ako naman ay nag-ayos ng kama tapos nahiga.

Nakatitig lang ako sa kisame habang may painting doon ng sky at clouds tapos sa gitna ay may nakasulat na "imagine".  Hindi ko na namalayan na hinila na naman ako ng antok.

x - - - - - - - - - - x

Mag-a-alas dos na ng hapon nang magising ako. Napasarap kasi ang tulog ko dahil nakabukas ang bintana at nararamdaman ko 'yung malamig na hangin na parang naging AC or electric fan ko na din. Sumilip muna ako mula sa view ng bintana at nakita ko doon si Paris na nagje-Jetski nga. Medyo malayo 'yung distansya ng villa sa mismong beach pero alam kong siya 'yun base sa built ng katawan niya.

Nagbihis ako ng isang short shorts at bikini top pero nagsuot din naman ako ng knitted cover up at naglagay ng sunblock. Isinuot ko ang aviator shades ko at saka lumabas ng cabin pero bago pa ako makalabas, napansin ko ang pag-vibrate ng cellphone ko na nakapatong sa side table. Agad akong bumalik sa kama at tinignan ang phone.

Parang pinagpawisan ako ng malapot sa nakita ko sa screen, nag-text si Lyle.

From: Ortega, Lyle

Message: Hi, I miss you. 'Di kita ma-contact. Message me away once you received this. I love you.

Nakaramdam ako ng guilt sa dibdib ko. Akala ko all the way makakapag-enjoy na ako dito sa Batangas pero hindi pa rin pala talaga. Hindi ko alam kung anong ire-reply sa text sa text niya. Matagal akong nakatitig sa screen pero wala naman akong mai-type na kung ano kaya nag-decide na lang akong ipatong uli ang cellphone ko sa side table at saka lumabas ng cabin.

Bahala na talaga.

Bumaba sa ako sa unang level ng villa at nakasalubong ko ang ibang workers at binati ko naman sila. They looked nice. Marunong naman akong makisama kaya sa tingin ko wala naman akong problema sa mga tao dito. Nakasalubong ko si Kuya Leo at tinanong kung si Paris nga ang nakita kong nakasakay sa Jet Ski.

"Oho, Ma'am. Pupunta po ba kayo doon sa may buhanginan? May nakahandang beach chair, table at malaking payong doon. Gusto niyo bang magpahatid ako ng meryenda?" tanong sa akin ni Kuya Leo.

"Sige lang, Kuya Leo. Salamat, medyo nagugutom din po kasi ako. Punta na po ako doon."

"Okay, Ma'am."

Naglakad na ako sa buhanginan at umupo doon sa beach chair. Mabuti at hindi ganoon kainit kasi may suot din akong malaking hat. Nakatingin lang ako kay Paris na nagje-Jet Ski palibot sa beach, feeling ko 'di pa niya ako napapansin kasi masyado siyang nakatutok sa ginagawa niya. Naka-beach shorts siya tapos naka-topless, may suot din siyang aviator shades panangga sa sikat ng araw. Pasaway ang lalaking 'to, hindi man lang nag-suot ng life jacket. Paano kung malaglag siya at pulikatin at 'di makalangoy?

After some minutes, napansin niya na ako at ipinakuha ang kanyang Jet Ski sa mga helpers na naka-sakay sa speed boat. Parang ang lakas tuloy ng dating ni Paris, parang prinsipe siya kung ituring ng mga tao dito sa Resort!

Lumapit siya sa'kin nung nasa pampang na siya kaya umahon ako mula sa pagkakahiga sa beach recliner chair at umayos ng upo. "Hi." bati ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko tapos may helper na naghatid sa kanya ng towel at pinunasan niya ang sarili niya. "Ang sarap mag-Jet Ski. Gusto mong i-try?"tapos uminom siya ng mango shake na nakalagay sa maliit na table na naka-set up.

Ngumiti ako habang naka-iling at ininom din ang mango shake ko. Nagkaroon din ako ng chance na silipin ang katawan (ugh) ni Paris. Honestly, ito 'yung unang beses na nakita ko siyang topless. Dahil maputi siya, namumula 'yung cheeks niya pati 'yung likod at balikat niya pero 'di siya nangingitim. Buff 'yung katawan niya. Hindi ganoon kapayat, hindi rin mataba. Kumabaga sakto lang.

"Are you checking out my body?"

Napapitlag ako nang magsalita si Paris. Napansin niya ba ako sa titig ko sa kanya? Shit, why am I being so observant like this?

