QUEEN SERIES #3: THE MILK TE...

By Gretisbored

26.1K 2.7K 458

She came to Edward's for their to-die-for milk teas. She never thought her secret trips to the store would br... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-EIGHT

510 60 16
By Gretisbored

Shane Andrea Juarez

I froze when I heard his words. Speechless rin si Taba. Napatanga kami sa kanya as he was telling everyone in the room that he was referring to ME when he said he wanted his special guest to be treated like a queen.

Ang malanding ex ni Thijs na ako ang sinisisi sa pagkakahiwalay nila ay natameme rin. Sa laki ng pagnganga niya'y maaari nang pumasok sa bunganga ang isang buong elepante.

I was more than flattered, of course. Grabe ang pagkalabog ng puso ko. Nag-init pa ang mukha ko sa sobrang excitement at embarassment na rin dahil pinagtitinginan na ako ng lahat ng nandoon, guests man o staff ng resort. Hindi ako magtataka kung nagmumukha na akong hinog na kamatis nang mga oras na iyon.

"Shanitot, narinig mo ang sinabi ng Micah mo?" kinikilig na anas sa akin ni Taba. Sinisiko-siko pa niya ako habang piril na pigil ang sariling tumili sa kilig.

"Magtigil ka. Huwag mo akong hiyain dito," anas ko rin sa kanya.

Nakatingin na ako kay Micah. Naka-side view siya sa akin. Inakala kong haharapin niya akong muli at sasabihan na mag-request lang ako kung ano ang gusto ko sa staff niya and my wish will be their command. Inasahan ko rin kahit papaano na may gawin pa siyang pa-surprise. I promised myself na kahit medyo dyahe, hindi na ako magpapatumpik-tumpik. I will accept his marriage proposal right there and then sakaling gawin niya iyon. But then, he simply turned his back and walked towards the pool side without saying anything directly to me. Ang excitement at happiness ko na hanggang langit ay bigla na lang bumagsak sa lupa. Nasundan ko pa siya ng tingin. Isang malungkot na tingin.

"Hmp! Malandi! Hindi lang pala si Thijs ang kinakalantari mo, eh!"

Sinulyapan ko lang ang ex ni Thijs at nagpahatak na kay Felina papunta sa inarkila naming cottage. Wala pa kaming limang minuto roon nang dumating ang dalawang orders na piña colada.

"We didn't order yet," sabi ko.

"Ano ka ba!" kinikilig na namang asik sa akin ni Felina. She was grinning from ear to ear. "Treat you like a queen, di ba?"

Ngumiti ang staff. At pinaliwanag nito na ang boss nga niya ang nagpahatid no'n sa amin.

"We also have some milk tea, ma'am, if you prefer milk teas." At binigay na sa akin ang menu na tinanggap ko naman agad. Oorder na sana ako ng wintermelon tea nang inagaw ni Felina ang menu at ibalik sa server.

"We are not drinking milk teas here! Ano ka ba? Cocktail o whatever na may halong alcohol lang ang pwede nating inumin dito."

I didn't argue with her. I simply smiled at the guy serving us at sumimsim na rin sa piña colada.

"Whoah! Sarap ng libre!" tumatawang bungisngis ni Felina. "How I wish nandito rin ang dalawang buntis. Ang saya sana natin!"

"Does he hate me? Ba't ganu'n?"

"Ang ano?" Napatingala sa akin si Taba mula sa paghuhubad ng suot na denim jeans. Naghalungkat na ito ng maipampalit na two-piece swim wear sa dalang bag.

Ako nama'y palakad-lakad lang sa cottage habang sumisipsip sa hawak-hawak na piña colada.

"Si Micah. Bakit ganoon siya? He didn't even talk to me."

"Baka nagpapa-hard-to-get. Ewan ko ba sa inyong dalawa. Pareho kayong pabebe!"

"Kung ikaw ang nasa katayuan ko. Kung ginawa sa iyo iyon ni JT Zaldua, ano ang gagawin mo?"

Pagkabanggit ko ng JT Zaldua, natigilan si Taba. Parang nalambungan ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Naalarma ako. I was so busy with my own worries and problems that I failed to keep track of what was going on with her life. Kapag kasama ko siya, lagi na lang mga alalahanin ko ang pinag-uusapan namin. Never akong nagtanong kung kumusta naman ang kanya.

