Bully That Nerd

By Dimstykcm

9.8K 1.4K 108

#Bully Series #1 / Complete# "A Wrong Story, A Right Characters." "A Wrong Characters, A Right Story." If you... More

CHARACTERS
BULLY THAT NERD
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
BULLY THAT NERD
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE
Lessons
BULLY THAT NERD HAS OFFICIALLY ENDED
SPECIAL CHAPTER
BULLY DUOLOGY #2
BULLY DUOLOGY #2 - Titled?
READERS!!??
Thank you Homies

CHAPTER 7

233 58 1
By Dimstykcm

Nakatitig lang ako rito sa nakalagay na title sa bago kong istorya 'Bully That Girl' di ko alam kung tama bang isulat ito pero mukhang magiging masaya naman ata si Bea, sana nga.

Dahil may nanyari kanina.

"Yung gift ko?"ngiti nito sa akin.

Napakuyom ako ng kamao. Ayos lang ba kung ito ang iregalo ko sa kaniya. Nagdadalawang isip akong ibigay rito.

"A… ayo-"muli niya akong hinagkan at dahil rito ay napatikom ang bibig ko.

"It's okay, if you don't have a gift for me. Binati mo naman ako sa kaarawan ko… pero sa susunod di na ako papayag."malambing nitong saad. Napapikit ako sa ginawad niyang paghalik sa noo ko.

Marahan ko itong tinulak. Mali ito, alam kong gusto siya ni Bea e. Bumuga ako ng hangin bago inilahad sa kaniya ang munting regalo ko. Sana ito na ang huling mag-usap kami, di naman kase maiiwasan ang magkita rito lalo't na iisa kami ng pinapasukan.

"Thank you."gulat pa rin ang mukha niya pero napalitan ito ng ngiti.

Kinuha niya ito at sinuri. Tumalikod na ako sa kaniya. Sana naman ay di na niya ako kausapin ng ganon. Napatigil ako kaunti sa sinabi niya pero pinagsawalang bahala na ito at lumabas na sa kabilang pinto.

"Hindi mo isusuot sa akin ito?"bakit pa kaya naman niya.

Pagkalabas ko ay napasandal ako sa pinto. Napahawak sa dibdib ko na parang gusto nang lumabas at lumabas. Parang sisirain niya ang dibdib ko. Unti-unti kong ikinalma ang sarili. Naging normal na ang pagtibok ng puso ko ay umalis ako sa pagkakasandal sa pinto.

Naglakad pabalik sa room pero napatigil ako. Nanlaki ang mga mata na makita si Bea na tumutulo ang luha habang nakatuon ang mga mata kay Press. Miski ako ay napatulala na lang roon bigla akong nakaramdam nang paninikip sa dibdib. Astoria Selene wala kang nararamdaman roon. Hindi.

Tumalikod na roon si Bea at napatigil na makita ako. Ngumiti ito ng mapait at nilampasan lang ako. Balak ko sana siyang tawagin pa pero tumunog na ang bell rito.

Walang ekspresyon na tingin ang iginawad sa akin ni Press. habang dumadaan ako sa harap niya. Ganon rin ako. Sinaktan niya yung kaibigan ko pero di anman niya alam na gusto siya ni Bea e.

Kaya dapat di na ulit pwede mangyari iyon, nanyari kanina.

Okay lang ba siya. Nalaman ko na lang na umuwi na siya noon e. Binaba ko na ang cellphone sa tble malapit sa kama ko bago humiga rito. Kaagad ipinikit ang mga mata.

Dapat di mo magustuhan siya. Talaga naman di ko magugustuhan siya. Pipigilan ko ang sarili ko kung manyari iyon. Marami rin akong mangarap para sa sarili. Kaya bawal iyon.

Tutulungan ko na lang siya. Ipapaalam ko sakaniya yung gagawin kong istorya. Sana sa paraan na iyon ay mawala ang nararamdaman kong kaba kapag kasama siya o ano man iyon.

"Lola kainin ninyo na po ito, di po ako makakapasok sa school."pagkausap ko kay lola na nakatikom pa rin ang bibig. Nakalahad na kase ang kutsara na may kanin at ulam sa harap niya.

"Hmm."umiling siya. Napaupo na lang ako sa harap niya.