Lumayo ang tingin ko sa kanya tapos sumipsip uli ng mango shake. "H-Hindi ah. Akala mo lang 'yun ano."

Nagkibit balikat siya. "Okay."

Whew! Mabuti na lang hindi na siya nangulit! I am saved by my aviator shades!

"Ang sexy mo dyan sa suot mo, Sasha. Meron ka palang tinatagong curves e." tapos tumawa siya ng malakas.

Pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Oy grabe ka! Ganito naman talaga ang outfit ko pag nasa beach."

"Tama lang, bagay sa'yo." kinindatan niya ako at namula na naman ang mukha ko sa sinabi niya. "Tara, kain tayo? Nagpaluto ako ng lunch natin kaso hapon ka na nagising pero pwede na 'yung merienda-cum-lunch 'di ba?"

Tumango ako at tumayo na kami, naglakad na kami pabalik sa villa. "Mag-swimming na lang tayo mamaya pagkakain natin?"

"Sure."

x - - - - - - - - - - x

Puro seafoods ang inihanda sa amin ng chef nina Paris sa villa at lahat sila puro appetizing at masarap! Medyo marami rin akong nakain kasi gutom ako dahil kanina pang madaling araw 'yung huli kong kinain.

"Gutom na gutom ah." siniko ako ni Paris tapos tumawa siya ng mahina.

Ginantihan ko naman siya ng siko. "Pasensya na, gutom na kasi ako talaga e."

"Hinay-hinay lang ah, baka pati ako makain mo na rin. Wahahahaha."

Parang bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Paris. May ibang ibig sabihin ang tawa niya. Ano ba naman 'yan!

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Hay, kanina pa siyang ganyan. Perv problems.

Pagkatapos naming kumain at magpababa ng kinain sa pagtayo ng almost thirty minutes, pumunta na kami ni Paris sa beach tapos nag-swimming na kami. Nakaka-miss ang lumangoy sa beach! Matagal na kasi ang huli kong bakasyon sa villa namin dahil abala ako nitong mga nakaraang taon sa school at saka may swimming pool naman sa bahay kaya doon na lang ako lumalangoy 'pag nagustuhan kong mag-swimming.

Nagkukwentuhan lang kami ni Paris ng kung anu-ano at syempre pinagti-trip-an niya ako gaya ng pagsisid niya sa may ilalim ng binti ko at maglalangoy pataas hanggang sa nakaupo na ako sa may balikat niya. Kanina pa ako tili ng tili sa pinaggagawa niya, halos mapaos ako!

"Kamusta itong villa para sa'yo?" tanong ni Paris sa akin. This time, nasa likuran niya ako habang nakapulupot ang braso ko sa may leeg niya tapos mabagal siyang lumalangoy at ako naman ay nagpapadala lang sa kanya.

"Maganda dito, nakaka-relax. Tahimik at mababait ang mga tao."

"Alam kong magugustuhan mo dito, gusto kong ikasal tayo dito sa beach pagkatapos ng church wedding natin. Ang ganda nun 'di ba?" nilingon niya ako.

Nang ma-realize ko 'yung sinabi niya, napabitaw ako sa kanya kaya nalublob ako sa tubig at agad naman akong inahon ni Paris habang tumatawa siya.

"O ano'ng nangyari sa'yo? Nagulat ka ba sa sinabi ko? Bakit?Ayaw mo bang magpakasal sa akin?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Napakamot ako ng ulo at alanganing nginitian siya. "Wala naman akong sinabing ayoko ano, pero kasi Paris tignan mo, hindi tayo pero kasal agad ang iniisip mo."

"Okay, okay. Hindi pa nga tayo pero sa akin ka ikakasal. Sigurado ako dyan." seryoso ang pagkakasabi niya dahilan kaya natatawa ako. "Natatawa ka na naman. Bakit ba pag nagse-seryoso ako tumatawa ka? Nakakatawa ba ang pagmumukha ko?"

Umiling lang ako sa tanong niya.

"E bakit ka nga natatawa?"

Hindi ko siya sinagot ulit. Inilapit ko ang mukha ko malapit sa kanya at hinalikan siya ng magaan sa lips. Kung hindi ko rin naman siya masasagot ng maayos, ito na lang siguro ang dapat kong gawin 'di ba?

x - - - - - - - - - - x

Maaga akong nagising kinabukasan. Mahaba rin kasi ang naging tulog ko dahil maaga akong natulog sa sarili kong cabin. Syempre natulog si Paris sa sarili niyang cabin. Hindi naman kasi magandang tignan na makikitulog ako sa kanya o siya sa akin dahil hindi naman kami (kahit sinabi niyang kami ang magpapakasal sa future).