No'n ko lang na-realize na matagal na nga palang hindi niya nababanggit sa akin ang poging life coach na iyon. Shit! I should have been perceptive and sensitive! Baka ayaw niyang pag-usapan namin. Baka sinaktan siya nang todo ng lalaking iyon. Balita ko'y kung kani-kanino iyon nali-link lately. For all I know, baka may katotohanan ang binabalita tungkol sa lalaking iyon.

"You don't need to answer, Taba," nakangiti kong sabi at inakbayan ko siya. Binaba ko sa mesa ang nangangalahating baso ng piña colada at nagbihis na rin ng pampaligo. Sabi namin kanina nang paalis ng Maynila, magsu-swimming kami agad habang maaga pa dahil mamayang hapon ay balak naming mag-island hopping. Gusto naming masilayan ang naggagandang bahay ng mga celebrities at politicians sa pinakatagong isla ng Batangas. Mararating lang daw iyon ng helicopter at yate pero matatanaw mula sa dagat.

Nagkaroon ng nakakailang na katahimikan sa pagitan naming magkaibigan. Nakapagpalit kami into a swim wear nang wala kaming kibuan. All white siya, at all blue naman ako. Tapos, nang papunta na kami sa tabing-dagat, ay bigla na lang humarap sa akin si Taba saka nagsabi ng, "May nangyari na sa amin ni Jokim."

Bigla akong natigil sa paghakbang. "Huwattt?!" I was shocked.

Ngumiti siya nang mapakla. "It was unexpected. Pero---hindi ko pinagsisihan."

Napanganga ako sa kanya. Hindi ko sukat-akalain na ang kaibigan kong mukhang walang libido sa katawan ay naunahan pa akong ma-divirginize. I was speechless.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Sabi ni Olezka, I should give her a cold treatment. Iparamdam ko raw sa kanya ang absence ko. Though I did not believe him at first, I ended up doing what he advised me to do. Ang sabi niya sa akin, maghintay lang daw ako ng ilang oras, o baka minuto pa at tiyak daw na si Shane na mismo ang lalapit sa akin at tatanungin ako kung bakit I want to make her feel special pero bigla naman akong dumistansya. Kaso lang, mukhang maghihintay ako sa wala.

Palihim ko siyang pinagmasdan habang nagtatampisaw sila ng kaibigan niya sa mababaw na bahagi ng dagat. She has developed into a very sexy woman. Noong una ko siyang nakilala sa store ko, siguro that was more than three years ago, medyo patpatin pa siya no'n. Maganda na siya noon pa, pero mas lalong gumanda ngayon. She has curves in all the right places now. Naging mas maumbok na ngayon ang kanyang dibdib at gumanda pa lalo ang hubog ng pang-upo.

Napangiti ako nang maisip iyon. Maumbok. Pang-upo. Pinilig-pilig ko ang ulo at pinigilan ang sariling mag-isip pa ng kung anu-ano dahil nararamdaman ko nang sumisikip ang aking pantalon. I felt so bad. And guilty. Pakiramdam ko'y isang manyak na stalker.

Mabilis akong lumayo sa dagat at dali-daling nagtungo sa private room ko na nasa ikalimang palapag ng hotel ng resort. Pero bago ko marating ang sariling silid, nagkagulatan kami ni Janice sa hallway. Hindi ko inasahang makikita siya roon, of all people.

"Micah!"

"Janice?! What are you doing here?"

She smiled sweetly at me. "Am I not welcome here? Ang cold naman ng salubong mo sa akin? Para namang wala tayong pinagsamahan niyan."

May galit na umusbong sa puso ko nang maalala ko ang ginawa niya sa mga sulat ni Shane noon. I felt like confronting here right there and then. Nagpigil lang ako. Wala ako sa mood makipag-usap kaninuman sa kondisyon ng katawan ko nang mga oras na iyon. Nais ko lamang marating ang banyo ko nang makapag-cold shower.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "You're looking a lot hotter these day, darling," at dinilaan niya ang kanyang lower lip. Tumingin pa siya sa ibaba. At lalong lumawak ang kanyang ngiti. She became even naughtier. Dinikit niya ang lowewr part ng katawan sa harapan ko. Napaigtad ako. Imbes na mapukaw ang pagnanasa ko, lalo pa akong nainis sa kanya. But then, I still gently grabbed her hands and put them to her sides before stepping away from her. Balak kong h'wag na siyang kausapin pa dahil baka hindi ako makapagpigil at kung ano ang masasabi ko. Siya ang dahilan kung bakit nainis at dumistansya sa akin si Shane.