"Lola may pasok pa po ako e. Kain na po."pakiusap ko.

Dahan-dahan naman niyang binuksan ang bibig at isinubo ang kutsara.

"Ang galing."ngiti ko rito.

Nang matapos na siya kumain ay inahanda ko na ang gamit ko. Narinig ko ang munting hagikhik nito sa loob ng kuwarto niya. Sorry lola iiwan kita na naman ulit. Kahit ayaw ko kailangan ko kaseng pumasok. Dati ko pa ito ginagawa pero di talaga ako masanay.

Di ko alam kadahilanan ay di raw ako masusundo ni Bea o baka raw hindi siya makapasok. Nagtaka naman ako rito, siguro dahil iyon nakita niya kahapon. Di ko mawala sa isip, paano kung nakita ni Bea iyon nanyari sa music room ganon siguro rin ang mararamdaman niya.

Ayaw kong nakikitang nasasaktan ang kaibigan ko lalo't nag-iisang kaibigan ko na lang siya.

Pagkarating ko sa klase ay gulat ako ng makita si President doon sa upuan ni Bea na nakaupo. Sana hindi ako ang pinunta niya rito. Si Bea iyon tama. Ngumiti ako ng tipid at tumayo ito. Naramdaman ko na naman ang kabang iyon.

"Bea?"he asked.

Humarap ako rito. "Hindi ata siya makakapasok. Bakit?"pilit kinalma ang sarili, ramdam ko kase di ako makakatagal na kapagkausap siya.

Simpleng ngiti lang ang iginawad nito at lumabas na ng room. Napaupo at napasapo na lang ako sa dibdib ko. Ang kabang ito ata ang papatay sa akin e.

Bakit kaya niya ngayon tinatanong si Bea e. Nakita naman niyang nasasaktan yung tao dahil mahal siya nito. Umiling na lang ako sa iniisip. Baka kase gusto lang rin niya si Bea.

Tama gusto niya si Bea. Masakit sa dibdib pero totoo namanna gusto niya si Bea. Bakit ganon na lang ang pakiramdam ko kapag sinasabi ko na gusto niya si Bea.

"Tumigil ka na."

Munting bulong ko sa sarili.

Lunch na kaya naman ay andito ako sa canteen. Mag-isang kumakain. Napadako ang tingin ko kay Gordon. Tahimik lang itong kumakain, di nakikipaghalubilo kina Lincoln sa mga kalokohan nila… pero baka siya ang leader nila.

Napaiwas ako ng makita niya akong nakatingin sa kaniya. Kung kunin ko na kaya ang character details niya. Siguro ay magugustuhan naman ni Bea na gagawan ko sila ng istorya. Bagay sila.

Humugot ako ng malalim na paghinga bago itinanim sa isip ang,"Bagay sila."

Palihim kong sinundan sila este si Gordon lang para sa gagawin kong istorya. Kung ano ang ugali niya. Pero wala naman nakakasuklam dahil tahimik at ni bumuka ang bibig ay hindi. Ngunit sabi nga nila di lahat ng tao ay perpekto, iyon ang hinahanap ko.

Pero isang salita tahimik siyang tao.

"Sinusundan mo siya?"napatalon ako kaunti sa boses na narinig sa likod ko.

Pabalik-balik ang paningin ko roon sa kanila at sa kaniya.

"D-di ba andoon ka!"turo ko roon at mahininaan ang boses na. Nakuha ko kase ang atensiyon nila.

Naglalakad ako paalis roon at di ko namalayan na sinundan pala ako nito. Kanina pa pinipilit na gusto ko iyon.

"E… bakit mo sila sinusundan kung wala kang gusto?"tanong ulit nito.

Humarap ako sa kaniya. Napaatras naman ito gulat na nasa harap na niya ako.

"May gagawin kase akong istorya. Secret lang… Si Gordon ang naisip ni Bea na katambalan niya roon dahil gusto niya ito."paliwanag ko. Napatigil ito sandali habang ang mga mata ay nasa akin.

"Istorya. writer ka?"tumaas ang kilay niya.

"Oo, at pwede kitang gawin second leading man kay Bea roon. Gusto mo?"suggest ko rito.

Napatigil at napaawang lang ito sa sinabi ko at pinabayaan ko na lang siya roon. Nagtungo na ako sa room dahil may klase na.