6:45 am ang oras sa wrist watch ko at sa tingin ko tulog pa si Paris dahil 'di ko pa nararamdaman ang maangas niyang presence sa paligid kaya pumunta muna ako sa kitchen at nagtimpla ng hot chocolate. Nakausap ko 'yung ilan sa mga helpers ng villa at talaga namang mababait sila kaso ayun nga lang umalis din sila dahil marami pa raw silang aasikasuhin kaya solo na lang ako sa kitchen table.

"Manang Liza! Dumaan na ba 'yung nagtitinda ng pandesal—"

Nagkatinginan kami nung babaeng biglang pumasok sa kitchen. Parehas kaming natigilan sa mga ginagawa namin. Ngayon ko lang nakita ang girl na 'to. Naalala kong sinabi ni Paris sa akin na nandito ang Ate niya.

Wait, Ate niya nga ito! Kamukha din ni Paris. Nakakatuwa naman!

"Hi! Sorry, wala pa dito si Manang Liza." inilahad niya ang kamay niya sa akin para makipag-shake hands at agad ko namang tinanggap ito. "Ako nga pala si Georgina Ayaka Fujiwara,  just call me Georgie, Ate ni Paris pero mukhang siya ang Kuya ko." tapos tumawa siya.

Nakitawa rin ako ng kaunti kasi parang totoo nga ang sinabi nilang dalawa ni Paris sa akin na mas mukha pang Kuya kung umasta si Paris dahil ang carefree lang ng dating ng Ate niya na parang nasa kanya ang Fountain of Youth. I wonder kung ilang taon na siya?

"Hello, I'm Sasha." nginitian ko siya.

"I knew it. Ikaw ang girlfriend ng kapatid ko ano?"

Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Bakit ba lahat sila inaakalang girlfriend ako ni Paris eh hindi naman. "Hindi—"

"Well anyways, bagay naman kayo ng brother ko so I won't complaint. Wow, ang bango naman ng hot chocolate mo, girl. Pwede patikim?" sabi niya sa akin tapos tinignan ang hawak kong mug,

"Naku, paubos na kasi e. Gusto mo timplahan na lang kita?" offer ko sa kanya pero umiling lang siya.

"'Wag na, Sasha. Akin na lang 'to." kinuha niya ang mug mula sa kamay ko at nilagok ang natitirang hot chocolate. "Salamat! Ang sarap. Purong-puro, mas masarap pa kesa sa Hershey's o sa Ricoa." tapos nginitian niya ulit ako.

Natawa ako. 'Di ko alam na ganito pala si Georgie, ang child-like niya umasta pero ang cool at cute niya.

"Georgie! Ang aga-aga ang ingay mo na naman."

Sabay kaming napatingin ni Georgie kay Paris na biglang sumulpot na lang. "Hi baby brother! Ate misses you so much!" niyakap ni Georgie si Paris habang ito naman ay nagpupumiglas sa yakap ng Ate niya.

"Ano ba, Georgie! Umayos ka nga, nakakairita ka!" nang makalayo siya sa yakap ng Ate niya, tumabi siya sa akin at tinignan ako. "For sure nakilala mo na ang loka-loka kong kapatid?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Loka-loka ka dyan? Hindi kaya, Georgie's nice."

Nag-cross arms si Georgie at pabirong inirapan si Paris. "O kita mo, sabi ng girlfriend mo, I'm nice! Hahahaha!"

"Hindi ko siya girlfriend." bored na sabi ni Paris at nagulat naman ang kapatid niya sa sinabi niya. Pero agad siyang nagpatuloy sa pagsasalita na nakapagpatigil sa tibok ng puso ko. "Pero siya naman ang papakasalan ko."

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 13.6K 3
Sabi nila, ang tao ay para sa tao lamang. Pero paano kung ang tao ay para sa bampira din pala? Magagawa mo bang tanggapin ang katotohanan at mahalin...
419K 6.1K 78
Taming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only in...
1.1M 17.2K 52
(Completed*No Softcopies) This is Spying My Future Fiance Book 2
1.5K 155 13
Where do people who commit suicide go? Benj Castro is a girl who feels defeated in everything, especially in singing. She envies the popular singer J...