"C'mon. Won't you even give me a peck on the cheek?"

Nang nasa pintuan na ako ng suite ko, nilingon ko siya. "Bakit pinakialaman mo ang mga sulat ko kay Shane? How hard is it to respect my privacy?"

Medyo namutla siya, pero mabilis siyang naka-recover.

"Who's Shane?" kaila niya. Walang emosyon sa kanyang mukha. Para lamang nagtatanong ng isang bagay na walang katuturan.

Tiningnan ko siya nang matiim. Nang sa tingin ko ay hindi naman niya aaminin ang kasalanan hindi ko na siya sinagot pa. I went straight to my room. I heard the doorbell rang. Dahil alam kong siya lang naman iyon, hindi ko na pinansin. Pinokpok niya ang pintuan ko. Dumeretso lang ako ng banyo.

**********

Shane Andrrea Juarez

Nakisali kami sa umpukan ng mga tinedyer na sumasayaw nang maharot sa mga Spanish dance tunes. Pakiramdam namin ni Felina, ang tanda-tanda na namin sa edad na dalawampu't tatlo-dalawampu't apat dahil ang mga nandoong girls ay 13-16 at ang daring na ng two-piece swimsuits! Parang slit na lang ng ano nila ang natatakpan ng manipis at hugis-tatsulok na tela. Karamiha'y flat-chested pero may mangilan-ngilan nang super-blessed pagdating sa dibdib. Ke maumbok ang dibdib o flat, kapiranggot pa rin ng tela ang tumatakip sa bahaging iyon ng kanilang katawan. Parang utong nga lang nila ang may takip.

"Pambihira itong mga batang ito. I feel like a virgin," anas ni Felina sa akin sabay hagikhik.

Paano ba naman kasi'y nakikipaglingkisan na ang iilan. Tingin ko, halos no'n lang tinubuan ng dede at sure akong wala pang mga pubes ang iba, pero hayun at nakikipag-dirty dancing na sa kasayaw ding tingin namin ay katutuli lang. Natawa kaming magkaibigan. Kung kanina'y nakikiindak kami sa awitin ni Shakira, bigla na lang kaming tumalikod nang may naghalikan nang mga young couples doon.

"Ate, Ateng naka-blue! Saglit lang!"

Napalingon ako. Sigurado akong ako ang tinatawag ng binatilyo.

"Ang ganda-ganda mo, Ateng naka-blue!" sigaw pa ng poging binatilyo. Lumapit ito agad sa amin pagkalingon ko. May inabot sa aking baso ng kulay ihing inumin. Amoy pa lang hindi ko na gusto. Pang-cocktail drinks lang talaga ang beauty ko. Nilayo ko ang mukha sa baso.

"Tikim lang, Ate. You will see. Lahat ng inihibitions n'yo tanggal!"

"Noy, sabi ng kaibigan ko ayaw niya sa inumin." At aagawin sana ni Felina ang pinagdudulan sa aking baso ng drinks nang bigla itong tinaas at inilayo ng binatilyo.

"I'm not talking to you, piggy!" asik nito kay Felina.

Nagulat kami pareho ni Taba. Sobrang shocked ni Felina para makapag-react. Pagsasabihan ko na sana ang binatilyo nang biglang namatay ang stereo. Kasunod no'n may mga staff ng hotel na sumaway sa kanila. May iilang parents na ring pumunta sa area na iyon at hinablot ang kani-kanilang dalagita at binatilyo. May nagprotesta, pero wala rin silang nagawa.

Hinamon naman ng guwapong binatilyo ang pamunuan ng resort habang winawagayway sa ere ang hawak-hawak na bote ng inuming may pangalang Alfonso. May umagaw sa bote sa kamay ng bata.

"Uncle Micah!" Medyo namutla ito nang mapagsino ang kumuha ng inumin nito.

Nagulat na naman kami ni Felina. Nagkatinginan kami at halos sabay na nag-anasan ng, "Uncle Micah? Pamangkin ni Micah?"