"Talaga ba?"di makapaniwalang tanong ni Bea.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Kita ko naman na kumislap ang mga mata niya at napabilog ang bibig. Maya maya ay tumingin ito sa akin na nakangiti. Sana payag siya.

"OMG!!!"tili niya na nagpatakip sa tainga ko. Napapikit ako ng mariin.

Nabanggit ko rin na hinanap siya ni President.

Umalis siya sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa akin. Abot tainga naman ang ngiti.

"Kailan tayo magsisimula huh, kailangan ko bang umarte o gagawa ako ng eksena!"tili nito sa harap ko.

Napakunot ang noo ko. "Siyempre dapat normal lang nanyayari ang lahat para mas maganda pero…"napakagat labi ako.

Di pa alam ni Gordon ang gagawin kong story e. Paano kung magalit siya. Sana hindi.

"Pero?"kunot noo nito.

"Pero di pa alam ni Gor-Press. iyon."ngiwi ko, medyo napataas ang kilay ko sa inakto niya.

"Okay lang naman… don't worry, kapag naging kami ay sasabihin ko kaagad sa kaniya."nakahinga naman ako ng maluwag roon sa narinig.

Sana naman masabi na niya kaagad at ma-ging sila na. Hindi Tria maging masaya ka para sa kaibigan mo. Ngumiti ako ng pilit.

"Kaya tutulungan mo ako."masayang-masaya na ani nito.

Napatigil kaunti. Tria sa ikakasaya ng kaibigan mo. Wala ka naman nararamdaman doon. Bumuga ako na malalim na hangin.

"O-oo, t-tutulungan kita-"pilit akong ngumiti.

"Pangrako?"inilahad niya ang pinky promise niya.

"Pangako."ngiti ko. Nangangako ako Bea.

Niyapos naman ako nito. "Thank you very much my bestfriend, muaw!"

Napapikit ako ng mariin.

Bakit Tria? di mo siya magugustuhan, okay. Sa kaibigan mo siya bagay. Hindi sayo, hindi ka pwedeng umibig o magkagusto man kahit kanino. Stop your self Tria, stop your heart. Mas importante ang pangarap mo. Pipigilan ko hangga't maaga pa.

Ngumiti ako ng pilit.

Kaya ko naman talaga pigilan ang kaba kapag nakikita o katabi siya. Kaya ko pigilan ito, ang lahat.

"Go! Astoria. Achieve your dream."munti kong bulong sa hangin at pumorma ng kamao.

Binabagtas ko na ang bahay pauwi sa amin. Nang masilayan malayo mula rito ang bahay ay ngumiti ako abot tainga. Si lola siguro ay gutom na siya. Pagkapasok ko sa gate. Nanlaki ang mga mata ko na makita na nakabukas ang pinto. Andito ata si Tiya at di nga ako nagkakamali.

Nakaupo ito sa sala habang nanonood ng TV. Napatingin ito sa akin na kunot ang noo. "Wala bang magandang channel rito, pvta! Ang labo pati!"napaiwas ako sa binato niyang remote sa akin. Nahulog ito sa lapag at nagkahiwalay ang takip at nagkalat ang mga batirya.

Kaagad akong lumuhod para pulutin ito. "Kung wala po kayong magawa, umalis na po kayo rito. Masiyado po kayong maingay kay Lola-"napatigil ako nang marinig ko ang hagakhak niya na parang demonyo.

"Yung lola mo, haha. Lumayas na!"napatayo ako sa gulat sa sinabi niya.

Di ko na ito tinignan ay nagtungo na kaagad ako sa kuwarto ni Lola. Ganon na lang ang pagkabigla na makitang bukas ang pinto nito. Nakakalat sa sahig ang bagal na kadena at ang pan-lock na hati sa gitna.

Namalayan ko ang pagtulo ng mga luha. Si lola.

Bumalik ako sa sala. "N-nasaan po si Lola… saan mo siya dinala?!"naiyak kong sabi.

"G*go kang bata ka huh! Wala naman kuwenta iyan Lola mo-"nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang bibig nang pinutol ko ang pagsasalita niya sa isang sigaw.

"H-huwag ninyo pong sasabihin na… W-walang kuwenta si Lola!"buong lakas kong sigaw rito.

Lumabas na ako ng bahay. Wala akong plano ubusin ang oras para hanapin si Lola sa pakikipag-ayaw. Marahan akong napapunas sa pisngi. Binagtas ang pwede kung saan makikita si Lola.

Nakarating ako sa tindahan na lagi kong inuutangan ng ulam.

"Manang nakita ninyo po ba si Lola?"bungad ko rito.

Nakita ko naman ang pag-aalala niya sa mukha niya. "Ay.. nako iha pasensya na. Hindi ko nakit-"

Kaagad akong nagpaalam. "Sige ho…"umalis sa harap ng tindahan niya.

Napaupo na lang ako rito sa upuan rito sa seven eleven. Nilibot ko na ang buong bayan pero wala e. Wala, di ko nakita man o may nakakita kay lola. Napahilamos na lang ako sa mukha.

Tumayo ako at sisimulan ulit ang paghahanap. Doon kaya sa katabing bayan malapit sa gusto palaging puntahan ni Lola na plaza.

Pagkarating ko sa plaza ay wala akong naabutan na kahit isang tao. Tahimik ang paligid. Nagpunta na ako sa bayan na katabi nito.

Kinalabit ko iyon isang babae na nakasuot na pang barangay tanod ito at may kasama pa. Kinalabit ko ito.

"Ate may ankita ka bang matndang babae, na may hawak na panda na tedy bear, na parang bata ho magsalita?"sunod-sunod na tanong ko rito.

Nakangiti itong humarap sa akin. "Teka lang iha… sumama ka sa amin."nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Gabing gabi na pala at sa palagay ko.

"T-teka ho.. alam kong bawal na po lumabas ang mga minor sa hating gabi pero.. hinahanap ko po ang lola ko-"hinawakan niya ako sa balikat.

"Kalma lang iha, mukha kaseng yung lola mo iyon… dinala nang binata sa barangay hall namin."napatigil ako roon at nakahinga ng maluwag.

Sana nga si Lola iyon.

Sumunod lang ako sa kanila. Pagkarating sa barangay hall ay napakaripas ng takbo na makita si Lola. Hinaplos ang buhok nito at niyakap.

"Lola bakit ka po kase umaalis sa bahay."naluluha kong sabi rito.

Ang kulit ni Lola. Pilit ko hindi maiyak.

"Huwag ninyo na po uulitin huh."ramdam ko ang mainit na likudo tumulo mula mata ko.

Humarap ako sa mga brangay kagawad at tanod. "Maraming salamat po at nakita ninyo ang Lola ko."ngumiti ako sa mga ito at ganon rin sila.

"Pero iha, siya ang dapat mong pag salamatan."turo niya sa likod ko. Napatingin ako rito.

Yung buhok niya na may pagkakulot sa ibaba ay kitang-kita dahil sa pagkakatali nito. Ang sinkit na mata niya ay halos di makita sa pagngiti. Nakasuot lang siya ng black hoddie at short. Gordon?

Nanlaki ang mga mata, di makapaniwala. Ngumiti lang ito sa akin na lalong nagpasingkit sa mga mata niya. Naramdaman ko na naman ang kabang iyon. Pinigil ko ang hininga at ngumiti rito ng matipid. Umiwas ng tingin na mapansin tumagal ang pagtitigan namin.

"Salamat."pagngiti ko muli.

At dahan-dahan itinayo si Lola. "Uuwi na po kami. Lumalalim na rin po kase ang gabi."pagpapaalam ko.

"Gusto mo ih-"alam kong balak nila ihatid pa kami pero nakakahiya at maaabala pa sila. Umiling kaagad ako.

"H'wag na po. Maglalakad na lang po-"napatigil ako sa pag-imik ni Gordon.

"Ihatid ko na kayo."nakatayo na ito at nakapamulsa pa.

Iiling na dapat ako pero kaagad niyang inalalayan si Lola palabas ng pinto. Sinundan ko sila, napatigil kami sa isang sasakyan na kulay itim. Pinagbuksan ni Gordon ang lola ko ng pinto at inalalayan itong umupo sa loob rito.

Wala di ko na mapipigilan si lola, nakangiti ito habang iniikot ang paningin sa loob ng kotse. Tumingin sa akin ito at ngumiti. Isinarado niya ang pinto at binuksan ang pinto sa front seat katabi ng driver seat.