Binigay ni Micah ang drinks na naagaw sa pamangkin sa isang server ng resort at may tinawagan sa cell phone. Mayamaya pa, dumating ang pinsan nitong si Toby na tila galit na galit. Ang poging binatilyo ay nauna pang umalis sa lugar na iyon. Hinabol siya ng tingin namin ay ama niya.

Aalis na rin sana kami roon nang nilapitan kami ni Micah para ihingi ng paumanhin ang ginawa ng kanyang pamangkin sa pinsan.

"Wala namang nangyari," sabi ko.

Binalingan nito si Felina. "I heard what he said to you. And I apologize on his behalf."

Tumangu-tango si Taba saka pinisil ang kamay ko. Sumenyas siyang mauuna na. Bago pa ako makapagsalita ay dali-dali na itong lumayo papunta sa cottage namin. Nalito ako kung ano ang gagawin. I felt so uncomfortable standing in front of Micah nang halos walang saplot. Ang conservative na two-piece bikin na suot ko ay nagmistulang parang band-aid na lang sa pakiramdam ko. Na-conscious ako bigla sa harapan niya. Lalo akong nahiya nang makita kong pinasadahan niya ng tingin ang aking kabuuan at napadila pa ng lower lip.

"It seemed like you were enjoying yourself," panimula niya. He sounded awkward. Naka-loose shorts siya ng kulay itim at T-shirt na puti. Mahaba naman ang naturang shorts, pero labas naman ang balahibuhing hita't binti. Mga dalawang pulgada kasi ang taas nito sa kanyang tuhod.

"Ang saya naman," sagot ko. Awkward din.

Tumangu-tango siya. Naglakad-lakad kami sa dalampasigan.

"How have you been?" bigla na lang niyang itinanong at yumuko siya para kumuha ng bato at hinagis sa tubig. Nag-skip iyon ng tatlong beses bago tuluyang lumubog.

"Mabuti."

"Any good news about job hunting?"

Napalunok ako. Siyempre, hindi ko aaminin sa kanya na simula nang i-decline ko ang offer ng company nila ay bihira na akong nakakakuha ng interviews. At lahat ng napuntahan kong interview ay hindi naging successful. Minsan nga naisip kong baka may kinalaman sila roon. Pero sa isang banda naman naisip kong hindi naman siguro ako ganoon ka importante para habulin pa nila.

"I decided to---not pursue advertising for a while. Gusto kong sundan ang yapak nila Mommy. Pero imbes na restaurant ay balak kong magtayo ng isang ---coffee or milk tea shop," bigla ko na lang nasabi. The moment I uttered those lies, kinutusan ko ang sarili in my head. But then, when I realized what I blurted out, naisip ko ring, why not? Bakit nga hindi ko subukan?

"Really?" namilog ang mga mata niya. He seemed excited at what I have just said. "Kung hindi mo mamasamain, I can help you out. Baka gusto mong mag-training muna sa coffee or milk tea shops namin? We need a manager for our milk tea shop in The Fort."

Napakurap-kurap ako. The idea excited me. Napasulyap ako sa kanya. Mukha namang hindi siya nagbibiro. A part of me wanted to grab the offer right there and then, pero another part wanted me to think it over. Baka mapasubo ako. Ang alam ko kasi'y pang high end ang mga shops nila.

"Hindi kita mamadaliin. Think about it, okay?"

Tinapik-tapik pa niya ako sa balikat. Napatingin na naman siya sa akin. His gaze was warm. Parang may something. Walang humpay tuloy sa pagkalabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko nga ay naririnig din niya iyon.

"Alam kong hindi mo pinapaniwalaan noon ang sinabi kong may ibang nangialam sa mga pinadala mong sulat at cards. I did not simply turn my back on you, Shane. At ang sinabi mo sa isang sulat doon na you were so over your ex already when we were at Pizza Hut that night---na you were already falling for another guy—Do I know him?"

Nanuyo ang lalamunan ko. Dapat may ready na akong sagot dito, eh. Ilang beses ko na kasing in-imagine ang ganitong eksena sa isipan, subalit nang mga oras na iyon ay na-blangko ang utak ko. Ni hindi ko mahanap ang dila ko. Bigla akong natameme.

Continue Reading

You'll Also Like

56.8K 2K 54
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...