"Sakay na."malambing na aniya. Di ko alam pero sumunod na lang ako. Nakaramdam naman ako ng antok sa kotse niya dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa mga balat ko.

Napayapos sa sarili. Iginala ko ang tingin sa kotse niya. Nanlaki ang mga mata nang buksan niya ang pinto sa kabila at umupo sa driver seat. Bubuka pa lang ang bibig ko…

"Don't worry, i have my student license and your safe… with me."itinuon ko na lang ang sarili sa kalsada.

Kunot noo ako nang mapansin ang mga mata nito sa akin. "Your-"

Dali akong napatingin sa sarili, naka-uniform pa kase ako. "A.. pumunta kase ako sa bahay ni Bea tapos pagkauwi ko ay wala si Lola kaya di na ako nakapagpalit."dahilan ko kaagad.

Tumawa ito ng marahan. Napasandal ako ng lumapit siya sa akin at napapikit na lang. Nasa gitna na kase ako ng dalawang braso niya. Ramdam ko at humahalimuyak ang mabango nitong hininga.

Mabagal akong napamulat. Naramdaman ko kaseng wala na ang prisyensya nito. Napatingin ako sa sarili. Naka-seat belt na ako, ito pala yung tinutukoy niya. Muli kong itinuon ang sarili sa kalsada.

Namalayan ko na lang ang pagtigil ng makina ng sasakyan. Napatingin sa labas ng bintana. Nakita ko ang pagbaba niya at tinanggal ko naman ang pagkaka-seat belt sa akin.

Bumaba na ng kotse at namalayan na nasa tapat kami ng bahay.

"Salamat."napayuko ako sa paraan na pagtitig niya, nakakaakit. Hindi Tria walang nakakaakit roon.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan niya, nakita ko kung paano niya isinarado ang pinto gamit ang paa at nanlaki ang mga mata nang makitang…

"Kaya mo si Lola?!"gulat kong wika rito. Ngumiti lang siya at nauna sa pinto ng bahay namin.

Nanatili pa ako rito pero kaagad rin sumunod. Namalayan ko na lang na nasa sala na sila. Nakakahiya ang gulo at kalat pa ng bahay namin. Tumingin ito sa akin habang buhat-buhat si Lola.

Napaawang na lang ang labi ko. Di ko alam ang sasabihin. Nakakahiya.

"Kuwarto?"napatulala pa ako pero nang mataintindihan ang sinabi ay dali kong tinuro ang kuwarto ni Lola. Nakita kong pumasok siya roon at pagkabalik ay napangiti na lang na humarap sa akin.

"Salamat nga pala ulit."yuko kong sabi.

Sinilip ko siya nang mapansin iginagala ang mga mata sa bahay namin. Siguro ay hinahanap niya si Bea. Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib sa naiisip. Tria siya talaga ang gusto niya. Huwag ka nang umasa pa.

"Wala si Bea rito, hindi siya nakatira rito."andito naman kase ako-para sa lola ko. Nangako ako kay Bea. Pero di ko naman talaga siya gusto kaya bakit ako aasa.

Lumapit ito sa akin ay kaagad akong humakbang paatras. "Gabi na."tangi kong saad. Sana naman maintindihan niya iyon na dapat ay umalis na siya.

Lumabas na ito ng pinto at sumunod naman ako. Humarap ito sa akin. Napahikab ako dahil siguro ay malalim na ang gabi at napaunat pa ng braso.

Nakaawang ang labi, naiwan nakatayo rito habang habol tingin sa kotse niya, na tuluyan nang nawala sa paningin ko. Pilit iniisip kung tama ba ang pagkakarinig ko noon. Yung sinabi niya bago sumakay ng kotse…

"Goodnight, sweet dreams… together?"

———
'—'.

Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 213 59
May babaeng nag ngangalang Glaibell ay meron syang boyfriend at taon na din ang tinagal ng relasyon nila ng lalakeng yun kahit na sa RPW lang sila na...
20K 1 1
"Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted." Date started: November 4,2019 Date finished: June 13,2020
1.3K 111 33
*** Bilang isang panganay na babae na nasa wastong gulang na para mamuhay mag-isa at may maayos nang trabaho, pag-aasawa nalang ang hindi pa naaasika...
1.2M 46.3K 95
Meet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-s...